Waves of Memories – Kabanata 24

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 24

Kabanata 24
Start

I can’t take my eyes off him.

Sa lilim ng nakapalibot na iba’t-ibang uri ng puno, nakaupo kami ni Ivo sa duyan. With only the creaks of the chains, we looked at each other’s eyes deeply. It feels comfortable… like his eyes is very familiar that watching it everyday would mean life.

Nakaupo siya sa kabilang duyan. He’s still as he stared at me back. Hindi tulad ko na namamangha pa sa kanya, nanatili siyang nakatanaw ng diretso sa akin.

He smiled. My staring at him got interrupted because of it. Binaba ko ang tingin ko at huminga ng malalim.

“I’m sorry…” sambit ko.
“That’s okay. I think it’s normal to stare…” ani Ivo at nanatiling nakatanaw sa akin.

Hindi na ako muling tumingin sa kanya. I don’t know if he knows that some of my memories are back. At hindi ko rin alam kung alam ba niya kung ano lang ang nalalaman ko pero tila nabasa niya ang aking isipan.

“I heard you finally remembered some things…” anito.

Nagtama muli ang aming tingin. Little by little, I am beginning to understand the comfort I find in him. It’s the comfort I feel with family… the familiarity… the feeling of home.

“Yes…”
“Kinakausap ko ang doktor na tumitingin sa’yo tuwing nasa Maynila siya. The recent findings told me that some of your memories are back. It took you three months to get them back…”

Tumango lamang ako habang pinupuno ang aking utak at puso ng presensya ng lalaking naging malapit sa akin.

“You just don’t remember some recent things, is that correct?” he asked.
I nodded again. I’m not sure if I should detail to him everything.

Ilang sandali kaming tahimik. Nagbabadya na ang pagiging kulay kahel ng langit dulot ng nalalapit na paglubog ng araw.

The days are passing by and I’m still here trying to find fragments of my lost memories. Alam kong hindi tamang patigilin ko ang mundo ko, at ang mundo ng mga taong nasa paligid ko dahil lamang sa nawawala kong mga alaala. The world, no matter what problem it has, goes on. I am part of the world. I am no exception.

Ngayon, para magpatuloy ang naiwan kong mundo, kailangan ko na lang na malaman ang mga huli kong ginagawa para tuluyan ko nang maipagpatuloy ang mga iyon. But then, trusting on someone’s idea of me shouldn’t be included in my option.

Kung si Ali ay nakapagsinungaling sa akin, paano ako makakasiguro na hindi makakapagsinungaling sa akin ang ibang tao.

Nag-angat ako ng tingin kay Ivo. He can’t lie to me, right? I’m sure of that.

I sighed at my thoughts…

Hindi ba ang tunay na ngayon ay itong ginagawa ko ngayon? Kaya bakit ko pupulutin ang mga naiwan kong alaala para lang ipagpatuloy iyong mga ginawa ko noon? My present self, my present feelings, and my present dreams are all here now… Why will I try to save the supposed present I left before I lost them.

I lost them for a reason. And right now, the present that I have to continue is the present that I have now…

“Nagtapos ka ba sa masters mo?” matapang kong tanong nang nabuo ko ang aking desisyon.
“Oo… You were happy for me when I finished it…”
Ngumiti ako. “I must be. I only want what’s best for you…”

Now I wonder if he was happy when I finished college and chose to work in Manila.

“I heard ikaw na ang nagpapatakbo ng MERC, that’s your dream…”
He smiled. “Yes…”

The silence feels comfortable between us. Kahit na nakatitig siya ng diretso sa akin. Tila ba talagang madalas namin itong ginagawa.

“How are you here? How were you in Carles? I was worried about you. Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip. If only I had the chance to escape the tightness of my schedule, dapat ay binisita na kita…”

He looked really worried. However, his statement awakened so many questions deep within me. Questions I’m sure only my memories can answer… and should answer.

“I’m doing great…” iyon na lamang ang nasabi ko.
“Kumusta ka na kasama si Ali? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya pinagmamalupitan?”

His concerned tone told me that there’s a big possibility that Ali might hurt me. Pero kahit anong kumbinsi ng boses niya sa akin, alam kong ‘di magagawa ni Ali iyon. He might look intense and too much but he will never hurt me. That is for sure.

“He’s kind to me…”

Umigting ang panga ni Ivo nang sinabi ko iyon. Nalito ako roon.

“I mean… he did nothing wrong to me. Inalagaan niya lamang ako kahit noong mga oras na wala akong maalala na kahit ano. I was a burden to him. Two months in Carles, I was always in the hospital. Nahihimatay ako sa sobrang sakit ng ulo ko. He was very patient all the time.”
“Anu-ano ang mga kasinungalingang sinabi niya sa’yo?”

Naestatwa ako roon. Umihip ang panghapong hangin kasama ang mga tuyong dahon ng mga halamang naroon. It hit me bull’s eye.

Alam ko sa sarili ko na nagsinungaling nga si Ali sa akin. I refuse to acknowledge it because…

“I believe he told me those lies because that’s the only way to calm me. Kung hindi niya ako sinabihan ng ganoon, mauuhaw lamang ako sa katotohanan at mas lalo lang lalala ang kondisyon ko…”
“I heard from Zamiel that Ali’s tricked you. He told you you’re married to him…” may diin sa boses ni Ivo nang sinabi niya iyon.

Hindi ako kumibo. Kahit na umo-o ako o magdeny, alam ko na alam niya ang mga nangyayari. Kahit nasa malayo siya, pakiramdam ko alam niya ang halos lahat ng detalye.

“That’s not true, Thraia…”

Hinawakan ni Ivo ang aking kamay. Nakadikit ang mga mata ko roon sa kamay niyang nakapatong sa akin.

“I was about to ask for your hand…”

Shit. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

Ngumiti ako at binalingan si Ivo. That’s not even tears of joy. These are tears of hope, of sadness, loneliness, and exhaustion.

Isang pitik sa ulo ko’y alam ko nang sobrang masasaktan ako, physically and emotionally.

“Sa Maynila ka nagtatrabaho samantalang bumabyahe ako abroad at pabalik Maynila. Umuwi ka ng Costa Leona nang umuwi rin ako. My plan was to ask your hand for marriage and the accident happened… Ikaw ang nagmamaneho ng sasakyan mo nang nahulog iyon sa bangin at sumalpok sa isang malaking puno.”

My tears fell like waterfalls. My head is aching like mad ngunit namamanhid na yata ako… sa sobrang sakit ay hindi ko na maramdaman.

There’s too many questions on my head but I am not longer interested to voice it out.

I feel like whatever happened in the past is all in the past. The past is nothing but a memory. My feelings in the past are nothing but nostalgia. At ang importante lamang sa akin ngayon ay ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon. Si Thraia na walang maalala. Iyon lang.

Bakit hindi niya ako sinundan noong naaksidente ako? Bakit kay Ali ako napunta? Bakit niya hinayaan ako kay Ali? Bakit hindi siya ang naroon para sa akin?

Natatakot ako sa mga sagot. Natatakot akong may tama siyang dahilan pero hindi ko na ulit siya mapagbibigyan. Natatakot akong ang dating Thraia ay maiintindihan siya at ang Thraia ngayon ay iba na ang pananaw.

I’m not mad at him for not being there with me in times that I need him. I’m mad at myself because I couldn’t retain whatever feelings I supposedly have for him before the accident happened.

At siguro… maaari… maari ngang gaya ng huli kong alaala, ang tanging nararamdaman ko na lang sa kanya ngayon ay ang pagmamahal bilang kapamilya. But if the past Thraia wanted his proposal, then this is a big disaster right now.

“If only I was strong enough to see you hurting, dinala na kita sa Maynila at doon na hinintay ang alaala mo. I’m weak when it comes to you, Thraia. The doctor said you need proper rest and away from the people and places that will trigger your memories. And sadly, I’m too much for you… You couldn’t even look at me in the eye without fainting.”

Kinagat ko ang labi ko. Tumayo si Ivo at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan at ang init ng kanyang palad ay yumapos sa aking pisngi.

He chased my tears away. Pumikit ako at dinamdam ang kanyang palad.

I’ve been an orphan for years that the feeling of family is very strange. Ivo is that feeling. It’s like my nostalgia came to life… Like a memory relived.

“Sumama ka sa akin pabalik ng Maynila, Thraia. Let’s start over again. I’ll wait for your memories to come back at kapag nangyari iyon, maiintindihan mo ang lahat…” he whispered.

Kahit na anong palis niya sa aking mga luha, panibagong maiinit na luha ang bumababa galing sa aking mga mata. He’s hurt seeing me crying like this but I just can’t help it.

“I’m sorry…” I said, my voice is shaking.
“It’s okay…” marahan niyang agap.
Umiling ako. “No… Ivo, I…” I licked my lips. Pinuno ko ng sariwang hangin ang aking baga bago nagpatuloy. “Ayaw ko na munang gawing basehan ang mga naiwan kong alaala noon.”

Hindi siya nagsalita. Pakiramdam ko ay hindi niya naiintindihan ang gusto kong iparating at ang nararamdaman ko ngayon.

“Whatever happened might be too much for me. You said I’m ready to marry you before the accident, but the Thraia right now isn’t ready for anything…”

Binaba niya ang kamay niya at nanatiling seryoso ang mga mata.

“Ang tanging alam ko sa ngayon ay mapayapa akong nanirahan sa Maynila nang ‘di inaabala ang kahit sino. I’m doing my job. I love it, I’m sure. I have friends… I have colleagues… That was my dream… to have a normal life. And these… are certainly not normal right now… Having this condition… and all the confusion isn’t normal.”
“You went to Manila to explore, Thraia. But in the end, you wanted your home…” nahimigan ko ang sakit sa kanyang boses.

Ilang sandali akong hindi kumibo.

Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, alam ko kung ano ang gusto ko ngayon.

“Ivo, you are talking about the Thraia without this condition and without the tragedy. The Thraia right now experienced too much pain, physically and emotionally. Hindi ko na siya maibabalik pang muli, Ivo. Thraia will forever be marked with the tragedy, even when I gain back all my memories…”

Bumuntong hininga si Ivo.

“And I’m speaking right now as someone bringing all that scars… With my scars, I want my normal life back… without any complications. I have to sort out my life before deciding about other things. I hope you understand that…”
“What about your home here in Costa Leona?” mataman niyang tanong.
“’Tsaka ko na tatanungin ang sarili ko niyan kapag naayos ko na ang pinakaunang parte ng aking buhay, Ivo.”

Natahimik siya sa sinabi ko. The setting sun is now reflected on his face. It was dotted only with the leaves from the trees around.

“Ivo, babalik ako ng Maynila sa lalong madaling panahon. Iyon ang gusto kong mangyari sa ngayon. I’m gonna take it all slow…” sabi ko.
“Then live with me in the mean time… habang inaayos mo ang sarili mo, Thraia…”
Ngumiti ako. “For some reason, I’m living with a girl named Penny dela Rosa. Doon ako magsisimula, Ivo. Other matters will come last to me. I just want to get my dreams back, to live my real normal life… before finding other things…”

After a long silence, he finally spoke. Tuluyan nang lumubog ang araw at ang mga ilaw sa paligid ay nagsindihan na.

“Then at least give me a chance to bring you back to Manila… help you settle down before you find your old dreams back…”

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maipagkakaila na tama siya roon. He’s reaching out now because he can. I need to let him help me, at least.

“Okay…” I agreed.
“Tomorrow, I can book our flight back to Manila. If that’s okay with you…”
“I’m fine with that…” sambit ko.

Guminhawa ang pakiramdam ko nang nagkasundo kami ni Ivo. Positibo ako noon na pagbibigyan niya ako sa gusto ko at ngayon ay napagtanto kong tama nga ang hinala ko. He’ll forever be understanding.

Bumalik kami sa mansyon. Dumiretso ako sa kwarto para maayos ang mga gamit ko pero hindi na ako nagtagal doon. Tinawag ako ng kasambahay para sa hapunan.

Nang dumating kami ni Ivo sa hapag ay naroon na si Ali sa tabi ni Senyora Domitilla. Lynea was on his side, the place where I should be.

“Dito kayo ni Thraia, Ivo…” utos ng matandang Senyora.

Umupo si Ivo sa harap ni Ali. Ako naman ay nasa harap ni Lynea. Lynea looks amused at our arrangement. Bumagsak ang tingin ko sa aking plato lalo na nang naramdaman ko ang tingin ni Ali sa akin.

The first moments of the dinner was spent in silence. Konti lang ang kinain ko dahil wala akong gana.

“What are your plans now, Ivo?” Senyora Domitilla broke the silence.
“Aalis kami ni Thraia bukas papuntang Maynila…”
“That fast?” Lynea sounded too happy.
“She needs to fix some things… I can’t leave the company for too long, too…” si Ivo.

Naramdaman ko ang matalim na titig ni Ali sa akin pero hindi ko siya binalingan. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko kapag ginawa ko iyon.

“Am I needed there, Ivo?” si Lynea.
“Hindi na. The directors won’t be in quorum pero majority naman ang naroon kaya if you want to have a vacation here, that’d be okay.”
“That’s just great!” she clapped once and then glanced at Ali. “What do you think, Ali?”
“Nakita ko ang graph ni Zamiel, Ivo. It’s time for me to take over-”
“I can do it, Ali. You don’t have to help…” si Ivo.
“Ali, you should rest. Marami kang nagawa para sa ibang tao. The least you can give yourself now is-” natigil si Lynea.
“The investors are leaving. The directors are worried-”
“I’m not worried…” Lynea interrupted Ali.
“I can handle it!” giit ni Ivo.

Napaangat ako ng tingin kay Ali. His cold stare told me that he’s dangerous right now… Kumalabog ang dibdib ko at agad na nag-iwas ng tingin. I tried to look at him again. Sumimsim siya sa baso ng tubig habang tinitingnan ako gamit ang malamig niyang mga mata.

Hinawakan ko ang aking batok at bahagyang yumuko. I tried to act normal.

“Ivo, anak…” malambing na tawag ni Senyora. “Hindi ko pinagdududahan ang abilidad mo pero kung pipiliin ni Ali na tumulong ay magpatulong ka na lang…”
“He won’t help, Mama. He wants to take over as the CEO…” si Ivo.

Sumulyap ulit ako kay Ali. Tila siya nakatingin sa bibig ng kanyang baso pero ang totoo ay diretso ang matalim na tingin niya sa akin. Sinuklian ko ng titig ang tingin niya, kahit na nakakapaso sa lamig.

“But, son, Ali knows how to talk to the investors and he can definitely boost the digits of the company…” si Senyora Domitilla.
“Kaya ko ring gawin iyon, Mama.”

Kumunot ang noo ko at bumitiw sa titigan namin ni Ali. Hindi siya nagsasalita kahit na siya na ang pinag-uusapan dito sa hapag.

I tried to look at him again and saw that he remained staring at me with those piercing eyes.

“Ivo,” he said coldly. “Whether you like it or not, I’m going back as the CEO.”
“Stop it, you two! Hindi na kayo nahiyang magtalo sa harap ng ating hapunan!” Senyora Domitilla sounds hysterical now. “At kung hindi ko lang alam kung ano ang puno’t dulo ng pinag-aawayan ninyo ay baka hinayaan ko pa kayo!”

Natahimik ang dalawa. Yumuko ako sa takot na mabaling sa akin ang usapan. Tumayo si Ali at walang pasubaling umalis ng hapag. Lynea called him but it didn’t stop him.

Parang kinukurot ang puso ko habang tinatanaw siyang palayo. Lalo na noong sumunod sa kanya si Lynea.

I couldn’t eat. Even when Ivo told me to. Even when he assured me that it’s all going to be fine.

All will be fine… but I’m sure I won’t…

I opened my Facebook account noong nasa kwarto na ako. I searched for Penny’s name just so I can send him a message.

Pagkatapos ng dinner ay nag-usap pa si Senyora at si Ivo. Si Ali at Lynea ay hindi na lumabas sa kung nasaan man sila… siguro ay nasa kwarto.

Isinantabi ko ang bigat ng damdamin habang naiisip kung ano maaari ang ginagawa nila sa iisang kwarto… I might be overthinking… but then it won’t escape so I found a way to escape my own thoughts.

Ako: I’m leaving Costa Leona tomorrow. Magbobook si Ivo ng ticket ngayon. I’m sorry if it’s too much to ask but… can you please pick me up at the airport?

Waves of replies came from here.

Penny: Of fucking course!
Penny: Bakit kayo magkasama?
Penny: Nagkita kayo ni Ivo? He’s in Costa Leona?
Penny: What happened?
Penny: What time am I going to pick you up? I’ll wait for you the whole day!

Napangiti ako. Sa gilid ng aking mga mata ay may luhang tumakas. I guess I’m doing the right thing.

Ako: I’ll text you when I have the ticket. I’ll explain to you everything kapag nagkita na tayo…

A knock interrupted the conversation. I put my phone down and started walking towards the door.

Kumalabog ang puso ko habang naiisip kung sino maaari ang kumakatok pero agad din naman itong lumagapak nang nakita si Ivo na nakatayo roon.

He’s wearing a white v neck t-shirt and a black jersey shorts. He’s preparing to sleep. Pumasok siya sa loob at sinarado ang pintuan. Umatras ako para bigyan siya ng tamang espasyo.

“I’m sorry to interrupt but…”

He handed me a piece of paper. I opened it and saw a one way ticket of us.

“We’re leaving first flight tomorrow. Is that okay with you?” he asked.
I nodded. “Pagdating ng airport, Penny will pick me up.”
“Okay…” seryoso niyang sinabi.
“I’m sorry, Ivo. I know that this isn’t what you expected from me but this is how I feel now… I want to start my life again. I don’t want to wait for my memories to come back. And I don’t want to decide right away without considering my feelings right now.”
“Naiintindihan ko, Thraia.” He smiled and then turned to the door.

Binuksan niya iyon at bago umalis ay nagbilin pa siya.

“Rest well tonight. I’m sorry it’s all sudden… Alam ko rin naman na gusto mo nang bumalik ng Maynila.”
“Thank you…”

Ilang sandali akong natulala nang nakalabas na siya. Nang naibalik ko ang aking ulirat ay binalingan ko ulit ang aking cellphone.

I told Penny all the details of my flight. She confirmed that she’ll pick me up on the airport.

Ilang sandali ang nakalipas habang nagtitipa ako ay aksidente kong nakita ang mga texts namin ni Ali kanina. I smiled at our exchange of messages but in the end, I can’t help but feel the pain I completely ignored.

Kinagat ko ang labi ko habang naiisip sila.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ako ganito noon. Natatakot ako na ang Thraia noon ay hindi siya ang pinili…

Natatakot ako na ngayon, siya ang gusto kong piliin. Natatakot ako na kahit wala akong alam… at sa dami ng dapat kong pag-isipan sa kanya, walang duda… siya ang gusto ko. That I am asking for too much… and that too much is him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.