Tripped – Kabanata 42

May 30, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 42

Kabanata 42
Brilliant

Nang lumabas si Piper, lumabas na rin iyong kliyente ni Riguel. Nagkatinginan kami ni Piper. She raised her brow before leaving. Lumabas na rin si Riguel sa kanyang opisina.

“Magandang umaga, Attorney…” sabi ng kliyente nakaupo na roon.
“Mauna na po kayo sa loob. Zarah…” ani Riguel sa kanyang sekretarya.

Sinundan ko ng tingin si Piper na ngayon ay palabas na ng buong opisina. Napatingin lang ako kay Riguel nang umupo na siya sa gilid ko.

“Would you rather stay here?” he asked.
“Papasok na ako…” sabi ko at tumayo na.

Maglalakad na sana ako papasok nang marahang hinigit ni Riguel ang aking palapulsuhan. He looks so frustrated as he looked at me.

“I’m sorry you have to wait…” aniya.
Tumango ako. “It’s okay…”

Tumayo siya, ‘di parin binibitiwan ang kamay ko. I don’t want to give him the wrong idea by letting him touch me but I’m sure if all of these are gonna be over, I’m gonna miss everything so bad.

Pumasok kami sa kanyang opisina. Nanatili ako sa kanyang sofa habang nagtatrabaho siya.

Once again, I saw his fierce eyes everytime he talks about his work with his clients. Tinagilid ko ang ulo ko. He is explaining something to them and I can’t help but marvel on the way his eyes blaze.

Nang nilipat niya ang tingin niya sa akin at bahagyang nag relax ang kanyang ekspresyon. He pursed his lips and and tried to smile at me. I gave him a little smile at binaba ko rin agad ang mga mata ko sa aklat na hawak ko.

Nagpatuloy siya sa ginagawa. Tinitigan kong muli siya. Nakaupo na siya sa kanyang swivel chair at nakatingin na sa akin. Iniwas kong muli ang aking mata.

Dammit, Lilienne! Stop flirting! Kahit wala kang ginagawa at tinitingnan mo lamang siya, hindi mo maiiwasang nag f-flirt ka na sa kanya! I’m leaving him soon! This can’t go on!

Tumayo ako at lumipat sa sofa na hindi siya kaharap para mapigilan ang sarili sa pagsulyap.

Abot-abot ang tahip ng aking puso habang naririnig ang baritono niyang boses. I am not going to get over everything about him if this continues!

Natapos din kami. Nang lumabas kami sa kanyang opisina ay hinawakan niya na ang aking kamay.

“Zarah, habang wala ako ikaw na muna rito. Just call me if there’s something important. Email me the documents I requested…”
“Sige po, Attorney…”

May pinirmahan siya sa lamesa ni Zarah. Kahit na nagpipirma ay ‘di niya binitiwan ang kamay ko.

“Kumain muna tayo bago bumyahe. Want to buy anything for our trip?”
Umiling ako. “Namili na tayo last Saturday.”
“Yeah. I just thought you need something more…”

He smiled at me. Parang kinukurot ang puso ko sa nakikitang ngiti sa kanya. I wish I can make him feel how much I love him. Damn! Natatakot ako na hindi ko na siya makumbinsing maghiwalay kami kapag pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Kumain kami sa isang restaurant sa labas lamang ng kanilang opisina. Habang kumakain ay sinasabi niya sa akin ang detalye sa pupuntahan naming Judge.

“His name is Judge Conrado Cabral. We expect his wife with him. Ang kanyang mga anak ay may mga asawa na, ang iba sa kanila nasa ibang bansa…”

Tumango ako. I wonder if we can pull this off. Hindi kaya mapansin niyang may iba sa aming dalawa ni Riguel?

“We’ll stay in their resort. May rest house sila roon. He’s expecting us there…”
“Are you going to ask him directly if he can train you?” tanong ko.
Umiling si Riguel. “Alam niya nang gusto ko. Mag papatulong din ako sa kanya tungkol sa trabaho.”
“Okay. Then while you are working, can I stroll around the resort, too?”
“Of course, Lilienne. Pero huwag lang iyong masyadong malayo… I can’t concentrate thinking you’re somewhere far…”

Humugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy na lang kumain. Riguel’s eyeing me like he’s expecting a violent reaction of something.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming bumyahe. Nang nasa kalakhan ng EDSA pa ay nanatili ang mata ko sa kalsada. Ngunit kalaunan ay nagdesisyon akong manood na lang ng movie sa kanyang iPad.

I clicked a familiar movie. Iyong napanood ko sa TV kaninang umaga. Hindi ko pa iyon napapanood kahit kailan kaya iyon ang napili ko.

Nilingon ko si Riguel. I wonder if he wants to watch. But of course he’s driving.

“I can… put my earphones on so you can listen to music…” sabi ko.
“No, makikinig lang ako sa pinapanood mo.”
“Okay…”

When the movie began, naramdaman ko agad ang pagiging classic nito. Simula sa damit ng mga artista hanggang sa setting mismo ng istorya.

I laughed with the characters. Nasayahan ako at nalungkot din. Then I realized the leading man is not-so-rich while the leading lady is. May naaalala ako. Nagsisi agad ako kung bakit iyon ang pinanood ko.

Habang tumatagal ang kwento ay parang may kumakalabit sa aking puso. The story feels so familiar that it broke my heart.

Nang nasa parte nang nababasa na sila sa ulan, hindi na ako makangiti. Nasasaktan na ako kahit na masaya naman ang nangyayari.

And when the plot was slowly revealed, nangilid na ang luha sa aking mga mata. Humikbi ako nang naramdaman kung gaano kamahal ng lalaki iyong babae. I blamed the girl for her decision but I know that it’s a choice between what’s right and what’s easy.

The right thing to do is to follow her principles. Iyong konti lang ang masasaktan.

I don’t even know what’s right in her case. Iyong sundin ang puso niya o sundin ang desisyong mas konti ang talo.

One things for sure… it’s always better to be kind than to be right. So she chose the gentler path. The decision with lesser damage. Even if it means she’ll hurt herself.

“Lilienne…” Riguel called.

Tahimik akong umiiyak sa gilid nang natapos ang movie.

“Hmm?”
“Watch something funny, please…”
Tumango ako. “I thought it’s going to be funny…”

Bahagyang humalakhak si Riguel at pinarada ang sasakyan sa gilid ng rice field.

“May I?” tanong niya sabay hawak sa iPad.

Binigay ko sa kanya iyon. May mga pinindot siya roon at pinili niya iyong listahan ng movies na action at kung anu-ano pa. Binalik niya agad sa akin.

Tinitigan niya ako.

“Kung hindi ka nag Depo, iisipin kong buntis ka…” aniya.
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. “It’s not funny…”

Ngumuso siya at nilingon ang backseat. Kumuha siya ng tissue at tubig. He opened the box of tissue and he gave me some. He opened the bottle of water, too. Ibinigay niya rin sa akin iyon.

Tinanggap ko iyon. Uminom ako ng tubig habang inaayos niya ang mga tikwas ng aking buhok.

When I put the bottle down he leaned to me and he gave me one quick kiss on the lips. Nang bumitiw siya at inayos ang kanyang seatbelts ay dinilaan niya ang kanyang labi. It looks so red.

“Ilang araw ba tayo roon?” tanong ko.

Pinaandar niyang muli ang sasakyan.

“Depende sa’yo…” aniya.
“Is three days fine?”
“If you want then just three days…”
“Ilang araw ba ang leave mo?”
“Week…”

Ibig sabihin may ibang linggo kaming ‘di siya magtatrabaho? Kung hindi ko pa nalaman ang tungkol kay Piper, sana masaya ako sa leave niyang ito.

In the middle of the second movie, I fell asleep. Nagising na lamang ako nang naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan.

“Sorry, did I wake you up?” ani Riguel nang inatras ang sasakyan.
“It’s okay. Nandito na ba tayo?”

Kinusot ko ang mga mata ko. the sun is almost down the ocean. Hinahampas ng alon ang dalampasigan sa harap namin.

Humataw agad ang puso ko. Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon ko pag dating dito. Hindi ako naging excited pag alis pero ngayong kaharap ko na…

Nakita kong may matandang lumapit sa aming sasakyan. He’s wearing a blue and red striped polo shirt and a white shorts. May kasama siyang dalawang lalaking nakaitim na mukhang empleyado siguro roon.

Binaba ni Riguel ang kanyang salamin habang nagpapark.

“Good afternoon, Judge!” ani Riguel.
“Riguel! Nakarating kayo! Nag-alala na sa Josefa at baka raw nalito ka kung saan dadaan!”

Tumawa si Riguel. Sumulyap sa akin ang matanda. I gave him a smile.

Nang natapos na sa pagpapark si Riguel ay lumabas na siya. Lumabas na rin ako. Binuksan ni Riguel ang pintuan sa backseat.

“Ilagay n’yo ang mga gamit nila sa villa…” ani Judge.
“I’m with my wife…”

Agad akong pumunta kay Riguel. He lifted his hand just enough for me to fit in. Inakbayan niya agad ako nang nakalapit.

“This is Lilienne Alleje, Judge… Lilienne, si Judge Conrado Cabral.
“Nice meeting you, Lilienne…”

Tumawa ang matanda sabay lahad ng kamay sa akin. His other hand was holding his kind of big tummy.

“It’s my pleasure, Judge…” sabi ko.
“Finally, my favorite brilliant student is married!”

Tinapik ni Judge ang braso ni Riguel. He looks so impressed that Riguel is married. Itong reaksyon na ito ni Judge ang gustong makuha ni Riguel.

“Walang silbi talaga ang lahat ng tagumpay kung wala kang uuwian gabi-gabi, Riguel. Tandaan mo ‘yan!”

Parang may halong pagbabanta sa tono ni Judge.

“Alam ko po iyon. Talagang wala lang akong mahanap na mamahalin noon kaya medyo natagalan…” ani Riguel.
“Bago tayo magkwentuhan ng husto, halika at ipapasyal ko muna kayo saglit sa munting resort na ito…”

Nagsimula nang maglakad si Judge. Sumunod naman kami sa kanya. Pinatunog ni Riguel ang kanyang sasakyan bago kami nagpatuloy.

Hinawakan niya ang kamay ko ngayon na tila ba babasaging kristal. His hand feels so gentle and tender against mine.

“This is onlya small resort. We don’t have much facilities since we bought this just three years ago.”

Nakita ko ang maliliit na cottage na gawa sa kawayan. May mga sun lounger sa gilid at malalaking payong. Sa malayo ay kita ang isang clubhouse na gawa sa hardwood. May isang restuarant at tanggapan. Dalawang palapag lamang iyon.

Konti lamang ang naroon. Siguro mga dalawa hanggang tatlong pamilya lang ang nakita kong gumagala sa cottages at sa restaurant.

“Hindi pa namin alam paano palaguin o palakarin dahil syempre, wala ako masyadong alam sa business. Good for you, Riguel, you now have your own flower farm, right?” Tumawa ulit si Judge sabay tingin sa amin.
“Hindi naman po. Pinag-aralan ko rin iyong mabuti kaya napalakad ko ng maayos.”
“Napag-aaralan naman talaga ang pagnenegosyo… We bought this property because it’s near our resthouse.”

Tinuro ni Judge ang isang malaking bahay sa gilid ng clubhouse.

“Actually, I want you to stay in our resthouse but Josefa said na baka raw mas gugustuhin n’yong sa hotel para may privacy kaya ayon!”

Humagikhik ulit si Judge.

“Ayos na po kami rito sa hotel. Ayaw po naming makaabala sa inyo sa inyong resthouse…” ani Riguel.
“Ano ka ba! Quit that. Abala ka riyan. Ikaw pa ang naabala ko dahil inimbitahan ko kayo rito…”

Pumasok kami sa restaurant. May medyo kasingtanda niyang babae roon na naka floral maxi dress. Nahulaan ko agad na iyon si Josefa Cabral nang sinalubong niya ng halik ang asawa.

Forever does exist, huh? For people who know how to forgive, and how to express their love properly…

“This is my wife, Josefa Cabral. Sef, Attorney Riguel Alleje’s wife.”

Naglahad agad ako ng kamay at tinanggap naman ng matanda. Ngiting ngiti siya sa akin.

“You have a lovely wife, Riguel! Sinasabi ko na nga bang magaling kang pumili ng babae…” aniya.
Tumawa si Riguel. “Maraming salamat po…”

Hinagod ako ng tingin ni Mrs. Josefa Cabral. “See? Ang ganda! And I think she’s nice, too!”
“Salamat po…” medyo nahihiya kong sinabi.

“By the way, we set up our dinner sa resthouse kaya roon na lang tayo kumain. In the mean time, you can check your room upstairs. We have employees that can guide you there. I’m sure you’re both tired.”
“Sige po at nang makapagpahinga saglit si Lilienne,” ani Riguel.
“So? Shall we meet you both sa resthouse? Around 6:30pm?” ani Mrs. Cabral.
“Sige po…”

Pinatawag ni Judge ang kanyang mga tauhan para igiya kami sa aming suite room. Hawak parin ni Riguel ang kamay ko habang paakyat kami sa pangalawang palapag. Hinayaan ko na lang siya.

Ipinakita sa amin ang isang malawak na kwarto. The bed is a big four poster. White sheets, linens, and curtains. The rest of the furniture are made of wooden materials. Ang salamin, ang mga upuan, ang lamesa, ang dingding, ang pintuan, lahat…

Naroon na ang gamit namin sa gilid ng cabinet. Humiga agad ako sa kama.

“You think they’ll find out that we’re…” hindi ko matuloy.

Naghubad si Riguel ng damit. Nag squat siya at binuksan ang kanyang maleta. Kumuha siya ng damit doon.

“No…” he answered.

Bumangon ako at pinagmasdan siyang nagsuot ng isang puting t-shirt. Tumayo siya at kinalas ang sinturon ng maong.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. His pelvic muscle is already showing. Tumataas ang blood pressure ko tuwing nakikita ko iyon.

Kumuha na rin ako ng damit ko para sa hapunang mangyayari. Isang bohemian dress ang sinuot ko. Sa loob ng banyo pa ako nagpalit dahil nanonood na siya ng TV doon.

Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nanonood ng TV habang nakahiga sa kama. Nakataas ang dalawang braso dahil ginawa niyang panangga ang mga kamay sa ulo. His biceps were flexing and shouting at me. Why the hell do I have these kind of thoughts, anyway?

“Let’s go?” tanong ko.
Tumango siya at pinatay na ang TV.

Umupo siya sa kama at tinagilid ang ulo habang tinitingnan ang damit ko. Tatalikuran ko na sana siya para makalabas niya ngunit hinawakan niya ang baywang ko.

“Wait…” he said.
“What?”

Tinitigan niya ang hita ko. Kumunot ang noo ko.

“I think that’s fine…”

Tumayo siya, nakahawak parin sa baywang ko.

“Let’s go…”

Palabas kami ay pakiramdam ko aatakehin ako sa puso. Is he seriously going to be like this the whole time we’re here? I get that we need it for show but…

Naglakad kami sa dalampasigan. Gabi na. May iilang bituin nang nagpapakita sa langin. Ang tanging naririnig namin ay ang hampas ng mga alon sa buhangin.

Nakakakita rin kami ng mga ilaw sa malayong mga bukid. Siguro’y may mga bahay doon. Ilang kilometro rin yata ang layo ng susunod pang resort. Kita iyon galing sa sea shore.

Nang malapit na kaming tumapat sa resthouse ng mga Cabral ay bumagal ang lakad namin. Open space ang tapat ng bahay. May lamesa at sobrang liwanag ng ilaw. May lumabas na babaeng naglapag ng pagkain doon sa mesa.

Tumigil si Riguel sa paglalakad.

“Do you want a resthouse?” he asked me. “Near the beach, I mean…”
“Yeah…” sabi ko.

Tumango siya at nilingon ulit ang bahay.

“Riguel!” tawag ng matandang Judge palabas siya sa kanila.

May dala siyang bote ng wine, nilalapag sa lamesa.

“Lina kayo! Si Josefa’y inaayos pa ang pagkain.”

Tumango si Riguel at pumanhik na kami roon. Nang nakalapit kami, kumuha agad si Riguel ng upuan para una akong mapaupo. Pagkatapos ay umupo siya sa isa pang silya sa tabi ko.

“Ang tamis naman talaga ng bagong kasal!” puna ni Judge. “Sana lang ay huwag ‘yang matigil! Dapat laging ganyan, Riguel!”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Judge.
Tumawa lamang si Riguel sa sinabi nito.
“Ang mga bagong mga mag-asawa ngayon? Sus! Sa una lang matamis. Pagkatapos ng mga limang taon? Wala na! Sinasabi ko sa’yo ngayon ito dahil mahirap… sa panahon ngayon, mas lalong dumadami ang kasong hiwalayan. Hindi maganda…” Umiling iling si Judge.
Tumango lamang si Riguel.

I wonder if he’s annoyed by all the Judge’s concerns about our marraige.

“Sa buhay, ito ang mahalaga. Ang pamilya. Everything else doesn’t matter, wealth, successess… they don’t matter, Riguel. Kaya iyang tamis ng pag-iibigan n’yo ngayon, huwag na huwag n’yo ‘yang wawalain. You need that always. Until you two are old…”

Nagsalin ng wine si Judge sa tatlong wine glass na naroon sa aming harap.

“I don’t think I need to remind myself of that, Judge. I am willing to be sweet and gentle to my wife, not because we need it, but because it’s natural. Hindi na po kailangang pilitin iyan kung talagang tunay na mahal. Kusang lalabas ang malasakit, kung talagang mahal…”

Humagalpak sa tawa si Judge. Bahagya akong napaisip sa sinabi nI Riguel.

“That’s what I like about you. You have your own ways. You have a point there. Hindi nga naman pinipilit o pinapansin ang pagiging sweet. Kung mahal mo, magkukusa kang gawin ang mga bagay na iyan! Very good!”

He looks so impressed with Riguel. Hinawakan ni Riguel ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Nilingon ko siya. Nakangiti lamang siya habang tinitingnan ang wineglass.

“Hi! Pasensya na’t natagalan! Here is our main dish!”

Ipinakita ni Mrs. Cabral ang mga dala ng kanilang mga kasambahay. Puro mga seafood. Nakakatakam! Ang laki ng ngiti ko habang tinitingnan itong nilalapag.

“Let’s eat?”

Kwentuhan ang nangyari habang kumakain. Si Riguel naman ay abala sa pagbabalat ng shrimp gamit ang tinidor. Ang galing niya nga, e. I can only do that with my bare hands. I realized he probably dines out at luxurious seafood restuarant kaya tila propesyunal siya kung makagawa niyon.

Nilalagay niya sa aking pinggan ang nababalatan. Even the crabs. He knows where the good parts are.

“Ang problema kasi sa kay Abella, kung tinanggap niya lang ang offer doon sa Maynila ay hindi na siya pinalipat ng PAO sa probinsya,” ani Judge.
“Sa tingin ko ay hindi naman siya namomroblema sa Alegria. Tingin ko ay masaya siya roon.”
Nanliit ang mga mata ni Judge pagkatapos ay isinubo ang sipit ng lobster. “I think, you know, may girlfriend siya sa probinsyang iyon!”
“I think so, too, Judge…”

Kumunot ang noo ko at nilingon si Riguel. Sumulyap si Riguel sa akin, nakataas ang kilay.

“Well then, he needs to get married! My goodness he’s not getting any younger! Ilang taon na nga ulit siya, Riguel?”
“I’m not sure. Mid thirties, I think?”
“Kaya walang direksyon masyado ang kanyang mga desisyon ay dahil wala naman kasi siyang inaalala. I mean, I have nothing against single men. It’s liberating… But for men to stay playing for a long period of time, I think he needs to grow more!”

Riguel’s right. Judge Cabral likes men who are married. Pakiramdam niya ang mga lalaking may asawa ay naliwanagan na sa wakas. Medyo hindi niya yata gusto ang mga single.

“Lilienne, ilang buwan na nga kayong mag-asawa ni Riguel?” tanong ni Mrs. Cabral sa akin.
“Two months, po…”
Ngumiti siya. “Hindi ka pa ba nagdadalang tao?”
“Hindi pa po, e.”

Guilt crept into me. Tuwing ganito ang usapan, pakiramdam ko nananakit ako ng ibang tao.

“Sa bagay. Mas magandang kayo munang dalawa bago kayo magplanong magkaanak.”
“We have been separated for eight years, po. I want to experience the boyfriend and girlfriend stage muna bago siguro magkaanak.”
“Oh!” Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Cabral. “Long distance relationship?”

Tumango ako. Nilingon ko si Riguel na ngayon ay nakatitig sa akin. It’s like I revealed something to him. Damn!

Tumikhim ako at uminom ng tubig.

“Sibil ba iyong kasal n’yo, Riguel?”
“Opo…” ani Riguel.
“Why didn’t you…” now Judge is confused.
“I want it rushed. Pagkauwi niya, kinabukasan pinakasalan ko siya agad. She agreed when I asked her and I don’t want her to change her mind along the way so…”

Humagalpak na naman si Judge sa sinabi ni Riguel. Tuwang tuwa talaga siya sa mga desisyon ni Riguel.

“I trust that the church wedding will follow? Mag Ni-ninong ako!” ani Judge.

Damn!

“I’ll send you invites soon…” Riguel laughed with him.

Mapapasubo yata kami rito!

“You’re really brilliant! You married a brilliant man, Mrs. Alleje!” ani Judge sabay tango sa akin.

I smiled shyly. I guess so…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.