Waves of Memories – Kabanata 31

November 19, 2016 By In Waves of Memories 2 Comments

Kabanata 31
Jealous

Unti-unti kong kinalas ang kamay kong pinatungan ng kanyang palad. Wala akong maalala sa nakaraan. Gustuhin ko mang maniwala sa mga sinasabi ni Ivo… maramdaman ko mang tama siya… iba parin ang pananaw ko sa ngayon.

I feel bad for slightly telling him, through my actions, that I’m not choosing him until I remember everything… Or I might not choose because right now, I have a very different feeling.

We were silenced for a bit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos ng yaya niya.

“So you’re going shopping with Penny today?” he asked.

Parang nabunutan ako ng tinik sa pinili niyang topic. At least, I won’t have to deal with something difficult.

“Yup…” I said awkwardly. “Uh, by the way… the gala launch is a formal party, right?”

Good thing I remembered his offer. Magandang pangpatanggal ng awkwardness. He relaxed a bit.

“Yes. I’ll wear coat and maroon tie…”
Tumango ako. “I’ll probably find matching your tie.”

Sinabi ko iyon kahit medyo nag-aalala na rin ako sa pera ko. I have enough money for the next few months. I must’ve been very thrifty before. Hindi pa ako nag iilang araw sa pagbalik ng trabaho kaya wala pa akong naidadagdag sa savings.

I also have to remind myself that later, when we’re shopping, I also have to buy something for the house. Pagkain at kung anu-ano pa. Good thing nagyaya si Penny. I can’t be a freeloader!

Tumunog ang cellphone ni Ivo. Sumenyas siya sa akin na tatanggapin niya ang tawag. Tumango ako at uminom na lang ng tubig.

“Yes…”

He glanced at his watch. Napatingin din ako sa aking pampulsong relo at nakitang ala una na roon.

“I will be there. I’m still in an important appointment,” Ivo said.

Nahiya agad ako. His schedule seems very tight. Pinagkakasya niya lang ako sa schedule niya. It’s flattering but if he needs to go, I don’t wanna get in the way.

Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kanya habang nasa cellphone siya. He looked at me directly as he talked with whoever’s on the other end.

“Yes… Yes… Surely…”

Binaba ko ang tingin ko sa aking cellphone. I saw a text from Penny.

Penny:
Are you two done? I’ll wait for your text.

Ako:
Almost.

Binaba ni Ivo ang kanyang cellphone dahilan kung bakit nilapag ko rin ang akin.

“Ivo, if you have another appointment, you can go now. I’m fine here. Penny is just waiting for us. Kapag tapos na tayo rito, pupunta na siya…”
“We have a meeting in the office. Pwede ko namang ipagpaliban iyon-”
“No… No, please, Ivo. And besides, may usapan kami ni Penny ngayon. You can go ahead now. Penny will be here any minute now…”
Bumuntong-hininga siya. “Sigurado ka, Aia?”
I assured him with a smile. “I need to go the the bathroom, too, bago kami umalis…”

Sumenyas agad siya sa waiter ng bill. Binaba ko ang tingin sa cellphone ko para maitext na si Penny.

Ako:
We’re done.

Nang lumapit ang waiter para magbigay ng bill ay naglagay agad ng pera si Ivo roon. Pagkatapos noon ay tumayo siya. Tumayo na rin ako para na rin makapunta ng bathroom.

Hinawakan niya ang aking siko at pinauna. Sumunod siya sa akin hanggang sa nasa gitna na kami ng hallway patungong bathroom at palabas ng restaurant.

“I’m fine, Ivo. You can go now. Pagkatapos kong magpunta ng bathroom, narito na si Penny for sure.”

He nodded and gave me a quick kiss on my cheek. I awkwardly smiled.

“Mauna na ako, kung ganoon…” and then he glanced at my left hand. “Remove that ring. You’re not married to anyone…”

Napaawang ang bibig ko sa pinuna niya. Hinawakan ko ang singsing na suot suot ko na bago kami dumating ng Carles. He smiled and then left.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siyang paalis doon. Nang dumating ang kanyang sasakyan at pinalitan niya na ang valet ay ‘tsaka ako tumalikod para tuluyang magpunta sa bathroom.

Out of habit, hindi ko na natatanggal ang singsing. Halos wala nga iyong halaga sa akin dahil hindi ko na napapansin. Pero nang sabihin ni Ivo na tanggalin ko ito, kahit totoo man ang sinabi niya, hindi ko parin magawa.

Pumasok ako sa loob ng walang taong bathroom. There are three cubicles in there. Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin.

Hindi pa ako natatapos ay may pumasok na. She didn’t go to the cubicles. Instead, she joined me in front of the mirror. The girl is tall and sophisticated-looking. The way her eyelashes darkened his smokey make up makes my eyes linger on her.

Her lips curved in a smile. Nilapag niya ang kanyang kulay silver na purse. She’s in a black dress. Inayos niya ang kanyang earring habang nakatingin parin sa akin.

“Hindi ka parin talaga nadadala, ano?”

Noong una, iniisip ko pa kung ako ba talaga ang kausap niya. Ngunit dahil kaming dalawa lang naman ang naroon, nasisiguro kong ako nga talaga. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman siya kilala at hindi ko rin nakuha ang ibig niyang sabihin.

She laughed.

“Kung sabagay, nakakaadik ang katangahan…” aniya.

From there, I am already curious about what her problem is. Nilingon ko siya dahil hindi na kaya sa repleksyon niya sa salamin. Bumaling din siya sa akin.

“Saw you last night with Antonius Lienzo Mercadejas. Again. For months I thought you’ve learned your lesson. Hindi parin pala. Even after that event, you’re still at it. I admire your persistence but… it’s just disgusting…”
“What are you talking about?”
“Oh! H’wag kang magmaang-maangan, Thraia. Pakiramdam mo talaga iba ka sa lahat, ‘di ba? Palibhasa probinsyana kaya hindi alam ang galawan ng mga tulad ni Ali na laking Maynila!”

Natigilan ako roon. She knows me! We’ve meet before! The parts I couldn’t remember. And she doesn’t know that I have an amnesia!

“Men woo women when they need something and that something is screwing. He’s clearly made a stand about who he’s going to marry so why the hell would you-”
“He won’t marry Lynea!” Pinutol ko siya dahil sa parteng iyon, alam ko ang ibig niyang sabihin.

She laughed mockingly at that.

“She’s rejected him! You’re at her mercy. Kung ‘di niya nireject si Ali, hindi ka na papansinin niyon. I have told you that Ali’s treating all his women the same. Some of them learned. At ikaw?” Umiling siya. “Sayang ka. You didn’t learn. At all. Even after everything…”

Kinuha niya ang kanyang purse at muli akong sinulyapan.

“You’re his favorite prey because you don’t learn. Sayang ka talaga…” anito bago tuluyang umalis sa bathroom.

What just happened?

Pilit kong hinahalungkat ang mga pinagsasasabi ng babae. That I’m at Lynea’s mercy. That if she’d want Ali to marry her right now, he would immediately go with her. Hindi na iyon bago. Alam ko na iyon.

I’m Ali’s favorite prey because I don’t learn. And… also, Ivo told me that Ali’s the reason why I left Manila. Anong nangyari noon? Sobra ba ang galit ko kay Ali na iniwan ko ang Maynila – ang aking pangarap?

Bakit niya ako sinamahan sa Carles, kung ganoon? Was he guilty of what he did to me? Did he want to take the responsibility of taking care of me because he knew he’s the reason why I came back to Costa Leona… and the accident?

Napatalon ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. I answered it without thinking.

“Where are you? I’m outside the restaurant,” si Penny.
“P-Palabas na ako…”

I feel like I picked up the broken pieces of me before going out of the bathroom. Mabigat ang pakiramdam ko. I feel frustrated. I want to know my past but I know I won’t remember it by force.

Pumasok ako sa sasakyan ni Penny. Diretso ang tingin ko sa kalsada.

“Oh… Anong nangyari?” she asked when she saw my face.

Inayos ko ang seatbelts at nanatiling nakatingin sa kalsada.

May nangyari na ba sa amin ni Ali? Did I become one of his girls? Did he stick to me right now because he’s guilty?

“May kumausap sa akin kanina sa bathroom…”

Nilingon ni Penny ang restaurant thinking she’d see who I’m talking about.

“A girl. I don’t know her but maybe I knew her before. She warned me about Ali…”

Hindi nagsalita si Penny. Imbes ay pinaandar niya na lang ang sasakyan.

“What else did she say?” she asked.
“That I’m Ali’s favorite prey because I don’t l-learn… Penny, ano ba talaga ang relasyon ko kay Ali noon?”

Hindi nagsalita si Penny. Nanatiling seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa kalsada.

“Back in Carles, he lied to me about us being married! Ayaw kong isipin iyon dahil ayaw kong dungisan ang tingin ko sa kanya but right now… I have to know what am I to him?”
“Thraia, hindi ko alam…” pinal ang tono ni Penny sa sinabi niya sa akin.

Niliko niya ang sasakyan patungo sa isang malapit na mall. The car got caught in traffic so she pulled the hand break and turned to me.

“You weren’t very vocal with your relationship with Ali. You hate him and… this isn’t the first time you’ve been warned by his ex flings…”
“That’s one of his ex flings?” gulat kong sinabi.
“Hindi ko alam dahil hindi ko naman siya nakita pero who would warn you about him? Of course his bitter ex flings. Dati… it wasn’t a big deal to you because you’re sure you hate him. Right now…” Umiling siya. “I guess the old Thraia’s just too denial. And the you now is pretty vocal about your feelings…”

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagsasalita.

“Nanghingi ka ba ng marriage certificate kay Ali?” tanong niya nang umusad ng kaonti ang traffic.
“No. I don’t want to know if it’s real or not,” sabi ko.
“But you really think it’s not real?”
“His grandmother doesn’t believe it…”

Hindi na ulit nagsalita si Penny. Gusto nang sumabog ng utak ko. I want to trigger some memories but I have nothing but a blank mind right now. Kahit anong gawin kong pagpilit sa pag-alala ay wala talaga akong maalala.

“You think he loves Lynea?” tanong ko na hindi rin sinagot ni Penny.

Naalala ko ang makahulugang sinabi ni Sir Clement sa bar kahapon. It’s about Ali and Lynea for sure.

“He asked her hand for marriage, right?”
“That was highly publicized years ago, Thraia. Everyone knows it.”
“Years ago? He asked her hand for marriage years ago?”

Hindi ko alam kung bakit kahit na ganoon ay sumama ang pakiramdam ko. So he did ask her hand for marriage! And she rejected it!

“Let’s not talk about this anymore. I don’t want your head to hurt…” sabi ni Penny.

Naging tahimik na lamang ako. We spend the whole day at the grocery store. Niyaya ko kasi siyang mag grocery para sa condo. Pumayag naman siya.

Ako ang nagbayad sa lahat ng binili pero siya lang ang nagsasalita habang ginagawa namin iyon. I’m still pretty much preoccupied with what I learned… and what I didn’t.

Pagkatapos naming maggrocery ay niyaya ko rin siyang maghanap ng damit para sa gala launch.

“Ivo has invited you to the gala launch?” kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Penny.
I nodded. “The launch will be covered by the media. It’s a social affair.”
“Pupunta ka ba?” tanong ko.
“Hindi…” nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa mga damit.
“Hindi ba kasali si Ethan sa gala launch?”
Nagkibit siya ng balikat. “Kung pupunta siya, might as well get another date. I’m not available…”

Wow. They’re still at it, huh?

“Ali will surely be there. Hindi ka niya inimbita? Naunahan pa talaga siya ni Ivo…”

Now that she mentioned it. Maybe he really didn’t want to invite me. Siguro ay ayaw talaga ni Ali na kasama ako roon. Siguro ay naroon din si Lynea.

“Maybe Lynea will be there…” sabi ko habang nilalagay nani Penny ang isang damit sa aking harapan.
Umismid siya. “She will be there. She’s one of the directors of MERC, Thraia…”

Hindi ko alam kung bakit pinapanghinaan ako ng loob. We spent the rest of the afternoon looking for a dress. Namili rin si Penny ng kanya. Actually, masyadong maraming damit ang binili niya na pakiramdam ko’y pampalubag loob sa lahat ng nangyari sa kanila ni Ethan.

My phone beeped habang nag-aantay ako sa aking kaibigan na lumabas sa fitting room. Ali texted.

Ali:
You’re not yet home? Where are you?

Ngumuso ako at itinago na lamang ang cellphone. Ganito din kaya siya sa iba niyang babae? Is he this caring? Iyan ba ang dahilan kung bakit maraming hindi makalimot sa kanya?

“Ha! Nakakapagod! Dito na lang tayo kumain!” sabi ni Penny.

Gabi na. Ginugutom na rin ako at tingin ko’y ganoon din siya. Ang dami-dami niyang dalang paperbag. Ang iba pa roon ay ako pa ang nagdala para lang matulungan siya.

Kumain kami ni Penny sa isang Filipino restaurant na nasa loob lang din ng mall. Her phone beeped and she glanced at it before resuming to our topic.

“Ako na ang bahala sa make up mo para sa gala launch. You don’t have to worry about it.”
“Thank you. Hindi ko naman alam na sobrang pormal ng event na iyan at marami pang nakatutok.”
“Most of the countries leading bachelors are from the construction field, Thraia. Natural na marami ang pupuntang media roon.”
“Bakit hindi ka sumama kay Ethan?” tanong ko.
“I don’t feel like it. Anyway, he can bring Glaiza with him.”

I nodded mockingly. She rolled her eyes on me.

“Don’t worry. I’m gonna tell you if I spot them both.”

Nagtaas ng kilay si Penny sa akin. Noong una ay kita pa ang galit pero kalaunan ay nagtawanan na lamang kami.

After eating, we decided to have a few drinks. After all, we’re both a bit confused with our life. Ako, walang maalala. Siya, hindi makapagdesisyon.

“You know I’m not very good when I’m drunk, right?” she said as we clinked our glasses.

Sabay naming nilagok ang inumin. Hindi ko alam ang pinagsasabi niya. I only assumed that she’s forgotten that I have amnesia.

“Lahat naman siguro!”
“When you’re drunk, you disappear in the face of the club. Poof!” she said.

Ngumiti lamang ako. Unti-unti kong tinanggal ang singsing sa daliri ko. Kahit paano’y tama naman si Ivo. Hindi ko na inaksaya ang panahon ko sa pag-iisip kong paano siya naging tama. The lie about our marriage is already an enough reason.

“Minsan nagpaplano pa akong mag pablotter kapag nawawala ka, e…” she said, nodding.

Nagsalin ulit siya ng isa pa sa aming mga baso. Uminom ulit kami hanggang sa naubos namin ang isang bote ng wine.

“We really should go home! You’re tipsy!” sabi ko kay Penny kahit na sa akin dapat iyon dahil medyo lasing na rin ako. Umaalon na ang paningin ko.
“The main reason why I trained you to drive, right?”
Tumawa ako kahit na hindi ko naman maalala ang sinabi niya.
“But I can still drive now. Ano ka ba? It will take more than that to make me pass out!”
“Hindi na dapat tayo naghihintay na mag pass out ka!” sabi ko, natatawa.

I paid the bill. Pagkatapos ay pahirapan pa kaming tumayo ng maayos. A group of men went to help us with our paperbags. Inalalayan pa ako nang muntikan na akong ma wala sa balanse.

“I’m fine…” agap ko nang naramdaman ko ang pagnanasa sa pagkakahawak ng lalaki sa aking baywang.
“She’s fine. She’s with me…” si Penny.
“Saan ba ang inyo? I can drive you home,” the man said without taking his eyes off me.
“I will drive my girlfriend home. We don’t need you, dude…” Penny said in an annoyed tone.

Napaawang ang bibig ko habang tinitingnan ang aking kaibigan. Doon ko lang naramdaman kung gaano siya ka mulat sa lahat ng mga ito.

“Yes! I’m lesbian… So get your hands off my girlfriend,” matapang niyang sinabi.
“Oh! Sorry!” sabay atras noong lalaki at bitiw sa akin.

Sa huli ay umalis ang dalawa pa nitong kasama. Leaving both of us alone. Nang nakalayo na ang dalawa ay humagalpak na si Penny.

“Tara na! That’s how you scare pervs, by the way…”

Tawanan ang ginawa namin hanggang sa nakarating kami sa basement parking. Kinwento niya ang mga nagawa niya simula noong college. Naintindihan ko tuloy kung bakit grabe ang away niya with her parents. Aminado naman siya sa kamalian niya at sinusubukan niya rin naman daw’ng makipag-ayos.

Halos napapapikit na ako sa front seat habang panay ang kwento ni Penny sa kanyang buhay. I react but I’m too sleepy to open my eyes.

Nang nakarating kami sa condo ay panay ang chant ni Penny.

“We’re home safe! We’re home safe!”

Ako ang kumuha sa mga groceries. Siya naman ang sa lahat ng paperbag.

Halos ‘di kami magkasya sa elevator. Pakiramdam ko’y pareho kaming tulog na tulog mamaya pagdating namin ng condo.

“Gym tayo bukas? Linggo, wala kang gagawin. Madalas noon, sumasama ka sakin…” wala sa sarili niyang sinabi.
“Alright.”
“Wake up early, then. Six in the morning or something?”
“Sure!”

Tumunog ang elevator at lumabas kaming dalawa. Tawanan ulit nang pahirapan kami sa pagdaan doon hanggang sa nasa pintuan na kami ng unit. We were both smiling until she opened the door.

Nakabusangot na mukha ni Ali ang nakita kong nakahilig sa counter at nakaharap sa pintuan. The first three buttons of his white long sleeves were down. Tumayo naman si Ethan na nasa sofa ngayon.

How the hell did they open our unit? May susi ba si Ethan dito? That’s probably it!

Parehong nawala ang ngiti namin ni Penny.

Diretso ang lakad ko patungong kusina para sa mga groceries na dala. Si Penny naman ay tahimik na nagtungo sa kwarto. Ethan went to her and they disappeared in the face of the whole unit.

Mga yapak ni Ali patungo sa kusina ang nagpakalabog sa dibdib ko.

“You went shopping?” he asked.
“Yup…” pagod kong sinabi.

Hindi ko siya matingnan. Nakaliliyo ang presensya niya. Lalo na noong humarap siya sa akin.

Inayos ko ang mga binili. Iyong iba ay nilagay ko sa ref at iyong iba sa cabinet. Ali remained standing there, watching me.

I wonder what happened to his other flings? Sumuko ba sila tulad noong kumausap sa akin kanina dahil alam nilang kay Lynea rin ang bagsak nito? Is he so guilty that he has to wait until all my memories come back just to stop feeling that way?

Tumulong siya sa paglalagay ng mga canned goods sa cabinet. When our bodies touch, agad akong umiwas at lumayo. Bumalik ako sa counter para kumuha ng iba pa.

“So… You also went a date with Ivo?” ngayon, nag-iba na ang tono niya dahilan kung bakit ako napalingon.

His face dimmed with unadulterated annoyance and anger.

“What else?” I sensed sarcasm.

Wow. What does he mean by that? He has the guts to have that kind of tone on me?

“Ali, I can do all these work. You can go now…”

Nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga canned goods. Nilalagpasan ko siya sa bawat pagkakataon. Sa iritasyon ko sa mariin niyang tingin sa akin… at sa iritasyon ko sa aking reaksyon sa kanya ay binalingan ko siya.

“I’ll go with him to the gala launch. He’s going to be my date!” sabi ko.

Nanatili ang galit sa ekspresyon niya. Pakiramdam ko ay alam niya na iyon at naghihintay lamang siya na sabihin ko iyon.

“What’s wrong? ‘Di mo inexpect na pupunta ako sa event na paniguradong si Lynea ang kasama mo?”

Umirap ako at padabog na nilagay ang mga freshmilk at juice sa ref.

“Don’t worry! Nobody knows about me. I’m not a magazine material so people won’t take a look at me and then you. Hindi masisira ang image ng relasyon n’yong highly publicized ni Lynea!” diretsahan kong sinabi pagkatapos ay umalis sa harap ni Ali.

Nagmartsa ako patungo sa aking kwarto. I opened the door. Nang isasarado ko na sana ay nakahawak na siya sa itaas ng aking pintuan. He pushed it. The door opened widely.

Bumilis bigla ang hininga ko lalo na nang nakita ang kanyang ekspresyon. All heat left my face when I saw how dangerously hot he is when furious!

“Umalis ka na! Tapos ka na sa paghahatid sa akin dito sa kwarto! I can walk alone. May mga paa naman ako-”

My voice got interrupted by the sound of the door closing. Mabilis niyang naiwala ang konting distansya sa gitna naming dalawa.

Napaatras ako ngunit naramdaman ko sa likod ng aking tuhod na sumagad na ako. It’s my bed behind me!

Nagulat ako nang huminga siya ng malalim at dumiretso sa aking kama. Umupo siya sa gilid habang binababa ang cuffs ng kanyang puting longsleeves. He opened the button of the cuffs before proceeding to open the buttons on his chest.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya roon. Mabilis ang paghinga ko at pati ang kalabog ng puso ko.

His cold eyes went up to me and then he stopped unbuttoning his shirt.

“I’m sleeping here.”
“What?” I tried to sound annoyed but I failed. Mas nahimigan ko pa ang pagkakasurpresa roon!
His eyebrow shot up a bit and then he continued unbuttoning his shirt.

Nang natapos siya ay hinubad niya iyon leaving him with only his white sleeveless shirt. Hinubad niya rin iyon. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang naked upper body niya.

Tumayo siya at hinilera ang damit niya sa damit kong naroon. Then he faced me. Pinilit ko siyang tingnan sa mga mata. The coldness in his eyes told me that even when he saw me gawking at his body, he isn’t pleased with anything.

He removed his belt. Gusto kong mahimatay habang pinagmamasdan siyang ganoon sa harap ko!

Nang umupo siyang muli sa kama ko ay pakiramdam ko nagyelo na ang mga tuhod ko sa kinatatayuan.

Huminga si Ali ng malalim at pinagmasdan ako. Tinapik niya ang kanyang hita ng marahan.

“Come here…” he said softly. “Tell me what are you jealous of…”

Napalunok ako sa anyaya niya. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Pakiramdam ko ang tanga ko kung magpapaloko ako sa kanya.

His eyes, though, were hypnotizing.

“Thraia, come here…” he called again, this time with authority.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2 Responses to Waves of Memories – Kabanata 31