Waves of Memories – Kabanata 13

November 11, 2016 By In Waves of Memories Comments Off on Waves of Memories – Kabanata 13

Kabanata 13
Mistake

“We’re here…” even before Ali said it, I knew we were.

Ang lamig sa aking tiyan habang tinitingnan ang pamilyar na mga gusali, bahay, at lugar sa kalsada ng Costa Leona. They look different from my memory. I guess it’s because of the years.

Nanatili ang tingin ko sa left side ng kalsada. I want to see where our house is and if it’s properly maintained. Mas mauunang makita ang bahay nina Ali pero I’m hoping we’d pay a visit.

“Albert…” malamig ang tono ni Ali nang tawagin ang nagmamaneho. “Sa kanila muna tayo…”

It was like he knew what I wanted and he’s willing to give it to me.

Nang natanaw ko na ang pamilyar na mga daanan patungo sa amin, ang bulubunduking tanaw ang mga windmills, at ang tayo ng bahay ay kumalabog na ang aking puso. A numbing pain enveloped my head. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang balewalain iyon.

I need to get through this.

“Are you okay, Thraia? Namumutla ka…” Ali said.
Tumango ako at huminga ng malalim.

The pain is a bit bearable compared to the past but I can’t deny how my view is spinning like I’m going to get unconscious.

Tanaw ako ni Ali nang pinarada ang sasakyan sa tapat ng gate namin. The sun is setting and the orange sky was familiar to me as I watch the roof almost disappear from the dark.

The whole house looked creepy. Para bang hindi na ito muli inalagaan.

Lumabas kaming dalawa ni Ali sa pintuan. Binaba naman ni Zamiel ang kanyang salamin para tingnan kaming dalawang lumapit sa gate. The gate is covered with vines and rust. Isang malaking kadena at isang malaking kandado. Hinawakan ko ang kandado.

“Akala ko ba nandito pa si Alejandro?” tanong ko.
“Umalis siya ilang linggo ang lumipas. The house got leased, I think-”

His voices got drowned by the voices of my head. In just a split second, waves of memories flashed on my mind like a swift blistering wind.

“Anong ipapangalan natin sa anak ni Mufasa at Sarabi?” tanong ni Ivo sa akin habang tinitingnan ang dalawang tuta sa isang tila palanggana.

Gabi na noon at buong araw talaga naming inabangan ang pag-anak ng kanilang german shepherd.

“Alam ko na, Maggy at Bruno na lang!” sabi ko.
Kumunot ang noo niya. “Saan mo naman nakuha ‘yan?”
I pouted. Umaliwalas agad ang kanyang mukha pagkatapos ay tumango siya. “Sige. Kung iyan ang gusto mo.”

Simula noong nagkalapit na kami ni Ivo, naging parang hangin na lang ang pakikitungo ng kanyang ina sa akin. Not really very friendly, but not rude, either. To her, the only important thing is Ivo and her husband, Antonius Mercadejas.

I think that’s okay, though. Hindi ako maalam masyado paano makitungo. What more sa isang matandang masungit. Hindi ko iyon sinasabi kay Ivo dahil syempre, nanay niya iyon pero tingin ko rin naman ay alam niya na ganoon ang opinyon ko.

“Ivo, hindi pa ba kayo tapos diyan? We’ll have our dinner…” sabi ng kanyang ina.

Half of her body is illuminated by the light from the insides of the house, the other is dark.

“Tapos na po…” sabi ni Ivo.
“Invite Thraia in. Dito mo na rin siya ipaghapunan…”

Tumayo agad ako at inayos ang sarili. Even when they’re eating dinner, pormal ang kanilang mga suot. Magmumukha akong basahan kung tatabi sa kanila pero ayaw ko namang tanggihan si Senyora Domitilla.

Pumasok ako sa bulwagan. Kapag walag kasiyahan ay naroon ang malalaking sofa, mamahaling muwebles, piano, at iilan pang antigong mga bagay. May mga halaman din na nasa malalaking jars.

“Namumutla ka, ah?” biro ni Ivo sa akin.

Pinandilatan ko siya. Alam kong alam niya na medyo takot talaga ako sa kanyang Ina. Tumawa lamang siya at nagtungo na kami sa kanilang dining table.

Their dining table is long and rectangular. Nakapalibot ang mga de unipormeng kasambahay habang nagsasalin ng mga juice o ‘di kaya’y tubig sa mga baso ng mga naroon.

Both Zamiel and Kajik were at the table already. Sa gitna si Senyora Domitilla at si Ivo naman sa tabi. Ako naman ang nasa tabi ni Ivo at nasa harap ni Kajik.

“May naisip na kayong pangalan ng mga anak ng mga aso, Ivo?” Senyora Domitilla asked.

It’s a bit awkward to see and know that the two boys in front of me are just a few months or years younger than their supposed “tito” na si Ivo. Ang tagal nasundan ng ama nina Kajik at Zamiel.

“Meron na, Mama. Si Thraia ang nakaisip. Maggy and Bruno…” he said.

Ngumiti si Senyora Domitilla sa akin. And even her smile gives me shivers. Like she shouldn’t be smiling or else I’m doomed.

“That’s a good name,” puna ni Senyora.

Ngumiti ako at maliit na hinawakan ang mga kubyertos para makapagsimula na sa pagkain. Bumaling si Senyora Domitilla sa dalawang apo sa harap ko na ngayon ay may pinag-uusapan.

They talked about school and how they will both have summer classes. Nakinig lamang ako habang kumakain. They’ve been here in Costa Leona for almost a year but I’m not very close to them. Tinginan lang at minsanang pag-uusap.

“It’s so sad that you both won’t go with us to Switzerland…” sabi ni Senyora Domitilla sa dalawa.
“Lola, galing kami roon noong Disyembre…” si Zamiel.
“Still. It would be good if you boys bond with Ivo there,” si Senyora.

Nilingon ko si Ivo. He smiled a bit at nagpatuloy sa pagkain.

Pupunta sila ng ibang bansa ngayong summer? Ilang araw kaya sila roon?

Nagkatinginan kami ni Senyora Domitilla. Tingin ko ay napansin niya ang pagtataka ko dahilan kung bakit pinunan niya ng impormasyon ang aking mapagtanong na tingin.

“Dadalhin ni Antonius si Ivo sa Europa, Thraia. Hindi pa ba nasabi ni Ivo sa’yo ‘to?” tanong ni Senyora.
Umiling ako at ngumiti. “Hindi pa po.”

Nagkatinginan si Senyora at si Ivo bago ito muling nagsalita sa akin.

“I will be with them. The three of us will tour the whole summer but he’ll be back just before the school starts… for the Annual celebration of Antonius’ birthday…”
“Ganoon po ba?” ngumiti ako. “Swerte po pala ni Ivo…”
Ngumiti muli si Senyora sa akin. She looks satisfied with my answer.

After that, the conversation went back to the two boys in front of me.

Nang natapos kami sa pagkain at nakalabas kami ng bahay ay hinampas ko ang braso ni Ivo.

“What?” he laughed a bit.
“Ba’t ‘di mo sinabi na aalis ka pala ngayong summer?” tanong ko.
“Hindi pa kasi iyon sigurado kaya-”

Natigil siya nang pinaghahampas ko ulit siya. Ibig sabihin buong Summer siyang mawawala? Sa katapusan pa ng Mayo ang kaarawan ng ama niya, ah?

“Sorry na! Sasabihin ko sana sa’yo pagkatapos ng exams…” ani Ivo.
“Nakakainis ka.”
He smiled. “H’wag kang mag-alala, bibili ako ng pasalubong para sa’yo… ‘Tsaka kung papalarin ay araw-araw tayong mag cha-chat… Bisita ka na lang dito para makakonekta sa wifi…”
“Huh? Sinong bibisitahin ko rito? Nakakahiya kaya!” giit ko.
“Nandiyan naman si Mercedita at si Ronnie. Kausapin mo. ‘Tsaka si Maggy at Bruno, ‘di ba?”

Ngumuso ako at dahan dahang tumango. Tama siya. Isa pa, mabilis ang wifi nila rito.

“Pwede rin ba akong bumaba sa dagat?” tanong ko.
“Syempre, Thraia! Para ka namang iba rito, kung makapagsalita!”

I don’t know what I’d do with the two months he’s not around. Simula noong nakilala ko siya, umikot na ang buhay ko sa kanya na ngayong mawawala siya ng ilang buwan ay hindi ko na alam. I couldn’t properly picture those boring days.

Right after our final examinations and the College’s final exams, nagpaalam na si Ivo sa akin. Nasa bahay nila ako nang nagpaalam siya. Hindi ako umiyak. I felt nothing but emptiness at the sight of their car leaving. He was all smiles when he left… Like he really wants to go with his mom and dad and I understand it.

Tumakbo ako patungong duyan at agad na sumunod ang tuta na si Bruno sa akin. Meanwhile, Maggy was left walking slowly and her tongue out. Agad ko siyang binalikan at kinarga.

“Ikaw ha! Umalis lang si Ivo, nanghihina ka na!” sabi ko habang hinahaplos ang ulo ng tuta.

I gave them food and water. Nagdesisyon agad ako na habang wala si Ivo, bibisita ako sa kanila, hindi lang para makiwifi, para na rin alagaan si Maggy at Bruno.

I feel good thinking na may pagkakaabalahan ako. Umaga ay dumidiretso na ako sa kanilang bahay, agad naman akong pinapapasok ni Mang Ronnie, isa sa kanilang sekyu.

“Parang may napapansin ako diyan kay Maggy…” sabi ni Ronnie.

Tumango ako. Nakahiga lang si Maggy sa palanggana ngayon at mukhang hinang hina. Hindi siya kumakain at hindi umiinom ng tubig kaya pinipilit ko ng kahit gatas man lang.

“Mukhang may sakit, Kuya… Kung sana nandito si Ivo…” sabi ko.
“Mabuti pa, sabihin mo kay Mercedita ang tungkol sa aso…”

Sinunod ko ang payo ni Mang Ronnie. Naglakad ako patungo sa malayong bahay nina Ivo para mapasok ang kitchen at mahanap ang kanilang mayordomang si Mercedita. Before I reached the entrance of their living room, I saw a man almost the same age with Ivo.

Pinapaliguan nito ang kabayo at walang saplot ang pang-itaas. Maong at kulay itim na boots ang suot habang nasa kabalyerisa.

Nanatili ang tingin ko sa lalaki. Although he’s looks of the same age as Ivo, his built was defined and a bit toned. Siguro ay dahil sa trabahong ginagawa. Wait? What is he? A horse master? Ngayon ko lang ito nakita? Baka naman hardinero?

Napalunok ako nang napatingin ang matalim na mga mata noong lalaki. Nagtaas siya ng kilay nang naabutan akong nakatingin.

Suplado. But… is he a new gardener? How can a gardener be so…

Halos mapatili ako nang nabangga ako sa isang malaking jar o plorera na gawa sa clay malapit sa entrance ng bulwagan. I was too busy looking at the man that I forgot to watch my frigging step!

A laugh escaped from the stables. Isang baritonong tawa habang bina brush ang kabayo galing sa lalaking nakahubad.

Uminit ang pisngi ko at agad itong inirapan. Nanatili siyang nakangisi dahilan kung bakit hiyang hiya ako at nagmartsa na papasok sa bahay ng mga Mercadejas.

Lintik na hardinero iyon. Nangangantyaw pa! Akala niya siguro na gu-gwapuhan ako sa kanya kaya ako nakatingin ng mabuti. Nakatingin lang naman ako kasi syempre kuryoso ako kung sino siya! Feeling!

“Thraia?”
Sa gulat ko ay halos mapatalon ako. “Mercedita!” sambit ko nang nakita ang nasa kwarenta nang Mayordoma nila.

Dapat ay Manang ang tawag ko pero nasanay ako sa tawag ni Ivo at ng iba pang mga tao rito. Ayaw niya raw kasing patawag ng ganoon.

“O, bakit?” tanong niya.

Her hair was cut in a boyish way this time. Noong una ko siyang nakilala ay hanggang balikat ang buhok niya, ngayon naka pixie cut na.

“Si Maggy po kasi mukhang may sakit.”
“Oo nga, e. Ayaw kumain. Sinubukan mo bang painumin siya ng tubig?” tanong nito.
“Hindi pa. Gatas lang…”
“Subukan mo at hayaan mo na rin muna siyang magpahinga baka dahil sa init lang ‘yan ngayon…”

Tumango ako at bumalik ulit sa labas, ngayon kasama ko na si Mercedita.

The man on the stables continued to do his work. Nagkatinginan kami ng isang beses bago ako lumiko at hindi na muli siya binalingan.

Well, he has this nice nose. His jaw is defined and his eyes were expressive. Ang kanyang buhok ay maiksi, siguro isa o dalawang pulgada lang in a hairstyle very much in trend nowadays.

Nagsquat ako habang tinitingnan si Mercedita na sinusubukang painumin ng tubig ang nanghihinang si Maggy. Ilang sandali iyon. Nanood pa si Ronnie sa amin. Nakinig ako sa mga spekulasyon nila tungkol sa sakit ng aso.

“Anong nangyari riyan?” ang pamilyar na baritonong boses ang narinig ko.

This time, the man wasn’t topless anymore. He’s wearing a white t-shirt with a green print. A very unusual shirt for a gardener. Animo was printed and it took me a while to realize that it’s a mark of a prestigious school in Manila.

Donation ba ang t-shirt na iyan? Daig pa nito si Ivo, Kajik, at Zamiel, ah?

“Ali, itong aso kasi ni Ivo, nanghihina…” sabi ni Mercedita.

Bumaling iyong si Ali sa aso pagkatapos ay sa akin. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.

Anong magagawa nito? Vet ka ba?

“May malapit bang vet dito?” tanong noong lalaki.
“Sa Kalibo pa ang alam ko. Meron din yata sa Caticlan…” sabi ni Mercedita.
“Tatawagan ko at patingnan natin…” sabi niya.
“Mabuti pa nga…”
“Ilang araw na ba ‘yang ganyan?” tanong ni Ali kay Mercedita.

Nilingon naman ako ni Mercedita, inaasahang alam ko ang tamang sagot.

“Limang araw na…”

Tinikom ni Ali ang kanyang bibig at pagkatapos ay tumango.

“Papasok lang ako sa loob. Tatawag ng malapit na vet…” aniya at tinalikuran kami.

Nang nakaalis na siya ay hindi ko na napigilan ang bibig ko. Nilingon ko si Mang Ronnie.

“Iyon ba ang bagong hardinero ni Senyora Domitilla?” tanong ko.
“Ha-Hardinero?” parang nairita si Mang Ronnie sa sinabi ko.

Isang beses silang nagtinginan ni Mercedita bago huminga ng malalim at nagsalita.

“Si Ali Mercadejas ‘yon!” si Mang Ronnie.
“Mercadejas? Kaninong anak?” tanong ko medyo naguguluhan.
“Sa panganay ni Senyor, Thraia.”

Napatango ako ng marahan sa sinabi ni Mang Ronnie. Kaya naman pala at ganoon ang damit! Siguro ay taga roon ito nag-aaral? At bakit siya naglilinis ng kabayo? Si Ivo ay hinahayaan lang niya ang mga tagapangalagang maglinis?

“Hindi mo nga pala iyon nakilala kasi hindi masyadong gawi rito…” sabi ni Mercedita habang tinitingnang mabuti ang aso.

Ilang sandali ang lumipas ay bumalik si Ali sa amin. This time, I can’t even look at him. Nakakahiyang isipin na naisip kong isa siyang hardinero. Not that being a gardener is not a great job.

“Matatagalan pa iyon. Isang oras higit siguro, Ali…” sabi ni Mercedita.

Halos nakapikit na ang mga mata ni Maggy at nakahiga na siya. Hindi na ako makapag-isip ng maayos habang tinitingnan siyang mukhang nag-aagaw buhay.

Patuloy kong pinapatulo ang konting tubig sa kanyang bibig baka sakaling makatulong sa kanya pero ganoon din ang takot kong mas lalo pa iyong makasama.

“Maggy, come on…” sabi ko habang tinatapik ang kanyang paa.

Nag-uusap na si Mang Ronnie at Ali ngayon tungkol sa posibleng dahilan na nagkaganoon ang aso.

“Sana sa unang araw ng panghihina ay itinawag na sa vet…” anito na medyo ikinairita ko.

Sino ako para magtawag ng vet? At kapag nangyari iyon at ako pa ang hihingan ng pera ng doktor tapos wala akong maibigay, anong gagawin ko?

Hindi na ako nakipagtalo. Mas pinipiga ang puso ko sa natatanaw na si Maggy ngayon. Even Bruno knew that his sister is dying. He’d bark at her and howl a bit. The other dogs, too.

Nanatili kaming ganoon. Bumalik si Ali sa bahay para siguro i follow up ang vet na tinawagan pero ilang sandali ang nakalipas ay nakita ko ang panginginig ni Maggy.

“Maggy, no!”

Tumulo ang luha ko habang nakikita siyang tumigil na sa paghinga. I can’t help but think that maybe the blame is all on me. Maybe if I had told Mercedita about it days ago, she’d be saved!

Parang gripo ang mga luha ko habang tinitingnan ang aso na nawawalan na ng buhay. The dogs howled, too. Tumayo si Mercedita at umiling. ‘Tsaka ko naman nakita ang isang ambulansya sa gate na may markang paa ng mga aso.

Matalim ang titig ko sa ambulansyang iyon. I know that it’s not their fault but I want to direct my anger to anyone. I want so bad to blame someone! Other than myself!

“Dito po ba iyong aso na itinawag ni Ali Mercadejas sa amin?” tanong noong lalaki habang tinitingnan ang papel.
“Oo, kaso…” hindi matuloy ni Mang Ronnie ang sasabihin.
“Nasaan na iyong aso?” tanong ni Ali galing sa likod.

I couldn’t say it too. I was just crying there and then I picked Maggy up. Wala na talaga siyang malay. Nanginig ang aking balikat habang nilalapag si Maggy sa aking hita.

“Thraia…” hinaplos ni Mercedita ang aking likod pero hindi mapapawi noon ang awa ko para sa aso.
“Patay na?” tanong ng insensitibong driver ng ambulansya. “Sana itinawag agad ‘yan…”
“Paano ako tatawag! Wala naman akong pambayad!” hindi ko na napigilan.

Ako lang ang nagbabantay sa mga aso. Alam kong pinapakain ng mga kasambahay at ni Mercedita pero higit sa lahat, ako iyong mas nakakaalam kasi aso namin ‘to ni Ivo!

“Anong mararamdaman ni Ivo ngayon? Kawawa naman si Maggy!” sabi ko habang nanginginig ang aking kamay.
“Thraia, ihiga mo na lang muna si Maggy diyan at pumasok ka sa loob ng bahay. Ipagluluto kita para maging mabuti ang pakiramdam mo…” sabi ni Mercedita. “Ronnie, paalisin mo na lang ‘yang lalaki at wala nang magagamot na aso…”

Lumapit si Ali sa gate at kinausap ng pormal ang lalaki habang patuloy ako sa pag-iyak. As I looked at him talking to the man, I realized he’s a bit older than Ivo. He’s way more mature than Ivo. I don’t know why that’s suddenly what’s on my mind.

“Magpapaschedule na lang ako ng check up sa mga aso, kailan kaya pwede?”
“Naku. Titingnan ko pa sa opisina ni Doc kung kailan. Tawag ka na lang ulit…” anito.
“Sige, tatawag ako mamaya. Pasensya na sa abala. Alam kong medyo malayo pa ang binyahe mo…”

Binalingan ko si Maggy sa aking hita. Ang kawawang Maggy. Hindi ko man lang alam kung paano ko siya matutulungan. Ni hindi ko alam kung anong masakit sa kanya o anong problema niya noong nakaraan.

I was too busy crying that I didn’t know Ali was squatting in front of me. He looked at me as my tears flowed dahilan kung bakit tumigil ako sa paghikbi. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata.

“Ilibing natin si Maggy…” anyaya niya.

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong umiiyak doon. Hinawakan niya si Maggy, hindi ko rin naman siya pinigilan.

“Oh, anong nangyari?” tanong ni Kajik nang pumasok ang sasakyan sa bakuran.

Mukhang katatapos lang ng kanilang pasok. Zamiel and Kajik sounded very jolly when they asked about what happened.

“Hindi ko alam na may nanghihina palang aso…” sabi ni Ali sa dalawa.
“Namatay si Maggy?” tanong ni Zamiel habang nilalapitan si Ali.
“Hindi ko alam…” ani Kajik na ngayon ay tinitingnan na rin ang aso.

Naglakad si Ali patungo sa malaking bakuran nila. Nilingon ko ang tatlo at nakita kong ipinasa ni Ali kay Zamiel si Maggy. Isang pala ang nakatayo sa gilid ng mga gumamela at mukhang doon niya balak na ilibing ang aso.

Tumayo ako at lumapit na rin sa kanila. Dahan-dahan ang paglapit ko habang si Ali ay nagpapala ng mas malalim para mailibing na si Maggy roon. Thinking about burying her hurt me again. Tears pooled in my eyes at agad ko iyong pinalis.

Nilingon ako ni Kajik. Lumapit siya sa akin at agad na hinagod ang aking likod.

Sumulyap si Ali sa amin at nakita ko ang pagtigil niya sa pagpapala at pagtingin niya sa amin… kay Kajik.

Kajik brought my head to his chest. I can’t help but melt since I am really very hurt about what happened.

“Lumayo ka nga, Kajik…” ani Ali at medyo umatras sa hukay.

Nakatuko ang kanyang kamay sa dulo ng pala.

“What? I’m just trying to comfort her…” giit ni Kajik.

Kumunot ang noo ko kay Ali. Bakit siya galit? Ano bang problema niya? Nagkatinginan kaming dalawa. Umigting ang kanyang panga sa nakitang matalim kong titig. Umiling siya at pagkatapos ay marahas na hinukay muli ang nasimulan.

“Ayos lang ‘yan, Thraia. Nandiyan pa naman si Bruno…” alu ni Kajik sa akin.

I continued to cry. Hindi na muli lumingon si Ali sa amin. Binaba ni Zamiel si Maggy sa hukay at unti-unting binalik ni Ali ang lupa para matabunan ang katawan ng kawawang aso.

Inakbayan ako nI Kajik at hinagod muli ang aking braso. He’s almost embraced me, something that feels kind of comforting.

Pagkatapos tabunan ni Ali ng lupa ay nagkatinginan muli kami. Nagtaas siya ng kilay at nilapag niya lang ang pala sa gilid ng gumamela.

Pinalis ko ang luha ko para sana pormal na pasalamatan siya pero mabilis na ang lakad niya pabalik sa mansyon dahilan kung bakit hindi ko na nagawa. Sumunod si Zamiel sa kanya at si Kajik na lang ang naiwan sa akin ngayon.

“Gusto mo ihatid kita sa inyo?” Kajik offered.
Umiling ako. “Hindi na. Ayos lang…” sabi ko.

Nilingon ko si Ali sa aking gilid ngayon. Binitiwan ko ang kandado na tila napaso ako roon.

“We can’t go inside… You can stay on our house…” sabi nito.
Tumango ako. Hindi na makapagsalita dahil sa mga nagbabalik na alaala.

Sumakay muli ako sa sasakyan at ilang sandali lang ay tanaw ko na ang pamilyar na gate, pamilyar na mga halaman, at mas lalong pamilyar na mansyon.

Gustuhin ko mang igala ang paningin ko sa maaaring pagbabago ng buong mansyon ay hindi ko na nagawa. What got my attention is Senyora Domitilla Mercadejas with an all white hair, the same aristocratic features. I don’t think she aged. Ang tanging nagbago lang ay ang buhok niya. Ngayon ay purong puti na ito.

There’s no trace of humor on her eyes. She looked at me coldly that I almost shivered. Kumalabog ang pintuan ng front seat at ng driver’s seat hudyat ng paglabas nI Zamiel at ni Albert, ang driver.

“Apo, masaya ako na nagbalik ka pero hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang pagdala mo sa kanya rito…” sabi ni Senyora Domitilla.

The coldness in her voice and the way she addressed me told me that she’s not happy I’m here. That I’m some burden Ali has given this family.

“Lola…” he addressed her with equal coldness.

Umaliwalas ang mukha ni Senyora Domitilla pagkatapos nilapitan si Ali.

“Apo, alam mo namang suportado kita sa lahat… Just don’t make a mistake, please. You are Antonius Lienzo Mercadejas. There is a reason why your father has given you that name… And certainly, this is not it…”

Hinaplos ng matanda ang pisngi ni Ali.

“Lynea heard of your arrival. She’ll come here soon. Please, don’t refuse her this time…”

Lynea? Who is it? Para akong natigil habang pinagmamasdan silang dalawa. Para ring may bumahang malamig na tubig sa aking tiyan doon. And then the whirlwind of loneliness hit me…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.