Waves of Memories – Kabanata 15

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 15

Kabanata 15
Mad

Hindi na ako nagtanong ng tungkol sa sinabi ni Senyora Domitilla. Sa mga tinanong niya pa kay Ali, puro maiiksi din ang sagot nito. I am terrified of asking Ali about it. I am terrified to know that he lied to me.

Sobrang sakit ng ulo ko pagkatapos kumain. It’s like someone is throwing daggers on temples. Nakakunot na ang noo ko sa sobrang sakit. Ali looked at me with concern in his eyes but I remained conscious and formal. Ayaw kong pahalata na may ganoong nangyayari sa akin.

“Mercedita, iakyat mo na siya sa kanyang kwarto…” utos ni Senyora Domitilla pagkatapos naming kumain.

Maagap na tumayo si Ali. Napatingin agad si Senyora sa kanya.

“Iyong guest room sa tabi ng kwarto ko siya matutulog,” anito.

Sumimsim si Senyora sa kanyang tubig at nagkibit lamang ng balikat.

Tumayo na ako at sumunod na kay Ali na ngayon ay sumusunod na rin kay Mercedita. When we left the dining area, everyone was so quiet. At kahit noong kaming tatlo na lang ay ganoon parin. Tanging yapak sa hagdanan ang naririnig.

“Ali, ang kanyang mga gamit ay nasa kwarto na…” Mercedita said as she walked towards the rooms.

Tumigil siya sa isang pintuan at agad na binuksan gamit ang kanyang susi. She then turned to us. Bumaling din si Ali sa akin.

“Dito ka matutulog. Ang kwarto ko ay iyong sunod na pintuan…”

Sumulyap ako sa kwarto na tinutukoy niya. And then I wonder why he didn’t want us together in one room. The thought that maybe Senyora Domitilla was right made my heart ache. He really lied to me, huh? He really did?

I never really trusted him in the first place so why does it hurt like he betrayed me so much? Hindi ko naman siya inasahang nagsasabi siya ng totoo pero may parte sa aking umaasang sana nga ay hindi siya nagsisinungaling!

I went inside of the room. Ali turned the lights on and I saw my things near the bed. Nilingon ko siya at sa mapupungay na mga mata ay ngumiti siya.

“Kung may kailangan ka, malapit lang ang kwarto natin. Gusto kong magpahinga ka ngayon. Mahaba ang naging byahe natin…” he said.
Tumango ako at umupo na sa kama.

The white sheets felt so good and light as I ran my palms to it. Unti-unting sinarado ni Ali ang pintuan para siguro’y makausap si Mercedita. Ganoon din ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata.

Hinaplos ko ang puting kumot sa aking kama bago tuluyang bumangon para sa isang panibagong araw ng tag-init.

Huling tawag ni Ivo, sinabi niya sa akin na pupunta ang mga kaklase niya sa kanilang beach. He never told me to go with them but I feel like I should watch them in their beach party. Tutal ay wala naman akong magawa.

Ang sabi ni Ivo, kasama dapat siya sa usapan ng mga kaibigan ngunit dahil sa trip sa Europa ay hindi niya nagawa. As a result, he promised to welcome them to their beach and give them snacks for the beach party.

Isang itim na beach dress ang suot ko pagkatapos maligo at kumain. Dumiretso na agad ako sa kabilang parte ng kalsada para mawala sa mga halamang gumamela na nakapalibot bago ang kanilang gate.

“Mang Ronnie, nandito na ba ang mga kaibigan ni Ivo?” tanong ko nang sinalubong ng sekyu.
“Oo. Nasa baba na kasama sina Zamiel at Kajik…”

Tumango ako at sumulyap sa kabalyerisa. Naroon si Ali, kausap ang tagapangalaga sa mga kabayo. Nadatnan niya ang tingin ko dahilan kung bakit dumiretso ang tingin ko sa kanilang bulwagan.

Doon, nakita ko rin ang iilang kasambahay na may dalang tig-iisang tray ng mga pagkain. Pababa iyon sa batuhan at hula ko’y para sa mga kaibigan ni Ivo ang mga iyon. Agad kong pinuntahan ang mga kasambahay para sana sumilip na rin sa kung ano ang nangyayari sa baba.

“Imbitado ka ba?” the cold baritone made me almost jump.

I feared that question from anyone… lalo na sa kanya. Of course, I’m not invited! I invited myself here but is there a problem?

Nilingon ko si Ali, trying hard not to sweat so much. He has his clothes on so this should be easy pero nang nakita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi ay parang nanuyo ang lalamunan ko.

“Hindi. Ano ngayon?” maarte kong sinabi para pagtakpan ang nararamdaman.
“Oh. I thought you were… Mga kaibigan ‘yon ni Ivo, akala ko kasali ka sa kanila. Na late lang…”

Hindi ko alam kung may meaning sa sinabi nito o ako lang ang nagbibigay noon. Nilagpasan ko siya at bumaba na sa stone pathway para tuluyan ng makita sa barandilya kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan ni Ivo.

Napahinto ako roon sa may barandilyang kita ang lahat. The white sand beach of Costa Leona is screaming of summer. Sa isang maliit na barung-barong ay nagtitipon ang mga kaibigan ni Ivo. There were about ten of them, including Kajik and Zamiel. I didn’t know they are friends, too. Pero kung sabagay ay magka age naman si Zamiel at Ivo.

Olive is sporting a one piece swimsuit. It showed her cleavage. Her hair is in ponytail and her lips were red from her lipstick. Shameless girl. Kahit nasa beach ay nagsusumigaw ang kapulahan ng mga labi galing sa lipstick?

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang suot din ng iba pang kaibigang babae ni Ivo. Ang mga kasambahay ay kitang kita sa kanilang uniporme at sa mga tray na dala.

“Bumaba ka na roon kung gusto mo…” biglang nagsalita ulit si Ali sa likod ko.

Kumunot ang noo ko at bahagyang umusog sa dulong bahagi ng barandilya para bigyan iyang kanyang espasyo. I feel like he needs a lot of space,not because of his built, buy because his aura would only bother me.

“Tiningnan ko lang naman!” sambit ko.

Humilig siya sa barandilya. Napatingin ako sa kanyang braso na agad umigting dahil sa kinilos. His eyes were deep and now hooded as it adjusted to the rays of the sun.

The girls from the shack went out for a photo op. The boys cheered as they girls did their sexiest poses. Bahagyang humalakhak si Ali habang tinitingnan ang mga babae.

Ngumuso ako at paulit ulit na binalikan din ang mga kaibigan ni Ivo, tinitingnan kung alin diyan siya natutuwa.

“Anong pangalan noong naka kulay brown na two piece?” tanong niyang bigla.
“Bea…” sabi ko.
“How ‘bout the girl in red lipstick? What’s her name?”
“Si… Olive…” nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Ali na nanatili ang ngiti sa labi habang tinitingnan ang mga babae.

I wonder if he’s the same age as Ivo or a bit older? Naputol ang titig ko nang may tumawag sa kanya galing sa baba.

“Ali! Halika rito!” si Kajik iyon.

Tumuwid sa pagkakatayo si Ali. The girls all watched us because of Kajik. Bahagya rin akong napaatras, ayaw ko kasi ng tinitingnan ng lahat. Nagbulong-bulungan ang mga babae at naghagikhikan.

Bago pa ako makaalis doon ay biglang tumunog ang cellphone ko. I quickly opened it to see Ivo’s call.

Dali-dali kong binuksan ang aking cellphone. Ivo’s face came to the screen. Sumulyap ako kay Ali na ngayon ay pababa na ng dalampasigan.

“Hi!” Ivo said in a husky tone.
“Hello!” sabi ko sabay kaway.
“Nasa bahay ka, ah? Nariyan ba ang mga kaibigan ko?” he asked.
“Yup. Uh, they’re with…” I changed the direction of the camera.

Vinideo ko iyong nangyayari sa baba. Kajik welcomed Ali to the group and the girls lined up for the introduction. Tumawa si Ivo sa nakikita. Nagtiim-bagang naman ako at binalik ulit ang direksyon ng camera sa akin.

“You should join them…” aniya.
“No thanks…” maagap kong sinabi.
“Ba’t hindi? Look, don’t worry about Olive, okay? We’re just friends…”

Hindi ako nakasagot. Nanatili ang tingin ko sa screen ng walang reaksyon.

“Thraia…” tawag niya.

Doon lang ako parang natauhan. Nakita kong nasa isang busy place si Ivo. It looks like a terminal, a train station, or an airport? I’m not sure.

“Nasaan ka?” tanong ko, now concerned.
“I’m with my parents and some relatives…” ipinakita niya sa akin kung sino ang kasama niya.” Thraia, baka hindi ako makatawag ng regular basis sa’yo. We’ll be moving from one place to another because of our planned trip…” aniya.
“Huh? Saan naman kayo pupunta?” tanong ko.
“Sa iba’t ibang lugar sa Europa. Huwag kang mag-alala, I’ll chat you the places and the updates. ‘Di nga lang ako makakatawag sa exact time but I promise you if you’re online and I am, too, I will call you immediately. Okay?”

Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang ay parang nadidismaya na ako.

“This might be my last call at this time now. Bukas, baka chat na lang muna kapag naka online ako. Okay? Don’t worry. I’ll be home before May ends…”
“Okay… I’ll wait…” sagot ko pagkatapos ay nagpaalaman na kaming dalawa.

Binaba ko ang cellphone ko at pinagmasdan na ngayon ang mga kaibigan ni Ivo. Loud electronic music boomed from what seemed a speaker and everyone was dancing. Kahit si Zamiel at Kajik ay nakikisali na sa mga kaibigan ni Ivo. Nakaupo naman si Ali at nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang mga pinsan na nagkakatuwaan. Two girls were standing beside Ali, trying to strike a conversation. Naroon din si Olive na mukhang kinakausap nga ni Ali.

The girl with the red lipstick, huh? He finds her striking because of that?

Bawat baitang na binabaan ko ay tumitigil ako at nag-iisip kung tama ba ang ginagawa. Nakaalis na ang mga kasambahay at tapos na yata ang paglalagay ng mga pagkain doon sa kanilang lamesa habang ako’y pababa.

“Uy! Thraia! Halika rito!” puna ni Zamiel nang nakita akong paunti-unti ang baba sa bawat baitang.

Lumingon sa akin ang mga kaibigan ni Ivo. The girls smiled at me, even Olive. Well, I’m not really sure what kind of girl she is but based on the comments of other people, she’s nice. I just hate her because she likes Ivo.

Ngumiti ako at unti-unting bumaba. Nanatili si Ali sa kanyang ayos habang tinitingnan akong pababa. Olive suddenly told him something kaya dinirekta nito ang tingin sa babae.

“Hi, Thraia! Halika, picture tayo!” sabi noong isang kaibigan ni Ivo.

I’ve met them but I never memorized their name. Pinakilala na ako ni Ivo sa kanila but I find them unimportant so I only remember some… like Olive, of course.

Hinatak ako ni Bea patungo sa dalampasigan at ang dalawang babae ay umakbay na sa akin na tila matagal na kaming magkaibigan. At first, I smiled shyly at the camera but later on I became comfortable.

Noong nilingon ko sila ay ‘tsaka ko pa lang napagtanto kung ano ang mga maaring kuha sa camera. They’re all wearing swimsuits while I’m wearing a brown dress. I feel so out of place.

“Sisilong lang ako…” sambit ko at lumapit sa kung nasaan ang mga lalaki.

The boys were drinking beer. Ngumiti sila sa akin nang dumaan ako roon at may isa pang tumayo para lang pagbigyan ako ng upuan.

“Thanks…” sabi ko.

Nagtawanan ang mga babae at lumapit na sa mga pagkain. Most foods were either grilled or fried. The nachos were everyone’s favorite. Iyon ang pinuntahan ng mga babae pagkatapos noong picture-picture e.

Lumapit si Olive sa kanila at nakikain na rin noong nachos.

“Ali, gusto mo?” Olive turned to Ali.
Ngumiti lamang ito kaya kinuhanan siya ni Olive ng iilan sa isang platito at agad na pinuntahan sa kanyang kinatatayuan.

Kukuha na sana si Ali sa platito nang inilag iyon ni Olive. She raised her index finger and shook her head.

“Nah-uh!” aniya sabay ngiti.

Kumuha siya ng isang nacho. She dipped it to the sauce and then raised it in front of Ali’s mouth. Tumawa si Ali at tinagilid ang ulo.

“Sige na, please?” she pleaded.

Hinawakan ni Ali ang kamay ni Olive para igiya ito sa kanyang bibig. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Naputol lang ang iritasyon ko nang may biglang umakbay sa akin.

Kajik laughed when I slightly got shocked at his move.

“Bakit hindi ka-”

Hindi ko siya pinatapos dahil sa iritasyon ko. Hinawi ko ang kamay niyang nasa aking balikat para mahulog ito at tumayo ako para lumayo sa kanya.

“Oh, Thraia!” maagap niyang sinabi.
“Ginugutom ako…” sabi ko at dumiretso sa tray kung nasaan ang mga Nachos.
“Ah! Gusto mo rin pala ng Nachos…” sabay hagikhik ni Kajik.

Two girls, including Bea, went to Kajik to keep him busy while I was there in front of the tray trying to put some nachos on the paper plate.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang thong nang aksidente kong naitulak ang tray dahilan kung bakit nahulog ang lahat ng nachos.

“Oh shit…” agad kong nilagay ang plato sa gilid para sana agapan ang nangyrai pero huli na ang lahat.

Natahimik ang mga nag-uusap usap nang nakita ang nangyari. Agad na lumapit ang iilang lalaki para tulungan ako. Ilang reklamo ang natanggap galing sa mga babae.

“Sayang naman! Masarap pa naman. Natapon ang lahat…” sabi noong ‘di ko kilala.
“Natapon?” tanong naman ni Olive.

I can’t help but roll my eyes at her remark. It’s obvious, alright? Ganunpaman ay sinubukan kong kunin ang mga Nachos na natapon doon.

“Hayaan mo na ‘yan, Thraia…” Zamiel said.
“Kuha na lang ulit sa taas?” si Bea.

Tumayo ako at pinagpag ang mga buhanging nasa aking kamay at nilingon ang mga nakatingin.

“Kuha ka na lang ulit sa taas, Thraia, ayos lang?” isang babae pa ang nagsabi.
Siniko ni Olive iyong babae. Kumunot naman ang noo noong babae kay Olive.
“Siya naman ang nakatapon…” sabi nito.
Tumango ako at hinawi ang buhok sa aking balikat. “Oo nga. Ako na ang kukuha.”

Pinulot ko ang tray ng natapon at tumayo muli. Nang nakatayo na ay naroon na si Ali sa harap ko. He smirked and I feel awful. Pakiramdam ko ay kahiya-hiya na nga na narito ako, masyado pang nakakahiya na nautusan lang ako dahil sa nangyari.

“Kukuha na nga ako, e…” sabi ko para mapigilan siya sa kung anu man ang iniisip.
Tumango siya. “Sasamahan na kita…”

Namilog ang mga mata ko. Lalo na nang kinuha niya ang tray sa aking kamay. He shook off the remaining nachos so clean the whole tray before turning to the girls.

“Huh? Ali, hayaan mo na lang si Thraia. Tutal ay sasamahan naman siya ng mga kasambahay, panigurado…”
“Hindi na. Sasamahan ko siya…” anito at nauna nang maglakad palabas doon.

Sumunod ako sa kanya nang ‘di tinitingnan ang mga babae. Sa sobrang kaba ko ay wala na akong imik habang umaakyat kami sa stone stairs. Panay ang tingin ko sa tray na dala niya habang nauna siya sa pag-akyat.

Akala ko tutuksuhin niya ako sa nangyari. O ‘di kaya’y papagalitan pero nanatili naman siyang tahimik habang naglalakad kaming dalawa. Now, I don’t know if I have the guts to go back there. Parang gusto ko na lang umuwi dahil sa kahihiyan.

“Anong nangyari?” tanong ni Mercedita nang namataan ang pagpasok ni Ali sa bulwagan.
“May Nachos pa ba?” tanong niya.

Nilipat ni Mercedita ang tingin sa akin. Yumuko ako. I can’t help but respond in a guilty manner. Hindi ko naman iyon sinasadya.

“Meron pa, sa kusina. Ang mga kasambahay na niyan, Ali…” ani Mercedita pero hindi nakinig si Ali.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa kusina. Nilapag niya ang tray sa counter at kumuha ng bago.

“Anong gusto mo, Ali?” tanong ng isang kasambahay.
“May natitirang Nachos pa ba?” he asked then glanced at me.

Nasa hamba ako ng pintuan. Nahihiya akong pumasok. Pero hindi ko naman pwedeng iwan dahil kasalanan ko naman.

“Meron pa. Bakit? Ubos agad ‘to?” the woman asked.
“Natapon…” sagot ni Ali.
“Ako na maglalagay sa bagong tray…” sabi ng kasambahay at ganoon nga ang ginawa nito.

Nanatili si Ali sa gilid ng kasambahay habang ginagawa iyon. Paminsan minsan siyang sumusulyap sa akin.

“Ubos na, ha. H’wag nang itapon…” sabi ng kasambahay nang natapos.

Kinuha ni Ali ang tray nang ‘di na nagsasalita. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad namang bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. Lumapit siya sa akin, dala ang tray sa isang kamay. Hinigit niya ang braso ko paalis doon sa kitchen para na rin siguro maihatid na namin iyon sa baba.

“Hindi na ako pupunta roon…” sabi ko at binawi ang braso ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. His eyes were deep and serious now.

“Bakit?”
Umiling na lamang ako. “Uuwi na ako…”

His jaw clenched right after I said that. Huminga siya ng malalim at bumalik sa kitchen. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

“Oh, Ali?” nagulat din iyong kasambahay.

Kumuha si Ali ng isang plato at nilagyan niya iyon ng mga Nachos. Napalunok ako nang napagtanto kung ano ang ginagawa niya. Pumasok ako sa kitchen at lumapit sa kanya. Nag-iingat siya sa kanyang ginagawang paglalagay ng Nachos sa plato.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko.
“You want this, right?” he asked.

Hindi na ako sumagot. Iyon nga ang iniisip kong ginagawa niya. Tinatabihan niya ako ng nachos. Nang natapos siya sa kanyang ginagawa ay nilingon niya ang isang kasambahay.

“Marian…” tawag ni Ali.
“Po?” sabay tingin ng kasambahay.
“Pakihatid nito sa kanila sa baba…”

Tumango ang kasambahay at walang pag-aalinlangang kinuha kay Ali ang tray. Ali pulled a high chair and he swiftly sat on it. Tinuro niya naman ang isa pang upuan sa aking tabi. Nagtaas ako ng kilay.

“Dito na tayo kakain…”

Nilingon ko ang upuan. Lagpas baywang ko iyon. Humawak ako sa counter at inapakan ko ang tungtungan ng paa para makaupong tulad kay Ali. I’m not sure what I’m doing and Ali probably notice how awkward it is. Tumayo siya at hinawakan ang baywang ko para maalalayan.

Halos nanigas ako sa hawak niya. Uminit ang pisngi ko at bigla biglang lumakas ang pintig ng puso ko.

I can sense that he’s sensed what I’m feeling. He removed his hand on me and then he went back to his high chair. Inayos ko ang sarili ko habang nakaupo at tumikhim na lamang para ‘di ipahalata ang nararamdaman.

“Ba’t ‘di ka bumalik doon?” Thank God for an immediate question. Nice work, Thraia!

Kumuha siya ng nacho at agad na sinubo. His jaw tightened as he chew. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang napansin na masyado akong nakatitig kaya kumuha na rin ako ng isa pang nacho at kinain.

“Not fond of parties…” he said matter of factly.
“Wow! That’s surprising!” hindi ko na napigilan ang sarcasm sa tono. “I mean… hindi halata.”

Hindi ako makatingin sa kanya. He’s just too much and being this close means having too much of what’s already too damn much!

Tumawa siya sa sinabi ko. My uncomfortable feeling lessened. I tried to look at him, he’s staring at me like I’m the only thing that’s interesting in this place. Luminga linga ako. Right. Ako nga lang ang interesante sa kusinang ito! Don’t think too much, Thraia.

“Maraming parties sa Manila. It’s unusual for someone who’s raised there to say that…” sabi ko.
“You sound like you’ve been to Manila? Or is that what the TV is telling you?”
“I was born in Manila. Ilang taon din kami ng Daddy ko roon bago siya nagpasyang dito na manirahan. We were always invited to parties… of his friends and colleagues…” sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at tumango. The ghost of his smirk is almost surfacing and I hate that I think he’s amused by this conversation. Well, I’m not.

“And you moved here in Costa Leona to…” he probed.
“Kailangan namin iyong bahay ni Mommy. Hindi naman sana kami magtatagal pero nagkasakit si Daddy kaya ayon…” sabi ko. “Now, my father’s dead, too.”

Ngumiti ako para itago ang pait. Gusto kong dugtungan ng “I’m stuck here all alone…” but that’s just morbid. I don’t want him to think that I’m sharing too much.

“You’re alone in that house?”

‘That house’? Does that mean he’s seen our house?

“I’m with Alejandro and his girlfriend, Ate Ethel…” sabi ko.

Kumuha ulit siya ng nachos at kumain. Ganoon din ang ginawa ko. Naputol ang usapan namin nang pumasok si Mercedita.

“Ali, tinatanong ni Zamiel kung bababa ka pa raw…” sabay diretso nito sa ref para kumuha ng isang bote ng wine na siguro’y pinapakuha ni Zamiel.
“Hindi na… pakisabi…” ani Ali.

Namilog ang mga mata ko. He acted as if that’s just nothing. Kumuha ulit siya ng nachos at sinubo. Hindi na ako nakakain muli.

“Ba’t ‘di ka bababa? Bumaba ka na. The girls are… having fun with you…” I said, feeling funny inside.

Kailan pa ako naging plastik? I was never really this quiet about my true feeling.

Umalis si Mercedita kasama ang natitirang kasambahay upang maihatid na iyong gusto nila. Kaming dalawa na lang ni Ali sa kusina ngayon.

“I’m not fond of parties…” ulit niya.

Ngumuso ako habang sumasagi sa aking isipan ang imahe niya na sinusubuan ni Olive ng nachos. Napatingin ako sa labi ni Ali. He was staring back at me when I did that.

“Ikaw, gusto mo bang bumalik?” tanong niya.
Umiling ako. “Uuwi na nga ako, e…” sabi ko.
“Bakit? Are you so bored here?”
“Ivo’s done with our daily call. He won’t be calling again so I think I don’t have anything here…”

Hindi siya agad nakasagot. Nagsalin lamang siya ng tubig sa baso at binigay sa akin.

“Thanks…” I said.

Nagsalin na rin siya ng tubig sa kanyang baso bago tuluyang binasag ang katahimikan.

“Nanliligaw siya sa’yo?” isang malamig na tono ang ginamit niya.
Mabilis akong umiling ng dire diretso.

I like Ivo but I don’t want to spread false rumors about us… not even to prove that we’re more than friends now!

“Naku! Hindi…” sabay tawa ko.

Kumunot ang noo niya. I can sense that he’s not pleased with my answer. Sumimsim siya sa kanyang baso at muling idinirekta ang titig sa akin.

“Does he like you, then?” I can sense something in his voice.

Hindi na ako makangisi ngayon. Pakiramdam ko, hindi iyon atake para kay Ivo, atake iyon para sa akin.

“Hindi ko alam. Baka. He won’t be calling me everyday if he doesn’t, r-right?” Damn, I sound pathetic.
He nodded but I can sense his deep thoughts.
“Ang importante naman kasi rito, pareho naming ipinapakita na gusto namin ang isa’t-isa. I make him feel special and he makes me feel special too. I tell him I like him. That’s enough for me…” agap ko nang napagtantong nag-aalinlangan na siyang maniwala sa estado namin ni Ivo.
“Really?” now he sounds sarcastic.

Nagtaas ako ng kilay at agad na bumaba sa upuan. I hate that he sounds so doubtful and sarcastic. Ang pinaka ayaw ko talaga ay iyong may nagdududa sa amin ni Ivo. Naaalala ko kung paano ako asarin ng mga babae sa school dahil “umaasa” lang daw ako. Naiirita ako sa mga nagsasabing kung gusto raw ako ni Ivo, dapat noon niya pa ako niligawan! We don’t want to make it fast, alright? Some people want to take everything slow! And I thought Ali has better ideas about it, now he proved me that his ideas were like them!

He was shocked at my sudden move. Kitang kita ko ang pagkakatigil niya sa ginagawa.

“If you doubt it, then that’s okay. Sanay ako na may mga ganyang pag-iisip!” sabi ko.
“Wait…” pigil niya sa aking pag-ambang aalis.

Bumaba siya sa high chair at agad akong hinarangan sa dadaanan. I swear I want to curse so loud when our bodies almost touched.

“Tumabi ka nga. Uuwi na nga ako, e!” sabi ko.
“Tinatanong lang kita. Why are you suddenly mad? What are you mad about?”

Humakbang siya palapit sa akin dahilan kung bakit ako napaatras. Mas lalo lang akong napuno ng iritasyon. Why can’t I properly control my reactions? What the hell?

“I’m not mad!” sigaw ko. “I just don’t understand why you doubt whatever’s between us like…” natigilan ako nang may napagtanto.
“Maybe we just don’t think alike, okay? When I like someone, I don’t wait for things to fall into place-”
“Are you doubting Ivo-”
“I don’t want my girl to walk in front of so many damn boys without me telling everyone that she’s mine so I don’t understand how that works for Ivo and how it can work for you!” sabi niya sa matigas na ingles.

Nagkaroon ako ng lakas para itulak siya palayo. All my intuition suddenly fits.

“So ang sinasabi mo, hindi maganda ang ginagawa ni Ivo sa relasyon namin? Na dapat ay nililigawan niya na ako ngayon, ganoon ba?” sigaw ko.

Hindi siya nakasagot.

“Anong pakealam mo? Hindi naman ikaw si Ivo! Hindi naman kayo pareho ng iniisip, e! Kaya ko siya nagustuhan dahil ganoon siya! Kaya h’wag mo kaming pangunahang dalawa!”

Umirap ako at nilagpasan agad si Ali. My heart is beating like a thousand drums being hit by Spartans. Damn it!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.