Tripped – Kabanata 41

May 30, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 41

Kabanata 41
Waiting

Bagsak ako sa kama pagkauwi sa sobrang pagod.

Wala pa si Riguel nang umuwi ako. Maaga rin kasi iyon. I tried to eat with Suki in that restuarant ngunit nawalan lang talaga ako ng gana.

Nagbihis ako at agad nang gumapang sa kama para makatulog. I did not even bother to inform Riguel that I’m home. I actually just don’t know how to face him right now.

“Hey…” isang bulong ang nagpagising sa akin.

Hindi ako agad gumalaw. Inisip ko pa muna iyong nangyari kagabi at kung panaginip lang ba iyon. It’s still vivid on my imagination. That means it really did happen.

“Are you tired? Are you going to work or…”

Hinawakan ni Riguel ang aking leeg. Binaba ko ang comforter na nakabalot sa akin. Umaga na pala. Ni hindi ko siya naramdamang pumasok kagabi. Anong oras na kaya siyang umuwi?

“I’m going. Sorry…” saby ko at bumangon.

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko magawa. Lalo na tuwing naaalala ko ang aking pinal na desisyon. Kung kakailanganin ko siyang pakawalan, papakawalan ko siya kahit na masakit.

How much do I love Riguel? I love him very much. But I love my family more. I love them even if they’re now all gone. If there’s a way that I can make them feel how much I love them then it’s this… my willingness to sacrifice my own happiness.

Am I going to hurt Riguel? If he really loves me then I guess I will. Pero ano ba naman iyong dalawang buwan, hindi ba? He made it 8 years without me. Kakayanin niya pa ang ilan pang taon. Lalo na’t dalawang buwan pa lang naman kaming nagkakasama ngayon.

I’m glad I gave myself some time before deciding about him. Hindi nga ako nagkamali.

If God wants us together, it shouldn’t be this difficult. All the ways should lead to him, right? Lalo na’t ang dami na naming pinagdaanan. Pero ngayon, bakit may harang kahit na abot kamay na sana? Then maybe that means it’s a dead end for the two of us. That we really are not meant for each other. It’s God’s way of saying, “no.”

“Kumusta ang pag-uusap n’yo ni Piper kagabi?”

Kuryuso ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung may alam ba siya. Kung sinabi ba ni Piper sa kanya o hindi.

“Maayos naman… Uh, Riguel, ilang araw tayo sa resort?”
“Hindi ko sigurado. Depende sa’yo…” aniya.
Tumango ako. “Ilang araw ba ang gusto ni Judge na magtagal tayo?”
Kumunot ang noo niya. “Hindi niya naman sinabi. Depende sa atin. Why? Do you have other plans next week?”

Umiling lamang ako roon.

Napatingin ako sa aking baso na sinalinan niya ng tubig. Seryoso niyang tinitingnan ang baso ko, parang malalim ang iniisip.

I cannot stand living with him anymore. If this is going to end, I want to end it right away. Pagkatapos ng bakasyon kay Judge, I will definitely end this. I can’t take another week with him.

“Siya nga pala, tanghali ng Biyernes pa tayo makakabyahe dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Is it okay if you’ll stay in my office for a while then after that ‘tsaka tayo babyahe.”
“No problem…”

Nararamdaman kong napapansin niya ang pagiging malamig ko. The way he looks at me curiously made me want to say sorry to him but I know I needed space. I need space before I can finally break it to him. I don’t want to invest more feelings lalo na ngayong alam ko na ang mangyayari.

“Hey, are you okay?” tanong niya nang natraffic kami patungong trabaho ko.
Tumango ako at ngumiti. “I’m just thinking about work…”
“Don’t stress yourself. Alas otso y media ako nakauwi kagabi. Tulog ka na. I was about to wake you up but you look so peaceful asleep…”

Hindi ko alam kung bakit parang kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. I wonder how many times did he look at me while I’m sleeping? Unguarded.

Iniisip ko rin kung alin ang mas maganda, to keep these memories of him as I move on to my life or just simply forget.

But thinking about forgetting Riguel makes me so hurt. Pakiramdam ko hindi ko kaya iyon. Mananatili siya sa aking alaala dahil siya lamang ang lalaking minahal ko ng ganito. I might replace him one day but the kind of love I’m sure is once in a lifetime. I would never ever love this way again. I can never ever feel this much for a man again. It’s depressing.

Tulala ako habang tinitingnan ang ticket ko pabalik ng ibang bansa. It’s a one way ticket.

Noong ‘di ko pa alam na mahal ni Piper si Riguel, sinabi ko sa sarili ko na mananatili muna ako rito sa Pilipinas para mamahala sa mansyon, o magtrabaho… at baka rin kailangan pa ako ni Riguel para kay Judge… pero ang totoo… mananatili ako dahil aasa ako na may magbabalik sa akin sa kanya.

Pero ngayong may ganito na, I realize that it’s better when I’m gone. I won’t have to think twice because I’m far away. I won’t have a choice.

Ang ticket na kinuha ko ay dated next two weeks. It’s so near. I don’t have to stay here, anyway. I need to go.

Maging sa tanghalian ay tulala ako. Inimbitahan ni Suki si Nicholas para makakain kami sa labas. Riguel texted me that I should eat my lunch so I replied…

Ako:
Ikaw din…

“Jesus, Lilienne. I never really thought you were a martyr before. Now I realized that you are…” ani Nicholas.

Siniko siya ni Suki. Matalim ko siyang binalingan.

“If it’s for my family, Nicholas. If it’s for some random girl, I won’t do this…”
“But they are dead now…” aniya.

Siniko ulit siya ni Suki. Sumulyap ako kay Suki.

“All the more I need to do it. Ito lang ang magagawa ko para sa kanila, Nico…”
“Maybe you’re just guilty. Maybe you think it’s your fault that they’re dead…”

Natahimik na lamang ako. Half of me is saying that I’m guilty. The other half’s reason is my passion for my twin. Lagi niya akong pinoprotektahan noon. He risked his own life for me. Ito lang ang hiningi niya sa akin, hindi ko pa magawa. It’s not even risking my life. It’s just sacrificing my heart… so it’s not a big deal.

Pagod na pagod na akong umiyak. I’ve reach that point again. The one I thought I’d never experience again. Iyong mauubusan ka na ng luha sa kakaiyak. Pagod ka nang humikbi. At mas pipiliin mo na lang na manahimik?

Days went by. Naging mas kaswal ako kay Riguel. Nagpapadala siya ng bulaklak araw-araw simula noong una. May iba-iba iyong notes.

“Smile today, please.”
“I can’t wait for our vacation…”

Imbes na matuwa ay nalulungkot lamang ako. Hindi ba noon ko pa gustong maramdaman na nililigawan niya ako? Bakit ngayon niya ako nililigawan na sumuko na ako?

“Ayos ka lang, Ma’am?” tanong ni Uma pagkatapos kong isantabi ang bulaklak sa aking lamesa.

Hinagod niya ang aking likod habang tinatakpan ko ang aking mga mata.

“Ayos lang…” sabi ko at tumayo.

Namataan ko si Basty na papasok sa opisina. Huminga agad ako ng malalim at inayos ang sarili.

“Lilienne, si Suki?” he asked.
“Nasa kanyang opisina…” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

His eyes lingered on me ngunit nilagpasan niya rin ako. I guess I’m so sad that people notice it so much.

Thursday night, my leave got approved. Bukas ay maaga kami ni Riguel sa kanyang opisina. Magdadala na kami ng mga gamit pagkatapos ay ‘di na kami uuwi rito. Didiretso na kami sa resort na tinutukoy niya.

Nagluluto ako ng sinigang habang siya ay nasa kwarto para magbihis.

Nilapag ko sa lamesa ang isang bowl at nag-ayos na ng mga kubyertos. Narinig ko ang paglabas ni Riguel galing sa kwarto.

“Lilienne,” umupo siya sa silya niya.
“Kumain na tayo…” Ngumiti ako.

He did not smile back. Nakakunot ang kanyang noo at may bahid na galit akong nararamdaman sa kanya.

“I saw your ticket. Bakit ka aalis?”

Shit.

“Bakit ka nangengealam sa gamit ko?” tanong ko pabalik.
“Bakit ka aalis?” mas may diin niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. Hindi niya ako inaaway sa harap ng hapag. Unang beses pa lang yata itong nangyari ngayon.

“Riguel may kailangan akong gawin sa ibang bansa-”
“And it’s a one way ticket?” mas lalong galit niyang tanong.
“Syempre, Riguel. Hindi ba ito naman ang pinag-usapan nating dalawa noon pa man? Pagkatapos ng kay Judge, aalis na ako. Marami akong kailangang gawin…”
“Bullshit! I told you… I already told you…” Hindi niya matapos tapos ang sinabi. “Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?”

Parang asido sa aking puso ang kanyang boses. He sounded so frustrated that it’s hurting me so much.

“Mahal kita! Hindi mo ba iyon naiintindihan? I don’t want you to go! I want us together for real!” sigaw niya.

Tumayo siya at punong puno ng galit ang kanyang mga mata. Hindi ko na mahabol ang hininga ko.

“I’m trying, Riguel. But…”
“Huh?” nanghina ang kanyang boses.

Hindi ko masabi. Hindi ko kayang sabihin ng diretso. Hindi ko makakaya.

Ginulo niya ang buhok niya. Tinalikuran niya ako at nasuntok niya ang dingding ng kusina bago siya tuluyang nagmartsa pabalik sa kwarto namin.

Mabilis ang pintig ng puso ko kahit mag-isa na ako roon. Nilagay ko ang aking mga palad sa aking mukha at unti unting kinalma ang sariling hininga.

It’s going to be over, Lilienne. Soon. Don’t worry about it.

Hindi na ulit lumabas si Riguel sa kwarto. Hindi ako nakakain ng maayos. Ilang oras akong nag-antay sa lamesa ngunit hindi siya dumalo.

Niligpit ko ang mga pagkain nang dumating ang alas nuebe.

Pagkatapos kong magligpit at hindi ako pumasok sa kwarto. Nanatili ako sa sala hanggang sa inantok ako at nakatulog.

Nagising ako nang kinarga ako ni Riguel pabalik sa aming kwarto. But I pretended to be asleep so we won’t talk.

Nang nilapag niya ako sa kama at tinabunan ng comforter ay ilang sandali siyang nanatili sa aking gilid na nakaupo. I did not dare open my eyes. I just let him sit beside me.

Maybe, one day I’m gonna miss all these.

I wonder if my future husband can be like Riguel? I wonder if he’ll carry me to bed if he finds me asleep on the sofa?

I wonder if my future husband would send me roses at work?

Nakatulog ako sa kakaisip ng ganoon.

Kinaumagahan, naririnig ko ang zipper sa maleta ni Riguel. Siguro ay nagliligpit na siya ng gamit para sa lakad namin ngayon. Bumangon ako at nilingon siya. Sinulyapan niya lamang ako. Kitang nanatili ang galit sa kanyang mga mata.

“May breakfast na sa lamesa. Kumain na tayo…” aniya.
Tumango ako.

Lumabas siya pagkatapos niyang magligpit ng gamit. Tiningnan ko muna ang cellphone ko bago ako sumunod. May mensahe roon si Suki.

Suki:
Ingat kayo, ha? Text me if you have a problem. If you’re not comfortable with Riguel, call me.

Ako:
Thanks, Suki. I can do this…

Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Naroon si Riguel at naglalagay ng butter sa toasted bread. Nilagay niya sa pinggan ko iyong una.

“Ako na…” sabi ko. “Kaya ko naman…”

Nagkatinginan kaming dalawa. I can sense that he’s holding back his anger. Nilapag niya parin ang pangalawang toasted bread bago siya tumigil.

Tumikhim ako at kumuha na ng ham at bacon sa mga pinggan.

Tahimik kami habang kumakain. Ayaw ko siya tanungin tungkol sa nangyari kagabi. Ayaw kong pag-usapan. Nahihirapan akong tuwing naiisip kong masasaktan ko siya.

“Tatlo o apat na oras lang ako sa opisina. Kakain na lang tayo sa labas bago tumulak…”
Tumango ako. “Ilang oras ba ang byahe?”
“Apat o limang oras.”

Iyon lang ang naging usapan namin. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit siya ng mga pinggan.

“Magbihis ka na…” bilin niya sa akin.

Sinunod ko naman siya. I don’t want to fight with him over petty things. These are probably our last days together. I’d rather spend it normally.

Nag shower ako at nagbihis. Pagkalabas ko ng banyo ay naroon ulit siya sa tapat ng closet at tinitingnan ang mga damit.

I’m wearing a gray oversized jacket and a faded pants. Nakita kong kumuha siya ng gray na t-shirt galing sa kanyang cabinet.

Nakakabingi ang katahimikan namin doon. Hindi ko siya nililingon habang nagsusuot siya ng t-shirt. Nanatili akong nagsusuklay sa aking buhok.

Nakaupo ako sa kama at kaharap ang TV na may palabas na love story. Nauulanan na ang mga bida ng love story. Naghabulan sila hanggang sa nakarating sila sa bahay.

Umupo si Riguel sa kama. Hindi ko siya nilingon. Nasa likod ko lang siya. Patuloy ako sa pagsusuklay sa aking buhok.

When the two lovers kissed each other, iniwas ko agad ang tingin ko sa TV.

Nilingon ko si Riguel. Nakataas ang kilay niya sa akin habang inaayos ang kanyang relo.

“Are you done?” tanong niya.
Tumango ako. “Yup. Are you?”
“I’m just waiting for you…”

Kinuha niya ang remote. Nilingon ko ulit ang TV. They’re on a heated exchange of kisses now. Tumikhim ako. Pinatay ni Riguel ang TV.

“I’ll bring an iPad. You can watch movies there… habang bumabyahe tayo.”
“Okay… Thanks…”

Nanibago ako sa kanya ngayon. Papasok siya na naka t-shirt lang. But I find it cool, actually. Si attorney mukha lang model. Hindi mukhang alagad ng batas.

Kinuha niya ang kanyang maleta at pinatong sa taas iyong bag ko.

I checked all the plugs and cords kung may nakasaksak ba. Pumasok ako sa kanyang opisina para tingnan doon.

Pati sa kusina at sa sala tiningnan ko rin. Nag aantay na siya sa pintuan nang natapos ako.

“Let’s go?”
Tumango ako at sumunod na sa kanya palabas.

Tahimik kami sa elevator. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatagal sa awkwardness na ito. Nawala lamang iyon sa isipan ko nang naalala kong pupunta nga pala kami sa kanyang opisina. Ibig sabihin, naroon si Piper. We might even meet!

I wonder why Riguel didn’t tell me that Piper’s working with him? Alam naman yata ng lahat na ex siya ni Yeshua. Or maybe he assumed that my twin disliked Piper after we left?

I wonder if he really liked Piper? If he ever thought of her as his wife? Kung hindi ba ako dumating, sila talaga? Would he use her for the Judge?

Tahimik din kami patungo sa kanilang opisina. Sa elevator lang siya nagsalita.

“You can stay inside my office while waiting…” he offered.
Tumango lamang ako.

Umigting ang kanyang panga. Tumunog ang elevator at lumabas na kaming dalawa.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga tao roon, baka sakaling makita ko si Piper. I didn’t see her.

Hinawakan ni Riguel ang aking kamay at hinila niya agad ako papasok doon sa opisina ni Zarah.

“I can entertain the three clients left, Zarah. Huwag ka na ulit magpa schedule muna,” ani Riguel.
“Yes, attorney…”

Pumasok kami ni Riguel sa kanyang opisina. Hindi pa nga ako nakakaupo ay may dumating ng mag-asawa.

Diretso agad sila sa kanilang punto. Ilang saglit akong nakinig sa kanila roon sa sofa bago ko naisipang lumabas para magmasid masid kay Piper.

Nilingon ako ni Riguel. Tiningnan ko lang din siya habang papalabas ako. He looked distracted but then he continued talking.

Pagkalabas ko ay narinig ko agad ang boses ni Piper. She’s here! I knew it!

“Akala ko ba?” ani Piper.
“May inentertain lang na kliyente…” ani Ma’am Zarah.

Bumaling si Piper sa akin. Her eyes were cold. I almost shivered. Gusto kong ngumiti bilang bati ngunit hindi ko nagawa. It’s too hard to do that now.

“You’re still with him, huh?” she asked.

Parang sampal iyon sa akin. I hoped that somehow the truth I told her would enlighten her but I realized that it just did not matter. Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata kahit na ngumiti siya.

Magsasalita pa sana siya ngunit may nauna.

“Can I have an appointment with Attorney Alleje, please?” the sweet voice stopped Piper from talking.

Napatingin kaming dalawa sa nagsasalita. She was tall and slender. She looks like a roman princess with brown wavy hair, pink thin lips, cute narrow nose, and pinkish cheeks. Naka kulay pink din siyang dress slightly revealing her chest and collarbones. Napalunok ako at may naalala.

“Sorry, Miss Limcangco pero bilin ni Attorney na huwag-”
“Excuse me, Alli Limcangco. Ilang beses ka na bang tinaboy ni Riguel dito?” mariing tanong ni Piper.

Napatingin si Alli kay Piper. Kitang kita ko ang takot niya rito. Piper’s personality is kind of strong now compared to the woman beside her.

Marahan akong naglakad sa gilid para makaalis ana roon o ano. I feel like they’re going to fight here.

“I just want to consult something. There were clauses my lawyer can’t explain and I know Riguel can-”
“Hindi ba iyan din ang sinabi mo noong huli, ha? And what happened?” ani Piper.
“Attorney, Miss Limcangco is here…” ani Ma’am Zarah sa speakers.
“Zarah, where’s Lilienne?”

Nagkatinginan kami ni Zarah. Umatras ako para makaalis na roon at makailag sa pagtatalo ng dalawa.

“Nandito po…” ani Ma’am Zarah.

“How dare you! I am a client! You’re just a mere secretary. You need to function like how you should,” iritadong sinabi ni Alli.

Lumabas si Riguel. Saktong paglabas niya ay halos magsampalan na ang dalawa. Galit na galit si Piper at pakiramdam ko ay iiyak si Alli sa ginagawa niya.

Hinawakan ni Riguel ang kamay ni Piper na sanay mananakit kay Alli.

“Alli, I told you not to come here anymore…”
“But Riguel, attorney couldn’t explain a clause-”
“Find another one! Pumunta ka kay Attorney Torres kung gusto mo! Stop bugging us here!” mariing sinabi ni Riguel.

Nanatili ang mga mata ko sa kamay ni Riguel na nakahawak kay Piper. Nang binitiwan niya iyon ay humalukipkip si Piper at nangingiting tinitingnan si Alli.

“Sabi sa’yo, e. Umalis ka na rito! Akala mo naman ikaw na dahil dumating ka!” ani Piper.
“Stop it, Piper…” ani Riguel.

Nilingon siya ni Piper. Unti-unting umalis si Alli. Kitang kita ko na medyo naiiyak siya at nainsulto.

Parang sumakit ang dibdib ko habang tinitingnan siyang nanghihina palabas. I kind of remembered myself years ago. Only that, I don’t let anyone see how weak I am. Sa kalooblooban ko, basang sisiw na ako pero ang pinapakita ko ay malakas parin.

“Riguel, I told you to put a TRO if you want. That girl’s obsessed with you…”

Napatingin si Riguel sa akin. Umupo na lang ako sa isang silya roon, nag-iingat na hindi makagawa ng kahit anong kaluskos.

Nilingon din ako ni Piper. Matalim ang tinging pinukol niya sa akin.

“Lilienne, doon ka na sa loob mag-antay…” tawag ni Riguel.
Tumango ako.
“By the way, I already have the documents you want. Wanna see them?” ani Piper sabay pakita sa mga papel.

Tumango si Riguel at nakapamaywang na tinitingnan ang papel na hawak ni Piper.

“Tamang tama. Pumasok ka sa opisina ko…” ani Riguel kay Piper.

Pagkapasok ng dalawa ay pinagsalikop ko na lang ang mga daliri ko at tiningnan ang bawat isa.

“Mrs. Alleje, pasok daw kayo sabi ni Attorney…” ani Ma’am Zarah.
Ngumiti ako sa kanya. “Oo. Mamaya…” sabi ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.