Tripped – Kabanata 6

April 7, 2016 By In Tripped 68 Comments

Kabanata 6
Important

Nagising ako sa isang malakas na tunog ng mga kubyertos at mga platong nabasag. Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon.

“Mom?” sigaw ko ng wala sa sarili.

Nilingon ko ang orasan at nakitang madaling araw pa lang. Umalis ako sa kama para matingnan kung anong nangyayari sa labas.

Sa pintuan ng kwarto ni Yeshua ay naroon sina Mommy at Daddy kasama ang dalawang kasambahay. Kumunot ang noo ko.

“Anong nangyayari, Mom?” tanong ko.
“Si Yeshua nilalagnat. Ayaw kumain. Natabig niya iyong tray kaya nabasag ang mga plato…” kalmadong sambit ni Mommy.

Tumango ako at pumasok sa kwarto ng aking kapatid. Tulog pa si Yeshua at gulong-gulo ang buhok. But you can see it in his face that he’s angry.

Pinupulot ng aming mga kasambahay ang mga bubog sa sahig. Umalis si Mommy para kumuha ng isa pang set ng pagkain at sumunod naman si Daddy sa kanya.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Yeshua. I tried to put my hand on his forehead to see if he really has a fever.

Sobrang init ng kanyang noo. Halos mapaso ako! Nanlaki ang mga mata ko.

Hinawi ni Yeshua ang aking kamay at dumilat.

“Get out of here…” masungit niyang sambit.
Tumawa ako. “Ang bilis mo naman yatang lagnatin. Naulanan ka ba kagabi?”
“Tss…” Pumikit ulit siya.
“Manang, akin na po ang tubig,” sambit ko sa aming kasambahay.

Binigay nila sa akin ang isang baso ng tubig. Hinaplos ko ang pisngi ni Yeshua at dinala ang tubig malapit sa kanya para sana painumin siya kahit paano.

“Yesh…”
“I said get out of here, Lilienne! And stop chasing for that guy again! Look at what happened now!?” sigaw ni Yeshua sabay tabig sa tubig na dala ko.

Kamuntikan ko nang nabitiwan ang baso ngunit natapon ng konti ang tubig. Nilapag ko agad iyon sa side table at napatayo ako dahil nabasa ako ng tubig.

Tinalikuran kami ni Yeshua at nanatiling natulog. Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan siya.

“I’m sorry. I know it’s my fault.”

Kumalabog ang aking dibdib. Isang ideya ang pumasok sa utak ko ngunit agad ko iyong tinulak palayo.

“Para maging maayos ka na, uminom ka ng tubig at kumain. Hindi muna tayo mag-aaral ngayon.”

Dalawang araw tumagal ang lagnat ni Yeshua kaya dalawang araw din akong ‘di pumasok. Tinext ko na lang si Suki tungkol doon at pati si Piper na nag-aalala sa kapatid ko.

Suki:
Pumunta rito si Riguel kanina. Wala na naman kasi si Mrs. Divina kaya siya ang naghandle ng klase. Nagcheck ng attendance.

Ako:
Ganoon ba? Sayang at wala ako…

Tinapon ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa panonood ng cartoons sa TV. Si Yeshua ay mabuti-buti na ang pakiramdam ngunit nanatili sa kwarto dahil sa mga assignments.

Walang pasok bukas dahil weekend kaya four straight days ang naging bakasyon ko dahil sa lagnat ni Yeshua. Magpapatingin sana sila sa doktor ngayon but my twin refused. He’s okay now.

Suki:
Ayos na ba si Yeshua? Hindi ko naman sinabi kay Riguel kung bakit ka absent, ‘di rin naman kasi siya nagtanong kung anong nangyari sa’yo. Sungit niya.

Ako:
Ayos na si Yesh. I’m kind of guilty… naulanan kasi siya noong sinundo niya ako sa waiting shed last Wednesday kaya siya nilagnat. Kaya rin nag-absent na lang din ako.

Mabuti naman at noong nag-Sabado ay maayos na talaga ang kapatid ko. Nagbisikleta kami sa buong flower plantation namin at parang walang nangyaring sakit kung makaasta si Yeshua.

“Did you ask Suki if you have homeworks?” tanong ni Yeshua.
Umiling ako. “Magtatanong ako mamaya.”
“Tanungin mo. Ilang araw ka ring absent kaya paniguradong behind ka na tulad ko.”

Ngumiti ako at umupo sa mga upuan namin sa garden. Tanaw rito ang buong plantation namin. Sa malayong kanan ay tanaw ang Tereles Peak at sa tapat naman ay ang mga talampas ng susunod na barangay.

Nakaangat ng bahagya ang lupain ng bahay namin. Mistulang maliit na burol na nilandscape ng maayos at ginawang flat ang tuktok para matayuan ng bahay namin.

Home is just so relaxing. Wala na akong hihingin pa rito. Hindi ko kayang isipin na darating ang araw na iiwan ko ito para mag-aral ko ‘di kaya’y magtrabaho. It’s terrifying. I want to be always here.

Nang nag-Lunes ay pumasok na kami ni Yeshua. Sinalubong agad ako ng tropa.

“Where have you been?” tanong ni Julio sa akin.
“Hindi ba nasabi ni Suki? Nagkasakit si Yeshua kaya ‘di ako pumasok.”
“Ang saya-saya namin sa Tinago! Nagcutting kami hapon noong Biyernes!” ani Julio.

Nakinig ako sa usapan nila. Inggit na inggit ako dahil sa saya ng pagpunta nila sa Tinago. Talagang niyaya ko silang pumunta ulit kami roon ngunit ‘di ko naman malaman kung kailan gayong medyo ayaw kong mag cutting muna.

Mabilis na nagsettle down ang mga kaklase namin nang may pumasok na pamilyar na mukha. Riguel went directly to the teacher’s table. May hawak siyang isang pirasong papel at sumulyap siya sa aking mga kaklase.

Bumalik sa kani-kanilang upuan sina Julio, Suki, Russel, at Leon. Ako’y nasa upuan ko na kaya napatingin lamang ako kay Riguel.

“Wala parin si Mrs. Divina?” tanong kong dapat para kay Suki lang ngunit dinig ng lahat.

Suminghap si Riguel at bumaling sa akin.

“I’m here to check your attendance. Mrs. Divina will be late for thirty minutes. I’ll check your attendance and give you a seatwork.”

Tinawag isa-isa ni Riguel ang mga kaklase kong lalaki. Sa babae ay ako ang nauuna.

“Altamirano…” sambit niya.

May narinig akong iilang sipol at tawanan. Sinapat ko ang mga kaklase ko. Gusto kong magalit sa panunukso nila ngunit hindi ko magawang magalit ng lubusan. A smile would always escape.

“Present!” sabi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi niya agad tinawag ang susunod na estudyante kaya natahimik ang lahat.

Isang beses na kumunot ang noo ko bago ko binalik ang tingin sa aking papel. I can’t help but smile.

Nang nagpatuloy siya sa pagtawag ng pangalan ay nanatili na ang mga mata ko sa aking papel.

He gave us a seatwork. Ngunit hindi siya nagtagal. Pagkatapos magsulat sa blackboard ay umalis na rin siya. At si Mrs. Divina na ang pumalit.

“Ano na naman?” tanong ni Suki nang imbes na dumiretso kami sa canteen ay hinila ko siya sa bandang seniors.
“Dadaan lang naman tayo!” sabi ko sabay hagikhik.

Umirap siya at nagmartsa na patungo sa corridors ng mga seniors. Tunay ngang dumaan lang kami. I kind of miss him. Ilang araw ko rin siyang ‘di nakita at kanina’y ilang sandali ko lang siya nasilayan.

Nang naghapon ay naging abala kami sa group work. Iyon ang dahilan kung bakit nahiwalay ako kay Suki. Hindi kasi kami magkapareho ng group. Nasama pa ako sa mga matatalino sa aming classroom kaya mas matagal kaming natapos. Gusto kasi nila maayos ang lahat.

Binuksan ko ang cellphone ko para maitext si Suki.

Ako:
Nasaan ka? Tapos na kami.

Sumulyap ako sa corridors ng seniors at iniisip na dahil sa nangyari kay Yeshua, bahagyang nagbago ang isip ko sa pag-aantay kay Riguel. Yes, I still like him. But I didn’t want that one to happen again.

Suki:
Kanina pa kami tapos ‘no! Nakauwi na ako. Akala ko matagal pa kayo. Sumabay ka kay Yeshua…

Nasa gate na ako noon. Luminga-linga ako para hanapin ang sasakyan namin. Kinalabit ko ang iilang kaklase ko na nasa may saguhan.

“Nakita n’yo ba ang sasakyan namin?” I asked.
“Si Yeshua at Piper sumakay doon kanina. Umalis na…” sagot naman ng kaklase ko.

Bumagsak ang balikat ko sa balita. Sa bagay… he probably missed her so they went on a date. At ako ngayon ang walang sundo.

But then again… I can always ride the tricycle.

Pumara ako ng isa.

“La Santa…” sabi ko.

Tumango ang driver kaya pumasok na ako. Nilapag ko ang shoulder bag ko sa aking lap at napatingin sa pumasok. Isang pamilyar na bango ang naamoy ko.

Parang natigil ang mundo ko nang nakita si Riguel sa tabi ko. Inayos niya ang kanyang buhok habang nakatingin sa salamin.

May sumakay na isang estudyante sa likod ng driver kaya tumulak na iyon. I was so stunned that I couldn’t speak.

Why is he here? Sinadya ba niya ito?

Oh my God, Lilienne. Uuwi lang iyong tao, kung anu-ano na ang iniisip mo?

Bumaling siya sa akin. Nakataas ang kilay.

“You… you don’t have a group work?” tanong ko.
“Our group work is done.”
“Oh!” Tumango ako ng marahan.

That means I can actually wait for him now, right? But I won’t do that anymore. Ayaw kong makaabala ng tao.

“You were absent for two days because…?”
“Uh… Nagkasakit si Yeshua. Tumulong ako sa pag-aalaga.”

Tumango siya at bumaling sa kalsada. Nagbigay siya ng pamasahe sa driver. That usual amount when he’s with me.

“Uy, huwag na! Sagot ko na ‘to…” sabi ko.

Hindi siya sumagot. Hindi niya naman tinanggap ang pera ko. Binaba ko na lang ang kamay ko at binalik ang pera sa wallet.

Sumulyap ako sa kanya. His eyes were serious as we passed by the fields of Alegria.

“Si Yeshua lang ang nagkasakit? Hindi ka nilagnat?” tanong niyang bigla.
Umiling ako at ngumisi. “You are so concerned…”

He clenched his jaw but I can see him suppressing a smile.

“Don’t wait for me next time anymore…” aniya.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Marami akong naisip at hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa lang ay naninikip na ang dibdib ko. This has to be ridiculous. How could I literally feel the pain in my heart. I didn’t know that heartbreak is quite literal. I thought it’s all just a word.

“Oh?” Sinubukan kong matawa para maibsan ang tensyon. “Why? Are you going to meet someone else after school?”

Hindi siya sumagot. Tumikhim ako. I can’t believe I feel so awkward right now. Hindi pa ito kailanman nangyari sa akin.

“It’s okay. Pagkatapos noong nagsakit si Yeshua, hindi na ulit ako magpapagabi. I felt so guilty, you know. I didn’t think about the people who cared for me. He was so worried…”

Bumaling siya sa akin. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Nakitaan ko siya ng galit ngunit agad iyong nawala at napalitan ng indifference.

“It just doesn’t seem right. Just don’t wait for me,” aniya.

Ayaw ko na sanang magsalita pero hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko ay may mga bagay na kailangan sunggaban na. Mga opportunidad na minsan lang dumadaan kaya kailangan sakyan.

“You have a girlfriend now? Isabella Thomas?” tanong ko.

Even if he already has a girlfriend, my feelings won’t change. Iniisip kong gugustuhin ko parin siya kahit na may iba siya. Only that, I wouldn’t pursue him. I would stop pursuing him because that’s how it should be. There’s a far greater feeling than love, it’s respect…

“Nope…”

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Ayaw kong bumuga ng hininga ngunit iyon talaga ang nagawa ko. Nilingon niya ako at nag-angat ang gilid ng kanyang labi. Yumuko ako at ngumisi. Pagkatapos ay umiling. Dammit! I was ready for a heartbreak. In fact, my heart is slowly breaking already. And now that he said it… I realized it broke for nothing!

“Pero nililigawan mo?” tanong ko.
“Hindi…” sagot niya.

Shit. Shit. Hindi matanggal ang ngiti ko.

But then is he gay? He’s so damn good looking. Bakit wala siyang nililigawan? O may ibang babaeng palihim niyang nililigawan?

“Hindi o hindi pa?” tanong ko.
“Hindi,” sagot niya.
“Ah! What a waste. Someone as handsome as you should have a girlfriend.”
“We have different principles in life. That’s yours. Mine isn’t like that…”
“O baka naman… ‘di mo ginigirlfriend? Friends with benefits?” I playfully asked.
“What kind of benefit are you talking about?” his smile is devilish.

Halos tumindig ang balahibo sa aking batok. Naisip ko iyong move niya kay Isabella Thomas.

“Like… You’re her friend but tsumatsansing ka?”

Humagalpak siya sa tawa. Hindi siya nakapagsalita.

“Or maybe… you kiss and make out sometimes… with no label. Just friends…”
“Do you assume that most people are like you, Lilienne?”
Ngumuso ako sa sinabi niya.

Napaisip ako roon. Does he think that my kisses are cheap? That I give it to people who didn’t even touch my heart… Mababa ba ang tingin niya sa akin dahil kung sinu-sino na lang ang naging boyfriend ko noon. And I let them touch me without thinking if it is right?

“Yes. Most people. But maybe the other five percent isn’t. So you tell me that you’re part of that five percent? Eh nakita nga kitang tsinansingan si Isabella Thomas, e.”
“Is chivalry so rare these days that you think nanghihipo ako sa kanya?”

Nagtiim bagang ako sa sinabi niya. Chivalry, huh?

Hindi na rin siya nagsalita. Nanatili ang mga mata namin sa daanan. Bahay na namin. At gusto kong magmura. Gusto kong ipanalangin na sana’y isang oras ang byahe sa bahay namin.

Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay namin. Lumabas siya at sumunod naman ako. Tumingala ako sa kanya. Hanggang balikat niya lang ako.

“If you’re my boyfriend, that chivalry you’re talking about should only be mine. You can’t be a chevalier of every girl in town, Riguel. Ang sakin ay sakin lamang…”

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ngumiti ako.

“But you’re not my boyfriend. So… you’re free…”

Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko.

“If you were my girlfriend, your kisses should only be mine, too. But you’re not my girlfriend.”

Ngumisi ako. Kumalabog ang puso kong kani-kanina lang ay sawi.

“E ‘di manligaw ka…” hamon ko.

Ni hindi ko alam kung gusto niya ba ako. Umangat ang gilid ng kanyang labi.

“There are far more important things in life than these, Lilienne.”

I think I fell a little more for him. Pumikit ako ng marahan.

He subtly rejected me but then my heart is still falling for him more. I can’t believe it. It’s just so rare to find a guy with principles as solid as his.

“I know…” I smiled.

Simula noon ay tumigil muna ako sa hobby kong mag antay sa kanya. But then my usual route didn’t change. I would always try to see him in his classroom. Minsan, nalalaman niya at nagkikita kami. Madalas, hindi.

Pati sa pag-uwi, minsan nagsasabay kami. Minsan naman, hindi. At kapag wala siya, hindi ko siya hinahanap. Somehow, our last conversation made me think that he just won’t fall for someone easily. His priority isn’t this one.

“Busy’ng busy ang mga seniors, ‘no? Syempre, graduation. Pagkatapos, may prom pa sila!” sabi ni Suki sa akin habang pinagmamasdan namin ang seniors at juniors na kumakanta para sa community singing nila.
“Hoy, Leon… Ano na naman ‘yan?” tanong ko nang nakita si Leon na text nang text. Wala na naman sa sarili.
Kumunot ang noo niya at umiling sa akin.
“Anong naiisip mo sa prom? Mang gate crash kaya tayo?” Humilig ako sa likod ni Leon at humalukipkip.
“Ano namang gagawin ko sa prom?” tanong ni Leon.
“E ‘di sayawin natin si Nicole!” sabay tawa ni Julio.

May crush sila nina Julio at Russel sa grade 10.

“Baka makascore ako!” ani Julio.
“Oh? Leon?” Tumuwid ako sa pagkakatayo at bumaling sa kanya.
“Ayoko nga. Baka isipin ng mga tao gusto ko si Nicole.”

Really? Don’t give me that shit.

“Baka isipin niya. Ay naku! ‘Di maasahan ‘tong si Leon ngayon! Tulungan na lang nga tayo, Julio!” sabi ko.
“Alam ko na! Mag se-serve kaya ako?” ani Suki. “Susubukan ko kung papayag ang teachers na sumali ako sa mga tutulong sa decoration para sa prom. At kapag nasali ako, sasabihin kong babantayan ko ang backdrop. Pag nangyari iyon, ako na ang tutubos sa inyo kapag nasa entrance na kayo.”
“Hindi ba iyon masyadong halata? Kilala kayong mga bulakbol,” si Leon.
“Wow! Ha! Hindi ka kasali? Kami lang? Tayo. Pero dahil ‘di ka sasama sa amin…” nagkibit balikat ako.
“Sige… Magplano tayo…”

Ngumisi ako at tumango. It’s their last prom. It’s Riguel’s last prom. Pagkatapos ay kolehiyo na siya. Hindi ko alam kung saan siya mag-aaral ngunit nakalagay sa bulletin board niya ang pangalan.

He got the highest percent on the entrance exam. At nakita kong pinili niya ang cursong Accountancy doon. That means there’s a big chance that he’ll be studying at ACC.

We’ll see each other but not as often as now. I’m gonna miss him. So I might as well do something remarkable!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

68 Responses to Tripped – Kabanata 6

  1. So you miss her Riguel? There is somethibg more important than that? Studies? Somehow, I can see Freya in a masculine form of Riguel. And I can say that you will probably break that principle of something more important. And Liliene, you made a right move. Wag mo na masyado ipangalandakan kay Riguel, see, sya naman ang kumikilos. Haha. And that view of Tereles Peak sa gawing kanan ng plantation nila Liliene, feeling ko tuloy same timeline. Haha. Freon agad naisip kong scene. Lol.

  2. Kinikilig ka na biglang ang sakit. Wow, Riguel. Ang dami mong pinaramdam sa amin ngayon. :)

  3. Huwag mo na daw siya hintayin kasi parang ang pangit tignan. Sa susunod, magugulat ka na lang, si Riguel na pala naghihintay sayo Lili.

  4. Ako’y kinikilig pag ika’y lumalapit ako’y kinikilig…..hahaha….char…..

  5. Push and pull huh?haha naeexcite tuloy ako sa mga next action ni riguel go liliene do something that remarkably ubforgetable for riguel haha