Tripped – Kabanata 8

April 8, 2016 By In Tripped 294 Comments

Kabanata 8
Time

I did it, alright. I think I somehow got Riguel’s attention. And that magical kiss. Damn. I’ve kissed boys but I’ve never felt this way before.

It’s been almost a year since I got suspended. Hindi ko inasahang sa pangungulit ko kay Riguel ay mangyayari pa ito. I thought this is next to impossible.

The remaining days of February and March, I stayed inside our classroom. Hindi ako nagcutting kahit ng isang beses. Suki was so bored that she’d cut class with Julio and Russel.

“Ay naku… Slowly you’re becoming as slave of that man, Lilienne…” ani Suki at humalukipkip. “For years I have known you to be always untamed but now… look at you?”

Ngumisi lamang ako kay Suki.

Hindi ko rin alam. I want to be mature. I want to travel paths that are good for me. Noon ay hindi ko inakalang aabot ako sa araw ng ganito, ngayon… ilang buwan nga lang lumipas, nandito na ako.

Like before, madalas kaming nagsasabay ni Riguel sa tricycle. Kapag naman busy siya tulad ng graduation practice ay nauuna na ako. I won’t wait for him. I just feel like I shouldn’t.

Naunang nag exam ang mga seniors. Nang exam week namin ay nagpapractice sila ng graduation. Riguel is Valedictorian. The reason why he’s busier now.

Grabeng pagsusunog ng kilay ang ginawa ko sa finals. Hindi ko na maalala ang last time na nagstudy ako. Pero ganadong ganado ako sa finals kaya may nasagot ako sa mga exams.

Nang natapos ang huling exam ay ‘tsaka pa ako nakahinga ng malalim. Nagliligpit ako ng gamit nang kinalabit ako ni Julio sa likod.

“Hmmm?” tanong ko.

Itinuro ni Julio si Piper sa labas ng pintuan. Nakahawak siya sa hamba, tila takot sa mga lalaking kaklase ko. Syempre at pinopormahan na agad ang magandang si Piper ng mga bulakbol kong classmates.

“Umalis nga kayo riyan!” sabi ko. “Piper…”

Nilapitan ko agad siya. Siguro’y tapos na rin siya sa exams.

“I think Yeshua won’t make it to the honor roll…” salubong niya sa akin.

I can’t believe that they’re so concerned about being at the honor roll while I’m concerned of just passing. Well, they’re on the right track.

“Bakit?”

I know he had been failing tests. Sabi ni Piper ay makakalimutin daw siya sa mga projects at mga pinag-aaralan. I really have a hunch but I refuse to acknowledge it. The start of this year, I feel something strange. And right now mas lalo iyong nadedepina.

“Almost all of his answers are wrong, Lili. Kahit sa Math. Akala ko nagbibiro siya but then he got so disappointed…”
“Is he studying hard enough?” naging malamig na ang boses ko.

Hindi ko alam kung nag-aaral ba ang kapatid ko. Siguro sa loob ng kwarto niya. I’m not sure. I’m not always checking on him. Sa mga bagay na ganyan, mas alam ni Piper iyan.

“I think so. We’re always studying sa library. And he seems serious about it. I don’t know, Lili…” Kitang kita ko ang concern sa kanyang mga mata.

Nanikip ang dibdib ko. Ngunit baka naman si Piper ang nagkamali? Paano niya nalamang mali si Yeshua ng mga sagot, hindi ba?

Hindi ko iyon masyadong pinagtuonan ng pansin. My twin is probably having a hard time with his subjects. I think it’s normal.

Sa gilid ng court ay pinapanood namin madalas ang pagpapractice ng mga seniors. Tumitindig ang balahibo ko kapag tinatawag si Riguel bilang valedictorian. Somehow, I feel so proud of him.

“Riguel Jameson C. Alleje, Class Valedictorian…”

Napapangiti ako tuwing umaakyat siya sa stage. Binabatukan na nga ako ni Suki dahil nagmumukha na raw akong tanga.

“Suki naman!” sabi ko sabay hawak sa aking batok.
“Kung makangisi ka riyan parang ikaw iyong nagpapaaral sa kanya!”

Ganunpaman ay ‘di parin natanggal ang ngiti ko.

Naisipan kong bilhan siya ng graduation gift. Kahit na paniguradong wala naman kami sa araw ng graduation nila, pupunta ako para lamang maibigay ang regalo.

“Anong pinabili mo sa Mommy mo?” tanong ni Suki sa akin.
Ngumisi ako. “Isang Rolex!”

Nalaglag ang panga ni Suki sa sinabi ko. Lumapad lamang ang ngiti ko. He deserves the best.

“Alam ba ng mommy mo kung sinong pagbibigyan?”
Tumango ako. “Alam niyang si Riguel. Sinabi ko na gagraduate siyang Valedictorian kaya bibigyan ko.”
“O, e ‘di hindi ba siya nagtanong kung ano mo si Riguel at bakit mamahaling relo ang bibilhin?”
“Hindi. I think she thinks he’s my boyfriend.”
“Hay Grabe ka, Lili! Pag malaman ‘yan ni Yeshua, paniguradong magagalit iyon!”
“Hayaan mo siya. He’s just so over protective… and moody…”

Indeed, my mom got me a Rolex for Riguel.

“Mom, secret lang po natin ito. Baka kasi magalit si Yeshua…”
Kumunot ang noo ni Mommy. “Lagi kayong nag-aaway nitong mga nakaraang buwan at lagi siyang magagalitin. Anong nangyayari sa kapatid mo? And his grades are low…”

Nilapag ko ang paperbag sa aming lamesa at humalukipkip na lang. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko… tingin ko ay malabo naman iyon. It’s almost a year now. Kung may mangyari man dapat noong June pa lang.

“Baka naman binasted siya ni Piper kaya ganoon. Hayaan mo si Yeshua, my. He’ll get over whatever it is…”
“O sige…” Tumango si Mommy.

Masaya kong tinanggap ang binili ni Mommy. Soon, when I’m earning, pera ko na ang ipambibili ko sa mga bagay na gusto ko. I can’t wait to grow up!

Gumawa ako ng letter para kay Riguel. Simple lang naman iyon. Isang paragraph lang iyon.

Dear Riguel,
Congratulations!
I am so pleased to see you on that stage. I believe you can reach for your dreams soon. I can’t wait to see you reach it… I’m hoping you will let me see it with you.
Take my simple gift. I want you to wear it always so you’ll remember me. You’ll remember me everytime.
Love,
Lilienne A.

Si Suki ang sinama ko para manood ng graduation. Syempre, wala ang boys dahil hindi na sila interesado sa bagay na ito.

“Ililibre nga kita pagkatapos nito!” sabi ko sa nagrereklamong si Suki.
“Ay naku! Wala bang kainan sa bahay nila? Valedictorian siya, a?”
“Nakakahiya naman kung pupunta tayo roon kahit ‘di tayo naimbitahan.”
“Ngayon ka pa nahiya? inimbitahan ka ba rito?” Tumawa si Suki kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

Nagsuot ako ng isang simbleng pencil skirt at floral sleeveless top para sa graduation ni Riguel. Si Suki naman ay naka all black dress.

Hindi kami pinapasok dahil parents lang ang papapasukin. Paniguradong naroon ang Lolo at Lola ni Riguel. Iniisip ko kung may kainan nga kaya sa kanila at kung sinu-sino ang mga bisita.

Higit isa at kalahating oras din kaming tumayo sa labas ng mga barricade. Mabuti na lang at sa huli, nang tapos na ang programme ay pinapasok na kami ni Suki.

Agad kong hinanap si Riguel sa dagat ng mga graduates. Agad ko siyang nahanap kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagpi-picture sila.

Tumayo kami ni Suki sa likod ng Lolo at Lola ni Riguel. Nahihiya tuloy ako kahit na hindi naman nila ako kilala. Kilala ko sila sa mukha dahil taga rito sila sa Alegria.

Nakangiti ako habang nakangiti rin ang mga kaibigan ni Riguel. Siniko pa nga ako ni Suki para mag side comment.

“’Di ka kasali sa picture. Mukha kang tanga kakangiti riyan…”

Siniko ko na lang siya pabalik. Nakita kami ni Riguel habang nagpipicture sila. Dumako sa akin ang kanyang mata.

Kumaway ako. Nagkamot siya sa batok pagkatapos mag picture at hinarap ang mga kaklase niya.

“Bahay tayo, ha?” anyaya niya.
“Sige. Susunod kami…” sabi ni Sebastian.

Bumaling siya sa banda namin. Sinalubong siya ng kanyang grandparents.

“Riguel, tumulak na tayo at nag aantay na ang pamilya…” sambit ng kanyang Lolo.

Hinawakan ni Riguel ang braso ng kanyang Lolo at humakbang siya ng isang beses para mapalapit sa akin.

Kumalabog ag dibdib ko sa nangyari. Paulit ulit ang “Oh my God,” ni Suki sa likod ko.

Paano ba kasi, simula noong prom nila, ikinwento ko kay Suki ang nangyari ngunit tingin niya’y nananaginip lang ako. Kaya gulat siya ngayong pinagtuonan nga ako ng pansin ni Riguel.

“Lolo Selmo, Lola Aura, si Lilienne Altamirano po…” ani Riguel sabay lahad sa akin.

His grandparents aren’t that old. In fact, bata pa silang tingnan. I heard Riguel’s grandpa is a retired army and his grandma was a teacher.

“Magandang umaga po sa inyo. Congratulations po sa inyo bilang tumatayong mga magulang ni Riguel. Ang talino po ng apo n’yo Lolo… Lola…”

Humalakhak si Riguel. Ngumiti naman si Lola Aura sa akin at hinawakan niya pa ang braso ko. Naku! Sana pala nagdala ako ng gift din para sa kanyang Lolo at Lola!

“Salamat, hija. May kainan sa bahay. Sumama ka na sa amin…”

Sumulyap si Riguel sa likod ko sabay tingin kay Lola Aura.

“Sabay na lang po sila sa atin patungo sa bahay…” ani Riguel.
“Mabuti pa nga…” sabay ngiti ni Lola.

Ilan pang mga tao ang bumati kay Riguel. Pati sa kanyang Lolo at Lola ay may mga bumati rin.

Pinagmamasdan ko sila habang paalis kami roon.

Riguel got most of his features from the Allejes. Katawan, tangos ng ilong, madilim na ekspresyon, puro kay Lolo Selmo nagmana lahat. Ang kanyang kutis at labi naman ay kay Lola Aura.

I wonder what his parents look like.

“Salamat naman at makakakain tayo sa bahay nila. Iyong libre mo sa susunod na araw iyon, ha!”

Pinagbuksan kami ni Riguel ng pintuan sa kanilang lumang pick-up.

Unang pumasok si Suki. Pagkatapos ako. Si Lola naman ang katabi ko. Si Riguel ang sa front seat at si Lolo Selmo ang nagdrive.

“Kanina pa iyon nag-aantay ang mga bisita…” ani Lola.
“Pasado alas dose na kaya paniguradong gutom na sila. Luto na kaya ang lechon?” tanong ni Lolo.
“Ay tapos na iyong inikot nina Berting…” ani Lola.

Kinagat ko ang labi ko. I was about to ask kung saan sila nagpalechon pero nagulat ako nang mukhang sila na mismo ang umikot sa lechon.

The wind is blowing my hair. Hindi kasi sarado ang salamin ng pick up. Sinikop ko ang buhok ko at ngumiti kay Lola.

“Ikaw ba ang anak Vivienne?” tanong ni Lola sa akin.

Nilingon kami ni Riguel. Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat.

“Siya, Lola…” ani Riguel.
“Gustong gusto ko ang mga bulaklak sa farm n’yo. Magaling talagang mag-alaga sina Martin at Vivienne. Sa kanilang pamamahala lumago ang farm n’yo sa bulaklak, hindi ba?”
Tumango ako. “Opo. Anong bulaklak ba ang gusto n’yo, Lola? Kapag madalaw ako sa inyo ay dadalhan kita. Hindi ako nakapagdala ngayon pagka’t iniisip ko na ‘di magandang ibigay kay Riguel iyon dahil pambabae ang mga bulaklak.”
Tumawa si Lola. “Sige, hija. Aasahan ko iyan. Taga La Santa lang kami, malapit sa inyo.”
Ngumiti ako. “Ngayong summer po, dadalhan kita…”
“Mabuti pa nga. Gustong gusto ko ang mga rosas.”
“Anong kulay po ang gusto n’yo Lola?”
Tumawa si Lola. Mas lalong nadepina ang kulubot sa gilid ng kanyang mata. “Hindi ka ba papagalitan ni Vivienne?”
“Magpapaalam naman po ako kaya ayos lang iyon…” sabi ko.
“Gusto ko sana ng kulay pula. Ang kulay ng pag-ibig…”
“Sige po. Dadalhan kita.”

Ngumuso si Riguel at bumaling sa kalsada. Siniko ulit ako ni Suki. I was too busy to see what’s bothering her so I didn’t look at her.

Nang nakalabas na kami ng sasakyan ay ‘tsaka niya ako niyugyog.

“Kung nakakatunaw ang titig ay kanina ka pa naging tubig, Lilienne!” ani Suki habang niyuyugyog ako. “Naku! Si Riguel! Kung makatitig akala mo kanya ka.”

Kinagat ko ang labi ko at siniko na siya dahil ayaw kong marinig kami.

Naglakad kami ni Suki sabay kay Riguel. Nauna ang kanyang Lolo at Lola.

Sa tapat namin ay ang bahay nila. Luma ang disenyo, parang ginawa ito noong kapanahunan ng kastila. Kulay dark brown na ang dingding ng bahay. Umaapaw ito ng tao.

Patungo kami sa isang maliit na pintuan papasok ay napansin ko ang agos ng batis sa kung saan.

Nilingon ako ni Riguel. Nanatili ang mga mata ko sa likod ng bahay nila. Nang napansin ang pananatili ng kanyang mata ay bumaling ako sa kanya.

“Tabi ng batis?” tanong ko.
Tumango siya.

Namangha ako. Tabi rin ng batis ang aming plantation. Ibig sabihin kung susundan mo ang batis ay patungo na iyon sa kanila.

“Riguel! Congrats! Ha!” sabi ng isang lalaki sabay tapik sa dibdib ni Riguel.

Sumunod kami papasok sa kanilang bahay. Sobrang daming tao. May ibang kilala ko pero halos lahat ay hindi.

“Umupo muna kayo rito…” sabi ni Riguel sabay turo sa isang classic na upuan.

Tumango ako at umupo roon. Ganoon din si Suki. Tahimik kaming umupo roon dahil maingay na ang mga tao.

Maingay sila sa pagbabati kay Riguel. Hindi nagtagal ay dumating din ang kanyang mga kaibigan. Kasama roon sina Isabella Thomas, Sebastian, Mateo, at iba pang kagrupo nila.

Dahil punuan na sa loob, sa labas ng bahay sila pinaupo.

Binigyan kami ng plato ng isang babae at itinuro niya na ang lamesa. Pumunta na agad kami ni Suki para makakain na.

I was just observing Riguel’s relatives, their home, the simplicity of their lives. I can’t help but compare it to me. Kapag nariyan ang relatives ko, pamamahala ng negosyo ang pinag-uusapan. Also, most of them are already in Manila.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang bahay. It’s not big. It’s not small, either. It’s just enough for them. May hagdanan patungo sa pangalawang palapag. Their windows are very traditional spanish colonial style. May mga nakasabit pang lumang larawan ng kanyang Lolo at Lola sa dingding.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita. Most of who are here were his Lola’s relatives. His Lolo’s relatives were mostly outside, drinking and singing videoke.

Maraming bata. Tumatakbo. Naghahabulan. Nangingiti ako habang tinitingnan sila roon.

Nagulat na lamang ako nang kinalabit ako ni Suki. Nang nilingon ko si Suki ay si Riguel ang una kong nakita. Naka puting t-shirt na siya at pantalon.

“Want to go out?” tanong niya.

Nilingon ko ang labas. Naroon parin ang iilang kaibigan ni Riguel, kumakain.

“Suki?” tanong ko.
Tumawa si Riguel. “Suki, ayos lang sa’yo na hiramin ko saglit ang kaibigan mo?”
“Oh!”
“Sure, Riguel!” ani Suki sabay tulak sa akin.

Tumayo ako at kinuha ang aking paper bag na dala.

Tumalikod agad si Riguel para makalabas na kami. Nang nakalabas kami ay napalingon agad ang mga kaibigan ni Riguel. Tahimik sila habang pinagmamasdan kami. Ngumiti ako kay Sebastian at Mateo. Basty’s face looked so scared or shocked. I’m not sure. Si Mateo naman ay parang ‘di na nagulat.

Nga naman… Nakikita nila kaming nagsasabay sa pag-uwi ng ilang buwan na. Ngunit ang mga babae ay tahimik at gulat pa.

“I’ll leave you for a while…” ani Riguel at diretso nang pumunta sa likod ng kanilang bahay.

Ngumiti ako at sumunod sa kanya.

May mga puno roon. Natatabunan ang ingay ng galing sa kanilang bahay habang lumalayo kami.

“Nandito ang batis. Papunta ang tubig nito sa inyo, ‘di ba? And it’s from Tinago…” ani Riguel.

Tumigil siya nang nasa gilid na kami ng batis. Wala na kaming ibang naririnig kundi ang ingay ng tubig galing roon. The water is clear. Tingin ko’y hanggang paa lang ang lalim ng tubig rito sa batis at punong puno iyon ng bato.

“Do you take a bath here?” tanong ko.
Ngumisi siya. “Not really but… hmmm… I can try. Dito naglalaba si Lola. Gusto niya kasi ng presko sa pakiramdam.”
Tumango ako. Pretty traditional. It’s so unlike our home.
“Thanks for inviting me today. I didn’t expect it. Pumunta lang naman ako roon para ibigay sana ito sa’yo at para bumati…”

Ipinakita ko sa kanya ang paper bag. Tinitigan niya lamang iyon.

“Hindi ko matatanggap iyan. That’s expensive,” mariin niyang sinabi.

Laking gulat ko sa sinabi niya. Sa lahat ng bagay na inisip kong mangyayari sa araw na ito, iyan ang pinaka ‘di ko inaasahan.

“But… But-”
“I don’t want anything from you, Lilienne. I don’t need it,” pagalit niyang sinabi.

Binaba ko ang paperbag na dala ko.

“I just want to give you a gift. It’s a graduation gift. And say… your birthday gift too. I don’t know when’s your birthday so… this is going to cover two events-”
“Keep that,” mariin niyang sinabi.
“Bakit? Hindi ko maintindihan, Riguel.”
“We’re not as rich as you, Lilienne, but I’m definitely not after material things!” sabi niya.
“No… No… Riguel, this isn’t about that. I know you’re not after material things. Hindi ito dahil mayaman kami at kaya ko itong bilhin kaya ko ibibigay sa’yo. I care mostly about it’s quality and it’s meaning. It means time…” nanginig ang labi ko. “And that’s what I’m asking you. Time… To wait for me till I grow up. And that’s what I’ll give you too. Time. Because I know that you need it…”

Napaawang ang bibig niya. Hindi ko alam kung bakit nanginig ang luha sa aking mga mata.

“I want something that won’t easily break. Iyong pinakamatibay as much as possible because this is going to be a symbol!” dagdag ko.

Tumigil ako dahil nanginginig na ang boses ko.

“You want something that won’t easily break?” malamig niyang sinabi.

Hinila niya ako. Wala akong lakas dahil sa mga ibinugang salita kaya agaran ang pagsalpok ko sa kanyang dibdib.

“This won’t break…” aniya sabay angat sa aking baba.

Yumuko siya para maabot ako. Tumingkayad ako to meet him halfway.

A tear roll down my cheek as our lips met. He tilted his head. Napadilat ako sa ginawa niya.

Umawang ang labi ko. He used that to enter and claim my mouth. Hindi ko inasahan ang mapupusok na halik galing kay Riguel!

Pumikit muli ako at dinama ang kanyang halik. Sinuklian ko iyon ng parehong init sa kanya. Tumindig ang balahibo sa aking batok.

“Damn!” tumigil siya para magmura.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at bahagyang lumayo sa akin. I licked my lower lip. Isang hakbang ang ginawa ko para makalapit sa kanya. Halos mamanhid ako sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko.

“Riguel…” sabi ko.

Hinilot niya ang kanyang sentido at hinarap ulit ako. Hinawakan niya ang aking pisngi. Tiningnan ko naman ang kanyang labi. Umigting ang kanyang panga.

I want another kiss.

He put his index finger on my lips. As if telling me to keep quiet.

“It’s not yet time. Don’t give me too much ideas.”

Binaba niya ang kanyang daliri at hinawakan ang aking kamay na may dalang paperbag.

“Keep that. Give it to me when I’m successful…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

294 Responses to Tripped – Kabanata 8

  1. Grabe…mapusok na halik. Hahah. To think na highschool pa lang si Lily. This is so hot!