Waves of Memories – Kabanata 10

November 11, 2016 By In Waves of Memories 1 Comment

Kabanata 10
Naguguluhan

Like a movie it played on my mind the instant he left my lips from another kiss. Minulat ko ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano pinagkasya sa ilang segundong iyon ang mga alaala na nakuha ko muli.

“Thraia, hindi na natin kayang tustusan ang pag-aaral mo kung sakaling mananatili kang homeschooled…” sabi ni Alejandro sa akin.

Like what I remember, Alejandro is around late twenties when my father died. He was his assistant. He was like an older brother to me at simula noong namatay si Daddy ay siya na ang tumayong guardian ko.

In our big old house, he invited his girlfriend to stay with us. Ayos lang iyon. Mabait si Ate Ethel sa akin at alam ko ring kailangan ni Alejandro ng katuwang sa bahay. It was fine, actually. They were like my second parents except that I still feel lonely whenever I think about Daddy.

Daddy wasn’t very responsive on his last days. Ang tanging magandang alaala ko lang na kasama ko siya ay iyong malusog pa ang kanyang pangangatawan. When he got cancer, he became depressed and he grew weaker and weaker each day.

I am an orphan at the age of fourteen. But anyway, maraming mga batang mas bata pa sa akin na naulila. I guess I should be thankful that I spent years with my father.

Our house seems boring in a rainy May afternoon. Kakatapos lang ng ulan at nang lumabas ako’y sobrang tahimik ng paligid.

Hinawakan ko ang barandilya ng aming gate habang pinagmamasdan ang mga sasakyang mabilis ang patakbo. From there, I can hear a little of what seemed to be a karaoke from somewhere. Maraming tindahan at establisyemento malapit sa amin dahil nasa tapat kami ng daanan.

Isang beses ko lang nakita ang dagat ng Costa Leona sa malapitan. Iyon ‘yong unang punta namin dito ni Daddy at naligo kami ng dagat. Hindi ko na ulit nakita pa ang pinagmamalaking dagat doon. But I know where the sea is… or which side of the road it is located.

Sa kinatatayuan ko, nakikita ang windmills sa bulubundukin sa malayo. It is obvious that this side of the road is not the seaside. It’s the other one. If I cross this road, I’ll get there for sure.

Tinulak ko ang aming gate at nabukas agad iyon. Nilingon ko ang bahay at nakitang tahimik parin iyon.

Alejandro is somewhere inside with Ate Ethel. Noong buhay pa si Daddy, hindi ako madalas lumalabas dahil tumutulong ako sa pag-aalaga sa kanya. Isa pa, pinagbabawalan din niya ako noon.

Boredom got me and then with a few steps, I reached the asphalt road. Luminga linga ako at nang nakitang walang sasakyan ay mabilis akong tumakbo patungo sa kabilang bahagi.

My heart raced when I got to the end. A bus swiftly crossed the road. Muntik na ako roon. Nilingon ko naman ang isang daanan papasok pa sa looban ng maaaring dagat. Nagsilbing dingding ng daanang iyon ang matayog na palumpong ng halaman. It was well tended. Hugis parihaba iyon hanggang sa dulo ng dadaanan.

Bumagsak ang balikat ko nang nakitang may isang malaking gate roon. That means it’s a private property! Buong akala ko pa naman ay hindi. Buong akala ko’y dagat agad ang makikita ko!

I move closer and closer and it smells like the salty sea breeze I used to like.

Tumalon ako nang mga kahol ng aso ang narinig ko! Just a few steps away from the gate are three German Shepherd Dogs! Sa tabi noon ay isang maliit na bahay na tila roon pinapaupo ang magbabantay sa buong bahay na hindi ko mahagilap kahit anong tingin ko.

Umatras ako para matigil ang mga aso at sa malayo ay nakikita ko ang lawak ng kulay asul na dagat. The whole place is elevated, I see. And all this time I thought it’s going to be the seashore pero hindi!

I was curious so I went inside. I was able to run from the caged dogs at nang nakalayo ako ay agad din naman silang sumuko sa pag kahol. I just want to go near the sea. Dumaan lang ako sa kanilang lugar. Nakigamit.

Roon ko pa lang nakita ang isang duyan. I touched the cold chains of the swing. Naging interesado akong sumakay pero mas interesado ako sa natatanaw kong dagat.

Dinungaw ko ang layo ng lugar sa dalampasigan. The whole place is above what seemed to be a big rock formation. Pababa nitong kinatatayuan ko, kailangan kong mag-ingat dahil sa mga matutulis na bato. And it’s very steep that I think it’s impossible to come down.

Pinanghinaan ako ng loob ngunit unti-unti kong naramdaman na may nakatingin sa akin galing sa kung saan. Luminga linga ako at nakita ang isang napakalaking mansyon sa bandang kanan. It’s covered with huge trees and shrubs. There’s a small patio near it and everything looks peaceful.

Muli ay nagkahulan ang mga aso. Pakiramdam ko ay paparating na ang kanilang amo. I’ve got no choice but to try the rocks and see if I can reach the bottom.

Lumunok ako at agad na tumungtong sa matulis na bato. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako sa dagat para makahawak sa mga bato o ano pero sa pagmamadali ko ay hindi na ako nakapagdesisyon.

Immediately, I stepped on the third rock para mas mabilis ang pagbaba ko. Humawak ako sa bato, tanaw ko ang dagat. Kung mahulog ako rito, ayos lang. It’s all worth it!

Ngunit halos tumili ako nang dumulas ang kanang paa ko dahil sa lumot na naroon sa batong naapakan. I was positive I’m going to fall for real but a laugh escaped from someone and an arm snaked on my waist.

“Anong ginagawa mo rito?” his evil smile told me that he’s dangerous.

Mapupungay ang kanyang mga mata. Ang halos kulay brown at magulo niyang buhok ay bagay sa kanya. He smiled again and an adorable dimple on his right cheek showed.

“Ba-Bababa lang ako!” sabi ko, hindi malaman kung paano tatayo.

He’s standing in a small pathway in the middle of the rockformation. It turns out, there’s really and easier way for me to come down!

“Saan ka galing? Sa labas? Trespassing ‘to ah?” aniya at agaran akong hinila para makatayo sa makipot na daanang tinatambayan niya.
“Dadaan lang naman ako, e!” pagalit kong sinabi.
“Aba’t ikaw pa itong galit? Ikaw ang dumadaan sa bahay namin ng walang permiso? Hmm…”

Pinasadahan niya ako ng tingin. Agad akong pinag-initan ng pisngi. I’m wearing what I usually wear inside our house and he’s wearing a polo shirt and a khaki shorts. Naka mamahaling sapatos pa ito!

“Halika rito…” aniya at agad na hinawakan ang aking palapulsuhan.
“Saan mo ‘ko dadalhin?” kabado kong tanong nang dumiretso kami sa makipot na daan patungo sa malaking bahay na natanaw ko kanina.

He’s tall and I was sure he’s not my age. He’s a few years older than me.

“T-Teka lang… Aalis na ako…” sabi ko sabay piglas sa kamay niya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.

Walang imik niya akong hinila hanggang sa dumiretso siya sa loob ng malaking bahay. Marmol na sahig ang unang bumati sa akin sa bulwagan. Napatingala ako sa high ceiling at nakita ang pamilyar na painting sa itaas. Iilang mga kasambahay na nakauniporme ang nag-aayos ng mga bilugang lamesa sa mga pasilyo, nakatingin sa aming dalawa ng lalaki.

“Ayusin ninyo ‘yan at gusto kong perpekto ang lahat!” a woman in her large robes and a wineglass on hand was telling the maids.

Ginapangan agad ako ng kaba. Muli akong nagpumiglas pero tila bakal ang kamay ng lalaki at ayaw niyang bitiwan ako.

“Mama…” sabi ng lalaki sa isang mabilis na paraan.

Crap! Napatakip ako sa aking bibig dahil gustong kumawala ng mura.

“Ivo…” his Mom turned to us.

Isang segundo lang itong nanatili sa lalaki at pagkatapos ay sa akin na ang buong atensyon. Yumuko ako at muli kong natanaw ang puting dress na madalas kong suot sa bahay lang. Sumulyap ako sa matanda at nang nakitang mabangis ang tingin niya ay muli akong yumuko.

“I found this kid outside. Asan si Ronnie?”
“Inutusan kong mamili ng iilang kulang.”

Umiling ang matanda. Her dark red lips told me that this is not going to be easy.

“Hello, hija…” marahan niyang sabi pero hindi ako naniniwala sa tono niya.

Hinila ako ni Ivo at hinarap sa kanyang Mama. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan, pakiramdam ko ay makikitilan ako.

“What. Are. You. doing here?” every word was properly pronounced.
“D-Dumaan lang po. Bababa sana-”
“This is a private property! Didn’t your mum and dad tell you that it is rude to step on someone else’s property? Hm?”

Like a witch in those scary movies, the woman smiled fakely. Naramdaman ko ang pangangatog ng aking tuhod.

Hindi pa ako kailanman nasigawan ng ganoon, kahit ng Ama ko. Hindi pa ako kailanman naging ganito ka takot sa kahit sino.

Tears formed in my eyes. I was scared. So scared.

“What shall we do to her, Ivo? Dinner for the dogs? Or throw her body at the sea?”

Hindi sumagot ang lalaki sa likod ko. Bumuhos ang luha ko at nagsimula akong umiling.

“Sorry po. Please, sorry po. Hindi na mauulit. Nasa kabilang kanto lang po ang bahay namin. Akala ko pwede-”
“Shut up!” sigaw ng malupit na matanda.
“Ma,” sa wakas ay nagsalita ang lalaki.

Hinawakan niya ang aking balikat at sa takot ko ay agad akong lumayo at hinarap siya. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata sa ginawa ko.

“At lumalaban ka? Ikaw ang may kasalanan!” sigaw ng kanyang ina.
“That’s enough, Mama. It’s alright. Let me take care of her. I’ll escort her outside our house…” si Ivo sabay kuha sa aking kamay ngunit agad ko iyong iniwas.

Lumunok siya sa reaksyon ko at dahan dahang naglahad ng kamay sa akin.

“Please…” he pleaded.

Umiling ako sa takot. I feel like no one can be trusted here. Hinuli niya ang aking kamay at muling hinila palabas ng bulwagan. His mom didn’t say anything. I didn’t look back. I was scared of Ivo. Scared of what he might do…

Humihikbi ako pagkalabas ng kanilang mansyon. Dire diretso ang lakad niya at ni hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luha at sa takot.

Buong akala ko’y itatapon niya ako palabas, o ‘di kaya’y papakawalan niya ang kanilang mga aso at ipalapa ako sa mga ito kaya nang ibagsak niya ako sa isang duyan ay nagulat ako.

The chain creaked when the swing moved. Natigil ako sa pag-iyak. Pinalis ko ang luha ko at pinigilang huminga bilang paghahanda sa kung anong maaring gawin niya sa akin but he just stood in front of me. Watching with tender eyes.

Kumunot ang noo ko. Galit ang naramdaman ko pero pinigilan ko ang sarili kong sakalin siya dahil hindi pa ako ligtas. Mamaya na kapag nasa gate na ako para tatakbo na lang ako patungong daanan.

“You’ve never been scolded?” he asked.

Pumirmi ang paghinga ko at unti unting humupa ang aking hikbi. I am very sure I’ll get even later.

“Hindi pa…” sabi ko.
“You’re spoiled, then?” there’s humor on his tone.

Hindi ako sumagot.

“Pinayagan kang gumala ng parents mo kung saan saan?” tanong niyang muli.
Umiling ako. “They’re both dead…”

Dahan-dahan kong kinakalma ang sarili ko nang ‘di siya tinitingnan.

“Sorry sa Mama ko at ganoon talaga siya. You don’t seem to be a threat… a thief or what but… It’s general rule to always be harsh on possible thieves…”

Sinipat ko siya.

“Kung magnanakaw ako, sana dumiretso ako sa bahay n’yo at kumuha ng kahit ano roon. Hindi. Narito ako sa mga batuhan para bumaba sa dagat!” giit ko.

Sinulyapan niya ang dagat na tanaw doon pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa akin.

“Pwedeng dumaan ang magnanakaw sa dinaanan mo para dumiretso sa bulwagan.”

Pwe! Gaano ba sila kayaman at bakit parang may tinatago silang gold bars sa loob?

“Tsss…” umirap ako. “Uuwi na lang ako…”

Tumayo ako at nang hinayaan niya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Unti unti akong naglakad patungo sa gate. Sa ibang daanan na lang ako dadaan patungong dagat.

“Come back here tomorrow and look for me, I’ll tour you around the seashore if you want…” he invited.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong gate. Sumunod lamang siya. He even held the door open for me.

Guminhawa agad ang pakiramdam ko nang nakalabas. Umangat ang gilid ng aking labi at pagkatapos ay hinarap siya.

As if I’ll come back here? Never again!

Isang suntok ang iginawad ko sa kanyang tiyan bago kumaripas ng takbo!

I ran with all my strength only to almost get hit by a bus. Kung hindi niya lang ako hinabol at inangat ay nasapul ako noon!

Nagpumiglas ako. Neverminding what just happened.

“What the hell?” sigaw niya habang nagpupumiglas ako hanggang sa pareho kaming bumagsak na dalawa.

He groaned. Agad akong tumayo dahil nakapatong ako sa kanya samantalang siya ay nanatiling nakahiga, putikan ang siko at medyo ininda ang sakit sa kanyang ulo.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o tutulungan siya pero bago pa ako makapagdesisyon ay may sumita na sa amin.

“Pst! Huy! Anong ginawa mo kay Ivo!” isang lalaking naka unipormeng pang sekyu ang dumating.

Napalunok lunok ako.

“Hindi ko po sinasadya!”

Thinking about the evil witch inside the large hall made me shiver! I certainly am not coming back here!

Unti-unting tumayo si Ivo. Nakapikit ang isang mata sakit na nararamdaman.

“I’m sorry…” sabi ko.

Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang suot. Ang sekyu ay umaambang magtatawag na ng kasamahan para matulungan si Ivo pero…

“Huwag na, Mang Ronnie. Ayos lang ako… Kasalanan ko ang nangyari…” ani Ivo sabay malamig na tingin sa akin.
Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko, ngayon, hindi niya na ako papakawalan.
“Sigurado ka, Ivo? Taga kabilang kanto lang ang batang ‘yan. Anak ‘yan noong kamamatay lang na si Architect Fortunato… Diyan lang bahay niyan…” sabi noong madaldal na sekyu.
“Ganoon ba? Kung ganoon, ihahatid ko lang siya sa kanila…” nanatili ang malamig na titig ni Ivo sa akin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

“Are you okay, Thraia?” Ali asked looking intently at me.

Muli akong nagpakawala ng marahang hinga bago tumango. In just one moment… I remember so many things. I remember him… I remember how we met… And what kind of person was he to me. Ivo.

“I’m fine…” sabi ko.
“We should go now… Dumidilim na…” sabi niya.

Tinalo ng lamig na nararamdaman ko sa aking katawan ang lamig na nararamdaman ng aking kalooblooban. Although our first encounter might not be very well, I was very sure that the next were great. I know. I can feel it here…

Hinawakan ko ang puso ko pagkatapos ay nilingon si Ali na seryosong pinapaandar ang bangka pabalik sa isla.

Tahimik ako buong byahe. I want to know more about my history but something kept me silent. Nilingon ko si Ali habang tinutulak na ngayon ang bangka sa dalampasigan. He’s topless and the saltwater was already dry on his skin.

“Thraia, pumasok ka na at magbihis…” utos niya.
Umiling ako. “Aantayin kita…”

Nagtiim bagang ako. His lips twitched at my answer. Ilang saglit pa ang lumipas bago siya natapos mag-ayos ng bangka.

Palapit na siya sa akin ay hindi parin ako gumagalaw. Nang nakalapit siya ay agad niyang hinagilap ang kamay ko. His warm hand gave me comfort.

“Let’s go…” he said and then we walked together towards our house.

Tahimik kaming naglalakad sa buhangin patungo sa bahay nang bigla kaming may nakitang tumayo galing sa mga upuang kawayan.

Huminga ng malalim si Ali nang nakita namin ang aming mga kaibigan doon. Tumakbo si Lorie patungo sa akin at sumunod naman ang dalawa pang kaibigan ko. Dodong and other close friends of Ali was also outside our house.

“Thraia, narinig namin kay Dodong na may plano kayong umalis!” salubong ni Lorie.
Ngumiti ako. “Babalik kami ng Costa Leona…”
“Bakit pa, Ali? Maayos na ang buhay n’yo rito, ah?” tanong ni Dodong sa malayo.

Malungkot na ngumiti si Lorie sa akin. Alam kong ayaw nila pero alam din nilang kailangan namin iyon.

Ali decided to cook food for our friends. Mabuti na lang at may pagkain pa sa ref na sana’y pang hanggang katapusan ng linggo pa iyon. Tumuloy ang mga babae sa aming sala. Ang mga lalaki naman ay nagpasyang magluto ng inihaw sa labas.

“Aia, bumisita ka rito, ha?” si Pamela.
“Oo naman… Hindi naman ito kalayuan…” sabi ko sabay ngiti.

Nililipat ko ang kanin sa isang malaking plato bilang paghahanda sa kainang magaganap sa labas.

“Alam mo bang naghihisterya si Mylene kanina? Balik daw ulit sa mga gagong mangingisda?” sabay tawa ni Lorie. “Hindi na nahiya. Alam ng lahat na may asawa ang pinagpapantasyahan niya. Buti nga at hinahayaan lang siya ni Ali, kung hindi ay baka nabigwasan na ‘yon! At sa braso pa lang ni Ali, paniguradong baldado ang Mylene na ‘yon!”

Tumawa ako at umiling na lamang. Nag-usap sila tungkol sa kung gaano ka baliw si Mylene kanina sa palengke. Nakinig lamang ako habang ginagawa ang mga kailangang gawin sa kusina.

Pumasok si Ali sa bahay at dumiretso sa kusina. Mukhang may kukunin. Kumuha siya ng baso just accross where I am. Pareho kaming nakapagbihis na pero dahil sa dami ng ginawa ko rito ay pinagpawisan na ako. Si Ali ay mabango parin. Tumigil ako sa paglilipat ng kanin habang kumukuha siya ng baso.

‘Tsaka na sana ako magpapatuloy sa ginagawa kung nakaalis na siya pero hindi siya umalis. Nanatili siya sa gilid ko. Nag-angat ako ng tingin at nang nakitang nag-aantay siya sa tingin ko ay bahagya akong kinabahan.

“A-Ano?” tanong ko at agad nag-iwas.
“Can I drink tonight?” he whispered.

Shit! Parang may natapong maligamgam na tubig sa aking tiyan sa tanong niya.

“Oo naman…” sabi ko at nagpatuloy sa paglalagay ng kanin pero nanghihina na ang kamay ko.

I feel… damn!

“Sorry…” he said.
Nilingon ko siya. “Sa sofa ka ba matutulog kung ganoon?”
Kitang kita ko ang pag-awang ng kanyang labi at ang paghaplos niya sa kanyang batok bago sumagot. “Where do you want me to sleep?”

Tumikhim ako at hindi sumagot. I know I should answer that but I’m to nervous to even say anything.

“’kay… I’m sleeping beside you. But… I’ll smell like rhum. Is that okay?”
“Hmm. Ayos lang…” sabi ko at tumigil muli sa ginagawa.
“If that’s what you want, Thraia…”

Nang nawala siya sa likod ko ay pakiramdam ko pati ang kaluluwa at ulirat ko ang nawala. Nawalan ako ng lakas na gawin ang kahit ano. Bumagsak ang balikat ko at nilingon na lang ang aming pintuan.

Naabutan ko na nakatingin siya sa akin habang kausap ang mga kaibigan sa labas. Imbes na bumaling sa kausap ay tumigil siya at tinuon ang buong atensyon sa akin. Nagtaas siya ng kilay at unti-unting umangat ang sulok ng labi.

Mabilis kong tinuon ang pansin ko sa ginagawa.

“Whaaat?” bulong ko, naguguluhan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

One Response to Waves of Memories – Kabanata 10