Waves of Memories – Kabanata 12

November 11, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 12
Galit

Hapon na nang nagising ako sa pagpapahinga. Tapos na kaming mag-impake at ang mga gamit sa bahay na iyon ay nakakahon na.

Ang sabi ni Ali, ipapamigay niya iyon sa mga kasamahan niyang mangingisda pero ayaw namang tanggapin ng mga iyon kaya nanatili iyon sa aming bahay. He gave the spare keys of the house to Dodong.

“Tuloy ba kayo?” tanong ng pamilyar na boses galing sa sala.

Si Lorie iyon. May iilang mga yapak ng tao akong naririnig doon. Tingin ko ay bumisita sila para magpaalam sa huling pagkakataon.

Bumangon ako. Hindi ako nahimatay. Napagod lang at sumakit ang aking ulo. That’s already an achievement. Hindi na kasing lala ng mga migraine attacks na nahihimatay ako kaya tingin ko ay dapat gamitin ko iyon para magkaroon pa ng malawak na kaalaman sa aking nakaraan.

Lumabas ako ng kwarto. Kumalas ang halukipkip ni Lorie nang nakita ako. Tumayo naman si Ali para salubungin ako.

“Ayos ka na ba?” he asked.
Binalewala ko iyon at tiningnan si Lorie. “Tuloy kami…”

Lorie smiled weakly at me. This is not the time to exaggerate my migraines. These are mere reactions of my brain because of the memories I just gained. Kailan ko pa pagsisikapang makuha ulit ang mga alaala ko? Kapag umabot na ng ilang taon at tuluyan na itong malayo sa akin? No. I need to move now.

Hinatid kami ng mga kaibigan ni Ali hanggang sa sakayan ng jeep. Dalawang maleta lang ang dala namin at isang sling bag na suot ko para sa pera at kung anu-ano pang importanteng bagay.

Lorie, Pamela, and Daisy were silent when we embraced each other and bid our goodbyes. Tinapik naman ng mga kaibigan ni Ali ang balikat nito bilang pagpapaalam. Nag-offer pa nga silang magtawag ng bus para makasakay na kami but Ali refused.

A big black car parked in front of us. Nakuha nito ang atensyon ko dahil nawala ang view ko ng kabilang kalsada dahil doon.

The passenger door opened and a man in white t-shirt and gold necklace went out. Tumitig iyong lalaki sa akin dahilan kung bakit napaatras ako.

He’s familiar. Pero noong bumaling siya kay Ali at ngumiti roon ay ‘tsaka ko pa lang napagtanto.

This is Zamiel Mercadejas!

“Ang guwapo!” bulong-bulong ng mga kaibigan ko sa likod.
“Don’t be so shocked, Ali…” anito.

Nilingon ko si Ali na nakaigting ang panga habang tinitingnan ang lalaki. Halos magkasingtangkad lamang sila. Halos magkapareho din ang built ng katawan only that Ali’s skin tone is a bit darker than the mestizo in front of me. Hindi ko nga lang sigurado kung dahil iyon sa pangingisda kaya hindi na pantay ang kanilang balat.

“Albert flew from Manila to Iloilo and you think I don’t know?” the man smirked.

Lumabas ang isang lalaking medyo nasa early 40s. Nakaputing uniporme iyon nang nagpakita sa amin. Agaran niyang kinuha ang mga bagaheng nasa gilid ko.

“Pasensya ka na, Ali… Nakaabang si Zamiel sa akin sa airport kaya…”

Humalikipkip si Zamiel at binuksan na ang passenger seat sa likod pagkatapos ay lumingon sa akin.

The first thing I saw was the steering wheel. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita iyon. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Thraia…” Ali’s soft voice woke me up from a weird pause.
“Hmm?”
“Are you okay?” he asked.

Tumango ako at nilingon siya. Zamiel looked at me with curiousity. Eventually, nagkibit siya ng balikat at nilahad ang kamay sa loob.

“Pasok ka…” anito.

Tumango ako at sumunod na. Nilingon ko ang labas at nakitang kumakaway ang mga kaibigan ko. Ali turned to his friends and said something. Meanwhile, Zamiel went to the front seat and settled himself there.

He was so young at my most recent memory. I can’t believe he’s this man now.

Nilingon niya ako. His eyes were hawklike and almost guarded like I’m some enemy. It’s like he’s ready if I betray him or something. He then smirked.

“Ano lang ang naalala mo?” tanong niya.
Napalunok ako. “Uh… That… Ivo Mercadejas is a dear friend of mine…”

Tumango ito. Magsasalita pa sana pero tumigil nang pumasok si Ali at tumabi sa akin.

“I thought you’re out of the country…” he asked immediately before turning to me.
“I was, Ali. Not until I heard Dad’s resigning. At tinuon ang buong pansin sa MERC.”

Tila hindi narinig ni Ali ang sinabi ng pinsan. His eyes were all on me.

“Just tell me when you need anything or your head is aching again…” he said.

Nilingon kami ni Zamiel. Nakataas ang kilay nito habang tinitingnan si Ali. He is still wearing his smirk.

“You don’t care about what’s really happening?” Zamiel snapped.
Nilingon siya ni Ali. “Don’t start this one on me.”

Huminga ng malalim si Zamiel pagkatapos ay nilingon ang mga kaibigan namin sa labas.

“You made a few friends here… Did you all trick them, Ali?”

Parang kinukurot ang dibdib ko sa sinabi nito. Ali didn’t move a bit. Ni hindi niya nilingon ang mga kaibigan namin. Nanatili siyang nakatingin sa harap.

“Albert, umalis na tayo…” Ali said in a cold tone.

Did he trick them? What kind of trick? What did Ali do?

Nilingon ko si Ali. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang tinitingnan ang nasa front seat. Tahimik na si Zamiel at ‘di na muling nagsalita. Nang napansin ni Ali ang aking paninitig ay nilingon niya ako.

Bits of his anger towards his cousin was very much evident. Unti-unting pumungay ang mga mata niya. Hinaplos niya ang aking buhok pero habang papalapit ang kanyang haplos sa aking pisngi ay natatakot ako. The fear of not knowing anything or knowing things other than the truth… what did he do?

Napaawang ang bibig niya nang nakitang bahagya kong nilayo ang sarili ko sa kanyang kamay.

“Can I sleep?” I asked.
“Yes, please…” he said in a little voice.

Tumango ako at pinikit ang mga mata. He adjusted my seat. I saw Zamiel’s head turn to us but I have no time for more questions right now. My brain is tired.

Diretso ako nahila ng antok. Hindi pagod ang aking katawan pero kapag ang utak ang pagod ay lahat ng parte ay nakikisali.

“Balita ko si Ivo Mercadejas daw ang boyfriend noong si Olive! Kung siya ang mananalo sa bilang Miss. NWC, siya nasa kanya na talaga ang lahat!” sabi noong kaklase ko sa ilalim ng panghapong araw ng Pebrero.
“Paano mananalo ‘yon, e, hindi naman maganda?” giit ko sabay halukipkip.

Nilingon ako ng mga babaeng kaklase ko. I’m never really close to my classmates. Never been really close to girls except for one of our neighbors. Iyon na rin siguro ang epekto ng pagkaka home schooled ko. I’m not very much exposed to people that I have poor social skills.

“Sus! Si Thraia, syempre bitter ka kasi gusto mo si Ivo, ‘di ba?”

Uminit ang pisngi ko sa tukso ng aking mga kaklase.

“Anong gusto? Magkaibigan lang kami, ‘no! Excuse me!” Umirap ako.
“Sana ‘yan din talaga ang pinapaniwalaan mo nang ‘di ka na bitter d’yan. Alam mong obvious naman na bata ang tingin ni Ivo sa’yo. Naaawa lang ‘yon dahil ulila ka na tapos wala ka pang kaibigan!”

Halos mapudpod ang ngipin ko habang tinitikom ng mabuti ang aking bibig. Gusto gusto kong sabunutan iyong babaeng iyon, iyon nga lang, nanghihina ako. Nanghihina ako dahil alam ko sa kaibuturan ko na may punto siya.

Ilang beses ko nang naramdaman kay Ivo na kaibigan o nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Ilang beses ko ring niloko ang sarili ko na hindi ko siya crush pero tuwing nakikita ko siya ay pakiramdam ko napaaga ang pasko.

“How dare she point that out!” sabi ko habang bumubunot ng mga ligaw na damo sa aming soccerfield.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng Gmelina. Thanking God that it hasn’t bear any fruits yet o baka mabantot na rito.

Sinulyapan ko ang North Western Colleges. Medyo abala ang mga estudyante roon dahil sa foundation day. Abala rin naman dito kaya nga halos wala kaming pasok at nagkaroon pa ako ng oras para umupo rito.

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang kabilang campus.

College is very different from highschool, huh? Bukod sa mature na ang mga estudyante roon, iba na rin ang trip nila.

“Sinasabayan lang kaya ako ni Ivo kahit na naiirita na siya sa kakulitan ko?”

Nasa second year college na si Ivo. Pagkatapos ng school year na ito, third year na siya samantalang mag Gi-Grade 10 pa lang ako. Kailan ba matatapos itong high school at bakit kay tagal?

Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinype ang isang search engine. Tinipa ko roon ang “How to be mature?”

Iniisip ko pa lang na bata ang tingin ni Ivo sa akin ay parang naiirita na ako. Tuwing naiisip kong ngumingiti siya sa akin dahil para akong kuting, gusto ko nang tumakbo.

For an hour, I read alot of articles about it. Nang napagod ang mga mata ko ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at pinikit ng mariin ang mga mata.

Para maging mature ako, kailangan tigilan ko iyong pangungulit ko kay Ivo! Ang tunay na mature na babae, hindi naghahabol sa lalaki. Ang tunay na mature, hindi binibelat-an ang ibang tao. Ang tunay na mature, seryoso! Ang tunay na mature, hindi umaasa sa kahit kanino. I need to be independent!

Naabutan ko ang mga kaklase kong nagtatawanan sa platform ng aming classroom. Iyong iba ay naggigitara at nagkakantahan. Ngayon kasi inaayos ang mga booth para sa foundation day at dahil wala naman akong sinalihang club, wala akong gagawin. Audience lang ako bukas kaya mas mabuti pang umuwi na at open na rin naman ang gate dahil alas kuatro y media na.

Alas singko ako umuuwi. Iyon din kasi ang uwian ni Ivo at sinusundo ako ng sasakyan nila para makapagsabay kami.

Pero ngayon, kaya ko namang umuwi mag-isa kaya hindi ko na hihintayin pa iyon!

Pagkalabas ko ng gate sa aming paaralan ay naghanap na agad ako ng tricycle. Pumasok na ako sa loob at sinabi kung saan ako ibababa. Tumulak naman agad ang tricycle at ilang minuto ang lumipas ay nakauwi na ako.

Naligo at nagbihis ako ng pambahay. Si Ate Ethel lang ang naabutan ko, nagluluto ng hapunan samantalang si Alejandro ay maaring may lakad.

“Oh, maaga ka?” tanong ni Ate nang napansin ang pagpasok ko.
“Oo. Naghahanda lang kasi para sa foundation day…” sagot ko at lumabas na ng bahay para magdilig ng mga halaman, isang bagay na nakagawian ko na.

My phone beeped and saw a text from Ivo. Ayaw ko sanang basahin kaso hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Ivo:
Labas ka na. Naghihintay na ako rito…

I quickly typed my reply.

Ako:
Nasa bahay na ako. Nakauwi na.

I turned the faucet on and then went to the end of the hose. Tinutok ko iyon sa mga halaman ng aming bakuran. Narinig ko agad ang pagbeep muli ng aking cellphone.

Ivo:
Huh? Ba’t ka umuwi?

Seconds later he called but I didn’t answer. I’m busy watering the plants, Ivo. Go home!

Ilang plorera na ang natapos ko nang narinig ko ang tunog ng kanilang sasakyan. A loud thud from the car door and then he was unlocking our gate.

“Anong oras ka bang umuwi at bakit ‘di ka nagtext?” pambungad niya nang umapak na sa aming bermuda.
“Ba’t ako magtitext e kaya ko namang umuwi? Maaga kaming natapos. Wala na akong ginagawa. Bored na ako sa school kaya nauna na ako.”

Nasa gilid ko na siya ngayon at nakapamaywang. Pinagmamasdan niya ako habang nagdidilig ako ng halaman.

“Galit ka ba sakin?” tanong niya.
Umiling ako nang ‘di siya tinitingnan.
“Sigurado ka?”

Ngayon, hindi ko na napigilan ang pag-irap at pagbaling.

“Hindi nga sabi!”
“Galit ka na?” he smirked.
“Hindi sabi!”

Uminit ang pisngi ko habang ginigiit iyon. He pinched my cheek, and act that seemed too friendly. Agad kong hinawi ang kamay niya dahilan kung bakit naitutok ko ang hose.

“What the?”

Mabilis siyang umatras dahil sa pagkakabasa ng kanyang pantalon. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero hindi ako natatakot. Imbes ay mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

“H’wag mo nga akong ituring na parang bata!” sigaw ko.
“Huh? Thraia, what the heck is your problem? May nagawa ba ako sa’yo?”

Muli siyang humakbang palapit sa akin kaya tinutukan ko siya ng hose para mabasa ulit. Umatras siya agad.

“Umuwi ka na lang, pwede?” sigaw ko.
“Huh?” he laughed a bit. “May period ka ba at ako ang pinagdidiskitahan mo?”

Binitiwan ko ang hose at humalukipkip ako. Nang nakita niyang hindi na siya mababasa ay lumapit siyang muli sa akin, nakangiti.

“Ba’t ka galit?” tanong niya.

Tinulak ko siya para mapalayo sa akin. I just really want him to go now. Nothing will be good when we talk right now. Ngayon na maraming gumugulo sa isipan ko. Ngayon na tingin ko’y nakababatang kapatid nga lang talaga ang turing niya sa akin at hindi isang babae… dalaga.

“Ayaw kong tinuturing mo akong bata! I am not a child! I’m not your little sister! Or your little friend so don’t treat me like that!” giit ko.

Ngumuso siya tila pinipigilan ang ngiti. Mas lalong nag-init ang ulo ko.

“Don’t laugh at that! I’m serious, Yorrick Von!” sigaw ko.
Ngayon ay hindi na niya maitago ang ngiti. “Fine. I’m not treating you like a kid or little sister, Thraia. Tell me what’s your problem…”

Napakurap kurap ako sa reaksyon niya. Umatras ako nang lumapit siya sa akin.

“Just go home!” sigaw ko.
“Hindi ba gusto mong h’wag kitang ituring na bata? Kung dalaga ka na, sasabihin mo sa akin ang problema mo sa akin para ma sulusyunan natin,” he said.

What? Parte ba ‘yan ng pagmamature o gusto niya lang ako bilugin? Hindi ako makatingin sa kanya habang nag-iisip kung ano ba talaga ang gagawin ko.

“Come on, Thraia… What is your problem? Tell me…” he asked again.

Napalunok ako. Bakit kay hirap sabihin. I suck at being honest when there’s a need to!

“Umuwi ka na lang, Ivo!” sigaw ko ulit.

Hinuli niya ang braso ko at hinawakan ng mahigpit. Pagkatapos ay seryoso niya akong tinitigan.

“Tell me, Thraia. What is it?” he asked.

The look in his eyes told me that he’s not taking this lightly. That what I’m going to say is important to him. Kaya lang ay umuurong ang tapang ko. Ang sabihin ang problema ko sa kanya ay parang pag-amin na rin na gusto ko siya!

“I heard you and Olive are in some relationship…” maliit ang boses ko.
“Olive? Who told you that, then?” malamig niyang sinabi.
“I heard!” sigaw ko nang ‘di parin siya tinitingnan.
“Bakit daw? Dahil madalas kaming magkasama?” he asked.

Hindi ako sumagot. The sun has set and our frontyard is already dark. Ang ilaw lang galing sa loob ng bahay namin ang umiilaw sa mukha ni Ivo na ngayon ay sobrang seryoso.

“We’re teammates sa isang major subject so we have to be together with the whole team, Thraia…”
“Oh, ba’t ‘di ko alam…” hindi ko na napigilan iyon. Tunog sarkastiko pa.
“Hmm. I don’t think that’s neccessary but if you think it is, from now on I’ll tell you everything…”

Hindi ako nakasagot. Nanatili ang aming posisyon. May naglalarong mga paru-paro sa aking tiyan at hanggang ngayon, ‘di ko parin magawang tumingin ng diretso sa kanya.

“Is that all, then?”

Hindi parin ako sumagot.

“Are you satisfied, Thraia?”

Uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nag-aantay talaga siya ng sagot.

“Yeah…” I said slowly.
“H’wag ka na ulit umuwing mag-isa. Sa susunod, hindi lang pagsugod ko rito ang aabutin mo…”

Sa bahay siya naghapunan sa gabing iyon. Tahimik lang ako habang nasa hapag kaming tatlo ni Ate Ethel. Si Ate Ethel lang itong nakapuna ng katahimikan naming dalawa.

“O, anong nangyari sa inyo? Nag away ba kayong dalawa?”
“Hindi naman, Ate. Si Thraia lang, galit sa akin…” Ivo said with humor.

Matalim ko siyang tinitigan. Nag ekis agad ang kamay niya, shielding himself from my anger. Tumawa si Ate Ethel sa reaksyon ni Ivo.

“Oh, Thraia, ba’t ka galit kay Ivo?” nagngising aso si Ate.

Seriously, kailangan ba niyang sabihin iyon? Kailangan ba niyang iinvolve pa si Ate Ethel sa problema naming dalawa? At isa pa, wala na kaming problema. Nasolve niya na iyon kanina pero hindi ibig sabihin na ibi-baby ko siya ngayon dahil ayos na ako!

“Wala…” iritado kong sinabi.
“Anong wala? Hmmm… Bakit? Huhulaan ko na lang.”
Kumunot ang noo ko habang nag-aantay ng hula ni Ate.
“May pinagseselosan ka ‘no!” biro ni Ate.

Mala Madame Auring pala itong si Ate Ethel?

“Huh?” Uminit ang pisngi ko. “Anong pinagseselosan? Eh bakit? Gusto ko ba ‘yan! Hindi naman…” umirap ako. I need to at least spare my pride. Damn it!
“Ouch, that hurts! That means you don’t like me, Thraia!”

Nagtawanan si Ivo at Ate Ethel. Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain.

“Ewan ko sa inyo! Kakain na lang ako dahil gutom na ako. Aakyat na agad ako para makagawa ng assignment!” sabi ko.
“Sus!” biro ni Ate Ethel.

Iyon nga ang ginawa ko pagkatapos. Iyon nga lang, Ivo kept on texting me that night. Ayaw ko man ay hindi ko na napigilan ang pasimpleng ngiti ko sa kanyang mga texts.

Ivo:
‘Wag na magalit, please. :)

Nababaliw na talaga yata ako sa lalaking ito.

But that didn’t stop there. When Olive won and was asked who her crush is, at nang sinagot niya na si Ivo ay mas lalong umigting ang usap-usapan sa kanilang dalawa.

I hated it so much. Lalo na tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Olive sa Facebook dahil sa mga recent adventures niya at sa mga recent products na ginagamit niya sa kanyang mukha. She’s into make up. While I’m walking like a living dead… mapusyaw ang balat ko at ganoon din ang labi.

If only I have the money to buy those expensive make ups. But hey, I can still buy the over the counter ones.

“Ano ba kasing bibilhin mo rito, Thraia?” the young Sage asked me when we were both at a local store.

Nag gogrocery siya habang ako’y tinitingnan ang isang local line ng make up. They’re not bad and not expensive so ayos lang na subukan ko, hindi ba?

“Lipstick sana…”

Tiningnan ko ang pera ko. Kahit na mura lang iyon, nakalimutan ko yatang hindi na afford ng bulsa ko ang mga itinuturing kong mura kaya iyong polbo na lang muna ang bibilhin ko.

“Yuck. H’wag kang gumamit niyan,” Sage said with disgust.

I wish I can say that one too. Kaso lang, I really want to grow up… grow fast… because Ivo is growing and becoming a man each year… I can’t be the young Thraia forever. I want to be his equal.

Uminit ang pisngi ko habang naiisip ko iyon.

Tulala ako habang tinitingnan ang mga gusali ng isang malaking probinsya. I woke up from my sleep and I’m feeling strange… feeling extremely different.

“Thraia, are you hungry?” Ali’s voice sounded distant to me. Not in the physical sense, though.

Nilingon ko siya. His eyes looked so expressive but I’m feeling empty.

“Where is Ivo right now?” bungad ko sa kanya.

Napalingon si Zamiel sa akin. I turned to him, hoping to find reliable answers. And he did answer me.

“In Manila…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Waves of Memories – Kabanata 12

  1. I’ve been surfing on-line more than three hours today, but
    I never found any interesting article like yours.

    It is beautiful price enough for me. In my
    opinion, if all webmasters and bloggers made excellent content material as you did, the net can be much
    more useful than ever before.