Waves of Memories – Kabanata 17

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 17

Kabanata 17
Remember

My eyes are blurred because of the tears. Nagawa ko paring tumawid ng kalsada para man lang masulyapan ang bahay nina Sage, ang kaibigan ko na dating nakatira sa katabing bahay sa amin.

“Tao po!” nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon.

The big lock told me that like our house, it’s abandoned. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at mahinang naglakad patungo sa katabing bahay, iyong amin.

Hinipan ng hangin ang aking buhok ng iilang sasakyan ang mabilis ang takbo patungong Caticlan. Sa sobrang hina ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay namamanhid ang mga paa ko.

Tiningnan kong mabuti ang kinakalawang na lock ng aming gate. The house looks old… unlike what I remember. It was well tended in my last memory.

Last memory, huh?

I wonder if I was cruel and selfish?

Am I cruel and selfish, right now?

Naaalala ko ang mga mata ni Ali tuwing sinusumbatan ko siya. Naaalala ko kung anu-ano ang mga salitang binabato ko sa kanya.

Marahan kong hinawakan ang malaking kandado na panigurado’y ‘di ko mabubuksan kung walang susi.

Tumingala ako sa matutulis na bakal sa ibabaw ng gate, to keep the trespassers away. Funny now I’m trespassing in my supposed property.

Hinawakan ko ang malamig na bakal ng gate at sinubukang umakyat. Hinang-hina na ako, but my determination isn’t put out. My tears pooled as I felt the sting of the metal against my skin.

Nang naiangat ko ang sarili ko, at kahit na natusok ng kaonti sa kinakalawang na bakal ay nagawa ko paring tumalon at makatayo sa bermudang wala nang alaga. Tutok ang araw ngunit galing sa labas, madilim tingnan ang loob.

My heart is beating so loud and fast, I couldn’t keep up… I couldn’t breathe properly.

Ang pang-umagang hangin ay umihip, inaanod ang aking medyo basang buhok. The excruciating pain I felt in my temples became more defined as I come closer to the dark insides of our house.

Pagkahawak ko ng kulay brown na doorknob, nag-angat ako ng tingin sa isang panibagong araw.

The morning light fell, napalitan ng panghapong sikat ng araw.

“Saan naman kayo ngayon?” tanong ni Ate Ethel nang nakalabas ako’t nakita si Ali na may dalang dalawang kabayo.

Ngumiti ako kay Ate Ethel sabay turo sa malayong windmills. Ilang araw na kaming paulit ulit na pumupunta roon.

“Ingat kayo, ha? Isasakay ka niya, o ano?” sabay lagay ni Ate Ethel ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Hi, Ali!”
“Magandang hapon, Ate Ethel.” he smiled.

Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan si Ate Ethel. Hula ko’y nakalimutan niya ang mga tinanong sa akin. Ganunpaman, sasagutin ko parin siya.

“Tinuruan niya akong mangabayo. Dahan-dahan lang naman, e… ‘Tsaka oo, mag-iingat kami.”

Nilapitan ko na si Ali. At dahil walang mounting block, kinailangan ko pa ng pag-alalay niya para tuluyang makasakay ng kabayo. Tumikhim ako nang tuluyan niya akong naisampa sa kabayo. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Kaya mo ba ng mas malayo ngayon?” tanong ni Ali sa akin.
Tumango ako.

Noong narito si Ivo, lagi akong sumasakay sa likod niya. I never really thought I’d learn how to ride a horse. Not until Ali taught me a bit.

Hanggang windmills lang kami madalas dahil hindi ko na kinakaya ng mas malayo. Ganoon din noong kami ni Ivo. But Ali promised me we’ll go as far as their cement plant. Not sure if it’s going to be today, though.

Pinapauna niya ako. Hindi pa ako marunong sumakay ng tumatakbo ang kabayo at binabantayan niya pa akong mabuti habang nakasakay.

“Sobrang layo ba talaga?” I asked him when we were almost at the windmills.
“Konti na lang…” he smiled.

From where we are, I can see another concrete road. Nilingon ko si Ali. Nakangiti siya sa akin.

“Ano ‘yan?” tanong ko.
“Diyan dumadaan ang mga truck patungong planta. Malapit na tayo…” he said.

I was so shocked when I saw their plant. Hindi ako makapagsalita nang nakita ko ang dalawang malalaking bilugang gusali na kulay abo. Above it is a big letter M. Bukod doon, marami pang matatayog na kulay abong silindro kung saan-saan malapit sa dalawang pinakamalaki.

“Eto ang negosyo ninyo?” napatanong ako.

I remember clearly how Ivo told me how much he’s passionate about their business. Na balang araw daw ang gagawa siya ng paraan para mag expand pa lalo ito… para manguna sa buong Asya at buong mundo.

“Well, my grandparents… My grandfather…” ani Ali.

Binalik ko ang mga mata ko sa planta. Hindi parin maialis sa akin ang pagkamangha.

For days, we stayed like that and I think I spent my summer well.

Ivo:
Hindi ka sumasagot sa tawag ko. Online ka naman…

I felt guilty when I saw his text one time. Fiesta iyon at abala kami sa panonood ng parada at kung anu-ano pang pakulo. Tumigil ako sa pakikipagkatuwaan para pagtuonan ng pansin ang text ni Ivo.

We’re just near the road, watching the floats parading the streets. Umatras ako at lumapit sa gate ng bahay ng mga Mercadejas.

“What’s the problem?” Ali asked when he saw me.
Umiling ako at nanatili ang mata sa screen.

Ako:
Sorry. Nanonood kami ng parade. Nasa bahay n’yo na ako. Are you going to call?

Right after the text was sent and seen, my phone immediately beeped. Napatingin ako kay Ali bago tuluyang pumasok sa gate nila. He understood what that meant. Hindi niya na ako sinundan. Nanatili na lang siya roon sa labas.

“Hello…” I greeted.

Ivo smiled at me. Again, like what I usually see in his background, he’s at somewhere like a terminal or airport.

“Guess what?” he said, smiling.
“What?”

Blanko ang utak ko sa maari niyang sabihin. Is he heading to somewhere great now?

“We’re going home!” he cheered.

Namilog ang mga mata ko. Unti-unti akong napaupo sa duyan kung saan madalas ako pumwesto kung tumatawag siya.

“W-Wow! Kailan?” tanong ko, though it’s obvious.

Nasa airport siya ngayon. Kung makakauwi man siya, that will be either tomorrow or the next day!

“I told you we’re home before my father’s birthday. At alam mo naman si Mama, gusto niyang paghandaan ng mabuti ang birthday ni Papa kaya ngayon uuwi na kami…”
“T-That’s great!”
“I bought you presents!” Ipinakita niya ang mga dalang pasalubong.

Napangiti ako.

“And of course, you’re invited to my father’s birthday. Isama mo rin si Ate Ethel at Alejandro, okay?”
Tumango ako. “I’ll tell them.”
He smiled. “I gotta go. See you really soon, okay?”
“Okay…”

Ilang sandali pa akong natulala sa screen bago tuluyang naibaba iyon. Mga yapak ni Ali ang nakita ko sa lebel ng aking tingin. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti.

“Babalik na sina Ivo!” maligaya kong sinabi kay Ali.
He nodded. “That’s great…”

Kinagat ko ang labi ko at muling tiningnan ang aking cellphone. Ivo’s not online anymore.

“You’re going to my grandfather’s birthday?” he asked.
Tumango ako nang ‘di siya tinitingnan. “Ikaw?”
“I’m not sure…” he said.

Nag-angat ako ng tingin.

“Why? Huling birthday ng Lolo mo, wala rin kayo ng pamilya mo, ah?”
He smirked. “I was here. But we were leaving for Manila so I didn’t join in…”
“You were here?” namilog ang mga mata ko.

Hindi siya agad sumagot. Inayos niya ang isa pang duyan malapit sa akin at umupo siya roon. Nanatili ang tingin ko sa kanya.

“Bakit ‘di kayo sumasali?” tanong ko kahit na pakiramdam ko’y masyado nang personal.
“May emergency lang sa kompanya noon. I don’t have to go. My father encouraged me to join but… I don’t-”
“Like parties…” nagtaas ako ng kilay.

His eyes grew fiercer after I said it. Like I said something that would really spark his interest.

Naistorbo lamang ang aming tinginan nang biglang lumapit si Bruno sa aming dalawa. Natawa na lamang ako.

The next day was quiet. I am not sure if Ivo’s home today or not but I think the next time I go to their house, he’s already home.

Naghanap ako ng maisusuot sa cabinet ni Mommy. I found this nice white dress. Kaya lang ay may mga mantsa na iyon dulot ng katandaan. Nilabhan ko iyon ngunit hindi parin natanggal. I need to find a dress that’s dark. Iyong hindi agad namamantsahan. Siguro naman ay meron pa sa cabinet ni Mommy.

I was about to go back to the room when Ate Ethel called.

“Aia, si Ali nasa labas…” she said.

Ikinagulat ko iyon. Wala naman kaming plano para sa araw na ito. Kaya bakit siya narito? Is Ivo already home?

Sumungaw ako sa pintuan at nakita ko si Ate Ethel na pinapapasok si Ali. Ali kept on insisting na roon lang siya sa labas ng gate.

“Bakit?” tanong ko.

Ali is wearing a maroon v neck shirt and a dark maong pants. Mas lalo ko lang napansin ang katangkaran niya dahil sa kanyang maong na may tamang hapit sa kanyang binti. May dala siyang isang itim na paperbag. It was marked with a foreign language, I could read but couldn’t properly understand.

Tipid siyang ngumiti at nilahad iyon sa akin.

“Ano ‘to?” I asked.

Tinanggap ko iyon at dinungaw ko ang loob. There, I saw about three black boxes. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang pinakamalaking box na naroon. And then, when I tried to open it, I saw a pink dress.

“Oh my God!” inagaw ni Ate Ethel sa akin ang damit.

Hinayaan ko siyang mamangha roon habang binubuksan ang isa pang box. I saw a cute beige sandals. The other black box is a set of jewelries.

“Hindi mo na dapat ako binigyan ng ganito…”

Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o malulungkot sa binigay niya.

“Ano ka ba, Aia! Tanggapin mo na at mga luma na ang mga damit ng Mommy mo.”

Seryoso kong tiningnan si Ali. He only smiled.

“Suotin mo ‘yan sa birthday ng Lolo ko…” he said.

Malungkot akong ngumiti at dahan-dahang tumango.

I remember how I couldn’t sleep that night. How his sad smile kept me up and how Ivo’s homecoming haunted me.

Bakit ganito?

I’m like Ivo, alright. But… something about it… Am I torn? I shouldn’t be. Ali doesn’t like me, anyway. He likes…

So what if he likes me, does that mean I can like him back?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Hindi ko makakayang gawin ito kay Ivo. I am sure I’ll regret it. I’m sure I don’t want this to happen. Sa isang buwan at siguro’y kalahati lang na nakilala ko si Ali, hindi nito kayang pantayan ang kung ano man ang nararamdaman ko kay Ivo.

No.

I’m sure of that.

I was terrified to go to their house the next day. I was terrified to get up.

“Thraia!” Ate Ethel called from the living room.

Kumalabog ang puso ko habang naririnig ang mga yapak paakyat sa aming hagdanan. Narinig ko ang isang pamilyar na boses dahilan kung bakit napabangon ako.

Dalawang katok ang iginawad ni Ate Ethel sa aking pintuan.

“Aia, si Ivo, nakauwi na…” anito.
“’Te?” mabilis akong tumayo para buksan ang pintuan.

When I opened the door, Ivo was standing there with arms wide open, all smiles with his dimples, and with paperbags on hand. Mayroon din kay Ate Ethel na alam kong sobra nitong ikinatuwa.

“Missed me?” he said.

Niyakap niya ako. I couldn’t respond properly to his hug. I just know that I tapped his back. Nang bumitiw siya ay kumunot ang kanyang mga mata sa akin. Kinusot ko naman ang mga mata ko.

“Inaantok ka pa?”
“Hindi na…” Ngumiti ako sa kanya. “I’m glad you’re back.”
“I’m glad, too. Come on, open my presents! I want to see your face when you open it.”

Sinunod ko ang sinabi ni Ivo. He was allowed to go inside my room. Hindi naman din mahigpit si Ate Ethel o si Alejandro sa akin.

I opened each bag and saw his extravagant gifts from the countries he visited. Mga damit, sapatos, at kung anu-ano pa. Masyadong marami na hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Pero kahit na ganoon ang ginagawa ko, iba ang pumapasok sa isipan ko.

“We’ll have a family dinner tonight. Nagpaalam ako kay Mama na isasama kita. We’ll share what happened with our trip.”
“Huh? H-Huwag na!” matiim ang pagtanggi ko.

I don’t want to go. I feel awkward.

“That’s okay, Thraia. Imbitado rin sa dinner namin iyong mga planner ng birthday ni Papa kaya walang problema…” aniya.
“Pero… Ivo, family dinner n’yo ‘yan…”
Sumimangot siya. “Kahit ngayon lang. Kararating ko lang kaya syempre, excited ako at gusto kong naroon ka…”

I figured there’s just no way out but I really don’t want to go. Not now that…

“Look, Thraia… it’s just a simple dinner. Sige na, please?” he pleaded.

Hindi ko matanggihan si Ivo. He also asked me if we could go to the plant that same day. Syempre at pinagbigyan ko siyang muli.

Naligo ako at nagbihis. Pinagluto pa kami ni Ate Ethel ng almusal. Habang nag-aalmusal kami ay maligayang kinwento ni Ivo ang mga karanasan niya sa Zermatt. He described how the ice feels and how it feels to skii. He even told us that he almost broke a leg.

Pagkatapos naming mag-almusal ay niyaya niya akong bumalik muna sa kanilang bahay para kumuha ng kabayo.

Noong nasa gate na kami, gusto ko nang tumakbo pabalik. Kabado ako at pakiramdam ko’y mabubuwal ako sa kinatatayuan ko kung sakaling…

Ali was brushing the hair of a horse when we got there. Sumulyap siya sa akin ngunit binalik din niya agad ang kanyang mga mata sa kabayo.

Napalunok ako at tinuon ang buong pansin kay Ivo. Kinuha ni Ivo ang kulay kayumangging kabayo. Pinalabas niya ito sa tulong ng tagapangalaga.

He quickly mounted on it and like the usual, he held out his hand for me so I could ride on its back.

Sumulyap ako kay Ali bago tuluyang tinanggap ang kamay ni Ivo. I tried to climb but the horse move. Bago pa ako makasubok muli ay hinawakan na ni Ali ang aking baywang at inangat para makasakay sa likod ni Ivo.

Ivo quickly moved the horse dahilan kung bakit ako napayakap sa kanya.

“Ali…” Ivo called then nodded. “This is Thraia. Thraia, si Ali…”

Hindi ako makapagsalita. I don’t know if I should pretend that we just met or I should tell him that we know each other. Pretending would mean a very different thing… and I don’t want that.

“We’ve met, Ivo…” si Ali.
“Oh… I didn’t know…” ani Ivo at ilang sandali pa silang nagtinginan ni Ali bago tuluyang pinaglakad ang kabayo. “Kumapit ka ng mabuti sa akin, Aia…”

I snaked my arm on his chest. Hinawakan niya ang aking mga daliri at mas lalo pang pinaglapit para lang makahawak ako ng mabuti. I tried so hard to hold on to, thinking he’d let the horse gallop in a very fast manner.

Nang nakalabas kami sa gate ay mabagal naman ang takbo. I stopped hugging him too much, he didn’t react with the way I loosened my hands.

My heart is beating like I just sprinted. Damn!

Wala kaming imikan ni Ivo sa byahe. I am not sure if it’s because I’m staying silent or he’s just abnormally silent, too. ‘Tsaka lamang siya nagsalita nang natanaw na namin ang planta.

“It’s getting bigger and bigger…” anito habang bumabagal ang takbo ng kabayo.

Hindi ako nagsalita dahilan kung bakit pilit siyang lumingon at nagtaas ng kilay.

“Hindi ko alam na maliit pala ang planta noon…” sabi ko.
He smiled. “Ito ang main plant yet it’s also the smallest one. The other plants are bigger than this…”

Nanatili ang tingin ko sa planta. Bumaba siya at naglahad agad ng kamay sa akin para makababa na rin ako. Pagkatapos ay nilingon ulit ni Ivo ang planta.

“I want to study how it’s run. Sa trip, sabi ni Papa na kapag natutunan ko iyon, maaaring tulad niya ay magtatrabaho ako sa planta… I want to lead a company as large as my father’s company…” he said with so much passion.

Tumango ako at ngumiti. I clearly remember why I find him so attractive and ideal. A man with so much passion like him is hard to find. Boys my age don’t seem to find their way yet. I wonder if Ivo’s been like that when he was younger? I think so. Sa sobrang sigurado niya sa lahat ng kanyang ginagawa, I couldn’t imagine him being indecisive of anything.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa kanyang pangarap. Nakatitig lamang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. I missed him, yes. Bumagsak ang aking balikat at parang nanghina ako.

I can’t be torn when I was so sure of him when he left. I can’t be…

Inabot kami ng isang oras doon. Bumalik lamang kami sa bahay para makakain ng lunch at nagpalipas ng oras sa labas habang ang mga kabayo ay tinali sa punong kahoy, ‘di kalayuan.

Tumawag lamang siya ng tagapangalaga para kunin ang mga iyon nang inabot kami ng hapon. Umuwi siya at susunduin niya lang ako mamaya pagkatapos kong maligo at magbihis para sa kanilang family dinner.

After doing my routine, I quickly put on powder and a bit of that lipstick I bought just last month.

Hindi naman dress ang suot ko. It’s one of Ivo’s presents from his trip. It’s a floral skirt and a white sleeveless top. Suot ko rin ang sandals na isa rin sa kanyang regalo. Nilingon ko iyong itim na paper bag na binigay ni Ali sa akin. Tinabi ko iyon dahil iyon ang susuotin ko sa party sa susunod na linggo.

I was so nervous when Ivo went to our house to pick me up. Naglakad lang kami patungong mansyon. Nakaputing t-shirt lang siya at dark jeans – still not the usual thing you wear when you eat with your family for us commoners.

Pagkapasok sa mansyon ay naramdaman ko agad na medyo marami raming tao. I heard noises from their dining area, laughters, and chatterings… They’re talking about the upcoming party.

“Naku, Senyora! You should invite them and let them see what elegance looks like!” sabi noong bading na naka all black.

Everyone turned to us when we entered. Ang nasa gitnang upuan ay si Senor Antonius Mercadejas. His white slicked back hair reminded me of a spanish haciendero. Senyora Domitilla’s in full make up and jewelries as she scanned through the magazines. Sa tabi ni Senyor ay si Ali. Sa tabi naman ni Ali ay ang magkapatid na si Zamiel at si Kajik. Ivo held the chair for me. Tumabi siya sa kanyang ina.

Katabi ko ngayon ang mga bading at iilan pang tingin ko’y designers ng kung anu-ano.

“I like this…” matamang sinabi ni Senyora, abala sa kanyang mga pinagpipilian.
“Domitilla, ipagpaliban muna natin iyan at mas mabuting kumain na tayo ngayon…” Senyor said in a cold tone.
“You’re right. Itabi mo ‘to…” utos ni Senyora sa bading na agad namang kinuha ang mga magazines.

The food were served immediately. Nanatili ang tingin ko sa mga pagkain habang nilalapag iyon sa harap.

“Naku, Senyora… Thank you so much for your gifts! I really like it! When I go back to Spain, I’ll surely remember to get you one,” the girl in glasses said.
Tumawa si Senyora Domitilla. “It was Ivo’s first time to tour around Europe. He’s gone abroad but not much of Europe so we were determined to buy so many things as presents and memorabilias…”
“So how’s Europe, Ivo?” tanong noong babae.
“Great! I’ll surely come back, of course.”
“Ano? Next year summer? Nakakainggit!”
“Hopefully… though it seems like Papa has other plans for the next summer…”

Nilingon ni Ivo ang kanyang ama. Tumawa lamang ang kanyang Ama.

“Wherever you want to tour, son. If you want Europe again, why not…”
“Bakit ‘di kasama si Zamiel at Kajik? Pati si Ali?” tanong ng babae.

Ang mga kasambahay ay unti-unting naglalagay ng pagkain sa aming pinggan.

“Zamiel and Kajik have summer classes. Uriel lets them have it para mas mabilis since he’s planning to open up this business. Wants to start from scratch…” si Senyor.
“And Ali? I heard you’re doing well in La Salle!” maligayang sinabi ng babae.

Nag-angat ako ng tingin kay Ali. I caught him looking at me intently before his eyes drifted to the girl.

“I don’t have summer classes but I went to those places last December with my mother and father…” si Ali.
Tumawa ulit si Senyor. “Antonius is training his son to manage the whole of MERC. I told him there is no need dahil siya rin naman ang magmamana balang araw pero ayaw makinig. Isa pa, itong si Ali, gustong magsimula sa pinakamababang trabaho para masubukan ang lahat.”

Uminom ng tubig si Ali pagkatapos magsalita ng kanyang Lolo. Nilingon ko si Ivo na ngayon ay laglag pangang nakatingin sa kanyang Ama.

“Ali is studying the company, Papa?” Ivo said in a cold tone.
“No, Ivo. I don’t come here to do that…” sagot ni Ali.

Yumuko ako at tiningnan ang pagkain sa aking pinggan.

“That’s what Anton wants…” nagkibit ng balikat si Senyor.
Tumawa si Zamiel. “Ali’s just… taking care of the horse… Bruno… going to the beack… and hmm… I think that’s all…”

Hindi ako makatingin sa kanila. I can sense guilt creeping and I don’t like it.

As much as I want to deny it, sigurado akong may naalog sa akin. At ayaw ko ng ganoon. Hindi tama iyon. Hindi pwede iyon. I need to go back to my way. Naglakad ako ng ilang saglit sa maling daanan at kailangan kong bumalik ulit sa pinanggalingan para maitama ang ruta. This is wrong.

“Boys, let’s just eat, okay? I still need to do the preparations for the coming party.”

Dumilat ako nang narinig ang hampas sa bakal galing sakung saan. The hot wooden floor told me that I’ve been here for a while.

Unti-unti akong bumangon at wala akong makita kundi kadiliman. The little light from the street lamps outside lit the mirrors of cabinets. I saw a few fragments of broken glasses on the floor, hindi kalayuan sa akin.

“Thraia!” sigaw ng pamilyar na boses pagkatapos ay ang pagsabog ng metal gate namin.

Nilingon ko ang pintuan na halos sarado na pero agad na nabuksan ng kung sino.

“Fuck!” malutong na mura ni Ali pagkatapos ay niyakap ako.

Sobrang init ng kanyang balat. It feels so comfortable. And as much as I want that to last, I was sure that the old Thraia thought about this a million times. It is Ivo, not Ali, Thraia.

“Gabi na?” tanong ko nang napansin ang dilim sa labas.

Hindi siya nagsalita. Nanginginig at umiigting ang kanyang braso habang inaangat niya ako. Quickly, I pushed him away. I’m not weak. I can walk.

“Kaya ko, Ali…” sabi ko.

Hindi siya nagpumilit pero pinagmasdan niya akong humakbang. Ang mga kasambahay, hardinero, sekyu, at kung anu-ano pa ay nasa labas ng bahay at naghihintay. Naestatwa sa paglabas ko.

Dire diretso lang ako sa paglalakad. Isang kasambahay ang nangahas na magtanong…

“Miss Thraia, ayos ka lang? Wala bang masakit sa’yo?”
Umiling ako.
“Thraia, I’m calling the doctors right now. I need to have you checked-” si Ali sa likod.
“Ayos lang ako…” at dumiretso na ako palabas.

Kinausap ni Ali ang mga tauhan. Isang grupo ng kasambahay ang lumapit sa akin para alalayan ako sa pagtawid at pagpunta sa mansyon ng mga Mercadejas.

Sumunod din naman si Ali. Naririnig ko ang mga utos niya sa mga tauhan. He wants the local doctor called. He will call the specialist, too. He wants the cars to be ready anytime and he’s alerting the whole household whatever might happen.

Para akong wala sa sarili habang naglalakad sa pathway patungong maliwanag na bulwagan.

“Leave…” utos ni Ali sa mga kasambahay at agad namang umalis ang mga ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naabutan ako ni Ali at hinila ang aking palapulsuhan.

“What happened? Why did you leave the house, Thraia?” ngayon mas marahan na ang boses niya.

Umiling ako. Ayaw kong magsalita. I can’t just tell him about the hurtful words his Lola said. Maybe she’s right… Maybe that’s not really “painful”… Maybe that’s the truth.

“Thraia, I was worried sick looking for you in the whole damn town! Sa dalampasigan man, sa windmills, sa planta, sa bayan, at kung saan-saan! Buong araw kang wala! Buong araw kitang ‘di nakikita! You didn’t even tell anyone where you were going!” lumalakas ang tono ng boses niya but I understand. He’s frustrated.

Hindi na lang ako nagsalita. I feel undeserving of anything. I feel like I really did so many confusing things to them. At gusto kong itama lahat ng pagkakamaling iyon.

“If you want to go somewhere, please, at least tell me! Pwede kitang samahan! Hindi iyong ganoon! Ilang oras ka roon and did you even eat?”
“Ali, there’s food in the dining table…” a sexy voice woke me up from my blank state.

Nag-angat ako ng tingin sa bulwagan at nakita ang isang balingkinitang babae. Her sillhouette revealed her perfect curves and her that’s long and straight. Behind her is Senyora Domitilla who’s hiding her smile like she’s victorious just because Ali is mad at me right now.

“Ayos lang ako. Kumain na ako…” mahinahon kong sinabi. “Magpapahinga lang ako sa kwarto…”

Mabilis akong pumunta sa bulwagan. Nilagpasan ko si Senyora Domitilla nang ‘di siya tinitingnan, pati ang magandang babae na hindi ko kilala.

I’m tired… emotionally and physically. I am so tired of all of these.

If I’m a lot of work, a slut, and useless… why would Ali put up with me. Sana pinatapon niya na lang din ako. Sana, kung ano mang aksidente ang kinasangkutan ko, hinayaan niya na lang ako. Nobody would claim me since I don’t have family, anyway. So what if I’m alone and I can’t remember anything, right? Why would he put up with me.

“Ali, come on. Let the maids to the work. The food will be served on her room. Kadarating ko lang, wala man lang welcome dinner?” the sexy woman said.

My tears fell even when I am so tired. Hindi ka parin ba napapagod?

Ilang beses kang iiyak at kailan mauubos ang luha mo?

Habang humahakbang ako sa hagdanan ay narinig ko rin ang mga yapak ni Ali na sumusunod sa akin. I didn’t stop to tell him to just go and eat with them. I can’t let him see my tears.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating sa pintuan ng aking kwarto. I turned the door handle, determined to lock myself up so Ali won’t have to deal with me but before I could do that… tinulak niya na ang pintuan para mapigilan ako sa aking pinaplano.

“Ayos l-lang ako… Sige na… M-Magpapahinga lang ako…” sabi ko, umaatras.

His piercing eyes told me that he’s dangerous right now… That I shouldn’t mess with whatever he wants. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“You have to eat… ilang oras ka roon?” his voice soft, almost a whisper.

Sinarado niya ang pintuan. Nanatili akong nakatayo malapit sa paanan ng kama. Dumiretso siya sa kama at umupo roon. He reached for my hands and he pulled me so I can sit near him.

May kumatok sa pintuan. Nilingon ko iyon. Baka sakaling iyon ang bisita ni Ali. Hindi pinansin ni Ali iyon. His eyes were all on me.

“You have a visitor. You should go and join them. I can’t… I just want to rest…” sabi ko, mas kalmado na ngayon.

Kumatok ulit ang kung sino galing sa labas.

“Mila, bukas ‘yan. Iwan mo sa ibabaw ng lamesa ang pagkain ni Thraia. Ako na ang bahala sa kanya…” malamig na sambit ni Ali.

Bumukas ang pintuan at agad na pumasok ang isang kasambahay. Nilapag niyon ang tray sa ibabaw ng lamesa. Sumulyap si Ali roon bago mataman tumingin muli sa akin.

“If you’re very tired, I’ll tell the doctors to come back here tomorrow so they can check you. I’m sleeping here…”

Pinasdahan niya ng tingin ang buong kwarto. He found a spanish type sofa… that’s not very comfortable if he’s thinking of sleeping there.

“H’wag na… You can sleep in your room. I’m fine alone…” agap ko.
Nagkatinginan ulit kami. “No… You were gone the whole day. I found you lying on the floor in your old house and I don’t know how long you were unconscious until I came.”

Hindi ako nagsalita. Inangat niya ang baba ko dahilan kung bakit nagtama muli ang aming mga mata.

“I am not fine when you are alone, Thraia.”

His thumb brushed my lower lip. Halos maubos ang natitira kong lakas sa kakahawak sa sarili kong ulirat dahil sa ginagawa niya. I’m trying to get a hold of myself and my reaction… trying not to hyperventilate because I’m so drained.

“Your lips are cold… damn it…” he hissed.

Yumuko ako dahilan kung bakit inangat niyang muli ang aking baba. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Do you remember me now?” halos bulong iyon.

Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Tumango siya, tila alam na ang sagot sa tanong.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.