Tripped – Kabanata 9

April 9, 2016 By In Tripped 159 Comments

Kabanata 9
Choose

Nang nag summer ay nagyaya si Mommy at Daddy na magtravel kami. Isang linggo lang naman iyon kaya pumayag ako.

We went to the beach where my Mom and Dad wants to go. Kasi kung ako ang tatanungin, mananatili ako sa bahay. Kung si Yeshua naman, paniguradong ganoon din. He’d rather join basketball leagues just like before.

Hinihilot ng kapatid ko ang kanyang sentido habang nakahiga sa sun lounger. Nakaupo ako at nagpapahid ng sunscreen.

“Maligo na tayo, Yesh!” yaya ko.

Umiling siya. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon dahil may wayfarers siyang suot.

Ngumisi ako. Nagsusungit na naman. Si Mommy at Daddy nga ay nasa mga nipa hut na para mapalapit sa dagat, tapos kami ni Yeshua naman ang nasa malayo. Kabaliktaran pa yata.

Tumayo ako para hilahin siya.

“Tara na, Yesh!” I pulled him hard.

Matigas naman ang pagbabawi niya sa kanyang kamay. Ginamit ko ang katawan ko para mahila pa siya lalo ngunit umupo siya para lang mabawi ang kamay.

Nabitiwan ko ang kamay niya dahil masyadong marahas ang pagkakahila niya dahilan kung bakit ako bumagsak sa buhangin.

“Aray!”

My butt hurts a lot. Pumikit ako sa sakit. Agad siyang dumalo sa akin.

“Ayos ka lang?”

Dumilat ako. Galit at iritasyon ang naramdaman ko sa ginawa niya.

“Ang sakit ha!” sabi ko.
“Huwag ka kasing makulit! Ang sakit ng ulo ko… Ayaw kong sumama sa’yo!” pagalit niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa kanya. Tumayo siya at umigting ang kanyang panga.

“Iinom lang ako ng tubig sa restuarant. Ikaw na lang ang sumama kina Mommy.”
“Masakit ang ulo mo?” tanong ko ngunit iniwan niya na ako bago pa siya makasagot.

Ilang sandali pa bago ako nakabawi. Masakit talaga ang puwitan ko dahil sa nangyari kaya ilang sandali muna akong umupo. Pinahupa ko muna ang sakit.

“Where’s your brother?” tanong ni Mommy nang sumali na ako sa pagligo nila sa dagat.
“He’s… Well, he wen’t to the resto to drink water.”
“Hindi siya maliligo?” tanong ni Mommy.
“Hindi ko alam…”

Hinaplos ko ang makinang na dagat. Hindi na masyadong mainit dahil hapon na. Kahapon nang nag island hoping kami, ang lalaki ng alon kaya ‘di kami nakaligo ng dagat.

“Siguro ay galit parin siya sa sinabi mo, My…” ani Daddy.

Pinagmasdan ko silang dalawa. My Tita invited us to visit the U.S. Iyong kapatid ni Mommy iyon. We will only visit so I’m not scared. Yeshua didn’t like the idea. Or maybe he thinks we would migrate. Dapat ay this year iyon pero dahil ayaw ni Yeshua, hindi ko alam kung matutuloy pa.

“Pu-pwede namang huwag n’yo na kaming isama, My,” sabi ko.
“You two are the main reason why we got invited. Your Tita wants to see you. It’s been years. Plus, gusto ni Yeshua’ng maging doktor. Your Tito is a doctor. He can help Yeshua in the future.”

Sa mga araw na naroon kami ay ganoon ang eksena. Yeshua’s less adventurous. I bet he wants to go home to see Piper.

Pagkabalik namin sa bahay ay excited agad ako na bumisita kina Riguel. Ang alam ko ay tumutulong siya sa kanyang Lolo kapag summer. May mga alagang hayop sila sa likod-bahay.

Pinalipas ko muna ang dalawang araw para naman kahit paano’y maging maganda ang kutis ko. Ang dami ko kasing sunburn dahil sa island hopping.

Isa pa, ayaw ko namang isipin ng Lola ni Riguel na ako pa mismo ‘yong bumibisita kaya siguro’y ngayon lang ito. Bukas ay ‘di muna ako uulit.

“Ayos na ba iyan?” tanong ni Mommy nang ibinigay niya sa akin ang isang palumpong ng mga pulang rosas.

Tumango ako. Ang dami niya ngang ibinigay sa akin.

“Lagi ko nga iyang nakakasabay sa simbahan si Aura at ang alam ko ay gustong gusto niya ng mga pulang rosas…” si Nana Sela iyon habang umiinom ng kape.
Ngumiti ako. “Nasabi nga po niya sa akin na gusto niya nito kaya idadaan ko sa kanila.”
“Mag pahatid ka na kay Manong Luis, kung ganoon…”

Iyon nga ang ginawa ko. I went to Riguel’s house with the flowers.

Naabutan ko sila ng kanyang lolo sa labas ng kanilang bahay, nag-aalaga ng manok. Tumayo siya nang nakita ako.

Kumaway ako sa kanya at ipinakita ang bulaklak.

“Kakarating lang namin galing bakasyon. Nasa loob ba si Lola Aura?”

Ngumuso siya at tumango.

“Samahan na kita…” ani Riguel.
“Magandang umaga, Lolo Selmo!” bati ko.
“Magandang umaga, Lilienne! Pasok ka sa loob at magmeryenda!”
“Sige po… salamat!”

Sumunod ako kay Riguel. His kind of sweaty. Ang kanyang kulay gray na t-shirt ay may bahid ng pawis sa likod. But then he still smells so great.

“How was your trip?” tanong niya nang nakapasok na kami sa bahay.
“It was fine.” Naalala ko ang kapatid ko. “Yeshua’s boring…”

Tumango siya at dumiretso sa kusina kung nasaan si Lola Aura.

“Magandang umaga, Lola. May dala po akong mga rosas gaya ng gusto n’yo!” sabi ko.

Tumawa si Lola at sinalubong ako. Nagpahid siya ng basang kamay sa kanyang damit bago tinanggap ang mga rosas.

“Naku! Maraming salamat! Nakarating na pala kayo? Ang sinabi ni Riguel ay nagbakasyon daw kayo…”
“Opo! Ang ganda nga roon kaso ‘di kami pwedeng magtagal dahil harvest ngayon.”
Tumango si Lola Aura at nilagay ang mga bulaklak sa isang vase.

Bumaling ako kay Riguel. Nakahalukipkip na siya ngayon sa hamba ng kanilang pintuan.

“Gusto mong sumama sa labas?” anyaya niya sa akin.

Tumango ako at masayang sumama sa kanya. Iniwan muna namin si Lola sa kusina.

Pinanood ko ang pag-aalaga nila sa mga manok. Pinahawak pa niya ako sa isa.

Tumawa si Riguel habang tinitingnan akong nakahawak ng manok.

“Riguel, baka matuka ‘yang si Lilienne…” ani Lolo.
Tumawa ako. “Hindi naman po siguro…”

Hindi ko alam pero tingin ko’y ito ang unang pagkakataong nakahawak ako ng manok. Para akong naestatwa habang kinakarga iyon. Riguel smirked at me.

“Lumangoy ka ba roon sa pinagbakasyunan n’yo?” kaswal niyang tanong habang kinukuha sa akin ang manok.

Bumagsak ang balikat ko nang nasa kanya na. Thank, God!

“Yup. The place was so nice. I am so amazed.”
“Marami bang tao roon?” he asked casually again.

Nilagay niya sa loob ng kulungan ang manok.

“Hmmm. Medyo. Maraming turista…” sabi ko.

Bumaling siya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil medyo masama ang tingin niya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinunod ko ang ginawa niya.

“I hope you wore fine clothes.”

Tumawa ako sa sinabi niya.

“If you want to ask kung nagtwo piece ba ako, Riguel, syempre naman, oo. It’s normal at the beach…”
“Tss. And Yeshua didn’t even scold you for that?”
“I told you it’s normal, Riguel. You are so traditional. It’s the 21st century-”
“Riguel, papasukin mo rito si Lilienne. Huwag mo siyang ipatulong riyan sa inyo. Lilienne, halika’t tulungan mo akong maghanda ng meryenda!”

Nagkatinginan kami ni Riguel. Ngumisi ako at sinunod ang sabi ni Lola Aura.

Hindi ko alam kung bakit ang payapa ng pakiramdam ko habang tumutulong kay Lola Aura. Nagprito siya ng saging. Sa bintana ay tanaw si Riguel at ang kanyang lolo na nagpapakain ng manok.

I feel normal. I even want this everyday.

“Pagkatapos niyan ay ilagay mo rito sa plato, hija,” ani Lola.
“Sige po…”

Kahit wala ako masyadong alam sa kusina ay napasubo ako. Sa bawat talsik ng mantika ay isang maliit na kurot ang nararamdaman ko sa aking kamay. Minsan sa mukha. Hindi namalayan ni Lola Aura ang pagiging walang karanasan ko sa kusina dahil nagsikap talaga ako.

“La, ayos na po ba ito? Pasensya na po’t ngayon lang ako nakapagprito ng saging.”
Tumango si Lola at tiningnan ang aking luto. “Masyado ‘yang sunog. Kapag pumula na, hija, kunin mo na.”
“Sige po…” I said politely.
“Sa… eskwelahan kayo naging magkaibigan ni Riguel?”

Napabaling ako kay Lola.

“Opo.”
“Hindi ko alam na may kaibigan siyang mas bata sa kanya. Sanay ako sa mga kaklase niya…” Ngumisi siya. Her eyes twinkled. “Nanliligaw ba ang apo ko sa’yo?”

Halos natawa ako sa tanong ni Lola. Actually, it’s the other way around. But I won’t say that. I know old people are traditional. They have not conformed with the 21st century norms yet.

“Hindi po. Magkaibigan lang po kami…” sabi ko.
“Ganoon ba? Ay iyang batang ‘yan, masyadong abala sa pag-aaral. Sinasabi ko ngang maghinay-hinay muna pero kagustuhan niya talaga iyan. Kung may pera lang kami ay ipag-aaral namin siya ni Selmo sa Manila.”

Nilagay ko ang mapupulang saging sa plato na ibinigay ni Lola. I’m learning!

“Kung kumuha kaya ng scholarship, Lola?” tanong ko.
“Oo. Natanggap siya sa mga mamahaling unibersidad pero siya ang pumili na rito na lang mag-aral. Tingin ko’y iniisip niya na ayos man ang tuition fee, ang allowance at titirhan naman ang problema.”

Tumango ako at tumutok sa pagluluto.

“Ano po bang trabaho ng Mommy at Daddy ni Riguel noon bago sila namatay?” tanong ko.
“Ang kanyang ina ay nurse at ang kanyang ama naman ay sundalo rin. Parehong namatay sa isang ambush si Jameson at Riza. May misyon kasi noon si Jameson, si Riza ay sumama bilang isang medic…”
“Oh! Ilang taon po si Riguel noon?”
Ngumisi si Lola sa akin. “Sampung taong gulang pa lang siya noon, hija. Itinaguyod namin ang pag-aaral niya roon sa Maynila ngunit nang tumungtong sa high school ay nahirapan na kami. Renta ng bahay, gastusin… pension lang ni Jameson at ni Selmo ang kinukuhanan namin ng pera. Maaga pa akong nag retiro. Kung alam ko lang na kukunin ang anak ko ng maaga ay sana nagtrabaho na lang ako para sa apo ko.”

Tumango ako at pinatay ang stove.

Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang mga problema ng ibang tao. Back home, I only got small problems. Boredom, clothes, and all the simple things. While here in Riguel’s family, they got a bunch of big problems.

“Iyan din siguro ang dahilan kung bakit nagsusumikap si Riguel. Matanda na kami ni Selmo at kung sakaling kunin na kaming dalawa, mahihirapan lalo si Riguel. Gusto niya nga sanang magtrabaho habang nag-aaral, hindi nga lang pumapayag si Selmo dahil kahit paano’y kaya naman naming tustusan ang kailangan.”

For some people, education is everything. For Riguel, that’s his only strength. Ako na kumpleto ay walang pakealam sa aking pag-aaral. Ako na may pera ay hindi man lang nagsusumikap.

Liking Riguel gave me a broader perspective about life. Liking him made me realize that freedom is not about doing things that pleases me. Freedom is knowing I can do anything I desire but choosing only the path that would benefit me and the people who loves me. That’s the essence of it.

Paniguradong binigyan tayo ng kakayahang pumili para piliin ang mga daan na tingin natin ay nakakabuti para sa atin. Hindi para piliin ang daan na nakakasama. It’s like a test… and your choice is your salvation. If you choose the right path, you are saved. If you choose the wrong path, you learn from your mistakes.

“Riguel!” sigaw ko. “Lolo… Meryenda po!”

Nilapag ni Lola Aura ang pagkain at juice sa lamesa. Umupo ako sa kanilang lumang round table.

Nang pumasok si Riguel at Lolo Selmo ay agad na pinunasan ni Lola Aura ang noo ni Lolo Selmo.

Pinanood ko sila habang ginagawa iyon.

“Pawis na pawis ka. Tapos na ba kayo sa labas?” tanong ni Lola.

Pati ang batok ni Lolo Selmo ay pinunasan ni Lola Aura. Kinagat ni Riguel ang isang kalahating saging. Napabaling ako sa kanya.

Napansin ko na pawis rin ang kanyang noo. May patak ng pawis sa kanyang mukha. Nakakita ako ng bimpo sa gilid ng lamesa. Kinuha iyon ni Riguel at pinunasan niya ang kanyang batok. Nagkatinginan kaming dalawa.

Umupo siya sa aking tabi at nilapag ang bimpo sa aking gilid. Nagsalin siya ng juice sa apat na baso. Ibinigay niya sa akin ang isa.

Kinuha ko ang bimpo habang abala siya sa ginagawa. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang noo. Nilingon niya ako. Kinagat ko ang labi ko.

Hinayaan niya akong gawin iyon.

“Pati likod mo pawis na pawis, Riguel…” sabi ko.

Tumalikod siya ng bahagya sa akin para magkaroon ako ng access sa kanyang likod. Ngumisi ako at pinunasan ang kanyang likod.

I want to take care of him. It makes me happy.

“Done?” tanong ni Riguel.
Tumango ako.
“Did you cook these?” tanong niya.
“Oo, Riguel…” humalahkah si Lola Aura. “Tumulong siya. Marunong palang magluto itong si Lilienne…”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Lola. Bumaling si Riguel sa akin. His smirk is plastered on his face again. Damn, I’m feeling uncomfortable with that smirk. Hinagod niya ako ng tingin pababa bago bumaling ulit sa pagkain.

“Kaya pala may sunog…” Tumawa siya.

Tinampal ko ang kanyang braso.

“Hindi talaga maiiwasan ‘no! At iilan lang naman ang sunog diyan ah!” sabi ko naiirita na natatawa.
“Ah… You still need to learn so many things…” aniya.
“I know, Riguel. And I still have time!”

Years, actually. Say four to five years to prepare! Or even six years… Till I graduate!

Tumawa lamang si Riguel at bumaling sa akin gamit ang mapupungay na mga mata. Nanatili ang galit kong mata sa kanya.

Nilapit niya ang kanyang upuan sa akin. Laking gulat ko sa ginawa niya. Napatingin ako kay Lola at Lolo na pareho namang abala sa pag-uusap tungkol sa kung ano.

Napakurapkurap ako nang naabutang nakatitig parin si Riguel sa akin. I remember our kisses. And especially the last kiss.

“If you won’t like my cooking, we can hire a cook…” sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng husto.

Ngumisi siya. “I don’t want a cook. I want you to cook for me…”
“Ang choosy mo naman!” sabi ko sabay tingin sa pagkain.
“You changed your mind, then?” mahinahon niyang tanong.

Umiling agad ako at seryoso siyang tiningnan. Seryoso rin siyang nakatitig sa akin.

“I’ll never change my mind.”
“I hope so…” he said coldly.
“Why would I? This is how I feel, Riguel…”

Hindi ko alam kung tama pa ba itong pinagsasabi ko. All I want right now is for him to know that I’m serious. Yes, I probably have lost my mind. Sa gitna ng pagsasabay namin sa tricycle, mga pasulyap-sulyap ko sa kanya, ang noo’y mababaw ang lumalim na ngayon.

“Feelings change…” he said.
Umiling ako. “It won’t…”
“Don’t just feel. Choose it,” aniya na hindi ko naintindihan.

Little did I know…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

159 Responses to Tripped – Kabanata 9

  1. Can’t wait sa Next UD ni Queen kilig overload
    “Little did i know”anong ibig sabihin ba’t kinakabahan ako huhuhuhuhuhu ….. More Updates to come ….. More power Queen J

  2. Eager to the next chap…natapos Ko na binasa yung downfall Chronicles gosh ang shakeet
    Sa lahat talaga nang stories nh queen eh mas nakakarelate akos Tripped&Downfall Chronicles about those crush2 thing hahaha sa wakas na sabi ko rin ang gusto Kong sabihin hahah feel nyo bah yung feeling na gusto mo talaga eh labas yung gusto mong ipalabas at u feel relieved of that hahaha carefree ????

  3. Yeah feelings change it depends on you kung papalalimin mo o hahayaang mawala. I think in this chapter I realized something riguel is so serious in his study so he don’t have time to play around…

  4. Shocks baka may sakit si Yeshua na Alzheimer’s kasi nakakalimot na siya :'( Pag nagkaroon sila ng story ni Piper baka mamatay siya sa dulo :( Negative thoughts go away!!

  5. I love to read books. Romance, crime novels, mystery…you name it, i read it. My favorite authors are Agatha Christie, Barbara Cartland, Danielle Steel to name a few. But when my sister introduced me to wattpad a year ago, i was hooked on your stories. I told myself that may magaling din palang filipino writer. Kaya, i always wait for your updates and i reread your stories. I can say thay i read your Until trilogy 10 times already. And every time i read it, kinikilig at umiiyak pa rin ako. The only regret i have is hindi ako na order ng selfpublished na Until trilogy mo. Late ko na kc nalaman. But it is okay kc i still can read it here and in wattpad. I forgot to tell you that im a fast reader kaya halos lahat ng stories mo nabasa ko na ulit. You stories bring us to different parts of the Philippines. Nasa bucket list ko na ang Cagayan de Oro which is by the way the hometown of my grandmother, i want to see Davao, Camiguin, etc. All the places you mentioned in your stories. Ang alegria lang yata ang di nag exist eh. ??? You are great in wrting so i hope that miski may mga nagbash sayo, it will not affect you. I really hope to meet you someday. Thank you for writing great stories and i hope you will continue writing. GOD BLESS YOU.