Tripped – Kabanata 45

May 30, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 45

Kabanata 45
Plan

Lubusan ang panghihina ko. Nanatili akong nakatayo roon, mag-isa.

Pilit kong inaalala ang dahilan ng bawat desisyon ko. But my heart would never listen to me. Pakiramdam ko nga inaayawan niya na ako. Pakiramdam ko hinding hindi na muli susunod ang puso ko sa akin dahil sa nangyari.

Will Yeshua be happy with my decisions? Of course, Piper will finally be happy. Ngunit mamahalin ba siya ni Riguel? Maaari. Kayang kaya ng mga taong magmahal muli, Lilienne. Yeshua, is this okay? Is this fine? Are you going to be happy?

Nagmadali agad akong lumabas ng kwarto. Tinakbo ko iyong patungong hagdanan.

Naabutan ko si Riguel na palabas ng pintuan. Si Nana Sela at ang mga kasambahay ay nasa sala at pinapanood ang pag-alis niya. Did he tell them?

“Lilienne, ano ito?” mariing buga ni Nana Sela sa akin.
“Ma’am…” tawag ni Inday habang umiiyak.

Dahan dahan ang pagbaba ko sa hagdanan. Hindi ko sila masagot. Dahil sa totoo lang, wala rin akong maisagot sa kanila.

“Lili!” tawag ulit ni Nana.

Sa labas ay nakita kong nilalagay na ni Riguel ang kanyang maleta sa likod ng kanyang sasakyan.

Pinatunog niya ang Ford at pumasok na siya sa driver’s seat.

Saan kaya siya pupunta? Saan siya matutulog? Kina Lolo at Lola? O baka didiretso siya sa Maynila? Pero malapit nang gumabi. Mahirap bumyahe ng mag-isa kapag gabi.

I feel like I want to find more reasons for him to stay because my heart just wouldn’t let him leave. Pakiramdam ko susukuan na ako ng puso ko ngayon kung hindi ko siya susundin.

Lumabas ako ng mansyon. Umatras ang Ford at niliko niya iyon para matutok na sa gate.

Tinakbo ko ang konting distansya pababa ng hagdanan para mas makalapit. Kusang tumulo ang luha ko ng walang pawi. Humagulhol na ako nang pinaharurot niya na ang sasakyan patungo sa aming gate.

“Riguel…”

Tinakpan ko ang aking mga mata. Hindi ko kayang makita siyang umaalis.

Tumunog ang gate bilang pahiwatig na bumukas na iyon. Nanghina ang tuhod ko kaya unti unti na lang akong umupo sa daanan.

I am so emotionally unstable. Maybe my decision is right, too. Maybe it’s okay. Maybe it should be done kahit na sobrang sakit at kahit na ayaw ko. Dahil wala akong maibibigay kay Riguel. Hindi niya ako maaasahan sa pagmamahal dahil ako mismo kailangan kong mahalin ang sarili ko.

I need to forgive myself. I need to realize that there’s just nothing I can do to change the past. Oo, pwede akong bumawi and I am willing to do sacrifice myself for it but… I can’t live like the all my life. I’d be wasting this lifetime for the past.

Yeshua, I am so sorry that I couldn’t, once again, sacrifice for you. I am so sorry for being a stubborn twin. Sabi nila, isa daw sa kambal ay mahina, ang isa malakas. Clearly, you’re the strong one and I’m the weak.

I’m so sorry to disappoint.

Humikbi ako at kinusot ang aking mga mata. Suminghot ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kina Nana Sela at sa mga kasambahay. I’m back to zero. I don’t know what to do now.

Binaba ko ang kamay ko at para akong natuklaw ng ahas nang nakita ko si Riguel sa harap ko. Naka-squat siya roon habang pinagmamasdan akong mabuti. His eyes were tired and bloodshot.

“Riguel…”

Parang unti unting nag-init ang aking sistema. Ang kaninang sobrang sakit na puso ay unti-unting nabuhay at uminit!

“Ang hirap umalis…” iyon lamang ang nasabi niya.

Inabot ko agad ang kanyang batok at hinila ko siya palapit sa akin para mayakap ng sobrang higpit. Humagulhol ako sa kanyang balikat. Hindi ako makapagsalita dahil kinakain ng iyak ko ang mga salitang gustong mamuo.

“Do you want me to stay?” tanong niya.

Tumango lamang ako. Hindi ko parin siya pinapakawalan. Pakiramdam ko kung kakalas ako ay iiwan niya na ako ng tuluyan. Sumuko na siya sa akin. Like how it should be because I couldn’t properly organize my emotions. I am not even mentally healthy for all of these. Puso ko na lang ang tanging gumagawa para sa akin ngayon!

“I’m sorry. I’m sorry… ‘Wag mo akong iwan!”

Paulit ulit ko iyong sinabi sa kanya. Nanginginig ang balikat ko sa sobrang pag-iyak. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa lahat ng ito.

“’Wag mo akong iwan, Riguel. I’m sorry. ‘Wag mo ‘kong iwan. ‘Wag mo ‘kong iwan… ‘Wag mo ‘kong iwan… ‘Wag mo ‘kong iwan.”

Hindi ko na maalala kung kailan ako umiyak ng ganito. I think this is the first time I cried so hard that I feel like I’d diebecause of the pain.

Pabalik balik ko iyong sinabi. Every word with conviction. I could swear I’ve never been this desperate. At para sa kanya. Lagi.

Hinagilap niya ang aking mga binti at ang isang kamay niya ay hinawakan ang aking likod bilang suporta. Nanatili akong nakayakap sa kanyang batok, nanghihina.

Tumayo si Riguel. Inangat niya ako at naglakad siya pabalik sa bahay.

“Manong Luis…” ani Riguel at tumigil siya.

Humihikbi parin ako sa kanyang balikat. Hindi ako dumidilat. Natatakot ako na baka hindi totoo ang lahat ng ito.

“Pakibalik po ng sasakyan ko sa garahe. Nasa gate na…” ani Riguel.
“Sige, Riguel…”

Pagkatapos ng usapan nila ay dahan-dahan na siyang naglakad patungo sa mansyon. Kapag ba nilapag niya ako, iiwan niya na ako? Kapag ba pinakawalan ko siya, tutuloy na siya?

Fuck! I don’t want to let go!

“Riguel, anong nangyayari?” bungad ni Nana nang nakabalik kaming mansyon. “Kinakabahan kami sa inyong dalawa! Nagpahanda ka kanina dahil kaarawan mo ngayon tapos ganito?”

Oh my God!

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa batok ni Riguel. Pakiramdam ko ay masasakal ko na siya. I just want him so close to me. This close isn’t even enough. I want him closer!

“Mag-uusap po tayo mamaya, Nana. Iaakyat ko lang si Lilienne…” ani Riguel.

Iaakyat niya ba ako para makaalis na siya? Para matuloy ang pag-alis niya?

“’Wag mo ‘kong iwan… Please… Parang awa mo na, Riguel… Huwag mo akong iwan…” tumulo muli ang panibagong luha ko.

Inaakyat niya na ako ngayon patungo sa kwarto. I have completely lost myself.

Binuksan niya ang kwarto namin at pumasok na siya roon. Sinarado niya ang pintuan at unti-unting tinungo ang kama.

Marahan niya akong nilapag sa kama ngunit ayaw ko siyang bitiwan. Nanatili akong nakayakap sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Lilienne, I have things to do…” seryoso niyang sinabi.
“I’m sorry…” ulit ko.

Nanghina ang kamay ko. Unti-unting kinalas ni Riguel ang braso kong nakapalupot sa kanyang batok. Binaba niya iyon at nilagay niya sa aking tabi.

“I’m sorry…”
“Magpahinga ka muna. Mag-uusap tayo pagkatapos mong magpahinga…” aniya.
“Are you going to leave?” nanginig ang boses ko.

Umigting ang panga niya. Medyo natagalan siya sa pagsagot. It’s breaking my heart but I know I can’t blame him.

“No…”
Tumango ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinatong ko iyon sa aking tiyan. Inayos niya ang comforter. His hand rested on the top of my stomach as he combed my hair using his fingers. Para akong nahi-hypnotize sa kanyang haplos. Pagod ako ngunit hindi ako inaantok kanina. Ngayon, parang inaantok na ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras nanatiling ganoon si Riguel. Basta ang alam ko, nakatulog ako dahil sa kanyang haplos.

Natuyo ang luha sa aking pisngi. Mahapdi ang mga mata ko pagkagising. Agad akong luminga linga sa buong kwarto.

Iniisip ko ba kung totoong nag-away kami ni Riguel. Ang hapdi sa aking mga mata ang patunay na nangyari nga iyon.

And… dammit! Riguel isn’t around our room!

Bumangon agad ako at tumayo. Tinakbo ko ang distansya patungo sa pintuan.

Pagkalabas ko ay bumaba agad ako sa hagdanan, nagmamadali.

Nilingon ko ang terrace at nakita kong papalubog na ang araw.

Tahimik ang bahay. Tumakbo ako patungo sa terrace ngunit walang tao roon. Dumiretso ako sa kusina at agad kong naabutan si Nana.

“Lilienne!” pagalit niyang untag.
“Na, si Riguel po?” nanginig ang labi ko.
“Nasa kanyang opisina, bakit?”

Tatakbuhin ko na sana patungo sa kanyang opisina ngunit natigilan ako. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako. Riguel is just in his office. Lilienne, please calm down! Calm the fuck down!

“Anong nangyayari sa inyong dalawa?” ani Nana at nilahad ang upuan sa counter.

Mabilis ang hininga ko. Gusto kong umakyat at puntahan siya sa kanyang opisina. Iyon lamang ang laman ng utak ko ngayon. Wala nang iba.

Nagsalin si Nana Sela ng tubig sa baso at nilapag niya sa counter, sa tapat ko.

“Kaarawan ni Riguel ngayon, Lilienne…” ani Nana.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Naalala ko ulit ang nasabi ni Nana kanina. Ni hindi ko alam na ngayon ang kaarawan niya! Dammit! And I didn’t even care about it!

“Hindi ko po alam…” sabi ko sabay hawak sa basong nilapag ni Nana.
“Nag-away kayong dalawa? Tinaboy mo siya?” ani Nana.

Pagod kong tiningnan si Nana. Humugot ng malalim na hininga ang matanda at pagkatapos ay umiling.

“Lilienne, sinabi mo na ba sa kanya ang trahedyang nangyari sa pamilya mo?”

Namilog ang mga mata ko sa tanong ni Nana. How did she…

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Alam ng mga dating kasambahay n’yo ang nangyayari kay Yeshua, baka nakakalimutan mo…”
Umiling ako kay Nana.

I wonder if she knows what really happened. I am willing to tell Riguel about what happened now. I figured this is so unfair to him. Sasabihin ko sa kanya lahat ng dahilan ko at siya na ang bahalang magdesisyon kung matatanggap niya pa ba ako o hindi na.

“Kailan mo balak sabihin iyon, Lilienne?”
“Papalipasin ko po muna ang kaarawan niya. Maraming nangyari ngayon-”
“Pati ba ang pagkamatay ni Martin at Vivienne?”

Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Nana knows everything! I wonder if Roselle told her what happened?

Umismid si Nana sa akin. Sarkastiko siyang ngumiti pagkatapos ay bumuga ng malalim na hininga.

“Tumatawag si Martin dito sa mansyon noon, Lilienne para ibalita sa akin ang nangyayari. Pinagkakatiwalaan niya ako at hindi ko siya binigo. Hindi ko pinagsabi ang mga nangyari sa inyo tulad ng gusto niyang mangyari. Si Samuel ang nagbalita sa akin na patay na si Martin isang taon ang lumipas… Ilang taon na siyang patay?”
“Higit dalawang taon na po…” nanghina kong sinabi.
“Inilihim ko ang lahat dahil iyon ang naging pangako ko sa pamilya mo. Inaantay ko ang pagdating mo para masabi mo sa akin ang tunay na nangyari ngunit tila nililihim mo parin hanggang ngayon…”
“Pasensya ka na, Nana. Marami pong nangyari. Hindi ko dapat nilihim ngunit itong lahat ang bumungad sa akin. I didn’t know that Riguel’s the owner of our land. And if I told him what happened, ayaw kong kaawaan niya ako especially that he’s all pride the first day we met.”
“Dalawang buwan at hindi mo parin nasasabi sa kanya? Paano kung sa iba niya ito malaman?”
“Sasabihin ko na rin po sa kanya ngayon.”
“Alam ko ang mga kilos ni Riguel. Alam ko ang tungkol sa kasal n’yong dalawa. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo ngunit alam kong hindi ako dapat ang magsabi sa kanya nito.”

Napainom ako ng tubig. I really need to tell Riguel. I don’t care if recalling it hurts me. Come on… wala yatang makakatalo sa sakit na naramdaman ko kanina. Ito pa ang kakatakutan ko?

“Ang Tito Samuel mo ang nakakausap ni Riguel noong namatay na si Martin. Hindi ko maintindihan kung bakit nililihim ng Tiyuhin mo ang nangyari pero naniwala akong may rason ang pamilya n’yo kaya hindi ko rin nasabi kay Riguel.”

Tumango ako kay Nana. Riguel believes that my family is still abroad. He believes in me… in us… too much. He did not dare question anything I told him because he trusts me.

“Ilang beses tinangka ni Riguel na tawagan ang Tiyuhin mo pagkatapos ng kasal n’yo, Lilienne. Ngunit sa huli ay sumusuko siya dahil gusto niyang ikaw mismo ang pumili sa kanya.”

Tumango si Nana sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Alam ko na gustong gusto siya ni Vivienne para sa’yo. Alam niya rin iyon. Gustuhin niya mang hingin ang kamay mo ng diretso sa mga magulang mo, ayaw niya paring pilitin ka dahil lang gusto siya ng mga ito. Kung hindi ganoon ang kanyang prinsipyo, matagal ka nang nabisto, Lili.”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam na ganyan ang nangyari. Oh my God!

“Ayaw niyang may makialam sa inyong dalawa. Gusto niya ng desisyon mo. Gusto niyang magdesisyon kang mag-isa. Gusto niyang sa sarili mo nanggaling ang pagpili mo sa kanya.”
“Nana, I’m sorry…” halos pabulong iyon.
Ngumiti si Nana. “Nakalimutan mo yatang ulila na rin siya, Lilienne. Kaya kung may mas makakaintindi man sa’yo, siya na iyon…”
Tumango ako.

Pumasok si Inday at Geling sa loog ng kusina. Nagbubulungan pa ang dalawa. Tumuwid ako sa pagkakatayo at nilingon na sila ni Nana.

“Tawagin mo na ang asawa mo at maghahanda na kami ng hapunan n’yo…”
“Sige po…” sabi ko.

Tiningnan ako ni Inday at Geling. Parang takot silang magtanong o magsalitang dalawa. Ngumiti na lamang ako at lumabas na ng kusina para akyatin si Riguel sa kanyang opisina.

Nang kaharap ko na ang pintuan ay humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok.

Pagkatapos kong kumatok ay pumasok na ako.

Naabutan ko siyang malalim ang iniisip. Nakatuko ang kanyang siko sa lamesa at ang kanyang kamao ay nasa noo. Tumuwid siya sa pagkakaupo nang nakita ako.

Tumikhim ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Pagkatapos ng nangyari, nahihiya na ako sa kanya. Pakiramdam ko wala akong karapatang humarap sa kanya. Ang dami dami kong masasakit na salitang pinakawalan at hindi ko na yata mababawi ang lahat ng iyon.

“Uh…”

Kinurot ko ang kamay ko. Tig iisang hakbang lang ang nagagawa ko palapit sa kanyang lamesa.

Tinuro ko ang pintuan para maintindihan niya ako kahit ‘di nagsasalita. Titig na titig siya sa akin.

“Naghahanda na ng hapunan sina Nana Sela sa baba. Uh… birthday mo pala…”

Tumawa pa ako para takpan ang hiyang nararamdaman ngunit mas lalo lang yata akong nahiya. Uminit ng lubusan ang aking pisngi. Hindi ko siya matingnan ng mabuti.

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin.

I realized he did not change yet. Hindi parin naman ako nagbibihis pero iyon ay dahil nakatulog ako. I wonder if he still has plans of leaving?

“Susunod na ako. Magbihis ka muna…” aniya.

Hindi na ako nag-antay ng idudugtong niya. Mabilis na akong nagtungo palabas ng kanyang opisina para sundin ang gusto niyang mangyari.

Naligo ako at nagbihis. Akala ko pagkatapos ko ay nasa kwarto na siya pero wala parin siya roon.

Nasa opisina pa kaya siya o nasa baba na? Hindi parin siya nagbibihis, ah?

Pagkalabas ko ng kwarto namin ay siyang paglabas niya ng opisina. Seryoso ang kanyang mga titig, tila ba maraming bumabagabag sa kanya. Nag-iwas agad ako ng tingin at nakisabay sa kanya pababa ng hagdanan.

“Lilienne, Riguel?” tawag ni Nana Sela galing sa dining.

Sa dining ay naroon na ang mga kasambahay at si Manong Tasyo at Manong Luis. Sasabay yata sila sa pagkain sa amin dahil syempre, kaarawan ni Riguel.

Maraming pagkain. May cake pang simple sa harap.

“Nasabi mo ba sa Lolo at Lola mo na nasa Alegria kayo ni Lilienne?” bungad ni Nana nang napalapit kami sa lamesa.

Tahimik ang mga kasambahay habang kuryoso kaming tinitingnan. Ngumiti lamang ako sa kanila. Alam kong napapansin nila ang pamamaga ng aking mga mata. Well, of course they saw what happened. They saw how I begged for Riguel to come back, alright.

“Hindi ko pa sila nakakausap. Baka bukas ay dadalaw ako…”
“Sana inimbitahan mo na lang ngayon. Alam mo naman ang mga matatanda…” nilipat ni Nana ang kanyang tingin sa akin. “Pero maayos na rin siguro na hindi. Kapag nalaman ng dalawang nag-aaway kayo ay baka malungkot lamang sila.”

Yumuko ako. Hindi ako makabawi sa sinabi ni Nana.

Umupo na si Riguel sa gitna. Ako naman ay nasa kanyang tabi.

“Kumanta tayo para kay Attorney!” maligayang sinabi ni Marya.

Pumalakpak sila at nagtawanan pagkatapos ay sabay sabay na kinantahan si Riguel ng “Happy birthday…”

I awkwardly joined the singing of the song. Tipid lamang na ngumiti si Riguel sa ginawa ng mga kasambahay.

“Kainan na! Yehey!” anina Inday at Geling.

Pinauna ko silang kumuha ng mga ulam. Kahit na ‘di kami nakapagtanghalian ay hindi ako nakaramdam ng gutom.

Kinuha ni Riguel ang kanin at nilagyan niya agad ang aking pinggan. Kitang kita ko ang pagsulyap ng mga kasambahay sa aming dalawa. Nararamdaman kong kuryoso talaga sila sa nangyayari sa amin.

Pagkatapos lagyan ni Riguel ng kanin ang kanyang pinggan ay kumuha siya ng ulam.

“You like this?” he asked me.

Kaldereta yata iyon. Tumango ako at nilagyan niya agad ang aking pinggan.

I am not blind. His simple and consistent gestures are touching. But I still chose to break his heart because of my guilt. Kahit anong gawin ko ngayon, hindi ko na mababago ang nakaraan. Makakabawi ako kapag sinakripisyo ko ang kaligayahan ko ngunit hindi ko magawa.

I hope Yeshua forgives me. I hope he’d understand. Yesh, I know you only want to protect me, too. But Riguel is real… he makes me happy. He makes Piper happy, too, but I don’t think she can be eternally happy with Riguel. Kung hindi siya mamahalin ni Riguel, magiging miserable lamang siya.

I know this is a selfish gesture. I know that I should give Riguel time to try and love Piper pero… Yesh… hindi ko ata kaya. Hindi ko kaya.

Babawi ako sa ibang paraan. Babawi ako, pangako. Hindi ganito. Hindi si Riguel ang kabayaran ng lahat ng ito.

Kinwento nina Manong Tasyo at Manong Luis ang nangyari sa flower farm at kung anu-anong bulaklak sa greenhouse ang maayos na. Ang mga kasambahay naman ay nagkwentuhan tungkol sa pinapanood na teleserye. Tumatawa lamang ako kasabay nila ngunit ‘di ako dumudugtong sa kwento.

Pagkatapos kumain ng hapunan ay hinati hati na agad ang cake. I did not even know that it’s his birthday. Ni wala akong regalo sa kanya.

I recalled what happened the whole day. We woke up happy but I ruined his morning by telling him so many hurtful words. Pagkatapos noon, tila impyerno na lahat ng sinabi ko sa kanya. All of them were lies. Nakaya kong sabihin sa kanya iyon ng harap harapan at nang ‘di kumukurap dahil sa kagustuhan kong umalis na siya.

Ito ang naging regalo ko sa kanya?

Hindi na ako makakain ng maayos dahil sa iniisip ko.

Sasali sana ako sa pagliligpit ng mga pinggan ngunit pinagalitan na ako ni Nana.

“Kami na rito, Lili. Ang dami namin, sasali ka pa…” ani Nana sa akin.
“Akyat muna ako. Magliligpit lang ako ng gamit…” ani Riguel at nilagpasan agad ako.

Natigil ako sa pagliligpit ng pinggan at pinagmasdan ko siyang lumalayo. Magliligpit? Is he going to… leave?

Nilagay ko na sa pinggan ang mga kubyertos at iniwan na sila roon para sundan si Riguel. Kumakalabog ang puso ko habang umaakyat sa hagdanan.

Pumasok agad ako sa kwarto at naabutan ko siyang binubuksan ang kanyang maleta. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Are you leaving?” I asked.

Kumunot ang noo niya sa akin.

“No…”

Tumango tango agad ako. Nababaliw na yata ako.

Inayos niya ang mga damit niya. Lumuhod ako sa harap ng kanyang maleta para tulungan siyang mag-ayos. Ilalagay pa namin sa loob ng walk in closet itong mga damit niya para ‘di na siya makaalis!

“I’m sorry for all the things I said, Riguel…” sabi ko habang tinutupi ang mga t-shirt niya.

Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa akin.

“They were all… lies… Because I want to get rid of you right away…”

Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi ng diretso. Tumango siya.

Tumigil kami sa pag-aayos ng kanyang gamit. Nanatili ang mga mata ko sa kanya kahit na nagbabadya na naman ang luha sa akin.

“Kung umalis ka kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko…” nanginig ang boses ko.
“Kung umalis ako kanina, hanggang munisipyo lang ako. Babalik ulit ako rito…” aniya.

Umismid ako sa kanyang sinabi. Liar! I was so sure he’d leave me for real! Ibalik ba naman sa akin ang plantation? Ibigay ba naman sa akin ang lahat? He wants all connections to be cut between us!

At least sana kung akin ang mansyon at kanya ang plantation, our paths would cross somehow. His words were marked with finality and it hurt me so much. Kahit na sabihin nating ginusto ko iyon. Ginusto ng mga rason ko pero ng puso, hindi! Kaya hirap na hirap akong magdesisyon ng maayos!

“Hindi, e. Maiintindihan naman kita kung talagang umalis ka na ng tuluyan.”
“I called your cousin. Para makausap ko ang Tiyuhin mo kanina, Lilienne…” his tone is stone cold now. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?”

Halos matigil ang pagluha ko sa sinabi niya. Nanatiling seryoso ang kanyang mga mata.

“When I left, my original plan was to make the Deed of Sale. Sa munisipyo ko iyon gagawin. My last resort was to call your family. Nag iba ng numero ang tiyuhin mo kaya ang pinsan mo ang tatawagan ko. I called him while you were asleep…”

Shit…

“He said…” tumigil siya at tiningnan akong mabuti.

Humugot ako ng malalim na hininga at panandaliang tumahimik. He knows…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.