Waves of Memories – Kabanata 21

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 21

Kabanata 21
Pumili

“Gusto kong magtrabaho sa Maynila, Ivo. Kukuha ako ng Finance at susubukan kong magtrabaho sa mga kompanyang naroon. I mean, I can’t be forever here in Costa Leona, right?”

Nanatiling malamig ang mga mata ni Ivo sa akin habang nasa harap namin ang dagat. I told him my plans after graduating High School.

Kahit na alam kong magrereklamo na si Alejandro sa pagpapaaral sa akin, gusto ko paring magsumikap na makakuha ng degree sa kolehiyo. Alejandro just wants me to stay on our house or start a small business para makatulong ako sa bahay pagkatapos ng High School pero ayaw ko. Gusto kong magtapos ng kolehiyo. Marami akong pangarap sa buhay at ngayong magtatapos na ako, iyon ang gusto kong tuparin.

“I think Alejandro is right. You should just stay in your house and do small time business…” anito sabay palupot ng kamay sa baywang ko.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Ivo. He can’t be serious, right? Pumikit siya at hinilig ang ulo sa aking balikat. I can’t seem to get carried away.

Gagraduate na ako sa makalawa. Sa susunod na buwan ay summer na at doon ko malalaman kung ano talaga ang mangyayari sa akin sa mga susunod na buwan.

“Ivo, gusto ko pang mag-aral. I want to accomplish something greater other than my life here in Costa Leona!”
“Thraia, kung gusto mong mag Maynila, mag antay ka lang at pupunta rin tayo roon…”

Bahagya akong lumayo kay Ivo. I removed his hand on my waist just so he’d look at me in the eyes.

“Hindi lang Maynila ang gusto kong puntahan. At hindi lang iyon para ‘puntahan’ lamang. I want to work. I want to be independent…”

Ngayon, seryoso niya akong tiningnan. Binaba niya ang kamay niya.

Nang na ospital ang kanyang ama at nagkasakit ay naintindihan ko ang nararamdaman niya. Sa lahat ng tao, ako iyong mas nakakaintindi dahil syempre, naranasan ko na iyon sa sarili kong ama.

They go out of the country sometimes for his father and then come back here in Costa Leona to rest. Nagtapos na si Ivo ng pag-aaral at tumutulong siya ngayon sa negosyo nila. He stayed in Costa Leona to help his sick father and their business.

Si Ali ay hindi na muling bumalik. And it’s okay. It was my idea to calm my shaking heart. Naging kalmante ang aking puso ngunit sa pagiging kalmado nito ngayon, hindi ko na alam kung buhay pa ba ito.

“You can be independent here in Costa Leona, why do you have to go to Manila to prove that?” medyo iritado ng tanong ni Ivo.
“Ivo,” pinakalma ko ang boses ko para huminahon siya. “Syempre, I want to join the corporate world. That’s where my Mom and Dad met. Gusto kong ma experience-”
“Do you want to go to Manila for that or you have other reasons?” mariin niyang tanong.

Nanatili ang tingin ko sa kanyang mga mata. Pilit ko mang sinasantabi ang iritasyon ko sa tanong niya ay parang may pinaparating iyon.

“What other reasons are you talking about?” tanong ko.
“Tss…” He looked away.
“I just want to be independent, you know. Magtapos ng isang degree at magtrabaho ng maayos-”
“Pwede ka namang magtrabaho rito ng maayos ah? Bakit sa Maynila pa? Pwede namang dito! Dito ka naman lumaki!” giit niya.

Napakurap-kurap ako. Tila naputol ang litid ko sa sinabi niya. Tumayo ako para makalayo sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya.

“Hindi naman siguro masamang mangarap ng ganoon, Ivo! I just want to explore! I just want to-”
“Explore? What? Explore the whole world!? We can do that soon but if you ask me kung tama ba ang gusto mong iyan, na maging independent sa ganyang paraan, hindi ko alam. Iyan nga ba ang gusto mo o may iba?”

Nanginginig ang labi ko sa mga paratang niya. Hindi ko makuha kung saan siya nanggagaling sa mga sinabi niya.

“Anong iba ang sinasabi mo, ha, Ivo? I was born in Manila. Grew up there so it’s natural that I want to experience it again-”
“Hindi ba sapat sa’yo ang Costa Leona at bakit kailangan mo pang gawing komplikado ang lahat! I want you to stay here in Costa Leona until we’re both ready to escalate things-”
“What? You want me to stay right here and wait? Paano kung sabihin ko sa’yong gusto ko ring magkaroon ng sarili kong buhay?”
“May sarili kang buhay dito! H’wag mong iparamdam sa akin na tila kita kinukulong sa probinsyang ito, Thraia! Dito ka naman nabubuhay kaya dapat lang na dito mo na lang din ituon ang atensyon mo-”
“Will it hurt you so damn much if I have dreams of my own, huh? Hindi naman siguro, hindi ba? And if my dreams-”
“Your dreams require leaving here when I want you to stay here!” sigaw niya.
“Kaya nga pangarap ko, hindi ba, Ivo? Dahil akin! Kung ang pangarap mo’y manatili ako rito, pangarap mo ‘yon!”

Kitang kita ko ang pagpula ng kanyang mukha sa sobrang galit at frustration. I want to stop myself from talking but I just can’t. He pulled the trigger in me.

“Gusto mo akong ikulong dito! Kahit pangarap ay ayaw mo akong paunlakan! Gusto mo ng babaeng ibabahay mo at ikukulong sa mga palad mo! Gusto mo ng babaeng kaya mong kontrolin!”
“You’ve changed, Thraia!” umiling siya, tila disappointed.
“I didn’t! These are my dreams talking and if you can’t support my dreams then I don’t think I’m the girl you really want!” sigaw ko.
“Tama ka at hindi na ikaw iyon! Ang Thraia na alam ko’y kayang magsakripisyo sa mga gusto ko. At ang Thraia na nasa harap ko ngayon ay hindi ganoon!” tinalikuran niya ako at agad siyang umakyat sa stone stairs.

Pumikit ako ng mariin habang hinihilamos ang mga palad sa aking mukha. I know that he’s stressed with his life but it frustrates me to hear his ideas when it comes to my life. Hindi ko kayang pakinggan iyon. Hindi ko kayang tanggapin ang mga gusto niyang mangyari sa aking buhay.

Ilang sandali pa akong nanatili sa dagat. I’m exhausted. Exhausted of all the running thoughts on my mind.

Hindi na ulit kami nag-usap pang muli ni Ivo. Hindi siya bumisita sa amin gaya ng madalas niyang ginagawa. Tuwing bumibisita naman ako’y hindi niya ako hinaharap.

“Si Ivo ay nasa planta, Thraia. Kung gusto mo, antayin mo na lang siya rito…” sabi ni Mercedita nang hindi na ako nakatiis.

They’d go to Manila for weeks and we wouldn’t communicate. Minsan, iniisip ko pa kung worth it ba iyong napag-awayan namin para maging ganito siya kalamig sa akin. Pero tuwing iniisip ko ang mga pangarap ko, pakiramdam ko sobrang laki pa ng mundo. Marami pang mangyayari. At ang Costa Leona ang nagkulong sa akin dito at responsibilidad kong kumawala.

Basag ng mga plato ang gumising sa akin kinaumagahan. Buong akala ko’y nadulas lang iyon sa kamay ni Ate Ethel pero nang sinundan iyon ng sigawan at iyakan ay agaran akong napabangon.

“Ako! Ako ang maghahanap ng pang matrikula ni Thraia kung hindi mo kaya, Alejandro!” sigaw ni Ate.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba para lamang daluhan si Ate Ethel.

For months, Alejandro’s drinking habits worsened. Lalo na noong natigil ang pensyon ni Daddy dahilan kung bakit hindi na makabayad ng utang. Nagbabanta na ang bangko na kukunin ang bahay namin.

“Ate… Ate…” sabi ko sabay tingin sa kanyang mga kamay na natusok ng bubog at nagdudugo.
“Ayos lang ako, Thraia!” she nodded and smiled but she couldn’t hide her tears.
“Gising na pala ang senyorita!” gumaralgal ang boses ni Alejandro.

Pakiramdam ko ay lasing ulit siya.

“Kung gusto mong mag-aral ng kolehiyo, Thraia, magtrabaho ka!” sigaw ni Alejandro sa akin. “Hindi iyong kami ang pinapagastos mo! Pati sa utang ng tatay mo, ako ang nagbabayad pati pa sa pag-aaral mo?”

Alejandro cleared the table using his arms. Parang kulog na nagsibasagan ang mga plato namin. Kumawala si Ate Ethel sa aking harap at nilabanan si Alejandro.

“Tumigil ka na!” sigaw ni Ate Ethel pero tinulak siya ni Alejandro.
“Ate!” sigaw ko sabay kawala ng mga luha.

Sa sobrang takot ko sa pag-aaway nila’y hindi ko na alam ang gagawin. Tinuro ako ni Alejandro.

“Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Kung mabaon ako sa utang, ikaw ang pagbabayarin ko sa lahat ng ito!” sigaw ni Alejandro sabay sipa ng iilang bubog sa sahig.

That was their worst fight yet. Simula nang natutunan ni Alejandro na uminom, ay lagi na silang nag-aaway ni Ate Ethel.

Hinaplos ko ang sugat ni Ate Ethel sa kanyang kamay. The dark circles in her eyes told me that she’s not okay even when she’s smiling.

“Hindi na lang po ako mag-aaral…” nanginginig kong sinabi.
“H’wag kang magsalita ng ganyan, Thraia. Ako na ang bahala sa pang matrikula mo. Ganoon lang si Alejandro dahil namomroblema na iyon sa mga utang. Maayos din ito kaya kailangan mong mag-aral,” ani Ate Ethel.

Kung tutuusin, pabigat lang ako sa kanilang dalawa. Ang utang na binabayaran ni Alejandro ay utang pa ni Daddy sa pagkakasakit niya. Pinag-aral ako ni Alejandro kahit kaonti lang ang nakukuha sa pensyon at ngayong wala na, kailangan ko ngang pumreno sa pag-aaral pero ginigiit ko iyon.

Nagtake ako ng exam para sa Mayor’s scholarship ng Noth Western Colleges at noong nakapasa ako’y sobrang tuwa ni Ate Ethel. Ang poproblemahin na lang ay ang magiging baon ko na agad kong tinanggihan. I’m sure I can provide for that. They won’t feel that I’m going to school because of my scholarship. I promise I won’t be a burden.

Gusto kong balitaan si Alejandro noon ngunit palagi siyang wala sa bahay. Kung uuwi man ay lasing naman. At kinabukasan ay aalis ulit. I wonder why Ate Ethel is putting up with Alejandro.

Pinagmasdan ko siya habang nagsasampay ng mga nilabhang damit.

What could be the reason why he puts up with Alejandro even when he’s treating her like shit since he turned into an alcoholic. Nagkatinginan kami ni Ate Ethel. Nilapag niya ang balde sa gilid at nilapitan niya ako. Umupo siya sa aking tabi at tipid na ngumiti.

“Hindi mo ba ibabalita kay Ivo ang pagkakapasa mo sa scholarship?”

Next week na ang klase. Kahit hindi pa sumasang-ayon si Alejandro ay buo na ang loob namin ni Ate Ethel sa pag-aaral ko.

“Ibabalita ko sa kanya mamaya. Papasyal ako sa mansyon…”
Tumango siya. “Ito ata ang pinakamatagal ninyong away, ah?”

Hindi alam ni Ate Ethel ang dahilan ng pag-aaway namin ni Ivo. I don’t want her to know. She likes Ivo and i’m pretty sure that she’ll hate him if I told her about his ideas.

“Oo…”

Ilang sandali kaming natahimik. Nanatili ang titig ko sa kanya.

“Ate, bakit ka nanatili kay Alejandro kahit na lagi na lang siyang lasing ngayon at lagi ka niyang sinasaktan?”

Her eyes watered with tears at my question. Hindi siya agad sumagot. Pakiramdam ko ay kinalma niya pa ang sarili niya bago humugot ng malalim na hininga.

“Mag-aral ka. Magtapos ka. At kapag hindi siya nagbago, iiwan ko siya. Okay?”

Humugot din ako ng hininga at agad na napaluha. Niyakap ko siya. This is the closest feeling of having a mom. I am sure if it. I am sure that mothers would do this for their children.

Maligaya ako nang bumisita sa mansyon para ibalita kay Ivo ang scholarship na natamo ko. Nasa sala siya nang datnan ko at may ginagawa sa laptop. When he saw me, I saw indifference in his eyes. Pakiramdam ko ay hindi pa humuhupa ang galit niya kahit na buwan na ang nagdaan.

“Ivo, guess what?” I happily said.

Umupo ako sa tabi niya. He turned to me and then nagtaas siya ng kilay.

“Nagkaroon ako ng scholarship sa North Western! Business Administration!” malaki ang ngiti ko nang sinabi ko iyon kay Ivo.

Nanatili ang kanyang titig. I wished he was joking with that indifferent look on his face ngunit nang bumaling siya sa kanyang laptop ay napawi ang ngiti ko. He’s serious.

“I told you to stop it, Thraia. Pinagpatuloy mo parin. And you expect me to be happy…” he said coldly.

Hindi ako nakapagsalita. I’m hurt and disappointed. Higit sa lahat, hindi ako makapaniwala na talagang ‘di nagbabago ang pananaw niya sa desisyon ko.

“I’m happy so I expect you to be happy. Can’t you support me with what I want?” tanong ko.
“I told you what will make me happy, Thraia…” mahinahon niyang sinabi.

To my disappointment, tumayo ako at iniwan siya roon sa mansyon. Nagpupuyos ang galit at frustration ko para sa kanya pero imbes na iyon ang pagtuonan ko ng pansin, mas gusto ko na lang na ayusin ang pag-aaral para kay Ate Ethel at para sa sarili ko.

If he can’t support me with what I want just like that, then it’s fine. Ako naman ang gagawa noon at magsisikap naman ako.

I maintained my scholarship for two years. Ivo remained indifferent. We aren’t communicationg much and I only go to the mansyon when there’s a special occassion.

Bumunot bunot ako ng mga damo sa soccerfield ng North Western. Kakatapos ko lang gumawa ng assignment para sa last subject ko mamaya. Mag-isa lang ako rito habang nakaupo damuhan. Tahaw ko kung paano sumayaw ang mga damo dahil sa ihip ng hangin.

I checked my phone again to see if there’s a greeting from Ivo but there’s none. It’s my birthday today. Alam kong hindi dapat ako nag eexpect ng kahit ano pero iniisip kong kahit greeting man lang ay magagawa niya pero wala. He’s in Manila since last week. Naospital kasi roon ang Papa niya. Siguro ay abala iyon sa pag-aalaga kay Senyor kaya ganoon.

“Thraia…” a classmate came to me.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Narinig mo na ba ang balita? Wala na raw si Senyor…”

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ng aking kaklase. Napatayo ako roon.

“Sinong nagsabi?”
“Iyong pamangkin ni Aling Mercedita. Tumawag daw si Senyora. Wala na si Senyor Antonius…”

It took me a while to process everything. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Nagtipa agad ako sa cellphone.

Ako:
Ivo, I’m sorry.

Iyon na lamang ang naitipa ko. I don’t know how to make him feel okay right now. I don’t know how I can be of helped lalo na ngayong malayo siya sa akin. I’m just sure he’s not fine.

Mabilis ang mga pangyayari. Dinala si Senyor dito dahil ayon sa gusto nito’y dito dapat siya sa Costa Leona ililibing. Usap-usapan na rin sa buong baryo ang pagbisita ng mga Mercadejas. Everyone mourned for the death of the dear Senyor.

Sa burol ay naroon ako. Kararating lang ni Ivo galing sa Maynila. Agad ko siyang pinuntahan. The Mercadejas boys lined up in front of us. Sa gitna ay ang kabaong ng kanilang lolo.

“Ivo, I’m sorry…” I called Ivo just to get his attention.

Sumulyap siya sa akin. He looked so torn that it breaks my heart. Sa gilid niya ay si Senyora na umiiyak habang nagsasalita ang pari.

I straightened up and let my eyes be filled with what really is happening right now ngunit hindi ko maiwasan ang pagsulyap sa nakahilerang mga lalaki sa harap.

Nakatayo si Ali ng tuwid habang binabasbasan ng pari ang kabaong. A girl was standing on his side.

Kumurap kurap ako at tumingin muli sa kabaog para ipagdasal ang namayapang Senyor. When everything was done, nagpahayag ng panghihinayang ang mga bisita. Inalu nila si Senyora at si Ivo naman ay umalis sa lupon ng kanyang pamilya.

Sinundan ko siya para makamusta ko man lang siya. I know that the past years isn’t good to us but I want him to know that I’m still here. He can still tell me how he feels. I’m still his friend. I’m still the same Thraia.

“Ivo…” I called when his car alarm beeped.

Nilingon niya ako at tumigil siya sa paglalakad. Binuksan niya ang pintuan ng front seat para makapasok ako. Pumasok ako at tahimik na umupo roon.

Tahimik kami buong byahe. Bumalik lamang siya sa mansyon. Nang nakarating ay dire diretso agad ang lakad niya papasok ng sala at paakyat ng grand staircase.

I want to call him but I think he’s still preoccupied of everything. Sinundan ko na lamang siya. Nang pumasok siya sa kanyang kwarto ay sumunod na rin ako. Hindi niya sinarado ang pintuan.

“Ivo, condolence. Nalulungkot ako sa pagkamatay ni Senyor…” sunod-sunod kong alo nang nakita kong umupo siya sa kama at malungkot parin.

He nodded.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. His expressive eyes told me that he’s devastated with everything. My heart is breaking for him.

Hinila niya ako pabagsak sa kanyang kama at biglang kinulong ang aking pisngi gamit ang kanyang mga palad. Siniil niya ako ng mariing halik, enveloping each corner of my mouth with his wet kisses.

Namilog ang mga mata ko sa bigla niyang ginawa. I pushed his chest away. My heart is beating so fast and it’s an ugly feeling.

“Ivo!” I pushed him.

Tumigil siya. He licked his lips and then he looked away. Lumunok siya at pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok.

“Wala akong panahon sa’yo ngayon, Thraia. Gusto ko lang tumulong sa pag-aayos sa kompanyang iniwan ni Papa. Kaya mas mabuting maging magkaibigan na lang muna tayo…” he said.

Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya’y ikinagulat ko naman ang sinabi. Pumikit siya ng mariin at tumingala. Tears rolled down his cheeks. At first, I felt distant to him. Lalo na sa biglaan niyang paghalik sa akin pero kalaunan ay naramdaman ko ang sakit at pighati galing sa kanya.

It hurt him. It hurt him so much that his life is haywired.

“I have always been your friend, Ivo…” I assured him.

Dumilat siya at tumingin sa akin. Pagod akong ngumiti.

And then I realized… how dear he is to me. That I can’t afford to hurt him because he’s my dear friend. Like a brother. Like a little brother who’s always hurt… who needs attention… who needs me.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Niyakap ko siya pabalik.

For a long time, we stayed hugging each other. He silently cried and I let him. Hanggang sa unti-unting bumigay ang kanyang katawan at unti-unti siyang hinila ng antok. Hinayaan ko siyang matulog sa balikat ko. Binaba ko siya sa kama nang nangawit na ako at inayos siya roon.

Ilang sandali ang lumipas ay lumabas na ako ng kwarto para hayaan siyang magpahinga ng maayos. Pagkalabas ko ay narinig ko ang iilang mga boses sa bulwagan. Bumaba ako sa grand staircase at nakita ang buong pamilya ng mga Mercadejas, including Ali and the girl beside him now. Tiningala nila ang pagbaba ko.

“Kumusta si Ivo, hija?” Senyora Domitilla asked.
Yumuko ako bago nagsalita. “Nagpapahinga na po…”

Nang nag-angat ako ng tingin ay nagtama ang tingin namin ni Ali. His piercing eyes remained the same after four years. Nakahalukipkip siya’t nakatayo sa likod ng sofa na inuupuan ni Senyora. The girl beside him caressed his arm and put her face on his shoulder.

“Maraming salamat sa pag alu sa kanya, hija,” si Senyora Domitilla. “Sobra siyang nasaktan sa pagkawala ng kanyang ama…”
Tumango ako. “Walang anuman.”
“Bukas ay aalis kami para makapag-aral siya gaya ng gusto ng kanyang ama. Nasabi na ba niya sa’yo?” tanong ni Senyora sa akin.

Umiling ako. Not moved by whatever Ivo is planning to do. I just want to support him. I’m not anymore asking for any attention, unlike our relationship years ago. We both grew up. And for the both of us, growing up means growing apart. He knows that. I know that. We both know that. Ang mga tao sa paligid lang ang hindi alam.

“Hindi pa po pero kung ano man ang gusto niyang mangyari, I’m only going to support him,” mataman kong sinabi.
“Mag meryenda muna tayo bago ka umuwi sa inyo…” si Senyora.

Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na nagawa. Nahihiya akong tanggihan si Senyora sa harap ng mga anak at mga apo niya.

Sa mahabang lamesa nila ay umupo ako sa gilid ni Senyora. Ali is sitting in front of me while the girl is beside him. Sa gilid ko ay si Zamiel. Si Kajik at ang kanilang mga magulang ay naroon din.

Nanatili ang mga mata ko sa pinggan habang nagsasalita si Senyora. Ali’s eyes were all on me. I don’t need to look at him to know that. I was sure this is how it feels everytime he’s staring. Hindi iyon nagbago. At hindi ko alam bakit.

“Masters ang gusto ni Antonius para sa kay Ivo kaya tutuparin iyon ni Ivo. Sana ay ayos lang iyon sa inyong dalawa gayong magkakalayo kayo ng husto…” pagpapatuloy ni Senyora.
“Ayos lang po sa amin iyon. Matagal ko nang kaibigan si Ivo at wala akong ginawa kundi suportahan siya sa lahat ng ginagawa niya…” sambit ko.

Natahimik si Senyora sa sinabi ko. Tumikhim ang aking tabi at nanatili na lamang ang mga mata ko sa aking pagkain.

“How are you, by the way, Thraia? I heard you went to college…” Kajik asked.
Tumango ako. “Yes. Business Ad sa North Western…”

Nag-angat ako ng tingin kay Kajik. Kitang kita ko ang paghatid ng kanyang mga mata kay Ali.

“Finance, I bet?” tanong ni Zamiel.
“Oo…”
“That’s great!” si Zamiel. “Pareho pala kayo nitong girlfriend ni Ali na si Lynea. She’s also a graduate of Finance…”

Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ni Ali. The girl smiled. Her eye make up was on point. Hindi ko mapigilan ang pag agos ng inggit sa aking sistema. So… She’s Ali’s girlfriend, huh?

Sumulyap ako kay Ali. Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes were still serious and very, very dangerous. Pakiramdam ko ay mapapaso ako kung mananatili akong nakatingin kaya bumagsak muli ang mga mata ko sa aking pagkain.

Parang tambol ang puso ko sa pagkabog kahit na nag-iwas na ako ng tingin kay Ali. Hindi ako halos makahinga ng husto. Damn it… It’s been a while since I felt that! The last time was almost five years ago!

Hindi kapani paniwalang hanggang ngayon… ganoon parin.

Gusto kong mag-angat ulit ng tingin kay Ali pero alam kong nagdesisyon na ako noon. At ano man ang mangyari, papanindigan ko iyon.

“Sukat sa mga naaaalala mo, hindi na mahirap sundan kung ano ang mga sumunod na nangyari, hindi ba?”

Sinarado ko ang gripo ng hose na dala para lingunin si Mercedita sa likod. Nakatingin siya sa mga halaman. Nilingon kong muli ang mga gumamela na dinidiligan ko kanina.

They’ve known that some of my memories went back dahil sa doktor. Ang pang-umagang araw ay sumisikat ngunit natatabunan ng ulap.

“Nagtapos po ako ng pag-aaral at nagtrabaho sa Maynila…” sambit ko sa mayordoma.
She nodded. “Hindi maganda ang relasyon ni Ivo at Ali. Kung mananatili ito, babagsak ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan ni Antonius. Kung mananatili kang ganito at magdedesisyon si Ali na hintayin ka, baka hindi na makabangon ang kanilang kompanya, Thraia.”

Tumango ako.

“Kailangan mong pumili,” wika nito.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.