Tripped – Kabanata 49

May 30, 2016 By In Tripped 17 Comments

Kabanata 49
Remains

Ayaw ko sanang samahan ako ni Riguel. Gusto ko lang na manatili siya sa ospital para samahan ang kanyang Lolo at Lola. But then he wouldn’t let go out of the building without him.

“I’ll be fine, Riguel…” sabi ko habang iniikot niya ang susi para mapaandar ang sasakyan.

Although I’m already inside his car, I still want to insist to go alone. I’m worried about his grandparents.

“Sasama ako, Lilienne. I don’t want you to talk alone with her…”
“If you’re thinking that it’s going to end like what happened before…”

Sumulyap siya sa akin at pinaandar niya ang sasakyan.

“I want to be there while you make your decisions.”

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang mag maneho. I assume he knew how to go to Piper’s house. Besides, they’re friends.

May pinindot siya sa kanyang cellphone habang nagdadrive. He put his phone on loud speaker and I saw Piper’s name in there.

Piper Office. Iyon ang nakalagay.

Tatlong beses tumunog ang cellphone bago ko narinig ang boses sa kabilang linya. Pormal ngunit ramdam ko ang panginginig sa boses ni Piper.

“Riguel…” aniya.
“Nasaan ka?” tanong ni Riguel.
“Nasa Alegria, bakit? Are you bored with your vacation?” natatawang sinabi ni Piper.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Piper. She sounds so overwhelmed right now. Hindi ko alam kung bakit kay hirap panatilihin ang suporta ko para kay Piper. I need to remind myself that this woman is loved by my twin brother. I should not build any negative feelings for her.

“No… Where are you?”

Tumawa ulit si Piper bago nagsalita.

“Nasa… sementeryo… Bakit? Pupunta ka?”
“Okay… Pupunta ako…” ani Riguel pagkatapos ay binaba ang cellphone.

Sumulyap si Riguel sa akin bago binago ang ruta ng kanyang sasakyan. Marami ang gumulo sa isip ko. Bakit nasa sementeryo si Piper? Baka alam ni Riguel?

“Bakit siya nasa sementeryo?” tanong ko.
Nagkibit ng balikat si Riguel. “I don’t know…”

What? Here I thought there’s a meaning about her statement. O baka hindi na naman alam ni Riguel?

“Namatayan ba siya ng family member? Or anyone, Riguel?” I said without hesitation.
“No… As far as I can remember.”
“Then, do you believe that she’s actually there? Paano kung niloloko ka lang noon at nasa bahay lang pala siya?”
“She’s not lying, Lilienne,” he confidently said. “Hindi pa ako nagtatagal sa propesyon ko pero may mga natutunan naman ako pagdating sa pagkilatis ng sagot…”

Nagtiim labi ako at bumaling sa kalsada. Right… And of course!

“You’re the only person that’s confusing me, actually…” dagdag niya sa isang malumanay na boses.
“You’re confused?” mas malumanay kong tanong.

Bahagya kong sinantabi ang gulo sa utak ko para kay Piper. Why are we even talking about this?

“Sometimes. Your actions and words are confusing. Or maybe it means so much to me that I don’t want to assume or misunderstand anything…”
“Oh…”

Nanatili ang tingin ko kay Riguel. Seryoso ang tingin niya sa kalsada. Kahit sa mga panahong ito ay namamangha parin talaga ako sa kanya. I looked away. Tiningnan ko ang mahabang kapatagan na natatanaw ko bago ang mga bulubundukin. Palapit na kami sa sementeryo.

I remember my family again. We never really talked about death. I only know that Yeshua wants to be cremated because he told us that. Ang pangit ngang pakinggan. Nagalit ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. So Mommy got cremated, too. At pinili kong ganoon na rin si Daddy. I wonder if they ever want to come back here and settle here in Alegria. After all, this is where our love began.

Sa malayo ay nakikita ko si Piper sa gilid ng isang puno. Nakatanaw siya sa mga nakahilerang lapida ng sementeryo sa Alegria. The wind blew on her face but I didn’t see her fully because she’s facing the cemetery.

“Mag-aantay ako sa labas ng sasakyan para makapag-usap kayo ng maayos…” ani Riguel.
“Hindi niya alam na narito ako.”
“Kapag nalaman niya, baka umalis siya.”

Nilingon ko si Riguel. Pinag-isipan niya talaga itong mabuti, huh?

“I also want to talk to her but first, you both talk about your issues.”
Tumango ako. Ito na nga ang hinihingi kong pagkakataon kanina. Ibinibigay sa akin iyon ni Riguel.

Nilingon kong muli si Piper. She’s wearing a soft yellow dress. Ang palda ng kanyang damit ay hinihipan ng hangin katulad ng nangyayari sa buhok niya. Sumilong siya sa puno para iwasan ang init.

Bumagsak ng sabay ang pintuan ng sasakyan ni Riguel dahil sa paglabas naming dalawa. Nilingon agad kami ni Piper, her eyes wide open.

She looks so shocked to see me. Like it’s next to impossible! Talagang inasahan niya na mag-isa si Riguel na pupunta sa kanya dahil hindi siya nasiyahan sa aming bakasyon!

“Lili… Rig…”

Huminga siya ng malalim. Lumapit naman ako sa kanya. Nakita ko ang isang hakbang na atras niya dahilan kung bakit tumigil ako sa paglalakad mga tatlong metro ang layo sa kanya.

“Piper…” tawag ko.
“Bakit ka nandito?” she suddenly changed her surprised tone into an angry one.
“I’m with Riguel.”

Tiningnan niya si Riguel sa likod ko. Hinayaan ko siyang maramdaman lahat ng nangyayari sa harapan niya.

“Ang aga n’yong umuwi, ah? Akala ko ba bakasyon?” lumambot ang tono niya.
“Gusto kitang makausap…” sabi ko.

Napawi ang namumuong ngiti sa kanyang labi at hinarap akong mabuti.

“What is it, Lili?” tanong niya.
“I am sorry for everything. For what Yeshua did… For not telling you soon about his situation-”
“Lilienne, matagal ko nang binalewala ang lahat ng iyan…”
“Please let her finish, Piper…” ani Riguel.
“Riguel, anong ibig sabihin nito?” ani Piper. “Look, I know that what’s in between you two right now is purely lies. Kayong dalawa ay nagsama lamang para sa mga personal na interes ninyo… at-”
“Tama na, Piper,” putol ko sa kanya. “Ang hirap sa akin ng ganito. Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Kahit sa mga huling araw na tama pa ang pag-iisip niya, ikaw parin ang nasa isip niya.”

Natigil si Piper sa sinabi ko. I realize that I haven’t told her the whole part of Yeshua’s experience. She only knows that he died. That’s all.

“He was sick. But all he cares about is you. That you should try to love someone else while he’s away. Na ayaw niyang matali ka dahil bata pa kayong dalawa. He’s hopeful that he’d make it, though. That maybe, babalik siya balang araw at paiibigin ka niyang muli. He’ll explain to you what happened. Ayaw niyang malaman mo habang naghihirap siya dahil mahihirapan lamang kayong dalawa.”

I am surprised that I told her that without breaking down. Naaalala ko si Yeshua noon. Kung gaano niya ka gusto si Piper. At kung gaano siya umasa na talagang gagaling siya… kung paano ako naniwala.

“The operations caused him to forget things… even change his attitude. He even forgot about me…” tumigil ako para huminga dahil nagsimula nang manikip ang dibdib ko.

Kitang kita ko ang luha sa gilid ng mga mata ni Piper. Ngumiti ako. Somehow, I feel like she still loves my brother after all.

“I was scared to mention you because I might strain his head. Kasi syempre alam ko kung gaano ka kaimportante sa kanya. Kung ganoon ka ka importante, Piper, his head might rewire at the mention of your name!”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig ng boses.

“Ayaw ko ng ganoon dahil hindi ko naman talaga alam kung gaano ka epektibo ang naging operasyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay maghilom ang sugat niya at bumalik sa normal ang dati. Kaya pasensya na at wala akong nagawa sa parteng iyan. Humihingi na rin ako ng tawad para sa paglilihim ng kapatid ko. But somehow, I understand him. Ito iyong gusto niyang mangyari. Na magmahal ka ng iba habang wala siya o kapag nawala siya. At nagmahal ka nga ng iba…”

Tears rolled down her cheeks. Mabilis na pinunasan ni Piper ang mga luha sa kanyang mga mata.

“I admit it. Nanghihinayang ako dahil kinalimutan mo ang kapatid ko habang siya’y ikaw lang ang inisip. Ngunit naiintindihan ko rin dahil mahirap umasa sa isang bagay na hindi ka sigurado… at lalo na sa taong sinaktan ka ng husto. I promised him to take care of you and to shield your heart from all the pain so I was willing to give everything to you, Piper…”
“Lienne…” malamig na tawag ni Riguel.

Narinig ko rin ang yapak niya patungo sa akin kaya mabilis kong dinugtungan ang sinasabi ko.

“Ang hirap pala. I’m torn between the promise I have for my twin, the love of my life, and my heart…”

Kumunot ang noo ni Piper. Kita ko ang galit ngunit dahil sa mga luha ay mas nangibabaw ang vulnerability sa kanya.

“Ang hirap, Piper… pwede kong kalimutan si Yeshua, tulad ng ginawa mo, at diretsong ibigin na lang si Riguel para maging masaya ang puso ko pero hindi ko magawa. Syempre, kapatid ko iyon. Mahal ko iyon.”

I sensed Riguel just behind me. That didn’t stop me though.

“Kaya ngayon gusto kong malaman ng babaeng pinakamamahal ng kapatid ko na mamahalin ko si Riguel ng buong puso. Hindi ko matutupad ang pangako ko kay Yeshua. Ngunit sana ay maging masaya ka rin balang araw. I wish and pray for your happiness because that’s the only thing I can do. Because I’m choosing the only thing that’s alive in me now, my heart… I think my brother will understand that. He might resent me but I believe in his love.”
“Pinapamukha mo ba sa akin ang lahat ng ito, Lilienne?” pagalit na sinabi ni Piper kahit na bumabaha ang luha sa kanyang pisngi.
Umiling ako. “I’m doing this because I want to set all my inhibitions free.”

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin.

“Bakit hindi mo ako tinawagan agad noong namatay si Yeshua? Kung tunay ngang nag-aalala ka para sa akin, bakit hindi agaran ang pag tupad mo sa pangako mo?!”
“I was busy mourning and taking care of my parents. My mom got depressed, my dad’s sick. Then just when I thought that everything’s fine, Mommy died. After my graduation, sumunod si Dad. How can I carry out my promises to Yeshua when all I think about was to be with them kahit sa kamatayan? I was too depressed to even think right…”

Hinawakan ni Riguel ang aking baywang at humakbang na siya sa tabi ko. Niyakap niya ng bahagya ang aking katawan at hinalikan niya ang aking pisngi.

“I’m sorry, Lienne,” he breathed.

Natigil ako sa pagsasalita. Bumaling si Riguel sa kay Piper na ngayon ay parang natutulala habang pinapanood kami.

“Piper…”
Sumighap si Piper sa tawag ni Riguel.
“Salamat sa pagiging mabuting kaibigan at sekretarya…” pormal niyang sinabi. “I understand how you feel. I have felt that, too. And you know that. I felt betrayed when Lilienne left me.”
“Riguel…” puno ng pagmamakaawa ang boses niya.
“I was told that you went to our house. You told my grandparents about the truth between me and Lilienne… is that right?”
“I’m sorry…” agap ni Piper.
“Naospital si Lola dahil sa pag-aalala…” ani Riguel.
Nanlaki ang mga mata ni Piper. “Oh my God! I’m sorry! Hindi ko sinasadya, Riguel! Kailan? Saan?”

She panicked. I can see that she’s genuine. She cares for Riguel, after all.

“Nalulungkot ako dahil hindi ko naisip na magagawa mo iyon. There’s a reason why Lilienne and I kept that a secret. I have my own reasons, too. I don’t want my grandparents to get upset while I try to win Lilienne back the fastest way possible. I’m sure you know why I want her back that much. It’s not hard to spell…”

Umiyak ng panibagong luha si Piper ngayon ngunit hindi tulad kanina ay mabilis siyang nakabawi. Tumango siya habang pinupunasan ang mga luha.

“Naospital si Lola dahil nagalit siya sa nangyari. Ngunit sa totoo lang ay hindi niya naman talaga alam ang buong istorya kaya may kasalanan din ako. But I just hope that you’d respect my decisions. That this time, please leave our problems to us. I want to start a life with Lilienne, not with the lies but for real… I want her to marry me because I love her.”
“I’m sorry…” humikbi si Piper at tinabunan ang kanyang mukha.

Hinawakan ko ang braso ni Riguel, I want him to stop talking at least. I want to give Piper time.

“I’m sorry, Riguel. Hindi ko alam. I went to your house and…” umiling siya. “I thought that’s the best thing I can do to save you from whatever Lilienne’s planning…”
“I brought that to myself. I offered Lilienne the marraige without thinking what’s going to happen in the long run. So I don’t need the saving, Piper…”
“Riguel…” saway ko.

Nag-angat si Piper ng tingin sa akin. Halo ang nakita ko. Galit, poot, pagod, at panghihinayang.

“I’m sorry…” ulit niya, nakatingin na ngayon sa akin.

Ilang sandali kong hinayaan siyang nagpupunas ng luha. Nilingon niya ang kalakhan ng semeteryo bago nagsalita muli.

“Did you really love my brother?” tanong ko.
Nilingon niyang muli ako. “Yeshua didn’t trust me enough to tell me the truth…”
“He wants to set you free, Piper…”
“I wasn’t jailed, Lilienne! Kaya hindi ko kailangan ng sakit na binigay niya sa akin para lang patunayan sa akin na pwede akong magmahal ng iba!” pagalit niyang sinabi.

I got her point but it’s all done. That was Yeshua’s decision.

“Nagmahal ako ng iba, oo. Masisisi mo ba ako? Dahil iniwan ako ni Yeshua. Tulad ng pag-iwan mo kay Riguel!”

Sumulyap siya kay Riguel sa gilid ko.

“You can’t blame me!” sigaw ni Piper.
“I am not blaming you, Piper. If I were on your shoes, I probably did the same thing…” sabi ko.
Ngumiwi siya sa sinabi ko. “After eight years babalik ka rito at manggugulo ka? You did not do the same thing, Lilienne! You should’ve go on with your life abroad! You should’ve never look back!”

Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya sa akin.

“The eight years abroad did not give me time to think about myself. Ngayon lang ulit ako nag-isip ng sariling kaligayahan ko, Piper. I lost my brother, my twin, and my whole family. Now, I can’t lose Riguel…”

Kinagat ni Piper ang pang-ibabang labi niya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. She couldn’t look straight at us now. Her nose is very red. Parang nagflashback sa akin ang mga araw na nakikita ko siyang umiiyak noon dahil kay Yeshua. Parang nakikita ko muli ang Piper na kinalakihan ko.

“Saan siya nilibing?” marahang tanong niya.
“He wanted to be cremated. I left his remains abroad. Ngunit may plano akong dalhin iyon dito sa Alegria.”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Her eyes were bloodshot. Ilang sandali siyang tumitig. Tila ba minememorize niya ang lahat ng guhit sa aking mukha. And then she turned to Riguel.

“I’m resigning, Riguel,” aniya. “I wish you two all the best. Paki sabi kay Lola Aura na humihingi ako ng paumanhin…”

Nilipat niya ang tingin niya sa akin. Ngayon ay mas kalmante na siya.

“I’m sorry, Lilienne…” nanginig ang boses niya.

Hindi ko alam kung bakit kahit na lubusan ang kasiyahan ko ay tumulo ang mga luha ko. I quickly went to her. Her eyes widened nang nakita niya akong palapit sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. To feel Yeshua again through the love of his life is the best thing for me. I hugged her tight. She cried on my shoulder.

“Mahal na mahal ka niya…” bulong ko. “Ikaw lang…”
“Mahal ko rin siya. Kung sana sinabi niya sa akin…”

Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto. Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay pinakawalan ko na siya.

Walang sabi-sabi siyang umalis sa aming harap ni Riguel. Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit siya sa tricycle.

Hindi niya na ulit ako nilingon nang umalis na ang tricycle. Hanggang sa nawala na sa paningin ko ang tricycle na sinakyan niya.

“You think she came here to look for Yeshua’s grave?” tanong ko ng nakatalikod kay Riguel.
“Maybe…” Riguel said in a calm voice.

Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ang noo ko ng isang beses. Pinutol ko ang pagkakatulala ko para matingnan siya.

“Riguel, I’m thinking…” I said.
“What is it…”
“Itutuloy ko ang pag-alis ko papuntang America.”

Nanatili ang mga mata niya sa akin. Tila buong atensyon na ngayon ang ibinibigay niya.

“I want to talk to Tito Samuel and Tita Lydia in person. I want to inform them about us. I also want to get the remains of my family. Itatransfer ko iyon dito sa Alegria…”
“Okay, then I’ll extend my leave…” aniya.
Tinagilid ko ang ulo ko. “You don’t have to. I can do it alone.”
Ngumiti siya. “You can also do it with me. I want to talk to your Tito Samuel and Tita Lydia, too. I want to see where you lived while you were away from me. I want to see everything I missed, Lilienne. I want to know everything. Kaya sasama ako.”
“How about Lola?” tanong ko.
“We can move the dates of your flight. Kapag makalabas na si Lola ay ‘tsaka tayo aalis. Tumaas ang kanyang blood pressure so she was rushed to the hospital. But the doctor said she’ll be fine. She’ll be given medications. Makakalabas na si Lola sa ospital pagkatapos ng dalawang araw.”
“I left my tickets in your condo unit…” sabi ko.
“Yup. Kinuha ko iyon. It’s on my safe…”
“Kinuha mo?” nagtaas ako ng kilay.

Ngumuso lamang siya at hindi na sinagot ang tanong ko.

“Let’s just go back to the hospital now. Let’s talk to Lola Aura… We’ll tell her we’ll have our church wedding soon…”
“Baka magulat siya, Riguel? Hindi ba nakakasama ang magulat?”
“She’ll be overwhelmed. Mas mapapabilis ang pag galing ni Lola pag nalaman niya ito…”

Hinigit niya na ako patungo sa sasakyan. Nagpatianod na lamang ako sa kanya. Medyo magulo pa ang pag-iisip sa lahat ng nangyayari.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Tags :

17 Responses to Tripped – Kabanata 49

  1. NAG UUPDATE PA PALA DITO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH OK BALIK WEBSITE NA ULIT AKO

  2. BAKIT FEELING KO KAYA NANDUN SI PIPER SA SEMENTERYO DAHIL MAY ANAK SIYA KY YESHUA AT NAMATAY? OR WHAT HAHAHAHAAH ASSUMERA LNG SGURO AKO HUHU PERO BAKIT NGA

  3. DAMANG DAMA KO NA ANG ENDING. BUT STILL, IM GOING TO MISS RIGUEL AND LILI. BUT PERCIVAL SUSUNOD KA NA!! HUAHUAHUAHA

  4. three times kong binasa to pero ganun pa rin yung excitement mo. <3 thank you queen :)

  5. Riguel babes!!!
    Sana na umntra si Lola!! sana hindi siya katulad ni Ahma!

  6. Sana my story rin si Basty atsaka Suki ang interesting ng kwento nila sa story. huhuhu please queen?