Waves of Memories – Kabanata 27

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 27

Kabanata 27
Good Night

Pagkatapos kong magbihis ng puting shorts at kulay baby pink na spaghetti strap shirt, lumabas na ako ng kwarto. Dire diretso ang lakad ko na nilagpasan ko si Ali na nakaupo sa sofa. Maagap siyang tumayo nang nakita ako at sumunod sa akin pabalik ng kusina.

When we got there, halos patapos na sa pagluluto si Penny. Nanatili naman si Ethan sa high chair ng nakahalukipkip at tinitingnan ang nobya.

“Oh,” sinulyapan ako ni Penny. “I thought you’re going to lock yourself in your room just like what you’re always doing before…” she chuckled.

Tinapunan ko siya ng makahulugang tingin. Pakiramdam ko ay sanay akong gawin sa kanya ‘to noon. She held her hand up.

“Joke lang… Tulungan mo na lang akong maglagay ng pinggan sa mesa… malapit na akong matapos magluto.”

Sinunod ko ang sinabi niya. Tumayo pa si Ethan para kumuha na rin ng mga kubyertos para matulungan ako. Si Ali ay lumapit sa akin at inagaw ang apat na set ng pinggan na kinuha ko.

To feel him beside me makes me very uncomfortable kaya hinayaan ko siyang mag-isa na kunin iyong mga pinggan. He realized that I am avoiding him a bit, sumulyap siya sa akin.

Umatras ako at nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng pinggan at paglalagay sa six-seater dining table ni Penny.

Bumalik si Ethan sa kusina para tulungan si Penny sa roasted chicken. Pinagmasdan ko ang dalawa habang iniisip kung ganito na ba talaga sila noon. They look very good together.

Ang paninitig ko sa dalawa ay naputol nang napansin kong may nakatitig din sa akin. Ali is leaning on the counter, drinking cold water, while looking at me intently. Pakiramdam ko’y nanginginig ang kalamnan ko sa titig niya.

Will I ever be comfortable with his intense stares?

For years, I never really got used to the way he looks at me.

Ethan cleared his throat and then he chuckled. Tinapik niya ang balikat ni Ali at tinuro na ang lamesa sa dining area.

“Let’s sit there, Ali…” anyaya ni Ethan.

Tumango si Ali at tahimik na sumunod sa kaibigan. Nagkatinginan kami ni Penny habang nilalapag niya ang mga pinaglulutuan sa sink.

“Ako na ang maghuhugas ng mga iyan mamaya…” I offered.
“Yup. That’s what you do…” she smirked. “Lika na, kain na tayo…”

Pumanhik na kami ni Penny sa dining area. Nang kumpleto na kami ay tahimik kaming nagsiupuan. Magkatabi kami ni Penny samantalang ang dalawa ay parehong nasa harap namin. Ali is sitting in front of me. Ethan is sitting in front of Penny.

“Let’s eat!” si Penny.

We started eating silently. Sumulyap ako kay Ethan na paminsan-minsang sumusulyap din kay Penny. Penny is busy with her food.

“How’s the party they prepared?” Ethan asked Penny.
“Ayos lang. I think Aia’s happy with it…” she answered without looking at him.
Tumango ako. “Hindi ko alam na marami pala akong kaibigan doon…”
“Hindi naman lahat, Aia. Si Jethro, loko ‘yon. Laging nanghahanap ng mali sa mga katrabaho kaya mag-ingat ka…” si Penny.
“He’s still doing that?” Ethan asked. “I’ll fire him…”
Ali smirked.

Napakurapkurap ako lalo na nang nagkatinginan kami.

“Hindi ba ay masyadong personal naman ang dahilan mo para sisantehin ang isang empleyado?” Ali said in a formal tone.
“If your girlfriend is annoyed, Ali, will you make a guy stay in your company?” Ethan asked.

Hindi nagsalita si Ali. Nagtaas ako ng kilay ng may naalala sa terminolohiyang “girlfriend”. So if Lynea’s annoyed with someone in MERC, he’d immediately fire that annoying person.

“Ali is right, Ethan. Kahit na ganoon naman si Jethro, malaking asset parin siya sa kompanya…” si Penny na hanggang ngayon ay abala lamang sa kanyang mga kinakain. “Hindi naman ako mahina para laging magpadala sa kanya tuwing namimintas o ano…”

Natahimik si Ethan doon. Penny then started talking.

“By the way, I hope you finally change your mind. Thraia is determined to really start working tomorrow…” si Penny.
“Hindi ba ay masyadong biglaan. You can just rest for a little while…” Ali said.
“No, I’m fine. Nandyan naman si Penny para matulungan ako…”
“Isa pa, Ali. Paano siya rito kapag nasa trabaho ako? Mag-isa siya rito sa condo…”
“So, what’s your decision, Ali?” Ethan asked.

Nagkatinginan kami ni Ali. Kumunot muli ang noo ko. Bakit nagtatanong si Ethan kay Ali? Ano ngayon kung gusto niyang magpahinga ako? It’s not like he has the right to change my mind or whatsoever. At mas lalong hindi siya ang magdedesisyon kung gusto ko ngang bumalik.

“Gusto kong magtrabaho…” mariin kong sinabi.
“I’m just worried you’ll strain yourself…”
“Nagpunta kami ng doktor. He gave me a go signal…” I said.
“To meet your colleagues, not to work…” dugtong niya.

Sumulyap ako kay Penny. Sinabi ba ni Penny ang detalyeng iyon? Nagngising aso siya sa akin.

“This is what I want to do in the mean time. Bakit mo ako pinipigilan?” medyo naiirita ko nang sinabi.
“I know. Hindi kita pinipigilan. I’m just stating my opinion…” mas madiin na sinabi ni Ali.

Uminit ang pisngi ko nang napagtantong wala naman siyang sinabing h’wag na muna akong magtrabaho! Fuck! Bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain at nagpatuloy na lang doon.

“If even working in the kitchen makes your head ache, then that will mean working under the company is a big risk…”
“I won’t give all the loads to her, Ali…” Ethan said.
Humalakhak na si Penny ngayon. “Sumakit ba ulo mo noong nagluluto tayo, Thraia? Hindi naman, a…”

Hindi na ako sumagot. Sana ay tigilan na ni Penny iyan. Hindi ko naman sinabi sa kanya kanina na naiinis ako kay Lynea kaya bakit niya iisiping nasasaktan ako?

“All the big accounts will be given to other staffs. In the mean time, I’d like Penny to concentrate on looking after Thraia. So I think it’s going to be fine…”

Naubos ang oras sa kakakumbinsi nila kay Ali na ayos lang na magtrabaho ako. Wala naman akong kibo na lalo na’t hindi matanggal tanggal ang tingin ni Ali sa akin na tila ba nag-aabang siyang dumako ulit ang mata ko sa kanya.

When we’re done, Ethan helped Penny with the plates. Ako naman ang sa mga baso at nilapag na namin iyon sa sink. Sumulyap si Penny sa akin.

“Ikaw na ang bahala rito, ha? Magbibihis lang ako…” aniya pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Sumunod si Ethan sa kanya. Bumaling na ako sa mga huhugasang pinggan sa harap nang nakaramdam ako ng pagdating ni Ali. Dala niya iyong pinggan na pinaglagyan ng ibang pagkain. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko habang nililinisan ko isa-isa ang mga pinggan.

Namamanhid ang puso ko sa naramdamang biglaang pagpintig niyon ng malakas at mabilis.

Kinuha niya ang mga pinggang nalinisan ko na and then he went for the sponge. He is standing very close to me now for the sink.

“Ako na nito… Doon ka na sa sala…” sabi ko.
“Let me help…” he said.
“I can do it alone.”

Sumulyap siya sa akin at nagsisi agad ako bakit ko pa pinipilit ang argumento ko. I really don’t like him watching me like this!

“Even in washing the dishes, you want us to fight, huh?” his voice is husky, and almost a whisper.

Natigilan ako para mag-angat ng tingin sa kanya. Nakataas ang kanyang kilay, tila naghahamon.

“Fine! Sinasabi ko lang naman na pwede namang pang-isahang tao ang trabahong ito kaya ba’t ka pa nakikisali?” iritado ko nang sabi.
“Did you remember something after the death of my grandfather?”
“Why are you asking me that?”

Tumigil ulit ako at nilingon siya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na pinggan at bulang-bula na sponge. Medyo kumalma ang pakiramdam ko nang nakita ko siya.

It’s not everyday that I see him doing this but damn! And he’s wearing his business attire at that! Naghuhugas ng pinggan ang CEO? Well, hindi iyon iba. Kung nangingisda nga siya sa Carles noon, paano pa ako magugulat ngayon?

Hindi siya nagsalita. Ilang sandali lang kaming nagkatinginan at bumalik ulit siya sa kanyang ginagawa. Nang napagtanto kong determinado na siyang tapusin na lamang iyong gawain ay iyon na lang din ang ginawa ko.

Pasulyap sulyap ako sa kanya habang nagsasabon siya ng mga kubyertos. Seryosong seryoso siya sa ginagawa na para bang inaano siya ng mga kutsara at tinidor. Nagkadikit ang kanyang mga kilay sa sobrang seryoso at medyo nakasimangot pa siya.

“Ako na ang tatapos niyan…” sabi ko at binawi sa kanyang kamay ang mga kubyertos.

Wala siyang nagawa. Naestatwa na lamang siya sa gilid ko habang tinatapat sa gripo ang mga kubyertos na tapos nang nasabunan.

Lumapit siya ng kaonti. Hinawakan niya ang lababo sa gilid lamang ng aking baywang. His head tilted to one side almost reaching my left ear.

“Which part of your body is aching if it’s not your head?” he whispered.

Tumindig ang balahibo ko sa tanong niya pero nagpatuloy ako sa ginagawa. I think I can only hold it for a while. I don’t think kaya kong magtapang tapangan the whole time here! Ang mga baso na ang binabanlawan ko ngayon.

“Mind your own business…” bulong ko habang naghuhugas ng baso.
“I am minding my own business. Apparently, you’re my business…” he whispered.

I stopped and glared at him. Seryoso ang mga mata niya. Kumalabog ang psuo ko na literal kong naramdaman ang sakit nito sa aking dibdib.

“Shut up, Ali-”
“You didn’t even say goodbye to me before you left…” narinig ko ang sakit sa sinabi niya.
Tumawa ako ng bahagya. “Ba’t ako magpapaalam kung tulog na tulog ka pagkatapos ng mga ginawa ninyo ng girlfriend mo?”

Umiling ako at lumayo sa kanya para ilagay na sa lalagyanan ang mga pinggan, kubyertos, at baso. Lumapit siyang muli, pinipilit na ubusin ang pumagitnang distansya sa amin.

“What are you talking about?”

Ngayon ay hinarap ko na siya. He deserves my whole attention just so he’d stop fooling with me. Kung iniisip niyang bulag ako, nagkakamali siya. Nawala lang ang alaala ko, pero hindi ang common sense. All it takes for me to realize everything is my common sense. Luckily, I still have it.

“H’wag kang mag-alala at hindi ka naman santo sa isipan ko. It’s not surprising if you’re sleeping with Lynea in your own room. Hindi na tayo mga bata at alam kong may mga pangangailangan ka at labas na ako riyan kaya bahala ka na…” medyo pagalit kong nasabi.
“I’m not sleeping with Lynea in my room, Thraia.”
Bahagya akong natawa. “Ayos lang. You don’t need to hide it from me-”
“I have never slept with Lynea…” umigting ang kanyang panga.
“Oh! Yeah! Umalis nga pala siya noong tulog ka na para siguro sa kwarto niya na lang matulog kasi hindi pala ‘yan pwede sa inyo-”
“What the fuck are you talking about?” malutong niyang sinabi.

Bumaling ulit ako sa mga pinggan at nagsimula ulit na ilagay sila sa mga lalagyanan.

Ilang saglit siyang hindi nagsalita habang nag-aayos ako ng mga pinggan. Sa huli, nang napagtanto kong maaaring narealize niya na ngayon ang ibig kong sabihin ay tumakas na ako.

“We’re not done…” he immediately caught my wrist and then pulled me back to where I was standing.

Kanina’y nakatalikod ako sa kanya, ngayon ay nakaharap na. Kinulong niya ako ng kanyang mga kamay sa magkabilang gilid. He leaned a bit so our eye level would meet. I looked away.

“Hmmm. So… you’re under the impression that Lynea’s sleeping in my room.”

Quick thinking you got there, Ali! Umirap ako at matapang siyang tiningnan. Humalukipkip ako para magbigay ng distansya sa aming dalawa. I feel like I’m so vulnerable in this position. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib at hindi niya itinago ang pagtaas ng kanyang kilay ay ang bahagyang pagngiti.

“She isn’t. The night you left, I was in the library because I couldn’t sleep. Bumalik ako ng kwarto, alas sais na ng umaga kanina para kumuha ng ticket pabalik dito. Because you have fucked my mind when you decided to be with Ivo last night.”

Naramdaman ko ang kuryente sa aking batok patungong ulo nang sinabi niya ang huling pangungusap.

“So she’s free to go inside your room whenever she likes it?”

Umigting ang kanyang panga, tila may iniisip na malalim. Nanliit ang mga mata ko nang may parang naalala. It’s like it’s on the tip of my mind but it just wouldn’t reveal itself. Like we had this conversation before… like this is all a deja vu.

“No. I lock my doors everytime I’m inside my room, Thraia…” mataman niyang sinabi.

I looked away. He as consistently looking at me with his piercing eyes.

“My turn to ask now… Which part of your body is aching if it’s not your head?” he whispered.

Bumilis ang paghinga ko sa tanong. Mas lalo niyang nilapit sa akin ang kanyang katawan. I can almost feel his breath.

“Aling parte ang masakit, Thraia? Hmm?”

Kinagat ko ang labi ko at sumulyap sa kanya. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Bumaba ang tingin niya sa aking labi.

“I will do something about it… I promise you…” he whispered. “Just tell me which part hurts…”

Nangatog ang tuhod ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I feel confused. I feel so hot and I can’t think straight.

Hinawakan ko ang dibdib niya. Bumagsak ang mata niya sa mga palad kong nakadikit sa kanyang dibdib.

“I want to rest a bit… I’m tired,” hindi ko nakilala ang sarili kong boses.
“You are?” malambing niyang tanong.
Marahan akong tumango at muli siyang tinulak.
“Uh-hmm. I’ll send you to your bedroom…”

Tumuwid siya sa pagkakatayo at bumaba ang mga kamay niyang nakahawak sa lababo. Kahit na pwedeng pwede na akong kumawala roon ay nanatili akong nakatayo. He held his hand out just to remind me that I may go. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang nakita niya ang pagdadalawang isip ko.

Sa iritasyon ay nagmartsa na ako at nilagpasan na siya. Sumunod lamang siya sa akin.

Nang narating ko ang sala, the Television is on pero wala namang nanonood. Siguro ay nasa kwarto na ang dalawa. I stopped so I could turn it off.

Nilingon ko si Ali na nasa likod ko na ngayon. His presence is really not healthy for me. I’m becoming more and more needy or something. I don’t understand.

Humikab ako at binaba ang remote control na hawak. Sumunod si Ali sa akin patungo sa pintuan ng aking kwarto.

Nilakihan ko ang pagkakabukas. Hindi ako dumiretso sa kama. Imbes ay nilingon ko siya. Hindi siya sumunod sa loob. Nanatili siya sa hamba. He reached out for the door handle and then he smirked.

“Good night, Thraia…” he said in a playful tone.
“Good night…” I looked away.

Unti-unti niyang sinarado ang pintuan na nagbabahagi sa aming dalawa. Pumikit ako ng mariin nang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Binagsak ko ang aking likod sa kama at tanging ang kisame ang tinitingnan.

I hugged the pillow beside me tightly and thought about the way he treats me the whole time tonight. Para akong nilalagnat sa kakaisip sa mga nangyari. It kept on replaying on my mind like I’m so scared I’ll forget about it. I don’t want to forget about it. I want to keep these memories.

My phone beeped. Wala sa sarili kong kinuha iyon at nakita ang isang mensahe. Namilog ang mga mata ko nang nakita kung galing ito kanino!

Ali:
I’ll go home after a few minutes.

Kumunot ang noo ko. Pilit kong normal na isipin ang simpleng kahulugan sa kanyang text pero sumisingit sa utak ko ang isang bagay.

Bakit? Bakit hindi siya agad umuwi sa kanila? May pupuntahan ba siya?

Bumangon ako at dahan-dahang binuksan ang pintuan. I saw him on the sofa watching television. Napalingon siya sa aking pintuan. Kakapindot niya lang sa screen ng kanyang cellphone.

“Oh.”

Umangat ang gilid ng kanyang labi pagkakita niya sa pagsungaw ko. Marahan kong sinarado ulit ang pintuan.

Nang tuluyan ko nang sinarado ay para akong uod na binudburan ng asin pagkahiga ko sa kama.

What a shame, Thraia! Why do I have to check?

Ali:
I’ll stay here for a while. You need something?

Mabilis akong nagtipa. I made sure it’s as cold as possible.

Ako:
Wala. I’ll sleep now.

Ali:
Okay. Good night.

Hindi ko alam kung anong oras umalis si Ethan at si Ali. Basta ang alam ko, halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari.

I wonder what I’m like towards Ali before I lost my memories? I wonder if he goes inside my room? Well… tuwing naiisip ko iyon ay pinipilig ko na lamang ang ulo ko.

Natatakot ako para sa nararamdaman ko kay Ali. I woke up very early the next day thinking that I’m going to work again today. But I spent the extra minutes thinking about how he always make me feel.

Hindi ko alam kung sino ang pinili ko noon kaya natatakot ako ngayon. Natatakot ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot akong bumagsak.

I’m scared that the intensity I’m feeling from him is the one leading me to develop intense feelings too.

My phone beeped early in the morning. I saw Ivo’s text right after Ali’s unread text message.

Ali:
I’m home.

It was sent around 9:30pm yesterday. Iyong kay Ivo naman ay ngayon ngayon lang.

Ivo:
Can we meet for dinner later? I’m gonna pick you up.

Napaupo ako sa text niya.

Ako:
Okay. I’m working today. Sa Le Viste Lands…

Ivo:
I’ll pick you up there.

Lumabas na ako ng kwarto. Nasa counter na si Penny habang nagtotosta ng bread. She smiled at me.

“Good morning!” she said.
“Good morning!” bati ko pabalik. “Maliligo lang ako…”
Tumango siya. Dumiretso na ako sa banyo.

Habang naliligo, naiisip ko kung anong oras kaya umuwi si Ethan. Kung sabay ba sila ni Ali o nauna si Ali sa kanya? Not that i want to really know what’s happening between Ethan and Penny but I also want to know how close are we before I lost my memories. Does she share her problems with me? Do I tease her about the way Ethan looks at her? Hindi ko alam.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I wore jeans and a white vneck t-shirt. Kinuha ko na lang iyong black blazer ko kung sakaling kailangan ko’t lalo na’y mukhang gagabihin ako mamaya.

I put on some make up. Pagkalabas ko ay nakapagbihis na rin si Penny at nagkakape na sa counter. Nilapag niya ang isang pinggan ng breakfast sa tapat niya.

“Your breakfast is ready, Madame…” she teased.

Napangiti ako sa pang-aasar niya.

“Sorry, nagiging pabigat pa ako. I’m going to cook our breakfast tomorrow. Marunong naman ako.”
“Sigurado ka? Baka magkacancer ako sa lulutuin mo, ha? Baka sunog?” she smiled widely.
“Hindi nga. I’ve improved, for sure. Pinagluluto ko si Ali sa Carles…”

Umupo ako sa tapat niya at nagsimula nang kumain.

“By the way, later, pwede nang ‘di mo na ako kunin dahil magdidinner daw kami ni Ivo.”

Kumunot ang noo saglit ni Penny bago tumango at sumimsim sa kape.

“Siguraduhin mong nakauwi ka na rito ng alas otso, ha?”
“Oo naman. It’s just dinner. I can even go home earlier…”

She nodded and started making phone calls for work. Hindi niya nabababa ang kanyang cellphone sa kakatawag niya sa iba’t-ibang mga important people. May mga pinapagalitan siya dahil hindi pa natatapos at kailangan niya na mamaya, may mga pinupuri, at may mga finafollow up. I wonder if I’m like that before.

Tumulak na kami patungong opisina. Tahimik siya hanggang sa nakarating kami sa aming floor. Diretsong trabaho ang inatupag niya sa opisina.

Umupo ako sa dati kong cubicle at doon ko nakita ang iilan pang mga pictures namin ni Penny na tuwang tuwa. She handed me some documents at tinuro niya sa akin kung anu-ano ang gagawin ko.

Nang naintindihan ko na ay umalis na siya sa aking tabi at nagpunta siya sa kanyang cubicle.

“Penny…” Sir Clement in his gray suit went to her.

Hinawakan ni Sir ang likod ng computer chair ni Penny at ang isang kamay ay nasa lamesa. Tila may sinasabi itong importante sa kay Penny. Penny looked so attentive and indifferent.

Ilang sandali pa akong nagtrabaho hanggang sa naglunch break na. I checked my phone and I saw texts from Ali. Kumalabog agad ang puso ko.

Ali:
Don’t strain yourself, please.

Napangiti ako at agad nagtipa ng sasabihin.

Ako:
I won’t. Thank you.

Sabay kaming naglunch ni Penny. She’s told me what I’m going to do the whole afternoon. Panay naman ang pakikinig ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad ako sa trabaho. My colleagues treat me like I’m a fragile glass. Hindi nila pinapasa sa akin ang mabibigat na trabaho at kapag may stressor ay hindi nila pinapasagupa sa akin. i’m thankful for that.

“Thraia, text me where you’re going with Ivo later. I’ll go now…” sabi niya.

Tumango tango ako dahil mukhang nagmamadali siya. Pinaglaruan ko ang ballpen at binalingan ang cellphone na kanina ko pa binabalewala. May text na doon si Ali.

Ali:
I’ll be in a meeting tonight. I heard you’re going out with Ivo.

I suddenly feel guilty. I know that there’s just really nothing in between Ali and me but I think he has to know that I’m having dinner with Ivo tonight.

Ako:
We’ll just have dinner.

Ali:
Okay. Where?

Biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag galing kay Ivo. Sinagot ko agad iyon.

“Hello…”
“Hello, I’m waiting for you here at the basement. Are you done?” maligayang sinabi ni Ivo.
“Yes, I am. Bababa na ako…”

Nagmamadali akong bumaba. Mabuti na lang at agad ko namang namataan ang sasakyan ni Ivo dahil nakababa ang window niya. It’s a white Honda sedan. He smiled, I smiled at him too but then a beep from my cellphone got my attention.

Ali:
Saan kayo magdidinner?

Pumasok ako sa sasakyan ni Ivo.

“How’s work?” salubong niya.
“Good, actually…”
“Buti na lang at nagkaroon ako ng free time ngayon…” he turned the engine on. “Sa isang italian restaurant tayo kakain just near here, will that be okay with you?
“Sure…”

Ivo talked about his work the whole time he’s driving towards the restaurant. I typed in the name of the restaurant for Ali at nisend iyon sa kanya habang nagsasalita si Ivo.

“There’s this new local cement company that’s loved by the local businesses kaya bumaba ang sales namin. Foreign investors are panicking but I assured them that our company will soon rise above those local brands…”

I know he’s really passionate with everything about the company. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kanya habang nagsasalita siya tungkol sa mga ginagawa niya sa kompanya.

“I told the employees na dapat mas ayusin ang trabaho lalo na ngayong may kakompetensya na. ‘Tsaka para na rin hindi matakot ang mga investors sa threat ng new local companies…” he drawled.

Umorder kami ng pasta. I had to read what the pasta is made of before ordering dahil hindi ako masyadong pamilyar sa mga ito. When the waiter left after the order’s been taken, Ivo smiled at me. His face is illuminated by the yellow light of the whol restaurant. His dimple looked deeper and his eyes looked more expressive.

“So… hindi ka ba napagod sa trabaho?”
“Well, napagod din…” sabi ko habang pinaglalaruan ang wine glass. But then siguro’y wala namang trabahong hindi nakakapagod.”
He sighed. “I have told you, Thraia. You don’t have to real push yourself to work. You can live with me. I can try to put you in our company para hindi ka masyadong mastress…”

Habang nagsasalita siya ay nakikita ko kung gaano siya ka eager gawin iyon. But nothing… absolutely nothing can ever change my mind.

Pagod lang ako sa trabaho pero hindi ibig sabihin na ayaw ko nang magtrabaho o gusto ko ng mas magaan. Working makes me feel fulfilled and independent. Gaano man ka nakakapagod, may nararamdaman parin akong mabuti sa pagtatrabaho.

“No, it’s really okay. I’m okay with my work, Ivo…” sabi ko.
“Always remember that my offer will always be available. Maaaring nasasabi mo lang ‘yan ngayon dahil kakabalik mo pa lang. Why would you stress yourself when there’s an easier way, Thraia?”

Ngumiti lamang ako at tiningnan ang mga nilalapag na pagkain ng waiter.

“If you’re with me, you’ll go wherever I go. I have to attend an investors invitation soon and it’s going to be in Japan. I hope you decide soon, Thraia. Para kung sakali ay isasama kita sa Japan.”

Nanatili ang tingin ko kay Ivo. He smiled. I smiled back but for some reason… I feel like my decision will never waver. Nothing will ever change my mind. Siguro ay ganoon talaga. I’ve wanted this for so long that even when I lost my memories, I still want it.

He talked about his plans for us. I silently listened to him trying to find the feeling that would hopefully exceed the intensity I feel for Ali. But there’s nothing but comfort in him. There’s nothing but the feel of something that will never change… and I ache… for something that will.

“Sana ay pag-isipan mong mabuti, Thraia…” hinawakan niya ang kamay ko nang nasa basement parking kami.

I smiled at him. It’s eight in the evening.

“I will, Ivo. Thank you for the offer…” sabi ko at lumabas na ng kanyang sasakyan.

He waved at me. I waved back. Umilaw ang kanyang sasakyan at hinintay ko iyong umalis bago tinalikuran ang basement para makapasok na sa elevator.

Tulala ako habang nasa elevator. Hindi matanggal sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin ni Ivo and how he’s figured out everything about our seemingly near future.

Na kapag may travel siya, isasama niya na ako. We’ll make new memories together. He’ll never leave me like what he always did every summer. I patiently listened to him. I patiently waited for my heart to beat like crazy but it never did.

Nabigyan ako ni Penny ng spare key kaya nakapasok ako sa unit nang walang bumubukas sa pintuan. She’s not around.

Nagbihis ako at lumabas ng kwarto pagkatapos. I turned the TV on and started scanning my phone. May text ulit si Ali na nakaligtaan ko kanina.

Ali:
Are you home?

It’s sent around seven thirty in the evening. I typed in my reply.

Ako:
Yes. I am now.

Ali:
Very good.

Iyon lang. Nagkibit ako ng balikat at nagtipa pa ng sasabihin.

Ako:
Are you home?

Huli ko nang napagtanto na masyado akong nakekealam sa tanong kong iyon. Kinagat ko ang labi ko at niyakap na lang ang throw pillow. What the hell?

Ali:
Not yet.

What? Where is he? Habang yakap ang unan ay nagtipa ako ng reply.

Ako:
Bakit?

Ali:
I’m still in the meeting.

Ang tagal naman ng meeting na iyon. And he keeps on texting me. I wonder if it’s delayed because the CEO is busy texting?

Ako:
Okay. Mag meeting ka muna…

Hindi na ulit siya nagreply samantalang kada tatlumpung segundo’y bumabaling ako sa cellphone sa pagbabaka sakaling may reply siya. I know he shouldn’t reply to me when he’s in a meeting though! At ako ang nagsabi sa kanya na mag meeting muna siya. What the hell?

Exactly nine when he texted me again.

Ali:
I’m done. I’m going home now. What are you doing?

Ako:
Just watching TV.

Where is Penny by the way? Gumawa ako ng mensahe para kay Penny.

Ako:
Where are you? I’m home. Kanina pa mga eight PM.

Hindi siya nagreply. Nakatulog na lang ako sa couch. Nagising na lang ako sa pagkakatulog nang may narinig akong kalabog.

I opened my eyes and immediately got my phone. The TV is still on and my phone has messages from Ali. Pero hindi iyon ang una kong pinansin. Ang una kong pinansin ay si Penny na ngayon ay buhat-buhat ng isang lalaki.

Napatayo ako sa gulat nang nakita ang kaibigan kong halos hindi makatayo at medyo magulo ang buhok. The man hugged her waist tight and then he chuckled when she tried to hold on to his neck.

“Penelope, get a hold of yourself…”
“Hmm…” Penny moaned.

Lumapit ako sa kanila. Hindi ko alam kung paano hahawakan si Penny. The man looked at me, unfocused.

“Where is her room, miss?” he asked.

What? Wait… Should I tell him where? Who’s this man? He doesn’t know me too. Lasing si Penny?

Bago pa ako tuluyang makapag isip ay nasaksihan ko na ang paghahalikan ng dalawa. My hand flew to my mouth when I saw how the man’s tongue claimed the insides of Penny’s mouth.

What the hell? What should I do? What the fuck should I do?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.