Tripped – Kabanata 40

May 12, 2016 By In Tripped 63 Comments

Kabanata 40
Depressed

“You never told me Piper is working in your firm…” sabi ko kay Riguel habang nagdadrive siya pauwi.
Nilingon niya ako. Tila nabagabag sa tanong ko. “You never asked. Is there a problem?”
Umiling ako.

Buong gabi kong inisip kung paano ko sasabihin kay Piper ang nangyari. Riguel can feel the tension in me.

“I’m not feeling well…” sabi ko.
“Let’s rest early, then…” anyaya ni Riguel sabay patay sa mga ilaw sa kwarto.

Hinawakan niya ang leeg ko. Pagkatapos ay ang noo ko. Wala akong lagnat. Ngumiti ako sa kanya.

“Do… you… still drink your pill?” tanong niya.
Umiling ako. “But… don’t worry, nagpa shot ako ng Depo…”

Hugot ng malalim na hininga ang narinig ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Hinayaan ko siya. I like his warmth. It feels home.

“How long will it last?”
“I’m not sure. The doctor will give me a heads up if kailangan na ulit…”

I wonder if he wants me to do that, though? Or… am I ready, anyway? I’m clearly not. I still have so many things to do. I still need to talk to Riguel. My mind is still very unclear.

Sa sumunod na araw ay hinatid ulit ako ni Riguel sa trabaho. Dahil may hearing siya ngayon ay medyo matatagalan siya ng uwi mamayang gabi.

“Is it okay? I have a dinner with Piper later…” sabi ko. “Malapit lang sa condo ang niset kong dinner.”
“Okay, then… Just text me whenever you can so I won’t get worried. Anong oras kang uuwi?”
“I am not sure. It depends if maaga kaming matapos sa pag-uusap…”
“Alright… Just don’t forget to text me…”

Mabuti naman at sumang-ayon si Riguel. This is going to be the first time I’ll share the whole story from the beginning to the end. I chose to tell Piper about it because in the first place, she’s the main reason why we kept this a secret.

Yeshua didn’t want her to know. At syempre kaming pamilya niya, gusto lamang kung ano ang mga kagustuhan niya. Kahit na ang ibig sabihin pa nito’y misunderstanding sa mga tao sa paligid.

“So, anong plano mo ngayon?” tanong ni Suki nang kinwento ko sa kanya ang buong nangyari simula noong Biyernes.

Nakaupo siya sa kanyang swivel chair samantalang nasa sofa ako, nakahilig lamang at nakatayo.

“I’ll try to tell her the whole story and then I’ll decide how to tell Riguel…”
Tumango si Suki. “Kung sabagay. Kung tunay kang mahal ni Riguel, nakalimutan niya na siguro iyong nangyari. Ang dapat na importante sa kanya ngayon ay kasama ka niya. Pero kailangan niya parin iyong malaman…”
“I know… I just really don’t know how to tell him without breaking down. We are still building our relationship right now. I’m not sure if I’m really that comfortable with him that I can lay all my cards down…”
Umiling si Suki. “I understand, Lili. Kung talagang mahal ka ni Riguel, maiintindihan ka naman siguro niya.”

Buong araw ay wala akong inisip kung hindi ang nalalapit naming pagkikita ni Piper. I texted her last night, she agreed.

Kinakabahan ako. I just hope I won’t cry. Or cry too much.

“Sigurado kang ‘di ka magpapasama o magpapahintay?” tanong ni Suki nang hinatid niya ako sa isang restaurant malapit lamang sa condo ni Riguel.
“Pasensya ka na at naabala pa kita. Hindi na, Suki. Baka rin matagalan kami ni Piper, e.”

Her eyes looks so concerned at me. Ni hindi ko na siya magawang kausapin ng matino dahil ang tanging inaalala ko ay ang pag-uusap namin ni Piper mamaya.

“Walang anuman iyon. Sige na at mukha kang constipated…”
Natawa pa ako ngunit agad ding nakabawi. “Sige. Thanks, Suki…”

I’m wearing a faded boyfriend jeans and a white sleeveless shirt. Ang leeg ko ay puno ng necklace. Mabigat ang bawat hininga ko habang papasok sa restaurant.

“Table reservation, Ma’am?” tanong ng receptionist.
“Wala pa yata ang kasama ko…” sabi ko sabay gala ng tingin sa buong restaurant. “I’m Lilienne Alleje. Si Piper Zarragosa ang magiging kasama ko rito…” sabi ko.

Binigyan niya ako ng logbook kung saan ko ilalagay ang aking pangalan at ang aking kasamay. I scribbled Piper’s name in there.

Now, I wonder if she’s married. She looks the same, only taller and more mature. Sa katawan ay pareho lang naman.

I ordered for wine to calm my nerves. Hindi ako mapakali habang naghihintay.

Lumipas ang labing limang minuto sa pag-aantay ko ay wala pa rin si Piper. She’s ten minutes late but it’s okay. This decision must be hard on her. Actually, maiintindihan ko nga kung hindi niya ako siputin. Maaaring masakit parin sa kanya iyon.

I wonder if she has a boyfriend now? Or husband? Or family?

Lumipas pa ang sumunod na labing limang minuto at nakakadalawa na ako sa iniinom ko, wala parin siya.

I tried to text her just to remind her. I don’t wanna call. I don’t want her to think that I’m demanding.

Ako:
Piper, I’m already here.

Pagkatapos ng limang minuto ay dumating na si Piper. She’s wearing a white dress. Napatayo ako sa biglaan niyang pagdating.

“Shall we order first…” ani Piper sa isang seryosong tono.
Tumango-tango agad ako.

I asked for the menu. Binigyan kaming dalawa. Pumili ako ng akin. Pumili na rin siya.

“Thank you…”

Nang umalis ang waiter ay kumalabog na ang puso ko. Pormal na pormal siya. Tila ba hindi personal ang pag-uusapan namin. Tila business o ‘di kaya’y kaso…

Kabado ako. Paulit ulit sa aking utak kung paano iyong nirehearse ko kagabi at buong araw ngayon. I need to lighten the atmosphere first. And let our talk lead us to Yeshua so I can also calm my self.

“I didn’t know you’re working at Riguel’s firm…” sabi ko sabay hilaw na ngiti.

Sumimsim siya sa wine sa kanyang wine glass. Ni hindi niya ako tiningnan.

“After I graduate, he hired me on Thomas’ Accounting Firm. Pagkatapos ay dinala niya rin ako sa Law firm na iyon…”

Napalunok ako. So she was with Riguel all this time, then? And I did not see her the last time? Well, syempre at nag walk out naman ako.

“So… you married him?” malamig niyang tanong.

Nahihiya akong tumango. Now, I realize… kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol kay Yeshua, maaaring mapunta rin kami sa usapan kung bakit ko talagang pinakasalan si Riguel.

“Paano? Bakit kayo nagpakasal?” tanong niya. She sounds more curious now.

I never thought she’d ask me this question right away but I need to answer properly.

“Niyaya niya akong magpakasal. Alam mo namang…” hilaw na tawa ang naibahagi ko.
“Really? I doubt that, Lilienne. Ibig mong sabihin, after eight years of no communication at all? Uuwi ka rito at magpapakasal kayong dalawa?”

Nilapag niya ang kanyang wine glass. Nanlaki ang mga mata ko. I thought Riguel told his friends that we were communicating all this time?

“Riguel told me you never talked to each other the whole time you were away, Lilienne. Kaya huwag ka nang magkaila… Is this about the money? The property, perhaps?”

I almost forgot that she’s also one of the top students in Alegria! Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya.

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung para saan iyon.

“Your father leased your land to Riguel. Ngayong nasa kanya na ay gusto mong bawiin iyon? At ito ang ginawa mong solusyon?”

Did Riguel tell her? Paano niya nalaman? By deduction? Oh my God!

“Piper…”
“And you decide so quickly because you can file a divorce abroad, right? Ni hindi mo naisip si Riguel. Paano siya mag-aasawa kung ganoon?”
“We’re working on that-”

Hinampas niya ang lamesa dahilan kung bakit ako naputol sa pagsasalita.

“Just like before, you are so selfish, Lilienne! Sarili mo lang iniisip mo!” paratang niya.
“What? Wait… Piper-”
“Hindi mo iniisip ang mga taong nasa paligid sa’yo! For eight years, I have forgotten about you and your family thinking that you won’t come back here anymore! Sana ay hindi ka na lang bumalik! Masaya na ako, e! Masaya na kami!”

Now she’s crying. I couldn’t dare stop her from her rant.

“Masaya kami, habang wala ka! Kung hindi ka dumating, ako siguro ang pinakasalan ni Riguel!”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Piper. She cried. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang sairling mga mata. But those aren’t tears of weakness… those are tears of anger and of hatred!

“You ruined our supposed future! We were doing fine here! He was opening up to me and then you came along! Tell me, Lilienne. Tama ang hinala ko, ‘di ba? Nagpakasal lang kayo dahil sa lupain? Maghihiwalay din kayo?”

Nanginig ang labi ko habang pinagmamasdan siya. I want to fight but I feel light fighting means destroying Yeshua’s memories. I feel like she’s the only person that can remind me of him. Na ang labanan siya ay parang nilabanan ko na rin ang kagustuhan ng kambal ko.

“Kailan ang katapusan niyan? Ilang buwan kayong tatagal ng ganyan bago kayo maghiwalay, huh? Answer me right now, Lilienne!” she cried.
“Piper…”

Nangilid ang luha ko. Lumapit ang waiter na may dalang pagkain namin. Hindi ko madugtungan ang sinasabi ko dahil may ibang tao pa. Nang umalis siya ay ‘tsaka lang ako nagsimula ulit.

“You’ve forgotten my brother, huh?”
“I have forgotten Yeshua, yes!” iritado niyang sinabi. “For all those years he failed to call, Lilienne, syempre anong akala mo sa akin? Tanga! Na aantayin ko siya? Hindi niya ako kinausap bago kayo nawala! At wala pa kaming komunikasyon! Wala na kami noong umalis kayo. Kaya bakit mo isusumbat sa akin ‘yan?”
“Piper, ‘di ko sinusumbat sa’yo. I just want to clarify it…”
“I have moved on a year after he left. Si Riguel ang naging sandalan ko. Because we’re both left for unknown reasons. You left him. A man as fine as him, Lilienne. Iniwan mo nang walang ekplenasyon! Napagtanto ko noon kung gaano ka tama ang hinala nila sa iyo. That you’re nothing but a playgirl, driven by your instincts and nothing more!”

Tumulo ang luha ko. I couldn’t imagine it. I couldn’t imagine Piper and Riguel in pain. Sa loob ng ilang taon, ngayon lang sumagi sa isip ko ang bagay na ito. Ilang taon!

“And it’s true! Right now, you’re laying yourself on the line again just for your properties!? Ganyan ka na ba talaga ka walang galang sa sarili mo, Lilienne?”
“Piper, please…”

I bit back the sobs. I want her to stop but I’m to weak to stop her.

“And now you’ve ruin me again? You married Riguel, Lilienne! Na dapat ay kami. Dapat ay ‘di ka na lang bumalik! Ano ‘yan? Pagbalik mo pupulutin mo lang basta may pakinabang at aalis ka na ulit dahil tapos ka nang makinabang? Natanong mo ba si Riguel! He will probably tell you na kung hindi ka dumating, we could’ve been married, too!”
“Fine!” sigaw ko sa kanya.

I am so drained. I understand what she’s feeling. I’m trying so hard to understand.

“Anong gusto mong gawin ko, kung ganoon? Pakawalan si Riguel para mangyari kayo? Ha? Ganoon?” nanghihina kong sinabi.

Natahimik siya sa sinabi ko. Nanghihina na ako sa lahat.

Pakiramdam ko ay naririnig ko ang kapatid ko na bumubulong sa akin. To take care of Piper. We both ruined the girl she truly loved. Piper was the sweet and caring girl before we left… and now we’ve created a monster.

Ayaw kong manghusga dahil hindi ko alam ang pinagdaanan niya nang nawala si Yeshua. She was madly in love with him. But he went away without a word. I couldn’t blame her.

Siguro nga ay sa panahong wala si Yeshua, si Riguel ang naging sandalan niya. Kaya rin siguro siya kinuha ni Riguel sa firm ay dahil nagkalapit na sila ng husto.

Ako talaga, ‘di ba? Kung hindi ako bumalik dito, maayos sana sila… Kung hindi na ako nagpumilit, sana ay maayos silang dalawa. Riguel didn’t need me. He had a name. He was already successful. He didn’t need me that time but I came… so now we’re here.

Kung hindi ako dumating dito, Yesh, ‘di sana nasasaktan ng ganito si Piper.

“Hindi mo rin naman siya mahal. You only married him for the properties!” angil niya.
“Yes!” humikbi ako. “I married him for our properties! I married Riguel because I want it back, Piper. But now… I have fallen for him, too… Pero kaya ko siyang isuko sa’yo… Alam mo kung bakit? Ha?”

Humagulhol na ako. Parang pinipiga ang puso ko. May punyal na tumatama sa bawat hinga ko. Hindi ko yata kakayanin ito.

“Dahil iyon ang pangako ko kay Yeshua, bago siya namatay…”

Kitang kita ko ang pagkakatigil ni Piper sa sinabi ko.

“And why I’m carrying out those promises even if it hurts me? Because I dearly love my twin. I love him with all my heart. And I’m carrying all the guilt because I probably killed him! I am the main reason why he’s dead now! Why my mother and father died, too! I am the main reason!”

Hindi ganito iyong pinlano ko. Dapat ay ikukwento ko sa kanya simula sa unang nangyari pero dahil sa sitwasyon ay hindi ko na magawa.

“Yeshua suffered from a rare case of Traumatic Brain Injury, Piper. And you know why, right?”

Nanlaki ang mga mata ni Piper. It’s like she’s accusing me. She knows what happened that day. Alam niyang nahimatay si Yeshua nang tumama ang tubo sa kanyang ulo. Alam niya rin na pinoprotektahan lamang ako ng kapatid ko.

“Umalis kami dahil lumalala na siya! He wants us to promise that no one in Alegria should know why because he was positive that he’ll come back soon! Naniwala ako sa kanya kaya kahit ako, hindi ko sinabihan si Riguel! Umalis kami at nagpagamot siya sa U.S. Maraming operasyon pero hindi na naagapan! Namatay siya! Years after, my Mom died because of deppression. And Dad died because of cardiac arrest!”

Tumigil ako pagkatapos. There. I said it all. Hindi iyon ang ineexpect ko kung paano pero kailangan ko nang sabihin ang lahat ng mabilisan.

“This is why I married Riguel. I’m not anymore the same Lili you knew, Piper. Wala na akong pera. Naubos ang ariarian namin sa pagpapagamot ni Yeshua at ni Daddy. Ang tanging bumubuhay sa akin ngayon ay iyong perang naipon ko sa pagtatrabaho ko sa America. I want the plantation and the mansion back because Yeshua treasured it so much…”

Para akong pinapatay sa sakit. Lalo na ngayong nakikitang tulala si Piper habang kaharap ako. I wish nothing but for her to be enlightened. Because that’s my only hope…

“And you, too. You’re one of his treasures. I promised him to take care of you. To tell you about all of these… To never hurt you. So if you’re asking me now to free Riguel so you two can happen, then…”

I freed my hand para ipakita sa kanya na kaya kong gawin. Dahil mahal na mahal siya ng taong pinakamamahal ko. Mahal na mahal siya ni Yeshua.

“I will… Give me time…” sabi ko.

Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Tumayo siya at dinampot ang kanyang bag bago ako tinalikuran at nagmartsa palabas ng restaurant.

Naiwan ako roong mag-isa at umiiyak. Hindi ako matigil tigil sa pag-iyak.

When God showered pain, sinalo ko yata ang lahat.

Yeshua, ayan ha? Ginawa ko na… At totoong gagawin ko iyon. Papakawalan ko si Riguel.

Pumikit ako at naalala lahat ng mga bagay na ginawa sa akin ng kapatid ko. He’s my living hero. He’d protect me from all the pain. He’d even risk his life for me. He’s the reason why I’m still alive now. I love him so much. I love him with all my heart. And I will carry out my promises for him. If that’s the only way I could pay him back… If that’s the only way I can make him happy.

Nanginginig ang kamay kong dinial ang numero ni Suki. Agad niya itong sinagot.

“Suki…” naiyak agad ako.
“Oh? Are you okay? I’m just near in Makati… Hindi ako mapakali kanina noong iniwan kita-”
“Can you come here please… I need to talk to someone…”
“Holy shit, Lilienne. Okay. Saglit lang. Five minutes!”

Binaba ko ang cellphone at tinext si Riguel.

Ako:
Dinner ka na. I’m having dinner now.

May lumapit na waiter sa akin. Binigyan niya ako ng puting panyo. Pagod ko iyong tinanggap.

“Salamat…” ngumiti ako at pinunasan na ang aking mga mata.

For years, inisip ko na sana ako na lang ang namatay. Bumalik siguro si Yeshua rito ng maayos at magkakabalikan sila ni Piper. Or… maybe we did not leave kung ako iyong nahampas noong tubo. Mamamatay ako kaagad dahil hindi ako tulad ni Yeshua na malakas. That would be easy. Yeshua would become a successful doctor. I wouldn’t have known Riguel too much. He’d probably just continue living his life.

Sana ako na lang ang pinatay ng Panginoon.

Bakit kaya ako ang pinili Niyang mabuhay?

Ilang beses ko na iyang naitanong pero hanggang ngayon wala parin akong sagot.

Tumutulo ang luha sa aking mga mata habang tulala sa mga kubyertos.

Life would’ve been easier if I’m dead. My parents would be sad pero ‘di na sila aabot sa puntong ibibenta na nila ang mga ari arian namin kasi syempre, tsugi agad ako. Will I be beautiful on my casket? Anong damit kaya sana ang sinuot ko? Ano iyong paborito ko noong mga panahong iyon? At kukulutin ba ang buhok ko o iuunat? Siguro ay ganito lang.

“Huy!” tinampal ni Suki ang kamay kong naglalaro sa kutsilyo at agad niya akong niyakap. “Stop that!”

Humagulhol agad ako sa kanyang braso. Lumuhod siya at niyakap ako ng mas mahigpit.

“Anong nangyari? Lilienne naman!” halos maiyak na rin si Suki.

Anong nangyari? Binalikan ko lang naman ang lahat. Ang lahat ng ayaw kong balikan.

Hinila niya ang upuan palapit sa akin at nagpatuloy siya sa pagyakap sa akin. Gaoon din ang ginawa ko hanggang sa tumigil ang paninikip ng dibdib ko. Ngayon, tulala na lamang ako at nanghihina.

“Let’s call Riguel…” ani Suki.
Umiling ako. “Huwag na. I don’t want to invest more feelings…”
“Ha? Bakit? Lilienne?”

Nag-angat ako ng tingin kay Suki.

“Piper is in love with Riguel now…” sabi ko.

Nagulat siya sa sinabi ko. I smiled weakly.

“I promised Yeshua I’ll take care of her so I’m out…”
“Out? Ganoon lang? Lilienne, nababaliw ka na ba? Hindi ba mahal mo siya?”
“Anong silbi ng pagmamahal ko sa kanya kung gabi gabi akong hindi makakatulog, Suki? Gabi gabi akong dadalawin ng konsesnya ko dahil alam kong may magagawa pa sana ako pero ‘di ko ginawa. Besides, this marraige is fake! This can easily be divorced! I have grounds!”
“Paano si Riguel, Lili?”
“Riguel seem fine before I got here. He’ll be fine when I’m gone…”
“Lili-”
“Isipin mo nga… Kung hindi ako bumalik dito, hindi rin naman kami magkakatuluyan, ‘di ba? Ang sabi ni Piper, nagkakamaigihan na sila ni Riguel tapos bigla akong nagpakita! Kaya kung ‘di ako bumalik, malamang sila na! And Riguel’s excuse was the judge… So I’m sure he had other options because he didn’t know that I’m coming back! I’m sure if it’s not Isabella Thomas, si Piper iyon. Nasa kanilang dalawa lamang. I don’t think Riguel would marry Isabella. But he may choose Piper! Nakuha mo, Suki?”

Kinagat ni Suki ang kanyang labi.

“Kung ‘di ako pumunta, walang mangyayari. I made all these things happen. Kung wala ako, walang mangyayari. Hindi ako hahanapin ni Riguel. Wala! Wala! Magpapatuloy ang kanyang buhay dito. Kaya lang naman may nangyari dahil dumating ako. Kaya ngayon… ibabalik ko sa lahat ang dati…”
“Lilienne…” pagod niya akong tinitigan.

Umiling ako habang iniisip kung ano pang magagawa ko.

“Please, I don’t want you deppressed again… It hurts seeing you in so much pain, you know…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

63 Responses to Tripped – Kabanata 40

  1. hope Miss Jonah will update soon.. I honestly don’t like portrayers as well, because her characters are all fictional. I’d rather settle on my imagination of them rather than with faces who can’t just give justice to how I view them in my mind. Sad that others just can’t understand.