Tripped – Simula

March 25, 2016 By In Tripped 73 Comments

Simula

“Lilienne, bilisan mo!” sabi ni Suki habang yumuyuko at tumatakbo palabas ng classroom.

“Trust me, ‘di tayo mabubuking…” sabi ko nang ‘di man lang natatakot sa biglaang paglabas.

May discussion ang teacher namin sa harap. Computer ang subject pero puno ng discussion? Hindi ba pwedeng diretso na lang kami sa Laboratory para makapag computer?

Paglingon ng teacher sa blackboard ay agad akong yumuko at lumabas na.

Tumuwid kami ni Suki sa pagtayo pagkalabas. Nagtawanan kaming dalawa!

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigil ang sarili sa pagsabog pa ng mas matinding tawa.

“Ano kaya magiging itsura ni Mrs. Divina kapag nakita niyang wala na tayong dalawa sa ating mga upuan!” sabay tawa ko.

“Oo nga, e! Mukha pa naman siyang pandesal kapag galit!”

Nagtawanan kaming dalawa ni Suki habang tinatahak ang daanan paalis sa mga classroom.

Umiilag kami sa bawat classroom na dinadaanan naming dalawa. Ayaw kong makita kami ng mga guro rito. Baka mamaya ay magsumbong pa kay Ginang Divina at mapapagalitan na naman kami.

“Oh? Nasaan daw sina Leon?” tanong ko sa kanya nang nakitang nagbabasa na siya sa kanyang cellphone.

“As usual nasa likod…” sabi ni Suki.

This is Alegria National High School. Dito ako nag-aaral simula pa noong freshmen ako. Sa Elementary School nito ako nag-aral noong Elementary naman.

Suki is my bestfriend. We’re experts when it comes to cutting classes.

Sininghap ko ang sariwang hangin sa labas nang napalapit na kami sa pintuan ng building. It’s so unlike the smell inside our classrooms.

“Freedom…” sabay tawa ko at singhap muli.

“There they are!” sabay turo ni Suki sa matalahib na likod ng paaralan.

Doon madalas tumambay ang mga kaibigan namin ni Suki. Nakikinita ko na si Leon katabi ang isang babae. Nag-iinuman sila.

“Ang tagal n’yo. Tss…” ani Leon sabay taas ng kilay sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. “Akala ko kasi laboratory agad. Iyon pala…” nagkibit ako ng balikat.

“Discussion?” tanong ni Russel sabay lahad ng kamay para mayakap ako.

“Yup. Discussion. Boring…” sabay halakhak ko.

I hugged Russel tight. He’s my recent boyfriend. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi magkakaroon ng karelasyon sa loob lamang ng friend’s circle ngunit nabali ko iyon. Russel’s just too… well, a bit persuasive.

“Excited na ako sa fine dining!” sabi ni Suki sa aming lahat.

“Ako rin!” sabi naman ng isang babae (hindi ko alam kaninong babae siya).

Humilig ako kay Russel at nakipagtawanan kay Suki. Pinaglaruan ni Russel ang aking buhok.

“Anong susuutin mo sa fine dining, Suki?” tanong ko.

“Hmm. Pwedeng itim, ‘di ba?”

Suki is obsessed with all things goth. Matindi ang eyeliner niya sa ilalim ng kanyang mga mata at madalas siyang nag lilipstick ng kulay dark violet. She likes all things black, too.

“Magmumukha kang witch!” Ngumisi ako.

“Ikaw? Anong susuotin mo, hmmm?” tanong ni Russel sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. “Hindi ko pa napapag-isipan iyan…”

Nilingon ko ang katabing babae ni Leon. She’s silent. Nakikingiti lamang ngunit ‘di nakikisali sa usapan.

“Anong pangalan mo?” tanong ko.

“Shania…” sagot niya sabay tipid na ngiti.

This is probably one of Leon’s admirer. Hindi niya pinapansin. Paano ba naman kasi, matindi siyang mangarap. Kahit gising nangangarap.

“Huy, Leon… Ikaw? ‘di ka excited sa fine dining?” tanong ko.

“Tsss.” Nilingon niya ako. “Grade 9 pa si Freya…”

Pagkatapos ng sinabi niya ay umiling kaming lahat. If I was harsh, I’d tell him to try consulting a psychiatrist. Malala na iyang Freya syndrome niya.

Inabutan ako ni Julio ng gin. Tinanggap ko iyon at nilagok ng isang lagukan bago binalik ang baso.

Ang init galing sa alak ay yumakap sa aking lalamunan hanggang sa aking tiyan.

Hinawakan ni Russel ang aking tiyan at hinalikan niyang bahagya ang aking lalamunan.

“Russ…” saway ko sabay lingon sa kanya.

Mapupungay ang kanyang mga mata habag tinitingnan ako. He smiled.

“So you really like Freya, huh?” tanong ng katabi ni Leon.

“Ay naku! Maliwanag pa sa sikat ng araw ang damdamin ni Leon para kay Freya, Shania. Akala ko alam ng lahat ang katotohanang ito?” Tumawa ako ng bahagya.

“Patigilin mo nga iyang girlfriend mo, Russ…” ani Leon sabay tayo.

Tumawa si Russel at nakisali sa pang-aasar. “I bet… Tumayo ka kasi library period…”

“Ni Freya…” ani Julio sabay hagalpak ulit ng tawa.

Nagsiilingan na lang kaming lahat at hinayaan siyang makaalis. Nagsindi ng sigarilyo si Russel at nilagay niya iyon sa kanyang labi.

Tinitigan ko siya habang lumalabas ang usok sa munting stick ng sigarilyo.

“Patry nga?” sabi ko sabay kuha sa stick.

“Huwag na! Tss!” sabay buga niya.

Tumuwid ako sa pagkakatayo nang sa ganoon ay maharap ko siya. May halong pagtataka ang tinging ipinukol niya sa akin.

“Bakit?”

“Babae ka… Ang pangit tingnan sa babae ang naninigarilyo…” aniya.

“Oh! That’s not a good statement, Russ. Men and women should be equal. Patikim!” sabi ko sabay kuha ng kanyang sigarilyo.

Nilagay ko iyon sa aking labi. I draw in the smoke in my lungs. Umubo ako nang hindi ko magawang mabuti.

“Akin na nga!” pasigaw at pagalit na sinabi ni Russel.

Inuubo parin ako sa nagawa. Pero hindi ko makaligtaan ang pakiramdam noon.

“Ang sarap pala niyan. Hindi masyadong strong. Ang sarap sa lalamun-“

“Ang sabi ko, Lili, hindi ito pwede sa’yo!” ani Russel sabay iwas ng tingin.

Napawi ang ngiti na idinulot sa akin ng sigarilyo. Humalukipkip ako at tinapunan siya ng matatalim na tingin.

“Bakit ka nakikialam sa pwede at hindi pwede sa akin?”

“Kasi hindi nga maganda na babae ang naninigarilyo!”

“So? Maganda na lalaki ang naninigarilyo?”

“Ang kulit mo, Lil!” ani Russel.

“Tama na ‘yan, Russ!” saway ni Julio sabay abot ng isang baso kay Russel.

This is my world. How I got here isn’t a question of how my parent’s raised me. It’s my choice. I want this life. I want this world. And my parents? They support whatever I do… or maybe… ignore whatever I do.

Hindi ko iyon ginagawang dahilan para magbulakbol. Instead, I’m thankful because they’re like that to me. I use that to my advantage. I am free. I embrace my freedom. And my free will. And it is my will to choose this kind of path. Wrong but liberating…

Kinuha ko sa bibig ni Russel ang sigarilyo at nilagay ko iyon sa bibig ko.

“Lili!” pagalit niyang angil.

Hindi ko na kinuha iyon dahil gusto kong manigarilyo. Kinuha ko iyon dahil gusto kong ipakita sa kanya ang punto ko.

“Shit! Is that?”

Natigilan kami sa sunod-sunod na mga mura ni Julio sabay kuha sa bote ng gin at sa baso. Nilingon ko ang mga paparating na mga Grade 12. Puro lalaki at puro rin kasali sa Central Student Government ng school.

“Tara na! Tara na!” sigaw ni Julio sabay takbo.

Tumakbo na rin ang mga babae pati si Suki.

“Lili! Bilis!” ani Suki sabay deretso sa shortcut.

Hinila ako ni Russel para makatakbo kami. But I’m not yet done with my point. Hinablot ko ang kamay ko at tinulak ko siya palayo.

“What the fuck, Lil!?” sigaw ni Russel sa akin. “Tara na!”

May sasabihin pa sana ako ngunit tumakbo na si Russel. Siguro ay sobrang lapit na ng CSG boys.

Hindi na ako lumingon. Dumiretso na ako sa pagtakbo ko ngunit imbes na makausad ay may humila sa aking uniporme!

“Fuck!” sigaw ko nang pumutok ang mga butones sa harap dahil sa paghila.

“Tian! Tingnan mo sa shortcut! Doon pumunta iyong isa!”

Pinitik ko ang sigarilyo sa talahiban. A strong hand was holding my stomach. Hindi ako makawala sa sobrang lakas ng kung sino man ang nasa likod ko!

“Iyong iba dito dumaan sa likod, e!” sabi noong isang lalaki.

Nerds!

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko sa lalaki sabay tanggal sa kamay niya.

Nilingon ko siya ngunit sa sobrang higpit ng pagkakahawak ay hindi ko lubusang makita kung sino ito.

Bwisit!

“Mateo! Sinong nakilala mo kanina?” tanong niya sa isang ka batch ko na kasama sa CSG.

“Si Sideco iyong huli, e.” Tumingin si Mateo sa akin. “Sinong iba pang kasama n’yo Lili?”

Nagtaas lamang ako ng kilay. “You think I’ll tell you?”

Umiling lamang si Mateo sabay kuha sa bato kung saan nilapag ni Julio kanina iyong gin.

“Nag-iinuman…” sabi niya.

“This one smells like cigarette…” baritonong boses ng nakahawak sa akin ang nagsalita.

Wait a minute… Tumigil ako sa pagpupumiglas.

This height, this skin… Tiningnan ko ang brasong nakahawak sa aking tiyan.

This is Riguel Alleje!

“Dalhin na natin ito sa Discipline Office! Nakahuli rin tayo ng isa!” ani Riguel sabay bitiw sa akin.

Nilingon ko kaagad siya. That cold expression. That perfect angled jaw and red lips.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

“Ayusin mo ang damit mo…” aniya.

Nilingon ko ang mga kasama niyang lalaki. Nagtawanan sila. Tiningnan ko ang damit ko. My flesh bra is showing.

“The next time you hold me, hold me a little softer. Ayan tuloy…” humalakhak ako sabay ayos sa aking damit.

Binalik niya ang tingin niya sa akin. His eyes were as scold as ice. Iyong tipong punong puno ng prinsipyo na hindi basta-bastang natitibag.

“Riguel, huwag kang makinig riyan. Matinik ‘yan!” banta ni Mateo. “Maraming nahuhumaling riyan. Magaling maglaro…”

“O, Mateo? Paano mo nasasabi iyan? Bakit? Minsan ka na bang natusok sa tinik ko?” Bumaling ako kay Mateo.

Natahimik si Mateo. Inayos niya ang kanyang makapal na eyeglass. What’s the word? NERD!

“Sinu-sino ang kasama mo rito?” maagap na tanong ni Riguel sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at ngumiti.

“You really think I’ll tell you that? Hmmm?” malambing kong sinabi.

“You won’t tell me that. You’ll tell the discipline officer!” ani Riguel sa mariing tono.

Napawi ang ngiti ko ng bahagya. Lalo na nang tinalikuran niya ako.

“Mateo, Sebastian, dalhin niyo siya sa DSA!” ani Riguel.

Umamba si Mate na lapitan ako. I smiled at him seductively. Boys and their unfortunate weakness.

“Basty, magagawa mo ba sa akin ‘to?” sabi ko sa isa pang Senior na palunok-lunok ng laway habang nilalapitan ako.

Hinayaan kong makita nila iyong bra ko. I need to get away. I’ll be an embarassment to the group kung nahuli ako!

“Alam n’yo namang ‘di rin makikialam sina Mommy at Daddy sa mga mangyayari, ‘di ba? They’re too busy… Basty… Mat…” malambing kong sinabi.

“Bilisan n’yo!” sigaw ni Riguel.

Napawi ang ngiti-ngiti ko dahil sa biglaang sigaw ng lalaki sa unahan.

“Bakit hindi ikaw ang lumapit sa akin para dalhin ako sa DSA, huh? Affected? Feel anything for me, Riguel?” Humalakhak ako.

Nilingon niya ako. Affected, huh?

Kitang kita ko ang seryoso niyang mga mata. I smiled ngunit kalaunan ay naging bahaw ang ngiti ko dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.

Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Hinagod niya ng tingin simula ulo hanggang paa. Bigla kong naramdaman ang panginginig sa aking tuhod habang tinitingnan niyang mabuti ang bawat parte ng aking katawan.

Napawi ang ngiti ko. Volts of electricity traveled from my spine down to the ends of my body.

“Shut up… It takes more than that to seduce me.” Pagkatapos ay tinalikuran muli ako.

What? He’s impossible!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

73 Responses to Tripped – Simula

  1. Wow. This is interesting. Lili is really fierce! Not like any Jonaxx girl. Perhaps sort of similar to Charity Corpuz. I’m gonna love this. You’re getting even greater, Jonah!

  2. Eto yung magic ni Jonaxx eh! Talagang malakas agad ang chemistry ng main lead sa simula pa lang!