Tripped – Kabanata 7

April 7, 2016 By In Tripped 192 Comments

Kabanata 7
Death Wish

“Thanks, Mommy!”

Gustong gusto kong pigain si Mommy sa yakap dahil sa pagbili niya sa akin ng dress galing sa Maynila. May susuotin na ako para sa prom nina Riguel! Kahit ‘di naman ako kasali.

“Ano na naman ‘yan?” masungit na tanong ni Yeshua nang nakita ang paperbag.
Umirap na lamang ako. “Damit…”

Better not inform him about it. He’ll surely disagree.

Hindi papasok si Suki. Magiging look out lamang siya sa labas para matulungan kami. Papasok si Russel at si Julio tapos ako. Si Suki ang magmi-make up sa akin. Pumayag naman si Mommy sa gagawin ko kaya hindi na naging problema.

“Light make up lang, ha? Huwag mong itulad sa’yo na makapal ang eye liner,” sambit ko habang inaayos ni Suki ang aking kilay.
“Alam mo, Lilienne. Malambot ang features ng mukha mo. Konting highlight lang titingkad lalo ang kagandahan mo. Pagsobrahan natin naku, ‘di ka na makikilala sa sobrang ganda!”
“Sus! Binobola mo pa ako. Sige na!”

My dress is color red. Makinang ang puti kong balat kapag sinusuot ito. Lalo na kapag may pares na itim na heels.

Simple lang ang lahat ng iyon. Kaya kabado ako dahil madalas na pumupunta sa prom ay iyong mga gown ang suot. Itong akin ay hindi. Hanggang tuhod lang iyon kaya baka mamaya ay madali akong maispatan.

“Anong gagawin mo roon. Tapos na ba kayo sa decoration?” tanong ko habang nakapikit dahil sa eye shadow.
“Oo. Tapos na. Pupunta lang ako ngayon doon at sasabihin ko naiwan ko iyong gamit ko sa may bandang speakers. Tapos papasok tayo…”

Sinabi niya sa akin ang plano. Sasakyan ni Russel ang gagamitin namin. Isasama niya ang kanyang recent girlfriend. Pupunta sila roon para makisayaw lang. Si Julio ang sasayaw kay Nicole at ang sadya ko naman ay si Riguel.

Inunat ni Suki ang aking buhok. Sa baba ay kinulot niya iyon kaya mas lalong nadepina ang istilo ng buhok ko.

Hindi ko halos makilala ang aking sarili sa salamin. With the nude lipstick and brown eye shadow, I look amazing. Paulit-ulit kong tiningnan ang sarili ko. I can’t get enough of it. Gusto kong yakapin ng sobrang higpit si Suki sa ginawa niya sa akin.

Ilang saglit ang nakalipas ay dumating na sina Russel, ang kanyang girlfriend, at si Julio. Sumama na kami sa kanila.

Paulit-ulit nilang sinaulo ang plano.

“Ganito. Magmimiss call ako kapag nahuli tayo. Text text lang tayo kung may importanteng sasabihin kaya huwag n’yong kaligtaan ang phone,” ani Suki.
“Alam n’yo ba ang mangyayari kapag nahuli tayo?” natatawang tanong ni Mari, ang girlfriend ni Russel na nasa front seat.
“Hindi. Pero paniguradong tatawagin ang atensyon natin…”

Kumalabog ang dibdib ko sa excitement at kaba. I can’t believe we are doing this. Makasayaw ko lang si Riguel ay pwede na akong umalis. Iyon lang talaga!

Ang alam namin ay magkakaroon pa ng programme. Pagkatapos ng programme ay ang kainan. Iyon ang dahilan kung bakit alas syete na nang umalis kami kina Suki para sa byahe ay siguro’y kumakain na.

Pumasok kami sa gate. Hindi ko na tiningnan ang guard para hindi niya kami pagdudahan.

Nang nakapasok na kami sa school ay narinig na agad namin ang ingay galing sa covered court.

The whole court is covered with black curtains. At kita namin ang disco lights na nakasabit sa mga bakal sa taas ng court.

Kumakain pa ang mga estudyante. Kaya pinili naming magtago muna sa dilim upang mag-antay.

Kulang tatlumpong minuto kaming nag-antay at nilamok sa labas. May mga seniors na labas pasok. Siguro ay nag C-CR. Napatayo kami nang narinig ang Master of Ceremonies.

“Are you ready for som dancing!?”
“There!” sabi ko.
“Let’s wait till the lights dim…” ani Julio.

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Ilang saglit na katahimikan habang pinagmamasdan namin ang covered court. At nang nagsimula na ang maiingay na music at nag dim na ang lights ay ‘tsaka kami kumilos.

Inulit ni Suki ang plano. Panay ang tango ko. Tahimik ang lahat.

Naghanap kami ng mga seniors o juniors na papasok galing sa CR. Sumunod kami sa kanila at nag-uusap usap ng normal para ‘di mahalata.

Nauna si Suki sa loob upang kausapin ang guard na may kukunin siya sa loob. Pinapasok naman siya agad.

Mabilis akong naglakad leaving the other three. Nakihalo ako sa mga juniors na nakita at agad pinapasok kasama nila.

Nang nakapasok ako ay bumuntong hininga ako. Sinenyasan ako ni Suki na dumiretso na sa loob. Samantalang kinausap niya ang guard na isasama niya ang tatlo dahil may kukunin silang mabigat.

Kung saan-saan ako napadpad. Umilag ako sa mga teachers. May iilang seniors na nakikilala ako kaya umilag din ako sa kanila.

Hinanap ko si Riguel. Dahil sa dilim ay hindi ko agad nahanap.

Nagsasayawan ang mga tao. Sa gitna ng sayawan nila ay sumuot ako para mahanap ang kahit kaklase man lang ni Riguel.

Nahanap ko si Isabella. She’s dancing with other girls. Paniguradong nandito lang si Riguel sa paligid!

Inikot ko ulit ang dancefloor. May ibang sumasayaw pa sa akin ngunit ‘di ko pinapansin.

“Huy! ‘Di ba si Lilienne Altamirano ‘yon?” may narinig akong lalaking nagsabi noon.

Ngunit natabunan ang tinig niya sa ingay ng beat drop. Nagtatalunan ang mga tao. Ako lang yata ang hindi dahil sa paghahanap ng kung sino.

Sumakit na ang paa ko sa kakahanap kay Riguel sa dancefloor. Pumunta ako sa mga lamesa para tingnan at baka ‘di siya sumayaw. Ngunit kapag nakalapit naman ako roon ay mas makikita ako ng mga teachers.

Kaya nanatili ako sa dancefloor habang inisa-isa ang mga lamesa. May iilang mga seniors na sumasayaw sa likod ko. The party is so wild. Everyone’s dancing and the music is cool.

Ang kaninang masikip na mga tao sa likod ko ay medyo lumuwang. I wonder if they all were too busy dancing now.

Nilingon ko ang likod ko at isang itim na coat and tie ang sumalubong sa akin. I traced the man’s chest and I found Riguel’s eyes.

Nakadungaw siya sa akin. Nakakunot ang noo at nakanguso ang mapupulang labi.

Isang kantang maingay ang nagsisimula. Kasabay ng mga nota ang pagkalabog ng puso ko.

“I got a death wish
Her looks can kill
She’s got a red dress
Lipstick and heels…”

Lumapad ang ngisi ko. Nalunod kami sa mga taong nagsasayaw din.

“Hi!” I said.
“Why are you here?” he asked in a serious tone.

Nagkibit ako ng balikat at nanatili ang ngiti.

“Got a death wish baby, baby
Don’t want you to save me, save me…”

Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtatanong ang mga mata niya noong una ngunit kalaunan ay pumungay din ito.

“Are you going to tell the teachers? I was just checking what prom is like…” sabi ko.
“Can’t you wait for your own prom?” tanong niya at humakbang palapit sa akin.

Napaawang ang bibig ko para sa isang salitang ‘di ko nasabi. Gusto kong umatras. I’ve been crushing him, alright. But I really never thought that this would feel this intense when it comes to it!

“It’s still next year…” sabi ko. “Gagraduate ka na…”

Tiningala ko siya. I tried so hard not to be intimidated but I’m miserably failing.

His dark expression, deep set eyes, strong jaw, narrow nose and red lips are so illegal. Pakiramdam ko ay pinapamulahan ako habang tinititigan niya. His stare is just so intense.

“You really are so stubborn, Baby Lilienne…”
Kumunot ang noo ko at mas lalong nag-init ang pisngi ko. “Ang ayaw ko sa lahat ay iyong tinuturing mo akong bata. I’m not a kid anymore, Riguel…”
“And is it because you can now wear make up, a revealing dress, and heels?”

Naglaro ang ngiti sa kanyang mga labi. I just didn’t find it funny. It’s not funny! I want him to take me seriously!

Naalala ko tuloy ang sinabi niya. I’m like a kid wearing make up!

Ayaw kong marinig ang mga susunod niyang sasabihin. Pumunta ako rito para masilayan siya hindi para marinig ang mga pang iinsulto.

“Well, so this is what’s prom is like… Lalabas na ako. Ito lang pala ‘yon…” sabi ko at tatalikod na sana ngunit hinawakan niya ang aking braso.
“Come here… I’m not done with you…”

Pilit niya akong nilapit sa kanyang katawan. My chest touched his. I can smell his manly scent. Ngayong nakaheels ako ay umabot ako sa kanyang baba. Ang kanyang kamay ay nasa aking likod para mas mahila pa ako palapit sa kanya.

Ang hirap-hirap pakawalan ng hininga. Hindi dahil masyadong masikip kaming dalawa. Kundi dahil kabadong kabado ako.

Bumaba ang kanyang kamay galing sa aking likod. Halos dumikit ako lalo sa kanyang dibdib.

Hinawakan niya ang kamay ko at inangat niya ito. He started dancing with me slowly.

Nanlaki ang mga mata ko. Is this really happening.

“Oh… Where’s your guts now?” Humalakhak siya.

Sinipat ko siya. Kinunot ko ang noo ko para hindi niya mapansin ang kaba ko. Agad kong sinabit ang aking kamay sa kanyang mga balikat.

He smiled devilishly. Nag-iwas ako ng tingin. I realized that it is so hard to look at him this close. He looks like those dark dashing villains. Masyadong salungat sa kanyang karakter na seryoso.

“Is that all?” bulong niya.

Hinahamon niya ako. Nanginginig ang aking kamay nang isinabit ko iyon sa kanyang batok.

I told myself I’ll make something remarkable tonight. But then I just couldn’t think right.

Iniisip ko na baka binibilog niya lang ako rito. Na alam niyang gusto ko siya kaya ba niya ako pinaglalaruan ng ganito?

Sakit ang naramdaman ko. Napabaling ako sa kanya. Hindi bali na, ‘di ba, Lilienne? Kaya mo ngang manakit ng iba. Welcome pain too when it comes to you. And most especially when it comes to the man you really like.

“Where have you been? Kanina pa ako rito…”
“Nasa lamesa. I was about to dance when someone told me that some Grade 10s got in.”

Nagulat ako roon. Nalaman? And my phone’s under my skirt!

“Then…”
Tumango siya. “Shhh…”

Hinapit pa niya lalo ako para matabunan ang aking mukha. May mga lumilingon sa aming ibang seniors at juniors. Halos ibaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib para lang hindi makita ng iba.

“Riguel, tayo naman!” sabi ng isang malambing na boses galing sa likod.
“Sumayaw ka na pala, ‘di ko namalayan…” That cold tone was from Isabella Thomas.

Hinilig ko na ang ulo ko sa kanyang dibdib. Tumawa lamang si Riguel at nagpatuloy sa pagsasayaw sa akin.

“Are you enjoying this?” bulong niya.

Napangiti ako. Oh if I could only stay like this. Dito na lang ako sa dibdib niya. Hihilig at aamuyin siya.

“Riguel nakita ko sina Sideco at iyong girlfriend niya sa may lamesa ng mga juniors. Ilan daw ba lahat?” si Mateo iyon.
“Ewan ko. Tanungin mo ang DSA…” ani Riguel.
“Wala ka pang nahanap?”

Hindi ko alam ang sagot ni Riguel dahil ‘di naman siya nagsalita. Nanatili ako sa kanyang dibdib.

“Sooner or later they’ll realize who you’re dancing with. Aren’t you scared?” bulong ko habang sumisinghap.
“Why would I be?”

Hindi na ako nagsalita sa tanong niyang iyon. Hinayaan kong lumipas ang oras. Ang dami daming nagyayaya sa kanyang sumayaw. Ilan din ang naririnig kong nagtataka kung sino ang misteryosong babaeng kasayaw niya.

“I’m gonna miss you. You’re graduating. You’re not going to Manila, right?”
Tumawa siya. “I can’t afford to go there, Lilienne. Sa Alegria Community College ako mag-aaral…”
“We won’t see each other that much… I won’t see you that much anymore…”

Kinagat ko ang labi ko. Baka masanay ako nito. I sound like I own him when the truth is… it’s all just hope. And Riguel’s probably just applying his “chivalry”.

“We will see each other.”

Binitiwan niya ang kamay ko dahilan kung bakit napatingala ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking baba.

Para akong nalalasing sa titigan namin. The lights illuminated his features. His eyes reflected the light on me. Umawang ang bibig ko at bumaba iyon sa kanyang labi.

I wonder if he’s kissed a girl.

Tumingkayad ako para maabot ang kanyang labi. Hinila ko ang batok niya bilang suporta.

Tumindig ang balahibo ko nang naramdaman ang paghapit ng dalawang kamay niya sa aking baywang para lang maiangat ako ng konti.

And then our lips met. His lips are tender and sweet. Dinig na dinig ko ang tambol sa aking puso. Para akong magkakaroon ng heart attack.

Ang hirap niyang halikan. Ang tangkad kasi. Kaya mabilis natapos ang halik. Binitiwan ko ang kanyang batok. Sobrang init ng pisngi ko. He looked so weary and pleased at the same time.

“From now on, you’re not going to kiss another man. It’s only going to be me…” malamig niyang sinabi.

Hindi ko alam na may mas isasaya pa pala ako. Pakiramdam ko ay sobra sobra ang natamo ko ngayon! Pakiramdam ko ay ito na ang sukdulan ng kasiyahan ko!

Tumango ako sa sinabi niya. Ngumisi siya.

“Humanda ka pag narinig kong may boyfriend ulit si Lilienne Altamirano. Babalikan kita rito sa paaralan mo…”

Tumawa ako ngunit nanginig ang labi ko. Is this really happening? Or is this just a dream?

“Riguel! Nahanap si Julio at Suki. Ibig sabihin nandito si Lilienne?” galing sa likod na sinabi ni Basty iyon.

Suminghap ako at yumuko. Titingnan ko sana si Sebastian ngunit tinabunan ako ni Riguel.

“Nahanap ko na siya. Sabihin mo sa mga teacher. Ako na ang bahala…” malamig niyang sambit.

Ngumuso ako at tiningnan siya.

“Are you going to throw me out?” bulong ko.
He smiled.

“Nag-aantay sa labas si Yeshua. Nandito raw ang kapatid niya…”

Nanlaki ang mga mata ko. Damn Yeshua! What the hell is he doing?

Nagkatinginan kami ni Riguel.

“That’s your brother.”
Tumango ako. “I must go…”
Tumango rin siya. “I’ll escort you out.”

Tinalikuran ako ni Riguel. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mateo at Sebastian. They all look dashing. Talagang nag handa para sa event na ito. Kinawayan ko sila. Tuwang tuwa ako sa kanilang mga ekspresyon.

“You’re with…”
“Hi Basty… Hi Mat! You both look cool…” I complimented.

Bumaling si Riguel sa akin. He looks kind of pissed. Binaba ko agad ang aking mga kamay.

“Let’s go…” aniya sa akin.
Tumango ako at sumunod sa kanya.

“Stop doing that to them…” bulong niya.

Pinapanood na kami ngayon ng mga teachers at iilang mga estudyante sa dancefloor. Hindi na ako mapakali. Ni ‘di ko na namalayan ang sinabi ni Riguel dahil sa kaba.

Binuksan ni Riguel ang barricade para makalabas ako. At doon si Yeshua naghihintay kasama ang mga kaibigan ko. Nakabusangot ang kanyang mukha. Umiling na lamang ako.

Kumaway ako kay Riguel. Nilapitan siya agad ng teachers dahilan kung bakit naabala siya.

Hinigit ni Yeshua ang braso ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahigit ay nasaktan ako.

“What the hell, Yeshua?” sigaw ko sa gulat at sakit.
“You went here for what, Lili?”

Naglakad na kami palabas ng paaralan. Imbes na ikwento kay Suki ang nangyari ay mas nauna pa ang sermon ni Yeshua.

“For Riguel!” sigaw ko ng deretsahan. “Why are you so KJ, Yesh? Ni si Mommy at Daddy nga ‘di ako pinigilan ta’s ikaw, ganito?”
“Yeshua, pagbigyan mo na si Lili…” ani Suki.
“Hindi, e. Hindi ka pa rin nadadala.”
“Oh Jesus! That was last year. Hindi na ulit ako napahamak dahil kay Riguel! Hindi na dahil sinunod kita! Can’t I live my own life right now? Why are you so nosy?” sigaw ko.
“Nosy? I’m just concerned, Lilienne!”

Hinarap ako ni Yeshua. Nanggagalaiti siya sa galit kaya ‘di ko siya maintindihan.

Then I remember Piper… I remember how she told me that he’s always hot tempered now.

“What’s the matter with you? Bakit laging maiinitin ang ulo mo, huh?” sigaw ko. “You are changing Yeshua! I don’t know what’s wrong with you but what you are doing is seriously not funny!”

Nanlaki ang mga mata ni Yeshua. Umiling siya at hinilot ang kanyang sentido.

“Look…” mas mahinahon ang boses niya ngayon. “Ayaw ko lang na mapahamak ka, Lilienne…”

Nanatiling nakakunot ang noo ko habang tinitingnan siya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

192 Responses to Tripped – Kabanata 7

  1. It is perfect time to make some plans for the long
    run and it’s time to be happy. I have read this publish and if
    I could I desire to recommend you few interesting things or advice.
    Maybe you can write next articles relating to this article.
    I desire to read even more issues approximately it!