Waves of Memories – Kabanata 20

November 19, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 20

Kabanata 20
Last

Kahit na nag-aalinlangan akong bumalik sa mansyon, ayaw kong ipakita kay Ali na natinag ako sa mga sinabi niya.

He was even very prepared that he has a pocket wifi. Para bang alam niyang pagbibigyan niya talaga ako noon para lang mapigilan ako sa pagbalik sa kanilang mansyon! Pwes, kung iyon ang iniisip niya, nagkakamali siya!

Araw-araw akong bumalik sa mansyon. Wala akong pakealam kung magkita man ulit kami at makita ko man ulit silang may kasamang mga babae. Besides, sila naman ang namemeste sa sarili nilang pamamahay kaya hindi ko na dapat iyon pinapakealaman.

Umihim ang mabining hangin habang nasa ilalim ako ng swing. Nakatulala lamang ako roon habang tinitingnan ang bermudang sumasabay sa bawat pag-ihip.

Ang sinabi ni Ivo ay hindi na muna siya makakatawag dahil abala siya. I’m just there to kill my time…

The boys were inside with the girls. Ano pa nga ba ang bago?

Noong nagkasagutan kami ni Ali, bumalik agad ako rito sa sumunod na araw at wala siya sa kabalyerisa. He’s probably just inside their house hanggang sa dumating si Zamiel kasama ang mga babae.

Simula noon, ganoon ang eksena araw-araw. I couldn’t help but wonder why I damn care when I shouldn’t?

Nilingon ko ang asul na karagatan at nilanghap ang maalat na simoy ng hangin. Tumayo ako at nagpasyang bumaba sa dalampasigan. It’s not everyday that I get too close to the shores. Palaging tanaw ko lang iyon, pero hindi talagang napupuntahan palagi.

Umikot ako. Nang dumako ako sa bulwagan ay wala naman akong nakitang kung sino. Maybe they’re in their own rooms. Nagtiim-bagang ako habang iniisip iyon pero agad ding isinantabi. May mga bagay na hindi nadadaan sa frustration.

Bumaba ako sa stone stairs hanggang sa nakaapak na sa buhangin. Unang mga metro galing sa hagdanan ay lilim pa ng batuhan. Kapag lumagpas ay masisinagan na ng matinding araw.

Pinili kong hubarin ang tsinelas ko habang unti-unting umuupo sa buhangin. The sound of waves meeting the shore filled my ears ngunit agad ding nahaluan ng hagikhik at tawanan.

Curiousity got me. Tumayo muli ako at unti-unting naglakad patungo sa konting liko ng rock formation. And there on the little cave, I saw…

Sa isang may kalakihang korales, nakaupo ang nakatalikod na babae. Suot niya’y kulay puting bikini, basa ang buhok at ang atensyon ay buo sa lalaking nasa harap niya.

Nakahilig si Ali sa babae. Ang dalawang kamay ay nasa korales bilang suporta at umaambang lalapit pa ang mukha niya sa babae. The girl giggled again.

Namilog ang mga mata ko habang tinitingnan iyon. Lalo na nang pinasadahan ng babae ang katawan ni Ali. Ali got distracted that he looked at her fingers tracing all the lines of his chest!

Tumigil ang kamay ng babae sa v-line ni Ali. I don’t know what her hand is doing somewhere there dahil hindi ko na kita. Nanlamig na lamang ako habang tinatanaw ang unti-unting paglapit ng mukha ni Ali sa babae. Iiwas ko na sana ang tingin ko at aakyat na sana ulit ako nang biglang nag-angat si Ali ng tingin sa akin.

My heart is beating so fast and loud. Para rin itong sinasaksak sa sobrang sakit pero pilit akong nanatiling kalmado habang tinatalikuran sila.

Hindi ko alam kung bakit sa sobrang inis ko’y agarang namuo ang aking mga luha. I was so pissed and frustrated… Alam kong wala akong magawa kaya iyong luha ko na lang ang tumutulo para sa akin and it was ridiculous.

Mabilis kong tinakbo paakyat ng stone stairs habang tumutulo ng walang pakundangan ang aking mga luha. I hate myself for feeling this way. I hate how I can actually handle it when I think about it but couldn’t when I see it!

Bago ko pa man maapakan ang huling baitang paakyat ay may humila na sa akin. My eyes were blurry of the tears but I know it’s him!

Ano na naman ba ngayon? Magtatalo na naman ba kaming dalawa?

Halos sumalampak ako sa dingding ng mansyon. Sa likod ko ay ang malamig na dingding na agad niya namang hinampas para lang mapigilan ako sa pag-alis.

“You can’t just stay in one place, huh?” mariin niyang sinabi.

Mabilis kong pinalis ang mga luhang bumuhos sa aking pisngi para matitigan siya. To my surprise, walang galit sa kanyang mga mata. All I can see is his serious piercing eyes and his guarded expression.

“Bakit? Hindi na ba pwedeng bumaba ngayon sa dalampasigan-”
“Iyan ang napapala mo sa pagpupunta punta mo roon!”

Hinampas ko ang dibdib niya. Sumulyap siya sa kamay ko at natigil sa sinasabi.

“Malay ko ba na naroon kayo?! Kung alam ko lang na naroon kayo ay ‘di na ako tumuloy, ‘di ba? Kaya nga ako umalis, ‘di ba? Hindi ko naman sinabi na sundan mo ako rito! E ‘di sana pinagpatuloy mo na lang iyon!”

Tinulak niya ang dingding. Then he let his forearm lean on the wall, his face and body now closer to me.

“Sinong ‘di susunod kung umiiyak ka, huh?” he said softly.

Pinagdiin ko ang aking mga ngipin para lang mapigilan ang sariling magsalita. My eyes drifted to the bermuda. I can feel his breath on my face. He’s that close to me.

“Bakit ka umiiyak, Thraia?” he asked gently. “May I know?”

Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko. For the past few weeks, and with only few encounters, how can I feel this way? Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga maintindihan.

“Ali…” The girl, Sophia, was already on the stone stairs.

Paakyat na rin siya. Siguro’y nagulat na iniwan siya ni Ali roon.

Hindi natinag si Ali sa tawag sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa akin.

“Sino ‘yan? Girlfriend ni Ivo?”

Bumaba ang kamay ni Ali sa dingding at ngayon ay hinarap si Sophia.

“Hindi.”

Dahil naituon niya na ang pansin sa kay Sophia ay aalis na sana ako. Kaya lang ay naunahan niya ako. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at hinila paikot sa mansyon at papasok sa bulwagan.

Sa sala ay naroon sina Zamiel at Kajik kasama ang dalawa pang babae. Kumakain sila ng meryenda nang pumasok kami. Agad akong nag-iwas ng tingin. Gusto kong kumawala at umalis na lamang roon.

“Oh…” Zamiel didn’t continue what he’s about to say.

Umupo si Sophia sa tabi ng isa pang kaibigan nilang babae at pinagmasdang mabuti si Ali.

“Uuwi na ako…” sabi ko at nag-angat ng tingin kay Ali.

Mabilisan niyang sinuot ang kanyang t-shirt at busangot ang mukhang sumulyap sa akin. May kinuha siyang grupo ng mga susi pagkatapos ay walang imik na sinenyas sa akin ang labas.

“Saan ka, Ali?” tanong ni Kajik.

Hindi sumagot si Ali. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad paalis ng mansyon. I awkwardly looked at the two Mercadejas boys. Kajik looked at me with a curious expression while Zamiel was smirking. Nang nilingon ko ang mga babaeng kasama nila, kita ko na ang iritasyon sa kanilang mga mukha.

“Excuse me…” sambit ko at agad silang tinalikuran para makaalis na roon.

Nang nakalabas na ako ay nakita ko si Ali na nakahawak sa pintuan ng front seat ng isang sasakyan. Busangot ang kanyang mukha. Tila ba hindi ko siya pwedeng suwayin sa gusto niyang mangyari.

“Maglalakad na lang ako. Malapit lang ang amin.”
“Mag-uusap tayong dalawa…” aniya.
“Wala tayong dapat na pag-usapan…”
“Bakit ka umiiyak kanina, kung ganoon?”

Nagtama ang tingin naming dalawa. Matalim ang iginawad kong titig.

“If you’re not scared of my questions, you won’t hesitate to get in my car…” hamon iyon.

Nanginginig ang tuhod ko habang pumapasok sa kanyang sasakyan. It’s like some trap. I am sure it is but I still got in to prove to him… and to myself… that this is nothing!

Sinarado niya ang pintuan at umikot siya at pumasok sa driver’s seat. Pinaandar niya ang sasakyan. Nang nakita iyon ng sekyu ay agad namang pinagbuksan ang gate. Swiftly, he navigated the car from their driveway to the highway. Nilagpasan niya ang bahay namin. Nilingon ko ay papaunting bahay namin.

“Uuwi na ako…” sabi ko.
“Iuuwi rin kita. I just want to drive…” aniya habang seryosong nakatitig sa kalsada.

Inayos ko ang sarili ko at tumitig na lang din sa harap namin. He was silent the whole time. He didn’t even turn the stereo on.

I was silent, too. Kahit noong dumaan na kami sa North Western Colleges at sa high school nito, ang paaralan ko.

Sumulyap sulyap siya roon habang nagmamaneho. He turned the car and parked it just near our school. Nilingon niya ako. Kumalabog agad ang aking puso.

Tinitigan niya ako. Nanatili naman ang mga mata ko sa harap. Hindi ko ata kayang nagkakatinginan kaming dalawa.

“Bakit ka umiyak?” tanong niya.

Umirap ako at nanatili ang tingin sa harap.

“Hindi ako umiyak…” I denied.

Hindi siya sumagot. Nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa unti-unting namuo ulit ang aking luha.

My heart is a traitor. At ikinahihiya ko iyon. Ikinahihiya ko na kahit anong tanggi ko’y alam ko sa sarili ko na may nararamdaman nga ako para sa lalaking ito! He is not my type and he probably will never be! I should be in love with Ivo but all the feelings I felt for Ali made me realize how shallow my feelings were for Ivo at naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko iyon matanggap! Hindi iyon posible!

Tumulo ang luha ko at agad ko sanang papalisin kung ‘di lang hinawakan ni Ali ang kamay ko para lang mapigilan ako sa gagawin.

“Ano ba?” iritado kong sinabi nang pilit na kumawala ang mga kamay ko sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. Inipit niya ang isa kong kamay para hindi ko iyon madala sa aking pisngi.
“Ano ‘yan?” seryoso niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa labas habang ang kamay ko’y nakapako sa kanya. Huminga ako ng malalim. Kinagat ko ang labi ko at pilit na nanatili ang mga mata ko sa labas.

Slowly, he grazed my palms with his fingers. Pinagkasya niya ang kanyang mga daliri sa gitna ng aking mga daliri. Napatingin ako sa magkasalikop naming mga kamay ngayon. Anong ginagawa niya?

“Bumalik na tayo…” sabi ko.

The overwhelming feeling became my master. I just want to push him back to where he should be just so I can save myself. Ayokong matuluyan. Kahit na alam kong wala na akong pag-asa. Ayaw ko parin…

“Nag-aantay mga bisita mo sa’yo. Uuwi na ako. Gusto kong magpahinga…” sabi ko.
“I like it here better, though…” he said.

Matalim ko ulit siyang tinitigan. Kitang kita ko ang paghahamon sa kanyang mga mata. Hindi ko matanggap na ultimo sagot niya sa subok ko’y tumutulak ngang talaga sa akin.

“Shut up, Ali…” iritado kong pigil.
“The visitors can wait, Thraia…” he said.
Tinapunan ko siya muli ng tingin. I don’t know why there’s a ghost of a smile on his expression. “Don’t make them wait, then…”

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at mas lalo kong nakita ang ngiti.

“Okay…” aniya na mas lalong nagpairita sa akin.

Binitiwan niya ang kamay ko at pinaandar niya muli ang sasakyan. Nagdrive siya pabalik sa mga dinaanan namin. Naninikip ang dibdib ko habang unti-unti kaming palapit sa bahay at sa mansyon.

Meters away, he didn’t slow down. Nilingon ko siya at nakita kong kunot-noo siyang nagmamaneho at dire diretso ang tingin niya.

“Nandito na tayo…” baka sakaling nakalimutan niya pero hindi siya nakinig.

Nilagpasan niya ang bahay namin at ang mansyon. Nagmaneho siya hanggang sa karatig probinsya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta’y nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho.

We were silent the whole time. Umikot lamang siya nang papalubog na ang araw. Kita namin iyon sa kanang bahagi habang pabalik kami ng Costa Leona. Binusog ko ang aking mga mata sa pagtingin sa papalubog na araw. He stayed silent until he slowed down. Bumaba na ang liwanag at umilaw na ang mga poste malapit sa aming bahay.

He parked the car near our gate and then he unlocked my seatbelts. I feel better now, for some reason. Nilingon ko siya. Medyo kalmado na rin siya ngayon.

“Paniguradong nakauwi na ang mga bisita…” he said.

Ayaw ko mang guminhawa, hindi ko parin napigilan. God, this is so wrong!

“Uwi na ako…” sambit ko sabay bukas ng pintuan.

Mabilis akong pumasok sa aming gate. The tinted windows of the car didn’t reveal Ali inside. Dahan-dahan kong sinarado ang gate para makita itong umalis ngunit hindi nito ginawa. Tuluyan ko na lang na sinrado ay nanatili ang sasakyan sa aming harap.

Mabilis akong tumakbo sa aming pintuan at pumasok na. Even when I’m inside, it didn’t move. Tinakbo ko ang hagdanan paakyat ng kwarto at pagkatapos ay dinungaw iyon sa bintana, ‘tsaka ko pa lang iyon nakitang umandar at umalis.

Parang tambol ang puso ko sa kaka hampas nito. Bumagsak agad ako sa kama at tiningala ang kisame.

What the hell am I doing? Why does it feel this way?

Hindi ko iyon maintindihan at ayaw kong tanggapin.

“How are you feeling?” like a snap, his voice stopped the fall of my thoughts.

Nang tumama ang mga mata ko kay Ali, agad akong nakaramdam ng guilt. Guilt for everything. For hurting him, for hurting Ivo, and for hurting everyone around us.

If I chose him and left Ivo, ayaw ko nang tanggapin ang maaaring naramdaman ni Ivo noon. The hate from Senyora Domitilla is understandable, then. The hate from everyone is understandable. I won’t blame them. I can’t. It was all my fault.

If I chose Ivo and left Ali, paniguradong nasaktan ko ito ng husto… pati ang sarili ko. But that would be mean lesser damages. It will hurt both of us but not the people around us…

Alin man ang piliin ko, parehong masakit. Parehong hindi dapat. If I were Thraia years ago, I wouldn’t choose anyone. It is not only fair, it is also a form of punishment to myself. I don’t have any right to be indecisive…

“I’m feeling fine…” I awkwardly said.
He nodded and then handed me a box.

Like a deja vu, an image of a box flashed on my mind. Iba nga lang iyong ngayon.

“I’ll be gone for a couple of hours. Pupunta ako ng planta. Ayaw kitang dalhin doon dahil gusto kong magpahinga ka. Sana h’wag nang mangyari ulit ang nangyari kahapon…”

Tinanggap ko ang box at nakita na isa iyong cellphone. Tumango na lamang ako.

“If you want to go somewhere, text me. If you need anything, too. My number is already registered inside,” kalmado niyang sinabi.

Sumang-ayon ako sa gusto niyang mangyari. Besides, what happened yesterday was tiring. Maaring hindi muna ako gagala sa Costa Leona sa takot kong ganoon muli ang mangyari.

Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na siya. Ilang sandali rin akong natulala sa aking kwarto bago ako nagpasya.

I can’t stay here like a princess waiting for Ali to come back. Kinuha na nga ng mga kasambahay ang damit ko para malabhan, nananatili pa ako rito sa kwarto na parang prinsesa na walang gawain.

Bumaba ako sa grand staircase. I won’t be of help in the kitchen but I sure can wash the dishes, clean some rooms, or even water the plants.

Dumiretso ako sa kusina para sana mahanap si Mercedita o ang iba pang kasambahay ngunit natigil ako nang narinig ang mumunting pag-uusap ni Senyora Domitilla at ni Lynea roon.

“I can’t help but blame you a little, Lynea. If you’ve only agreed to Ali, sana ay hindi na nangyari pa ito,” si Senyora Domitilla.
“I know, Senyora. I’m really sorry about that. That was a foolish move of me…” she said.
“If you only agreed to Ali’s marriage proposal, you two should be married by now. At hindi na lilingon pa ang apo ko sa babaeng ito. You broke Ali’s heart that he couldn’t trust you to hold it again…”

Alam kong bugbog sarado na ang puso ko sa lahat ng mga nalaman at sa lahat ng hindi alam. Pero tingin ko, sa lahat, ito na yata ang pinakamasakit.

“I’m starting to think that he’s punishing me, Senyora. He is showing me how much attention he can give for that girl. Pinagsisisi niya akong mabuti na tinaggihan ko siya noon ngayon. I think he wants me to realize something…” she sounded so wounded.
“Oh, Lynea. I don’t know what’s gotten into you. Why did you reject his proposal? You two were perfect!” Senyora Domitilla asked.

Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. He fell for someone else. He asked someone else’s hand for marriage pagkatapos ng lahat ng iyon sa alaala ko. At bumalik siya sa akin para?

I am amazed that my heart is still working. It can still pump blood now that everything is killing me.

“I’m not ready for something serious, Senyora. This is his revenge for me. Gusto niya lamang akong saktan ngayon para maramdaman ko kung anong naramdaman niya,” Lynea’s voice is shaking.
“H’wag kang mag-alala, hija. Maybe when that girl remembers, he’ll come back to you. This time, please don’t reject his marriage proposal anymore…”
“I will never do that again, Senyora…”

Umatras ako at parang lumulutang na naglakad palabas ng mansyon. Nang umapak na ako sa bermuda ay mas lalo ko lang naramdaman ang lahat lahat.

So… I didn’t choose Ali. I chose Ivo. And Ali fell in love with someone else.

At ngayon, narito ako, nanggugulo sa buhay nila. Kung tutuusin ay dapat wala na silang responsibilidad sa akin, e. Or are they all doing it for Ivo? Did Ivo tell them to take care of me? Kung ganoon, isn’t it time that I should be going to Ivo instead?

“Naku, Ma’am… anong ginagawa mo rito…” isang hardinero ang nalingunan ko.

May hawak siyang hose at nagdidilig ng halaman. Nanginginig ang gilid ng aking labi nang ngumiti ako. Humor wasn’t in his face, though. Alam yata ng lahat ng narito kung sino ako at ano ang dinala ko sa pamilyang ito.

“Pu-pwede po bang ako na lamang ang magdilig. W-Wala po kasi akong ibang ginagawa at naiinip na ako…” sambit ko sa hardinero.

Kitang-kita ko ang pagdadalawang isip niyang ibigay sa akin ang hose ngunit sa huli ay ibinigay niya rin iyon. Binaba ko ang mga halamang naroon gamit iyon. Ang hardinero ay lumayo para makapag gupit ng ilan pang halaman. Hindi niya na ako kinausap pang muli.

Tears rolled down my cheeks when I realized how stupid I was years ago. Paano ko iyon mababago? Paano ko maitatama lahat ng pagkakamali ko?

Habang nakatitig ako sa halamang gumamela sa aking harapan ay parang bumilis ang pag-ihip ng hangin. The supposedly high sun dived and the sky shined in an afternoon glow.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko kay Ivo at sunod niyon ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

They came back earlier than expected because his Dad, Antonius Mercadejas, got sick. Tanaw ko si Ali, Zamiel, at Kajik sa aking harapan habang niyayakap ako ni Ivo.

Ali’s indifferent face told me that he’s not moved by whatever’s in between me and Ivo.

“Ivo, pumasok muna tayo sa loob. Kakausapin ka ni Lola…” si Zamiel.

Bumitiw si Ivo sa pagkakayakap sa akin pagkatapos ay binalingan ang tatlo. Lumapit si Ali sa akin at natanaw ko ang galit sa mga mata ni Ivo nang tingnan niya ito.

“Ako na ang maghahatid kay Thraia sa kanila…” ani Ali.

The hatred in Ivo’s eyes is very evident. Hinawakan ni Ivo ang aking kamay at hinila niya ako patungo sa kanyang likod.

“Ako na…” anito.
“Ivo,” tumawa si Kajik. “Sige na. Hayaan mo na si Ali. Hindi ba mas importanteng-”
“Susunod din ako!” giit ni Ivo.
“Ivo…” I said calmly. “Just go and talk to your mom. I can walk alone. Malapit lang naman ang amin…”

Sa sinabi ko ay ‘tsaka pa lamang kumalma si Ivo. He caressed my face before he turned para pumunta sa kanilang mansyon. Akala ko’y susunod si Ali sa kanya pero nagkamali ako. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko.

Nanatili rin akong nakatayo. My heart is pounding because right now I’m very sure about my decision.

Na kahit na anong mangyari, at kahit ilang beses ko mang maramdaman kay Ali ang nararamdaman ko para sa kanya, pipiliin ko parin si Ivo. Ivo needs me. I can’t bear see him hurt. Not in times like these. Not ever.

“Summer is ending… are you coming back next summer, Ali?” I asked coldly.

He didn’t reply. Nanatili siyang nakatayo, tanaw ako. I can’t look at him. Not when what I’m about to say will hurt me. So much.

“Sana ay h’wag ka nang bumalik rito sa Costa Leona.”

Dahil nahihirapan ako. Dahil sa bawat balik mo, mas lalo akong nahuhulog. At alam kong hindi tama iyon. Hindi dapat iyon.

Napaawang ang labi ni Ali sa sinabi ko. But after a few moments, his lips were in a thin line like it took effort for him to shut up.

“Okay. Ihahatid lang kita sa inyo. Para makauwi ka na…” he said calmly.

Tumango ako at hinayaan siyang gawin iyon. For the last time.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.