Tripped – Kabanata 46

May 30, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 46

Kabanata 46
I Promise

“Uuwi ako ng Maynila pagkatapos ko sa munisipyo. Ngunit bago iyon, gagawa ako ng Deed of Sale at kakausapin ko ang mga magulang mo o kahit ang Tito mo na lang… I’m planning to tell them that I’m giving you back the land… and I want to say sorry for forcing you to marry me…”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi ako natuloy sa munisipyo kaya rito ko ginawa ang pagtawag. Kanina habang natutulog ka.”

Kinagat ko ang labi ko. Ayaw ko sanang sabihin ito lalo na’t birthday niya ngayon ngunit… kung ganito ang pupuntahan ng usapan…

“So I think… kung natuloy ako sa munisipyo at nalaman ko iyon doon, hindi na ako makakalabas ng Alegria. I’ll come back here immediately because I don’t understand… I want to understand…”

Tumigil ako sa pag-aayos ng gamit. Tinabi ko iyong damit ni Riguel at tiningnan ko na lang ang mga kamay ko.

Compared to Piper, this is different. Riguel deserves to know the whole story. I need the courage to tell him properly.

Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha at tumayo. Tiningala ako ni Riguel. Pumunta agad ako sa sofa para makaupo ng maayos. Ilang sandali ang lumipas nang sumunod siya roon malapit sa bintana. He opened the glass windows wide. Bumunghalit agad ang hangin galing sa labas.

Humilig siya roon at madilim akong tiningnan. It’s like he’s waiting for me to tell him all of my faults… and I’m ready.

“High School kami noong nagkaroon ako ng issue with Oliver. The basketball player.”
“Uh-huh…”
Ngumuso ako. I’m kind of intimidated but I continued. “Mag-uusap sana kami noong ex niyang si Mayette. Hindi ko alam na may kasama siyang dalawang lalaki. Ipapabugbog niya yata dapat ako… or God knows what… Unfortunately, though… Yeshua came to save me.”

Recalling everything was so painful. Hindi ko inakalang sa pagsasabi nito kay Riguel ay parang binudburan ng asin ang sugat kong dapat ay naghihilom na!

“Hinampas noong isang lalaki ang ulo ni Yeshua ng tubo. He got unconscious. I panicked but we were alone. Umiyak lamang ako roon. Humihingi ako ng saklolo pero walang ibang tao. And then he woke up after… I don’t know… minutes…”

Nilingon ko si Riguel. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. He’s just standing there looking at me intently.

“Then he told me that I shouldn’t tell anyone what happened. Sa puntong iyon, ang tanging naisip ko lang ay ang katuwaan kong nagising na siya. At syempre, ang takot kong baka mapagalitan ako dahil pinahamak ko ulit ang aking kambal…”

That’s what I really feel. Although a part of me thought that maybe we need to go to the hospital to have Yeshua checked, I didn’t push it hard enough to happen.

“Gusto kong magpatingin kami pero mas nangibabaw ang ginhawang naramdaman ko na ayos lang siya at pati ang takot ko, Riguel…”

He did not react. His face remained straight and his eyebrows furrowed.

“Then after years, we discovered that he has traumatic brain injury. A rare case. The doctor said he’s lucky he’s alive years after the injury… kasi ‘yong iba raw, araw lang, patay na agad…”

Nanginig ang boses ko. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Can you believe it? I don’t remember the first time I told someone about this.

“Syempre, Riguel, sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Grade 12, I’m already a mess. All I think about was Yeshua. Sinisisi ko ang sarili ko pero umasa parin ako na magiging maayos siya. Hindi siya nagrereklamo kung masakit. Iyon ang mas nagpahirap sa amin.”

Hinilot ni Riguel ang kanyang sentido habang nakapikit.

“I like you, that time. I’m sure you know that. But my internal turmoils were worse than you can imagine.”
“Bakit mo nilihim?” he asked.
“Yeshua asked all of us to keep it a secret. Ayaw niyang malaman ni Piper na may sakit siya. Umasa siyang gagaling siya at babalikan din ang Alegria… pati si Piper. Umasa rin ako kaya pinagbigyan ko siya. And… I’ll do everything my twin asks of me even if it means hurting you…”

Dumilat siya at tiningnan ako.

Umiling ako. I’m sorry, Riguel.

“Of course, anyway. That time I don’t know if you were serious about me. Hindi naman tayo! You have… Isabella Thomas and-”
“I told you there’s nothing in between me and Isabella…”
“Well, how should I know? Right? And that’s the last thing I’m concerned of anymore. Kung mayroon kayo, e ‘di kayo na. Tutal ay aalis na rin naman ako, Riguel. Pero bago iyon, iniisip ko na ibibigay ko ang una ko sa lalaking tunay kong minahal.”

Suminghap si Riguel at lumapit sa sofa. Halos humagulhol na ako sa sakit na naramdaman ko. Can you imagine how torn I was that time? And Riguel, I know, just isn’t my priority. Is it bad if I admit that leaving him isn’t as painful as thinking that Yeshua’s going to die?

Hinila niya ako patayo at nilapit sa bintana. Medyo gumaan ang loob ko nang makalanghap ng sariwang hangin galing sa labas.

He looked stressed as I wiped my tears. Hinawakan niya ang aking mga siko.

“It’s your birthday…” I pointed out.
Tumango siya.
“You should be happy. Hindi iyong maririnig mo ‘to…”
“I want to know what happened with your life, Lienne.”
Tumango ako at yumuko para mag-isip kung paano ipagpapatuloy.

Bumaba ang kamay niya sa aking baywang. His touch is soft and tender. Like I’m a fragile porcelain he wants to take care of.

“Then… umalis kami ng America nang ‘di sinasabi sa kahit kanino…”

Hindi siya nagsalita roon. I was surprised. I can welcome his thoughts about it but maybe he wants me to continue.

“With the help of my Tito, nagpatherapy si Yeshua. Nagkaroon din siya ng mga operation. Syempre, El Nino noon. Pahirapan ang flower farm lalo na’t wala si Dad para alagaan iyon. Naubos ang pera namin sa pagpapagamot ni Yeshua. I decided to stop going to college so I can help. Lalo na noong inatake si Daddy. Nagkaroon siya ng mild stroke. Maybe that was the time he leased the plantation. I didn’t know he leased it to you…”
“I was studying Law that time. I have money from working…”

Ngumiti ako at tumango. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

“Then, Yeshua died. Sa dami ng operasyon, hindi na naagapan. I was so heartbroken, Riguel. Hindi ko kayang umuwi ng Pinas dahil maaalala ko lang ang kambal ko. Ang kasalanan ko. Ako talaga iyong dahilan, ‘di ba?”

Hinawakan ko ang kanyang damit. Pinipilit ko siyang aminin na kasalanan ko ang lahat pero nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

“It’s my fault! Kung hindi lang ako nakipagkita roon, hindi na sana nangyari iyon kay Yeshua. Dapat buhay siya ngayon!”

My tears erupted. Pinunasan ni Riguel ang mga panibagong luha sa aking pisngi.

“It’s not your fault…” pabulong niyang sinabi.
Umismid ako. Sa lahat ng sinabi ni Riguel, ito lamang ang masasabi kong walang batayan. Kahit saang anggulo, alam ko na ako ang may kasalanan.
“Days after my graduation in college, Mom died. Alam mo ‘yon? She was depressed because of Yeshua’s death. But I never thought she’d end her own life, Riguel! And I know she blames me for my twin’s death!”

Pumikit si Riguel at hinila ako para mayakap. Kumapit ako sa kanyang damit at umiyak sa kanyang dibdib. Nanginginig ang balikat ko habang naiisip ko ang pagdating ko noon sa bahay. Na nakita ko si Mommy na nakahandusay sa sahig!

“Umuwi ako ng bahay para ibalita na gagraduate ako, pagkatapos sa kitchen nakita ko si Mommy na…”

Hindi ko matapos tapos.

“I’m sorry… I’m sorry, baby…”

Hinaplos ni Riguel ang aking buhok at diniin pa lalo ako sa kanyang dibdib. His warmth made me feel fine. Hindi ko inakalang magiging maluwang ang pakiramdam ko pagkatapos ko sabihin iyon.

Hinawi niya ang mga buhok na dumidikit sa aking mukha dahil sa mga luha. Tumulong ako at lumayo ng konti para madugtungan ko ang kwento.

“Months later after my graduation, Daddy died…” sabi ko, ngayon mas mahinahon na.

Hindi nagsalita si Riguel. Patuloy niyang pinupunasan ang aking luha habang nagsasalita ako.

“I promised Yeshua I’ll secure the flower farm and the mansion. Hiningi niya rin sa akin na alagaan ko si Piper. To guard her if he won’t make it…”

Humugot ng malalim na hininga si Riguel. Dinungaw niya ako habang nilalagay ang takas na buhok sa aking tainga.

“You secured the farm and mansion now that you married me. You don’t need to get rid of me, Lilienne…”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

I don’t know if he knows about Piper’s feelings. Hindi ako ang dapat na magkwento sa kanya nito kaso naging malupit ang araw na ito. Kung kailangan niya ng eksplenasyon, ibibigay ko iyon sa kanya.

“Piper likes you… She probably loves you, Riguel…”

Kumunot ang noo ni Riguel. The man didn’t know a thing. I am not sure if I should hate him for that. Dammit!

“She told me that you two got closer a year after umalis kami. Tinulungan mo rin siya sa trabaho. I don’t blame you for that, though. In fact, dapat akong magpasalamat. You made sure she’s fine while Yeshua’s…”

Pagod ko siyang tiningnan. Kitang kita ko ang awa sa kanyang mga mata.

“Lumapit ako sa kanya nang umalis ka dahil wala akong ibang mapagtanungan. Suki didn’t know why you’re gone. She’s clueless, too. And she went abroad, summer of that year. Walang alam si Leon. Kahit ang mga kaklase mo. The only one I thought significant to your family is Piper…”
“You…” kumunot ang noo ko. “Riguel…”
“I was desperate for answers, Lilienne. Wala rin siyang alam ngunit inisip kong balang araw, tatawagan siya ni Yeshua. Your twin loved her, anyway. So that’s more possible than you calling me…”
“That’s impossible! Yeshua didn’t want her to know-”
“I didn’t know. Iyon lang ang inisip ko…” medyo tumaas ang boses niya roon.

Natahimik ako. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagsasalita.

Inangat niya ang baba ko para magtama ang tingin namin. Nang nakatingin na ako sa kanya ay nakita kong punong puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. It’s like he’s pleading.

“I know we can’t turn back time, Lienne. But I want to know… I just have to know… Bakit ‘di mo ako pinagkatiwalaan?”

Nalaglag ang panga ko sa kanyang tanong. Nagbanta ang luha sa gilid ng mga mata ni Riguel but his eyes turned fiery… I honestly saw anger and betrayal in them…

“Riguel, bata pa tayo. I just want to live up to Yeshua’s expectations of me. Na ilihim kahit sa’yo… Besides, we weren’t an item! I’m not even sure if you were serious…”

Tumango siya at pumikit. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“I’m sorry…” aniya.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan ko siya. I want to see what’s outside. Kahit na ang tanging ilaw lang ng mga bulaklak na gustong mamukadkad ay ang maliwanag na buwan.

Ilang sandali kaming nanatiling tahimik.

Ginala ko ang mga mata ko sa lupain na dating pinaglalaruan namin ng aking kapatid. Today, I finally told someone about it. Wholeheartedly… without hesitations.

Riguel suddenly hugged me from the back. He rested his face on my left shoulder. I gave him access to it by slightly tilting my head to the right.

“I can only imagine your agony, Lilienne. Sana ay kasama mo ako… Iyon lamang talaga ang gusto ko…”
Bahagya akong natawa. “You could never take me, Riguel. Sa mga panahong iyon, kahit ako, hindi ko magawang mahalin ang sarili ko…”

Humigpit lalo ang yakap niya sa akin.

“And who knows… if you knew, you’d probably get disturbed. Your studies might not go well…”
“I’m sorry I was vague that time…” he whispered.

Hindi ako nagsalita dahil iyon talaga ang totoo noon. But it’s okay… I didn’t need him to tell me how much he loves me that time. That’s the last thing I need.

“I’m glad you were, actually…”
“Mahirap kang tingnan kung iisipin kong wala pa akong kaya sa buhay, Lilienne. You were… a princess of Alegria. I’m a… what? I’m not sure. The only thing I’m good at is school, Lienne…”

Pinigilan ko ulit ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Nagbara ang lalamunan ko ng mga salitang gusto kong sabihin…

“I don’t need a man with the money…” tumulo muli ang luha ko.
“Oh, you will in time. Siguro noong high school, hindi. Things were different.”
“No, Riguel!” nilingon ko siya ngunit pinilit niya akong manatiling nakatingin sa lupain. “I just need a man with principles. Dahil kapag may prinsipyo, alam ko kayang panindigan ang lahat lahat…”

Huminga siya ng malalim at niyakap ako.

“And where did your principles take you? You’re now the Riguel Alleje…”
“Your husband…” he whispered on my neck.

Nangatog ang binti ko sa dugtong niya. Why did he have to be so…

“What happened to Mayette and her friends, then?” he asked.
“Hindi ko alam. I have never seen them again.”
“We can… search for them. I’m sure kilala ni Oliver iyon, hindi ba?”
“I didn’t think about that anymore, Riguel. My only concern was Yeshua’s health. And right now, ano pang magagawa niyan? Justice and nothing more when the blame should be all on me!”
“I don’t understand why you blame yourself. Yeshua did the right thing. Kung ako ang nasa kalagayan niya, iyon din ang gagawin ko, Lilienne…”

Kinilabutan ako nang sumagi sa isip ko na si Riguel iyong nahampas ng tubo. My heart ache at the thought. Gusto kong magmura at yakapin siya ng mahigpit. No!

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ko ang mga daliri naming dalawa.

“Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang nawala sa akin.”
“I want you to forgive yourself. If justice can make you forgive yourself, then I’ll help you…”

Forgive myself, huh?

“I’ll help you with everything now, Lienne. You don’t have to be alone because you have me. I’ll make anything happen for you…”

Noon ko pa tinanggap ang parteng ito. Noong nakikita ko si Yeshua na hindi na ako maalala pagkatapos ng mga operasyon, tinanggap ko na na wala na akong maibabalik pa kahit na sisihin ko man ang mga taong iyon.

Now that Riguel’s offering, parang mas lalo lamang akong natakot. I don’t want him to go extra miles for me like what Yeshua did. I want him to stay put and just love me like that.

Para akong na trauma sa lahat. At ayaw kong isakripisyo si Riguel para rito. Tama na…

Umiling ako. “Ayaw ko na silang makita pa, Riguel…”

Suminghap siya at tumango. He kissed my ear and my hair.

“And you want me to leave because Piper wants me, is that it?”

Hindi ko maamin ang parteng iyon. I know it’s a crazy move but with the guilt I have, that’s the only way…

“Paano ka nakakasigurong papakasalan ko si Piper, kung ganoon? Kahit… mahalin man lang?”
“You were close to her, Riguel. You’re ruthless but I know your heart isn’t made of stone! Eventually, you might consider the idea.”
“Oh you don’t know what my heart is made of the moment you left me, Lilienne. So how would you know?”

Shit.

“Ang sabi niya, malapit kayo. And I’ve seen you with her in the office…”
“She’s a secretary for God’s…” hindi niya tinapos.
“I know… but…”

Hindi ko alam kung paano ko pa papaikutin ang mga rason ko. Ang totoo, inisip ko lang talaga na maaaring maging sila kapag umalis ako.

“And you decided on your own like I’m not involved. Kapag sinabi mo sa aking hindi mo ako kayang mahalin, Lilienne, aalis ako. Dahil hindi ko makakayang tingnan kang umiiyak sa piling ko. I hardly survived our first night together. I cannot deal with years seeing you unhappy…”
Ngumuso ako habang naaalala iyong unang gabi namin. Iyak ako nang iyak noon.
“Naglasing ako para lang makalimutan ang mga mata mong malungkot habang sinusuot ko sa’yo ang singsing. But I told myself that I can make you happy eventually… And you were… so I don’t understand why you want me to leave.”
“Ngayon alam mo na… I’m sorry, Riguel…” I admitted.
“If I have known about this, I would never make a step, Lilienne. I would never cross the damn door just because of your reason. I won’t buy that. If you’re that guilty, I’ll make you forget in my own ways. At hindi kabilang doon ang pag-iwan ko sa’yo…”
“I’m sorry…” ulit ko at bumagsak ang mga mata ko sa aming mga kamay.

Hinalikan niya ang gilid ng mata ko. Pagkatapos ay pababa sa aking pisngi. Ang kanyang mga halik ay malambot at malambing. Bumaba pa iyon sa aking panga.

“You did well, Lienne, with the eight years without me. I’m proud of you…” he whispered.

Tumulo ulit ang lintik kong mga luha. Pinunasan ko agad iyon. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang epekto ni Riguel sa akin.

“Sana naroon ako. Pero gaya ng sabi mo, hindi na natin iyon maibabalik pa. So now… Do you love me?”

Bahagya naman akong natawa ngayon. Mababaliw na talaga yata ako rito.

Nilingon ko siya. He’s still serious. He did not understand why I’m laughing.

“Mahal kita noon. Mahal parin kita hanggang ngayon. But… the two months together, I have fallen again with the new Lilienne I have. You have changed a lot. My feelings changed, too, you know. Mas lalong tumatag ang pagmamahal ko sa’yo, Lilienne. Nitong nakaraang buwan, at mas lalo na ngayong nalaman ko ang lahat ng ito… So… answer me now, please… Do you love me?”
Tumango ako.

Nagtiim labi siya at umiling.

“Say it properly…” he demanded.
“I love you, Riguel…” sabi ko habang tinitingnan siya sa mga mata.
“Good. Now, there’s no way in hell I’ll let you leave me. Any possible reason won’t be accepted from now on…”

Hinarap niya ako. Ngayon, siya na lamang at ang kwarto namin ang nakikita ko. Kinulong niya ako sa kanyang mga braso at bahagya siyang yumuko para maglebel ang aming mga mata.

“And I will never leave even if you throw me out of here…”
Umiling ako. “I’ll never do that again…”
“You seem good with your promises, Lilienne. Could you promise me that?”
Ngumiti ako. “I promise.”
“Promise me you won’t lie to me…”
“I promise…”
“Promise me you won’t sneak out and leave me…”
Tumawa na ako. “I promise.”
“Hindi ako kontento.”

Umiling siya at nagtaas ng kilay.

“Magpapakasal tayo sa simbahan.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.