Tripped – Kabanata 44

May 30, 2016 By In Tripped 1 Comment

Kabanata 44
Goodbye

Masayang masaya ako sa mga araw na naroon kami. Kinagabihan noon ay kumain muli kami kina Judge. This time, inabot na ng madaling araw ang kwentuhan nila kaya sa sumunod na araw ay tinanghali kami ni Riguel sa pag gising.

Kina Judge kami kumain ng tanghalian. Pagkatapos noon ay nagyaya sina Judge na magfishing kaya iyon ang ginawa namin buong hapon.

Then we watched the sunset from the boat. Marami silang nakuhang isda. Nanatili ang mga mata ko sa papalubog na araw habang umaandar na ang sinakyat naming bangka. Pabalik na kami sa shore.

Niyakap ako ni Riguel galing sa likod.

The sunset reminds me of something that’s endind. Something that has to end. And I know what it is.

Ang mga nagdaang araw ay ang isa sa pinakamaliligayang araw sa talambuhay ko. Ni hindi ko na maalala ang mga huling masasayang araw ko. Probably when my Mom, Dad, and Yeshua’s still around. Right now, I have new favorite days and it’s with Riguel. But… it’s also ending.

Pagkabalik namin ni Riguel sa suite ay nakita ko agad ang text ni Suki sa aking cellphone.

Suki:
Extend ka ng leave mo, ha? Ingat kayo. I’m hoping for the best sa inyong dalawa. Lalo na sa’yo…

Hindi ako nakapagtext sa kanya nitong mga nakaraang araw. I’m too preoccupied with Riguel. She probably thinks I’m changing my mind.

Ako:
Yes, please. Thanks, Suki. Sorry sa leave. Yayayain ko na rin si Riguel na umuwi.

Suki:
Mag extend ka ng one week. I heard his leave is one week. You should, too.

She really thinks I’m changing my mind.

Ako:
Suki… I’m sorry but I have a ticket to the U.S. for next week.

Ilang sandali bago nakapagreply si Suki. Mukhang hindi niya inasahan iyon.

Suki:
Lili, sana isipin mo itong mabuti. I know how much you love Yeshua and how guilty you are but leaving Riguel will make you eternally sad.

Pinalipas ko ang gabing iyon na masaya kami ni Riguel. I fell asleep in his arms peacefully. Ganoon din siya.

Ngunit kinaumagahan noon ay alam ko na ang mangyayari. Pagkadilat ko pa lang ay nanikip na ang dibdib ko. I couldn’t breathe.

Nilingon ko si Riguel na hanggang ngayon ay tulog parin sa aking tabi. Nanatili ako sa kanyang tabi. I memorized his features, his angled jaw, his perfect nose, his thick eyebrows, his kissable lips…

Baka hindi na ako makahanap ng tulad mo, Riguel.

I waited till he opened his eyes. Nang nagising siya ay tumingin agad siya sa akin.

“Good morning,” he whispered gently.
“Morning…”

I miss the lazy mornings like this. We don’t have much memories of mornings but this one is already for the books.

Niyakap niya ako ng mahigpit at huminga siya ng malalim.

Ilang sandali ko siyang hinayaang ganoon bago ako nagsalita na alam kong siyang ikasisira ng araw niya.

“Riguel, I need to pack for next week…”

It’s actually a week from now already. I need to remind him of that.

Binitiwan niya ako at hinarap. Gusto kong manatiling ganoon ngunit kung ganoon ako kalapit sa kanya, baka magbago lamang ang desisyon ko.

Bumangon ako at tumayo. He remained there, though.

“I know you have work but… some of my things are in Alegria. Pwedeng mag bus na lang ako galing dito para makauwi ka ng Maynila…”

Bumangon si Riguel. Nanatili siyang nakaupo sa dulo ng kama habang hinihilot ang kanyang noo.

Ginulo niya ang kanyang buhok. Kinuha ko naman ang mga damit ko ay unti-unting inipon para maayos at mailagay na sa bag.

Our vacation is over, Riguel. We need to face what’s out there.

“And… uhm… naniwala naman yata si Judge sa atin. Does that mean I can have the house now?” I croaked.

Nilingon ako ni Riguel. His eyes are full of mixed emotions like anger, disappointment, and fear.

“Yes, Lilienne…” he said.

Tumayo siya at hinarap ako. Nanatili akong abala sa paghagilap ng aking mga damit. Inayos ko ang mga iyon sa aking bag.

“Then can you make a new Deed of Sale now so we can transfer all the taxes to my name? And then process the Title?”
“Lilienne!” sigaw ni Riguel.

Napatingin ako sa kanya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. It was like he’s pleading now. His eyes is filled with fear.

“Ganito lang ba ang lahat ng ito para sa’yo, huh?”
“Riguel, come on… I don’t want to fight. We started this lie. You know the only thing I want in this relationship is our house…”

Nilapitan niya ako. Takot ang sumibol sa aking dibdib. Umatras ako ngunit nahawakan niya agad ang aking siko.

“Kung ganoon ano ‘tong lahat, huh? You’re jealous of the women around, you can even make love to me, Lilienne! What’s that all about?”
Umirap ako para maitago ang mga luhang nangingilid.
“That’s all a lie to you, too? For what? Anong pakay mo at bakit ka umaaktong nagseselos, kung ganoon?”
“Riguel, please don’t make this hard…”

Hinigit niya ako patungo sa kama. Nanlaban ako ngunit masyado siyang malakas.

Umupo siya sa dulo ng kama. Tiningala niya ako. Tears are in his eyes.

“Why is this hard for you if it’s all a lie, huh?” may bahid na pagsusumamo ang kanyang boses.
“Riguel, syempre mahirap. Kaibigan kita noon. I care for you but not in the same way-”
“Bullshit! You know we were more than friends before! Why the hell would I make love to you the night before you left, then? Huh?”

Kinalas ko ang kamay niya sa aking siko ngunit hinuli niya agad iyon.

“You’re a guy. Sinong lalaking nasa tamang pag-iisip ang tatanggi kung nakapatong na ako?”
“Bullshit, Lilienne! I can push away anyone who’d do that to me that time because deep inside me I think we’re together! Then you left! And now, you’ll leave again?”

Kumawala ako sa kanya at lumayo. Tumayo ulit siya para sana hagilapin muli ako.

“I’ll leave because this is not good. You can find someone else to love. I trust that before I got here, you probably liked someone else already, Riguel. Hindi ako ang babaeng para sa’yo. I will always leave you. I will leave you right now, actually.”

Punong puno ng pagod ang mga mata ni Riguel. He stopped mid-step. Tila punyal ang tumama sa aking puso nang makita ko siyang tumigil. Para bang sumusuko na siya ngayon.

The more I give him hurtful words, the more he’d give up. That’s it!

“I just enjoyed what’s in between us, Riguel. Nothing more. Alam mo ang tunay kong pakay dito at iyon ay ang mansyon at ang lupain-”
“I’ll give you your land just stay with me for another year!” aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa offer niya. It’s tempting! Gusto ko rin sana iyon kaso mahirap ang ganito. Maybe I can afford it someday. Maybe something will bring the land back to me. Hindi ito. Hindi na ako makikipagsapalaran pa kay Riguel. Piper will get hurt. And imagining Yeshua getting hurt for that will kill me!

“It’s fine, Riguel. The mansion is fine for me now. Makukuha ko rin ‘yang plantation balang araw.”
“And you made love to me because?” angil niya.
“That was plain sex. We can both do it with someone else. Don’t act as if it’s a holy thing-”
“Fuck!” sigaw niya sabay hampas sa poste ng four poster bed namin.

Tumunog ang alarm ng cellphone niya. It blinked and my face as his wallpaper lit up. Kinuha niya iyon at binato sa dingding.

Halos mapatalon ako sa ginawa niya. Umupo siya sa kama at hinilamos ang mga palad.

“Labas muna ako para magpahangin. I’m done packing. I hope we can leave before lunch…”

Lumabas agad ako roon, nanghihina. I can’t believe I did it. Hindi ako makapaniwalang nakaya kong gawin iyon kay Riguel.

Bumaba ako sa hagdanan. Nanginginig ang tuhod ko habang bumababa. Pati ang kamay ko.

Seeing Riguel hurt is killing me. I can’t believe I maintained a straight face while we were talking. I could win an oscars for that performance! Dammit!

Umupo ako sa restaurant at umorder na ng breakfast. I can’t stand eating with Riguel after what I did.

Ni wala nga akong gana kumain ngunit kailangan ko ng lakas para sa araw na ito. There’s a big chance I’ll be commuting to Alegria. A bigger chance we’d never see each other again. Paano ko kaya ipapakuha iyong ibang damit ko sa kanyang condo? Or maybe… it can stay there. Anyway, he bought almost all my clothes.

Halos hindi ako makakain. Hindi bumaba si Riguel. Siguro ay nag iimpake at galit. Siguro ay tuluyan niya nang napagtanto kung gaano ako ka walang kwentang babae.

Biruin mo… he pleaded because he thinks that the sex we had means something. Yes, it means something. I would never allow anyone to have sex with me if I don’t love the person. Pero hindi niya na dapat malaman pa iyon. Ang dapat niyang malaman ay iyong mga bagay na magiging dahilan ng pag ayaw niya sa akin.

I need to set him free. I need him to realize that it’s not me he’s looking for, it’s someone else… And I hope it’s Piper. I have done my part, Yeshua. If Piper wants Riguel, I wish she’ll do her part, too.

I hope Piper will comfort Riguel. I hope she’ll give him the love that he deserves. I hope she’ll be patient… she’ll understand… That way, Riguel will finally realize that it’s her that he needs.

Sinikap kong makakain kahit konti. Isang oras ang lumipas nang bumaba si Riguel. Tumayo agad ako para hindi na kami magpang abot sa lamesa.

“Are you done packing?” I asked.

Umigting ang kanyang panga at hinila ang silyang tapat noong akin. Padarag siyang umupo roon.

He’s wearing a dark gray shirt and maong pants. Katatapos niya lang din yatang maligo.

“Maliligo na ako. Tapos na akong kumain. Kumain ka na…”

Tunog caring pa rin iyon! Dammit! Hindi ko na siya hinintay na sumang-ayon. Nilagpasan ko na siya para makapunta sa kwarto.

Naestatwa ako sa harap ng shower habang paulit ulit sa aking isipan ang ekspresyon ni Riguel. He looks so hurt and cold. Hindi ko yata makakayanang buong araw siyang makitang ganoon.

Ayos lang. Uuwi naman ako ng Alegria at siya sa Maynila. We’d be separated today so it doesn’t matter!

Nanatili akong nakatunganga sa shower. My tears wouldn’t fall because my eyes are so tired. Halos wala na akong naramdaman sa sobrang sakit.

Siguro kapag mamamatay ka na, ganito na ang mararamdaman mo. Numb from all the physical pain. You just wait till your body shuts down and then you’re dead.

So… heartbreak is worst than dying. Kasi pagkatapos ng pangmamanhid ay uulitin mo ulit ang lahat hanggang sa mamanhid ka ulit. It’s an endless cycle. At least the pain in dying will stop when you’re dead. The pain in heartbreaks? It can last for fucking years that you’d wish for death instead.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nakita ko ang maleta ni Riguel na nakatayo sa gilid ng TV. His phone’s screen is broken, too. it’s in front of the TV.

Bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagkatinginan agad kami ni Riguel. Natanaw niyang kagagaling ko lang sa pagcheck sa kanyang cellphone.

“I’m sorry,” aniya. “I’m not really violent. Napuno lang ako kanina…” he explained kahit ‘di na iyon kailangan.

Tumango ako at kinuha ang aking bag. Hinawakan niya agad ang handle ng bag ko at binagsak niya sa itaas ng kanyang maleta.

“Ako na…” he said coldly.
“We’ll separate, anyway, Riguel…”
Umigting muli ang kanyang panga. Tila malapit nang maputol muli ang litid. “Ihahatid kita sa Alegria…”
“You don’t have to, Riguel…”

Dammit! I don’t want to be with him anymore. I don’t want to see him like this!

“Pagkarating natin doon, gagawa ako ng Deed of Sale at papipirmahan ko sa ibang abogado…”
“But we can do that-”
“That’s what you want, right? Then I’m giving it to you right now so if you want this to end, we’ll end it right away, Lilienne!”

Holy shit! Natahimik ako sa sinabi niya. Parang sinaksak ang puso ko roon. I know I don’t have the right to get hurt because in the first place, this is what I want. I just can’t help it… Hindi naman kasi talaga ito ang totoo. At sa sarili ko lang kayang aminin iyon, hindi kay Riguel.

“Okay…”

Hinayaan ko siyang dalhin ang aking bag habang lumalabas kami ng suite.

Eksaktong alas diez nang nagcheck out kami. But we still need to inform the Judge and his wife, Mrs. Cabral, that we’re leaving.

Nilagay ni Riguel sa backseat ng kanyang sasakyan ang aming mga bagahe. Pagkatapos ay sabay na kaming naglakad patungo sa bahay ng Judge. We both saw them at their patio. They were laughing like everything’s fine. Well, for them. For us… no.

“Magandang umaga, Judge…” ani Riguel.

His tone is fine. Hindi halata na may problema. Well, he should be good at that.

“Mrs. Cabral…”
“Magandang umaga! Nakapag breakfast na ba kayo?” tanong ni Mrs. Cabral sabay pasada ng tingin sa aming mga damit.
“Tapos na po, Ma’am. We just want to inform you that we’re leaving right now…”
“What? Riguel, agaran naman yata masyado? Akala ko ba isang linggo kayo rito?”

Kumunot ang noo ni Judge. Napatayo pa siya dahil sa balita.

“Kailangan naming umuwi ng Alegria dahil may aasikasuhin lang ako, Judge… Ayaw ko pa sanang umuwi kaso kailangan.”
“Well, trabaho? Sus! Riguel, wala iyang trabaho kung iisipin mong para ito sa inyo…”

Riguel looked away. Nararamdaman ko ang iritasyon sa kanya. I don’t know for who. Maybe for me.

“Oo nga, Judge. Maybe next time. This is just so important.”
Tumango si Judge. “Well, I do hope everything’s fine with what you’re working on, then… Sayang at akala ko magtatagal kayo rito…”

Ngumisi si Judge sa akin. I gave him a smile, too.

“Lilienne, naku! Baka naman ayaw pang umuwi ng asawa mo, Riguel?” ani Judge.

Naglalakad na kami ngayon patungo sa kung saan pinark ni Riguel ang kanyang Ford. Sumama si Mrs. Cabral at Judge sa amin para ihatid kami.

“Kailangan kasi, Judge. Importante lang sa trabaho…” ani Riguel.

He’s covering up for me! Nilingon ko siya. Hindi siya makatingin sa akin.

“Do you want to leave, Lilienne?” tanong ni Mrs. Cabral.
“Kailangan po kasi naming umalis, Ma’am. Sa susunod na lang po siguro…”

Nag-usap pa sina Judge at Riguel tungkol sa trabaho habang papalapit kami sa sasakyan. Habang ganoon ay ang dami kong naisip.

How are we going to explain it to Nana Sela and everyone in our mansion? How about Riguel’s Lola and Lolo? Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako! Ano kayang mararamdaman ng mga matatanda! Damn!

Pumasok na kami ni Riguel sa sasakyan. Kumaway na ang mag-asawa sa amin. Inakbayan ni Judge si Mrs. Cabral. Napangiti ako sa kanila.

Atleast forever is true for some people.

“Salamat po!” sabi ko sabay kaway na rin sa kanila.
“Walang anuman! Balik kayo, ha?”

Ilang sandali ang nakalipas, nang nakalayo na kami, wala nang nagsasalita. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Riguel didn’t even bother to open his stereo. I didn’t, too. I shouldn’t assume that it’s okay.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang bumabyahe para maiwasan ang pagtatalo naming dalawa.

Hindi naman ako makatulog. Nanatili lamang akong nakapikit habang nag-iisip ng kung anu-ano.

If after a year I saw Riguel and Piper finally together, how would I feel? I’d be happy for them. But I’ll get so hurt. Kaya hindi na ako magtatangka pang ipagkrus muli ang landas naming tatlo.

It’s enough that I’m letting him go. I can’t take anymore pain from this.

I wish Riguel would be happy for Piper.

Imagine that… ni hindi ko na iniisip kung masaya ba si Piper. Magiging masaya siya, syempre. Mahal niya si Riguel, e.

Tatlong oras yata akong nanatiling nakapikit at nag-iisip lamang sa mangyayari. I feel like I’d lose my mind thinking about it.

Iniisip kong pagkatapos nito, gusto ko munang mapag-isa at magtravel. But then I know that my money won’t let me. I need to work abroad. Work hard. That’s the only way I can forget everything.

I want to ask him about his Lolo and Lola. I’m sure may plano na siya kung ganito ang mangyayari noon ngunit natatakot ako sa magiging sagot niya kaya ‘di ako nagtanong. Ni hindi ko alam kung kaya kong humarap sa mga matatanda. And how about Nana Sela? Ano na lang ang iisipin niya?

Nang nasa Alegria na kami ay tumuwid na ako sa pagkakaupo. Tinaglay ko sa isip ko na ito na ang huli namin ni Riguel. That the story of us is ending right now. Nasaktan kaming dalawa, oo. Ang sakit na iyon ang nagsisilbing gabay para sa min na hindi kami para sa isa’t-isa. Because if we’re meant to be, it shouldn’t hurt this way.

“Nagpaluto ako kay Nana ng pagkain…” ani Riguel pagkatapos ng mahabang panahon.

Ni hindi ko namalayan ang gutom. Alas dos na ng hapon at hindi pa kami nanananghalian. He did not stop for us to eat. Siguro ay nakaligtaan niya rin ang oras.

“Ayos lang, hindi naman ako gutom,” sabi ko.
“You should still eat…”

Niliko niya ang sasakyan sa gate na pamilyar sa aming dalawa. Parang ito yata ang byaheng ayaw kong matapos. Sana ay manatili kaming bumabyahe buong araw. Kahit na hindi naman kami nag-uusap, ayos lang.

If only there’s a way to rewire the past. I’d do it… All the memories of us are my treasure but if it’ll hurt Riguel this way then I’d rather not meet him. I’d rather make us strangers. Kahit siya lang sa akin. Hindi bale kung ako, kilala ko siya at alam kong mahal ko siya. Basta siya, hindi nasasaktan ng ganito.

Lumabas kami ng sasakyan. Kinuha niya ang kanyang maleta at ang aking bag.

“O, Riguel! Lilienne!” sabi ni Manong tasyo habang nagwawalis sa hardin.
“Magandang hapon po, Manong Tasyo…” bati ko ngunit dire diretso ang lakad ni Riguel patungo sa mansyon.

Sumunod ako sa kanya. Walang nasa sala. Tahimik ang buong mansyon. Siguro’y nag si-siesta silang lahat.

Umakyat agad si Riguel sa aming kwarto. Sumunod ako sa kanya.

“Kumain ka na sa baba…” ani Riguel nang pumasok kami sa kwarto.

Nilagay niya ang kanyang maleta sa gilid ng kama. Naroon din ang bag ko. Umupo siya sa kama at matalim akong tiningnan.

Halos manuyo ang lalamunan ko. Seeing him inside our room made me forget about my real plans. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil hanggang ngayon, hindi ko mapanindigan iyon. Hindi kaya ng pagmamahal ko kay Yeshua ang panindigan ang lahat ng ito.

Pupwede bang hilingin na lang na ako lang dapat ang masaktan? I wish Riguel the best so I wish he won’t get hurt now.

Sana hindi niya na lang ako mahal. Kasi kung ganito, ang hirap.

“Kailan pipirmahan ang Deed of Sale?”

Pumikit siya at umiling. Humugot siya ng malalim na hininga. Halos magmakaawa siya sa aking tumigil na muna pero hindi ko iyon kayang gawin. I cannot stand to be beside him for another night! I cannot stand an hour with him anymore. If we’re ending this I want him gone, right away!

“Can’t this wait-”
“You told me you’re going to make it right now!” halos pasigaw iyon.
“Fine! Gagawin ko iyon ngayon, Lilienne. Bumaba ka na at kumain ka na roon dahil gagawin ko iyon sa opisina ko!” sigaw niya.
“This means that the house is mine now, right?”
“Yes…” may katiyakan sa kanyang tono.
“Then… are you leaving for Manila before sunset?” halos magmakaawa ako roon.

Hindi ko na kaya, Riguel. Hindi ko na kayang magkasama pa tayo. Pakiramdam ko kapag magkasama tayong dalawa ng isa pang oras, hinding hindi na kita mapapakawalan. I will fail Yeshua. I will hurt Piper. I will forever be guilty of everything. Makukulong ako sa kalungkutan ko.

“Are you so excited to get the mansion, Lilienne?” hindi makapaniwala ang tono ni Riguel.

Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Kitang kita ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. His eyes are bloodshot and his hair a bit disheveled.

“If the mansion is already mine, then you should leave, right?”

Huminga siya ng malalim na para bang kinakalma niya ang kanyang sarili.

“You can always tell the Judge na umalis ako at pumuntang America para magtrabaho if he asks you about me. And then he’ll offer his services to you so you’re saved. ‘Tsaka mo na sabihing naghiwalay tayong dalawa kapag maayos na. Anyway, I won’t file a divorce immediately para sa plano mo…”
“Mukhang pinag-isipan mo talaga itong mabuti, huh?” maagap niyang sinabi.
“Look, Riguel… isn’t this our plan?”
“I have told you already, Lilienne! Mahal kita! Minahal ulit kita kahit pagkatapos mo akong iwan nang walang sinasabi! Hindi mo ba makuha iyon?”

Hinabol ko ang hininga ko dahil sa paninikip ng dibdib. I am gonna break down if he keeps on insisting!

“I don’t want us to separate! I want this marraige for real! I want you to be my wife! I want to marry you in front of God! Not just the papers, Lilienne! Iyon ang gusto ko!” sigaw niya.
“But… Riguel, what about what I want?”
“You want the mansion, I’ll give it to you right away, Lienne,” marahan na ang boses niya ngayon. “Please… just don’t leave me again. Because I don’t understand why you always leave…”

Bumuhos ang luha ko at agad ko iyong pinunasan. Lumapit si Riguel sa akin. He probably felt how much I want it too! Ngunit ayaw kong lituhin siya. Hindi ko nga lang mapasunod ng mabuti ang aking mga mata pero buo parin ang aking utak!

Pinawi niya ang luhang lumandas gamit ang kanyang daliri. Hinawi ko agad ang kamay niya at umatras agad ako.

“I’m crying because I don’t want to hurt you. Riguel, you’re my friend. I care for you. I loved you years ago. But right now… everything is just so different. We’re not on the same page anymore. It’s been eight years… Marami nang nagbago…”

Pula ang ilong ni Riguel nang nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tumango siya at bumalik sa kama para maupo. Tumango tango ulit siya na parang may naintindihan sukat sa sinabi ko.

“You know what? I planned this all along when I heard you’d come home…”

Shit… Don’t get this started, please! Oh my God!

“I did my best to keep you. We can still be together for a year, Lienne.”

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Pero ayaw kong…” umiling siya. “Pilitin ka… Hindi ganito ang pagmamahal…”

Napahikbi ako. Lumipad agad ang palad ko sa aking bibig.

“I can’t stand seeing you unhappy with me.”

Kumunot ang noo ni Riguel.

“But for the past weeks, I actually think I still made you genuinely happy. And I thought everything’s going fine. Kaya ngayon…”Umiling muli siya. “Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan.”
“You have forgotten that I can be happy with men, Riguel. With everyone actually. As long as you keep me company. You have forgotten that I am not hard to please…”

Nagtiim labi siya. I thought I’d see anger in his eyes but all I see is fear and disappointment… and a faint of… love.

“So… you were happy with me just like how you’re happy with other men?”
“Yes…”

Fuck it. I don’t want to ever see him again. I could never look at him in the eye again!

Tumango siya na parang may naiintindihan o pilit na iniintindi.

“Naging masaya ka ba habang kasal ka sa akin?” he sounds so wounded.
“Yeah…” I tried to sound as casual as possible.
Tumango ulit siya. “Naging sobrang saya ko. You’re the only woman I want to marry…”
“I’m sure you can still find someone to love. You’re still young…” nanginig ang boses ko. “… and successful.”
“My successes are invalid without you…”

Durog na durog ang puso ko sa sinabi niya. Gusto ko na lang lumuhod sa panghihina. I don’t know how to deal with this if the conversation will grow longer.

“All of these, Lilienne… Yes, I want to become successful. For myself. But part of it, I want to equal your lifestyle. Because I want you to lay in bed, every night, with no worries with me…”

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas para labanan ang tawag ng aking puso. Maybe it’s from my guilt… from everything that’s bottled up inside me.

“So… now, Lilienne… I want you to be honest with me,” ramdam ko ang paninibugho sa kanyang tinig. “Do you want me to leave the mansion?”
Tumango ako.
“Answer me properly. I want to hear it…”
“Yes, Riguel…” mariin kong sinabi.
“Look at me!” he ordered.

Nilingon ko agad siya. Pero nanghihina na ako.

“Yes, Riguel. I want you to leave the mansion…” sabi ko.

Tumango siya at tumayo. Nilingon niya ang mga gamit namin. Pagkatapos ay ang closet namin. What about the appliances here? Lahat ng ito ay gamit niya, hindi ba?

“I’ll take my luggage. Ang mga gamit kong iba, ipapakuha ko na lang kay Mang Luis…”

Para akong natuklaw ng ahas. Hindi ako makapaniwala. It’s really happenning!

Kinuha ni Riguel ang kanyang maleta. Nilapag niya ang aking bag sa kama.

“I’m gonna make the Deed of Sale in the municipal hall. Iiwan ko iyon kay Atty. Abella. Just go and get it there tomorrow…”
“Okay…” nabasag ang boses ko. “I’ll… uh… hire a… truck to get all your appliances. Saan ko ipapadala? Sa condo mo o sa-”
“The appliances will stay here,” aniya.
“Riguel…” nanghihina kong sinabi.
“All of that. And… I’ll also process the transfer of the Title for the plantation. I’ll give it to you…”

What the heck?

Just…

Wait… a sec?

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko alam na ganito kasakit pala kapag ibabalik na sa akin ang plantation! Ayaw kong tanggapin! Bakit niya ibabalik? Tangina!

“Riguel, the plantation is… rightfully yours-”
“Kukunin mo rin sa akin iyon, hindi ba? Mag iipon ka lang?” he said.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala sa lahat ng ito!

“I will give it to you… I only bought all of these in the hopes that you’d come back. Now you are… but you only want it… without me. So what’s the use of it all, right?” he said calmly now.
“Hindi ko matatanggap iyan-”
“Ibabalik ko sa’yo iyan, Lilienne! Kung kukunin mo sa akin ang mansyon, ayaw kong nakikita kita rito tuwing naghaharvest ng mga bulaklak! Ayaw kong natatanaw kita nang ‘di ka nagiging akin! Naiintindihan mo ba? Ha?” singhal niya sa akin.

Kinagat ko ang labi ko.

“Hindi ko matatanggap na matanaw kita sa harap ng lupain ko! Hindi ko maiintindihan kung bakit hindi mo ako magawang mahalin! Dahil mahal na mahal kita! Kahit sobra akong nasaktan noong umalis ka nang ‘di man lang nagpaalam! Minahal parin kita! Minahal ulit kita!” sigaw niya.

Humakbang siya palayo sa akin. Kung nakakamatay lang ang sakit na ito ay kanina pa ako namatay.

“I’m sorry…” Huminga siya ng malalim. “I didn’t mean to shout at you. Ayaw ko ring isumbat lahat dahil hindi mo naman ako inutusang mahalin ka…”

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok at nagpatuloy sa paglalakad dala dala ang kanyang bagahe.

Iyan lang ang dala niya paalis sa mansyon. Wala nang iba. At ibibigay niya lahat ng ito sa akin.

It’s not right. I’d rather see him take our land than see him without it. It’s unfair.

“Goodbye, Lilienne…”

Hinawakan niya ang door handle at binuksan ang pintuan ng kwarto namin.

Lumabas siya at sinarado ang pintuan. Naestatwa lamang ako roon habang tinitingnan ang pintuan na sarado.

Goodbye, Riguel…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Tags :

One Response to Tripped – Kabanata 44

  1. Lilienne! Habulin mo! Linsyak ang sakitttt :'( Si Suki nalang ang tanging pag-asa ko dito. Sana magkausap sila ni Riguel :'(

    P.S: Hindi ko mabasa ang Kabanata 44 sa WP.