Waves of Memories – Kabanata 32

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 32

Kabanata 32
Remember

Punong puno ng init ang aking psuo habang unti-unting lumalapit sa kanya. He held out his hand, hoping for me to reach it but I didn’t.

Nang tuluyan na akong nakalapit ay tumigil ako sa kanyang tapat. He reached out for my hand. I felt his fingers caressed my ring finger… tila ba pinapawi ang kung anong sakit ng pagkawala ng isang bagay na dati’y naroon.

And then he pulled me closer… down to his thighs so I can sit on them.

Ikinulong niya ang aking braso gamit ng kanya.

Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan ang seryoso niyang mukha. I can’t believe he can stay serious with our position right now! Nakaupo ako sa isang hita niya. Pinagsasalikop niya ang aming mga daliri.

Bakit ang bilis kong matunaw? Bakit ang bilis kong magpasuyo pagdating sa kanya? Bakit kahit na inis na inis ako at nagtatampo, kapag sinusubukan niya akong suyuin ay para akong umuuwi palagi sa kanya?

“You smell like some sweet wine. Did you drink?” he murmured.

Ngumuso ako at mabilis na nagsisi kung bakit pa ako lumapit. I hope I only smell like wine. Samantalang kahit hubad siya ay naaamoy ko ang kanyang mamahaling pabango!

“We had a few drinks… After shopping…” sabi ko.
“You bought new clothes?” parang hinihele ako ng boses niya.

Bakit parang gusto niyang magkwento ako sa araw ko ngayon? And why is my anger suddenly disappearing?

“Konti lang naman…” sabi ko.
“You bought clothes for the gala launch?”

Now that he brought that up… i remember what I’m mad about. Bumaling ako sa kanya. Nagtaas siya ng isang kilay, like he’s expecting me to retaliate.

“Yup… Ivo invited me to go with him…” may panunuya sa tono ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. His jaw slightly clenched.

“Then… I should go. Hindi sana ako sasama…”

I rolled my eyes at that. Hindi sasama? He’s the CEO of their company. Kung mayroon mang dapat sumama sa mga ganyan, siya dapat iyon.

“I’m used to you rolling your eyes like that… And not believing what I say…” sabi niya.
“Paano ako maniniwala? You are the CEO of MERC. Tanga na lang ang maniniwalang ‘di ka dapat pupunta sa event na iyon…”
“I cleared my sched for that weekend for us, Thraia.”

Umismid ako roon.

“Bakit? Anong gagawin natin?” nagtaas ako ng kilay.
“Anything you like…” malamyos ang kanyang boses.

Now… that sounds tempting. But of course I won’t fail Ivo, right?

At teka nga… Bakit nagpapabilog na naman ako sa isang ‘to kahit na may babaeng halos iharass ako kanina para lang maniwala ako sa kanyang manloloko si Ali?

“Naroon si Lynea, ‘di ba?” sabi ko.
Ngumuso siya, nakikitaan ko ng pagpipigil ng ngiti. “I’m not sure. Are you interested about her?”
“What?” iritado kong tanong.
“You keep on saying her name so-”
“Ewan ko sa’yo!” tatayo na sana ako pero hinila niya ako pabalik.

He chuckled and then locked me tighter in his arms.

“I’m kidding. I’m not sure if she’ll be there but… there’s a big chance.”

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Gusto kong magalit dahil pupunta ngang talaga si Lynea roon pero kung malaman ni Ali iyon, ayaw kong isipin niyang masyado na akong nagiging makasarili. She’s one of the board. Of course she’s going to be with Ali! Of course, it’s all about the company! Of course, hindi maiiwasan iyon! Telling Ali to remove her will only show my childish and irrational mind. No, thanks!

“Maliligo muna ako…” sabi ko sabay tulak sa kanya.
“Okay… I’ll shower, too…” he sounded too soft that I had to see his face.

A playful smile rose on his lips. Matalim ko siyang tiningnan.

“After you, of course…”

Hindi mawala sa isipan ko kung may nangyari na ba sa amin ni Ali noon. Kahit noong nagsha-shower ako. I guess, I won’t have answers from Penny. She concluded that my relationship with Ali is all hate. Walang may alam sa katotohanan kundi ako.

What if wala naman talaga kaming relasyong ganito noon? What if I’m just actually with Ivo?

Does the heart change when memories are forgotten? Does the mindset change if some fragments are missing?

Nakahiga na ako sa kama. Gusto kong matulog na habang naliligo pa si Ali pero hindi ko mapikit pikit ang mga mata ko.

Tinitingnan kong mabuti ng tanline na iniwan noong singsing sa aking daliri. It’s now on my drawer.

Noong bata pa ako, I’ve always liked Ivo. He’s a true gentleman. I’ve never heard him breaking a girls heart because of his lies. Hindi siya kailanman naging mapaglaro sa feelings ng ibang tao.

Ali, on the otherhand, surely played other people’s feelings. With all those girls he had flings with, I’m pretty sure marami sa kanila ang nahulog ng tuluyan sa kanya. It’s not hard to fall for him…

Pinikit ko ng mariin ang mga mata dahil sa huling naisip.

And with all those girls, how different am I? Kung sinuko ko nga ang sarili ko sa kanya, anong pinagkaiba ko sa mga babae niya? The old Thraia must be a fucking idiot for doing that!

I can’t blame myself though… He’s… just… too… darn… well…

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Ali na ngayon ay nakatapis ng puting tuwalya. He has an overnight bag on his Aston Martin. Makes me wonder how often he usually goes overnight with his other girls. That thought bothered me. Parang may kaonting kurot sa aking puso.

Nanatiling pikit ang mga mata ko habang nararamdaman siyang nagbibihis. After a few minutes, umuga ang kama sa tabi ko hudyat na naroon na siya. Umusog ako ng konti para mabigyan siya ng espasyo.

The scent of my soap on him sent shivers down my spine. Why does it smell so good on him? I can’t even smell it on myself!

Dumilat ako at tiningnan siya. Nakaharap din siya sa akin. Sobrang lapit naming dalawa. We were like this in Costa Leona but I really didn’t pay much attention on everything around us. I wonder if he did… all those times. And I wonder how he feels that I don’t really give any damn with him.

Pinikit kong muli ang mga mata ko. Sinubukang matulog. He didn’t move. He stayed like that. Nang napagtanto kong ‘di talaga ako makatulog ng ganoon ay dumilat muli ako.

“Is… this your first time sleeping in my room?” tanong ko.
“Yes…”

Oh? Tumihaya ako at pumikit muli. This is the first time. I assumed too much. Nothing happened between us. This is nothing serious for sure!

“But the pillows in my room smells like your hair…” he whispered gently.

Napadilat ako roon. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako sa sinabi niyang iyon.

Ilang minutong katahimikan pa ang nangyari bago ako tuluyang hinila ng antok. Alcohol and exhaustion made me sleep well.

Hindi ako sigurado kung anong oras din natulog si Ali gayong nang nagising ako ng alas singko ng umaga, mahimbing parin ang kanyang tulog.

Slowly, I went out of my room to check if I can cook some breakfast. Hindi ako inosente. Paniguradong pagod si Penny ngayon kaya walang ibang magluluto kundi ako. May mga bisita pa kami kaya hindi pwedeng pabagal bagal.

Laking gulat ko nang pagkalabas ko ay nasa kusina na si Penny! She’s brewing coffee and her hair is up, perfectly.

“Oh! Good morning! Nakatulog ka ba o hindi ka makatulog?” she smiled.
“Nakatulog naman ako…”
Makahulugan niya akong tiningnan. “Did he?”
“What?” Kumunot ang noo ko.
Umirap siya. “Bagal ni Ali, leche.”

Nagsalin siya ng kape sa kanyang mug at binuksan ang ref. Umupo ako sa highchair at nag-isip kung magluluto ba si Penny.

“Mamaya na tayo magluto. Pag gising ni Ethan, magluluto iyon. O ‘di kaya si Ali. Hayaan mo na sila. Magbihis ka na lang para makapag gym tayo. Maraming tao ng mga alas sais y media kaya mas mabuting maaga tayo roon…”
“Oh? Okay… I’ll just change…”

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ni Ali. I went to get some clothes and my shoes and he’s still on the same position when I left him. Mabilis akong nagbihis sa bathroom at nang natapos ay naabutan ko rin si Penny na tapos na at nanonood na lamang ng TV.

Ethan looked so sleepy beside her. Mukhang wala naman sa sarili habang pinagmamasdan ang isang palabas na tungkol sa tatlong oso sa Cartoon Network.

“Bye… Thraia’s done…” sabi ni Penny sabay tayo.

Sumulyap si Ethan sa akin. Matalim siyang nakatingin.

“Where’s Ali?” tanong niya.
“Uh… Nasa kwarto…”
“Tulog pa nga…” si Penny.

Ethan massaged the bridge of his nose before nodding.

“Not waking him up, anytime soon…” humalakhak siya at tumayo.

Nagpaalam na kami ni Penny at sumunod na ako palabas. Si Ethan ay pumunta sa kusina para makapagkape.

Pagkalabas ay may itatanong sana ako kay Penny pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

“The gym I’m in is on the second tower. Just in front of the pool. Maganda rin ang pool dito. Nakaligo ka na roon noon. Sinasabi ko lang dahil hindi mo naman maalala…”

Nagpatuloy siya sa pag iinform sa akin sa lahat. Sinabi niya pang ang ibang instructor ay kilala ako. Madalas daw kaming sumali sa zumba.

Nang dumating kami, tama nga si Penny. Maraming tao roon. I even saw three boys who look so familiar. Not because I met them but because they’re often seen on TV and billboards.

Dahil hindi ko naman maalala kung anong ginagawa ko rito noon, sumama na lang ako kay Penny sa mga ginagawa niya.

The instructor went to us and chatted with Penny. Hindi ko alam kung alam ba noon kung may amnesia ako o wala pero balak kong maging normal lang. I think I can do that.

“Looking good, Thraia!” the man said.
I smiled as I jogged on the treadmill. “Nakabalik ka na pala galing probinsya…”
“Oo…” simple kong sagot.

Tumango siya at nilagpasan na kami para mapuntahan ang iba pang kilala.

Pagkatapos ng tatlong minutong warm up, narinig ko na ang maingay na music galing sa kabilang side. Tinuro iyon ni Penny. May apat na babaeng naroon at sa harap nila ay ang instructor na lumapit sa amin kanina.

“Magzuzumba na si Jojo. Sali tayo? Maaga pa naman!” anyaya ni Penny.

I nodded. Sa gilid ng paggaganapan ng zumba ay kita ang swimming pool sa labas. A few tables were there for people who wants to chill. Waiters served fresh drinks to those who are there.

Pumwesto kami ni Penny sa likod ng mga babae. Gagaya lang naman ako sa instructor kaya ayos lang ito.

Unang kanta, warm up pa lang. The song was sensual and slow to warm us up. Some moves were almost obscene but just fine…

Nahagip ng paningin ko ang mga lamesa sa labas habang nagsasayaw at nakita ko roon si Ali at Ethan.

Ethan was on his phone. Ali’s looking at me intently. May menu sa kanyang kamay. Tila siya nagbabasa pero ang mga mata’y nasa akin. Busangot ang mukha at medyo may gulo sa buhok! And, damn it, why does he look so hot even in some white t-shirt and grey shorts? Nakatsinelas pa talaga siya!

Biglang tumipid ang kaninang bigay na bigay kong sayaw. Mas lalo pa akong kinabahan nang nagsisigaw ang instructor na ayusin pa raw ang moves! Pangalawang kanta na at hindi na iyon warm up! It’s the real thing!

Sweat dripped on my forehead. I can’t help but admire how Penny didn’t mind that her boyfriend is just outside… probably gawking at her funny moves!

Nang nahagip ko ulit si Ali ay nakita kong may kinausap siyang babaeng naka one piece suit na kulay yellow. Basang basa ang babae at hindi man lang nag-abalang magpunas ng tumutulong tubig na galing sa pool.

Umirap ako at nagpatuloy sa pagsasayaw. Bakit nga ba big deal sa akin kung nakatingin si Ali? So what?

Pawis na pawis ako pagkatapos ng higit kumulang isang oras na pagzu-zumba. Sumulyap ako kay Ali at nakitang nawala na roon ang kausap niyang babae pero may nakikita na naman akong iilang babae na titingin tingin sa kanila.

Hindi ba ito nauubos?

“Shower tayo pagkatapos magpahinga ng ilang saglit!” si Penny habang nakaupo sa isang equiment.

Sumang-ayon ako roon. It took us another thirty minutes to finish showering and then we wnt out of the gym. Ubos na ang juice ng dalawa pagdating namin sa kanilang table. Tumayo si Ethan at hinawakan na si Penny sa baywang.

Tumayo na rin si Ali at sumunod na sa aming paglalakad. Some girls called Ethan and Ali and they both just greeted and nodded. Wala namang reaksyon si Penny doon pero bakit parang hindi ako mapakali?

“You attract too much girls…” puna ko habang naglalakad kami.

Nilingon ako ni Ali.

“Does it bother you?” I can sense that he’s playing again.

It’s not funny. I’m annoyed! Everyone is his potential prey everytime I see him talking to them.

Umirap na lamang ako. Hinawakan niya ng unti-unti ang aking kamay habang naglalakad kami. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Nauna si Penny at Ethan sa pagsakay sa elevator kaya nang nakita nila ang kamay namin ni Ali ay nag-ngising aso na si Penny.

“Unti unting natutupad ang pangarap ni Mr. Mercadejas…”
“Penny…” pigil ni Ethan.

Penny chuckled. Babawiin ko sana ang kamay kong hawak ni Ali pero umusog siya sa gilid at tinangay niya ako. He made sure I’d lost my balance and slightly fall on his chest. Hinaplos niya ang basa kong buhok.

“Shut your girl up, Ethan,” si Ali.
Tumawa lang si Ethan. Nagkatinginan kaming dalawa. I sensed how amused he is with my reactions.
“I can’t blame her. This is a very different view from what we used to see…”

Unti-unti kong kinalas muli ang kamay ko kay Ali. Ganoon ko ba talaga ka hate si Ali noon na lahat sila’y naninibago na hinahayaan ko lang siya ngayon sa mga pakulo niya?

“Fuck you…” Ali slightly uttered a curse.

Nagtawanan si Penny at Ethan.

“Sorry…” he whispered and pulled my hand back to his. “Don’t worry about them…”

Matalim ko siyang tiningnan.

“Maybe the reason why I don’t let you in way back is because you have too many girls…” I whispered.

Kitang kita ko ang pagseseryoso niya. I sensed how offended and guilty he was at the same time. Bahala siya. Totoo naman, e.

He pushed my face closer to him that his lips touched my ear.

“I don’t have girls. I’m owned by only one.”

Halos hindi ko na siya marinig sa sobrang lapit ng labi niya sa aking tainga at sa sobrang liit ng boses niya. Bawat kibot ng labi niya ay nakikiliti ako.

“Hoy! Ano ‘yan!? Baka binobola-” natigil si Penny.

“Liar…” I whispered back without looking at him.
“I will never get tired of proving you wrong, don’t worry…” he whispered again.
“Ethan, may secret sila oh!” sabi ni Penny.

Ngumisi ako habang pinagmamasdan ang dalawa.

Lumabas kami ng elevator. Parang tanga si Penny at Ethan na halos iwagayway ang holding hands nila. Parehong may topak din ang dalawang ‘to. Natawa ako habang pinagmamasdan sila.

Nang dumating na kami sa unit ay nagdiwang agad si Penny dahil may pagkain na sa hapag.

“Good job, boys! Hindi tayo magkakacancer dito dahil walang sunog!”

Nagsiupuan agad kami sa lamesa.

Ali immediately put some juice on my glass. Nagkatinginan kami ni Penny. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

Nagsimula na kaming kumain. Luncheon meat and eggs ang ulam. May salad din doon.

Habang kumakain ay ngumunguso si Penny sa akin kay Ali. Tuwing nililingon ko si Ali ay lagi siyang nakatingin sa akin. Siya pa ang nagtanggal ng kanin na nasa aking labi. Tila ba nag-aabang siya ng mga ganoong pagkakataon para mahawakan ako.

Humalakhak si Ethan habang pinagmamasdan ang kanyang kaibigan.

“Matagal ko nang alam na baliw ka sa kanya… Pero hindi ko inisip na ganito, Ali…”

Ali lazily turned to his friend. Ngumiwi lang ako. Bahagyang nagulat sa pang-aasar ni Ethan, at the same time not believing it.

“Sarap ba sa pakiramdam na abot kamay mo siya?” dagdag pa ni Ethan.
“That won’t work on me…” agap ko bago pa sumabog ang puso ko sa pinagsasabi ni Ethan.

Paniguradong tinutulungan niya lang si Ali.

“Ohh! Ouch!” tuya ni Penny.
“Let’s eat our breakfast faster, Thraia. I want us alone in your room again…” Ali said when he turned to me.

Nagtawanan si Penny at Ethan. Nagkaayos lang ang dalawang ito, kami na ang pinagdidiskitahan.

“Hoy! Nasasanay ka na, ha! Umuwi na nga kayo!” sabi ni Penny.

We all laughed at that. Well, even when I think he’s bluffing and all the sorts of negative… I’m not sure if I like it when they’ll both go home.

Alam ko namang hindi iyon maiiwasan, e. Hapon nang umuwi ang dalawa. May pasok na naman kasi bukas at mukhang may mga importante pang aayusin sa kanila.

Hindi ako mapakali. Ayaw kong pumasok sa kwarto dahil namimiss ko lang siya lalo. Sa sala na lang ako at nagpatuloy sa panonood ng Cartoons habang yakap yakap ang isang unan na amoy Ali.

I don’t want to work tomorrow. I just want to stay hugging this pillow. I don’t want to do anything. I just really want to wait for him or something.

Binaon ko ang ulo ko sa unan. Siniksik ko iyon doon habang naiisip kung gaano ako ka baliw sa kanya. Normal pa ba ito? Sa tingin ko hindi na!

My phone beeped. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. I opened my inbox and saw that it’s Ali!

Ali:
I miss you.

Fuck.

Ako:
I miss you too.

Agaran ang pagreply.

Ali:
Really?

Then my phone rang. Napahiga na lang ako sa sofa habang niyayakap ang unan. Nagdadalawang isip pa akong sagutin ang tawag ni Ali. Para na akong baliw.

Umupo si Penny sa gilid ng sofa. May dala siyang pop corn. Halos maipit niya ang ulo ko kaya inangat ko ang ulo ko at pinatong sa kanyang hita habang sinasagot ang tawag.

“I miss you…” iyon ang bungad ni Ali.
“Uhmm… Yeah…” iyon lamang nasabi ko.
“That’s not what you told me in your last text…”

Galing mo rin talaga, ‘no?

“I miss you, too…”

Ilang sandali siyang walang sinabi. Pumikit ako ng sobrang diin. Naramdaman ko ang pagtigil ni Penny na kumain ng pop corn pero hindi niya naman ako inasar.

“This is Ali, Thraia…” the sound of his voice is almost heartbreaking.

Napadilat ako roon. Ang paruparong nararamdaman sa tiyan ay unti-unting napalitan. Pain and guilt filled my gut like spilled water.

“Yes, it’s meant for you. I miss you, Ali…” nabasag ang boses ko at parang bumalik sa akin ang mga alaala ng pagsasabi ko nito kay Ivo noon sa duyan sa likod ng kanilang bahay… tuwing tumatawag siya.

Did he remember that, too?

Damn!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.