Waves of Memories – Kabanata 30

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 30

Kabanata 30
Choose

We both fell silent. His stares lingered on me as I stare only to the finished wine glasses on the table. I can’t stare back at him. I feel dizzy. A good kind of dizzy. It’s euphoric, even.

“Their group is so full of hot bachelors, Jenissa!” boses ni Sir Clement ang narinig ko.

Nag-angat ako ng tingin sa likod ni Ali at nakita ko sila roon. Nagsasalubong ang kilay ni Sir Clement habang tinatanaw ng mabuti kung sino ang katabi kong nakatalikod sa kanila. Nakatingin naman si Jenissa sa dalawang lalaking kasama na hindi ko kilala. Pero noong nahagip niya ng tingin ang lamesa ay napabaling agad siya sa amin.

Sir Clement cleared his throat.

“Mr. Mercadejas is here…” he alerted his companions.

Sa sinabi nitong iyon ay ‘tsaka lang napalingon si Ali sa kanila.

“Hi Sir!” Sir Clement sounded more manly at that. “Long time no see!”

I sensed the awkwardness Sir Clement and Jenissa felt for Ali. Kahit na amin ang lamesang ito, parang nahihiya pa silang magsalin ng wine sa sariling baso dahil naroon si Ali. I feel bad but I can’t just leave here without knowing where Penny is.

“Do you mind?” nakapagtanong pa si Sir Clement sabay muwestra kung pwede bang paupuin ang kasama niya sa sofa.

Umiling ako. Gusto kong ako ang sumagot. Dapat ay ‘di siya nahihiya! Pinaupo ko lang si Ali rito!

“No problem…” Ali said in an authoritative tone.
“Hindi mo naman sinabi, Thraia, na you’re expecting someone to come with us here…” nakikitaan ko ng senyas ang mukha ni Sir Clement.
“Uh, I didn’t know he’s coming here too…”

Awkward silence enveloped the whole table. Kung hindi lang nagtanong si Jenissa tungkol kay Penny ay hindi ko iyon maaalala.

“Where’s Penny? Have you seen here?”

Napatuwid ako sa pagkakaupo roon. Pansamantala kong nakalimutan iyon, ah? I scanned the whole dancefloor and I realized the whole party is booming so I’m not sure if I’ll see here through looking from here.

“Hindi, e. Akala ko kasama n’yo siya?” tanong ko.
“Sila ni Trinie pero ‘di ko rin nakita si Trinie, e,” si Jenissa.
“Wanna look for her?” singit ni Ali.

The awkward silence is back again. Parang lahat ng mga naroon ay pinapanood lang ang pagkibot ng labi ni Ali habang kinakausap ako.

“Uh, I’d like to…”

Tumango siya at tumayo. He brought my hand with him. Iyon ang nagsabi sa aking kailangan ko ring tumayo.

“Hahanapin lang namin si Penny,” ani Ali sa aking mga kasama.
Nag unahan pa sila sa pagbanggit ng, “Of course…”

Umalis kami sa aming sofa. Buong akala ko’y sa dancefloor kami pupunta pero nagkamali ako. Sa nakahilerang sofa ang tungo namin. Ako lang ang palinga-linga roon habang si Ali ay diretso ang lakad patungo kung saan.

Head’s were turned when we passed by the aisle. Narinig ko ang pangalan ni Ali galing sa mga sofa na iyon. Pinag-uusapan siya ng mga siguro’y kakilala niya. Uminit ang pisngi ko habang patuloy kong naririnig ng paputol putol ang mga pinag-uusapan.

He stopped mid-aisle when he saw a man wearing a black polo shirt. The man was bulky and probably in his mid-thirties. Tumango ito kay Ali at agad ding nilagpasan kami.

Ali waited for me for a little while before proceeding to the spiral staircase. Iminuwestra niya sa akin na mauna ako paakyat at sinunod ko naman iyon.

The loud trance music boomed the whole place. May barandilyang gawa sa bakal nang tuluyan na akong makaakyat sa pangalawang palapag. Both men and women were watching the dancefloor, like gods and goddesses of the whole place. Tila ba nagpapapista sila sa mga tauhang naroon sa baba samantalang silang narito ang mga hari at reyna.

Small square tables were the only light the second floor has. Nagsitinginan ang mga taong nakapansin sa pagdating namin. Pakiramdam ko ay natigil din ang oras nila.

Men greeted Ali in a boyish way. Ali responded but he didn’t waste time talking to them. Kahit na panay na ang titig ng mga ito sa akin.

Hindi ko na gustong tingnan ang mga babae. From the way I’m feeling right now, I can only sense trouble if I look at them.

“Here, Thraia…” Ali slowly pulled me to the center railing.

Naroon kami na tila kaming dalawa ang may-ari sa buong lugar. Na kami ang nagpapapiyesta at ang lahat ng tanaw namin ay mga tauhan lamang. Except of course that these people have better clothes than me.

“Dito natin siya hanapin…” he said.

Humawak ako sa barandilya habang pinapasadahan ng tingin ang buong dancefloor. Ali’s hands were on the steel railings too, locking me.

Kahit na maingay ay dinig na dinig ko ang kalabog ng aking puso. I feel dizzy again. But not the dangerous kind of dizzy…

“Can you see her?” he asked.

Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking tainga kaya paniguradong sobrang lapit niya na. His scent is hypnotizing. Umaabot na ako sa puntong gusto ko na lang yumakap sa kanya… itago ang ulo sa kanyang katawan at tuluyan nang mawala. Pinilig ko ang ulo ko. That’s not even possible.

“Uhm… No… Masyadong maraming tao…” sabi ko.
“Kapag bumaba tayo, mas lalo tayong mahihirapan. Masyadong malawak ang lugar.”
“I know… I’ll just keep on looking…”
“Uh-hmmm…” I groaned and then I felt his hand on the upper hem of my back.

Hinihigit niya pataas ang sweetheart top ko.

“Your top is falling…” he whispered.

Binitiwan ko ang barandilya at inayos ang damit ko sa likod. His hand reached the curve of my sweetheart top, almost touching my chest. He slightly pulled it up para lang hindi bumaba.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay. They’re firm that I can see some veins.

When he was satisfied, he put his hand back at the steel railings and then he proceeded with his right hand. Sa kabilang side naman ang inayos niya ngayon. This time, I already cannot hold the shivers he gave me.

Gusto ko na talagang mahimatay… o ‘di kaya’y harapin siya at mawala na lang sa mga taong nakatingin sa aming dalawa.

Kinagat ko ang labi ko nang napagtanto ang nararamdaman para sa kanya.

Ganito rin ba ang naramdaman ko noon sa kanya?

I told myself that what I have now is what’s important… What I’m feeling now is the only thing important. But… then… Now, I realized, the past is also important. I can’t move on without it.

Hindi ako makapaniwala na kahit hindi ko pa tuluyang nalalaman ang totoong mga nangyari noon, may desisyon na ako ngayon.

“You didn’t bring any cover up?” he whispred.

Bumaling ulit ako sa aking damit. Pagkatapos ay umiling na lamang. Nanunuyo ang lalamunan ko.

He chuckled.

“I have a coat in my car. Pero pwede ring maghubad ako nitong longsleeves ko para masuot mo.”
“No!” kumunot ang noo ko at nilingon siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Magkasalungat ang aming reaksyon. He’s smiling seductively samantalang napipikon naman ako.

Maghuhubad? Nababaliw na ba siya? Maeeskandalo ang publiko kung sakaling gawin niya iyon.

“That’s fine with me…” he teased.
“I’m fine like this. You’re already a cover up, Ali!”

Literal dahil walang nakakakita sa akin kundi siya… lalo na sa lagay naming ito! Parang inaangkin niya lahat ng espasyong dapat ay sa akin.

Humalakhak siya at hinagkan ang aking buhok. Ngumuso ako habang ginagawa niya iyon.

Ilang sandali kaming nanatiling ganoon. Ako lang yata ang naghahanap sa aking kaibigan habang naroon kami. Ali is busy smelling my hair.

My phone beeped. Agad ko iyong tiningnan at nang nakitang si Penny ang nagtext ay nabunutan ako ng tinik. At least she’s still that alive… she can still text.

Penny:
Thraia, where are you? Let’s go home…

Uuwi na? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam pa ako ng panghihinayang!

“Tell her to go ahead. Ako na ang maghahatid sa’yo sa condo n’yo…” si Ali.

Nakatingin din yata sa aking cellphone.

“Okay.”

Ako:
Mauna ka na. Ihahatid ako ni Ali. Are you sure you can drive?

Gusto kong hintayin ang text ni Penny pero nang nag-ilang minuto’y wala pa, kinabahan lamang ako. I need to go home now to check if she’s fine!

Mabuti na lang at nang niyaya ko si Ali na umuwi na ay agad naman siyang tumango. Mapupungay ang mga mata niya nang nagkaharap kami. I feel like he’s just too comfortable with our position up there.

“Hi, Ali!” a group of girls on the dancefloor waved at him.

Hindi nila pinansin na hawak nito ang kamay ko. Their eyes were only for him. Tumango si Ali sa mga babae ngunit pagkatapos ay ibinalik muli ang mga mata sa daanan. That’s when the girls noticed me.

We met more along the way but his reaction remained the same. Hindi ko maiwasan ang pagpupuna sa pagiging masyado niyang kilala sa mga ito. Of course, he’s from here. He must’ve been here too many times… even before I came to Manila.

Nang nakalabas kami ay may sinenyas siya sa isang matangkad na lalaki na naka kulay asul na long sleeves. Tumango iyon at may sinenyas sa isa pang tao.

Ginala ko ang mga mata ko sa mga taong nagsisipasukan at nagsisilabasan. Baka sakaling maabutan ko si Penny pero wala akong makita.

Habang nakatingin ako sa malayo para mahagilap ang kaibigan, may nagpark na sasakyan bigla sa aking harapan.

My eyes got fixed at the car body. Nanliit ang mga mata ko. Like something is in the tip of my mind but I just couldn’t figure out what it is.

The man from the driver’s seat went out. Parehong uniporme noong lalaking nakausap ni Ali kanina ang lumabas.

The jet black luxury car was parked in front of us. Tiningnan kong mabuti ang tila pakpak na simbolo na nasa gitna ng nguso ng kotse. It says, “Aston Martin.”

Binuksan ni Ali ang pintuan sa front seat para sa akin. Pasimple akong sumunod sa gusto niyang mangyari.

I settled myself inside it but I couldn’t help but make my eyes roam around its facilities. I then put my seatbelts on. Nang pumasok na si Ali ay kinabahan na agad ako.

Ang sabi ay naibangga ko ang sasakyan sa isang puno. The last things I remember, we have this old Fuego pick up. Siguro ay kay Alejandro iyon but I don’t remember driving that car. Weird. Alam ko ba kung paano mag maneho?

“Are you okay?” he asked.

The engine roared to life. Nilingon ko siya at hindi ko malaman kung bakit parang kumalma ang mga alon ng pag-iisip ko nang nakita kong siya ang nasa driver’s seat.

“Yup…”

Nanuyo ang lalamunan ko. His eyes softened. May hinawakan siya sa seatbelts ko. He clicked it. Tila may hindi ako naayos.

“Don’t worry…” he assured.

I nodded.

Hindi kalayuan ang condo ni Penny sa BGC kaya hindi rin gaanong naging malayo ang byahe. At medyo naging komportable naman ako sa loob ng kanyang sasakyan.

Pagkarating ay kinuha iyon ng valet at hinatid niya na ako patungo sa floor kung saan ang condo unit ni Penny.

I scanned my clutch for the keys. When I found it, huminga ako ng malalim. Thank God, I don’t have to wake Penny up.

Nagkatinginan kami ni Ali bago ko tuluyang pinihit ang seradura at pumasok sa loob. The lights were on and I saw the stilletos she used beside the doorstep. Her keys were also near the television.

I’m torn between checking on her or just letting her do what she wants on her room.

“Uh…” hindi ako mapakali.

Nakatayo si Ali malapit sa pintuan. Tila wala nang planong tuluyang pumasok pa.

“I want to check if she’s…” hindi ko matuloy.
“She’s probably asleep. Don’t worry…” si Ali.

Ilang sandali ay tumango na ako at kumalma. And then the next problem is Ali… What should I do with him? Should I offer him to sleep here? What the hell, is that even a question?

“Uh…”

Tinuro ko ang pintuan ng aking kwarto. He nodded. I can see that his lips is slightly curving for a smile but he’s trying hard not to.

“Matutulog na ako…” I awkwardly said.
“Okay. Uuwi na rin ako ngayon.”
“Uhmm… Thanks for the ride… And… Uhm…” hindi ako makatingin ng diretso. “I think it’s rude to just go inside my room without sending you out properly.”

Kumurba na ang kanyang labi sa maliit na ngiti. He nodded and turned to the door. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Pakiramdam ko ay lahat ng ginagawa niya parang pagsubok kung ano ang magiging reaksyon ko. And each time I react, he’s amused. I’m not sure if I hate it or what.

Sinundan ko siya sa pintuan. He opened the door and the moment he’s out, I suddenly feel homesick… like an important part of me is leaving.

“I’m going home. I’ll text you if I am. Matulog ka na…”

Mabilis akong tumango.

I couldn’t sleep. Even after washing my whole body and repeating everything in my head. Pakiramdam ko ay lutang na lutang ako dahil sa mga nangyayari.

I received a text from Ali immediately. He told me that he’s home. Even a simple text from him makes me so damn happy. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Kung tama ba itong mga nararamdaman ko para sa kanya. Kung tama ba na ipagpatuloy ko ito.

I woke up the next day feeling so happy. Medyo tinanghali dahil walang alarm kapag weekends dahil wala namang pasok.

Kung hindi ko lang naisip si Penny ay hindi pa siguro ako babangon. Lalo na’t may text si Ali sa akin doon.

Ali:
Good morning! I’m working today. Enjoy your rest day.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto habang nakatuon sa cellphone ang mga mata. I was about to yell on Penny about yesterday but then I noticed that she isn’t alone in the kitchen.

“Good morning!” Ivo was standing in front of the counter in his white vneck t-shirt and khaki long pants.

Nagulat ako roon. Agad akong napasuklay sa buhok gamit ang daliri. Medyo hindi kasi ako nag-abalang mag ayos.

“Good morning!” bati ko.

He kissed my cheek. Umatras siya pagkatapos ay umupo sa high chair ng counter. Penny was on her sports wear habang nagluluto ng almusal sa cooking pan. Sumulyap sulyap siya sa amin at tila nararamdaman ko na hindi niya gusto ang nangyayari.

“Dumalaw ka…” puna ko kay Ivo.
“Yes! I’m wondering if I can take you out for breakfast but… it’s nine and you’ll have to prepare so it’s going to be brunch…” si Ivo.

Narinig ko ang mga nahulog na kubyertos sa sink. Napatingin ako kay Penny na ngayon ay nagtatrapo ng kamay.

“Ivo, we need some time later for shopping…” binalingan ako ni Penny.

Nagulat ako roon. Malamig lang ang tingin ni Penny sa akin at binalik din agad kay Ivo ang mga mata.

“I know. It’s just brunch. Maybe around one, you two can go.”
“Okay. That’s good…”

Gusto kong tanungin kay Penny kung may plano ba kaming mag shopping. O kung pwede ba akong mag waldas ng pera pero dahil mukhang ayaw niya nang paawat ay hindi na ako nagreact.

“If that’s the case then… I think I’ll just take a bath and change…” sabi ko.
“Okay. I’ll wait…” si Ivo sabay muwestra sa sala.

Ngumiti ako at tumuloy na sa banyo. Nagmadali ako sa pagligo at pagbibihis na rin. Pagkatapos doon ay bumalik ako sa kwarto para mag-ayos. After doing the usual things, I’m already starving. Mabuti na lang at nang lumabas ako’y nagyaya na agad si Ivo na umalis.

Nilingon ko si Penny na ngayon ay kumakain ng yogurt sa counter. She waved her hand.

“Later. I know where you’re heading. Doon na lang kita susunduin. I’ll go to the gym now…” she said.
“Oh!? Okay. Sige…”
“Thank you, Penelope…” Ivo said in a formal tone.

Penny shrugged and then Ivo closed the door.

Nakangiti si Ivo nang naglakad kami sa elevator. Nahahawa tuloy ako sa tuwa niya.

“Gigisingin sana kita kanina pero ang sabi ni Penny ay ginabi raw kayo ng uwi kahapon…” panimula ni Ivo.
“Uh… Yup.”
“Where have you been?”
“Sa Fort Bonifacio lang…”

Pumasok kami sa elevator. Kumunot ang noo ni Ivo sa sinabi ko.

“Gusto kasing lumabas ni Penny kaya sinamahan ko na.”
“Club?” he asked.
I nodded.
Huminga siya ng malalim. “Thraia, you’re not in a good condition to go to a club. Bakit ka hinayaan ni Penny na sumama? Hindi niya ba naisip na maaaring makasama ito sa’yo…”

I feel bad that he’s blaming Penny. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Naroon naman ang ibang kaibigan namin at… nagkita rin kami ni Ali roon.”

His lips were now in a thin line. Hindi siya agad nagsalita kaya panay ang tingin ko sa kanya. Is he angry?

Pumasok kami sa kanyang sasakyan at ganoon parin ang mood na pinapakita niya.

“I’m sorry…” sa wakas ay nasabi ko nang lumalabas na ang sasakyan sa building.

Sumulyap siya sa akin ngunit agad ding nagpatuloy sa pagmamaneho nang ‘di ako tinitingnan.

Dumating kami sa hindi kalayuang luxury restaurant sa unang palapag ng isang hotel. He reserved a table for two. Iginiya agad kami ng waiter sa napiling upuan at nang umupo ay binigyan agad kami ng menu.

I chose a light breakfast since I’m not really that hungry. Pagkatapos naming mag-order ay naiwan kami ni Ivo na mag-isa sa lamesang iyon.

My eyes scanned the quiet and grand place. Konti lang ang naroon ay medyo pormal pa ang mga tao. The walls were all glass and we could see what’s happening outside. Ang tanawin naman sa labas ay ang mga dumadaang mamahaling sasakyan at some green bushes and flowers properly tended for the whole group of buildings.

“Ni hindi naisip ni Ali na nakakasama iyon sa’yo?” tanong ni Ivo.

Hindi ako nakasagot.

“I was busy with a project so I couldn’t visit you last night. Iyon pala ay lumabas ka at sa ganoong lugar pa?” he sounds irritated.
“I’m sorry. Maayos naman ang lagay ko at hindi naman ako pupunta talaga roon kung hindi ko lubusang kaya.”
“I cannot believe that people who’re around you could let you risk your health for a little fun, Thraia. Magkasama kayo ni Ali?”
“No… I was with my friends. We only saw each other there.”
“He has the guts to be with you when I clearly remember why you left for Costa Leona…”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. A sharp pain attacked my head. Pumikit ako ng mariin. Napatayo si Ivo nang nakita akong nagkaganoon. He called a staff from the restaurant. Hinawakan ko ang kanyang kamay para maalalayan ako at umiling ako nang tumigil na ang sakit.

“May problema po ba, sir?” the staff asked.
“Call a medic…” Ivo said in a formal tone.
“No… I’m fine! I just need a glass of water…” agap ko.

I don’t want this slight pains be a big deal. Ayaw kong maging dependent sa ospital, sa mefenamic acid, o sa kahit anong paraan para maibsan ang sakit.

I don’t know the pattern of my pain but I know that this is caused by my head trauma.

“Are you sure, Thraia?” Ivo asked.
“Yes…”

Ilang sandali ay dumating ang malamig na tubig na hinihingi ko. Ivo never left my side the whole time I’m recovering. Hindi naman ako nahihilo o ano. Talagang masakit lang ang sentido ko kanina kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Our breakfast came. Tumingala ako kay Ivo na ngayon ay nanatili parin sa aking gilid.

“Ivo, I feel better now. Kumain na tayo…” yaya ko.
“Okay then…”

Bumalik siya sa harap ko at naupo na. Pinagmasdan niya akong mabuti. Siguro ay nagtataka sa naging reaksyon.

He said something about me leaving Costa Leona pero parang ayaw ko nang ungkatin ulit iyon sa takot na sumakit ulit ang ulo ko. I figured if I push myself too much, my head will only hurt.

Tahimik kaming kumain. Habang binabalik ko ang kaninang disposisyon, nanatili naman ang tingin ni Ivo sa akin. He looks concerned. I sensed that he’s also trying to calm himself.

“By the way… Can I invite you to something?” anito.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His lips curve in a shy smile.

“What is it?” tanong ko.
“There’s a gala launch for a brand. Nag invest ang kompanya roon kaya sasali ako. I want you to come with me…”

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na ang alam ko’y mahalaga si Ivo sa akin, nagdadalawang isip parin ako. He’s a friend. He’s important to me. I should immediately say yes to his friendly offer.

“Sure!”
“Really?” his eyes widened. “It’s a formal party intended for investors and other businessmen.”

I wonder if Ali’s in that party too?

“I wouldn’t fit in there if that’s the case-”
“Thraia!” nagtaas siya ngkilay. “Stop it. You’ll fit! Especially when you’re with me.”

Yumuko ako at pinaglaruan ang baso ng aking inumin. Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan ni Ivo ang kamay ko. He squeezed it firmly.

“I really hope you’ll decide about my offer soon. After the gala launch, I’ll plan my Japan trip. I want you to be with me when I plan it, Thraia…”

Nag-angat ako ng tingin kay Ivo.

“Gusto ko ng karugtong sa naiwan natin bago ang aksidente. Gusto kong ipagpatuloy kung saan tayo natigil, Thraia…”

I then wonder… did I choose him?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.