Waves of Memories – Kabanata 11

November 11, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 11
Everything

Sinarado ni Alejandro ang pintuan ng bahay pagkatapos umalis ni Ivo roon. Bumaling siya sa akin at humalukipkip. I really don’t know how to react now that he looks angry. He’s never really fond of taming me. That’s my Dad’s duty. But he isn’t here anymore.

Umatras ako para mamagitan sa aming dalawa ang kulay abong sofa sa aming sala. Si Ate Ethel ay natatawa sa reaksyon ni Alejandro.

“Paano kung hindi mabait ang anak ng mga Mercadejas, anong nangyari sa’yo?”

Hindi mabait? Bakit? Mabait ba ang lalaking iyon?

Kung sabagay, maraming beses niya akong nailigtas ngayon. Una, sa bangin. Sunod, sa kamay ng kanyang ina. Isa pa iyong sa kalsada. At ngayon, heto. Pero sinumbong niya ako kay Alejandro.

“Gusto ko lang naman kasing mamasyal. I’m so bored here, Alejandro…” sabi ko.
Umiling siya. Mukhang disappointed talaga sa ginawa ko.

I’ve been bored for almost a year here. Noong nagkasakit si Papa ay nakaratay lang siya sa kama. Pabalik balik kami sa ospital at ang tanging pinagkakaabalahan ko ay ang mga turo ng tutor ko rito sa bahay.

“Hindi ba may hotel diyan sa malapit? Bakit hindi tayo mamasyal?” sabi ko.
“Mamasyal? Sa hotel? Naririnig mo ba ang sarili mo, Aia?”
“Alejandro…” saway ni Ate Ethel.

Nilingon ko si Ate Ethel para maghanap ng kakampi pero malungkot niya lamang akong nginitian.

“Pinipilit naming pagkasyahin ang pera namin ni Ethel para sa gastusin dito sa bahay at may malaking utang pa tayo sa bangko tapos hihingin mo sa akin ‘yan?”

The truth dawned on me. Para akong nalulusaw na kandila habang nakikinig kay Alejandro. My father is one of the best architects of their firm. He lands big jobs from big companies at doon siya kumikita ng pera. Our life in Manila isn’t what you call expensive but we certainly were part of the higher few.

Ngayon…

“Fine! Fine! That’s why nililibang ko ang sarili ko, Alejandro…” sabi ko.
“Alejandro, ayos lang ‘yan. Aia, inimbita tayo ni Ivo Mercadejas mamaya. Gusto mong maglibang, hindi ba? Ba’t hindi ka pumunta roon?” tanong ni Ate Ethel.

Huminga ng malalim si Alejandro at hinilot niya ang kanyang sentido bago bumaling ulit sa akin.

“Maghanap ka ng susuotin doon. Pupunta tayo mamaya…”

With that being said, I immediately ran to the stairs. Hindi ko maitago ang excitement ko sa nasabi ni Alejandro.

Hindi nga lubusang masama iyong si Ivo. Hinatid niya ako rito para sabihin kay Alejandro na nagtrespass ako sa kanilang mansyon pero sa huli ay sinabi niyang naintindihan niya ang ginawa ko. Inimbitahan pa kami sa party! Oh, ‘di ba?

I like parties. I remember the suppliers party I used to go to when I was younger. I remember my Dad’s colleague’s birthday… and many more. At halos tatlong taon na rin akong hindi nakakadalo sa isang party!

Hinalughog ko ang aking mga damit. My Mom, like me, was petite. My mom was very young when she died. Ang ibang mga damit niya ay hindi niya pa kailanman naisuot kaya nasa cabinet namin. Bilang alaala na rin sa kanya. Though, I don’t remember anything because she was gone days after my birth.

Hinaplos ko ang kanyang larawan sa kuwadra. Ngumiti ako bago binuksan ang cabinet.

Pinaghalu-halo iyong mga damit ko at damit ni Mommy. My clothes were old. Isang taon na akong hindi nakakabili ng damit dahil sa sakit ni Daddy.

He was bedridden for six months and we couldn’t communicate properly because of the tubes connected on his body. Napalunok ako habang inaalala iyon lahat.

Tumigil ako sa paghahalughog ng damit. Depression spread like wildfire on my system. I grieved the day I realized that my father isn’t the same anymore. I grieved when I saw him almost unconscious, lying on his bed, months ago. I grieved early that the day he died, I was so numb.

Ang espasyo sa aking puso ay hindi matakpan ng kahit ano. Wala na akong magawa dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko na lang kung saan ako naiwan.

Ilang oras akong nanatili sa kwarto ko habang nakatingala sa kisame. What is out there for me? If Alejandro gives me up and leaves our property behind, what will become of me? I don’t know.

“Thraia!” sigaw ni Alejandro galing sa ibaba.

Kakatapos ko lang maglagay ng hikaw at ayos na ako. Ngumiti ako sa salamin habang suot ang sedang damit. Kulay peach iyon at halos mag blend na sa aking mala gatas na balat. Binaba ko lamang ang aking buhok at hinayaang umalon sa aking likod.

“Sandali lang!”

Pagkababa ko ay natanaw ko si Alejandro at Ate Ethel na parehong pormal ang damit. Alejandro is wearing a dark blue polo and a khaki pants. Ate Ethel is wearing a floral dress.

Hinaplos ni Ate ang aking buhok ng nakalapit sa akin. “Halika na…”
“H’wag kang malikot doon, ha? Makikikain lang tayo…” si Alejandro.
Tumango ako.

Excited na excited akong makatanaw ng bagong mga bagay o makakilala ng bagong mga tao. Excited na rin ako sa mga pagkain.

Nilakad lang namin ang patungo sa mga Mercadejas. Sa gate pa lang ay natanaw ko na ang dami ng mga taong naroon. Big cars parked on their huge parking lot. The guests were wearing long gowns.

Hindi tulad noong unang punta ko, dumiretso kami sa bulwagan. Tanaw ko ang malawak na veranda sa taas noon, extending to the sides of the large mansion. The lights that illuminate the mansion seemed surreal. They inspired elegance and class.

“How are you doing?” some guests chattered.

Hawak ni Ate Ethel ang kamay ko pero hindi na ako mapakali. Ang mahahabang gown ay tila gawa sa ginto at diamante kung makakinang. The women were very fine and classy. The men looked like models from the TV. I swear I even saw some actors and actresses in there!

Malaki ang bulwagan. It can probably host up to fifty people. The round tables were on the sides and the food were spread widely in a long rectangular table. May mga nakauniporme ring waiter at waitresses na siyang nagsiserve sa mga taong nakaupo.

“Dito kayo, Ma’am…” salubong noong babaeng nakauniporme rin.

There’s a projector in front and a small made up stage. Ang gitna naman ay para sa mga nagsasayawan. The grand staircase in front was breathtaking. Hinati ang malaking hagdan sa dalawa. Ang isa ay nakaharap sa kanan at ang isa ay sa kaliwa but both leading to the same large staircase that I can’t help but stare at.

Ang malalaking painting at kuwadra ay nasa paligid. Hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Dahil sa pagtingala ko ay nakita ko ang iilan pang guests sa taas. The large veranda housed more guests.

Nakaupo kami sa isang round table at may kasamang iilang kilala ni Alejandro. Turns out, some of our neighbors got invited, too.

Pinuno ko ang aking paningin sa mga malalaking pigura na nakikita. I saw Ivo in a chinese style barong in a large frame. Siya ay pinagitnaan ng mas matatandang lalaki na parehong nakasuot ng tuxedo.

“Shall we all sing a happy birthday to Anonius Mercadejas!” the host said and everyone cheered.

Pumalakpak din ako habang tinitingnan kung sino ang pababa sa grand staircase. A man with an all white hair wearing a black tux is slowly walking down the stairs. Sa kanyang tabi ay ang Ina ni Ivo na ngayon ay nakakulay pulang long gown habang kinakawayan ang lahat ng guests. Sa likod ng dalawa ay mukhang may isang pamilya. The older man in the frame was there with a woman. They’re with three children. Dalawang matatangkad na lalaking mukhang mas bata ng ilang taon kay Ivo at isang babaeng mas bata ng ilang taon sa akin.

And then of course, you can’t miss him. Ivo is wearing a black tux. His hair is brown and messy. His dimple made him more charismatic than anyone on their crowd.

Pumalakpak din ako para makisali.

Pagkatapos bumaba ng pamilya ay nagsalita na si Antonius Mercadejas. Nagpasalamat siya sa mga guests at sa mga nagsurpresa sa kanya.

Pagkatapos ng ilang mga presentation at mga speech galing sa iilang importanteng tao ay kumalam na ang sikmura ko.

Buti na lang at nagserve naman ng mga appetizer. Iyon nga lang, dahil sa gutom ko’y halos lantakan ko na iyon hanggang sa tuluyang maubos. I eyed on the sweets on the long rectangular table. Kung hindi lang kahihiyan ang lumapit doon para kumuha ng pagkain habang may nagsasalita ay talagang ginawa ko na.

Habang kumakain ako noong mga pagkain ay napansin ko naman ang pagsasalita ng isang anak ni Antonius Mercadejas. The man looked intense. Nang tumayo siya ay tumahimik ang tawanan sa crowd at nakuha niya agad ang atensyon ng mga tao.

“As you all know, my sons Kajik and Zamiel are going to live here in Costa Leona for the mean time…” sabi ng matandang Mercadejas.

Nagsimula agad ang bulung-bulungan.

“I’m hoping that they will both be friends with the people here gaya ng pagkakaibigang iginawad n’yo sa kapatid kong si Ivo. After all, dito naman kaming lahat nagsimula…” sabi nito.

Pagkatapos ng sinabi niya ay may pumila na agad na mga pamilya. Families flocked in front of them. Naging abala na rin ang mga serbidora sa pagbibigay ng pagkain sa mga nakaupo.

“Ano ba ang nangyayari?” tanong ko habang tinitingnan na ipinapakilala ng mga magulang ang kanilang mga babaeng anak sa pamilyang nasa harap.
“Gustong makipagkaibigan, ‘di ba? E ‘di lumapit ang mga nakikipagkaibigan… Kumain ka na lang, Aia…” si Alejandro.

Nabaling ang tingin ko kay Ivo na nakatayo sa likod ng pamilya. Ginagala niya ang tingin sa kung saan-saan. Every now and then, someone whispers to him or greets him.

Ibang klase pala itong mga mayayaman sa probinsya. Masyadong pormal ang mga party. Pati pakikipagkaibigan, pormal din!

Ilang sandali pa ang lumipas ay kainan na. Ilang video clips ang ipinakita sa projector. Hindi ko maintindihan, it’s more about their business’ progress in the past years.

Pagkatapos kong kumain ay nagsayawan na ang mga tao. Nilingon kong muli ang mga sweets sa lamesa. Si Ate Ethel at si Alejandro ay nagkayayaan nang sumayaw kaya nagkaroon naman ako ng pagkakataong lumapit sa long table.

When I got there, kinuha ko agad iyong mga wafer at dinip sa chocolate fountain. Kumuha rin ako ng marshmallows at dinip muli sa fountain pagkatapos ay nilagyan ng sprinkles. Hindi na ako makapaghintay kaya kinain ko na agad iyon hanggang sa may narinig akong tawa sa likod ko.

“You came here for the food, huh?” Ivo’s voice became familiar to me.

Nilunok ko lahat ng nilamon bago siya tiningnan. Nang nakita ko siya ay laking gulat ko nang nakalahad na ang kanyang kamay sa akin.

“Ano?” kumunot ang noo ko.

Yumuko siya ng bahagya at pormal na pormal na hiningi ang kamay ko dahilan ng hindi ko pagkapaniwala. What year is it? Medieval?

“You’re acting like your house… Ancient…” humalakhak ako.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at tinagilid ang ulo.

“Girls like that…” he grinned.

Nagtaas ako ng kilay.

“Well, I’m not like the girls.”

Bago pa ako makahalukipkip ay kinuha niya na agad ang kamay ko at hinila ako patungong dancefloor. I was so shocked that my heart raced so fast I couldn’t keep up!

“Then you’re this type of girl…” he whispered as he swayed me on the dancefloor.

Hindi ako marunong sumayaw ng ganoon. I know hiphop moves and all the other dances but not the formal ones. Why is there a need to? Pero dahil sa kanyang pagsasayaw ay parang nakukuha ko agad iyon!

It all began there. The friendship I didn’t know that will last for so many years… and will develop to something greater started there.

In just a blink of an eye, thousands of pictures were revealed on my brain. Putting the details back where it all belong. Remembering vividly the important things.

I enroled at a private high school at Costa Leona. Si Ivo ay nasa kolehiyo na nang nasa ika Grade nine ako. And everyday he’d pick me up our house through their car para sabay kami patungo sa eskwelahan.

The uniform I’m wearing and the uniform he’s wearing is very familiar. Like I just wore it yesterday.

“Ingat sila sa’yo…” biro ni Ivo sa akin kapag binababa na ako sa highschool.
“Tse!” sigaw ko sabay pagalit na lakad patungo sa gate.

Sinundan ko ng tingin ang pag-alis ng sasakyan. Normal pa ang lakad ko nang pumipila para makapasok sa gate. Nang tuluyang nakapasok ay kumaripas agad ako ng takbo sa field.

Everyday, I cross the soccer field just to reach the diamond wire mesh in between the two schools. Tanaw ko sa kabilang bakuran ang campus ng college. The students there were older and everyone seems to mind their own business.

“Ivo!” sigaw ko nang nakitang nakapasok na rin siya.

Tumawa siya at umiling nang nakita ako roon. Bumelat ako para makaganti pagkatapos ay inirapan ko siya.

“Patay na patay ka ba sa akin? Talagang tinatakbo mo pa ang layo nito para lang makita ako, ‘no?” biro niya pero agad ang pag-init ng pisngi ko.

He smiled. His dimple is showing.

“Ewan ko sa’yo!” sigaw ko at tumakbo na pabalik sa building kung saan dapat ako papasok.

Nang nakasilong ay agad akong huminga ng malalim. Damn! Muntik na ‘yon! Nilingon ko ulit ang malayong kabilang bakuran at nakita ko siyang kumakaway sa akin.

“Tse!” sigaw ko ulit kahit na hindi niya rin naman naririnig.

Parang isang iglap lang ang pagdilat ko sa umaga. Isang hingang malalim ang ginawa ko habang tinitingnan ang aking mga daliring nasisinagan na ng haring araw.

Nakapatong iyon sa malapad na dibdib ni Ali. His hand stopped tracing circles on my back when he felt that I’m awake.

“Good morning…” he whispered.

Namilog ang mga mata ko nang napagtanto ang posisyon naming dalawa. Agad akong lumayo at bumangon.

“G-Good morning…” sabi ko at sinuklay ang buhok gamit ang daliri.

Mabilis kong inayos ang strap ng aking spaghetti dress nang napagtantong nahuhulog ito. Bumangon si Ali at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok.

I scanned my face to see if there’s any dirt. Mabuti na lang at wala naman. Nang napatingin ako kay Ali ay nakatitig na siya sa akin. Nagtaas siya ng kilay.

“Uh… Ganoon ba tayo magdamag? Sorry…” sabi ko.
“It’s okay. I don’t mind,” aniya.

Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya ngayon. Kumalabog ang puso ko nang napagtantong wala siya sa mga bumalik na alaala ko.

“Ngayon pa lang ako magluluto ng breakfast, what do you want to eat?” he asked.
“Anything is fine…” sabi ko.

Gustuhin ko mang magvolunteer na ako ang magluluto, nahihiya naman akong magpakain sa kanya ng kahit anong luto ko. Paniguradong hindi maganda ang kalalabasan ngayong kakagising ko lang sa isang mahabang panaginip.

“Mag impake ka ng ng mga kailangan mo. Kung maayos ang panahon mamaya, pwede na tayong tumulak…” aniya.

Nagtiim bagang ako. I really want to know my past but… I’m scared. Something about it makes me so scared and I don’t know why. I didn’t know the truth was such a scary thing.

“Uh… Ali…” tawag ko.
“Hmmm?”
“Pagkabalik ba natin ng Costa Leona, sa bahay ako titira?” tanong ko.
“Nakuha ng bangko ang bahay n’yo a few weeks ago…” sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. A few weeks ago? What the hell happened? “Bakit? Si Alejandro?”
“We’ll find out when we get there, Aia,” malamig niyang sinabi. “Sa bahay ka titira pagkauwi natin…”

Tumango ako at hinayaan na siyang makaalis.

Habang nagluluto si Ali ay nag-iimpake ako. Hindi ko matanggal sa isipan ko ang mga nakaraang nagbalik sa akin. I wonder if Ali’s house is Ivo’s house? Bakit wala siya sa alaala ko kahit may nagbabalik na? When did I meet him? Or did I really meet him in my past?

Tahimik kaming kumain sa hapag. Panay ang tingin ko sa kanya at tingin ko rin ay alam niya iyon. Tumataas ang kilay niya kapag natatagalan ang titig ko sa kanya at agad niyang sinusuklian ng tingin. And everytime he looks at me, I’d direct my eyes somewhere else. Ilang saglit ay babalikan ko siya at tuwing nakatingin pa siya ay inaalis ko agad ang tingin ko.

“What is it?” he asked, finally.
Ngumuso ako at nilapag ang mga kubyertos. “You’re not really a fisherman, right? Anong trabaho mo? Iyong tunay…”

I tried to sound as playful as posible. Sumimsim ako sa tubig habang ginagawaran siya ng naghahamong tingin. Nagtaas ulit siya ng kilay at ilang saglit pa bago ako sinagot.

“I’m a businessman…” he said.

Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko. Maagap niyang pinunasan ang tapong tubig at agad kong binalik ang baso sa lamesa.

“Ayos ka lang?” tanong niya, medyo nag-aalala.

Tumango ako at pinakiramdaman ang sarili. Nothing hurts. My view is still focused. I’m not fainting, this time. I’m sure of that.

“Businessman. Businessman…” paulit ulit kong sinabi. “Anong business n’yo?”
“Cement and… more construction supplies…” marahan niyang sinabi.

Napalunok ako roon. As far as I remember, their mansion looks quiet great. Expected na dapat na medyo malaki ang business nila.

I want to ask why he lied about being a fisherman but I don’t want to spoil it.

“May planta kayo o buy and sell?” tanong ko.
“May planta…”

Fine. He’s big time.

“Are you a… uhm… director?” hindi ako makatingin sa kanya.
“I’m the CEO…” he said calmly.

Hindi ako nakapagsalita sa huling sinabi niya.

“Thraia, we’re leaving for Costa Leona later. I don’t want you stressed…”

Tumango tango ako nang unti-unting naramdaman ang sakit ng ulo ko. Matulis at tila tinutusok ang aking sentido ng sakit.

Pumikit ako ng marahan at tumango tango muli. Calm down, Thraia. H’wag sabing pilitin. Hayaan mo ang sarili mong makadiskubre para hindi ka mapahamak.

Bago pa ako makadilat ay naiangat na ako ni Ali sa aking kinauupuan. His arm is on the folds of my legs and the other one supporting my back. Hinawakan niya ako ng mahigpit.

“Ali…” tawag ko, medyo nanghihina.

Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan habang unti-unti akong nilalapag sa kama. Inaantok na mga mata ang naipakita ko sa kanya nang nagharap kaming dalawa.

Umigting ang kanyang panga nang nakita akong nanghihina. His body almost covered me kung hindi lang nakatuko ang kanyang siko sa magkabilang gilid ko. The hair of his legs touched mine.

“Why did you leave when you have everything? For a life here… with me who can’t remember anything?” halos pabulong kong tanong.

His jaw clenched tighter. I can almost hear his teeth fight. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim, pumungay ang kanyang mga mata at unti unting binaba ang kanyang mukha.

Umawang ang labi ko nang naramdaman ang kanyang hininga. I bit my lip as I stared into his.

“Thraia, this is my everything…” he whispered.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

One Response to Waves of Memories – Kabanata 11