Waves of Memories – Kabanata 16

November 11, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 16
Pest

Nanatili ako sa bahay sa sumunod na mga araw. Bukod sa hindi naman tatawag si Ivo sa akin, nawalan din ako ng gana para makiwifi roon.

I know for sure na si Ali ang dadatnan ko roon. Ang huli naming nagawa ay iyong sigawan.

Niyakap ko ang aking tuhod habang nakaupo sa bench namin sa labas. Ayaw kong aminin pero bahagya akong nasapul sa sinabi ni Ali.

Ivo didn’t say anything about our relationship. I’ve never been in one so I don’t know how it should all go. I think this is alright… pero dahil sa sinabi ni Ali sa akin, nadungisan na ang pananaw ko.

I feel like the lines were clear not until someone like Ali doubted it. Hindi dahil importante siya, kundi dahil malapit siya kay Ivo. Mas malapit siya rito kesa sa mga kaibigan nitong medyo nagdududa rin sa aming dalawa.

“Pssst!” a call from our neighbor’s terrace got my attention.

Sinulyapan ko na lang si Sage na ngayon ay may itim na sumbrerong suot. Pabaliktad ang pagkakasuot niya habang kinakawayan ako galing sa kanilang terrace.

“Ano?” tanong ko.
“Labas tayo, oh!” yaya niya.

I’ve been waiting for about anything to do something with my days. Hindi ko alam saan kami pupunta ni Sage pero gusto ko na lang ng may mapaglibangan. Kesa sa magmukmok ako roon sa bahay.

“Oo ba!” sigaw ko.
“Maliligo lang ako. Daanan kita riyan pagkatapos!”

Tumango ako. Tapos na rin naman akong naligo at ayos lang itong bihis ko. Paniguradong pupunta na naman ulit kami sa tiangge. Madalas iyong mamili ng kung anu-anong damit doon, e.

Napatingin ako sa gate namin nang may nakitang gumagalaw na imahe. Ali was riding the black horse. Tumigil iyon sa pagtakbo nang nasa kalsada na para tingnan siguro kung may dadaang bus. Sa malayo ay kita kong nakatingin siya sa akin.

Tumikhim ako at agad umalis doon sa kinauupuan ko. Of course, it’s been three days since that happened. Magtataka na si Ivo kung bakit hindi ako nakapag online sa loob ng tatlong araw kaya siguro’y pagkatapos ng lakad namin ni Sage mamaya, didiretso na ako sa kanila.

Sana lang ay manatili si Ali sa kung saan siya pupunta at ‘di na muna babalik. I don’t want us to see each other.

Sampung minuto lang ay tapos agad si Sage sa pagligo at pagbibihis. Bilib din talaga ako sa skill nitong kapitbahay namin.

“Sa tiangge tayo! Bili ka na noong dati mo pang gustong bilhin!” ani Sage sa akin.

Tuwing pumupunta kasi kami ng tiangge, siya lang itong laging may binibili. Ako, wala. May ipon naman ako at pwede ko nang bilhin iyong gusto ko. Iyon nga lang, I don’t know if I have the guts to really use it.

Tinignan kong mabuti ang kulay pink na lalagyanan ng isang kulay puting lipbalm na nagiging pink o pula kung tumatama sa labi. I want to buy it. They said it’s recommended for teens. But then, do I have the guts to use it? I don’t know.

“Bili ka na!” ani Sage pagkatapos itago ang supot sa biniling kung ano.

Pumili din siya ng lipstick. Seeing her do that is weird. I feel like it’s so out of character for her to buy it.

“Maglilipstick ka?” natatawa kong tanong.
Namula siya. “Hindi. Baliw! Ibibigay ko lang…” aniya.
“Sakin?” biro ko.
“Bumili ka nga riyan ng sayo! Alam ko namang si Ivo pinagpapacute-an mo tapos ako pinapambili mo ng sa’yo?” umirap siya.
“Bakit? Kapag ikaw ba ang pacute-an ko, ibibili mo ko?”

Ngumiwi siya sa akin at kinuha na ang isang lipstick. Pinalagay niya na iyon sa supot at bumunot na siya ng pera sa bulsa.

“Ang barat mo naman…” sabi ko at kumuha na rin ng sariling pera.

Binili ko na ang lipstick na gusto ko. Pagkatapos namin doon ay kumain na lang kami ng street foods at umuwi. May lakad pa raw si Sage pagkatapos at ayos lang iyon dahil pupunta rin ako sa mansyon.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salaming nasa aming sala. Nilagyan ko ng konting lipbalm iyong labi ko. Ilang segundo lang ay agad iyong naging kulay pink. I swiped another and it turned closer to red.

“Dapat pala isang swipe lang para pink lang…” sabi ko sa aking sarili.
“Ano ‘yan?” si Ate Ethel na nanonood ng TV ay napuna ang ginawa ko.
“W-Wala!” nahihiya kong binaba ang gamit.

Nilapitan niya ako agad. Malapad ang ngiti niya habang hinahawakan ang aking baba para mas makita ng mabuti ang ginagawa.

“Hala! Naglilipstick ka na?” aniya.
Uminit ang pisngi ko. “Wala! Sinusubukan ko lang!”

Humagalpak siya sa tawa tapos kinuha iyong binili ko. She tried it on her lips and then showed me how it’s done. One swipe on the upper lip and then tint the lowerlip with the upper lip.

“Ganito dapat para makontrol mo kung gaano ka pula o pink ang gusto mo…”

I was uneasy at first. The closest mother figure I have is my private tutor. Bukod sa kanya, wala na. I met Ate Ethel months before my father passed away. Kaya ngayong tinuturuan ko niya kung paano, I can’t help but feel warm inside. To feel like I have someone with me, a girl… a mother figure.

“Okay, ‘te. Ganyan na ang gagawin ko…”

Inayos niya ang mga takas kong buhok at nilagay niya lahat sa aking likod.

“Nakita ko pictures ng Mommy mo. Alam kong ‘di mo na siya nakita dahil namatay siya ilang araw pagkatapos mong isinilang… pero, Aia… Maganda siya. She looks just like you and how I wish you were my little sister… or even my daughter.”

Napangiti ako sa sinabi ni Ate Ethel. It’s touching to know that someone wants me to be her daughter.

Tinuruan niya rin ako na mag powder ng mukha. Simple lang pero mabuti na iyong amy gabay.

I walked out of the house feeling better. Tumawid ako ng kalsada at agad na dumiretso sa loob ng mansyon. I greeted Mang Ronnie, and the dogs on their cages. Wala roon si Bruno dahil madalas siyang pinapakawalan. Of course, he’s still a puppy.

Sumulyap ako sa kabalyerisa at bumuntong hininga nang nakitang wala roon si Ali. Maybe he’s still somewhere in their land with the black horse.

Dumiretso ako sa duyan kung saan ako madalas nakaupo. The metal creaked because of my sudden move. The phone beeped from the notifications and I quickly checked the ones from Ivo.

Ivo: We’re in Paris!

Naglagay siya ng picture niya kasama ang Eiffel tower. May mga gelato rin siyang pinakita at iba pang mga spots doon. He looks so happy. He sent that hours ago and he’s not online right now. I shouldn’t lose hope. Nanatili ako roon sa duyan habang nag scroll pa sa mga panibagong pictures na in-upload niya.

His classmates were commenting. I even saw some pictures of his friends, noong narito sila. I saw my pics and Ivo commented on it. Ali has pics, too. Iyong mga picture na naroon siya ang may pinakamaraming likes at comment.

He wasn’t tagged. I wonder what’s his account? I searched for Ali Mercadejas but I didn’t find it. Maybe he doesn’t have Facebook? Who doesn’t have Facebook these days?

Maraming nagko-comment na ang gwapo niya raw. Na sana raw ay mag-aral din siya sa North Western Colleges. They even shamelessly talked about his personal life in the comments section.

Joyce Go: Taga La Salle ‘yan, e. Kaibigan ng pinsan ko.
Bea Alforque: Talaga Joyce!? May gf na ba raw?
Joyce Go: Wala pa yata, e. Magtatanong ako.
Bea Alforque: Anong year at course?
Joyce Go: 3rd yr college, Business Administration ang alam ko.

So he’s a year older than Ivo and Zamiel, huh? So that means he must be graduating next year. Ilang taon na kaya siya? Twenty one?

There’s just no signs of Ivo even in other social media accounts so I just typed in my thoughts about his travels.

Ako: Nice place. Swerte mo! Show me more pics. I miss you.

I’m surprised that that’s the only thing I can type. Ilang araw din kaming ‘di nag-usap ah.

Humilig ako sa rehas ng duyan at pinikit ko ang aking mga mata. Ilang saglit ko pa lang na nagagawa iyon ay ginambala na ako ng tahol. Mabilis akong dumilat para makita si Ali na paparating at si Bruno na tumatakbo patungo sa akin.

I don’t know how to react. I don’t know if it’s right to smile at Bruno or what. Ali’s serious face told me that he hasn’t forgotten what happened the last time we talked. At hindi ko alam kung bakit patungo siya sa akin. Pu-pwede namang huwag na lang siyang lumapit, tutal ay hindi maganda ang naging usapan namin noong huli kaming nagkita.

“Bruno…” tawag ko sa aso habang tinatapik ang ulo niya.

Kahit na maaaring isang buwan pa lang siya’y medyo malaki-laki na. Panay ang talon niya patungo sa aking tuhod. Imbes na si Ali ang tingnan ko ay sa aso ko na lang dinirekta ang mga mata ko.

“Hi, Bruno!” bati ko ulit habang hinahaplos ang kanyang ulo.

He looks so happy. Ang kanyang buntot ay kumakaway sa akin at ang kanyang dila ay labas. Kakargahin ko na sana siya nang biglang lumuhod si Ali sa aking harap. Kinuha niya si Bruno. His other knee is kneeling while the other is up.

My breath hitched at his move. Inabot niya sa akin si Bruno dahilan kung bakit maagap ko namang tinanggap. So much for ignoring him!

“Bruno…” I called and petted him again.

Nilagay ko siya sa aking hita at sumulyap ako ng isang beses kay Ali. He’s looking at Bruno passionately but he tore his eyes off him to look at me.

Tumikhim ako at pinutol ang titig naming dalawa. Panay ang haplos ko kay Bruno. Hinalikan ko ang kanyang noo at agad kong naamoy ang bango niya.

“You smell good, Bruno…” puna kong wala sa sarili.
“Pinaliguan ko siya…” Ali said.

Hindi ako nagsalita ng ilang sandali. Patuloy ang haplos ko kay Bruno na ngayon ay gusto muling bumaba para tumakbo-takbo.

Kumawala si Bruno sa akin dahilan kung bakit lumipad ang tingin ko sa malayo. I thought Ali’s going to stand up to get Bruno but he didn’t. He remained kneeling in front of me… making me feel uneasy. He’s intimidating. Very intimidating. That to have him kneel in front of me feels so weird… like I don’t deserve it.

Hinawakan niya ang magkabilang rehas ng duyan na inuupuan ko. Sa sobrang balisa ko ay gusto kong tumalon palayo, iyon nga lang ay ayaw akong pahintulutan ng aking mga tuhod. They were on his favor. They couldn’t get up.

Tinagilid niya ang ulo niya habang patuloy akong tinitingnan. Ilang sandali pa bago ko napagtanto kung anong tinitingnan niya sa akin. I covered my lips with the back of my hands just so he’d stop staring at them!

Immediately, he removed my hand and he smirked. Mabilis kong binawi ang kamay ko para tabunan muli ang labi pero masyado siyang malakas.

“Why do you want to hide that?” he asked.

Uminit ang pisngi ko. I was positive that I looked redder than the setting sun on our left side.

“Let me see…” he said softly as he licked his lower lip.

Pinako niya ang dalawang kamay ko sa aking hita. Agad kong inilag ang mukha ko sa kanya. Pinagpapawisan ako ng todo at abot-abot na ang tahip ng aking dibdib.

“Looks good on you…” he said in a husky voice.

Halos ‘di siya marinig dahil sa tunog ng mga gangis sa paligid at sa tahol ni Bruno kung saan.

“However, you’re only fifteen…” sabi niya.
“I’m turning sixteen!” giit ko.
Umiling siya at nagtaas ng kilay. “Don’t wish to grow up very fast…”

Hindi na ako nagsalita. Nanatili kami sa ganoong ayos. And each moment, his hands grew tighter on my wrists. It hurts but I didn’t say anything. Nanatili ang tingin ko sa bermuda hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa akin.

The chains squeaked and I saw his eyes fixed on my lips. My heart is beating like mad. Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang unti-unti siyang lumapit sa aking labi.

My brain didn’t function. My heart was dominating everything in me. And it wants it to happen…

Lumapat ang kanyang labi sa akin ng isang beses and then he stopped a bit. Dumilat ako at nagkatinginan kami. Nakaliliyong tingnan siya ng ganito ka lapit.

He bit his lower lip and then tried to kiss me again, this time, he sucked on my lips like it was his favorite candy he’s determined to enjoy. Halos mahimatay ako sa kanyang mga halik at halos mahimatay rin ako nang tumigil siya. Everything was pitch black except his expressive eyes and the bits of sun rays from the setting sun, like dying embers trying to live and burn still.

He licked his lower lip again.

“Tumigil ka nga…” sabi ko at inangat ng bahagya ang kamay para man lang makakilos siya.

He did flinch. Maybe he lost his strength when we kissed.

And damn it, that was my first kiss. Kinabahan agad ako. First kisses should be given to people you really like. I like Ivo, but I haven’t given him that! Why did I… what the hell?

And damn I won’t tell him he’s my first kiss. Matutuyo muna ang mga dagat ‘tsaka ko aaminin sa kanya iyon! He should know that I’ve kissed Ivo a thousand of times already! And kissing him right now is nothing to me!

“Hindi ka naman marunong humalik, e…” I said that to make him see that that wasn’t my first kiss.
“And that’s according to someone who’s lips is a virgin, huh?”

Shit! Kinagat ko ang labi ko at agad na binawi ang aking kamay sa kanya. Nagawa ko iyon. His smirk is now all gone.

“Bakit mo ginawa ‘yon?” iritado kong sinabi sabay tulak sa kanya.

Tumayo ako. The chains creaked at my sudden movement. Nanatili siya sa ganoong ayos. He didn’t even look at my damn angry expression.

“Bakit mo ginawa iyon, Ali!?” mas iritado ko pang tanong.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Slowly, he stands up, towering over me. Hinampas ko ang dibdib niya para mapaamin siya. Anong sadya niya at bakit niya ako biglang hinalikan?!

“Come back here tomorrow…” his tone was as cold as ice.

Hindi siya makatingin sa akin. I sense fear, pain, and something else in his eyes. Something that he doesn’t want me to see.

“Don’t make me miss you…”

Para akong kay tagal na nanatili sa ilalim ng tubig sa pilit kong paghinga. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at agad akong napabangon kinaumagahan.

I’m sweating bullets because of a dream… or a memory… Ilang sandali akong nanatiling nakaupo habang iniisip ang mga nangyari.

My head ached. I stayed still for a while, processing everything that I remember.

I am beginning to hate myself… my old self… I’m beginning to realize what I have done and I don’t think that’s even half of what I have to remember.

Tulala ako habang nasa loob ng banyo. The cold water ran through the canals and slits of my body. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, hopeful for answered questions but it doesn’t happen when I want it to happen.

I closed the shower and changed into clean clothes. Isang dress na kulay peach ang sinuot ko at ang sandals kong binili ni Ali noon sa Carles.

Lumabas ako ng kwarto at binalingan ang pintuan kung nasaan ang kwarto ni Ali. I was about to go there to knock at his door when suddenly, I saw Mercedita show up from the other corridor.

“Si Ali ba ang sadya mo?” tanong niya.
Hindi ko na kailangang tumango. Who else do I want to talk to in this house, anyway?
“Umalis siya. Magkasama sila ni Zamiel ngayon…” anito.

Napalunok ako at bahagya na lamang tumango.

“Bumaba ka na. Nag-aantay si Senyora Domitilla sa’yo sa hapag…”

I nodded again. Tinalikuran ko siya para sa grand staircase. Bumaba ako at dumiretso sa alam kong dining area.

Indeed, Senyora Domitilla was there, having breakfast. She’s putting a jam on her bread. Nagtaas siya ng kilay sa akin at hinayaan akong umupo sa kung saan ako umupo kagabi.

Hinawakan ko ang tinidor at kutsilyo bago tumingin sa kanya.

“What are you looking at? Eat…” she said in a cold tone.

Agad akong kumuha ng pagkaing pinakamalapit sa akin. The pancakes looked great. Kumuha ako ng isa at nilagyan iyon ng butter at mapple syrup. Hiniwa ko ang isang pancake nang nagsimulang magsalita si Senyora.

“How much do you remember?” she asked.

Tumigil ako sa paghiwa para masagot siya ng maayos.

“Uhm… My meeting with Ivo… and Ali-”
“And in that meeting, were you already a slut?”

Parang may natapong malamig na tubig sa aking tiyan sa sinabi niya. She didn’t even blink when she waited for my response. It was intended for me to be hurt.

Was I a slut?

“My son and my grandson, both, in your small hands… like puppets?” she sneered.
Umiling ako.

Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ako humingi ng tawad sa isang kasalanang maaaring nagawa ko nga noon. Kung ano man iyon, alam kong sobra sobra ang nagawa ko. Pinagsisisihan ko iyon. Pero ang dating Thraia, pinagsisisihan kaya iyon?

“Were you so lonely that you wanted everyone, Thraia?” she said.

Wala akong maisagot. I want to believe that I’m not that kind of girl. I was sure I’m not that kind of girl but a part of me is telling me that I might’ve forgotten it… I probably was… I was a slut… Maybe… before the accident happen.

“You were not content of my son, you wanted my grandson, too?” mariin ang pagkakasabi niya nito.
“I-I’m sorry, Senyora, I don’t know anything. I don’t remember-”
“How unfortunate that must be for you! To not remember anything, Thraia! Bakit hindi mo pilitin! Iuntog mo ang ulo mo sa pader at baka sakaling makaalala ka na! Hindi iyong naninirahan ka rito sa amin, pinapakain ka ni Ali, na parang ahas na pwedeng manuklaw sa kanya kung sakaling bumalik na ang alaala!”

My tears fell as her voice became so intense.

Hindi ko maalala kung ano talaga ang nagawa ko noon. I want to believe that I’m a better girl than what she’s telling me but based on my last memory, it was possible that I did it to Ivo and Ali!

“Inabot pa kayo ng ilang buwan bago makabalik? So what if you get unconscious trying to remember everything! Sacrifice yourself! You’re nothing, anyway.”
“I’m sorry pero-”
“If you really are sorry, why don’t you try harder and remember! Why don’t you rip your brain open and remember what you did? Huh?”

Gusto kong lumaban. I am not like this. I don’t just cry without a rebuttal. I don’t just give in to pain but right now… right now… I just don’t think I can. Lalo na kung ako mismo ay wala na ring tiwala sa sarili ko.

Ganoon ba ako noon?

Anong ginawa ko sa kanilang dalawa at bakit ganito na lamang ang galit ng lahat?

Tumango ako habang bumubuhos ang aking luha. I understand what Senyora Domitilla wants. Kahit ano, gustong gusto ko nang makaalala. Not so I can finally set myself free, unlike my aim before… but so I can propely say sorry to everyone I have hurt.

Tumayo ako habang pinapalis ang aking luha. Uminom siya ng kape at nagtaas ng kilay.

“You’re a pest in this family! Kung sana ay natuluyan ka na lang sa aksidente mo!” she said.

Pumikit ako ng mariin at bumuhos pa lalo ang aking mga luha.

Am I that worthless that someone wishes for me to be gone?

Sana nga po natuluyan na lang ako. I won’t have to deal with all of these. I’d be with my parents and I’ll be happier.

I will feel the love of a mom I’m so eager to have. I will see Daddy happy and strong again. And above all, I won’t have any heartache. Sana nga ay natuluyan na lang ako sa kung ano mang aksidenteng iyon!

Nagtiim bagang ako habang pinapalis ang aking luha.

“Maiwan k-ko… po muna kayo…” sabi ko at agad na umalis sa hapag.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Waves of Memories – Kabanata 16