Tripped – Kabanata 48

May 30, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 48

Kabanata 48
Apo

“Sinugod sa ospital si Lola Aura…” ani Riguel pagkatapos ng tawag.
“Huh? Bakit daw?”

Somehow, I suddenly remember my family. Tuwing naiisip ko ang ospital, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari noon. Masyado kaming madalas sa ospital kaya hindi maalis sa sistema ko iyon.

“I don’t know yet… I’ll check…” ani Riguel.
“I want to go with you…” matapang kong sinabi.

Pilit kong isinantabi ang naiisip kong mga alaala. We need to face what’s ahead of us. It’s okay to remember, but to live with the memories isn’t.

Nagkatinginan kami ni Riguel. Gusto ko nang tumakbo patungo sa kwarto ngayon para mabilisang makaligo at makapagbihis.

Tumango siya at kinuha muli ang kanyang cellphone.

“I’ll make some calls. Maghanda ka na…” aniya.

Sa sinabi niyang iyon, kumaripas na ako patungo sa aming kwarto. Mabilis ang naging shower ko. Pati pagbibihis ay binilisan ko. Ayaw kong matagalan siya.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. Walang tao sa sala at naririnig ko ang ingay ng sasakyan ni Riguel sa labas! He’s probably so eager to go. Tiniis niya lang ang maghintay sa akin.

Sa pagmamadali ko pababa ay nadapa pa ako sa hagdanan. Agad lamang akong bumangon kahit na sobrang sakit at hapdi ng aking tuhod.

Dumiretso na lang ako palabas ng mansyon para lang umabot. Riguel’s waiting outside of his car. Nang nakita niya ako ay agad kaming sumakay sa loob ng sasakyan.

Tahimik siya habang nagmamaneho. Marami akong gustong itanong tulad ng ano ang nangyari? O ‘di kaya’y ano ang sakit ni Lola Aura ngunit tingin ko ay wala pang alam si Riguel ngayon.

“You think Lola’s fine?” tanong ko nang papalapit na kami sa ospital.

Hindi ko alam kung gaano ka competent ang ospital dito sa Alegria. O kung nag improve ba iyon sa nagdaang mga taon. Naaalala ko noon kung paano kami dapat pumuntang Manila para sa ibang tests kay Yeshua.

“I’m not sure yet,” ani Riguel.
“If she’s not doing well, we can transfer her to a hospital in Manila…”

Tumango lamang si Riguel habang tinitingnan ang kalsada. I can only imagine his feelings right now. He grew up with his grandparents. Sila na ang kinagisnan niyang pamilya kaya paniguradong kabado siya ngayon.

Pagkapark sa labas ng ospital ay lumabas na agad kami. Sumunod ako kay Riguel papasok sa ospital.

Somehow, it looks fine. Mukhang nag improve naman ang ospital.

Nagtanong si Riguel sa reception tungkol kay Lola Aura. Nang sinabi ng nurse ang room number ay dumiretso na rin kami roon.

Parang mas lalong humahaba ang panahon nang palapit na kami sa pintuan ng mismong room. Kumatok si Riguel pagkatapos ay pinihit para makapasok. Nakita ko agad si Lola Aura na nasa kama. Si Lolo Selmo naman ay nakatayo habang kausap ng doktor.

Napatingin si Lolo at ang doktor sa amin. Lolo Selmo’s face is etched with worry and sadness.

Nagmano si Riguel kay Lolo. Ganoon din ang ginawa ko.

“Kumusta si Lola, Lo?” salubong ni Riguel sabay upo sa gilid ng kama ng matanda.

May mga tubong nakakabit kay Lola. Napalunok ako nang may naalala ulit. Ngunit pilit kong isinantabi iyon.

“Mabuti at narito ka, Attorney Alleje. Mas mabuting sabay ko kayong kakausapin ng Lolo mo tungkol sa kalagayan ng Lola mo…” anang doktor.

Lumapit ako sa kama at tiningnan si Lola. I saw her eyes move. Parang magigising na siya.

“Sa labas na lang po tayo mag-usap para hindi natin ma istorbo ang pagpapahinga ni Lola, Doc,” ani Riguel sabay tayo.

Nilingon ako ni Riguel. He smiled weakly at me. I smiled back and caressed his arm.

“Ako na muna ang magbabantay kay Lola habang kinakausap kayo ng doktor.”

Tumango si Riguel pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

“Thank you…” he said.
“Mas mabuti pa nga iyon. Sa labas na tayo, Lolo Selmo…” sabay turo ng doktor sa pintuan.

Sumunod si Lolo Selmo sa doktor. Pagkatapos ay lumabas na rin si Riguel. Naiwan ako roon sa loob na nakatingin sa kay Lola Aura habang mahimbing ang kanyang tulog.

I wonder how old Lola Aura is? Umupo ako sa isang stool malapit lamang sa kama.

Tiningnan ko ang bawat patak ng tubig galing sa Dextrose ni Lola. These are all very familiar to me.

I realized how that experience traumatized me. Na lahat ng bagay patungkol doon ay naaalala ko iyon. Now my only wish for Lola Aura is to get well. I know how hard it is to lose your family. I don’t want Riguel to go through that.

Hinawakan ko ang kamay ni Lola Aura. Nakita kong gumalaw muli ang kanyang mga mata. Maybe my touch triggered her awakening.

Dumilat si Lola. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagin ang doktor o ano. But maybe I’m too paranoid?

“Lilienne…” ani Lola sa isang napapaos na boses.
“Lola, ayos ka lang po ba? Tatawagin ko muna sina Riguel para ma check ka ng doktor…” sabi ko sabay tayo.

Ngunit ang kamay kong nakahawak sa kanya ay hinawakan niya rin. Pinipigilan niya akong makaalis doon.

“Huwag muna. Mabuti at narito ka. Mabuti buti na rin naman ang pakiramdam ko…” ani Lola.

Unti-unti akong napaupo. Hawak niya parin ang kamay ko ngayon. Nang tuluyan na akong naupo ay binitiwan niya ako at nilayo niya ang kanyang kamay sa akin.

“Ano po ba ang nangyari, Lola? Nag-alala po kami ni Riguel sa inyo. Kasalukuyan nilang kausap ang doktor ngayon sa labas para sa kalagayan n’yo…”
“Hija…”

Relax ang tono ni Lola pero ramdam ko ang dami ng gusto niyang sabihin sa akin. Natahimik ako at nakinig na lamang sa kanya.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo…”

Napatuwid ako sa pagkakaupo.

“Ginagamit mo ba ang apo ko?”
Umiling agad ako. “Ano po’ng pinagsasabi n’yo, Lola?”

Marami pa sana akong idudugtong ngunit tinaas niya ang kanyang daliri para pigilan ako. The wrinkles beside her eyes showed.

“Totoo bang pinakasalan mo siya para mabawi ang lupain ninyo?”

Hindi ako nakapagsalita. I have two choices right? One is to tell her the truth. That, yes, I married Riguel for that. But then that would make her upset. Two is to tell her the lie which is not half true… I married him because I love him. But it would hurt her more kapag nalaman niya ang katotohanan.

“Totoo bang gusto mong bawiin ang mansyon ninyo?”

Humugot ako ng malalim na hininga at nagpasyang magsalita.

“Lola, hindi naman po sa ganoon-”
“Kung ganoon, totoo nga!” medyo tumaas ang tono ni Lola sa sinabi niya.
“Lola, nitong mga nakaraang buwan po naging maayos na po kami ni Riguel.”
“Hija, kahit hindi sabihin ni Riguel sa akin ang nangyayari sa inyo ay alam ko. Kilala ko ang aking apo. Alam kong hindi kayo nagkakausap nang umalis kayo ng iyong pamilya sa Alegria.”

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Lola. Gusto kong magsalita ngunit ayaw ko siyang putulin sa gusto niyang sabihin.

“Nakita ko kung gaano siya nalungkot sa pag-alis n’yo. Nakita ko rin kung paano niya tinago iyon sa amin. Hindi siya kailanman nanghingi ng tulong sa amin para roon. At tulad niya, inisip ko rin na malaking kamalian ang nagawa mo sa pag-iwan sa kanya ng hindi niya alam. Ngunit naniwala ako sa inyo nang sinabi n’yong matagal na kayong nag-uusap dahilan kung bakit nagpakasal kayo agad pagkauwi mo rito…”

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Everything she said is true. But then it’s different now…

“Kung ito lamang ang hangad mo sa aking apo, layuan mo na siya. Kung ito lamang ang gusto mo, iwan mo siya. Ipakita mo sa akin na karapatdapat ka nga niyang mahalin sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanya habang hindi pa kayo nagtatagal…”
“Lola, hindi ko po magagawa iyang hinihingi n’yo-”
“Batid kong binigyan ka ng napakagandang alok ni Riguel. Sa’yo ang lupain at sa kanya naman ang permiso noong Judge na gusto niya, hindi ba?”

Pansamantala kong inisip kung saan nakuha ni Lola ang lahat ng impormasyon. Hindi pa namin napag uusapan ni Riguel ang tungkol sa pag-amin kina Lola at Lolo pero naisip kong pwede na lang naming ipagpatuloy ang nangyari. Na hindi na nila kailangang malaman pa ang katotohanan sa pagpapakasal naming dalawa.

“Nangangailangan ka ng lubusan dahil lupain n’yo ang nakasalalay dito. Ngunit si Riguel ay hindi. Kung hindi man siya tanggapin noong Judge na iyon, pu pwede siyang humanap ng iba. Kaya Lilienne, pakawalan mo na ang apo ko. Kunin mo ang lupain ninyo sa tamang paraan. Kung ibibigay man ito ni Riguel ngayon, tanggapin mo at umalis ka na dahil mahihirapan lamang ang apo ko kapag nariyan ka pa…”
Umiling na ako. “Lola, mahal ko po si Riguel…”

Natahimik si Lola. Kita ko ang luha sa kanyang mga mata. Pilit kong pinipigilan ang pamumuo ng luha ko ngunit hindi ko magawa.

“Totoo po iyong sinabi n’yo. Pinakasalan ko po si Riguel para sa lupain namin. At totoo rin pong pinakasalan ako ni Riguel para kay Judge Cabral. Sa loob ng dalawang buwan, minahal ko po ulit ang apo n’yo…”
“Paanong minahal ulit kung hindi mo naman siya kailanman minahal?” mariin niyang tanong.
Umiling ulit ako. “Lola, mahal na mahal ko po si Riguel noong bata pa lang kami. Kulang na lang po ako ang manligaw sa apo n’yo sa panahong iyon, e.”

Tinikom ni Lola ang kanyang bibig. Finally, my chance to speak.

“Kinailangan ko lang po talagang umalis. Dahil sa pamilya ko.”

I’m not sure if it’s right to tell her now about my family. I’m sure she’s unstable so I’ll leave it hanging. I can’t tell her the whole truth because of her health.

“Kung ganoon bakit hindi ka nagpaalam sa apo ko? At ang buong Alegria ay walang alam sa pag-alis n’yo? O nilihim n’yong mabuti?”
“Inilihim po talaga namin iyon dahil iyon ang kagustuhan ng kapatid ko-”
“Talaga nga bang ganoon o hindi lamang matanggap ng mga magulang mo na isang dukha ang iniibig mo? Umalis ka ba para mapigilan ang namumuo sa inyong dalawa? Dahilan kung bakit hindi mo rin pinaalam kay Riguel?”
“Hindi po ganoon, La. Kung alam n’yo lang kung gaano ka gusto ni Mommy si Riguel. She supports me in everything about him. Kahit regalo ko sa kanya, si Mommy ang bumibili dahil gustong gusto ni Mommy si Riguel. Hindi po matapobre ang pamilya ko. Kung iyon ang iniisip n’yo…”

Bumuhos na ang luha ko. Thinking about my family hurts me so much. Napakasakit isiping ganito ang iniisip ni Lola sa pamilya ko. Lalo na tuwing naaalala ko kung gaano kabait ang aking mga magulang.

“Gusto ni Mommy si Riguel. At tingin ko’y susuportahan ako ni Daddy kahit na sino ang gusto ko. Lola, totoo pong pinakasalan ko si Riguel para sa lupa. Pinakasalan niya rin po ako para magustuhan ni Judge Cabral. Ngunit sa loob ng dalawang buwan, minahal ko po ulit siya. Mahal na mahal ko na po siya ngayon at gusto ko pong ipagpatuloy ang kasal na ito…”

Nanatili ang mga mata ni Lola sa akin. Kitang kita ko ang pagpirmi ng kanyang hininga. Her eyes are moist with unshed tears and her lips in a thin line.

“Hindi ko alam kung may plano ba si Riguel na sabihin sa inyo ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin pero kung hindi niya po sasabihin ay ayos lang dahil tototohanin na naman po namin ito.”

Umiling ako at pinunasan ang konting luha na bumuhos.

“Kung gusto n’yo po talagang iwan ko si Riguel, rerespetuin ko ang kagustuhan n’yo pero gusto ko pong malaman n’yo na mahihirapan ako. Mahihirapan kami ni Riguel. Mahal ko na po siya, Lola. Mahal na mahal. Pasensya na sa hindi magandang simula. Pero kaya ko pong ipangako na hindi na muli mauulit dahil ngayon, totohanan na po ang lahat ng ito.”
“Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo pang magkaanak? Dahil hindi naman totohanan, Lilienne?”

Holy shit.

“Opo…” ngumuso ako.

I have no reason to say otherwise.

“At tingin ko’y hindi pa ako handang magkaanak, Lola…” sabi ko.
“Hanggang ngayon, kung ganoon?” tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita. Is she pressuring me? Ayaw ko ng ganoon. At isa pa… tatlong buwan ang epekto ng Depo.

“Talaga bang mahal mo si Riguel?” nanliit ang mga mata ni Lola Aura. “O… sinasabi mo lang ito ngayon dahil nag-aalala ka sa kalagayan ko?”

Umiling agad ako. Bago pa ako nakapagsalita ay bumukas ang pintuan. Pinigilan ko ang sarili ko at lumipad ang tingin ko kay Riguel na papasok.

He eyed me and then he looked at Lola Aura.

“Lola…” ani Riguel.

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kama para pagbigyan ang dalawa. Pumasok si Lolo Selmo, ang Doktor, at may dalawang nurse.

“Gising na pala…” sabi ni Lolo at umupo sa kama ni Lola para hawakan ang kamay.

Naguilty agad ako dahil hindi ako tumawag noong nakitang gising si Lola. Ngunit higit sa lahat ay nabahala ako sa lahat ng nasabi ni Lola sa akin.

“Kumusta ang pakiramdam mo, La?” tanong ni Riguel sa isang banayad na boses.
“Maayos na naman ang pakiramdam ko, apo. Ikaw? Kumusta ka? Nag-aalala ako sa’yo…” ani Lola.

Tumuwid si Riguel sa pagkakaupo pagkatapos ay hinaplos ang mukha ni Lola Aura. Napangiti ako roon ngunit may kaonting kirot sa aking dibdib.

“Bumisita raw si Piper sa bahay, sabi ni Lolo…”
Tumango si Lola Aura. “Oo, hijo. Iyong kaibigan mo talaga. Hindi nakakalimutang bumisita tuwing umuuwi ng Alegria…”

Namilog ang mga mata ko. Si Piper? Nasa Alegria? And she went to their house! Does that mean she told Lola Aura everything? She’s the one who told her!

Bakit niya ginagawa to? In the hopes that this would destroy me and Riguel? And maybe she thinks I’d let Riguel go if Lola Aura wants me to?

Ngunit hindi ko siya masisisi dahil hindi niya naman alam na mahal ko si Riguel!

Yeshua, I am trying my best not to hate her by thinking about her side. Huminga ako ng malalim at pumikit. I need to talk to her. This time I want her to talk to me properly… Mahal siya ng kapatid ko. Siya na lang ang natitirang alaala ko kay Yeshua kaya ang hirap ng ganito. If she hates me that much then I’d understand. I left Riguel for years. I broke his heart. And she’s there watching him… It’s normal for her to hate me.

I took my phone out and typed in. Isesend ko itong mensahe kay Leon, Julio, at Russel. I need to know where Piper is right now. Alam ko ang bahay nila ngunit kailangan kong malaman kung naroon pa ba siya.

Ako:
Hi! I need your help. Do you know where Piper Zaragossa is right now? Thanks.

Hinilot ko ang aking noo at paulit ulit na tiningnan ang cellphone ko. Nagtext na rin ako kay Suki, baka sakaling alam niya.

Halos napatalon ako nang hinawakan ni Riguel ang braso ko. Nakatingin siya sa akin, seryoso. Iniwan niya ang tabi ni Lola.

“Riguel…” sabi ko.

Napatingin ako kay Lola na ngayon ay nakatingin na rin sa aming dalawa.

“Attorney Alleje, tumawag lang kayo kung may problema,” anang doktor bago umalis kasama ang mga nurse.
“Maraming salamat, Doc…” ani Riguel.

Ilang sandaling naging tahimik dahil sa pag-alis ng mga panauhin. Nang inilipat ko kay Riguel ang mata ko ay nagsalita na si Lola.

“Riguel, alam ko na ang tungkol sa kasal ninyong dalawa…”

Nilingon ni Riguel si Lola at nilapitan.

“La, magpahinga po muna kayo…” ani Riguel.
Umiling si Lola. “Inamin ni Lilienne sa akin ang lahat. Totoo, hindi ba?”

Hindi nagsalita si Riguel. Hinawakan niya lamang ang kamay ng matanda.

“Kung hindi pa sinabi ni Piper sa akin ay hindi ko pa malalaman ang kasinungalingan!” ani Lola.
“Aura…” tawag ni Lolo.
“Magpahinga ka na muna, La. Mag-uusap tayo kapag maayos ka na-”
“Hijo, hindi ako mapapanatag dahil sa nalaman ko-”
“Kailangan mong mapanatag, La, dahil ang totoo’y wala ka dapat ikabahala sa amin ni Lilienne. Mahal ko siya kaya ko siya pinakasalan. Mahal niya na rin ako ngayon kaya hindi kami maghihiwalay…”

Lumipat ang tingin ni Lola sa akin. Pagod akong ngumiti sa kanya.

“Pasensya na’t nagsinungaling ako. Huwag n’yong sisihin si Lilienne dahil ako talaga ang nanguna sa kasinungalingang ito. I did it because I love her very much and I think that’s the only way I can somehow keep her with me.”
“Paano kung iba ang pakay niya, Riguel…” maliit ang boses ni Lola tila ba nag-iingat na hindi ko marinig.

But the room is small. Kahit konting kaluskos ang maririnig ng lahat.

“Mahal ko po si Riguel, Lola Aura…” sabi ko.
“Naniniwala ako sa kanya, La. Marami na pong nangyari. Nakapagdesisyon na po kami. Magpapakasal kami sa simbahan sa lalong madaling panahon.”

Napatingin muli si Lola sa akin.

“Hindi ba ay kaya mong ipasawalang bisa ang kasal ninyo ni Riguel dahil nakarehistro ka sa ibang bansa, Lilienne?” ani Lola Aura.
Tumango ako dahil iyon ang totoo.

I get that Lola wants to protect Riguel. She wants to be sure that I’m not fooling him. How can one really prove the love? By marraige? No. I think not. It’s not going to be enough lalo na’t pwedeng isawalang bisa ito sa parte ko. At maraming kasal na nagmamahal pa rin ng ibang tao kaya hindi talaga ang kasal ang magiging batayan ng tunay na pagmamahal.

Ano kaya talaga?

“Kung ganoon…” ani Lola. “Paano tayo makakasiguro, Riguel…”
Umiling si Riguel. “Walang kasiguraduhan, Lola. Tanungin mo na lang ulit ako pagkatapos ng sampung taon. Kapag nasa piling ko pa siya…”

Hindi ko alam kung bakit parang nawasak ang puso ko sa sinabi ni Riguel.

“I believe her so I’ll trust her word. She won’t leave me again for sure…” ani Riguel.

Ngumiti si Lola Aura sa kanyang apo. I get that they really love him so much. Who wouldn’t love a man like Riguel? He’s everything everyone wants. Letting him go is stupid. So I won’t. Ever.

“I won’t leave, Riguel. Mahal kita. At ikaw na lang ang pamilya ko…” sabi ko.

Nilingon ako ni Riguel. Tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako.

“I want to talk to Piper. Dito ka muna para bantayan si Lola? Magtatricycle lang ako…” sabi ko.
“Hindi na. Sasamahan kita…” aniya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Tags :

Comments are closed.