Waves of Memories – Kabanata 33

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 33

Kabanata 33
Rude

The days flew by dreamily. Walang araw na nakaramdam ako ng pagod sa trabaho kahit na madalas ay sobrang dami ng nakahilera.

Even at work, I can’t help but take a peek at my phone for Ali’s messages.

Ali:
I’m in a boring meeting. What are you doing?

Seryoso si Penny sa mga itinuturo niya sa akin. I know I should be concentrating but I guess it won’t hurt to play a bit, too.

Ako:
Work. I can’t text much. Penny is just beside me teaching me how to do things.

“Hay naku! Ilipat ka na lang kaya sa kompanya nila, ‘no?” natatawang sinabi ni Penny.

Umismid lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Of course, I don’t want my colleagues to think that I’m being treated special here. Malaking tulong na nga sa akin na pinapasok muli ako pagkatapos mag AWOL, nagpapaespesyal pa ako.

Almost every night, bumibisita si Ali at Ethan sa linggong iyon. Hindi naman nagtatagal dahil may pasok pa kinabukasan.

All we actually do is watch TV. Awkward kaming nakaupo ni Ali sa sofa samantalang ang dalawa ay naglalampungan sa isang couch.

Friday that week, I’m beginning to worry about the upcoming weekend. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumabaliktad ang sikmura ko tuwing naiisip na pupunta talaga ako sa event na iyon.

“Thraia…” tawag ni Penny na kagagaling lang sa labas.

Inikot ko ang computer chair ko at nilingon siya. She looks serious as she approached my desk.

Nang nakalapit ay hinawakan niya ang likod ng silya ko at ang aking desk. She bended a bit.

“Ivo is outside waiting for you…” she said.
“Huh?”

Napatingin ako sa aking relo. It’s only past two! Maybe he’s asking for a bit of time before he goes on with all of his works? Hindi ko alam.

Nakakunot-noo kong tiningala si Penny. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagpapaliwanag sa akin.

“He asked me if I could let you out earlier than usual so you two can prepare for the gala launch that’s going to happen tomorrow. Well, I can surely cover for you pero pag nagpaalam tayo kay Ethan, malalaman agad iyon ni Ali. Unless I tell Ethan to keep quiet?”
“Why do I need to be out earlier than usual? Paano ang trabaho?” tanong ko.
“Kausapin mo na lang si Ivo. But if that happens, kailangan nating magkaliwanagan muna. Should I tell Ali that you’re with Ivo or not?” tanong niya.

Pakiramdam ko ay pangit tingnan na si Penny pa talaga ang magsasabi ng ganoon kay Ali.

“Ako na ang bahala kay Ali…” sabi koat tumayo na.

I went out of the office. Nakita ko si Ivo na nakaupo sa sofa ng tanggapan. Nang nakita niya ako ay tumayo agad siya.

“Hi!” he smiled.
“Hello! Uhm… Wala kang trabaho?” I asked.
“I asked for a half day since tomorrow is a bit big.” Naglahad siya ng braso na tila gusto akong yakapin.

Pinagkasya ko ang sarili ko sa kanyang braso at niyakap siya pabalik. Sandali lamang iyon at nagharap agad kami.

“So…” he smiled widely as he scanned the whole reception. “Penelope can surely do something about your early out. Let’s go?”
“Huh? Uhm…” napahawak ako sa batok.

Hindi naman sa ayaw kong sumama sa kaibigan ko. I just don’t want to use the power of my friends just so I can get away with anything. I don’t want a special treatment.

“Ivo, my work might pile up and I don’t want that to happen…”
He nodded.
“Lalo na dahil hindi ako makakapag overtime ng punta rito bukas dahil sa gala launch. Can I finish everything first?”
“Sure! Then I guess I’ll have to wait here?” tinuro niya ang sofa.

Hindi ko alam na hindi pala maganda ang naging desisyon ko roon. Hindi ko alam na hindi pala mapapanatag ang loob ko habang nagtatrabaho at nag-aantay si Ivo sa akin sa reception.

Nang nag alas kuatro ay nagpaalam na ako kay Penny. Wala rin naman kasi akong nagagawang trabaho dahil sa kakaisip ko sa pag-aantay ni Ivo.

When I got there, I saw him reading some magazines. Nang namataan niya ako ay agad niya iyong itinabi. He patiently waited for me.

“What are we going to do?” tanong ko nang nakalapit.
He smiled. “You’re done?”
“Oo. Natapos ko na ang trabaho ko para sa linggong ito.”
“Mabuti. We’ll just have dinner and shop for a few things…”

Tinanggap ko ang alok niya. Hindi naman iyon masama at isa pa, siya ang magiging kasama ko bukas sa party kaya dapat lang na mag-usap kami tungkol doon.

We headed for the nearest mall. He wants me to buy some accessories that would match my clothes tomorrow.

“I thought you don’t have a dress yet. Mukhang excited ka ah?” tukso niya sa akin.
“Hindi naman, Ivo. Ayaw ko lang ng napapahiya ka dahil sa akin…”

Napawi ang ngiti ni Ivo at hinarap niya ako.

“Aia, hinding hindi ako mapapahiya dahil sa’yo? Bakit mo naisip iyan?”

Hindi ko naman sinadya na maging ganoon ang tono ko. I’m not throwing myself a pity party. I’m just telling him what I sure think.

If I don’t dress well, people will talk about me because of that. Mas mabuti nang wala silang mapuna sa akin na kahit ano. Just blending in with the crowd or something.

Hindi ako namili ng kahit ano kahit na pinipilit niya ako.

“A jewelry won’t hurt, Thraia…” pilit niya nang nasa harap na kami ng mga diamond necklace.

I refused his offer to buy me anything.

“I’m fine, Ivo. I have a few things on my closet way back home.”

Inabot pa kami ng alas sais bago siya tuluyang sumuko sa pag-ooffer sa akin ng mga alahas o kahit anong pandagdag sa susuotin ko bukas.

We were both tired so we decided to eat at a restaurant.

The place is cozy and elegant at the same time. May band na nagpi-play ng instrumental music at napapaligiran kami ng series lights na, bukod sa kandila, ay siyang tanging nag sisilbing ilaw sa aming dalawa.

Pinagmasdan ko si Ivo habang iniikot-ikot niya ang kanyang daliri sa bibig ng wine flute. We are waiting for our food to be served. The cold wind made me shiver… ganoon din ang nangyari sa apoy ng kandila.

“I really can’t wait to propose this project to Kuya Uriel. It’s for the benefit of the company…” wala sa sariling sinabi ni Ivo.

Hindi ako nagsalita. Bukod sa wala akong alam tungkol sa kompanya nila, masyado rin akong nalulong sa pag-iisip ng tungkol sa kanya.

Ivo likes to please his father. The reason why he’d follow everything his father wanted. To know that the man you respect the most trusted someone else other than you, must’ve bruised him a lot.

“Though, I am not sure if he’ll support me since he’s not anymore part of MERC.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Si Kuya Anton ang may hawak ng kompanya ngayong ayaw niyang magpalakad, ipinaubaya niya na kay Ali.”

I know now why i liked Ivo so much. Why I wanted to choose him over and over again. Without a doubt.

Ivo is a complete reflection of a man so real. Namulat ako sa totoong buhay – na hindi lahat madali… na mas madalas ang mahirap. That it’s not like the movies. There’s no happy ever after. There’s just life and the constant changes.

I want to assure myself that I can be as real as I can be. That I will choose Ivo because I like him and later on, I will choose him again to prove how much I know about the reality. That reality will never ever stay the same. That I can like someone now and like them less the next years… and change that feeling into brotherhood and friendship in the next more years.

Iyon ang gusto kong panindigan sa sarili ko. Iyon ang gusto kong piliin. Dahil alam ko iyon ang totoo. Dahil alam ko, ang paghahangad ng pag-ibig na walang kakupasan ay tulad lang ng paghahangad na tumigil ang hampas ng alon sa dalampasigan – walang silbi at walang pag-asa.

“Thraia,” his eyes met mine. “Years ago, it’s not hard to tell that something is going on with you and Ali.”

Hindi ko alam kung saan siya patungo pero sukat sa sinabi niya’y pakiramdam ko masasaktan lamang ako.

“At ngayon, alam ko na naguguluhan ka parin sa lahat ng nangyayari dahil lamang sa kasinungalingan niya at sa lahat ng ginagawa niya sa’yo…”
“Ivo, this should not be about this-”
“No, Aia. Gusto kong malaman mo na alam ko ang lahat ng ito. Hindi ako nagbubulag-bulagan sa lahat ng nangyayari. The main reason why you can’t immediately say yes to my offer is because of him.”
“Ivo, wala akong maalala. I don’t completely remember what happened years ago. Everything is confusing. They don’t connect. Ayaw kong magpadalos dalos sa mga magiging desisyon ko…”
“Alam ko rin iyon. But I am not lying when I told you that you left Manila because of him. I don’t know what happened but I think he broke your heart. We were bound to meet at Costa Leona. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi kita pababayaan…”

I anticipated some hurting but it didn’t came. Natulala ako sa pagkain habang patuloy si Ivo sa pagsasalita. I need to remember! I must remember everything! I have to know!

“Nabulag ako sa mga pangarap ko para sa aking sarili at para sa kompanyang gusto kong alagan. You were also busy with making your life on your own. I don’t like that. I want to pursue my dreams with you but if doing that will mean caging you, I can let you go. We were both clear on that. That’s the most mature thing I did to our relationship pero hindi ko alam na iyon din ang magiging dahilan ngayon…”

Kinagat ko ang labi ko. I don’t know what he is talking about. It’s like all the puzzle pieces on the sides were already formed pero ang pinaka importanteng nasa gitna ay nawawala. At hinding hindi ko malalaman ang larawan na tinutukoy niya kung hindi ko mahanap ang mga nawawalang piraso.

“If I have known that letting you go will mean this complicated between us, sana ay hindi ko na ginawa noon. Sana ay naging mas madali sa’yo. Sana… ay hindi na na nahirapan. At sana dumiretso ka na lang sa pagpili sa akin…”

My eyes widened at what he just said.

“If I have known that you’d choose me in the end, after letting you go, sana ay hindi na lang kita pinakawalan pa. Sana ay pinilit na lang kitang sumama sa akin imbes na habulin ang mga pangarap mo…” dinig na dinig ko ang pagsisisi sa kanyang boses.

Nanuyo ang lalamunan ko. I can’t believe that my head didn’t throb a bit and I still couldn’t remember anything. This is the trigger I’m waiting at tila naupos na sigarilyo ang aking utak dahil ayaw niya nang patulan ang kahit ano.

“I cannot wait for you to remember everything, Thraia. You should. So we won’t have to waste time playing these games…” he said.

Nawala ang gana ko sa pagkain.

Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon.

Did I choose him? Base sa sinabi ni Ivo, parang iyon nga ang nangyari. But then… I want proof! I want my memories back! I don’t want to believe immediately! Kahit gaano pa iyon ka makatotoohanan!

Ayaw kong maniwala dahil natatakot ako. Natatakot ako dahil sa ngayon, iba ang pinipili ko.

It was a quiet night. Ivo remained quiet, too, as soon as we left the restaurant. Nang nasa sasakyan niya na kami at bumabyahe na ay wala rin kaming imikan.

Ni hindi ko namalayan na nasa basement parking na pala kami ng condominium ni Penny. ‘Tsaka lang ako nabalikan ng ulirat nang tumigil ang kanyang sasakyan.

“I’m sorry for saying everything tonight. I just don’t want to regret anything anymore, Thraia…” he said softly.

Nilingon ko si Ivo. His sorrowful face told me how much he detest the past. Kahit kita ang dimple niya, ramdam ko parin ang hinagpis niya.

I feel for him. I can feel his pain. Hindi nga lang ako makapaniwala na walang katumbas ng sakit ang pwedeng makakapagpapili sa akin ngayon. Sadyang wala.

Laking gulat ko na lamang nang kinalas niya ang kanyang seatbelt. In a swift motion, he pushed my jaw towards his face. He locked my cheek just so our lips would touch.

Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan siyang banayad akong hinahalikan. Magsasalita sana ako but his kisses kept on coming… wanting to enter the realm of my mouth.

I withdrew a bit. Tumigil siya ngunit hindi siya lumayo. Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi. His lips were wet and very red.

“I have to go now…” napapaos kong sinabi.
He nodded and then tumuwid siya sa pagkakaupo.

Walang pasabi kong kinalas ang aking seatbelts.

“I’ll pick you up tomorrow. I’ll just call…” sabi niya habang hinihilot ang sentido.
Tumango ako. “I’ll wait…”

Pakiramdam ko ay naramdaman niya ang pagkakaatat kong lumabas ng kanyang sasakyan. Umikot pa ako para makapunta sa elevator. Mabilis ang aking paglalakad para lang tuluyang umabot sa walang taong lift.

The door slowly closed. Tulala ako nang biglang may pumigil sa pintuan.

Halos dumikit ako sa malamig na dingding nang nakita kung sino iyon. Ali’s face is kind of dim and weary.

“A-Ali…” nanginig ang boses ko.

Quickly, I remembered how Ivo kissed me. Guilt crept in my insides. Pero pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na wala lang iyon! Na hindi ko kailangang ma guilty dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari… but then, my conscience just won’t leave me.

He’s wearing his usual white longsleeves folded to his elbow, black slacks, and shoes. Hindi matanggal ang mga mata ko sa kanya samantalang siya ay diretso ang tingin sa pintuan ng elevator.

“Kakarating mo lang? O…”

Hindi ko alam kung paano siya tatanungin. Wala siyang sinasabing kahit ano sa akin and I find it odd!

“I left some things in your condo. Babalikan ko lang…”
“Oh? So kanina ka pa?”

Hindi siya sumagot doon.

Tumunog ang elevator, hudyat na lalabas na kaming dalawa. Nauna siya sa paglabas. Mabilis ang lakad niya patungo sa unit. Halos habulin ko siya.

Mas lalo lang tuloy akong naguilty! Is he mad? Oh shit! I forgot to text him! It’s just eight in the evening! Did Penny tell him? O nakita niya? What?

Nanlalamig na ako nang kumatok siya sa pintuan at binuksan naman agad ni Ethan. Kitang kita ko ang pagkakagulat sa mga mata ni Ethan nang nakita niya kaming magkasunod na pumasok.

Ali found some of his things on the coffee table in front of the television. May necktie niya, wallet, at ilang papel.

“Ali…” tawag ko.

Kumakain si Penny ng ice cream sa counter. Kitang kita ko ang pagkakatigil niya sa pagkain nang narinig ako.

“Ethan…” her voice is loud and clear.

Pareho kaming napatingin ni Ali sa kanya. Penny pointed at their room. Tumango si Ethan at agad nakuha ang sinabi ni Penny.

“I’ll go home now. I have some important things to do…” pormal na sinabi ni Ali sa akin.

Halos manginig ako sa lamig na naramdaman ko sa kanya nang sabihin niya iyon. He sighed and saw that he’s trying to make everything a bit lighter.

“May mga hindi ako natapos sa opisina…” dagdag niya.
“Oh… Okay…” sabi ko at nagpatalo na lang.

Pakiramdam ko, may mali. Pero ayaw kong abalahin pa siya. Ayaw kong magdemand ng oras sa kanya lalo na’t hindi naman siya madalas ganito… hindi naman siya madalas nanghihingi ng oras para sa kanyang mga ginagawa sa akin. Ngayon lang talaga…

Tinalikuran niya ako at tuluyan nang nagtungo sa pinto. Habang nakikita siyang naglalakad patungo roon ay nanlalamig ako lalo. Parang kinukurot ang dibdib ko. Sa kaibuturan ko, alam kong may mali. Ayaw ko lang talagang magkamali at isipin niyang nanghihingi ako ng malaking oras sa kanya.

“Uhmmm…” I want to call him but I couldn’t.

And even with that, he closed the door between us without hearing my supposed delaying tactics. Damn it!

Para akong magmamarathon nang tinungo ang pintuan. I saw him turn right for the elevator at agad kong tinakbo iyon.

“Ali!” I called. Though not enough for him to hear me.

Nakapasok na siya sa elevator nang lumiko ako. Two tall and socialite girls went inside the elevator too.

Nang naharap ko na ang elevator ay nagulat si Ali nang nakita ako. Pero huli na iyon… pasarado na ang pinto! Iniisip kong iipit ang aking kamay sa pinto para lang makaabot ngunit nang nakita kong kausap ni Ali ang dalawang babae na parang wala lang ay nagbago ang isip ko.

Stunned and feeling stupid, nanatili akong nakatayo roon habang unti-unting sumarado ang pinto. Nakita kong nagbago ang ekspresyon nI Ali nang namataan niya ako sa labas ngunit huli na ang lahat. Sarado na ang pintuan!

Bumagsak ang mga mata ko sa sahig at nanatili akong nakatayo roon.

The stabbing pain on my chest won’t stop hitting me and there’s nothing I can do but stay there and feel it.

Napalunok ako nang tuluyang napagtanto kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

It’s different. It’s something that scares me. It’s the unknown… the supposedly myth… the opposite of reality. My feelings for him make me high. My feelings for him take me up above and it scares the shit out of me. I want the concrete pavements. I want my feet to step on the concrete pavements, the sure wins, the sure constants… and Ali is an example of something high… something that would take me above the concrete pavements, making my feet look for stillness and safety!

Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya kaya.

Tears fell down my cheeks as I realize that even without my essential memories, I have developed something deep for him. And memories be damned, if I didn’t choose him before… well, I am surely choosing him now!

Tumunog ang elevator. Pakiramdam ko sobrang tanga ko at nanatili ako sa harap nito.

Pinalis ko ang luha ko at tatabi na sana sa posibleng lumabas pero nang bumukas ang elevator at nakita kong mag-isa si Ali sa loob ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

His jaw clenched and then he went out of the elevator.

“A-Ali, I’m sorry. I-I was with Ivo for dinner… Hinatid niya ako rito. H-Hindi kita na itext dahil nag-usap kaming dalawa…” dire diretso at nanginginig kong sinabi.

Nakakunot ang noo niya. The seriousness of his face told me so many dangerous things…

“W-We were there for dinner. Nag-usap kami tungkol sa mga-mga plano niya…” hindi ako magkanda ugaga sa kaka explain sa kanya sa nangyari.
Nanatili siyang nakatayo roon, pinagmamasdan ako.
“He o-offered me jewelries for tomorrow but I refused…”
“He kissed you, and you didn’t…” he said coldly.

Natigil ako sa pagpapaliwanag. Our eyes met. His dangerously piercing eyes sent shivers down my spine. The way he played with his jaws told me that he’s up to no good and I am going real down!

Ngumiwi ako. I surely can’t deny that!

“I was caught off guard. I didn’t want his kiss…” maliit ang boses ko nang sinabi ko iyon.

Hindi siya umimik. Bumaba ang mga mata ko ngunit nang naramdamang hindi siya natinag sa sinabi ko ay binalik ko ulit.

“I swear…” sabi ko, halos hilahin ang kanyang braso para maniwala siya.

Ni hindi ko na namalayan na nakahawak na ako sa kanya. Trying to reach him to inform him that it’s all just nothing to me!

“Ali, he’s just a friend. I-I’m sure you know that-”
“Then what am I?”

What? Well…

Naibaba ko ang kamay ko sa tanong na iyon. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon. Like he’d go back to that frigging elevator if I said something wrong!

Nanghina ako habang unti-unting napagtanto sa sarili ko. I am willing to lift my feet up… leave the concrete pavement and advance to an unknown journey. Isang walang kasiguraduang bagay na kaya kong sumugal.

“Don’t answer that. I’m sorry…” he said, this time calmly. “I’ll send you back to your unit. You shouldn’t be out anymore…”

Umamba siyang maglalakad na patungo sa unit namin ni Penny pero hinila ko siya pabalik. Don’t stop me from answering that!

Bumaling muli siya. Nanatiling malamig ang kanyang titig.

Hinila ko ang kamay niya, mas lalong palapit sa akin. Nakita ko ang munting pagkagulat niya sa bigla kong ginawa.

“Please…” I begged so he’d let me pull him closer.

His eyebrow shot up and then he stepped closer.

“You don’t have to answer that question now, Thraia. I was just…” nag-isip siya ng ilang sandali. “Kalimutan mo na lang iyon. Mas mabuting magpahinga ka na…”

Nilagay ko ang aking index finger sa kanyang labi. Tumigil siya sa pagsasalita at nawala ang lamig sa kanyang ekspresyon. All I see is his surprised expression.

If only Ivo didn’t kiss me tonight, I would’ve kissed you, Ali.

Umiling ako. Hinawakan niya ang aking kamay at unti-unting binaba. Nanatiling magkahawak ang aming mga kamay.

“Wala akong naaalalang pinili kita noon, pero ikaw ang pipiliin ko ngayon…”

Slowly, he bit his lower lip and then suddenly he looks so pained. Ilang sandali siyang nanatiling ganoon. Nakapikit ng mariin, tila pinoproseso ang lahat. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak ng aking kamay at hinila niya ako palapit sa kanya.

“Come here…” he whispered gently.

Hindi niya na kailangang mag-utos sa akin ng ganoon. I would definitely come to him!

Lumapit ako sa kanya. He lifted my chin just so his lips would reach my ear.

“I’m sorry for being rude. I’m never really kind when I’m jealous…” he whispered.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.