Waves of Memories – Kabanata 23

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 23

Kabanata 23
Almost Home

Pagkatapos maligo ni Ali ay tapos na rin ako sa pagtutupi ng mga damit. Lumabas siya ng nakatapos lang.

Sa gilid ng aking mga mata, kitang-kita ko ang paninitig niya. Hindi ko siya pinaunlakan ng tingin. Pakiramdam ko ay mas lalo lang magiging awkward kung magkakatinginan kami ngayon.

I shouldn’t mess with him. I don’t know what’s the score between him and Lynea. Baka nga sila pa bago ako nawalan ng alaala at nagkagalitan lang sa nangyari tapos ngayon ay nagugulo ko sila.

“Magbibihis lang ako…” paalam niya bago lumabas sa aking kwarto.

Hindi na ako kumibo. Nanatili akong nakaupo sa kama ng ilang sandali hanggang sa muli akong nakahinga ng mabuti.

Nagpahinga ako sa aking kwarto hanggang sa tuluyang dinalaw ng gabi. Ali knocked on my door after a few minutes. Hapunan na at kailangan na naming bumaba.

Inayos ko ang buhok ko at panay naman ang titig niya sa akin. Now that I found my make ups, I put some on my face to add color. Sumunod lamang siya sa akin hanggang sa nakarating na kami sa dining area.

Naroon na si Senyora Domitilla at si Lynea. Nagsisimula na silang kumain ng umupo kami.

Lynea’s silent and indifferent. Nakatingin siya sa amin habang naglalagay si Ali ng pagkain sa aking pinggan. I briefly wonder if he really is doing it on purpose. Parang pinipiga ang puso ko habang naiisip iyon.

“Ako na…” mariin kong sinabi at inayos na ang pagkain ko.

Tahimik kaming kumain sa lamesa hanggang sa nagsimula na si Senyora Domitilla sa pagsasalita ng tungkol sa kanilang negosyo.

“Ivo is doing his best but I don’t think his advisers are good. Isa pa, Lynea should be in Manila to help him but she chose to be here, Ali…”

Nagpatuloy ako sa pagkain. Every night, they talk about their business. Laging sinasabi ni Senyora na kailangan na si Ali ng kompanya pero palagi namang tumatanggi si Ali. Pinipili niya rito.

“Thraia’s memories hasn’t returned yet, Lola. Alam mo na ang sagot ko sa magiging tanong mo-”
Tumawa ang matanda. “I know, Ali. I just want you to realize that…” sumulyap si Senyora Domitilla sa akin. “Thraia here… is of age. She’s not a minor and she can probably do all the things she need to do alone. Sige, kung gusto mong manatili muna siya rito sa pamamahay ko, payag naman ako. Bumalik lamang kayo ni Lynea sa Manila at tulungan si Ivo na patakbuhin ang kompanya.”

Hindi na sumagot si Ali. I’m not sure if he’s shaken by what his grandma told him or he’s just tired of saying no.

“And if her memories come back, what will it be to you, anyway? You have your own life in Manila. Kayong dalawa ni Lynea-”
“Lola, please. Let’s not talk about this over dinner…” mariing sinabi ni Ali.

Senyora Domitilla seems to realize that Ali’s mood isn’t good anymore. Tumigil siya sa topic na iyon pero ilang sandali ay nagsalita muli siya.

“Ivo called. He’s booked a flight back here in Costa Leona…”

Napatingin si Ali kay Senyora Domitilla. Kumalabog ang puso ko sa narinig. Ivo will come here? I saw this coming but I really didn’t know that it’s this quick.

“Kahit ngayong nahihirapan ang kompanya, iiwan niya parin iyon?” Ali asked.
Ngumisi si Senyora Domitilla. “Hindi ba iyan din ang ginagawa mo. You’re supposed to manage the company and yet you chose to have an indefinite leave just so…”

Hindi pinagpatuloy ni Senyora Domitilla ang sinabi pero alam ko na kung ano iyon. It’s because of me.

“When is he coming?” Ali asked.
“Hindi ko alam pero I’m sure it’s going to be one of these days. Pero ‘di gaya mo, hindi siya magtatagal,” banayad ngunit may tamang sinabi ng matanda.

Natahimik si Ali. My heart is beating so fast and loud at the thought that Ivo is coming here in Costa Leona. Pakiramdam ko ay mas dapat kong maalala ang lahat ngayon.

Pagkatapos kumain ay hinatid ako ni Ali sa kwarto. He told me that he’s going to contact Zamiel in his room and that he’s going to look at some data about their company.

Pakiramdam ko ay nagsisikap parin siyang matulungan ang kompanya kahit nandito siya. I suddenly feel guilty. Paano kaya kung nasa Carles lang kami? Wala siyang magagawa para sa kompanya nila. At kung hindi ako nagpumilit na bumalik dito’y maaaring wala na nga talaga siyang magagawa pa.

That night, nag-online ulit ako sa Facebook ko kung saan si Penny lang ang laman ng friendlist. I saw that she has messages for me, too.

Penny: Please tell me you’re coming back. I’ll book you a ticket to Manila from Caticlan. Please, Thraia.
Penny: These are your things here… (she inserted a photo of a cabinet that showed some of my supposed things)

Marami talaga akong gamit sa condo niya. I live there. I was living with her. Gustong gusto ko na ring bumalik doon. Hindi ko yata kakayaning manatili sa bahay na ito.

Ali woke me up the next morning. He’s standing beside my bed when I opened my eyes. May breakfast na rin ako sa side table.

“Pupunta na ako sa planta. Please text me if you need anything or you wanna go somewhere.”

Uminit ang pisngi ko nang napagtantong bagong gising lamang ako samantalang humahalimuyak ang mamahaling shower gel sa kanya. My eyes feel tired and I probably look like shit right now.

“Baka dumating si Ivo bukas…” aniya. “Sumasakit pa ba ang ulo mo?”
“Minsan lang…”

Tipid siyang ngumiti.

“I will alert a local doctor so when you’re head is aching, he can immediately attend to you.”
“Thank you…”

Nang umalis si Ali ay mas lalo ko lang naramdaman ang kaba sa pagbabalik ni Ivo. I really didn’t know what happened between us after he left to study but I was so sure we were both in agreement that we’re setting each other free.

Dahil wala akong ginagawa, nagpasya akong tumulong sa gawaing bahay doon. Naglinis ako ng mga muwebles sa bulwagan. Pinunasan ko iyong mga paintings kahit na panay ang saway sa akin ng ilang kasambahay.

“Miss, pagagalitan po kami ni Sir Ali pag nalaman niya ito…” sambit nila.
Ngumiti ako. “Ako na ang bahala kay Ali…”

I am bored. It’s hot outside so going to the shore is not good. Ayaw ko ring magkulong sa kwarto at hindi naman ako inaantok.

“Sige na po, Miss. Patay kami kay Sir Ali kapag nakita kayong naglilinis…” sabi ng isa pang kasambahay.
“Well, well, well…” boses ni Senyora Domitilla ang narinig ko.

Tumingala ako sa grand staircase nang nakita ang matanda. Ang ilang kasambahay ay umalis sa harap ko nang narinig iyon.

“You want to get Ali’s attention so you mess up with the household chores, huh?” she laughed mockingly.

Tumigil ako sa pagpupunas at tiningnan na lamang ang basahan.

“Nga naman. You’re living under my roof… for free… even when you can afford the squatters area… just so you can be with my grandson…” she smiled evilly.

Kinagat ko ang dila ko. Gustong gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. She’s old and she’s mad at me for messing up with his son and grandson. Tingin ko ay may karapatan siyang pagmalupitan ako kaya lang… mahirap pagbigyan. Hindi ako martyr.

“Why did you let yourself come here again? Huh? Walang responsibilidad ang apo ko sa’yo dahil hindi naman kayo. He just found you in an accident and then he took the responsibility because he’s good hearted. And you… I bet you remember everything but you kept it to yourself because you want longer time with Antonius Lienzo. Dapat ngayon ay nagpaplano na sila ni Lynea sa kanilang kasal!”
“Hindi po ganoon…” I couldn’t help it. I have to say at least some thing! “I assure you I’ll go back to Manila alone once-”
“Once what? You remember everything! Oh dear… You remember everything! You’re just playing like a damsel in distress just so Ali can play his own part! You’re disgusting!” she spat.

Tuwid akong tumayo at mataman siyang tinitigan. Palapit siya sa akin, hindi natitinag sa nagbabadya kong paglaban.

“I did not ask Ali to do this for me, Senyora!-”
“You don’t have to ask my grandson to do kind things, Thraia. At ikaw ang salot dito! Kung hindi mo tinuhog ang dalawa ay sana hindi magulo ngayon! Dumagdag ka pa lalo sa gulo at pinili mo pang maaksidente? Why didn’t you leave when you recovered? Because you enjoy Ali’s attention, right?”
“Hindi po totoo ‘yan! Ali has told me that we’re married! I lost my memories so I have nothing to trust but him!” hindi ko na napigilan. Nakatakas na iyon sa aking bibig.

Nanlaki ang mga mata ni Senyora at agad siyang tumawa. I heard footsteps from the kitchen and I saw Lynea looking at us… wondering what is happening.

“And you believed him? Naniwala ka naman sa isang bagay na walang ebidensya? May marriage contract? Nanghingi ka?”

Nanginig ang labi ko. Gusto kong sumagot pero alam kong tama siya.

“Hindi, dahil gusto mo rin ng ganoon! Gusto mo ring matali sa kanya! Kahit walang marriage certificate, pinaniwala mo ang sarili mo na talagang kasal kayo kasi mabuti iyon sa’yo!”
“I believed him because he’s the only one I can trust! But right now, I trust you too so I discredit what he said to me months ago! Kung sinabi n’yo po na hindi kami kasal, naniniwala po ako sa inyo dahil apo ninyo si Ali!”

My tears fell. Kahit na pakiramdam ko’y dapat ubos na ang luha ko ngayon, hindi ko parin napigilan ang pagtulo ng mga ito.

“I don’t know why he told me that we were married but I’d like to think that it’s for the best! At opo! Wala siyang ipinakitang marriage certificate kaya nga ngayon, kayo na po ang pinapaniwalaan ko, ‘di ba? I don’t remember so many things yet… I am not asking you to like me, I’m just asking you to consider my condition!”

Kitang kita ko ang galit sa mukha ng matanda kahit na tumigil siya sa pagsasalita. Pumagitna si Lynea sa amin at humalukipkip ito.

“You remember things now, why don’t you go back to your life before. Ang sinasabi lamang ni Senyora ay masyado kang nasasanay dito sa mansyon. Hindi ibig sabihin na dahil tinulungan ka ni Ali, ayos na ang lahat at pwede ka nang manatili dito. You have to move on with your life without everyone’s help. Don’t be a burden!” si Lynea.

Yumuko ako at patuloy ang mga luha ko.

“And now you’re doing the household chores. You’re not helping the maids… You just want to let Ali see how poor you are here para kaawaan ka niya at mas lalong mabigyan ng atensyon!” si Senyora.

Nag-angat ako ng tingin sa matanda. She’s fuming mad now like I’m the worst person she’s ever encountered… like whatever happens, she’ll never, ever, like me.

“You’re a manipulative slut! Using your weakness to allure my grandson!”
“That’s not true!” sigaw ko.
“H’wag mong masigaw sigawan si Senyora Domitilla, Thraia! Shut up because you deserve every hurtful word here!” Lynea said.

Kinagat ko ang labi ko. Ngumisi si Lynea at nagtaas ng kilay.

“Sa huli talaga, ikaw parin ang umiiyak. Nakakaawa ka talaga,” si Lynea. “You’re just Ali’s bitch. He just wants to show me that he can move on from me when he just actually couldn’t… and now you’re feeling great because his attention is for you. Nakakaawa ka talaga… Nasisiyahan ka sa pag gamit niya sa’yo. Kung sa bagay, ganoon ang mga bitch. Ginagamit lang!”

Sa namuong iritasyon ko kanina at sa galit ko ngayon, nakaipon ako ng hustong lakas para sampalin si Lynea. With all my energy, I slapped her. Lumagitik sa buong bulwagan ang tunog ng aking sampal.

“Lynea!” Senyora Domitilla went to her and hugged her.

Hawak-hawak ni Lynea ang kanyang mukha at sa gulat ay napaiyak siya. Senyora Domitilla looked at me with pure anger.

“Salot ka talaga! Nagawa mo pang saktan si Lynea!” sigaw ni Senyora Domitilla.
“Anong nangyayari?” Mercedita showed up from the kitchen.

Tinuro ako ni Senyora Domitilla. Bumigat lalo ang bawat paghinga ko. Alam kong ‘di tama ang ginawa ko pero nawalan na ako ng preno. I can’t let hurtful words be thrown at me just like that!

“Makakarating ito kay Ali! At paniguradong bago makarating si Ivo rito, nasa labas ka na ng bahay!” sigaw ni Senyora Domitilla habang umiiyak si Lynea dahil sa ginawa ko.

Nilapag ko ang basahan sa muwebles at tumakbo na paakyat sa hagdanan. Nilagpasan ko si Mercedita kahit na tinatawag ako nito.

Pagdating ko ng kwarto ay agad kong hinagilap ang mga damit ko. One by one, I put them inside the backpack I used before I lost my memories. Konti lang ang magkakasya roon kaya ang importante lang ang nilagay ko.

Panay ang tulo ng luha ko habang nag-iimpake. Kung tutuusin, pu-pwede na akong umalis ngayon at iwan na lamang ang mansyon na ito. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I’m sure there’s a better way of leaving here.

I opened my Facebook only to contact Penny.

Ako: Penny, I might need some money to book myself a flight from here to Manila. I have my ATM here but I don’t remember my PIN. Pu-pwede kong subukan ang maaaring ginawa kung PIN pero kung hindi ko mabuksan, kakailanganin ko pang makipag coordinate sa bank.

To my surprise, Penny replied immediately.

Penny: Ako na ang bahala. When do you want to have your flight? I will immediately book you a flight back here. Susunduin din kita sa airport kung gusto mo…

Natulala ako sa sinabi ni Penny. Hindi ko pa nasasabi kay Ali ang plano ko. I don’t even know if he’ll agree with what I’ll tell him.

Tiningnan ko ang numero ni Ali na nakaregister sa cellphone. Hindi ko pa siya naitetext ng kahit isang beses. At ngayong itetext ko siya, dahil pa sa kagustuhan kong makabalik na ng Maynila.

Ako:
Ali…

Nakapikit ako nang nisend ko iyon. Nanatili akong nakapikit habang nag-iisip kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin sa kanya. But then my phone immediately beeped. Dumilat ako at tiningnan na may mensahe na si Ali.

Ali:
Are you okay?

Tulala akong napasandal sa dingding ng ilang sandali bago ako nagtipa ng sagot.

Ako:
I’m fine. What time are you coming back?

Doon, hindi siya agad nakapag reply. It took him almost fifteen minutes before he could reply and I figured he’s really busy at their plant.

Nag-ayos na lang ako sa kwarto habang nag-aantay ng kanyang text. And when I got it, I stopped and read the message.

Ali:
Pauwi na ako.

Napalingon agad ako sa wall clock. It’s still two in the afternoon! Madalas ay alas kuatro siya umuwi pero ngayon ay napaaga ata!

Ako:
Maaga ka ngayon?

He replied immediately.

Ali:
Yes. Are you okay?

I bit my lowerlip. I can’t help but think that he’s off early because he thinks there’s something wrong with me.

Ako:
I’m fine, Ali. Bakit ka maaga? I asked you what time you’re going home and then you’re suddenly going home?

Hindi na siya nagreply. Panay ang paulit ulit ko ng tingin sa cellphone ko habang nag-aayos ng mga gamit sa kwarto. I feel I’ll leave this place real soon and I have to leave it the way it was.

Napatingin ako sa labas ng bintana nang nahagip ng tingin ko ang kabayong paparating. Bumaba si Ali sa kabayo at tumingala sa aking bintana. I feel like he saw me looking at him, too.

Binigay niya ang lubid ng kabayo sa tagapangalaga at agad nang pumasok sa bulwagan ng mansyon.

Pinasok ko ang bag ko sa loob ng cabinet at inayos muli ang kama. I turned the TV on and suddenly, I’m sweating bullets. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagsasabi kay Ali na gusto ko nang bumalik ng Maynila. And of course, I can’t go to Manila with him! Ano ang iisipin ng kanyang lola at ni Lynea kung sakaling sasama pa ako sa kanya.

I was living with Penny when I left Manila and had my accident here. Why will I suddenly live with Ali now?

Tama sila. Walang naipakitang marriage certificate si Ali sa akin. Hindi kami kasal. Iyon ang totoo. Hindi ko na gustong malaman kung bakit niya ako pinagsinungalingan. I’d like to think that he just wants me to calm down. I have an amnesia and I have no clue. Ni hindi ko siya kilala kaya iyon lang siguro ang naisip niyang paraan para mapakalma ako.

Natapos ang isang episode ng palabas sa Cartoon Network at hindi parin siya kumakatok. I bet his grandma blocked him so they can talk. At ano naman kaya ang sinabi ni Senyora Domitilla? Paniguradong tungkol iyon sa ginawa ko kanina.

It hurt thinking he might reprimand me because of it. if that happens, hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap. Sa lalong madaling panahon, gusto ko nang umuwi sa Maynila.

Costa Leona is my home. But for whatever reason, the house my mother left isn’t mine anymore. I can’t find Alejandro and Ate Ethel. Wala akong maalala at ang tanging pag-asa ko na lang ay ang ipagpatuloy ang buhay na nasimulan ko sa Maynila… baka sakaling makatulong pa iyon para maibalik ko ang alaala ko.

A knock stopped the entire fleet of my thoughts. Tumuwid ako sa pagkakaupo sa kama at hinayaan si Ali na buksan ang pintuan. He opened the door, looking at me through his serious eyes.

Pagkasarado niya’y ni-lock niya agad ang pintuan.

Umamba siyang uupo sa aking kama kaya umusog ako ng kaonti. Nang nakaupo siya at nagtama ang hita ko at ang kanyang likod ay mas lalo pa akong umusog. Napatingin siya sa akin at bumuntong-hininga.

“So… today, you slapped Lynea?” seryoso ang tono niya pero nakitaan ko ng humor ang kanyang mukha.

He looks amused about it that’s why i’m confused. Yumuko ako at nagtaas ng kilay.

“I’m not really very friendly. And that’s according to what I remember. I’m sorry…”

Nag-angat ako ng tingin. Nakataas ang kilay niya at nakitaan ko ng multo ng ngiti sa kanyang labi. A few centimeters more, his lips will curve into a seductive smile. Uminit ang pisngi ko at nakita ko iyong umangat.

The crashing of waves on the shore made my heart throb like crazy. His lips curved and then I anticipated for his kiss on my lips but it didn’t came.

Sa panga siya humalik at pababa iyon.

“I hate you…” I whispered, almost out of breath.

His finger tortured the peak of my right breast. Kinagat ko ang labi ko at binaba ang tingin sa kanyang kamay. The sight tortured me more. His tall finger was teasing my peak.

“Hmm. Really?”

Tumigil siya sa paghalik at bumaba ang tingin niya sa aking hita. Bumaba rin ang tingin ko roon. I licked my lips when I saw his hand covering my thigh as I held on to it… digging my nails on his skin like I’m so eager for something.

“You little liar…” he whispered on my ear and then he began kissing my neck again.

His hand inserted on my bikini top. He covered my cold breast with his warm palms at wala akong ginawa kundi ang suminghap na lamang. Pakiramdam ko ay nagdedeliryo na ako sa nangyayari.

“You… have a girlfriend…”

I can’t help but realize how my voice sounded so erotic even when the question is all full of insecurities.

“I don’t do girlfriends…” he slowly bit my neck.

I pushed him away so I could stop him. Siya ang sinungaling! Hindi ako!

Sobrang init pa ng pisngi ko habang tinutulak siya. Nagpatulak siya. His evil smile was plastered on his face. Mapupungay ang kanyang mga mata at pakiramdam ko’y pareho kami ng nararamdaman ngayon. Iyon nga lang, mas marunong siyang icompose ang kanyang sarili. Like he’s so good at this.

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak parin sa aking dibdib. He removed it and he chuckled. Mas lalo lang akong nairita.

“Ikaw ang sinungaling!” iritado kong sinabi.
“Sagutin mo ako ngayon, tingnan natin kung sino sating dalawa ang nagsisinungaling…”

He pulled me closer and I felt his warm chest on my back. Niyakap niya ako galing sa likod at binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

“Sagutin mo na ako, Thraia…” he whispered.

Halos pumanaw ang ulirat ko sa naisip. Tumikhim ako at bahagyang umusog ulit. It wasn’t a dream?

Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes remind me of the look he gave me when I accused him of lying – playful and amused.

“Why did you slap her?”
“U-Uhm…” I cleared my throat again.

Hindi maalis sa utak ko iyong naisip ko kanina. Did that happen or am I just fucking hallucinating?

Umiling ako, hindi nakuha iyong tanong niya. Pumikit ako at naalala ulit iyong tanong.

“I was irritated. Kung narito ka para pagsabihan ako, then okay. I know what I did was wrong. I regret it that’s why I’m saying sorry…”
“I’m just wondering why you did it, Thraia. And that’s all…”

Ngumuso ako at inayos ang sarili. I have to remember what I really want to talk about! I have to talk to him about it.

Ngunit sa pagtama ng tingin ko sa kanyang mga mata ay naaalala ko ulit ang bawat pasada ng labi niya sa aking leeg. It feels so fresh and true that I couldn’t last looking at him in the eye.

“Uhm…”
“Are you uncomfortable here?” naunahan niya ako dahil namemental block na naman ako dahil sa naisip kanina.
“Y-yes… I mean…”

Nagkatinginan ulit kami pero sa huli ay suminghap ako at pumikit. I can’t look at him. He’s too much! He’s always been too much. Like a sun that’s too hot, I’d die if I get close. Like fire that’s too painful, I’ll burn if I touch it.

I will burn if I look at him too much… I’ll die if I ask for him to be too close.

“What’s your last memory? Do you think being here is still helpful?” he asked.
“Iyong pagkamatay ng Lolo mo…” sambit ko.

His jaw clenched at what I just said. Ilang sandali kaming nanatiling tahimik hanggang sa biglang may kumatok.

Nilingon ni Ali ang pintuan. I saw his expression change immediately. Tumayo siya at bumuntong hininga.

“Sino ‘yan…” mahinahong tanong ko, hindi para sa taong nasa likod ng pintuan, ngunit para kay Ali kahit na alam kong wala rin siyang alam.

Ali went to the door. He unlocked it carefully and suddenly my head ached like mad.

Napangiwi ako sa sakit. I was about to call Ali but when I saw the man behind the door, I stopped.

Pakiramdam ko, tumigil ang buong mundo ko nang nakita ko siya. Ali is taller than him about a few inches. Ngunit alam ko na ito noon pa man. Ali opened the door wide just so the man can enter my room.

Binaba ko ang paa ko para lang makatayo at masalubong siya, never minding the pain that’s taking over my head.

A slow smile curved on his lips and that familiar dimple showed up… it suddenly… feels like… I’m almost home.

“Ivo…” I whispered.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.