Waves of Memories – Kabanata 28

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 28

Kabanata 28
Touch

Wala akong nagawa. I had to tell the man where Penny’s room is pero hinding-hindi ko sila hinayaan dalawa.

I held the door open for them. The man put her down the bed and then he looks at me, annoyed. Hindi ako nagpatinag. Whatever happens, I’m not going to leave them.

Tulog si Penny sa sobrang kalasingan. She murmured some things I couldn’t decipher.

“Hmmm…” the man whispered on her ear as he tried to unbutton his long sleeves.

“Ako na ang bahala sa kanya…” matapang kong sinabi kahit na ang totoo’y takot na takot na ako.

Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyayari. I just know that she’s in a relationship with our boss, Ethan Leviste. Just yesterday, Ethan was here and they seem fine. I think. And now she’s drunk with a man I don’t know. Which of course, by the way, should be a normal case because I don’t remember anything.

Wala akong maalala sa tunay na nangyayari kay Penny at Ethan pero ang tanging alam ko’y magkakamali ang kaibigan ko kung sakaling hayaan ko siya sa lalaking ito.

“Why don’t you just go and lock yourself on your room? Or…” he smirked. “Want to join us?”

What the hell? Halos manlamig ako sa takot. The familiar feeling of fear made my heart beat so fast that I couldn’t keep up.

Wala na akong panahon para tawagan pa ang kahit sino para magpatulong. I need this man to get out of our unit or I’m gonna stab till he runs out of blood!

“Get out of here, asshole!” sigaw ko sabay kuha sa isang frame sa dingding malapit sa kinatatayuan ko at binato ko sa kanya.

Natamaan ang kanyang likod noong frame ngunit muntikan na ring tumama iyon sa kay Penny! Hindi ko na uulitin iyon!

“What the hell is your problem, miss? Kung ayaw mo, e di, bumalik ka sa kwarto mo at hayaan kami rito-”
“Ang sabi ko, umalis ka o tatawag ako ng security!” I screamed.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko sa mabilis na naisip. I saw the man’s face light up with fear. His jaw clenched. Tumayo siya ng maayos. The first three buttons of his long sleeves were now down.

“We danced inside a bar and I asked her if she wants to go home, she said yes so I took her here. Kung alam ko lang na may kasama siyang pakealamera ay sana dinala ko na lang siya sa hotel-”
“Wala akong pakealam! Lumabas ka rito!” sigaw ko at ipinakita sa kanya ang cellphone.

If he doesn’t believe me, then I’m fucked. I don’t have the number of the security here. Kahit sa telepono ay hindi ko alam. Ang tanging magagawa ko ay kumuha ng kutsilyo sa kusina at bantaan siyang sasaksakin ko. At kapag ‘di parin siya aalis, hindi ko na alam kung anong gagawin ko!

I clicked my phone without looking away. Kumunot ang noo niya. It’s nice to know that he’s still scared I might call the security.

“I’m just waiting for them to answer…” nanginig ang boses ko.

Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata bago siya nagdesisyon na lumapit sa pintuan.

Mabilis akong umatras. Kabadong kabado na ako habang umaatras at habang siya naman ay patuloy sa paglalakad.

Ngayong lubusan ko na siyang nakita, dinetalye ko ang kanyang istura. I want to remember this guy for Penny’s safety. He’s tall. Mga kasing tangkad siguro sila ni Ethan. He’s not bad… I mean, good looking actually but I can sense how evil he is!

Tinaas niya ang kamay niya nang nalagpasan ako. In a stance of surrender, he left the unit without saying anything. Mabilis kong tinungo ang pintuan para isarado iyon. I locked the doors and then quickly went to Penny’s room.

The floor is flooded with her own vomit. Sumakit ang ulo ko nang natanaw siya. And no, it’s not because of my memories… but because of what is happening here.

Hindi ko na alam kung paano ko nalinisan ang sahig ng hindi sumusuka. Ang alam ko lang ay nahihilo na ako nang nasa bathroom ako at kinukuha ang mop para tuluyan nang mapunasan ang kung ano mang natitira sa sahig.

It’s one in the morning and I’m here cleaning up.

I didn’t text Ali about it because it might reach Ethan. Hindi naman sa gusto kong ilihim ito kay Ethan. Ang alam ko lang, malaking away ito kung sakaling malaman ni Ethan na nagdala ng ibang lalaki si Penny dito. Paano kung wala ako rito? Maaaring may nangyari na kay Penny at sa lalaking iyon!

Nang bumalik ako sa kwarto ni Penny ay nakahilata parin siya sa kanyang kama. Huminga ako ng malalim at unti-unting tinanggal ang kanyang stilletos. The next thing I removed was her jacket and her top. I scanned her cabinet for clean clothes. Nakakuha ako roon ng pajama at isang komportableng shirt.

Mabigat si Penny lalo na ngayong sobrang tulog niya. It took me half and hour to dress her up. Pagkatapos ng ginawa ay tinapon ko ang mga damit niya sa lalagyanan ng labahin.

Nilagyan ko siya ng kumot at gaya ng ekspresyon niya kanina, tulog na tulog parin siya. He mascara is still on and her lips not smudge even after the way that man kissed her.

Lumabas ako ng kwarto niya at bumalik na sa aking kwarto.

It’s a long night. Hinila ako ng antok nang bumagsak na ako sa kama. Siguro ay bukod sa pagod sa trabaho, napagod din ako sa ginawa ko para kay Penny.

Kinabukasan, gumising ulit ako ng maaga para sa trabaho. Pagkabangon ko, ang kalagayan agad ni Penny ang iniisip ko. If she’s not going to work today, that means I’m going to work alone. Magtataxi ako patungo sa aking pinagtatrabahuan. Konti lang ang perang naiwithdraw ko sa aking account noong nagpacheck up kami pero mabubuhay naman siguro ako noon.

I have a decent amount of money on my account. Siguro dahil na rin iyon sa pag-iipon ko noon.

Lumabas ako ng kwarto para makaligo sa common bathroom at nagulat ako nang namataan ko si Penny sa kusina, nagtotosta ng tinapay.

I stopped and looked at her. She’s in her working clothes now and her make up is already perfect. She smiled at me. I wonder if she remembered!

“You okay?” tanong ko.

Tinagilid niya ang ulo niya na tila may amnesia rin siya. Binaba ko ang tuwalya ko at ngayo’y determinadong kausapin siya tungkol kagabi.

“You came home drunk with a man, Penny…”

Kita ko ang gulat sa kanyang ekspresyon. Kinuha niya iyong kape at nagsalin siya sa isang mug habang nagsasalita.

“I’m sorry. I kind of blacked out. All I remember is hinatid ako noong lalaki…”
“Noong lalaki? Hindi mo ba kilala iyon?” medyo nairita ako.

Kakakilala ko lang kay Ethan Leviste at maaaring wala sa kanya ang simpatya ko dahil hindi ko naman alam ang tunay na nangyayari pero I think if a person is in a relationship, she must stick to him. She needs to choose him no matter how tempting another man is.

Naaalala ko iyong ginawa ko kay Ali noon. I admit it. I’m so tempted with him. I found ways to hate him just to cover up the feeling I’m feeling. Because I want to choose Ivo. I chose Ivo. I pushed Ali away because I was certain I’m going to choose Ivo.

“We just met in a bar…” she explained.
“You two kissed…”

Tinuro ko ang spot kung saan ko sila nakitang naghahalikan. She only nodded like it’s a normal thing.

“Penny, diyan kayo naghalikan. And then he wants to be inside your room. Nalito pa ako noon kung papapasukin ko ba siya dahil hindi ko naman siya kilala. Tapos may masama siyang plano sa’yo. Hindi kita iniwan sa kwarto dahil alam kong magkakamali ka kapag ginawa ko iyon!” I can’t help but sound so frustrated.

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Sa huli ay nagkibit siya ng balikat. Not fazed by what I just said.

“Anong iisipin ni Ethan kapag nalaman niya iyon? I want to ask for help but calling Ali would only mean that Ethan would know and I don’t want him to know dahil mag-aaway lang kayo…”

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Napatigil ako.

“I’m sorry for being a bother. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari.”

Napatingin siya sa akin.

“And… thank you for not leaving me…” she said like there’s a barrier between us.

Like I couldn’t touch what’s beyond that barrier. Like she’s shutting me out. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Bakit mo nagawa kay Ethan iyon? I don’t know what’s up with you two but if you’re still in a relationship with him, you have to keep choosing him!” iritado kong sinabi.

Hindi siya nagsalita. Binaba niya ang mug at iginawad sa akin ang buong atensyon.

“You chose him in the first place, kaya panindigan mo iyon kahit na may iba kang gusto! O may iba kang gustong mangyari!”
“I wouldn’t want Ethan to do that to me, Thraia…” umiling siya.

Natahimik ako.

“If he wants someone else and he’s in a relationship with me, I don’t want him to choose me because he needs to stand by his decision.”
“Ilang relasyon na kaya ang nawasak kung hindi nila ginawa iyon!” giit ko.
“Ilang relasyon ang mas nawasak dahil lang sa pagpipigil nila sa kanilang sarili!? If he wants me, he’ll never waver for anything. If he does, then I’m letting him go!” sigaw ni Penny na nagpatahimik sa akin.

A tear fell from her eyes. Marami pa sana akong sasabihin pero nang nakita ko siyang umiiyak ay hindi na ako nakapagsalita.

“I’m sorry…” humikbi siya.

Kinagat ko ang labi ko. I wonder if I know things about her. I wonder if it frustrates her to know that I don’t remember a thing about her. I wonder if it’s okay to start again right now.

Lumapit ako sa kanya. Kitang kita ko ang bigla sa kanyang mga mata. I hooked my arm on her neck and hugged her tight. Mas lalo siyang humikbi at niyakap niya ako pabalik.

“Do I know everything about you, Penny? I’m sorry, I forgot…”

Ilang beses na akong nainis sa kondisyon ko pero ngayon ko lang talaga sasabihin ito.

“Amnesia sucks…” nanginig ang boses ko.

Bahagyang natawa si Penny sa kalagitnaan ng pag-iyak.

“Bumalik na siya…” she said na parang alam ko na dapat kung sino iyon pero wala talaga akong maalala.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at agad na pinalis ang kanyang luha. I am amazed by the way she puts her make up on. Hindi man lang nasira ang eyeshadow.

“His real girlfriend is back…” she said miserably.
“What? What are you then? Fake girlfriend?” pagtataka ko.
Umiling siya. “I liked him since then, Thraia. Gagawin ko ang lahat, maakit ko lang siya. Even ruining his relationship with his love.”

Nagulat ako sa sinabi niya. The pain and misery is very obvious in her expression.

“I ruined his trust for her. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan niya ang babaeng iyon. The girl got so hurt and embarrassed that she went abroad. Hinintay kong makarecover si Ethan sa babaeng iyon. But I don’t think he did… or he will ever move on.”

Penny telling me all these made me feel her pain. Pakiramdam ko ay natutulungan ko siya sa pamamagitan ng pakikinig. Ayos lang sa akin kung bigyan niya rin ako ng sakit na nararamdaman niya. Even when my heart is already aching for all of what’s happening with my life, there will always be room for a friend. I can feel how much I treasured her before.

“Sinabi noong babae ang ginawa ko noon. Now Ethan is blaming me for it. I’m the reason why they broke up. I want to lock him in my arms… I want him to love me the way he’s loved that girl. At ngayong nalaman niya na ang totoo, wala na siyang maramdaman sa akin kundi pagkamuhi, Thraia-”
“Nag-usap ba kayo?” tanong ko.

I can’t imagine Ethan to be that hard on her. But then when I think about his kind of indifferent eyes, I can sense it’s possibility.

Tumango si Penny.

“He’s told me to leave the girl alone. Napakasama ko raw at nakapaselfish. He never thought I can do that to them.”
“Kailan?”
“Days ago-”
“But you were okay yesterday!” giit ko.
“We look okay but when we’re alone, he’s as cold as ice, Thraia. At kanina, nalaman ko kay Clement na magkasama si Ethan at si Glaiza kahapon. I texted Ethan asking where he is and he only told me that he’s with his family and he’s not going to work…”

Kinagat ko ang labi ko.

“Ba’t ‘di niya masabi sa akin na magkasama sila ni Glaiza? He never introduced me to his family… that makes sense… actually. And now, it’s okay. Gustong gusto ko si Ethan, Thraia… Pero I can’t make him love me that way. There’s nothing I can do but to divert my attention-”
“Is that why you were with that man?”
“I only want to forget everything that’s hurting. Hindi ko na naisip na magkakaganoon. I’m sorry.”

Hindi ko na alam kung anong pwedeng gawin kong abiso para kay Penny. Hinayaan ko na lang siyang magsalita. Kung hindi niya lang pinuna ang oras ay hindi na ako kumilos pa.

“Kahit na ganito… magtatrabaho ka parin?” I asked pagkatapos kong maligo at magbihis.

Pareho kaming nasa dining area na at kumakain. I can’t help it. I wonder if Ethan knows about what happened.

Ngumiti siya. “Ayos lang ako. Kaya ko naman…”

I suddenly wonder if she’s going to work just so she can help me out?

“Kung ako ang inaalala mo, ayos lang ako, Penny.”
“Biyernes na rin naman. Walang pasok bukas kaya ayos lang… Isang araw na lang…”

I wonder if she wants to resign? And she’s not resigning because of me?

Habang nasa sasakyan niya kami, nakita ko ang mensahe ni Ali. He greeted me good morning. I want to reply but I didn’t. Baka kasi madulas lang ako at masabi ko ang mga nangyari kay Penny.

Like her usual self, kaya pa niyang makipag-asaran sa mga katrabaho. Why didn’t I notice whatever’s going on with her the first day I came here? Magaling siyang magtago. Marunong siyang magpakitang masaya siya kahit nahihirapan.

“Oh ano?” nagtaas siya ng kilay nang naabutan akong nakatingin sa kanya.
Umiling ako.

Now, I understand. It isn’t enough to choose your decision. It’s not enough to stick to it even when your heart is telling you not to. You have to want it. But then, wanting something now won’t mean you’ll want it forever. You might get tired of it a long the way. Kaya ang resulta, kailangan mong piliin lamang iyon out of principle. You chose it in the first place, you have to choose it over and over again just to prove how solid your decision was.

Paano nagtatagal ang mga relasyon kung hindi pwedeng piliin ang dating pinili? Paano magtatagal kung lagi mong susundin ang mga gusto mo? Paano kung magkaroon ka ng ibang gusto sa kalagitnaan ng pagkakagusto mo sa dating nagustuhan?

If you pursue your new apple of the eye, how will a relationship last? You can’t want something over and over again… in this lifetime, right? That’s reality.

Kaya paano magtatagal ang mga relasyon kung sa huli ay magsasawa ka rin at magkakaroon ng ibang gusto? Paano ito magtatagal kung lagi mong sinusunod ang puso mong salawahan?

I don’t know.

Maybe, to choose your first decision? Maybe to choose to stick to it and never look at anyone again?

I don’t know.

Nobody knows.

Na kahit ako’y naranasan na iyon. Nagkagusto sa iba kahit na may desisyon na akong para sa isa pa.

I chose to stick to my decision but I ended up like this…

Ali:
Are you done with work?

Buong araw kong hindi pinansin ang kanyang mga texts. But this time, I have to reply to it.

Ako:
Yes.

He replied immediately.

Ali:
You didn’t reply to my texts the whole day.

Kadarating lang namin ni Penny sa condo at agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at tingnan ang papalubog na araw sa glass window malapit sa sink.

The sunset of this place is different from the sunset of Costa Leona.

Narinig kong lumabas si Penny sa kanyang kwarto. Nilingon ko siya nang nagpuntang kusin at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nagsalin siya roon.

I scanned her from head to foot. She’s barefooted but she changed her clothes to a black off shoulder dress.

“Saan ka pupunta?” biglaan kong tanong.
“Ah! Wala… May usapan lang kami nina Sir Clement.”

Humalukipkip ako. For sure she’s going out again. In a club? Doing that thing? The same thing she did yesterday.

“Just a few drinks… Hindi rin naman kasi ako makakatulog ng diretso e…” she smiled. “Nagpadeliver na rin ako ng dinner para ‘di na tayo magluto.”
“Saan naman kayo?” tanong ko.

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Binaba niya ang baso at ngumiti ulit sa akin.

“Sa Fort Bonifacio lang…” sabi ni Penny.
“Kasama si Ethan?” I sounded annoyed. I can’t help it.
Natawa siya. “Hindi. We’re not anymore communicating. Hayaan mo siya. Being in a relationship with him, giving my all, is my last resort. If he just won’t love me, I’m done.”
“Sasama ako…” sabi ko ng hindi nag-iisip.

Kailangan ko siyang bantayan! I can’t let her go there alone. Ayaw kong masubukan ulit siya. A scorned girl is impulsive.

“H’wag na. Baka magalit lang si Ali sa akin. Hot-headed pa naman iyon…”
“Anong kinalaman ni Ali rito? Wala siyang pakealam sa desisyon ko at hindi niya na kailangang malaman ‘to. I want to go with you. Ayaw ko nang makasaksi na binubuhat ka ng ibang lalaki pabalik dito sa bahay… And do you think I can get a decent sleep thinking about you in a club with those pervs?”

Bumunghalit na sa tawa si Penny sa sinabi ko. Hindi naman ako natawa. I’m just confused.

“You sound like…” hindi siya nagpatuloy. “Fine… If you want to come with me, better change now. Aalis ako ng mga alas otso siguro. Depende…”

Sa sinabi niyang iyon ay dumiretso na ako sa banyo. Naligo ako at mabilis na nagbihis.

Hinalughog ko ang cabinet ko. I don’t remember my usual attires when we go clubbing but when I found a black sweetheart top and a black mini skirt, iyon na ang sinuot ko. I put on make up, brushed and blow dried my hair. Lumabas na ako ng kwarto at naroon na si Penny sa lamesa, nagsisimulang kumain ng pina deliver na pagkain.

Her eyebrows shot up when she saw me but then she continued eating. Pakiramdam ko may sasabihin sana siya pero ‘di niya na tinuloy dahil baka maasiwa lang ako.

Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa kwarto. Nagpatuloy naman ako sa pagkain doon. Nagulat ako nang pagkabalik niya ay may dala na siyang instant camera. She started telling me to smile so we can take a picture.

Ang daming nakuha at hindi ko na mapigilang matuwa. She looks happy too so I think this isn’t a bad idea.

Nagpasya rin siyang dagdagan ng kaonti ang eye shadow ko para daw mag match sa damit ko. Then after a few moments, we were set to go.

I don’t know what to expect from a club. This isn’t my first time but it will look like my first time because I don’t remember anything.

“Nasaan na kayo?” tanong ni Penny sa kausap niya sa cellphone. “Malapit na kami. Saang aisle ‘yan? Sa dati?”

Her other hand is on the steering wheel. Kumalabog ang puso ko nang nakita ang mga neon lights galing sa isang building. People flocked. Nice cars looks like a normal thing here.

Pagkatapos mag park ni Penny ay sumunod na ako sa kanya papasok ng bar. I’m silent as I follow her. Lahat ng mga routines ay ginaya ko lang.

And the next thing I knew, we’re inside the bar. Nilingon niya ako. Pakiramdam ko sobrang lamig ng mukha ko dahil sa kaba. This is my fucking first time!

She smirked. She probably saw my struggle.

“Don’t worry…” she said and started walking through the crowd.

Medyo maingay. Hindi lang dahil sa music pero dahil na rin sa mga nag iinteract na mga tao. Nilingon ko ang isang lamesa ng mga nagtatawanang lalaki.

“Thraia…” Penny called when she saw that I’m preoccupied because my eyes is wandering.
“Yes…”

I followed her but my eyes can’t help but wander around the whole club. Nang umikot siya sa isang lamesa at nagsimulang makipagbeso sa mga kasama ay doon lamang ako kumalma.

“OMG! You brought Thraia?” si Sir Clement sabay beso rin sa akin.

I awkwardly smiled. Nakita ko rin si Jenissa at may isa pang hindi ko kilalang babae. She’s smexy with her very tight body hugging dress. Even with her big curves, she carried the dress confidently.

“Hi! I’m Trinie…” she said at nakipagbeso na rin.
“Mapilit…” sagot ni Penny kay Sir Clement.
“I ordered everything you want…” sabay lahad nito sa buong lamesa.

Expensive looking drinks and wines were on our table. Kinuha ni Penny ang isang glass at ininom. Iminuwestra niya rin sa akin na umupo ako kaya sinunod ko iyon. Umupo na rin siya.

“You know, Radleigh is around! He’s with some of his friends!” sabi ni Sir Clement. “At alam mo naman ang kasabihan, the birds of the same feathers flock together. These friends of him are as fine as him…”
“Hay nako, Clement. Alam ko rin ‘yang issue ni Rai, e. Naku! Pareho lang…” sabi ni Jenissa.

Nilingon ko si Penny na ngayon ay lumalagok ng isa pang shot. Naagaw lang ang atensyon ko nang binigyan ako ni Trinie ng isang baso ng wine.

“That’s good for the heart…” seryosong sabi niya.
Tumango ako at tinanggap iyon. It’s awkward to say no to people I just met.
“Sigurado ka ba nitong kay Thraia, Penny?” tanong bigla ni Sir Clement.

Nilapag ko ang wine glass at magsasalita na sana.

“Hindi naman malalaman ni Ali. ‘Tsaka, uuwi rin kami.”
“Isa rin ‘yang si Ali, e…” sabay tango ni Sir Clement sa akin. “Kung hindi lang kasi natin nalaman iyong nangyayaring kababalaghan noon, e ‘di ayos sana image niya sa’tin ngayon. Naku! H’wag kayong maniwala sa mga lalaking ‘yan…”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir Clement. Siniko siya ni Jenissa ngunit pakiramdam ko’y walang makakapigil sa bibig niya.

“Kung sana, in the first place sinabi niya na ganoon ang relasyon nila noong Lynea Angeles, e ‘di sana, we know what to expect! We heard things about them but we never believed. Paano, desperada rin naman iyong babaeng iyon. Palibhasa sa kahit ang daming rumored fuck buddy ni Ali Mercadejas, siya lang yata ang hindi nahihilera… Gusto sigurong makatikim pero ‘di ginagalaw…”
“Clement!” pigil ni Penny sa kanya sabay tingin sa akin.

I smiled awkwardly at napainom sa wine na binigay sa akin.

“I already know that…” sabi ko.
“Oo nga.”
“Alin ang alam mo? OMG. Naaalala mo na?” si Jenissa.
“Hindi… I mean… I kind of know some things about Ali and his… relationships…”
“My God, Jenissa. Kahit na mauntog ako ngayon, isang tingin ko lang kay Ali alam ko na ulit na maraming karanasan iyon. I wouldn’t be surprised if girls would ask their male friends to sleep with Aia para lang masiraan siya kay Ali…” Sir Clement smiled at Penny.
“You fucking bitch…” Penny said in a very cold tone. Pakiramdam ko ay natamaan siya roon.

Did she…

“Chill, Penny. Sa dami mo talagang kabulastugang ginawa since college, that was one hell epic move!”

What? Laglag panga kong tiningnan si Penny. Hindi ko alam kung saan ako mas disturbed… sa mga posibleng admirers ni Ali na nag-aabang sa kanya o sa napagtanto kong maaaring nagawa ni Penny para lang makuha si Ethan.

She drank two consecutive tall shots at agad na nagyaya kay Trinie na magsayaw. Umalis sila sa lamesa at nagsimula nang maki blend in sa crowd. Kaming tatlo na lang ni Sir Clement at Jenissa ang naroon.

Jenissa started a conversation about work. At nagkaroon din kami ng photo session. She asked me if I still remember my Facebook accounts password… And proceeded to ask me where my old phone was because it might contain my passwords.

“Ewan ko. Nawala sa aksidente… I bet…”
Tumango siya at nagpatuloy sa pag-uupload sa picture. She sent me a request sa bagong account ko. Sunod kong tingin kay Sir Clement ay kausap na ang sandamakmak na lalaking puro gwapo at mukhang mga modelo.

Pinakilala niya sa amin isa-isa pero ang iba’y kilala na si Jenissa. Umalis si Sir Clement sa table at hindi ko na nasundan kung nasaan.

Bumalik si Penny sa lamesa para lang uminom ulit ng dalawa pang consecutive shots. Napainom din ako dahil binigyan niya ako ng isa. I thought she’s going to stay but she didn’t. Bumalik ulit siya sa dancefloor, this time, bringing Jenissa with her.

They all looked a bit tipsy. Kahit si Jenissa ay hindi ko na napigilan.

Nakita kong may humawak na lalaki sa baywang ni Penny dahilan kung bakit napatayo ako.

“Penny!” I called but it’s futile.

Nagsimula na akong lumapit sa sayawan. Hindi para sumayaw kundi para sundan si Penny. She’s drunk and I don’t want her to mingle with pervert males while dancing. Kailangan ko siyang bantayan.

I craned my neck just to see her. I saw her dancing with a couple of guys. Hindi ko na nahanap si Jenissa at Trinie, siguro nakikipagsayawan din sa iba.

On my journey to her, someone blocked my view. The man was tall and a bit lean. He smirked when he saw my confused expression.

“Hi pretty…” anito sabay indayog ng kanyang katawan sa musika.
“I’m sorry, I have to go to a friend…” sabay diretsong lakad ko pero hinigit niya ang aking baywang at dinikit iyon sa kanyang katawan.

Sa isang iglap, I felt a warm hand rest on my waist. Isang panghapong araw ang natanaw ko sa harap ng malawak na soccerfield.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.