Waves of Memories – Kabanata 14

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 14

Kabanata 14
Hurt

Senyora Domitilla Mercadejas wouldn’t even look at me as we walked in front of the huge spanish inspired mansion. Hindi ko alam kung alin ang mga unang pupunahin ko, the changes of the plants and garden, Senyora Domitilla’s treatment or Ali’s careful reactions.

The dogs were barking from where they are. Sinuyod ko ang mga cage at agad na naiwan ang mga mata ko sa isang malaking aso. I don’t remember much but if I’m not mistaken, that’s Bruno.

Slowly, I went to the cage and his bark softened. Umikot-ikot ang aso nang mas lalo akong lumapit at tumigil nang nasa tapat na ako ng kanyang cage. Funny how he can remember me when I couldn’t even remember anything except the part where his sister died.

“Zamiel, why are you here?” tanong ni Senyora Domitilla sa isang malamig na tinig.

Nilingon ko silang muli. Ali is behind, looking at me. The other two were standing behind him talking.

“I will be back in Manila tomorrow…” mariin ang boses ni Zamiel nang sinabi iyon.
“Pumasok na tayo sa loob, Ali. Baka lumamig ang hapunan kapag nagtagal tayo rito sa labas…” sabi ni Senyora at nagpatuloy na sa paglalakad.

Sumunod kami ni Ali sa dalawa. May dalawang naka unipormeng kasambahay ang nasa bulwagan na bumati kay Senyora. Dire diretso naman ang lakad nito patungo sa alam kong dining area.

The furniture of the house were changed but most of them look as antique as what I remember. May mga bagong kuwadra at muwebles. Busog ang mga mata ko sa mga pagbabagong nakita ngunit ang sahig at ang kisame ay pareho lamang ng dati. The swoosh design of the marble floor looked elegant when illuminated by the light of the biggest chandelier above the grandiose staircase. Ang kisame ay may mga anghel dala ang mga instrumento at mga sibat na panlaban sa kung sino.

Nang bumaling ako sa pintuan papasok ng dining area ay namataan ko agad si Mercedita. She aged. Her hair is a bit gray and the skin below her eyes sagged. Nanatiling malamig ang tingin niya sa akin.

“She doesn’t remember anything, Mercedita…” sabi ni Senyora bago ito umupo sa gitna.

Tumango si Mercedita at bumaling sa iba pang kasambahay para manduhan ng kung ano.

Zamiel took a seat beside Senyora. Si Ali naman ang sa tapat niya at ako sa gilid ni Ali.

The lighting of the dining area is dimmer than what I remember. Well, I guess there’s plenty of changes for those lost years.

Walang imikan habang nilalagay ang mga pagkain. Kahit na gutom ako ay hindi ako agad natakam sa mga iyon. I was more preoccupied than my coming back.

Nang nagsimula nang kumain ay nilagyan ni Ali ang aking pinggan ng kanin. Siguro’y sa loob ng dalawang tatlong buwan niyang ginawa ito, alam niya na ang tamang dami ng gusto kong kainin.

Zamiel and Senyora Domitilla looked at us closely. Bumaling din ako kay Mercedito na ganoon din ang tingin.

“Which one do you want?” Ali asked softly as he scanned the food in front of us.
“A-Ako na…” sabi ko at kinuha ang kutsara.

Ang lamig ng bakal sa aking daliri ay kumalat sa aking palad, kamay, at buong katawan.

Kinuha ni Ali ang adobong baboy at nilapit sa akin. Kumuha agad ako ng ilang piraso para maibalik niya na agad.

Nagsalin din siya ng sabaw sa dalawang bowl sa gilid. Isa para sa akin. Isa para sa kanya.

Parang tumigil ang oras habang tinitingnan ko ang ginagawa niya at bumuhos muli ang alaala kung ano ang nangyari ilang taon na ang lumipas.

“Bakit ka nagpupupunta parin diyan sa mga Mercadejas? Hindi ba nasa ibang bansa si Ivo?” tanong ni Alejandro nang nadatnan akong palabas ng bahay.
“May aso kami ni Ivo, inaalagaan ko…” palusot ko kahit na ang totoo ay gusto ko lang talagang makiwifi at baka sakaling sa ngayon, ma contact ko na si Ivo.

Hindi naman ako pinigilan ni Alejandro. Hinayaan niya akong pumunta roon.

“Salamat Mang Ronnie…” sambit ko nang pinapasok ako agad ng sekyu.

Tumango lang si Mang Ronnie at hinayaan akong tumakbo patungo sa bakal na duyan. Pumwesto agad ako roon habang tumutunog ang iilang notification sa aking cellphone dahil sa pagkakakonekta sa wifi.

For minutes, I kept on staring at the screen waiting for something to happen. I searched for the time that moment in Switzerland. Tiningnan ko na rin kung online ba si Ivo ngunit hindi. Nagchat siya sa akin nang ‘di ako konektado sa internet kaya ngayon ko lang nabasa.

He sent me a picture of a huge mountain covered in ice. Tapos iyong mukha niya at ang kanyang mga paang nakabaon sa nyebe. I smiled. He’s having fun, huh?

Ivo: How are you? I miss you.
Ivo: Mag s-skiing kami. Wish me luck!

I typed in.

Ako: Good luck! Nasa bahay n’yo ako ngayon nag-aantay na makachat ka pero kung nag s-skiing ka, ayos lang. :) Dito na lang muna ako magpapalipas ng oras. Isa pa, si Bruno, aalagaan ko rin.

Nanatili ang mga mata ko sa screen hanggang sa nabagot ako. I was about to turn my wifi off when I heard my phone beep. Online na si Ivo!

Ivo: Gotcha!
Ako: Yehey!

Immediately, my phone beeped for a call. Para akong uod na binudburan ng asin habang pinipindot ang pagsagot noon.

“Hi!” sabi ko nang nakita siya sa screen.

He’s inside a cabin. Halos umusok ang hininga niya dahil siguro sa lamig. Balot na balot ang buong katawan niya at namumula ang kanyang pisngi.

“Hi! I miss you…” aniya.
“I miss you too.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi.

Ipinakita niya ang lugar. Pinanood ko ang mga lugar na pinupuntahan niya habang nakangiti.

“Mags-skiing kami ngayon. Hindi pa ako marunong pero susubukan ko araw-araw habang narito kami…”

Ngumiti ako. I want so bad to ask if when he’s gonna be back but I don’t want to be rude. I know he’s having a great time there. At sa panahong ito, mas gugustuhin niyang manatili roon kesa umuwi rito.

“Naku! Mag-ingat ka ha?” maligaya kong sinabi.
Tumango siya. “Syempre. Kumusta ka riyan? Are you bored?” he laughed.
“A little. Pero ayos lang!” sabi ko.
“Uuwi rin ako. Kaya huwag kang mag-alala, okay?”

Tumango ako at ngumiting muli. I can’t help but get a little touched by his words. After a few reminders, he put the call down dahil may mga gagawin pa siya.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid pagkatapos ng tawag. Napalitan ng huni ng gangis at kung anu-ano pa.

Huminga ako ng malalim at bumagsak ang aking balikat. Nilingon ko ang asul na dagat na tanaw sa kaliwang bahagi ko. Mga yapak galing sa bermuda ang dahilan ng nagpabaling sa akin sa salungat na banda.

Patungo sa akin si Kajik at Zamiel. Tumuwid ako sa pagkakaupo. The boys looked like they were about to go to school but they found time to come near me.

Sa likod ni Zamiel ay nakita ko ang isa pang lalaki. His brooding and cold eyes sent shivers down my spine. It was like he was really aiming for me unlike these two who looked hesitating.

“Hi, Thraia!” bati ni Kajik sa akin.
“Hello…” I awkwardly said.

Umupo siya sa tabing duyan. Si Zamiel ay nanatili sa gilid nito.

“Katawag mo si Ivo?” tanong ni Kajik sa akin.
Tumango ako at nilingon siya.
“Buti ka pa, tinatawagan niya. E, kaming mga pinsan niya, ni chat, wala…” humalakhak si Kajik, looking very hopeful for a call from his cousin.
Zamiel laughed. Kumunot ang noo ko.

Humina ang lakad ng lalaki sa kanilang likod. Bumaling si Zamiel doon at agad na nagtaas ng kamay. May sinabi ito sa lalaki.

“Kayo ba ng pinsan ko?” tanong agad ni Kajik sa akin.

Panay ang iling ko sa sinabi niya. My face heated and I think I’m immediately a mess because that question!

“Then does that mean pwede kitang ligawan?” maligaya ang tono ni Kajik. Kung hindi ko lang siya kilala ay iisipin ko nang seryoso siya.
“Kajik…” tawag noong lalaki sa isang baritonong tono.
Bumaling si Kajik sa lalaki. “What is it, Ali? Thraia looked lonely here…”

Tumayo si Kajik at binalingan ang dalawa. Lumapit si Zamiel sa kay Kajik.

“Thraia, sorry at gusto pa sana naming samahan ka pero may pasok pa kami ngayong ala una. Nagtanghalian ka na ba?”
Tumango ako. “Sa bahay.”
Naging pormal si Zamiel ngayon. “Kung gusto mong mag meryenda, h’wag kang mag atubiling pumasok sa loob para makakain.”

He then smiled at me. Kajik smiled at me too before they turned to their cousin.

“Pasok lang kami. Chill…” sabay tapik ni Kajik sa balikat nito.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa nakaalis. Isang sulyap ang ginawa niya sa akin bago siya dumiretso sa malayong kabalyerisa upang maiwan ako roon.

Nanatili ako sa duyan habang pinagmamasdan siya. Kinausap niya ang tauhang naroon. Ngumuso ako habang nilalabas niya ang isang itim na kabayo. Inamo niya ito habang unti-unting dinidirekta roon ang tubig para makaligo ito.

Naisip ko na sa kanilang apat, siya ang pinaka suplado. Friendly naman si Ivo. Iyon pa nga ang dahilan kung bakit masyadong marami ang nalilink sa kanya. Pati si Zamiel at Kajik ay mukhang masiyahin at friendly din. Ang isang ito ay masyadong suplado. Feeling-hari.

“Oh, Thraia. Tumawag si Ivo para sabihing papasukin ka raw sa loob…” si Mercedita’y lumabas pa talaga para sabihin iyon sa akin.

Pumasok ako sa bulwagan. Umupo ako sa isang sofa na kita diretso ang labas kung nasaan ang kabalyerisa. Abala parin ang lalaki sa pagpapakain at pagpapatubig sa itim na kabayo.

Naglapag si Mercedita ng meryenda sa aking harap at hindi man lang naagaw ng pagkain ang aking tingin.

“Mercedita, ano nga ulit ang pangalan niyang lalaki?” tanong ko.
“Ah? Si Ali ba?” ani Mercedita.
“Ali Mercadejas? Iyan ang anak ng panganay ni Senyor?”
“Oo. Tanging anak ‘yan ni Antonius Junior, Aia.”
“Bakit nandito siya at wala ang kanyang Mama at Papa?” tanong ko.
“Nasa Maynila at nangangalaga ng kompanya. Gusto niya kasi rito. Mahilig ‘yan sa dagat. Mahilig din ‘yan mangabayo…”

Marahan akong tumango habang pinagmamasdan parin si Ali. Sumulyap siya sa banda ko habang umaalis si Mercedita. Nagkatinginan kami kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Kausap niya parin ang tagapangalaga.

Kumuha ako ng muffins kahit na hindi naman ako gutom at kinagatan ng maliit iyon. Nag-angat muli ako ng tingin sa kay Ali at habang nagsusuklay ng kabayo ay nakita ko ang kanyang titig sa akin.

Tumikhim ako at napakurap-kurap. Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang tingin sa mga muwebles.

Ilang sandali ang lumipas ay nakita ko na siyang sumampa sa isang kabayo. All geared up, nawala siya sa aking paningin at tingin ko’y lumabas na ito sa mansyon.

Luminga linga ako. Walang tao sa bulwagan at mag-isa akong kumakain nitong isang bandehadong muffins. Tinabi ko ang kinagatan ko na at tiningnan na lamang ang aking cellphone hanggang sa dalawin ng panghapong antok.

I woke up because of the heavy footsteps against the marble floor. Nang nakita ko kung sino iyon ay agad akong umayos sa pagkakaupo. Tumikhim ako at tumingin na lang kahit saan huwag lang sa lalaking nasa harap.

Isang oras pala akong natulog. At siguro’y kadarating lang din ni Ali galing kung saan dahil dala niya pa ang isang latigo.

He stopped in front of the table at kumuha siya ng isang muffin. It’s weird looking at that. He’s too rough for that small, soft muffin. Hindi bagay.

“Dito ka ba namamalagi araw-araw?” and he speaks.
“Yup…” hindi ako makatingin.
“Bakit at saan ang bahay n’yo?”
“Nababagot ako sa bahay. Nasa kabilang dako ng kalsada lang ang bahay namin…”

Hindi na siya nagsalita. Basta’t nilagpasan niya na lang ako. Parang may nakadagan sa aking nawala nang nawala rin siya sa aking harap. Napabuga ako ng hininga.

That was our usual moments. I can’t look at him properly whenever he’s near me… or in front of me. I find him a little too rough. I find him too much… too intense… I can’t contain it dahilan kung bakit hindi ako humihinga tuwing nag-uusap kami at kapag umaalis siya ay ‘tsaka lang ako gumiginhawa.

Alas dose y media ako dumadating sa mansyon para makausap si Ivo. Straight five days ko iyong ginawa hanggang sa sinabi niya na maaaring hindi kami makakapag-usap kinabukasan at sa makalawa dahil magiging abala sila. I was sad but I didn’t let him see it. I think he likes where he is so I must let him enjoy it.

Kaya naman ay alas kuatro na ako bumisita ng mansyon sa pang anim na araw. In fact, hindi na dapat ako bumisita pero dahil sa kabagutan ay wala na akong naisip na iba kundi iyon.

“Salamat, Mang Ronnie!” sabi ko nang pinapasok ulit ako ng sekyu.

May dala akong isa pang bestida para pamalit sa damit ko mamaya. Naka shorts at sleeveless shirt lang ako dahil balak kong maligo sa dagat ngayon. Dahil hindi ako marunong lumangoy, sa mababaw na parte lang ako.

Pagpasok ko sa gate ay una kong nakita ang mga mata ni Ali na agad na nakatingin sa direksyon ko habang nagsusuklay siya ng kabayo.

Dumiretso na lamang ako sa gilid ng mansyon kung nasaan ang walkway pababa ng malalaking bato. Ilang steps ang ginawa ko bago tuluyang nakababa sa puti ang pinong buhangin ng Costa Leona.

May araw pa pero hindi na gaanong masakit tulad tuwing matayog ang sikat nito. Dumiretso ako sa dalampasigan. Nilapag ko ang aking bestida sa tabi ng aking tsinelas. The crashing waves looked violent at the same time tempting.

Napapikit ako nang tumama ang malakas na alon sa aking tuhod dahilan kung bakit tumalsik ang iba sa aking mata. Kinusot ko ang aking mga mata dahil humapdi pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa unti unti nang lumalim.

Tumigil ako nang umabot sa dibdib ang tubig. The view on my left side facing the ocean looks so fun. Sa malayo, kita ko ang mga taong nagtatampisaw din sa dagat ng isang pribadong hotel.

I dived my head once in the sea. Umahon ako para makitang unti-unting nililipad ng hangin ang aking bestida.

“Oh no…” sambit ko at agad na naglakad para habulin iyon pero huli na ang lahat.

Nabasa ang aking bestida nang humampas ang alon sa pinagdapuan nito galing sa pagkakaangat ng hangin. Kinuha ko agad iyon at sinabit sa pinakamalapit na puno.

“Paano na ‘to?” tanong ko habang tinitingnan ang basang basang damit.

Napatingin ako sa mga bato at nakita kong nakayuko si Ali habang tinitingnan ang karagatan. Both his arms were leaning on the railings. Pagkatapos ay tumuwid siya sa pagkakatayo at unti-unting bumaba sa batong hagdanan.

Noong una, akala ko’y maliligo siya pero nang ang kanyang direksyon ay patungo sa akin, kinabahan na agad ako.

I swear I can almost hear my heart beating like crazy. He looked at me from head to foot and that’s when I realized how stupid I look or how crazy this all is! I’m all wet. Bakat ang underwear ko sa aking damit at wala pa akong mapagpalitan!

Napalunok ako at bahagyang kinunot ang noo. This man is older than me. Malay ko kung anong mga iniisip nito, ‘di ba? And he’s not like Ivo…

“Nabasa ang pampalit mo?” asking the obvious.
“Oo, e…” akala ko mas matapang ang maisasagot ko pero ‘di pala.

He removed his white shirt. Namilog ang mga mata ko at agad napaatras dahil sa ginawa niya.

“What?” kabado kong tanong. “A-Anong ginagawa mo!? Are you!?”

Kitang kita ko rin ang gulat sa mukha niya ngunit agad ding napalitan ng kapilyuhan. I couldn’t look at his chest properly. It’s like a sin waiting to happen.

He smirked.

“Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” bakas ang katatawanan sa kanyang tinig.

Isang hakbang ang ginawa niya dahilan kung bakit napaatras ako. Kabadong kabado ako pero hindi dahil takot ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Heat crept on my face and I suddenly want to cover my body especially now that his eyes were feasting on it as he smirks.

“Don’t worry. It doesn’t trigger anything in me…” he laughed and handed me his shirt.

What? Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit parang naiinis ako sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin?

“Kung sabagay… siguro ay ang mga tipo mo’y ‘yong pang magazine na may magagandang katawan!” iritado kong sinabi.

His smirk widened. He looked so amused now that he’s suprressing it.

“Why can I sense disappointment at that?”

Hinablot ko ang inoffer niyang t-shirt at agad iyong sinuot ng patalikod. Wala akong panahon sa mga laro ng salita galing sa kanya. I just want to cover myself up and stop this conversation.

Inayos ko ang basang buhok ko at nang tuluyan nang naisuot ay nilingon ko siya.

“Excuse me, I’m not disappointed. Sinasabi ko lang na ang tulad mong lalaki ay hindi nakukuntento sa ganitong ayos lang. You need something better. Someone with bigger boobs and bigger butt before you feel anything. And maybe, with make up, too… Lipstick, blush on, and all that and that’s just ridiculous, don’t you think?”

Umirap ako.

“Men like you wants the beautiful outside appearance… Not what’s inside. The main reason why this world is messed up…” wala sa sarili kong sinabi.
“Hindi naman mali ang magustuhan ang isang magandang babae. A girl with a lipstick on isn’t really bad. A girl without it is fine, too…” humor is still very evident in his voice.

Matalim ko siyang tiningnan at nilagpasan na lamang para makuha ang aking tsinelas sa dalampasigan. So much for an afternoon dip, huh?

Sinuot ko ang tsinelas at bumaling ulit sa punong pinagsabitan ko ng damit and there I saw him coming towards me bringing the piece of clothing I tried to dry.

Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan siyang dala iyong dirty white kong bestida. Sobrang luma. Halos gutay ang lace. At ang nagdadala ay isang lalaking walang saplot pang-itaas, matipuno, at higit sa lahat nakataas ang kilay.

“This is fine…” sabi ko habang tinitingnan ang pinggan kong may tamang dami na ng adobong baboy.

Nilapag muli ni Ali ang pinggan sa hapag. ‘Tsaka pa lang tuluyang naglagay ng mga pagkain sa kanilang pinggan si Senyora at si Zamiel.

“Have her checked, Ali…” malamig na sinabi ni Senyora Domitilla. “For all we know-”
“She’s checked. Wala siyang maalala, Lola. Please…” Ali said coldly.

Pumungay ang mga mata ng matanda habang tinitingnan ang apo. Nagtiim bagang naman ako.

“The company needs you right now. It’s not enough that Ivo’s doing all the work for you. Hindi mo kailangang manatili rito, Ali. If you want her to be okay, she may stay here as long as you l-”
“I’m not changing my mind, Lola…” ani Ali.
“Okay then… At least visit the plant here. Zamiel is busy doing his own thing I don’t want him to leave his work just so he can help the company…” sabi ni Senyora. “It’s not like she’s your responsibility, Ali. You’re not married to her…”

Sumulyap si Senyora Domitilla sa akin. I can sense that Ali stiffened. I stiffened too.

Unti-unti ay parang bumagsak ang aking puso. There were so many questions… so many things… so many possible reasons… but one thing is for sure… it hurts.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.