Waves of Memories – Kabanata 26

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 26

Kabanata 26
Ache

Gaya ng sinabi ni Penny, iyon ang ginawa ko. Though, I couldn’t properly rest with all my things inside the room. I couldn’t imagine myself wearing all these clothes and shoes. I couldn’t imagine myself being inside a bar with so many people.

Sa Costa Leona, kay Ivo lang ako malapit. Malapit din ako kay Sage pero tuwing nasa bahay lang. My classmates were not exactly friendly with me. I’m also not friendly to everyone… even the boys. Kaya ibang-iba ang tingin ko sa aking sarili sa mga larawang iyon.

I suddenly wonder how I was able to change that fast? Siguro ay sobrang naapektuhan ako kay Penny na pati lifestyle niya ay nakuha ko. But then I almost forgot how eager I was to change my life from living in the province to this. It’s not hard to change if you’re very willing to.

Nagpahinga ako ng isang oras pagkatapos kong halughugin ang mga gamit. When I woke up, nagpunta ako sa common bathroom para maligo. Bago ako makapasok ay naabutan ko si Penny sa balkonahe. She’s looking at the view as she puffed the cigarette. A glass of brown liquid is in her hand. Nang namataan niyang nakatingin ako’y itinago niya iyon and then she smiled.

“I ordered our lunch. We’ll eat first bago tayo pumuntang opisina…”
Tumango ako at tiningnan muli ang kamay niyang nakatago na sa barandilya ng balkonahe. “You smoke?”

Huli na nang napagtanto kong dapat ‘di ko iyon tinatanong. The old Thraia probably knows about it.

“Yeah…” tumawa siya at pinakita na ang sigarilyo. “But only if…” pinilig niya ang kanyang ulo at ngumiti ulit. “You think we should visit the hospital first? You know… iyong doktor mo…”

Marahan akong tumango. Nakitaan ko ng kalungkutan ang kanyang mga mata pero dahil mabilis niyang maramdaman na nakikiramdam ako’y agad din niyang pinuputol ang tinginan namin.

“Maliligo lang ako at magbibihis…” sambit ko.
“Okay…” she nodded.

I went to the bathroom and started cleaning myself. Maraming gumugulo sa utak ko sa maaaring maging reaksyon ng mga dati kong katrabaho pagkakita nila sa akin. Alam ba nila ang kondisyon ko? May maaalala kaya ako kung makita ko sila? Kung may magkukwento ba sa mga nakaraan ko’y maaalala ko rin agad ang lahat?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa common bathroom. Nawala na si Penny sa balkonahe at tahimik na ang buong bahay. Dumiretso na lang ako sa aking kwarto para magbihis.

I saw a text from Ivo. Agad ko iyong binuksan.

Ivo:
Are you home safe? Please text me, I’m worried. Nasa trabaho na ako. My sched is a bit hectic. Can we meet when I’m free?

I typed a quick reply.

Ako:
I’m home fine. Sure. Just tell me when.

For some reason, I want to wear the clothes I have before I lost my memories. Isang black jeans ang sinuot ko at isang off shoulder stripes shirt na long sleeves. I put a bit of make up on and then let my hair loose. Kinagat ko ang labi ko nang natanaw ang medyo pink na kulay nito gaya ng minsan kong nakita sa isang dating picture.

Nang lumabas ako ng kwarto ay natanaw ko agad si Penny na naglalagay ng kutsara sa gilid ng mga pinggan sa lamesa. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at lumapad ang ngiti niya.

“That looks more like you…” tumigil ang tingin niya sa aking stilletos na suot.

Uminit ang pisngi ko sa reaksyon niya. Nakapamaywang siya at sumayaw ang kanyang ponytail nang umiling siya.

“Kulang na lang ng alaala…” she smiled.
I smiled back. “I’m trying to fit in to the world I lived in before I lost my memories. Baka bumalik sa akin ang lahat kapag ginawa ko ito…”
“And how’s fitting in?” she smiled playfully.
“I’m not sure but… I think this was really what I want…”

Lumapit ako sa upuan at pareho kaming umupo na. Tumingin siya sa mga pagkain at habang naglalagay ng salad sa kanyang plato ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Yes. And natuluyan kang talaga sa buhay syudad dahil sa akin. You can’t just stay here in our condo alone every night I’m out so…” nagkibit siya ng balikat.

I knew it.

Habang nag-uusap kami sa hapag ay marami akong napagtanto sa aking kaibigan.

Una, she’s a city girl. Pangalawa, she’s a rebel. Kung hindi pa patunay ang paglalayas niya sa kanila at ang pagkuha niya ng condo, hindi ko na alam kung ano pang pwedeng maging basehan. Pangatlo, we’re completely different but I find comfort in her. Para bang nagcocomplement siya sa kinagisnan kong buhay. I longed for a girl bestfriend, for the city life, and to feel independent… and she’s the person who made me that way.

“Pagdating natin ng opisina, naroon si Clement at ang mga kaibigan natin. Clement is our boss and he’s bisexual. The old Thraia knows that but you don’t have to really know now dahil alam naman nilang lahat ang kalagayan mo…”
“Really?” nagulat ako roon.
She smiled. “You were gone and everyone is looking for you. The last text I had from you was that you’re going to Batangas…”

Kumunot ang noo ko at sa isang iglap ay parang may napigtas na ugat sa aking ulo. Pumikit ako ng mariin at napahawak sa sentido.

“Oh my God!” si Penny.

Immediately, the pain subsided. Parang passing pain lang iyon pero sobrang kinabahan ako. My heart pounded painfully and I’m suddenly sweating bullets.

“Are you okay?” dalo agad ni Penny sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Tumango ako at bahagyang inayos ang sarili.

“I’m fine…”
“What happened? Sumakit ang ulo mo?” concerned niyang tanong.
“It’s just a passing pain. Normal lang…”

Unti-unti siyang bumalik sa kanyang upuan. Her face ran out of color na parang pati siya’y sobrang kinabahan.

“It’s because I said something about the past…” aniya.
“Hindi na naman ito sumasakit, e. Minsan, may mga pinipili lang siyang pagkakataon…” sabi ko.
“Well…”

Kinuha niya ang kubyertos at nagsimulang maglagay ulit ng pagkain sa kanyang pinggan. Ganoon na rin ang ginawa ko pero ‘di tulad kong ang mga mata’y nasa pagkain, ang kanya ay nasa akin.

“If that’s the case, I must warn them not to tell you anything about the past-”
“No, it’s okay…” agap ko.

Although I want to discover my past alone, people telling me about it can trigger flashbacks and I need that. Kaya ko naman siguro ang sakit na mararamdaman ko kung sakali. The worst pain I’ve gone through was when I was on our old house and that was it.

“Thraia…” pigil niya.
“I’m waiting for a trigger. If they can give that to me just so I can remember my past, then that’s great.”

Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero hindi na siya nakipagtalo. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na agad siyang umalis kami ng condo para maka diretso na sa ospital. She’s on the phone as we drive past the tall buildings of Makati.

“Yes, I believe I’ve booked an appointment with Doctor Mariano… Thraia Gabriella Fortunato…” aniya sa kabilang linya habang nagmamaneho.
“Yes, it’s here, ma’am. Doctor Mariano is waiting for you…”
“Thank you…” then she stopped the call.

Teknikal ang mga pinag-usapan namin ni Dr. Mariano. He’s asked me the same questions he asked me when I was in Costa Leona and then he gave me a go signal for meeting my colleagues.

Dalawang oras ang itinagal namin sa ospital. Penny was on the phone when I got out of the Doctor’s room. Binaba niya agad ang phone nang natanaw ako.

“How was it?” salubong niya.
“He gave me a go signal…”

Tumango siya pero ramdam ko ang kaba niya sa pagsang-ayon. Lumabas kami ng ospital at tahimik lamang siyang nagmaneho patungo sa mga lupon ng nagtatayugang building. She parked the car on the basement parking. Pagkatapos doon ay pumunta kami sa receptionist at dalawang beses akong tiningnan ng babaeng naroon bago binalik muli ang mga mata sa trabaho.

“Suotin mo ‘to…” ani Penny sabay bigay sa akin ng dating ID ko.

Sa elevator, ang tanging tinitingnan ko lamang ay ang aking ID. Everything that’s usual before became very new to me.

“Anong floor ba ang opisina natin?” tanong ko.
“12th, 14th, and 15th…” si Penny. “Pero tayo ay nasa 14th…”

Tumunog ang elevator at agad sumalubong sa akin ang Company label ng Le Viste Lands… Sa receptionist doon ay napatayo nang nakita ako.

“Good afternoon Miss Penny at Miss Thraia!” ang sekyu ang nagsabi.
“G-Good afternoon…” bati ko pabalik.

Nanatili ang tingin ng guard sa akin. It feels weird that all the people around here knows me while I don’t have a clue who they are.

“Miss Thraia!” bati ng receptionist na may pixie hair at medyo chinita…
“Angie,” sabay sabi ni Penny nang nagkatinginan kami.
“H-Hello!” I said.
“Dito tayo, Thraia…”

Lumiko si Penny sa right side ng opisina at doon ko natagpuan ang mga cubicles ng mga tauhan. I figured, I worked in a real estate company as a Finance Staff. Maps of lands were posted on the bulletin boards, deadlines and house designs were also there. Pinuno ko ang mga mata ko sa mga tanawing madals kong makita noon and then a pop came out of nowhere, it made me jump.

“Welcome back, Thraia!” sigaw ng isang lupon ng mga tao sa isang hall kung nasaan may mga balloons at confetti!
“Oh my God!” the sound of Sir Clements voice echoed as he hugged me tight.

Sumunod sa pagyakap sa akin ang isa pang chinitang babae na may mahabang buhok, at isa pang mukhang may dugong banyaga, at marami pang iba. Even the guys from work hugged me to welcome me.

The hugs seeemed awkward. Lalo na nang nakita kong pinipigilan nila ang mga sarili nila sa pakikipag-usap sa akin tungkol sa mga bagay na paniguradong ‘di ko alam.

“Hi…” I awkwardly waved at those who were done hugging me.

Nakahalukipkip si Penny habang nasa malayong gilid ko. She smiled as she watch me interact with our friends.

“Pakilala kayo dahil ‘di niya kayo matandaan…” Sir Clement shouted. “My name is Clement, I’m the head of office here, Thraia… Pak!” he posed and then everyone laughed.

Natawa na rin ako at isa-isa na silang nagpakilala.

“I’m Jenissa…” sabi noong isang mukhang malapit din sa akin. Magsasalita pa sana siya pero may isa pang nagpakilala.
“I’m Charmaine…”
“I’m Andrew…”
“I’m Philip…”

At marami pang nagpakilalang ‘di ko nasundan. Nang medyo nakita ko na silang lahat ay natigilan ako sa lalaking naka coat and tie sa gitna nila. He’s looking at Penny but then when he saw that I was looking at him, itinuon niya na ang buong atensyon sa akin.

The man has facial hair and he looks as mature as Ali. Umawang agad ang labi ko nang napagtantong… maaaring…

Humakbang siya palapit sa akin at naglahad ng kamay. Medyo natahimik ang ibang mga kasama namin.

“Ethan Leviste…” he said.

Tinanggap ko ang kamay niya pagkatapos ay nilingon ko si Penny. She only smiled. This is his boyfriend… and Ali’s college bestfriend!

“Thank you for giving me a second chance in your company, Sir…” pormal kong sinabi.

Sobrang tahimik ang lahat. Kahit si Sir Clement ay nagseryoso.

“No problem, Thraia. However, I don’t require you to immediately report for work. I want you to feel comfortable with your life here in Manila. As I believe you only remember your life in Costa Leona…”
“Pa’no, Sir Ethan? Iyong trabaho, maiintindihan kaya niya?” someone asked from behind.
“I will help her, don’t worry, Jethro…” malamig ang boses ni Penny nang sinabi niya iyon.
“Penelope will help her so we don’t have to worry…”
“Uh…” Bumaling ulit si Sir Ethan Leviste sa akin. “Ayaw ko pong mabigyan ng special treatment. I can work tomorrow, immediately. The sooner I come back to work, the better. Mas matututo akong muli at may chance pa na makaalala ako kung bumalik ako sa dati kong ginagawa…”
“That might strain you, Aia…” Sir Clement said.
“It won’t… If it will, I will honestly rest… My memories are precious to me. I won’t let them slip away…” sabi ko.
“I think it’s fine. Ayaw ko man siyang mahirapan pero kung makakatulong ito sa kanyang kondisyon, I’m willing to guide her each step,” si Penny.

Ethan sighed and then told us all na pag-iisipan niya ang lahat. Pagkatapos noon ay medyo bumaba ang tensyon at nagulat akong may dala pa silang pagkain at cake para sa pagbabalik ko.

A small party was held and I got so busy talking to my colleagues about the only things I remember. Ni hindi ko na namalayan si Penny. Tingin ko naman ay naroon lang siya sa paligid.

“Sayang, Aia! At hindi mo naaalala ang mga nangyari!” Jenissa said with a big smile.
“Hay naku! I bet you left for the weekend because of-” natigil si Sir Clement nang siniko siya ni Jenissa. “Oh well… Hmmm…” lumaki ang mata niya at nilagok na lang ang coke na hawak.
“Lakas talaga ni Penny kay Ethan, ‘no?” isang lalaki ang nagsabi.
“Boyfriend niya nga, ‘di ba?” iritadong puna ni Sir Clement.
“Eh hindi ba medyo shakey sila dahil dumating ‘yong… dati ni Ethan?”
“The overthrown queen of Ethan’s heart?” Sir Clement laughed.

Kumunot ang noo ko sa pagkakalito pero tumigil din sila sa pag-uusap nang nagkaroon ng panibagong topic.

“Alam mo ba? Noong wala ka rito, walang araw na hindi kita na miss!” sabi ni Jenissa. “Ang lungkot lungkot pa lagi ni Penny kaya mas lalong nakaka-sad.”
I smiled. “Really? I’m sorry…”

Panay ang hingi ko ng paumanhin dahil hindi ko naaalala ang kahit ano.

“When we found out that you were involved in a car accident… and that you have amnesia, nalungkot talaga kami, syempre. Hindi kami makapaniwala lahat. Kahit si Penny. Pero nang napatunayan niya, first hand, ang amnesia mo… alam kong totoo talagang nangyari iyon!”

The whole afternoon in the office was dedicated for my come back. Hindi na sila muling nagtrabaho dahil sa kwentuhan at kainan.

“We should go out sometime! What do you say? Friday? Saturday? Sige na! We usually go to clubs! Malay mo, matrigger utak mo sa mga club!” humagalpak si Sir Clement.
Hindi ako lubusang makasabay. He’s right but is that healthy? I mean… am I in the right state? Should I visit the doctor too?
“Hindi pwede…” singit bigla ni Penny.

Ikinagulat ko iyon dahil hindi ko siya nakita simula pa kanina.

“She’s not in a good condition so she must stay at home. Isang malaking pabor na nga ang pagbabalik niya sa trabaho bukas, sasagarin pa natin ng pagpaparty, h’wag na…”
“Ang KJ mo talaga Penelope…” si Sir Clement.
“It’s for her own good, Sir.”

Nagpatuloy sila sa pagtatalo at tawanan na pagkatapos ng lahat lahat ay nakaramdam ako ng lubusang pangungulila sa tawanan at ingay. We got into the car quietly. Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi.

“What can you say?” Penny inquired as she started the engine.
“Hmmm. I think I’m ready to go to work tomorrow…” sabi ko.
“I hope you really are. Medyo busy pa naman pero tutulungan naman kita. H’wag lang nating pilitin masyado…”

Patuloy ang mga tanong ko sa kanya tungkol sa scope ng trabaho namin. Patuloy naman pag sagot si Penny at mukhang hindi naman siya napapagod sa kakatanong ko. With every question, she answered with accuracy. She’s not even annoyed that I’m asking her even those little details like…

“So… is there a dress code?” tanong ko.
“Wala. As long as you don’t wear a bikini at work, ayos…” she laughed.
Tumawa rin ako.

Tumulak na kami patungong elevator ng condo unit. Iniisip kong dapat pagod na ako ngayon dahil sobrang haba ng araw pero hindi… I’m even very energized because of what just happened.

“Ako ang magluluto ngayon. Ako naman talaga ang nagluluto, e. Kapag wala ako at ikaw ang nagluluto ng pagkain mo, naaawa lang ako sa’yo…” she chuckled.
“Is my cooking really that bad?”
“Medyo…”
“But I improved, I think. Noong nasa Carles kami ni Ali, natuto na akong magluto. I cook for him sometimes.”

Napatingin ako sa kay Penny. Nagtaas siya ng kilay.

“Bakit nga pala si Ivo ang kasama mo noong dumating ka rito?” tanong niya nang lumabas na kami sa elevator.
“Uh… I figured this is what I want to do and… Ivo offered help so I couldn’t resist…”
“At si Ali, hindi ba nag-offer sa’yo na mag Maynila kayo?”

Hindi ako nakapagsalita. She opened the door to our unit and then siya na ang sumagot sa sinabi.

“Kung sa bagay, gusto nga yata noong manatili kayo sa Carles, hindi ba? I don’t get why he’s keeping you in the dark-”
I cut her off. “He probably wants my memories to come back naturally. I’d strain myself if I get frustrated at mawawala ang memories ko kapag nangyari iyon.”

Bumaling si Penny sa akin. Nasa kitchen na kami ngayon at binubuksan niya na ang fridge para sa pagkain. She curiously eyed me.

“Hmmm…”
“Bakit?” tanong ko.
“Well, your favorite topic is usually destroying Ali’s dignity… pero ngayon… you’re his defendor…” she chuckled.

Natahimik ako at lumapit na rin sa mga nilatag niyang mga rekados. Ayaw kong magsalita dahil wala rin naman akong alam tungkol sa mga pinaggagagawa ko noon. But I’m sure I can really destroy Ali on my mind.

“You speak only of negative things when it comes to him and… wow…”

Bahagya akong napairap nang napagtantong tama rin naman. Well, maybe in the past he’s been an ass to me. If our kisses were truly a memory, the why is he kissing me while he’s in a relationship with another girl? Kung hindi niya iyon girlfriend, paanong nagpropose siya sa babaeng iyon at tinanggihan? I don’t get it.

“Marunong akong humiwa nito… I can do it…” I offered to help in slicing the ingredients of what she’ll do.

Ang sabi ni Penny, roasted chicken at kaldereta daw ang lulutuin niya. Nagtaka tuloy ako at bakit parang ang dami gayong tama na sa amin ang kahit kalahati ng roasted chicken na pinasok niya sa oven. But then again, this is her kitchen so I should just let her do her thing.

“I know why I probably speak of negative things about him.”
“Oh bakit? Hindi ba nagbago ang isip mo noong nasa Carles kayo? You don’t have to hide it from me…” tukso niya.
“In Costa Leona, a girl named Lynea was inside his room with him. I think something happened between them-”
“What? That asshole!” sigaw bigla ni Penny. “Hindi nga?”

Tumango ako at parang nakahanap ng kakampi. Gusto kong gatungan pa ang iritasyon ni Penny.

“She’s in her lingerie-”
“Why didn’t you tell me that Lynea’s in that house?”
“Bakit?” kinabahan ako bigla sa reaksyon ni Penny.

Nagsimula na siyang magluto ng kaldereta pero ramdam ko parin ang galit niya dahil hindi siya makapag concentrate.

“That’s his rumored fiancee!”

Ngumuso ako at tinalikuran na lang si Penny. Nilagay ko ang mga nagamit na pinggan sa sink at nagsimula nang maghugas ng plato.

“I’m sorry. I didn’t want to spoil your lost memories, Thraia…” medyo kalmado niyang sinabi.

Wala namang sumasakit sa utak ko, e. Ayos lang. Kaya lang… may ibang sumasakit ngayon.

“It doesn’t matter. Why was the engagement called off by the way?” wala sa sarili kong tanong.
“E-Ewan ko…” pakiramdam ko ay alam niya pero natatakot lang siyang diretsuhin ako.
“She rejected his proposal…” I probed.

Hindi dumugtong si Penny dahilan kung bakit alam kong totoo nga iyon. A racking pain attacked my chest making me feel weak. Pero pilit ko iyong sinasantabi. Imbes ay napalitan lamang iyon ng nagbabagang galit.

“At least now they can marry each other… Gusto ni Lynea na magpakasal kay Ali. Nagbago na isip niya. E ‘di pakasal na sila…” sabi ko. “Hindi naman kami kasal noon…”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay umingay agad ang doorbell. Nilingon ko si Penny. Nagkatinginan kaming dalawa. Sumenyas siya na bubuksan niya lang ang pintuan. Tumango ako at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Mga yapak lang ang narinig kong papasok. Walang boses ng kahit sino. May bisita ba siya? Pagkatapos kong maghugas ay papasok na muna ako ng kwarto at magpapahinga. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

When I heard the footsteps on the kitchen, agad kong kinuha ang pamunas at nagpunas na agad ng mga kamay para makapagpaalam na kay Penny.

“Penny, I’ll just stay in my room. I’m suddenly not feeling well…” I said and then my eyes found a very familiar piercing eyes.

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang nakita kung sino ang nakatayo sa counter. Wearing a white long sleeves that’s folded to his elbow, a black slacks, and with the air that’s too formal and too intense compared to his aura back in Costa Leona, humalukipkip si Ali habang nakatingin sa akin. Damn!

He’s with Ethan Leviste.

“I’m sorry. I was about to tell you that they’re going to eat here pero nalibang ako sa pinag-usapan natin kaya…”

Pakiramdam ko ay nags-slow motion ang paghinga ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga pinggan na hinugasan.

“Good evening, Thraia!” Ethan said in a formal tone.

Umupo siya sa high chair ng counter samantalang ang kasamang si Ali ay nakahalukipkip na humilig sa cabinet.

“G-Good evening…” bati ko at medyo naaasiwa tuwing nahahagip ang seryosong tingin ni Ali sa akin.

Hindi ko na maintindihan ang puso ko. Masakit ito pero mabilis ang takbo. Parang sasabog ang dibdib ko dahil hindi ko makayanan ang lahat ng emosyong nararamdaman.

“Penny, kwarto lang ako…” muli kong sinabi at matapang na tinahak ang tanging daanan para makaalis ng kitchen – ang malapit sa cabinet.

My heart’s pouding so bad that I can’t even look at Ali as I passed through him. At halos maramdaman kong nahulog ang puso ko nang hinigit niya ang aking palapulsuhan.

“Why are you not feeling well, hmm?” malamig ang kanyang tono.

Nilingon ko siya. Pakiramdam ko ay propesyunal akong artista dahil nakayanan kong tingnan siya ng matalim kahit na lubusan na ang paghihingalo ng aking damdamin.

“Is your head aching?” he asked.
“No…” Mataman kong sinabi at pilit na pinatakas ang palapulsuhan ko sa kanyang kamay.
“Iba ang masakit sa kanya, Ali…” Humalakhak si Penny.

Napatingin ako sa aking kaibigan na ngayon ay biglang nagtraydor sa akin. Ali remained looking at me like I’m the only thing that deserves his attention.

“Anong ibig niyang sabihin?”

My wrist slipped on his hand. That’s the reason why I was able to continue walking towards my room.

“Akala ko may nagbago. Kwarto parin pala talaga pag nariyan ka!” tukso ni Penny galing sa kusina.

Sumunod si Ali sa akin. Naghuhuramentado na ang aking puso. The thought of him breaking in to my room sent shivers down my spine. What the hell, Thraia?! Is that even fucking possible?

Nang lumapit na ako sa pintuan at naramdaman ko ang pagsunod niya’y nilingon ko agad siya.

“Dito ka lang. Magbibihis ako,” malamig kong sinabi.

Umigting ang kanyang panga pero ilang sandali ay umatras din.

“Don’t make me wait for too long…” he said with authority.

Tinalikuran ko siya at sinarado ko ang pintuan. Nang mapag-isa ako ay parang doon lamang ako nakahinga ng sobrang haba. My hand flew to my hot face.

“Damn it!” paulit ulit kong sinabi. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

I locked the door anc quickly went to my cabinet to fucking find a decent pambahay!

Kinagat ko ang labi ko. Why does it fucking matter anyway? So what if I look fucking plain? Bakit ako mag eeffort pa, e, nasa bahay na rin naman ako, a?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.