Tripped – Kabanata 47

May 30, 2016 By In Tripped 2 Comments

Kabanata 47
Asawa

I don’t know how long we went on talking about the past. Hinayaan lamang ako ni Riguel na ilabas ang nararamdaman ko para sa nangyari noon.

“I was so damn guilty. It’s all my fault. Kung hindi nangyari iyon kay Yeshua, hindi sana na depress si Mommy. Hindi sana siya nagpakamatay. At si Daddy, hindi sana siya na stress! Hindi sana siya nagkasakit!” I cried.
“Don’t take the blame, Lilienne… It’s not your fault…” paulit ulit niyang sinabi sa akin iyon.

Patuloy ko paring inaako ang kasalanan habang binabalikan ang lahat ng nangyari. But somehow, as I was telling my story, I felt light. Tila ba nabubunutan ako ng tinik kahit na nakikinig lang naman talaga si Riguel sa akin.

I cried myself to sleep in his arms but in the morning, I felt good. No… better.

Unti-unti akong dumilat. Nakayakap siya sa akin at nakapikit pa. Nanatili ang mga mata ko sa kanya.

Oh, I wouldn’t mind waking up next to him every day.

Ngumuso ako habang binabalikan ang mahabang araw kahapon. It was his birthday at sobrang daming nangyari.

He almost left me. Ngunit kung tumawag siya kay Tito sa munisipyo ay, tulad ng sabi niya, babalik din agad siya rito dahil nalaman niya na ang katotohanan.

I admire Riguel for forgiving me. He did not mind that I lied to him about my parents. No… I actually didn’t lie but not telling him the truth about them can be considered as a lie.

Am I really married to Riguel? Is this for real? It’s a childhood dream but… I didn’t know it’s possible for him to love me back.

At kahapong birthday niya hindi ko man lang ipinakitang pinapahalagahan ko siya? Ni wala akong gift? Gift… The Rolex!

I remember him saying I’ll give it to him once he’s successful. Now, he’s successful. I should give it to him, right? Kukunin ko na ba iyon ngayon? And should I cook breakfast for him? Hindi ba dapat mas espesyal pa roon ang gagawin ko? Sa lahat ng ginawa niya para sa akin… The heck, dapat akong magpasalamat na ‘di niya ako iniwan, hindi ba?

Unti-unti siyang dumilat. Unang nakita niya ay ang mga mata kong nakatitig din sa kanya. He slightly smiled in a sexy way and then he hugged me more.

“I can almost hear you thinking. What is it?” bulong niya sabay diin sa kanyang mukha sa aking leeg.

His breath tickles me. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Halos malunod ako sa brasong nakadagan sa akin. He smells good even in the morning. Sana pala kumalas ako kanina para makapag toothbrush! Pero ano? Gagawin ko ba iyon araw-araw sa loob ng mga taon para lang ipakita sa kanyang mabango ako? What the hell?

“Nothing… I want to cook breakfast but I can’t move…” bulong ko.
“Nandyan naman sina Inday. Sila na. Sa Manila ka na magluto kapag wala akong trabaho…” aniya.
“But…”
“Isang linggo lang, Lienne, please. Gusto kong katabi ka paggising…”
“Pero, gising ka na…”
“Matutulog ulit ako…” he said.

What the hell, Riguel? Ngumisi ako at tinusok ang kili-kili niya iniisip na may kiliti siya roon.

“Hmmm…” he only moved a bit.

Damn!

Kikilitiin ko pa sana siya ngunit tumunog ang cellphone sa tabing lamesa. Nakita kong kanyang cellphone iyon.

“Riguel…” tawag ko.
“Patayin mo…” aniya.

Kumunot ang noo ko at kinuha ang cellphone. Nahirapan pa ako sa pagkuha noon dahil nakatali ako kay Riguel.

“Riguel…” tawag ko nang nakitang si Mrs. Almacen ang tumatawag sa kanya.

I don’t know who that is but maybe it’s important so…

“Mrs. Almacen,” sabi ko.
“She’s a client. She probably didn’t know I’m on leave…” ani Riguel.
“Hindi niya tinawagan muna si Zarah?”
“Taga San Gabriel lang iyan. Baka hindi niya naisipan.”
“Sagutin mo na…”
“I’m on leave…”

Kumunot ang noo ko at pinindot ang cellphone ni Riguel. I just want to know what the woman was up to. Tila walang pake si Riguel sa gilid ko.

“Hello?” bati ko.
“Good morning! May I speak to Attorney Alleje?” sabi sa kabilang linya.

Sa tono ng boses niya, ramdam kong pormal at may katandaan na iyon.

“This is his wife… he’s still asleep…”

Nilingon ako ni Riguel. Unti-unting dumilat ang mga mata niya.

“Oh! I’m sorry…”
“Pwede po kayong mag-iwan ng mensahe. I’ll tell him if he wakes up…” sabi ko.
“Magtatanong sana ako kung nasa Alegria ba siya o nasa Maynila dahil may ipapapirma ako sa kanyang contract. I’m selling my land, e. Sorry sa abala. I can change the schedule naman…”
“Oh? We’re in Alegria, Ma’am. Sige. I’ll tell him.”
“Thank you, Mrs. Alleje.”
“I’ll tell him to text you kung ano ang desisyon niya…” sabi ko.
“Sige. Maraming salamat ulit…”

Pinatay ko ang tawag at binigay kay Riguel ang cellphone. Nakapikit ang isang mata niya habang tinitingnan ang cellphone. He looks so tired but I can’t help it.

“Pirma lang naman daw…” sabi ko.
“She can always go to Atty. Abella… Or may mga attorney sa San Gabriel. I’m on leave…”
“Pumayag ka na lang. Pirma lang naman, e.”
Nanliit ang mga mata niya sa akin pagkatapos ay bumalik ulit sa cellphone para magtipa. “Fine.”

Humalakhak ako.

“I can work as your secretary… Hmm…”
“No…”
“Bakit hindi?” kumunot ang noo ko.
“Just no…”
“Just no? There must be a reason!”
“Wala tayong matatapos na trabaho…”

Umiling ako at napangiti. I want to see him work in his office here. Hindi ko pa nasusubukang pumasok doon ng seryoso maliban doon sa mga pagpasok kong nag-aaway lamang kami.

Pinilit ko si Riguel na bumaba na para makapagbreakfast. Pumayag naman siya.

Sabay kaming bumaba sa hagdanan at pareho pa kaming antok. Nilingon kami ni Geling na kasalukuyang naglilinis ng sofa sa sala. Halos ‘di niya na malinis ng maayos dahil naiiwan ang mata niya sa amin.

I don’t know why I suddenly feel embarassed. Naaalala ko na naman ang nangyari. The way I held on to Riguel while everyone’s watching! Damn!

“Geling, paki tawag si Marya at sabihing pupunta si Mrs. Almacen dito. Ipadiretso na lang siya sa opisina ko. ‘Tsaka… siya lang. I’m on leave…”
“Sige po, Attorney…” ani Geling sabay tingin ulit sa akin.

Nauna na ako sa dining area. Umupo ako roon at siyang paglabas ni Inday at ni Nana Sela galing kusina. May dalang juice si Inday samantalang si Manang ay inaayos ang mga plato sa hapag.

Matalim ang mga mata ni Nana Sela sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

“May kliyente ka, Riguel? Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?” ani Manang nang umupo na rin si Riguel.
“Ah. Oo, Nana. Pipirma lang naman daw ng kontrata kaya-”
“Kaya kayo hindi magkasundong dalawa dahil hindi kayo nag-uusap ng maayos. Inuuna mo pa ang trabaho mo… At itong si Lilienne ay magtatampo na naman at mas lalo kayong magkakalayo niyan…”

Nagkatinginan kami ni Riguel. Nakakunot ang noo niya sa akin. Gusto kong tumawa. It’s my fault but it’s funny seeing him being scolded by Nana Sela!

“Naku, Riguel! Aanhin mo ang trabaho kung malayo ang loob ng asawa mo sa’yo? Iyan ang hirap. Iniisip n’yo na importante ang pera at ang trabaho para mapanatiling maayos ang pamilya. Hindi. Ang importante ay ang komunikasyon at oras para sa isa’t-isa…”
“I’ll take note of that, Nana. Ngayon lang po ito…”

Ngumuso ako at tinusok ang bacon sa harap ko. Riguel’s watching me like he’s waiting for me to admit my mistake but I didn’t.

Nilagyan ni Inday ng juice ang aming mga baso habang patuloy sa sermon si Nana Sela. Nginuya kong mabuti ang bacon habang si Riguel ay hindi makagalaw dahil nakikinig siya ng mabuti sa sermon.

Kung ako sa kanya, kanina ko pa binalewala ang mga sinasabi ni Nana.

“Ang dahilan kung bakit nag-aaway ay kawalan ng tamang komunikasyon. Kung mahal n’yo ang isa’t-isa, maglalaan kayo ng oras para makapag usap at…”

Patuloy parin si Nana hanggang sa lumabas na siya ng dining area. Umalis na rin si Inday siguro ay para mapag-isa kami.

Humagalpak na ako sa tawa dahil sa nangyari. Ngumiti si Riguel at matalim akong tinitigan.

“You’re the one who welcomed the client!” he accused me.
“Oh, bakit ‘di ka nagsumbong kay Nana?” hamon ko.

Umigting ang panga niya at hinawakan ang kamay ko. Binawi ko agad iyon. Ngunit dahil sa tawa ko ay nanghihina ako. Pilit niya akong pinatayo at pinalapit sa kanya. Nang nagawa niya iyon at bumagsak ako sa kanya mga hita.

Kinulong niya ako sa kanyang bisig habang tumatawa ako.

“Napakapilya mo talaga…”

He showered me kisses around my shoulder blades. Pati sa batok ko dahilan kung bakit tawa ako nang tawa.

“Pinagalitan si Attorney Alleje…” sabi ko kaya kiniliti niya na naman ako.

Isang oras yata kami sa pagkain pa lamang ng breakfast dahil sa kulitan. Tumuwid ako sa pagkakaupo sa aking silya nang dumaan si Nana Sela. Pumormal agad ako habang seryosong pinagmamasdan ni Riguel.

“Gawain mo ‘yan noon, ‘no?” aniya nang pumasok na si Nana sa kusina.
“Alin?” tanong ko, natatawa.
“Ang bait bait mo kapag nandyan si Nana. Pero ang totoo…”
Ngumisi ako at inirapan na lamang siya.
Umiling si Riguel at uminom na lamang ng tubig.

Hindi ako makatitig sa kanya dahil siya ang panay ang titig sa akin. But then at least I feel like our relationship is improving. I have been completely honest with him so I feel more comfortable now.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa kusina. Umakyat si Riguel para makaligo at makapagbihis in preparation sa kanyang kliyente.

Naisip kong dalhan siya ng merienda. Iyon nga lang, hindi ako maalam sa pag gawa ng mga iyon. Mabuti na lang at may cake pang naroon galing sa birthday ni Riguel kaya iyon ang hinanda ko.

Narinig kong naroon na ang kliyente ni Riguel. Inisip kong pagbibigyan din ang dalawang naroon kaya pinaghanda ko rin sila.

“Ma’am, ayos na ba kayo ni Attorney?” tanong ni Inday nang tinulungan niya ako.
“Oo…” sabi ko.
“Naku, Ma’am! Mabuti na lang. Grabe ang iniyak ko noong nagpaalam si Attorney! Jusko!”

I maintained my straight face. Nag second the motion pa si Geling sa sinabi ni Inday habang nags-slice siya ng cake para sa kliyente.

“Oo nga! Noong sinabi niya kay Nana… “Na, kayo na po ang bahala sa kay Lilienne. Aalis ako dahil iyon ang gusto niya. Ibabalik ko sa kanya at sa kanyang pamilya ang plantasyon at ang mansyon. Hindi ko na siya guguluhin pa.” Grabe, Ma’am!” ani Geling.
“Hindi ko pa maintindihan ‘yon pero sa mukha ni Attorney, parang wala na talaga siyang pag-asa. Naiyak ako! Alam mo ‘yon, Ma’am? Binili niya yata itong mga ari-arian n’yo dahil alam niyang babalik ka!” ani Inday.

Nagulat ako at alam nila na dati namin itong bahay. Siguro ay nasabi na rin ni Nana sa kanila ang nangyari.

“Oo nga! Noong wala pa si Ma’am Lili, grabe si Attorney! Mukhang masungit at snob. Halos ‘di kami tinitingnan. Tahimik pa kapag kumakain. Pero noong nandito si Ma’am Lili, laki ng pinagbago…” si Geling.
“May mga babae ba siya noon?” kaswal kong tanong.
“Marami siyang chics na kliyente!” ani Geling. “Mukhang nilalandi nga si Attorney ng mga iyon, e. Kaya, Ma’am, huwag na huwag kang malilingat at baka maagaw ‘yan!”
Umirap na lamang ako. “Magsama sila noong umagaw sa kanya, kung ganoon!”
“Wow, si Ma’am…” Nag ngising-aso si Inday. “Tapos itataboy mo at hahabulin ulit…”
Nalaglag ang panga ko. “Aba, kung aalis siya dahil may ibang babae, hindi ko siya hahabulin, ‘no! Itutulak ko pa siya palabas! Syempre, iba ‘yon… Mahabang istorya. Huwag n’yo nang alamin…”

Nagtawanan ulit sila.

At dahil nahihiya akong ipasok iyong meryenda sa taas ay sina Geling at Inday ang inutusan kong gumawa noon. Pagkatapos kong mag-isip ng ganoong ideya ay aatras pala ako.

Nasa hagdanan lamang ako habang pinapasok nila ang mga pagkain. Ilang saglit akong nanatili roon nang lumabas si Geling.

“Ma’am, tawag ka ni Attorney…” ani Geling.
“Ha? Bakit?”

Kumalabog ang puso ko. Para saan pa? Si Riguel talaga!

Sumunod ako sa kanya. Si Inday ay nagsasalin ng juice sa baso ng mga kliyenteng nasa sofa. Si Riguel ay nakatayo at nakapamaywang habang dinudungaw ang mga dokumento sa lamesa.

He’s wearing a black slacks and powder blue longsleeves na tinupi hanggang siko. Napalingon ang matandang babae sa akin at ang kanyang kasamang medyo ka edad kong lalaki.

“Mrs. Almacen, this is Lilienne, my wife. Lilienne, si Mrs. Almacen iyong nakausap mo sa cellphone ko kanina. At si Mr. Ambrosio, ang buyer ng lupa niya…”

Tumayo si Mrs. Almacen at Mr. Ambrosio para maglahad ng kamay sa akin.

“Nice to meet you, Mrs. Alleje. Ang ganda pala ng asawa ni Attorney… At ang bata mo pa…” ani Mrs. Almacen habang tinatanggap ko ang kanyang kamay.
“Maraming salamat po…” Ngiti ko.
“Salamat din sa pagpapaunlak. Hindi ko alam na on leave si Attorney. Kung nalaman ko lang ay sa iba na ako lumapit…”
Ngumiti lamang ako at lumipat ang tingin sa lalaking nasa harap para makipagkamayan na rin.
“Just call me Alfons…” the man said and smiled.
“Lilienne…” sabi ko sabay ngiti.
“Aren’t you the daughter of Attorney Martin Altamirano?” tanong noong lalaki.
Ngumiti ako at nagulat sa tanong niya. “Yes, I am. Uh… He passed away two years ago, though. Paano mo nakilala si Daddy?”
“What? Really? I’m sorry to hear that…” nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “My father and your father were close friends noon. I’ve met you before sa San Gabriel, sa aming mansyon.”

Namilog ang mga mata ko. Inisip kong mabuti ang pangalan niya. May kilala nga naman akong Ambrosio ngunit ‘di ko maalala itong lalaking ito.

“We were playmates, you know. Nakalimutan mo na siguro. Bata pa tayo noon. Birthday ko noong pumunta kayo…”

Now the memory came back. There was actually a boy. Friend namin ni Yeshua.

“We used to play house, right?”
Tumawa ako at tumango. “Oh yeah! I kind of remember!”

Nalula ako sa mga alaalang bumuhos sa akin. Moments when Yeshua’s still here and I play with the two boys. Maybe the reason why I’m good at handling boys is that. Marami lamang talaga akong karanasan dahil kay Yeshua.

Tumikhim si Riguel dahilan kung bakit napatingin kaming pareho sa kanila.

“Tapos na akong pumirma. Tig dadalawa dapat kayo ng kopya niyan. But that depends on your deal…” ani Riguel sa isang pormal na boses.

Tumango ako at bahagyang lumayo para maayos ang kanyang trabaho. I almost forgot that they were in the middle of something important!

Nag-usap si Mrs. Almacen at si Mr. Ambrosio tungkol sa deal nila at nang matapos ay tumayo na sila bilang paghahandang umalis. Nakaalis na rin sina Geling at Inday roon, iniwan lamang ang mga pagkain.

Kumain si Mrs. Almacen. Naubos niya ang cake. Samantalang si Mr. Ambrosio ay ang juice lamang ang nainom.

“Thank you, again, Attorney. Mrs. Alleje…” sabi ni Mrs. Almacen.
“Thanks, Lilienne… And Attorney Alleje…” si Mr. Ambrosio naman.

Tumango ako at lalapit na sana sa pintuan kung nasaan sila. Sa likod nila ay naroon na si Marya para igiya sila kung saan lalabas ngunit inisip ko ring kailangan kong ihatid lalo na’t kilala pala ako nitong si Mr. Ambrosio.

“See you again soon, Lilienne. Hope we could catch up…” ani Mr. Ambrosio.
“Sige ba! See you…” ngumiti ako at lalabas na sana ngunit hinawakan ni Riguel ang baywang ko at ang pintuan.
“Marya will guide you out… Thanks for coming!” ani Riguel.

Bago pa ako makapagsalita ay unti-unti nang sinarado ni Riguel ang pintuan sa pagitan. He locked the doors so I turned to him.

“Kababata ko pala ‘yon…” sabi ko.
“Uh-hmmm…” Naningkit ang mata niya.
Ngumuso ako. “Hindi ko siya masyadong maalala syempre kasi bata pa ako noon.”
“Bahay bahayan, huh? Anong ginagawa mo noon? Ikaw ang Mama tapos siya ang Papa, ganoon?” his tone is hard.

Dumiretso siya sa kanyang lamesa. Sumunod agad ako. Ang seloso naman nito!

“Seloso mo, ha! Kaibigan lang naman!” giit ko.

Umupo siya sa swivel chair. Seryoso ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Now this is kind of uncomfortable. Hindi ko parin talaga masasabing komportable ako kay Riguel lalo na kung ganito siya ka seryoso. Parang ang layo niya sa akin tuwing nagseseryoso siyang ganito.

“Come here…” he said.

Hindi na ako nagsalita at marahang lumapit sa kanya. Hindi talaga ako makahirit kapag ganito siya.

Pumangalumbaba siya habang hinihintay akong palapit. Nang tuluyan nang makalapit ay hinigit niya ako para bumagsak sa kanyang hita.

“Riguel!” saway ko lalo na nang pinalupot niya sa akin ang kanyang braso.
“You hate me now because I’m a jealous husband?” he asked.
“Huh? Hindi. Sinasabi ko lang. Kaibigan ko lang naman iyon dati…” sabi ko.

I slightly turuned to him. Saktong nasa gitna ng hita niya ang aking puwitan. Seryoso ang mga mata niya habang tinatanaw ako. I smirked.

“Hindi ako dumaan sa pagiging boyfriend mo. Baka kung naging tayo noon, walong taong gulang na ang anak natin ngayon.”
“What?” Tumawa ako. What the hell?

Bago ko pa madugtungan ang sinasabi ko ay siniil niya na ako ng mapusok na halik. It was soft and very tender. Like a feather on my lips. I almost forgot that we’re in his office!

Our kisses were already heated when suddenly his phone rang again. Halos mapamura ako roon. I promise I’m not going to interfere with his work again. Kapag sinabing leave, ‘di ko na siya pipiliting mag entertain ng kliyente.

Tumigil ako sa paghalik at nilingon ang phone niya ngunit nagpatuloy siya sa paghahalik sa akin.

“Riguel…” I said and then pointed to his phone.

Then he started kissing my jaw down my neck. Para na akong nilalagnat sa init lalo na nang sinuot niya na ang kamay niya sa aking spaghetti strap shirt. Damn!

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang tumawag. Halos itulak ko siya nang nakitang si Lolo Selmo iyon!

“Riguel, si Lolo Selmo ang tumatawag!” sabi ko.

Tinulak ko siya sa kanyang swivel chair. His hair is disheveled and the first two buttons of his shirt were now open. Pulang pula ang kanyang nakaawang na labi at punong puno ng alab ang kanyang mga mata.

It’s so hard to resist him, damn, but it’s his grand father!

Tumayo ako para abutin ang cellpone. Pumikit siya ng marahan. Tumindig ang balahibo ko sa kanyang ginagawa.

“Riguel!” pagalit kong sinabi sabay abot sa kanyang ng cellphone.

Dumilat siya at kinuha iyon para sagutin.

“Hello, Lo…” his voice is hoarse.

Hinihilot niya ang kanyang sentido habang kinakausap si Lolo Selmo. Natigil siya bigla sa sinabi. Humalukipkip ako at pinagmasdan siya.

Napatingin si Riguel sa akin. His eyes very wide. He looked shocked.

“Saang ospital?” tanong ni Riguel.

Sinong na ospital? Oh my God!

“Pupunta ako!” ani Riguel sabay tayo.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Tags :

2 Responses to Tripped – Kabanata 47

  1. wooh atlast naupdat ditto wahhh, office girl kasi here kaya mas prefer ko tong site hehe :)

    • me too. kaya nga tuwang tuwa ako na hindi to naka block sa office. hahahahahhaha