Waves of Memories – Kabanata 18

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 18

Kabanata 18
Passionate

Exhaustion got me. Pagkatapos kong kumain ay agad akong hinila ng katawan ko sa aking kama.

Ali was on my room the whole time. He kept on calling people, the doctors, and some other who probably helped him searching for me.

Tinabi ko ang tray sa isang maliit na lamesa malapit sa kama. Nilingon ko si Ali na abala ngayon sa katawagan habang nakatingin sa labas ng bintana. He looked so serious.

Binaba ko ang mga paa ko. Sa likod ng pagod, pinilit ko ang sarili kong umahon para mahimasmasan man lang bago tuluyang magpahinga.

Nilingon ako ni Ali at agad siyang nagpaalam sa kanyang kausap. I opened the cabinet and grabbed some clean clothes. Naalala kong kailangan ko nga palang maglaba ng damit bukas.

I can sense what he’s about to ask but when he saw what I got from the cabinet, agad naman siyang kumalma.

“I’ll just shower… I’m a bit sleepy but…” sabi ko sabay turo sa bathroom ng kwarto.

He nodded. His lips were tightened in a thin line.

Dumiretso na ako sa banyo at doon naligo. Paulit ulit kong inisip ang mga nangyari noon. I keep on going back to my probable decision way back.

Nayanig ako ng mahigit isang buwang pagkakakilala ko kay Ali. I was young and I don’t think I need to decide right away… pero iyon ang naiisip ko ngayon… ngayong hindi na ako ang batang Thraia. But the young Thraia, I don’t know what she’s done.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. My hair is a bit damp when I went out. Agad na lumipad ang mga mata ko sa kay Ali na nakaupo sa sofa. May unan na siya at may kumot pa habang nanonood ng TV. He lowered the volume when he saw that I’m out of the bathroom.

Nagtiim bagang na lamang ako para pigilan ang sarili ko sa pagyaya sa kanyang huwag na sa sofa matulog. We’ve been sleeping in our room together, in one bed… what’s the difference now, right?

Well, yeah. Everything is different. Now that his Lola told me that we aren’t really married, everything’s changed.

Kung ano man ang karapatan na gusto kong ipaglaban noon… noong nakikita ko siyang kasama si Mylene, nawala na iyon sa akin ngayon.

Tumayo si Ali. Unti-unti naman akong umupo sa kama habang pinagmamasdan siyang lumalapit sa mga switch. He turned the lights off. Tanging ang TV na lang ang mayroon. He went back to the small table beside me and turned the lamp on.

It illuminated his face which made me remember how much I dislike him for being too much… being too intense… like he’s someone so high it’s forbidden to touch him. That I feel like I shouldn’t go near him.

He dimmed the light from the lamp. Ngayon medyo dumilim. Then he glanced at me.

“Is the light fine with you?”
“Yeah…” sabi ko at pumwesto na sa kama.

Tumuwid siya sa pagkakatayo. He turned the TV off at mas lalong dumilim. Unti unti akong humiga. Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata na umupo na siya sa sofa. Hindi siya magkasya sa sofa, gaya ng hindi siya magkasya noon sa sofa namin sa Carles. Kinagat ko ang labi ko at unti-unti na lang na pinikit ang mga mata.

Kinabukasan, maagang naging abala ang lahat ng tao sa mansyon. Ali didn’t wake me up but I sensed him leave the room but he came back afterwards. Tuwing may tumatawag ay umaalis siya hanggang sa tuluyan na akong nagising.

Nanatili akong nakahiga habang tinitingnan siyang papasok sa kwarto. Umawang ang bibig niya nang nakitang gising na ako.

“Sorry… Did I wake you up?” he asked.

Ngumiti ako at bumangon. Hindi naman din ako dapat natutulog na lang at nagigising kung kailan ko gusto. I need to be of help here. This isn’t my house.

Maglalaba ako at maglilinis kung maaari, habang nandito ako. Hindi ako senyorita na dapat pagsilbihan ng mga tao.

“No… I’m already awake…”
“May breakfast na sa baba… And uhm… The doctors will be here any minute now…” he paused, gauging my reaction.
Tumango ako. “Maghahanda lang ako.”

He looked relieved at my answer. Tingin niya ba ay tatanggi pa ako tulad ng madalas kong pagtanggi noon na dalhin niya ako sa doktor? No… I know how much work he puts into it. If I can help it, tatanggi ako. Pero kung patungo na ang mga doktor dito, hindi ko na siya bibigyan ng sakit ng ulo.

The breakfast was silent. The girl I saw last night ate with us but she’s silent, too. Ang kausap lamang ni Senyora ay ang mga doktor na dumating na tila’y mga kaibigan niya at kabilang din sa alta sosyedad dito man o mapa Maynila.

Ali wants me checked on my room para komportable ako kaya pagkatapos kumain ay bumalik na ulit ako sa kwarto. I was even surprised when Senyora Domitilla went to the room. Her long dress dancing as she walked in. Sa likod niya ay iyong babaeng kahit walang make up, tulad kagabi, mamula mula parin ang labi.

Isang babaeng doktor ang kasama ni Doctor Mariano. There were other two, I think, who were nurses or assistants.

“Did you bring what I asked you, Doctor Mariano?” Senyora Domitilla asked in a hard tone.
“Yes, Yes… It’s in my bag…” May kinuha si Doctor Mariano sa kanyang bag at agad na binigay kay Senyora Domitilla ang mga dokumento.

Natanaw ko roon mga patunay na mayroon nga akong amnesia. Documents to prove that I’ve been through brain scans and all that.

Napalunok ako. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Ganoon ba ka grabe ang nagawa ko?

“Mr. Mercadejas, I really suggest you should bring here in Manila. I’ll be more comfortable working there plus the technology we have in the hospital might help her…” anang doktor.
Tumango si Ali. “I might schedule it once we’re done talking about it, doc…”
“Ali, are you seriously gonna do that?” humalukipkip ang babae habang tinitingnan si Ali.
“She needs it, Miss Angeles.”
“And she’s going to stay in your condo?” iritadong tanong ng babae na ngayon ay humahakbang na papasok lalo sa kwarto.

Saktong pagpasok ng kasambahay na may dalang tubig. Kitang kita ko ang unti-unting pagkakatapon ng tubig galing sa baso at ang pagkakabasag nito sa sahig.

Pinilig ko ang ulo ko at sa isang iglap ay pinulot ni Sage ang mga bubog galing sa basong nabasag niya sa sahig ng aming bahay.

“Ano ba ‘yan!?” I teased.
“Sorry na nga. Nadulas sa kamay ko…” sabi niya.

Nanatili ako sa bench. It’s been days since Ivo went back.

Hindi na ako nagpupupunta sa mansyon dahil bukod sa wala na akong dahilan para pumunta, abala na rin siya sa maraming bagay.

He’s toured with his dad and the Mercadejas boys to the plant. Araw-araw nila itong ginagawa. He visits me right after, bringing me food and drinks… and then he goes home alone.

Tuwing pumupunta naman ako roon ay para lang iyon makita si Bruno. Kasama ko si Ivo habang pinapakain namin ang aming aso. Si Ali ay madalas nasa kabalyerisa ngunit umaalis din hindi kalaunan.

“Hindi ka ba talaga pupunta mamaya?” tanong ko kay Sage.
Umiling siya at tumabi sa akin. “Inimbita niya lang naman ako kasi imbitado rin siya, e. At alam ko na ang mangyayari roon, kung sakali kaya no thanks…”

Ngumiti ako at pinaglaruan ang mga petals ng santan na hawak.

“Bakit? Bakit parang kahapon ka pa, ah? Ayaw mong pumunta?”
Umiling ako. “Hindi naman sa ganoon, pero…”

Hindi ko na madugtungan. Binangga niya ang aking braso dahilan kung bakit napalingon ako.

“Alam ko na ang problema mo…” Nagtaas siya ng kilay. “Ali o Ivo?”
Ngumiwi ako at binalik ang tingin sa santan. “Anong Ali o Ivo? Syempre si Ivo!”
“Oh? Bakit hindi si Ali?” tanong niya.
“’Yoko sa ganoon.” Nagkamot ako ng batok. “Basta, ‘di ko maintindihan. Masyadong… Basta…”
“Masyadong ano? Pogi?”
“Err. Basta! Masyadong malakas ang dating e. Ayoko. Parang hindi pwede… ‘Tsaka si Ivo naman talaga ang gusto ko…”

Kabadong kabado ako pagkatapos kong isuot ang damit na ibinigay ni Ali sa akin para sa gabing iyon. I wore everything he gave me, even the expensive jewelries and I thank him for being good at choosing it. Hindi ako overdressed. It was all simple but elegant.

“Ganda!” sabi ni Ate Ethel sabay hawi sa buhok kong nasa balikat.

Sabay kaming tatlo na pumunta. Their friends got invited too so they were very preoccupied. Hindi nila nahahalatang sobrang balisa ko na habang papasok kami sa bulwagan.

Silk dresses paraded on my sight. The familiar scent of the hall when there’s a party filled the air. The grand staircase danced with the light from the chandelier. The people from different social classes were chattering.

Hinila ni Ate Ethel ang kamay ko dahilan kung bakit napatingin ako sa kung saan siya nakatingin. And there, without adieu, I saw all of them lined up just near us.

Nakatalikod si Ivo nang nakita ko siya. Ali was directly looking at me while Zamiel stopped laughing at a joke told by Kajik.

Ali’s face looked serious. His lips were half open and he didn’t even move. Nilingon ako ni Ivo at agad siyang naglakad patungo sa akin. He immediately got my attention when he held his arms wide open to welcome me.

Ngumiti ako habang papalapit si Ivo. My heart is beating so loud and fast.

“Thraia!” sabay tawa ni Ivo sa akin.

Nang nakalapit na siya sa akin ay hawak niya agad ang baywang ko. Napahawak ako sa kanyang ibabang braso habang tumitingala.

“Wow! I mean… Wow!” nanatili ang kanyang ngisi.
Tipid akong ngumiti.
“You’re so beautiful…”

He bit his lower lip and eyed me from head to foot. Ngumiti ulit ako. ‘Di malaman kung anong sasabihin sa kanya.

Nang bahagya siyang tumabi para bigyan ako ng espasyo patungo sa kanyang pamilya ay nakita ko ulit si Ali.

He looks so tall and dashing in his dark tux. Ganoon din ang suot ng magkapatid sa magkabilang gilid niya. Nanatili ang kanyang tingin sa akin ngunit ‘di tulad kaninang may halong mangha, his look is just piercing and serious. Zamiel’s eyebrow shot up as he looked at Ali. Si Kajik naman ay naglahad ng wineglass sa akin.

“Damn!” bulong ni Ivo and he blocked my sight again for a quick kiss on my cheek.

Naestatwa ako sa ginawa niya. He smiled when he saw me so stunned.

“You dressed up for me?” he whispered.

Uminit ang pisngi ko sa bulong ni Ivo. Nilingon ko siya at bahagyang tinulak palayo sa isang pabirong kilos. Tumawa si Ivo at agad na hinawakan ang aking kamay para maglapit kami.

Napawi ang ngiti ko nang napalingon ulit ako sa kanyang pamilya at nakita na tinalikuran na kami ni Ali. He’s walking in our opposite direction habang inaayos ang kanyang coat.

Mabilis ding napawi ang kung anong biro sa aking utak.

“Come here…” ani Ivo sabay hila sa akin patungo sa kanyang mga pamangkin.

I joined their crowd but Zamiel’s eyes got fixed on Ali…

“And… he’s gone…” he laughed a bit bago nilingon si Ivo.
“Bakit na naman? Father will be out in a bit and he’s walked out?” ani Ivo.
“Babalik iyon. Hindi naman aalis si Tito Anton, e,” si Kajik.

Gaya nga ng sinabi ni Kajik, dali dali na silang tinawag ng mga organizers. Ivo told me where I should stand so he’ll find me later when his father is done with the speeches. Sumunod naman ako sa gusto niyang mangyari hanggang sa iniwan niya ako para makapunta na sila sa gitna.

Few videos were shown about the success of Antonius Mercadejas Sr. The party is to honor the way he helped the people of Costa Leona in terms of livelihood, power, and many more. Masigabong palakpakan ang iginawad ng mga tao lalo na nang natapos siya sa kanyang speech.

Pababa sa hagdanan ay si Senyora Domitilla kasama ang dalawa pang couple na hula ko’y ama’t ina ni Zamiel at Kajik. Ang isa’y ama at ina naman ni Ali.

Tinitigan kong mabuti ang nauna. Iyong hindi ko pa nakikita sa personal.

Antonius Mercadejas Jr looks so intimidating. He looks everything like a Mercadejas, when I base it to what the people of Costa Leona described them to be. Tall, proud and almost arrogant, handsome, serious, and very intimidating. Ang nakahawak sa kanyang braso, ang nakakulay champagne na babae ay maputi, maganda, at elegante. She’s screams of diamonds and her aura demands respect.

Ngumuso ako.

No wonder Antonius Lienzo Mercadejas is like that.

The junior refused a lengthy speech. Kaonti lang ang sinabi nito para sa cheers na naganap dahilan kung bakit pinalitan agad siya ng kanyang ama.

“I find it special whenever Anton comes here because unlike Uriel and Ivo, hindi siya palaging pumupunta rito, kahit birthday ko…”

Nagtawanan ang lahat kahit na ‘di ko alam bakit dapat. Well, I guess I don’t understand the humor of the people who know them.

“Now that he’s here, I want to properly introduce them to all of you. Maaring hindi pa kilala ng iba ang kanyang asawa at ang natatanging anak pero…”

The boys were lined up near them. I saw Ivo looking so serious. Wala roon si Ali. Nasaan kaya ito?

“Ladies and Gentlemen, Antonius Mercadejas Junior, his wife, Annaliese Mercadejas… and my grandson, first born…” ngumiti si Senyor na parang sobrang pinagmamayabang niya ito… “Probably, the future of MERC… Antonius Lienzo Mercadejas!”

Masigabong palakpakan ulit. Nawala ang nagbabadyang ngiti ko nang may napagtanto. Ali joined his family. He smiled at his grandfather but that’s the only thing he did. Kinuha ulit ng kanyang ama ang mikropono pero nawalan ako ng gana sa sasabihin dahil may inaalala ako.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Ivo at nang nakita kong wala na siya roon ay luminga linga agad ako.

To hear it in front of everyone is a different thing. He’s passionate about their company and he wants to, someday, lead. Kung ganito ang pinaparinig ng kanyang sariling ama sa kanya, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman niya.

Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko. I searched for him in every corner. Never minding the annoyed faces of the people who were attentive with the speech. Kahit noong idineklarang kakain na ay hindi parin ako tumigil sa kakahanap sa kanya.

Bumagsak ang balikat ko nang nakita ko siya sa terrace ng bulwagan. Mag-isa siya sa dilim habang nakahilig sa barandilya. Nakatingin siya sa mga alitaptap na namumuhay sa mga halamang gumamela at sa mga puno sa paligid ng duyan na madalas kong inuupuan.

“Ivo…” tawag ko nang nakalapit.

Unti-unti na akong kinakain ng dilim. People were busy eating. Some were already dancing.

“Aia…” he tried to sound happy.

Sinulyapan niya ako at nakita kong ngumiti siya pero sigurado akong hindi ganoon.

“Kumain ka na…” aniya.
Umiling ako. “Ikaw? Ba’t ka mag-isa rito…”

He smiled again. I couldn’t smile back. The pain is just very evident. Bumaling muli siya sa labas. Lumapit na ako sa kanya para hulihin ang kanyang tingin. Ngayon, hindi niya na itinago sa akin. He’s hurting. He’s in pain.

“I wonder if it’s because he’s a year older than me… I hope that’s the only reason…” ani Ivo.

Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko.

“I’m doing my best in school, Thraia. Gusto ko talagang mamahala ng kompanya ni Papa. I like everything about it. And I’ve been raised here in Costa Leona so I can see the whole thing as it is as I grow up. Why would he give it to someone who doesn’t even stay here?” The pain is dripping like acid in his voice.

Pati ako ay nasasaktan sa mga tanong ni Ivo. To think that he’s not enough for his father hurts. I know because I’m hurt right now just thinking about it.

“Maybe because he’s in a better school? Is that it?” ani Ivo.
Umiling ako. “Hindi totoo ‘yan. If you’re good, kahit saang eskwelahan, Ivo, makikita iyon. You’re good.”
“Then why is he choosing him, instead?”

He’s frustrated. Parang pinipiga ang puso kong makita siyang ganito. I know how much he loves his father… to think that his father is choosing someone else over him is painful.

“Dahil mas matanda siya? Damn it! A year? Really? And I’m his son! He’s just his grandson!”

Hinawakan ko ang braso ni Ivo para pakalmahin siya. Napatingin siya sa aking kamay at agad niya iyong hinawakan. Hinigit niya ako palapit sa kanya.

“I just don’t understand why he’s choosing him. Am I not enough?” he whispered.

Why is he choosing him? Is Ivo not enough?

Why is he choosing the other one?

Is Ivo not enough?

What’s not enough with Ivo?

What’s wrong with him?

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Ivo. Niyakap niya ako galing sa likod. The way his arms tightened made me feel his frustration towards everything.

I don’t want him that way. I want Ivo who looks composed, calm, and funny. Hindi ko kayang makita siyang ganito ka lungkot at frustrated.

Why is he frustrated, then?

Unti-unti kong napagtanto ang dahilan kung bakit siya ganito.

Does Ali deserve their company? Siya na paniguradong namuhay ng marangya sa Maynila, nang ‘di nililingon ang nangyayari sa kanilang planta rito? Na bumibisita lamang kapag summer? Na wala kapag tag ulan at mababa ang bentahan ng semento? Na wala kapag may problema ang mga tauhang siyang puno’t dulo ng kanilang negosyo?

Ano ang lamang niya kay Ivo? Si Ivo na nanatili sa Costa Leona para pag-aralan ang kompanya? Si Ivo na magaling sa klase at walang tanging gusto kundi ang paluguran ang kanyang ama?

Ali was obviously the crowd’s favorite. A man who grew up in the city, pampered well by his parents and the people around him, studied in an Ivy league-ish school, and sees the company as a machine and not an organization trying to live.

He doesn’t deserve the company.

Ivo deserves it.

At ngayon… si Ivo pa ang kawawa. Walang ibang nakakakita sa kanya… Kung wala ako rito…

Nag ningas ang kaonting iritasyon ko kay Ali. Umusok at umapoy ang nararamdaman kong galit sa kanya dahil sa ginagawa niya kay Ivo.

Ivo deserves the company. Ali, if he’s really understanding, should give it to the rightful heir.

Bigla akong nahiya sa mga iniisip kanina, kahapon, at sa mga araw pang nagdaan noong wala pa si Ivo. I hated Ali from the very beginning. I’m not comfortable with him and now I think this is the reason why I’m not.

Ikinahihiya ko ang lahat ng naramdaman ko noong nakaraan. Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko, baka sakaling makalimutan ko iyon. Gusto kong kalimutan ang lahat. Gusto kong malimot na minsan, naisip kong gusto ko si Ali… when in fact, like his grandfather, I was only attracted with whatever magic he has. And I shouldn’t be.

“Ivo, soon… you will make your father realize that you deserve the company. I’m sure of that. I believe in you. I think you’re more passionate than Ali. Siguro ay pera lang talaga ang gusto niya sa kompanya, pero ikaw… gusto mo ito ng buong puso… kaya nakasisiguro akong kaya mong baguhin ang isipan ng ama mo…”

Ivo looked at me and then he smiled.

“Really…” as if he’s convinced with what I just said.
Ngumiti ako. “Yes!”

Niyakap niya pa lalo ako ng mas mahigpit.

“Anong gagawin ko kung wala ka, Thraia…” he whispered.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.