Waves of Memories – Kabanata 25

November 19, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 25
Normal Life

The flight will be around six thirty in the morning. Nagising ako ng mga alas kuatro para maghanda… and also, I couldn’t sleep well.

Naligo ako at nagbihis. Nag-ayos at tiningnan ang cellphone para maitext si Penny.

Ivo told me that we’re gonna leave at 5AM dahil babyahe pa patungong Caticlan. Around 4:50am, I went out of my room with my back pack.

Handa na akong umalis. I wore the jeans I have from my things before the accident at isang tank top. Nilingon ko ang kwarto ni Ali.

Kagabi, habang nag-iisip ako, ipinangako ko sa sarili ko na magpapaalam ako ng mabuti sa kanya. He did nothing wrong to me. Hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat ako noong sinusubukan ko pa lang mag recover sa lahat. Hindi siya nagreklamo kahit noong sobrang hirap ko nang pakisamahan.

Lumapit ako sa pintuan ng kanyang kwarto. I sighed at the sight of the huge wooden door.

Nang tinaas ko ang aking kamao para kumatok na ay biglang bumukas iyon. I froze the moment I saw the person who went out of the room.

Magulo ang buhok ni Lynea nang lumabas siya roon. She looks sleepy. Her satin lingerie’s strap fell on her arm. Nang nakita niyang tinanaw ko iyon ay agad niyang inayos iyon.

“Oopps…” she chuckled and then closed the door behind her.

My heart sank a million times when I realize what it all means. She’s here right in front of Ali’s door. Madilim ang loob ng kwarto na tila’y natutulog pa ang naroon. Of course, they’re asleep. It’s early in the morning!

“What do you want?” she’s calm and cold at the same time.
“G-Gusto ko lang s-sanang…”

Tumigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko nagustuhan ang reaksyon ng aking katawan. My stomach feels heavy. My heart feels like it’s going to fall off from my chest. My breathing is fast and I couldn’t maintain the straightness of my voice.

“Si Ali ba ang gusto mong makausap?”

Nag ekis ang mga braso ni Lynea pagkatapos sabihin iyon. The strap of her lingerie fell off again and this time she didn’t put it back.

“Kakatulog niya lang at kung ako sa’yo, hindi ko siya iistorbuhin…” she smirked. “We’ve been up all night to do some…” her tone is suggestive. “things…”
“W-Well then…” Yumuko ako at umatras ng isang hakbang para tuluyan nang makaalis.

Pakiramdam ko ay patuloy na sinasaksak ang puso ko. Every second feels very slow… Every move feels defined. Pakiramdam ko lahat ng nasa paligid ay naka slow motion dahil sa nararamdaman kong sakit. The racking pain caused my knees to shake.

“Thraia…” tawag ni Ivo.

Pareho kaming napalingon ni Lynea. He’s all dressed up and fresh. Mukhang galing siya sa baba dahil malapit sa hagdanan ko siya nakita.

“I was waiting for you downstairs. We should eat an early breakfast first… ‘tsaka na tayo umalis.”

Tumango ako at hindi na nagdalawang isip na lumapit kay Ivo. He explained to me the details of our flight habang pababa kami ng hagdanan. Walang pumapasok sa utak ko kundi ang naabutan ko sa kwarto ni Ali kanina.

I know he’s not new to women. I was sure of that. My recent memories told me that he had all the time to explore the opposite sex. Palagi niyang nakukuha ang loob ng mga babae sa paligid without even trying. And God, at the back of my mind, I knew he’s bedded few girls before!

Pero ngayong harap-harapan kong napatunayan iyon, parang tumigil ang mundo ko. Lynea is his girlfriend. Kung hindi man sila magkarelasyon ngayon ay panigurado akong noon. Hindi niya dadalhin ang babae rito sa Costa Leona kung wala itong kahulugan para sa kanya.

“Eat, Thraia… You will need energy…” Ivo said.

Kaming dalawa lang ang nasa hapag. Dalawang kasambahay lang ang nakapalibot para pagsilbihan kami at halos hindi ko galawin ang pagkain sa aking pinggan.

Kinuha ko ang kutsara at nagsimula nang isubo ang pagkain. The lump in my throat felt relieved everytime I swallow the food. Pakiramdam ko, kumakain ako para matabunan ang sakit at hindi para mabusog.

“Are you okay?” Ivo asked.
I nodded.

Wala ako sa sarili hanggang sa hinawakan niya ang aking kamay. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa kanya nang ginawa niya iyon.

“Don’t be scared. I’ll be with you, okay?” marahan niyang tanong.

Tumango ulit ako. I would rather have him think that I’m scared of going back to Manila than to tell him what I’m really feeling.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na kami nagtagal. Senyora Domitilla was already awake nang pumasok kami sa sasakyan. Isang driver ang nasa harap at isang bodyguard ang nasa front seat. Nasa loob na ako ng sasakyan nang lumabas si Senyora at niyakap si Ivo.

“Take care. Please, call…” sabi ni Senyora.

Ang matandang senyora ay mukhang lubusan ang pagmamahal para sa mga apo at anak. Siguro nga ay masyadong malubha ang nagawa ko dahilan ng pagkakainis niya sa akin. Based on my memory, she’s not really that hard on me.

Ivo kissed his mum’s cheek before going inside the car. Sinarado niya ang pinto at bumaling na sa akin.

“We’re leaving now…” he said.

I nodded and took one last look at the spanish style mansion. Hindi ko alam kung bakit pero parang may naiwan ako. Pinigilan ko ang mga mata ko sa pagtitig doon at binaling na sa daanang tatahakin sa harap.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanya.

Pero ayos lang iyon… he’d known I was going to leave today. Siguro ay pagod nga siya kaya hindi siya nagising… siguro ay napagod siya sa kung anong ginawa nila ni Lynea.

Gumapang sa utak ko ang imahe ng kanyang girlfriend. What made me think that I would give myself a good fight against that girl? Kung tunay na marami nang karanasan si Ali, he’d choose that woman.

She’s tall and lean. Para bang isa sa mga model ng magazine ang tindig at nagsusumigaw ng walang ligoy ang attitude. I probably was a pain in the ass to him. I couldn’t make my own decisions. At kung makaangkin ako sa kanya’y tila talagang pinaghirapan ko siya when in fact, we really aren’t married. Ano kaya ang iniisip ni Ali sa tuwing naiirita ako kay Mylene noon? Inisip niya ba kung gaano ako ka walang karapatang gawin iyon.

Lynea seems like a girl that fits him. No nonsense and very straight forward. She knows what she wants and she tries everything to get it.

Binalingan ko ang munting repleksyon ng aking sarili sa salamin.

The wavy ends of my hair fell right on my elbow. My skin is creamy and would only turn pink when sunlight hits it. Hindi ako matangkad at kahit na may kurba naman sa aking katawan. Why would Ali even look at me. Face and body wise, people would choose a girl like Lynea.

Pait ang naramdaman ko sa aking sistema nang napagtanto ang mga iniisip. There’s no point in asking if I was this negative years ago. I should just change it. Hindi magtatapos ang buhay ko dahil lang sa nalaman kong mga kasinungalingan at lalo na sa sakit na idinulot sa akin ng katotohanan sa kanilang relasyon.

That’s not how I will end.

“Thraia…” tawag ni Ivo.

Bumaling ako sa kanya. He smiled weakly.

“I am worried about you. I wish I could change your mind. Gusto kong sumama ka sa akin para mabantayan kitang maigi. You need proper rest because of your condition…” he said.
“Ivo, I’m sorry but I hope you understand. I just want to find my way alone. I don’t want to bother other people-”
“Thraia, you’re not a bother to me…” naging seryoso ang kanyang ekspresyon.
Ngumiti ako. “I know. I just really want to do this alone, Ivo. Please, let me…”

He looks unpleased with my decision. Tahimik siya habang bumabyahe kami. Naiintindihan ko naman iyon. He wants a time with me. He wants to finally help me out but I don’t think that’s wise.

Hindi ko na kailangan ng guidance galing sa kahit kanino. Kailangan ko nang bumangon at tumayo ulit ng mag-isa dahil kalaunan, kailangan ko ring mapag-isa.

Life might require me to interract with other people but in the end, I really only have myself. If I rely too much on other people, I might forget how to stand alone.

The plane ride was short. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang isla sa Maynila. Nang lumabas ako ng eroplano at umapak sa airport, I was expecting for some flashbacks but it didn’t come.

“Thraia, are you really sure?” Ivo asked once more.
Ngumiti lamang ako sa kanya.

I took my phone out and saw Penny’s texts flooding my inbox.

“Penny is here, Ivo…” sagot ko na lamang sa kanyang tanong.

When he finally understood what I mean, we stopped in front of the exit door. Nanghingi siya ng aking numero at ibinigay ko naman iyon.

For a while, we stayed like that until I decided to keep walking to the exit door. Sumunod naman si Ivo sa akin.

Umangat ang gilid ng aking labi nang nakita kung sino ang nag-aantay sa akin sa labas ng airport. Penny is jumping and giggling as she hugged me tight. Parang hindi bagay sa suot niyang dark skinny black boyfriend blazer, skinyy jeans, and stilletos. Nakahigh pony tail ang kanyang buhok at makapal ang kanyang eye make up. I feel so small when she hugged me.

“My god!” aniya.

Tumigil siya nang natanaw si Ivo. Ivo smiled and waved at her. Isang bodyguard ang lumapit sa kay Ivo at kumuha ng dalang bag.

“Take care of her…” wika ni Ivo para kay Penny.
“No problem, Ivo. Lagi naman…” seryoso namang sagot ni Penny.

Bumaling si Ivo sa akin. Lumapit siya na ikinabigla ko. Yumuko siya at hinalikan ako sa pisngi. Sa gulat ko ay hindi na ako nakagalaw.

“Take care, Thraia. I’ll call you…” he whispered.

Pagkatapos noon ay tinalikuran niya ako at pumasok na siya sa isang itim na sasakyan. Ilang sandali kaming nanatiling nakatayo roon ni Penny. Pinanood namin ang pag-alis ng sasakyan ni Ivo at ang pagkawala nito sa traffic. When we were left alone, we looked at each other. She’s smiling widely like there’s just too many things she wants to say now.

Pumasok kami sa kanyang sasakyan. Sa front seat ako umupo at hindi ko maikakaila ang kakaibang nararamdaman ko tuwing nasusulyapan ang manibela.

My head ache when I tried to put my seatbelts on at tingin ko’y naramdaman iyon ni Penny.

“Are you okay?” she asked, worried.
“Yeah…”

Pumikit ako at hinilig ang ulo sa backrest ng upuan.

“Kumain ka na ba ng breakfast?” tanong niya nang pinapaandar ang sasakyan.

Nanatili akong nakapikit habang nag-uusap kami. It’s helping. The pain is lesser when I closed my eyes.

“Oo. Sa Costa Leona…”

Hindi na sunod-sunod ang tanong niya. Pakiramdam ko’y natakot siya sa naging reaksyon ko.

“Shall we go visit a doctor?”
“H’wag na. The pain is bearable…”
“Pain? Sumasakit ang ulo mo?”
“Uh-huh… but… it’s okay…”

Natahimik ulit si Penny habang nagmamaneho. Nang medyo nahimasmasan na ako ay dumilat ako pero nanatiling nakahilig ang ulo ko.

Pinuno ko ang mga mata ko ng mga tanawin ng naglalakihang buildings at sobrang abalang kalsada sa kahabaan ng EDSA. Pakiramdam ko ay para akong batang nanonood ng paboritong TV show habang pinagmamasdan ang abalang mga sasakyan sa kalsada.

“We’re going to my condo right now. It’s… in Makati…” mahinahong sinabi ni Penny.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong abala sa panonood ng mga naglalakihang buildings na may sariling mga billboards at kung anu-ano pang ads.

“Uh… We met in an interview for a job position in Le Viste Land…” aniya.

Kumunot ang noo ko. Ang mga sinasabi niya ay parang banyaga sa akin. I don’t even know that company and I don’t remember anything. Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada. Unti-unti ang pag-usog ng traffic.

“Naglayas ako noon sa amin at kumuha ako ng condo kaso…” she smiled. “’Di ko kayang bayaran ng buo ang monthly kaya nang nalaman kong taga probinsya ka, inoffer-an kita noon…”

Ngumiti ako habang tinitingnan siya. Somehow, magaan ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. Although, I have no clue if these are true… I don’t even have any flashbacks about it but she seems true to whatever she’s saying.

“We shared one condo unit and then we both got hired at the same company…” ngumiti siya. “Doon nagsimula ang masayang buhay nating dalawa…”

Humagalpak siya sa tawa. Pakiramdam ko ay alam ko na kung anong klaseng “masaya” ang tinutukoy niya.

“You know, I feel like I’m a bad influence to you…” aniya habang nakangiti. “You were very innocent but you like to take risks so… pinapakisamahan mo na lang ako.”

For the first time, ngayon lang ako nakarinig ng kwento tungkol sa aking past nang ‘di sumasakit ang ulo. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumubuti sa wakas ang pakiramdam ko.

Nagpatuloy siya sa pagku-kwento kung paano kami nagkakilala. Hindi siya maubos-ubusan ng kwento. Siguro dahil na rin kinailangan niyang balikan ang lahat.

“Hindi ka pumasok ngayon?” tanong ko.
Umiling siya. “But… I was planning on bringing you to our office if that’s okay with you… but if you want to rest, pwede rin iyon.”

She parked the car on the basement parking of a condominium. Hindi ko talaga kayang isipin na dito nga ang buhay ko bago ako umuwi. Parang sobrang banyaga sa akin. This is like walking here for the first time again after being so used to having this life.

“Gusto kong pumunta sa kung saan ako nagtatrabaho dati…” wala sa sarili kong sinabi.
“Sigurado ka ba. Thraia, baka sumakit ang ulo mo.”

She’s right but I’m really eager to know what I did before the accident happen. I want to live that life again. I want everything to be normal again.

“Kahit na gusto kong makaalala ka, mas importante parin sa akin ang kaligtasan mo…”
“Penny, gusto ko lang maibalik sa dating normal ang buhay ko. The world is moving. Even with this condition, I should move too. Natanggal ba ako sa trabaho?”

She smiled weakly at me. Pakiramdam ko ay nahaluan na ng awa ang tingin niya sa akin. I don’t want that. I don’t need the pity. I just want to stand on my own right now.

“You were marked as AWOL, Thraia pero nagawan naman ng paraan kaya…”
“Your boyfriend?” nagtaas ako ng kilay.
Nag-ngising aso siya. “Hmmm. Basta…”

Kahit sa paglapit namin sa elevator, nangarap akong may makuhang kahit isang sulyap lang sa nakaraan pero wala. She continued telling stories about our adventures and I couldn’t help but laugh with her.

“Noong nag-aaral kasi ako, medyo hindi maganda ang grades ko. Instead of studying, I keep partying. Kaya medyo natagalan ako sa paggraduate. Tapos noong naging condo mate na tayo, lagi kitang sinasama sa mga party ko. Kaya ayun at nahawa ka sa akin.”

Namilog ang mga mata ko. Lumabas kami ng elevator at hindi ko na tiningnan kung saan kami patungo dahil nalibang na ako sa pakikipag-usap sa kanya.

“You mean… I became a party girl, too?”
“Well, you’re the weakest party girl, ‘no! Pero syempre, achievement na na nadala kita sa mga bar at natuto ka ring makihalubilo ng mabuti sa mga tao!”

Binuksan niya ang isang pintuan at agad na binuhay ang mga ilaw sa loob ng isang unit. Ilang saglit akong nanatili sa labas at tinitingnan iyong looban galing doon.

Isang bintana ang nagpapakita ang nagpapakita ng tanawin sa labas. Sa gilid nito’y may pintuan na siguro’y magdadala sa isang balkonahe. Kita ang kitchen, bathroom, at sala sa iisang tinginan at may dalawang pintuan sa kaliwang gilid na panigurado’y mga kwarto.

She opened the last door at nilahad niya sa akin ang loob.

“Dito ka noon…” aniya. “Your things are all here… Your birth certificate, your college diploma and many more. Your employment, some IDs, kahit community tax certificate nariyan…” she chuckled.

Lumapit ako sa aking kwarto at tiningnan ang mga gamit na nasa loob ng isang box.

“Nang narinig kong naaksidente ka at nawalan ng mga alaala, hindi ako makapaniwala. It took me almost three months before I realize that what happened was really serious. Hindi kita macontact. Walang nakakapagsabi kung nasaan ka. I confronted Ivo but he told me that you’re not in a good condition. Nang nakapag leave na ako, ‘tsaka lang ako tuluyang bumisita… Isa pa, medyo matagal ko ring nalaman na nasa Carles ka pala…”

Lumuhod ako at tiningnan ang mga papeles sa loob ng box. Naroon nga lahat. Even my transcript of records as a graduate of Bachelor of Business Administration sa North Western Colleges.

“I researched about the place and then I found you. Ali told me you’re not healthy enough to meet the people from your past but I was so curious…”

May mga pictures din doon galing sa isang polaroid camera. Most of it were with Penny. May ibang group picture kasama ang mga ‘di ko kilalang mga tao. Nagtagal ang tingin ko sa mga group picture.

“Oh… That’s some of my friends and our colleagues, Thraia. May ibang kaibigan ako noong college na medyo naging acquaintance mo na rin dahil sa akin. Iyong iba mga kasama natin sa Le Viste… Finance Staff din tulad natin…”

Nilingon ko siya.

“Where are they?”
Bahagya siyang natawa. “Nasa trabaho! Miss ka na nga ng mga iyan, e…”

Bumaling ulit ako sa pictures. I have friends! And this much! I can’t believe it!

Mukhang sobrang saya ko habang kasama ko sila. May picture pa na kaakbay ko ang isang lalaki at sa kabila ay si Penny.

“Who’s this?” I asked.
“That’s our boss…” she responded.

Bumaling ulit ako sa kanya. I know she’s told me that the boss is her boyfriend but I didn’t know that the boss would look like this… I mean, even from the picture, may nararamdaman akong kakaiba sa lalaki. Sa damit at sa ngiti.

“This is your-”
“No! Definitely not!” Nag ekis agad ang kanyang braso. “Si Clement ‘yan, ang boss natin na medyo…” She made a face. “The boss I’m talking about is the director of Le Viste Lands…”
“Ohh…” I can’t help but be amazed.
“We were both from La Salle…”

La Salle… Tumikhim ako nang may naalala.

“Hmmm…” humalakhak siya. “You hate our school…”

Lumuhod siya sa tabi ko. Nagulat ako sa sinabi niyang bigla.

“You were a hater of our school. Na noong sinabi kong taga La Salle ako, bigla kang ngumiwi.”
“Oh… Uhm… Really. I don’t remember…” because it’s true.
“Which reminds me that… Ali is Ethan’s bestfriend from La Salle…”

Parang isang beses na tumigil ang pagtibok ng aking puso pero inabala ko ang sarili ko sa pagtitingin sa mga pictures. Makahulugan akong tiningnan ni Penny.

“Ethan is the name of your boyfriend?” tanong ko.
“Ethan Leviste… Uhm… You want to meet our colleagues?” she said, changing the topic. “Natatakot nga lang ako at baka-”
I interrupted. “Yes! I want to meet them…”
“Kailan?”
“Kung maaari akong bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon, Penny, kahit ngayon, ayos lang sa akin.”
“Paano ang kondisyon mo, Thraia? You might faint at work and I don’t want-”
“Please, Penny. I just want my normal life back…” frustrated kong sinabi.

She nodded slowly and then took her phone out to call someone. Habang ginagawa niya ang tawag ay tahimik lamang akong nakatingin sa kanya.

“Hello, Sir Clement…” she said in a formal tone. “Thraia is with me right now. Can I tour her around the workplace?”

Ilang sandali niyang hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya. Pumikit si Penny habang hinihilot ang sentido.

“She wants to start working as soon as possible- I have no choice… that’s what she wants…”

Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko’y masyado akong namemerwisyo sa mga taong nakapaligid sa akin.

“I’ll alert Ethan later. Yes… Thank you…”

Binaba ni Penny ang kanyang cellphone pagkatapos ay tumayo siya.

“Magpahinga ka ng buong umaga. Pupunta tayo sa opisina ngayong hapon…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

One Response to Waves of Memories – Kabanata 25

  1. I’ll right away snatch your rss as I can’t to find your e-mail subscription hyperlink or
    newsletter service. Do you have any? Kindly let me recognize so that I may just subscribe.
    Thanks.