Waves of Memories – Kabanata 22

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 22

Kabanata 22
Dreams

Gusto kong hintayin na bumalik ang lahat ng alaala ko ngunit alam ko ring habang tumatagal ako sa bahay na iyon, mas lalo lang naging mahirap.

“You have to meet the foreign client in Boracay, Ali. At mabuti na lang at narito si Lynea. You two can go there and meet them,” ani Senyora habang nasa hapag kami.

Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa kanila.

“Lola, Lynea can go alone. I have things to do here, I’m sure you know that…” si Ali sa isang baritonong boses.
Tumawa si Senyora at sumulyap sa akin. “Hindi ko naman ito pagmamalupitan dito, Ali, kung iyon ang inaalala mo. Just a couple of days, you know. And it will help boost the company! Kaya mas mabuting pumunta na kayo roon at hayaan mo na siya rito…”

Nanatili ang mga mata ko sa pagkain. Hindi ko alam kung ano rin talaga ang stand ko sa bagay na ito. Senyora Domitilla is right. They should go but a part of me don’t want him to. Kaya imbes na magsalita ay pinili kong manahimik.

“Anyway, matagal pa kaya may panahon ka pang magdesisyon…”
“My decision is to stay here in the mean time, Lola,” mariing sinabi ni Ali.

Lynea is Ali’s girlfriend. Maaaring ang sumira sa kanila ay ang pagtanggi ni Lynea sa offer ni Ali ng kasal. Hindi ko alam kung ano ang sadya ni Ali ngayon at tinutulungan niya ako but I’d like to think that it’s for the greater good and not revenge for Lynea… kahit na unti-unting nagmumukhang ganoon.

Mag-isa ako sa kwarto’ng natulog. Si Ali ay nasa kanya naman. Now that I can already trace what probably happened, I started using my phone in different things.

I Googled my own name. Images of me and my friends showed up. Iyong iba, halos hindi ko kilala. Pero sa mga larawang iyon, lagi kong nakikita si Penny.

Nakita ko rin ang Facebook account ko. The profile privacy was limited. I only got to see a few of my pictures and most of them were with Penny.

So… I guess pagkatapos kong mag graduate, umalis ako at nag Maynila. Iyon lang ang tanging naiisip ko. Nagtrabaho ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Penny at doon na nanatili bago ako naaksidente.

I made another Facebook account and added Penelope dela Rosa’s Facebook. Maybe, going through the things we did in Manila will help me remember that part. Agaran ang pag accept niya sa akin. Even when I don’t have any picture on my profile. My phone beeped because she tried to reach me.

Penny: Thraia? Is this you?
Ako: Yes.
Penny: OMG. Can you remember anything now?
Ako: Only a bit. I don’t remember what happened in Manila…
Penny: You remembered almost everything! Manila na lang ang hindi!? OMG. Are you going back here?
Penny: Please say yes! I have a copy of your bank statement. I don’t know where’s your ATM but I’m sure we can do something about it.
Penny: Some of your clothes are still here in my condo. Konti lang dala mo noong umalis ka.
Penny: I know you don’t remember but our boss is my boyfriend. I’m sure we can arrange your come back if you want. I will lead you.
Penny: Where are you? Back in Costa Leona?

Kinagat ko ang labi ko. She seems very concerned about me. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko habang tinatanaw ang sunod-sunod niyang mga sinabi.

Ako: Yes. I’m here. Nahihiya ako at baka maging pabigat lang ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko noon.
Penny: They’ll understand, Thraia. I miss you so much and I’m worried. Where are you staying? Sa mansyon ng MERC? You should come back here in Manila…
Ako: Susubukan kong kausapin si Ali.
Penny: Magtatanong ako sa bank tungkol sa account mo. Find your things. Find your Ids and passport. You left a credit card here, too. I can give it to you para hindi ka na umasa sa mga Mercadejas, Thraia.
Penny: I know this probably is hard for you but there’s just no other way but to move on with your life. To go on, Thraia.
Ako: Thank you. Iisipin kong mabuti at magdedesisyon ako. Thank you for helping me.
Penny: Walang anuman. Hinayaan ko ang kwarto mo sa dating ayos. I hope you’ll come back here. Most of your clothes are here and my God, it’s refreshing to see you in a beach dress like that… noong nasa Carles. Haha!

She sent me a picture of us in a dark place. Yakap niya ako at nagtatawanan kaming dalawa. Nakapony tail siya samantalang ang mahabang buhok ko ay nakalugay. Our clothes were of that in fashion magazines. I was even holding a glass of champagne. Napangiti ako. I have this kind of life that I didn’t know about, huh?

Penny: I miss you, Thraia.

Binigyan niya ako ng numero para mas mabilis ko siyang macontact. Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako na magpapahinga.

Pagkatapos kong mahulog sa antok ay agad na naglakbay ang aking utak.

I remember a warm touch. I feel a warm touch on my neck. Sa aking likod ay ramdam na ramdam ko ang mainit na dibdib niya. His long legs were locking me. We were both wet from the salt water.

Iginiya niya ang aking mukha para magkatinginan kami. I was fuming mad. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang saktan ngunit hindi ko ginawa. Gusto ko ring maiyak pero walang tumutulong luha.

“Come here…” he whispered and then pushed my face closer to his.

Our nose touched. Nakaliliyo iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit galit na galit ako’y nagagawa ko paring mahilo sa ginagawa niya. Hinawakan ko ang kanyang dibdib para itulak siya pero hindi sapat ang lakas ko ngayon. Parang hinihigop ng ginagawa niya ang lakas ko.

His index finger touched my lips. Unti-unti niyang binaba ang daliri niya dahilan ng pagkakaawang ng labi ko. He smiled. It sent shivers down my spine.

“Ivo ka nang Ivo… Bakit? Nararamdaman mo ba ito kay Ivo, hmm?” he said as his lips came closer to me.

“I hate you…” I whispered pero nawawalan na ako ng lakas. “I really hate you…”

He chuckled and then his nose traveled down my cheek and on my neck. Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang dibdib at binalik iyon sa aking dibdib. His breath tortured my neck as he lets his nose trace it.

Kinagat ko ang labi ko. His fingertips passed through the little cloth I’m wearing on my chest.

“Shit…” I softly cursed when it passed through my turned on peaks.

Pinasadahan niya ulit iyon habang unti-unting hinahalikan ang aking leeg.

“Ayaw ko sa’yo…” bulong ko.
“Don’t fool me…” he whispered and then kissed me on lips.

Biglang dumilat ang aking mga mata sa panibagong umaga sa aking kwarto.

What the hell was that?

Is that a memory?

Or a fucking dream?

Habang naliligo ako ay iniisip ko iyong panaginip. It is fading but some of the details were still very vivid. Ali was undeniably hot and I’m…

Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay sinarado ang shower. Sa araw na ito, plano kong maglaba ng mga damit at tumulong ulit sa gawaing bahay. Maybe water the plants and all of that.

Siguro ay muling pupunta si Ali sa planta gaya ng madalas niyang ginagawa.

Pinunasan ko ang sarili ko at naisip iyong mga damit na suot namin ni Penny sa mga nakita kong pictures sa internet. It’s very different from the clothes I have here. I wonder if I have the same kind of clothes here?

Nagtapis ako at lumabas ng banyo. Halos madulas ako pabalik nang nakita ko si Ali na nakaupo sa aking kama. Inayos ko ang pagkakatapis ng aking tuwalya.

Tumingin siya sa akin na parang wala lang. Like he isn’t affected or anything. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.

“Good morning. Hindi k-ko namalayang nariyan ka pala… I’ll just…” sabi ko sabay tingin sa loob ng aking cabinet.

Imbes na mamili ako ng maayos na damit ay kumuha na lang ako ng kahit ano. Uminit ang pisngi ko nang naalala ko iyong panaginip ko kagabi.

“I brought your breakfast here…” sabi nito.
“Okay… Uhm… Magbibihis lang ako…”

Bumalik ulit ako sa loob ng banyo at natulala ng ilang sandali roon. Damn! Why is he here, anyway? I thought he’s going to their plant?

Mabilis akong nagbihis at nagsuklay ng buhok. I quickly wonder where my make ups were… or my other clothes? What if I want to put on something on my face? At wala ba talaga akong ibang damit bukod sa mga beach dress? Nagmumukha na akong manang dito!

Naalala ko bigla ang mga suot ni Lynea kahit narito lang siya sa mansion. It’s so far from what I’m wearing! She’s even wearing make up while I look sick!

Lumabas ako ng banyo at natanaw kong inaayos niya ang lamesa sa tabi ng kama. Dalawang meal pala ang dala niya. Sa kanya ata at iyong akin.

Tapos na rin ata siyang naligo. His hair looks damp and he’s wearing a navy blue t shirt and a dark blue jeans. Mukhang may lakad talaga. Nakaupo siya sa tanging upuan sa aking kwarto bukod sa sofa at mukhang balak niyang paupuin ako sa kama para sabay na kaming kumain.

Umupo ako sa kama, sa harap ng lamesang hinanda niya. Tumikhim ako. The awkwardess between us makes my stomach turn.

“Let’s eat…” aniya sabay lagay ng kutsara at tinodor sa aking pinggan.

Tumango ako at nag simula nang kumain. Ganoon din siya. The TV is on and TLC served as our background sound. Sobrang hina nito na hindi natabunan ang katahimikan naming dalawa.

“Are you fine here today?” he suddenly asked.
Tumango ako. Sanay na rin naman at naiintindihan ko na kinakailangan niyang pumunta ulit ng planta.
“Anong plano mong gawin ngayon? You’re not texting me.”
“I… uhm… just here in the mansion kaya wala rin akong maitext. Pero… mamaya… baka…”

Hindi ko masabi sabi ang plano kong gawin. Dahil sa panaginip ko, gusto kong bisitahin ang dalampasigan sa baba.

“Bababa ako sa dagat ng Costa Leona. I just want to watch the waves, that’s all…” sabi ko.

Tumango siya. His licked his lips and it became redder. Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain ng breakfast.

“Mga anong oras?” tanong niya.
“Siguro mga hapon… Iyong hindi na masyadong mainit…” sagot ko.
“That’s all? You won’t go somewhere far?”
Umiling ako. Simula ata noong nahimatay ako sa aming bahay, natatakot na akong umalis.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso na siyang kumakain ngayon. Hindi ko na napigilan ang mga tanong na nasa utak ko.

“Uhm… Do you know where my other clothes before my accident happened?” tanong ko.

Napaangat siya ng tingin sa akin. He nodded.

“Nilagay ko sa cabinet mo. Nasa drawer lahat ng gamit na dala mo noon…”

Nilingon ko ang cabinet. It’s there?

“Konti lang ang dala mo noon…” sabi niya.
“I know. Most of my clothes are in Penny’s condo, right?”

Nanatili ang tingin niya sa akin. Tila may nasabi akong nakakagulat.

“I still don’t remember anything about it pero sana maalala ko na. Gusto kong bumalik ng Maynila. Baka sakaling may maalala kung pumunta ako roon.”
“H’wag mong pilitin ang sarili mo…”

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Pagkatapos naming kumain ay inayos ko ang aming mga pinggan. Ali helped me do it.

“Ako na ang magbababa nito. Anong oras ka bang pupunta ng planta?” tanong ko.
“Alas nuebe…” he answered.

I glanced at the wall clock and it’s already nine. He needs to go now.

Tumayo ako habang nilalagay sa tray ang mga pinggan. Tiningala niya lamang ako habang ginagawa iyon. Sumulyap ako sa kanya ‘tsaka lamang siya tumayo at kumilos na rin.

Dumiretso siya sa pintuan. Nagpatuloy ako sa pagliligpit hanggang sa bumalik siyang may kasamang kasambahay.

“Ako na, Miss Thraia…” sabi ng kasambahay.

Gusto ko sanang tumulong kaso ay garan ang pagkuha ng kasambahay noong tray. Tiningnan ko ang pag-alis nito bago si Ali.

“I’ll come back early. Don’t forget to text me, okay?”

Tumango ako at ilang sandali kaming nagkatinginan bago niya ako tinalikuran. Hindi ko namalayan na masyado pala akong kinakabahan habang naroon siya. ‘Tsaka lang ako kumalma nang nakaalis na siya at sarado na ang aking pinto.

Umupo ako sa kama ng ilang saglit para makapag-isip at maiproseso ang breakfast namin ni Ali. It’s actually pretty simple but why am I so freaking thrilled?

Nang nakabawi ako’y dumiretso na ako sa cabinet. I opened the drawer and saw some of my clothes. Siguro’y nasa limang pair lang ang dala ko. Dalawang itim na dress, dalawang jeans at isang t-shirt, isang short pants at dalawang sleeveless top, at isang jumpsuit. I also have one strappy sandals and stilletos. Naroon ang wallet ko at ang mga cards ko. My watch reads “Michael Kors” and a bag is beside it. Ang bag na dala ko’y isang kulay puting packbag.

Binuksan ko ang packbag at nakita ko roon ang mas maliit na bag na kulay itim at nakita ko ang mga make up sa loob. It’s all here. This is my life before my memory got lost!

Paulit-ulit kong tiningnan ang mga gamit ko sa pagbabakasakaling magkaroon ulit ako ng flashack ngunit sa loob ng isang oras ay wala.

Nagpasya akong magpahinga sa pamamagitan ng paglalalaba sa labas. I went out and found that the house is quiet. Mga kasambahay lang ang nakikita kong palaboy laboy at ni si Senyora Domitilla ay wala.

Pumasok ako sa kitchen para magtungo sa likod. Hinanap ko ang washing machine at nadatnan ko roon ang isang kasambahay. The pale skinned girl looked scared at me. Mas bata siya ng kaonti sa akin at naka unipormeng pang kasambahay.

“Maglalaba ako…” paalam ko…

Tumango lamang siya. Ngumiti ako sa kanya at ilang sandali pa bago niya nasuklian iyon.

“Nasaan si Senyora Domitilla?” tanong ko.
“Nasa bayan…” she answered.
“How about… Ali’s girlfriend? Lynea?” tanong ko dahil mukhang mag-isa nga ako sa bahay.
“Kasama ni Sir Ali sa planta…”

Napatingin ako sa washing machine at nilagay na lang ang mga damit doon. I stopped asking questions after that. Bitterness spread like wildfire on my stomach but I kept it to myself. I have to understand some things… accept some things.

Habang naglalaba ako ay pilit kong inintindi ang mga nagawa noon.

I was very young when I met Ivo. I was very infatuated too that I psuhed myself to commit. When I met Ali, nasira ang lahat ng iyon. Pero pinanindigan ko ang committment ko kay Ivo. I chose Ivo. I CHOSE him. I was that committed that even when I was sure I’m attracted, I chose him over that kind of attraction.

Noong sinabi ko na kay Ivo ang mga pangarap ko ay unti unti na kaming nagkalayuan ng loob. He was also busy with his Papa. I don’t blame him. I was busy with my life as well… And when his Papa died, we both knew what we were. And Ali… fell with someone else pero ayos lang iyon sa akin. Dahil simula’t sapul, si Ivo naman talaga ang pinili ko. Hindi si Ali. Kaya kung ano man iyon, wala na akong magagawa.

I want to think that I continued pursuing my dreams. That’s the reason why I came to Manila.

It’s not easy to spell out now. I just want to know how I lost my memories. What happened to Ate Ethel and Alejandro. Even my friend Sage isn’t on their house anymore. I briefly remember about her moving out of their house but that was it.

I guess that’s all of it, huh?

Sinampay ko ang mga damit ko roon. Pagkatapos kong maglaba ay tinawag na ako ng kasambahay upang makakain ng tanghalian.

I was alone in the dining area. Naging komportable nga ako, e. Mas komportable ang ganoon kesa tuwing nariyan si Senyora Domitilla at si Lynea.

I took a nap after lunch. Maybe I’ll remember if I sleep but I didn’t. Isang dreamless nap ang nangyari kaya noong bumangon ako’y nagpasya akong agawan muli ng hose ang hardinero nila.

Nagdilig ako ng halaman habang hinihintay na bumaba ng kaonti ang araw at makababa na rin sa dalampasigan.

Nang nasa duyan na ako at nagdidilig na ng mga halaman doon ay narinig ko ang pagbukas ng gate. I also heard the gallops from the horse and a sweet laugh from a girl.

Pumasok sa loob ng gate ang isang kabayo na sakay si Ali at si Lynea. Lynea was hugging Ali from the back and she seems very happy about it.

The horse stopped. Bumaba si Lynea sa kabayo at bahagyang tumili pa ito nang muntik nang nahulog. Mabuti na lang at agarang nahawakan ni Ali ang braso nito kaya napigilan.

“Thank you…” Lynea said.

Bumaba na rin si Ali sa kabayo. Bumaling ako sa gumamela na dinidiligan ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa natanaw.

“Si Thraia…” I heard Ali asked someone.

Ang sumagot sa kanya ay ang hardinero. Hindi ko alam kung anong sinagot pero ilang saglit ang lumipas ay narinig ko na ang mga yapak na patungo sa akin. Sumulyap ako sa banda nila at nakita kong palapit nga si Ali sa akin. Sumunod naman si Lynea sa kanya.

“Sana ay hinayaan mo si Mang Pepe sa pagdidilig ng mga halaman…” paunang sabi ni Ali.
Ngumiti ako. “Ayos lang,” sagot ko. “Wala rin naman akong ginagawa, e.”
“Bababa ka ngayon sa dalampasigan, hindi ba?”
I nodded.
“Sabay na tayo. I’ll just change…”
“Saan kayo, Ali?” Lynea asked when she heard what we were talking about.
“May gagawin lang kami ni Thraia, Lyn…” sagot ni Ali.

Hindi ko na sila nilingon. Patuloy ko lang dinidiligan ang mga gumamela sa aking harapan.

“Bababa kayo sa dalampasigan? That’s great! Sasama ako! Magbibihis lang muna ako! Is that okay, Thraia?”

Nilingon ko agad si Lynea. I smiled fakely at her. Of course, it has to be okay. Who am I to disagree? Sasama lang naman siya.

“It’s okay…” sambit ko.
“That’s good! Magbibihis lang ako! Ali, hindi ka ba magbibihis? Pawis na pawis ako sa mga ginawa natin sa planta!” ani Lynea.
“I’ll just change, Thraia. I’ll be here in a minute…” si Ali.

Tumango ako at hinayaan silang umalis. Hindi ko na nilingon ulit si Ali. Pakiramdam ko ay tatakas lang sa mga mata ko ang pait na wala akong karapatang makaramdam.

They don’t have to join me actually. I can go to the shore alone. They can both rest. Marami silang tinrabaho sa planta at dahil gusto ko lang na bumaba sa dalampasigan ay sasamahan pa nila ako.

I returned the hose to the gardener. Hindi ko na sila hinintay na makabalik. Mag-isa akong bumaba sa stone stairs hanggang sa tuluyang napunta sa dalampasigan.

Naglakad lakad ako sa gitna ng basang buhangin. Minsanan ay nayayapos ng humahampas na alon ang aking mga paa. Ang kulay kahel na langit ay nagsusumigaw na malapit na ulit matapos ang araw.

The sun has seen all of my memories. I wonder if it remembers everything.

Bumalik ako sa batuhan at sumilong sa lilim ng isang puno ng niyog. Nilingon ko ang stone stairs at nakita ko roon si Ali.

He’s alone. He’s not with Lynea. But then again… even when it’s that way, I know where I should stand.

Niyakap ko ang aking tuhod habang nakatingin sa karagatan. Ali didn’t come to me. Imbes ay dumiretso siya sa dagat.

His threw his t-shirt on a rock near me and then topless, he went to the sea. Ilang lakad lang ang ginawa niya at agad nang sumisid.

Umihip ang panghapong hangin sa aking buhok. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa aking tuhod.

I met Lynea at the funeral of Ivo’s father. Medyo matagal na rin pala talaga sila ni Ali. At marami na ring nangyari sa kanila. She was offered marriage and she refused. Ali was probably heartbroken when she refused the proposal.

Hindi na ako nasorpresa nang nakita si Lynea na naghuhubad ng dress para makapag two piece at masundan si Ali sa dagat.

I kissed my knees as I watched them, like in a movie, rendezvous on the sea. With the orange sun as their backdrop and the birds flew in groups.

“Ali!” she laughed and jumped to Ali.

Yumuko ako at pinahalik na lamang ang aking noo sa aking tuhod. Tears fell like rain on the sand. Ang mga patak ay kita ko roon.

Holding on two things at once will tire you. In the end, you’ll choose to let go of everything. I won’t be surprised if that’s what I did years ago. It felt right now. I’m sure it felt right in the past, too.

Dahil diretso ang pagsak ng aking luha sa buhangin, hindi na bakas sa aking pisngi ang mgaluha. Pilit kong kinalma ang sarili ko habang iniisip ang nakaraan.

“I don’t think I need to remember everything to know what really happened…” I whispered to myself.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit niya pa ako niloko… kung bakit niya pa ako sinabihan na mag-asawa kaming dalawa kung may mahal pala siyang iba? Bakit pa siya nakealam sa buhay ko kung may sarili naman pala siyang ginagawa sa buhay niya.

“That was fun!” Lynea’s sexy voice told me that they’re near.

Huminga ako ng malalim at inayos muli ang sarili ko. Napatingin ako sa kanila at nakitang papalapit sila sa akin. Lynea was laughing at something while Ali’s looking at me intently.

Tumayo ako at nagpasyang aakyat na lamang. I’m done with my stroll here and no flashback happened. Siguro ay masyado kong naubos ang lakas ko nitong mga nakaraan. Masyadong marami iyon.

“Where are you going?” tanong ni Ali nang nakita ang pag-amba kong aalis.
“Babalik na ng mansyon,” hindi ko naiwasan ang lamig sa aking tono.

Dire diretso ang lakad ko at ‘di ko na sila nilingon. Mabilis ang takbo ko nang nakarating sa stone stairs.

Mabigat ang aking puso habang tinutungo ko ang papuntang sampayan. Kukunin ko na lang ang mga damit ko at pupunta na ako sa kwarto para makapag-ayos.

Pumunta muna ako sa kusina para pakalmahin ang sarili. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Ilang sandali akong natulala at mas lalong tumindi ang paninindigan kong kailangan ko na ngang ipagpatuloy ang naiwan kong buhay sa Maynila. Waiting for my memories to come back is useless and disappointing. It won’t change a thing now.

Narinig ko ang pagpasok ng kung sino sa kusina. Noong una, akala ko’y kasambahay kaya hindi ako gumalaw. Ngunit nang nakita kong si Ali iyon, basang basa pa at may tuwalyang nakalagay lang sa kanyang balikat ay kumilos na ako.

Binalik ko ang pitsel ng tubig sa ref at hinugasan na ang baso. Habang naghuhugas ako ng baso ay kinuha niya naman ang pitsel ng tubig at siya ang nagsalin sa sarili niyang baso.

Wala kaming imikan. Hindi na rin ako nagsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos ng paghuhugas ko ng baso ay lumabas na ako ng kitchen at dumiretso sa sampayan upang kuhanin ang mga damit kong nakasampay. I heard the door creaked open. Nilingon ko iyon habang kumukuha ng mga sinampay at nakita kong sumungaw siya sa akin galing sa loob.

Parang hinahampas ang puso ko nang nakita ko siyang nakataas ang kilay at sumisimsim sa basong may tubig. What the hell is he doing?

Pagkatapos kong kunin ang mga damit ko ay nilagpasan ko na siya sa pintuan. He gave way to me and he let me pass through the door. Mabilis akong naglakad palabas ng kusina. Nakasalubong ko pa si Lynea na basang basa rin at mukhang kadarating lang galing dagat.

“’Di ka na babalik, Ali?” she acted like she didn’t see me.

Not like she should greet me because she saw me. Whatever. Umirap ako nang nilagpasan siya at dumiretso na ako sa grand staircase para makadiretso na lamang sa aking kwarto.

I feel like a fucking maid in this old fucking classic house. My two bosses are the newly wed Antonius Lienzo and Lynea Angeles! Bumigat ang bawat hakbang ko dahil sa naiisip.

Nang nakapasok na ako sa aking kwarto ay sinarado ko na ang pintuan. Padabog kong nilapag ang mga bagong labang damit sa aking kama at tiningnan iyon. Tutupiin ko ang mga ito pero parang natutunaw ang puso ko habang pinoproseso ang lahat ng nangyayari. I can’t just unsee it. I can’t just pretend that I’m not affected… or that folding my clothes is the top priority of my brain when it’s clearly not!

I heard a knock on my door and then the door handle moved. Nilingon ko ang pintuan. Ilang sandali kong tinitigan bago iyon kumatok ulit.

“Sino ‘yan?” medyo iritado kong tanong.

Someone knocked again.

Huminga ako ng malalim at nilapitan na ang pintuan. Pinihit ko ang door handle at maliit na binuksan ang pinto. Ali’s serious face filled my eyes. The salt water is dripping on his hair and he’s barefoot.

“Bakit?” tanong ko, pilit na kinakalma ang sarili.

Ngumuso siya at hinawakan ang taas ng pintuan ko, making me unable to close it again. He opened the door wide enough so he can enter.

“Can I shower here?” he asked.
“Sira ba ang shower sa kwarto mo?”

I know I shouldn’t be rude to him. This is his house. Kung ano man ang gusto niya, siya ang masusunod. Simply the reason why I suddenly hate this house. I want something I own. I want to be the master of my own home. I want to be independent. I don’t want to feel inferior just because I depend on someone.

I can’t wait for my memories to be back before doing that.

I have to be independent… very soon. With my memories or not!

“The hot shower is broken…” he said.

Kapanipaniwala naman. Nagtaas ako ng kilay at hinayaan siyang pumasok. He closed the door behind us and locked it. Umupo ako sa aking kama at nagsimulang kumuha ng damit para tupiin.

Lumapit siya sa pintuan ng bathroom at marahang sinarado ang pintuan.

Tumigil ako sa pagtutupi ng damit at huminga ako ng malalim. Damn it! It feels too much! Pakiramdam ko ay hindi na makakayanan ng puso ko ang lahat lahat ng nararamdaman ko tuwing nariyan siya! Mabuti na lang at nasa loob na siya ng banyo! At sana pagkatapos niyang maligo ay bumalik na siya sa kwarto niya para makahinga naman ako ng maluwang!

“Can I use your-”
Napatalon ako sa sobrang gulat! Nilingon ko siya at nakitang sobrang lapit niya sa akin!

And I thought he’s inside the bathroom! He fucking saw my reaction that a playful smile played on his lips.

“Sorry… Can I use your shampoo?”
“Of course!” pagalit kong sinabi at masama siyang tiningnan.

He nodded seductively before turning back to the bathroom.

I. Hate. Ali. I hate how he affects me!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.