Waves of Memories – Kabanata 19

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 19

Kabanata 19
Hate

The doctor asked me several questions. I answered it with what I know kahit na halos wala na ako sa sarili. Memories rushed in my head like waterfalls. Hindi ko maproseso lahat ng pinag-usapan nila at nakaramdam na lamang ako ng matinding sakit ng ulo.

Nagpaalam ang doktor at ang mga kasama niya. Nakapagpasalamat ako pagkatapos. Si Ali ang naghatid sa doktor palabas. Si Lynea ay ilang sandaling nanatiling nakatayo roon bago sumunod kay Ali. Senyora Domitilla smirked before she left the room.

Huling umalis ay iyong kasambahay na nagligpit. She closed the door and then I was left all alone. Ang mga mata ko ay dumako sa sahig at sa pagkakatulala habang masakit ang ulo’y bumalik sa akin ang daan-daang alaalang matagal kong hinintay.

I went to the mansion morning after the party. Nagliligpit pa lamang ang mga kasambahay. Ikinagulat ko iyon, syempre. That will mean that the party ended very late. Kung ganitong alas otso’y ‘tsaka pa lang nagliligpit, malamang tulog parin ang mga panauhin at lalo na ang host.

“Si Ivo ba ang hinahanap mo? O si Ali?” The morning guard asked.

Umiling lamang ako. Not sure why I did it.

“G-Gising na ba si Ivo?” tanong ko.
He sighed. “Tulog pa ang mga Mercadejas. Baka si Senyora, gising na…”

Nanatili ang tingin ng sekyu sa akin. Nag-iwas naman agad ako ‘tsaka tumango. Well, then… I should just go back to our house. It’s too early anyway.

“Sina Ali umalis na pa Maynila kaninang mga alas sais…” biglang sinabi ng sekyu bago ako makaalis.

Tumango lamang ako at nagpatuloy palabas na parang wala lang ang lahat.

From that moment, I promised myself that I won’t lose my way anymore. I am for Ivo and I always will be. Whatever happened last summer should be forgotten. Whatever that is, it’s all fleeting and it’s okay.

“Congratulations!” bati ko kay Ivo nang muli siyang naging top sa kanilang klase.

He smiled then tilted his head as he looked at me. Ipinakita ko ang regalo ko para sa kanya. Gumawa ako ng scrapbook na may lamang pictures naming dalawa. Mayroon din akong nilagay na mga letters roon at kung anu-ano pa.

“And happy birthday!” I said.

He held out his arms just enough for me to fit. I hugged him. He hugged me tighter. Uminit ang pisngi ko habang ganoon ang ayos namin.

Loving Ivo feels like being carressed by the summer wind. Warm and comfortable. Like nothing could go wrong.

“Hindi ba ‘yan inirereto si Ivo sa ibang babae?” nag-angat ng kilay ang isa sa mga atribida kong kaklase nang kakaupo ko lang sa aking desk.

Hinatid ako ni Ivo sa araw na iyon sa aming klase. He’s on his third year college while I’m on Grade 10. For some, he’s too old for me. Pero ang iba’y hanga sa akin na kaya kong makisalamuha sa lalaking ganoon. They think I’m mature when the truth is, Ivo’s just very patient with my childish attitude.

“Balita ko, ha… na mahilig daw mang reto si Senyor. Nireto din yata ‘yan sila ni Senyora Domitilla, e…” sabi noong isang kaklase ko.

Sinipat ko na lang ang dalawa. This is the main reason why I don’t really like girls my age. Bukod sa masyado silang mga pakealamera at tsismosa, naninira pa sila ng mood. Boys were better but everytime I get close to one, they’d always step back. Iniisip siguro na baka papatayin sila ni Ivo kapag nalamang close sa akin.

“Paniguradong reto rin ang gagawin kay Ivo… At syempre, kanino irereto? Sa mga mayaman, ‘di ba? Paano ka, Thraia?” It sounds like she’s mocking me but her face looked concerned.

Ayaw kong aminin iyon sa harap ng babae kaya inisnaban ko na lang siya. The thought bothered methe whole day that I had to ask Ivo about it.

“May problema ba?” tanong ni Ivo nang napansin ang katahimikan ko sa tabi niya sa sasakyan.

He can now drive his own car. Nanatili ang mga mata ko sa mga windmills sa malayong bulubundukin. I wonder if the rumors were true. Will that mean both Zamiel and Kajik are destined to marry someone, too? And will… Ali marry someone, too? Iyong nirereto sa kanya? At sino naman…

“I heard your parents like fixed marriages… is it true?”

He sighed and then chuckled. Kinurot niya ang aking pisngi habang ang mga mata’y nasa kalsada. Sa iritasyon ko’y hinawi ko ang kamay niya. Don’t joke on me now, Mercadejas! I’m serious with my damn question!

“It’s true…” sumulyap siya sa akin. “Pero walang sa akin. They liked me too much that they want me to choose who I’m going to marry…”

Diskumpyado ako roon. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gusto niya lang mapanatag ako.

“Thraia, I can tell Mama that we should be tied to each other if you want…”

Hindi ako nakahinga sa sinabi ni Ivo. Lahat ng init ay sa mukha ko humaplos at halos ma estatwa ako sa kinauupuan ko. He laughed loud. Hiya na lamang ang naramdaman ko sa sariling tanong. Why the hell did I ask that question in the first place?

We didn’t have a label and it’s okay. Okay lang kesa naman may label nga, parang wala namang relasyon. Girls who talk about us are the ones who usually cry because their supposed “boyfriends” are cheating. Mas mabuting ganito kami ni Ivo, at least wala naman akong nababalitaan na may iba siyang babae.

Isang Sabado ng hapon, hinihintay ko si Ivo sa aming bakuran. Nakasanayan naming magkita tuwing ganito. Minsan ay para makapamasyal, minsan manood lang ng kahit anong palabas sa TV, minsan naman ay para makapag-usap lang.

Nang isang oras ay ‘di siya dumating, nagpasya akong puntahan siya sa kanilang mansyon. Ano kayang pinagkakaabalahan niya at nakalimutan niya ako ngayon.

When I got there, I saw Senyora Domitilla right on the stone stairs of the hall. She looked worried… and… scared, actually.

“Thraia!” hindi ko maalala kung kailan niya ako sinalubong ng ganito ka interesado.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan siyang lumalapit sa akin, with a sad expression.

“Bakit po?” tanong ko sa isang mahinahong tono.
“Can you please, please find Ivo? He went to the plant alone para makapagmuni-muni. I want so bad to talk to him right now but he just wouldn’t come back here.”

Naguluhan ako sa sinabi ni Senyora. Bakit naman iyon gagawin ni Ivo? It was like she read my question that the answer came to her mouth naturally.

“Nagkasagutan kasi sila ni Antonius. He’s told Ivo that Ali might really inherit the MERC. You know my son, he’s very passionate about the company. Please tell him we’ll talk here… Please, find him, Thraia. Nagtatampo lang iyon pero ayaw ko ng ganoon…” halos may pagmamakaawa sa tono ng Senyora.

Tumango ako at agad bumalik sa daanan. I don’t have a horse so I walked all alone. Hindi ko inalintana ang init at ang layo. Ang tanging nasa isip ko na lang ay si Ivo. And how Ali can get everything without even sweating. I cannot believe it. Kahit wala siya rito, siya parin ang dahilan.

Almost forty minutes of walking, I found Ivo beside the first windmill. Nakahilig siya roon habang ang elesi ay umiikot sa pinakaibabaw. It’s a nice view, actually. Kung hindi ko lang alam na paniguradong malungkot siya ngayon.

Nang natanaw niya ako ay binaba niya agad ang pagkakahalukipkip ng kanyang mga braso. Tumuwid siya sa pagkakatayo at tumingin muli sa malayo.

Inakyat ko ang burol. I am sweating and very, very tired but I can’t just give up now that I can almost talk to him.

“Sorry…” iyon ang sinalubong niya sa akin.
Pagod akong ngumiti. “Umuwi na tayo…” anyaya ko.
Umiling siya. “Dito muna ako. I want to clear my head and I can’t clear it when I’m there…”

Naintindihan ko iyon. I stood beside him for a long time. I waited for him to clear his mind. Pinagmasdan ko siyang nakatanaw sa malayo… sa asul na dagat ng Costa Leona na tanaw dahil nasa ibabaw kami ng burol.

He sighed after what seemed forever.

“Gusto kong tanggihan ang offer ni Papa na magtravel ulit kami ngayong summer. Just to prove a point. Just to inform him that I didn’t like his decision but…”

He paused a bit. Nanatili ang mga mata niya sa akin.

“I want to prove to him that I am worthy of the company. That no matter what happens, I’m gonna respect his decision. Even if it’s hurting me…”

Umihip ang mabining hangin. Napahawak ako sa aking buhok habang tinitingnan ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ivo, you deserve everything. You deserve whatever your heart desires. And I am here to support him, whatever he wants to do. If he’s eager to please his father, then I’ll do the best I can para lang ganoon nga ang mangyari.

He’s away again the whole summer. Ang sabi’y may mga trabaho na gagawin ang Papa niya sa ibang bansa. Sasama si Senyora dahil gusto nitong magtravel. Syempre, kasama na rin si Ivo dahil iyon ang gusto ng kanyang ama.

“Malungkot ka na naman ngayong summer?” tanong ni Sage habang tinatanaw niya ako sa kanilang veranda.

Ngumiti lamang ako at ipinatong ang mga paa sa bench. Nakaupo ako roon ng mahigit isang oras na. Sinisimulan ko ang summer sa isang boring na paraan dahil wala na naman si Ivo. Kaaalis niya lang kahapon.

“Hindi mo ba tatawagan?” biro ni Sage habang inaayos ang kanyang gitara.

Tiningnan ko ang cellphone ko na walang ni isang mensahe. Gaya ng dati, gusto ni Ivo na pumunta ako sa kanila para makasagap ng wifi. I tried a prepaid promo but it’s too slow. I might need to go to their mansion so we can communicate kaya lang…

Narinig ko ang biglaang pagbilis ng pintig ng puso ko habang naiisip kung anong pwedeng mangyari.

Gustuhin ko mang umiwas na pumunta roon, alam kong pupunta at pupunta parin ako. I will need the connection. I will need to communicate with Ivo.

Nang hindi na ako nakatiis, isang araw ay pumunta ako sa kanilang mansyon. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib habang papalapit ako roon. I concentrated on my breathing.

“Easy, Thraia. Assuming ka masyado, e…” sabi ko sa sarili habang papalapit sa gate.

Pinagbuksan na ako ni Mang Ronnie kahit na ilang metro pa lamang ang layo.

“O, medyo matagal kang ‘di nakabisita ah?” anito sa akin.
Ngumiti ako. “Marami po kasi akong ginagawa,” I lied.

Pagkapasok ko sa gate, una kong tiningnan ang kabalyerisa sa ‘di kalayuang kanan. Nakita ko ang kanilang tagapangalaga na nagsusuklay ng buhok ng kabayo.

I was right! I just assumed that he’ll be here this summer too. He won’t be…

Hindi pa ako nakakahinga ng maayos nang bigla kong nakita ang paglabas niya sa kabalyerisa. His eyes widened a bit at the sight of me. At paniguradong ganoon din ang reaksyon ko ngunit agad kong nilingon si Mang Ronnie.

“S-Saglit lang po ako. Pa connect lang para matawagan ko si Ivo…”

Hindi na ako lumingon muli sa kabalyerisa. Ngunit kahit ang mga mata ko’y nasa bermuda ay naaalala ko parin ang imahe niya. Sweating and topless, he came out of the stables. Mas tumangkad siya at medyo humaba ang buhok. It made him look more mature but…

Pinilig ko ang ulo ko. I have decided to stop straying. Ang direksyon dapat ng atensyon ko ay kay Ivo. Hindi tulad sa pagkakamaling nangyari noong nakaraang summer.

Sa duyan, uneasy ako. Hindi ako mapakali at walang pumapasok sa aking utak sa kahit anong mga pinadalang mensahe ni Ivo sa akin. Pati ang mensahe kong inisip para sa kanya ay nawala sa aking isipan. Mental block.

I stayed there for a couple of hours… at sa loob ng dalawang oras ay hindi ako nilubayan ng pagkabalisa.

When finally I decided that my messages were enough for Ivo, tumayo na ako at dumiretso na palabas ng gate. I glanced at the stables and saw no one but the horses. Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa pag-uwi sa bahay.

I thank God that that’s always the case everytime I go to their house. Minsan, nakikita ko siya na dumadaan o ‘di kaya’y nagsusuklay ng kabayo pero tuwing nasa duyan na ako, malayo sa kabalyerisa, hindi na.

My companion would always be Bruno. Lagi niya akong sinasamahan sa duyan. Natutulog siya sa gilid ng paa ko tuwing naroon ako at kapag umaalis ako’y hinahatid niya ako sa gate. For the whole two weeks, that was the case. And I am fine with it. That’s actually better.

“Alam n’yo, when we left, I missed you…” lumabas sa sasakyan ang may-ari ng boses na iyon.

Kajik went out of his car with three other girls. Hindi ko alam kung alin sa mga babae ang kausap niya. And then I saw Zamiel went out of the mansion to greet them.

Pumalupot ang kamay ni Zamiel sa baywang ng isang morenang babae at agad niya itong hinalikan sa may batok. The other two girls giggled.

Hinead to foot ko ang lahat at napagtantong maaaring mga kaklase o school mate nila ang mga iyon. Ngumiwi ako habang tinitingnan ang pagdako rin ng mga kamay ni Kajik sa baywang ng dalawa pang babae.

Gaya ng tsismis, babaero ang dalawa. Nagtawanan sila at nag-usap pa ng mas tahimik.

Ngayon ko lang nalaman na nakabalik na pala sila galing sa pagpunta nila sa Boracay. At ngayon, eto naman ang inatupag nila.

“Come here, I’d like you to meet my cousin…” Kajik said in a very playful tone.

Igigiya sana ni Kajik ang babae sa kabalyerisa, that’s out of my sight by the way but the cousin he is talking about went to them. Para raw hindi na mahirapan pa ang mga ito sa paglapit.

In a white v neck shirt, black boots, and a dark maong pants, Ali smiled at them. Naglahad siya ng kamay sa babaeng iyon. Immediately, I scanned the girl. Mahaba at maitim ang kanyang buhok at maputi ang kanyang kutis. She’s pretty, based on my first impression when they got out of the car.

“This is Sophia, classmate ko… Ali Mercadejas, my cousin…” ani Kajik.

The girl firmly squeezed Ali’s hand. Kumunot ang noo ko. Nang bumitiw ang dalawa ay iyong dalawa pang babae ang pinakilala nila.

And then they’re gone from my sight. Siguro’y pumasok sa bulwagan at ewan ko.

Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone. Dalawang beses ko pa lang naabutan si Ivo na online dahil sobrang abala niya sa ginagawa. Imbes na manatili roon ay tumayo na lang ako at umalis para makauwi na sa bahay.

Days passed, that was always the case. Simula nang bumalik ang magkapatid galing Boracay, palagi silang may bisitang iba’t ibang babae. I’m beginning to think that they are scheduled. Like these set of girls were meant for Mondays, Wednesdays, and Fridays while the other groups were for the remaining days.

“Hi!” ani Ivo nang sa wakas ay nagkaabot kami pagkarating ko.
“Hello!” I greeted him smiling.
“Dapat pala medyo agahan mo sa bahay para magkaabot tayo. Anong oras na riyan?” he asked.
“Twelve thirty…” I said.
“Can you come earlier tomorrow. I really miss you and I want to tell you so many stories but right now, I have limited time…”
Nalungkot ako roon. “Akala ko pa naman… Pero sige bukas.”
“Promise?” he asked.
“Promise…” I smiled.

Our talk was short. May gagawin daw kasi siya kaya agad na pinutol ang tawag na iyon. Saktong pagkaputol ay lumapit si Bruno sa akin.

Maybe he’s heard his master’s voice. He’s barking at me and then pumatong ang paa niya sa aking hita. I petted him and kissed his forehead.

“Wala na si Ivo, Bruno…” sabi ko ngunit kumunot ang noo ko nang nakita ang leash na nakatali sa kanyang leeg.

“Bruno!” an authoritative voice echoed from the house. Kasunod noon ay ang mahinhing tawa ng isang babae.

Kumalabog ang puso ko at agad akong napatayo. I was so damn sure that he’s heading here.

“Bruno!” he called again.

The dog barked and then nilingon niya ang kung sinong tumatawag. Nagtama ang tingin namin ni Ali pero bago pa siya tuluyang makalapit ay bumalik na si Bruno sa kanya.

He squatted and petted the dog. Hinagilap niya ang tali pagkatapos ay tumayo para magiya ang aso sa kung saan niya gustong pumunta. His whole attention was on Bruno now. Only interrupted by a girl from behind.

“Hi Bruno!” Sophia greeted my dog.
“Let’s go…” ani Ali sabay hawak sa baywang noong babae.
She giggled. “I’m excited!”

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nawala. Umikot pala sila sa stone stairs pababa ng dalampasigan. Dinungaw ko ang dalawang nag-uunahan pababa. Bruno lead their way until they’re on the shore.

Nagtatawanan ang dalawa habang nasa dalampasigan. I heard Kajik’s shout from the mansion telling them na susunod lamang sila ni Zamiel. I cannot believe that the cousins made their home into a brothel!

Sinama pa iyong aso ko sa kagaguhan. Without thinking, bumaba ako sa dalampasigan. Kung ano man, gusto ko lang mabawi ang aso ko at maibalik na lamang siya sa taas.

The girl removed her clothes. She showed her one piece black bikini. Nadepina ang hubog ng kanyang katawan at sobrang kita ang kabuuan ng kanyang likod. Ali removed his shirt, too. His incredible muscles showed effortlessly. Nagtawanan ulit ang dalawa. Pinakawalan ni Ali si Bruno dahilan kung bakit maligaya itong tumakbo takbo sa dalampasigan.

“Bruno!” I called.

Napaangat ng tingin ang dalawa sa akin. Hindi ko na sila pinansin. Nasa huling mga baitang na ako ng stone stairs. Hindi pa tuluyang umaapak sa buhangin. Kung lalapit si Bruno sa akin, maaaring ‘di ko na kailangan iyon.

Hindi lumapit si Bruno. Imbes ay nakikita ko pang sumasalida ang dalawa sa dalampasigan. The girl ran to the shore. Agad na sinalubong ang mga alon at sumunod naman si Ali roon. It was like a corny scene in the movie that I want to vomit.

“Bruno!” I shouted again but the dog didn’t respond.

Bumaba na ako ng tuluyan sa dalampasigan para mahuli si Bruno. Nang nakita ng aso na palapit ako’y hindi naman siya umalis. Agad kong hinuli ang kanyang leash at unti unti siyang tinawag.

“Tara na sa taas…” sabay hila sa kanya.

Nagmamatigas ang aso. I know I shouldn’t be hard on him but I just didn’t want him to be part of whatever the Mercadejas boys are doing.

“Tara na, Bruno. Papagalitan ka ni Ivo kapag sumama ka riyan… Tara na!” sabi ko.

Patuloy ko iyong ginagawa. Unti-unti naman siyang sumasama ngunit kapag may naamoy na kung ano’y tumitigil at nagmamatigas.

“What are you doing?” hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Ali sa akin.

Muntik ko nang mabitiwan ang leash ni Bruno. Mabuti na lang at agad ko namang nahagilap ang ulirat ko.

“Ibabalik ko si Bruno sa itaas. Mas safe roon…”

And after almost a year, that’s the first thing I said to him. I wonder why it matters.

“It’s safe here too…” he said in a cold tone.

Ang mga tubig dagat ay tumutulo sa kanyang buhok at ang kanyang dibdib ay kumikinang dahil sa sikat ng araw.

“He might drown…” giit ko.
“I won’t let him drown…” giit niya.

Nagtiim bagang ako. It all boils down to this…

“Iniwan ni Ivo si Bruno sa akin kaya dapat ko siyang bantayan from possible harm…” iritado kong sinabi.

His jaw clenched. His eyes were read, probably from the salt water.

“Ali! Lika na rito!” the girl called.

Napatingin ako sa dagat at nakikita kong kumakaway ang babae niya roon. Like someone is watching her kahit na nakatalikod naman si Ali sa dagat.

“Ang mabuti pa, pumunta ka na lang doon at ako na ang bahala kay Bruno…” sambit ko.
“Why don’t you just go back to the swing and wait for Ivo to call? Kaya kong alagaan si Bruno rito. And don’t worry, I’ll make sure he’s going to be safe…”

Hindi na ako nakipagtalo. Pilit kong hinila muli si Bruno paakyat kahit na nagmamatigas ang aso.

“Thraia!” he called, annoyed.
“You won’t see him much. Magiging abala ka sa babae kaya asa ako na tutuparin mo ang sinabi mong magiging safe siya rito…”

In a split second, he closed the space between us. Halos mapaatras ako sa takot nang agaran niyang binawi ang leash ni Bruno sa aking kamay. He looked fuming mad!

“Fine! Ibabalik ko siya sa taas…” sabi niya at agad na tinawag si Bruno para makaakyat.

Agarang sumunod si Bruno sa kanya. Tiningala ko sila bago tuluyang umakyat na rin. Nilingon ko ang babae niyang nanatiling nagtatawag sa kanya. I cannot believe it.

Hinabol ko silang dalawa. Mabilis ang lakad ni Ali habang iginigiya niya si Bruno patungo sa kulungan nito. Sinundan ko siya, carefully organizing all my thoughts so I can turn them into words.

“And I thought you’re the eldest of your cousins, bakit ‘di mo sila mapagsabihan na hindi magandang gawing ganito ang mansyon ninyo!” walang preno kong sinabi.

Hindi niya ako nilingon. Pinagbuksan niya ng kulungan si Bruno at nang tuluyang pumasok ang aso ay nanatili ang litanya ko.

“Kung narito lang si Ivo ay sana hindi naging ganito. You guys turned your house into a brothel! You have no respect for Senyor and Senyora!” sabi ko habang sumusunod sa kanya.

Pumasok siya sa bulwagan at lumapit sa isang cabinet. Hindi niya parin ako tinitingnan. He opened a drawer and then he turned to me. His piercing eyes warned me. He’s dangerous when he’s angry. At ilang beses ko iyong sasabihin. Ilang beses ko iyong mapapansin. Bakit tuwing galit siya’y may namumuong kakaibang takot sa akin. Hindi takot na baka saktan niya ako. Takot na hindi ko malaman kung para saan.

“If you’ve grown so tired of coming here and watching us like that, Thraia, then manatili ka sa inyo-”
Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako…
“And don’t make your communication with Ivo be the reason why you are here! You can always find another way. You just want to come here, huh?” mariin niyang sinabi at nilahad sa aking harapan ang isang box.

The veins in his arm showed like he’s holding the box too tight.

“Get this and go fucking home! Enjoy your talk with Ivo alone! We are not interested! And we’re better here without you eavesdropping, kid.”

Namilog ang mga mata ko nang nakita kung ano ang hawak niya. It’s a pocket wifi!

Literal kong naramdaman ang pag-init ng aking tainga sa galit. Literal akong nag-apoy sa iritasyon at sa pagkakainsulto. Sa sobrang galit ko ay hindi ko maisatinig lahat ng nasa isip ko. Sa sobrang galit ko ay naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

Kinuha ko ang pocket wifi at buong lakas kong binato sa kanyang dibdib. Nadismantle ang lahat ng nasa kahon at agad kong narinig ang pagkawasak ng mga plastik na parte ng gadget sa sahig.

“Ano ‘yan?” narinig kong boses ni Zamiel galing sa kusina.

A sweet laugh stopped. I heard Mercedita, too.

“Zamiel, ano ‘yan?” tanong ng babae.

Nagkabuhol buhol ang mga kataga sa aking utak dahilan kung bakit imbes na manatili ako roon ay umalis na lamang ako. Without looking back, I walked out of the mansion… and out of their gates.

Bumuhos ang luha sa aking mga mata habang nasa daanan ako. I tried my best to take a look at the road para tuluyan akong makatawid ng maayos at nang nagawa ko’y agad akong pumasok sa bahay. Tinakbo ko ang hagdanan at agad na nagkulong sa kwarto.

Tears won’t stop falling for some reason. My heart ached like it was being stabbed by a knife… I hate Ali. I hate him so much. I hate him to the depths of hell!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.