Tripped – Kabanata 39

May 12, 2016 By In Tripped 5 Comments

Kabanata 39
Angel

I can’t help but think about what Riguel told me that night. Sa kahit anong ginagawa ko, naiisip ko iyon.

Iniisip ko na kung totoo nga ang sinasabi ni Riguel, then… does that mean? That means… he wants me to be his wife for real?

Walong taon akong nawala. Walong taon kaming hindi nagkita. Kung tunay nga niyang minahal ako noon, ibig sabihin nasaktan ko siya pag-alis ko.

All this time I thought that it’s one-sided. Iniisip ko noon na lalaki rin siya at hindi siya makakatanggi. I was already grinding on top of him. He didn’t want it, clearly. But I did everything to seduce him so in the end he took the bait.

Hindi niya alam kung bakit ako umalis. Kailangan ko pang sabihin iyon sa kanya. Handa ba akong balikan ang lahat? If I have to tell him everything, that means I need to start from the very beginning.

“Do I… still have to file my leave for this coming Friday, Riguel?” tanong ko habang kumakain kami ng dinner noong Linggo.
“Well, do you want that vacation?” tanong niya.

Siguro naman ay may katotohanan parin kahit paano iyong sinabi ni Riguel tungkol sa judge. Kasi kung hindi naman ay sana binawi niya iyon.

“Well, if there’s a need to…” sabi ko habang tinitingnan ang pagkain ko.
“I think we need a vacation…” ani Riguel.
Tumango ako. “I’ll file my leave tomorrow. Para malaman na ni Suki…”
“If you want you can visit me tomorrow. Mag half day ka na lang…” aniya bigla.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I’m confused why he wanted me to his office tomorrow. Masyado ba siyang na stress noong Biyernes kay Alli?

Maybe Alli will come back tomorrow. Maybe she’d surprise him again. Syempre, kung totoong pinaalis siya ni Riguel, babalik iyon. Kahit ako naman noon, babalik ako kahit na pinaalis na. Ganoon ako kabaliw sa kanya.

“Huwag na. Magluluto pa ako ng dinner dito…”
“Kumain na lang tayo sa labas o ‘di kaya’y oorder ako bago tayo umuwi.”
“Why?” tanong ko.

Tumikhim siya. Tila ba hindi siya handa sa naging tanong ko.

“I just thought you’d want to go to my office again. I’ll introduce you to my colleagues properly.”
“I have already introduced myself, Riguel. John Torres, Joel Ocampo, I forgot the other men in there…”

Umigting ang panga ni Riguel. Medyo matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko.

“So…” nag-iwas siya ng tingin. “You won’t?”

Humugot ako ng malalim na hininga. Not that I don’t want to go but I want a good answer from him.

“Sige, pupunta ako,” sabi ko.
“Susunduin kita ng lunch. Sabay na tayong mag lunch. Pagkatapos ay didiretso na tayo sa opisina. Doon ka mag aantay sa loob.”
“Okay… I’ll ask Suki. Kung papayag ba siya…” sabi ko sabay bagsak ng tingin sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na siya ng mga pinggan. Nanood naman ako ng TV. Nagbasa siya sa gilid ko.

Isang tahimik na gabi ang lumipas. Walang away o sumbatan. Parang unti-unting napapanatag ang loob ko. Unti-unting naayos ang pakiramdam ko.

Sa kama ay hinihintay niya akong matapos maligo bago pinapatay ang TV. Humiga ako sa gilid niya. Madilim na ngunit dilat parin ang aking mga mata. Nakakasiguro akong ganoon din siya ngayon.

Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin. Lalayo sana ako para mas mabigyan siya ng espasyo ngunit nagsalita siya.

“Can I…” bulong niya.

Tumango ako at hinayaan siyang ipatong ang kanyang kamay sa aking tiyan. The warmth of his body made me at ease. Sa wakas at nakaramdam din ako ng tamang init at tamang lamig.

Pumikit ako at sinubukan nang makatulog. Naramdaman kong mas lumapit pa siya na nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking leeg.

Kinabukasan ay hinatid niya muli ako sa trabaho. Binilin niya sa akin iyong sinabi niya at sumang-ayon naman ako.

I need to tell Suki about it and then file my leave for Friday.

“Good morning, Ma’am!” bati ng mga empleyado.

Nginitian ko sila at binati na rin.

“Kumusta ang concert, Ma’am?” tanong ni Uma habang sinusundan ako sa aking lamesa.
“It’s fine, Uma. Magaling talaga sila kahit live. Nanood ka ba?”
“Hindi nga, Ma’am, e, ang mahal kasi ng ticket. May pinag-iipunan pa naman ako ngayon…” sabi ko.
Ngumiti siya sa akin at nanatili sa gilid ko. Nilapag ko ang mga gamit ko sa lamesa.

“Nandyan na ba si Suki?” tanong ko kay Uma.
“Yes, po, Ma’am! Nasa opisina, kasama si Aiden…”

Tumango tango ako at nagpaalam na muna kay Uma. Nagpaalam na rin siya na babalik na siya sa kanyang cubicle.

Dumiretso agad ako sa opisina ni Suki. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagkabukas ko ng pintuan ay naabutan kong nag aagawan sila ni Aiden ng papel.

“Ang pangit nito! Sino bang model mo rito?” tawa ni Suki sabay turo sa design siguro ni Aiden.
“Nagseselos ka lang yata, e. Gusto mo ikaw ang model ng bagong karakter!” ani Aiden sabay agaw ng papel.

Tumikhim ako para mapansin. Nilingon ako ni Suki, natatawa pa. Binigay niya ang design kay Aiden.

“Sorry, Ma’am…” ani Aiden.
“It’s okay…”
“O, Lili? Good morning! Kumusta ang concert?” aniya.
“Ayos lang, Suki…”

I want to expound and tell her about what Riguel told me but Aiden was still there so…

“Maghahalfday sana ako mamaya. Tapos itutuloy ko iyong leave sa Friday. Ayos lang ba?”
“Sure! Sa Lunes din ba?”
“Hindi pa ako sigurado. Depende pa iyon. Can I just text you, if ever?”
“O sige. Skip the formalities, Lili…” ani Suki at ngumiti ulit sa akin.

Napatingin ako kay Aiden na seryosong pinagmamasdan ang kanyang mga disenyo. Kasing edad lang namin siya at medyo matipuno at matangkad. Sa mukha niya, pakiramdam ko crush ng bayan ito ng kung saan. And he’s a good graphic designer. Malaki siguro ang sahod niya rito. Ang sinabi pa ni Suki sa akin may plano raw itong lumabas ng bansa. Mukhang tutulungan pa yata ng daddy niya para makuha sa malalaking kompanya sa Japan.

“Okay… I’ll just finish my work…” sabi ko sabay turo sa pintuan.
“Okay…” ngumiti si Suki at nilingon ulit si Aiden.

Nagngitian ulit sila. Tila ba magsisimula na ulit ang kulitan pagkatapos ng istorbo. I have to ask her about Aiden, too. What’s up with them.

Anyway, pabalik ako sa aking lamesa nang napansin ko ang pagpasok ng isang lalaki sa pintuan. Sebastian is marching towards me, probably to go to Suki’s office!

“Basty!” sabi ko at bahagyang kinabahan.
“Hi, Lilienne! Si Suki?” tanong niya.
“Uh…” tinuro ko ang bathroom para sana maiwala siya ngunit tinuro na ni Uma ang opisina ni Suki.
“Nasa loob ng opisina niya, Sir…” ani Uma.
“Okay…”

Dumiretso si Basty. Nanlamig ako nang tiningnan siyang agad pumasok doon!

Shit!

Nagkibit lamang ng balikat si Uma at bumalik ulit sa kanyang lamesa. Hindi ako makapagtrabaho. Nanatili ang mga mata ko sa opisina ni Suki. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas galing doon si Aiden. Busangot ang kanyang mukha habang bumabalik sa kanyang cubicle.

Oh my God… Bakit nandito si Basty?

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Lagi akong sumusulyap sa opisina ni Suki na hindi na ulit bumukas.

I texted Riguel because I’m so uneasy.

Ako:
Nandito si Basty sa office ni Suki.

Riguel:
Really? Bakit daw?

Umirap ako. Wala siyang alam. Boys!

Ako:
Ewan ko. Baka may alam ka kung bakit siya narito.

Riguel:
I have no idea… Business?

Nagtrabaho na lang ako. Alas onse nang ‘di parin bumubukas ang opisina ni Suki. Now, I’m worried. What the hell?

Lalapit na sana ako para katukin nang bigla kong nakita si Riguel papasok sa opisina namin. He’s wearing his usual suit and with him is a big bouquet of red roses.

Narinig kong pumalakpak si Uma sa kanyang lamesa. Sumulyap lamang si Riguel at binalik ulit ang mga mata sa akin.

Tiim-labi kong tinanggap ang mga bulaklak. Humahataw ang puso ko sa saya. Natutunaw ang mga binti ko.

“Thanks…” sabi ko.
“You’re welcome. By the way, are you ready? Let’s go…” aniya.
Tiningnan ko ulit ang pintuan ni Suki. “Si Suki kasi hindi pa lumalabas. Nandoon si Basty…”
“Hayaan mo na sila…” sabi ni Riguel sabay hawak sa baywang ko.

Tiningnan ko ang kamay niya roon pagkatapos ay binalik sa kanyang mga mata. Nanatili ang mata niya sa dinadaanan namin.

Tiningnan ko ang mga bulaklak ni Riguel sa byahe. May note sa nakabalot na papel doon.

It says… “I’ll always be married to you…”

Ngumuso ako at hinawakan ang mga petals ng mga bulaklak.

Kumain kami sa isang restaurant sa baba lamang ng kanilang opisina. Pagkatapos ng pagkain ay pumanhik na kami sa kanilang opisina. Hawak hawak ni Riguel ang kamay ko nang nasalubong namin ang kanyang mga katrabaho.

“Riguel!” ani John Torres. “Mrs. Alleje…”

Naglahad ulit siya ng kamay sa akin.

“You’ve already met her, John…” malamig na sambit ni Riguel.
“Oh! Right!” nagkamot sa batok si John Torres. “Biro lang ‘yon…”
Umiling si Riguel at pinakilala pa ako sa ibang naroon na hindi ko pa nakikilala.

“This is my wife, Lilienne…” ani Riguel.

Inisa-isa niya iyong mga ‘di ko kilala. Tumango lamang ako sa kanila.

“Isasama mo na ba siya araw araw, Riguel?” tanong noong isa.
“Kung papayag, bakit hindi…” pabirong sinabi ni Riguel bago kami pumasok patungo kay Zarah.

Tumayo si Zarah pagkapasok ko. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mukha. I smiled at her to assure her that I don’t blame her. It’s her protocol.

“Ma’am, I’m sorry noong Biyernes. Akala ko kasi sa lahat applicable iyong rule ni Attorney na hindi siya iistorbohin kapag may session…” sabi niya.
“It’s okay, Zarah. May kasalanan din ako. I imposed that rule when I was still single so I did not tell you na kapag asawa ko na ang nandyan ay pwede siyang pumasok. I’m at fault, too…” ani Riguel.
“Sorry, Attorney…” ani Zarah.

Tumango si Riguel at nilagpasan na ang kanyang sekretarya. Bahagya akong namangha sa sinabi niya kay Zarah. He accepted that he’s at fault. Pakiramdam ko kasi bihira ang ganoon. Bihira na aaminin nilang may kasalanan sila.

“This is my office…” Riguel said.

Malaki ang opisina niya. May malaking lamesa, may mga sofa, at may mga silya. But of course nothing beats his office in our mansion.

May globe doon na inikot ko. Nilapag ko ang mga bulaklak na dala ko sa kanyang sofa. Tiningnan ko rin ang mga aklat na nasa bookshelves.

“Attorney, anong oras po mag-aaccept ng kliyente?”
“Kapag meron na, papasukin mo na.”
“So… Alli will come here today?” tanong ko, nakatingin parin sa mga aklat.
“Nope… Hindi naman ako ang naghahandle sa kaso niya. Hindi na siya nags-schedule sa akin. Last Friday, she came here kahit wala siyang schedule, Lilienne…”
“She must be obsessed with you, then…” sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nakaupo na siya sa kanyang swivel chair ngayon. Seryoso at mukhang kailangang tungkol sa mga kaso ang dapat naming pag-usapan.

“She keeps on bugging you kahit na ayaw mo naman talaga. I was like that years ago…” sabi ko at tiningnan muli ang mga aklat.

I was obsessed with… I’m not even sure if it’s “was”.

“Sino bang nagsabi sa’yong ayaw ko sa’yo, Lilienne?” tanong niya.

Parang tumalon ang puso ko sa tanong niya. I’m not prepared for his answer to that! Dammit!

“Attorney, Mrs. Carbajal is coming in…” ani Zarah sa isang speaker.
“Okay…” ani Riguel.

Ngumuso ako at kumuha ng isang aklat para basahin habang abala siya.

Tuwing may kliyente siya, pinapakilala niya ako. May mga sikat na politiko siyang kliyente. Umaabot pala sila ng dalawang oras habang nag-uusap. Minsan ay nagrerehearse sila ng mga sasabihin sa hearing. Natutuwa ako habang pinagmamasdan siyang seryoso sa kanyang trabaho. Pakiramdam ko ito talaga ang gusto niyang gawin.

I can’t explain what I’m truly feeling as I watch him get serious with his work. Para akong nanginginig sa tuwa. It’s fulfilling. It’s euphoric, even.

Sinulyapan niya ako habang nag-uusap sila noong kliyente niya at humingi ng paumanhin saglit.

“Zarah, can you give Lilienne the menu of our restaurant, please…” ani Riguel sa speakers.

Binaba ko ang aklat ko at sinalubong na si Zarah sa pintuan. May menu siyang binigay. Inisip kong bababa na lang mismo sa restaurant nila para makabili ng pagkain. Tutal ay wala naman akong ginagawa kundi ang tingnan si Riguel. Pakiramdam ko mas lalo lang akong mahy-hypnotize sa kanya kapag nanatili ako roon.

Pinutol ni Riguel ang pagsasalita nang nakita akong umaambang lumabas sa pintuan.

“Ako na ang bibili para makapili ako ng mabuti,” I smiled.
“Okay, if that’s what you want. Take care…” ani Riguel, medyo may pag-aalinlangan ang kanyang tono.

Lumabas ako habang nakatingin sa menu. May kausap pala si Zarah. Nagulat ako nang tumigil sila sa pag-uusap nang nakita ako. Nag-angat ako ng tingin.

Halos mapaatras ako nang nakita kung sino iyon. Her chinky eyes were now wide because of the dark make up she’s wearing on them. Her thin lips were pink and her hair remained long like my memory of her.

Nakacorportae attire si Piper at may dalang mga folders na nilalapag kay Zarah. Nanlalaki ang mga mata niya nang nakita ako. Slowly, her eyes casted shadows of anger, pain, betrayal, and sarcasm. But eventually all else faded, ang tanging natira ay sakit.

“Piper?” sabi ko.

She’s tall and lean. Her features were soft like that of an angel. I remember how Yeshua loved her so much.

“Lilienne…” her voice stone cold.
“A-Are you… Riguel’s client? A-Are you fine?” nanginginig ang boses ko habang naaalala ang kapatid ko.

Pakiramdam ko ay nakikita ni Yeshua si Piper ngayon gamit ang aking mga mata.

“No… I’m one of the secretaries in this firm…” she said coldly.

Nilapag ni Piper ang panghuling folder bago umambang lalabas.

“Wait…” sabi ko.
“Zarah, babalik na lang ako mamaya kung wala nang kliyente si Riguel.”

Sumulyap si Piper sa akin.

“Piper! Let’s talk…” sabi ko sabay sunod sa kanya.
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Lilienne!” aniya sabay tingin muli sa akin.
Umiling ako. Naiiyak para sa aking kapatid. “Let’s talk, please. I have so many things to say… Please, Piper…”

Tinalikuran niya lamang ako at umalis.

Sinundan ko siya palabas. Hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng hindi kami mag-uusap.

“Piper, please!” halos magmakaawa ako.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Marahas niyang binawi iyon at hinarap niya ako.

“I said, Lilienne, wala na tayong pag-uusapan pa!” aniya.
“We need to talk about Yeshua-”
“About your twin who left me without a word? About your brother who hurt me so much, Lilienne? Bakit? Asan na siya ngayon? May pamilya na? Anong gusto mong pag-usapan natin? I don’t care about Yeshua, anymore. It’s been years, Lili, kaya wala na tayong dapat pang pag-usapan!”
“Please, Piper. Let’s set a date. I have so many things to say. We need to talk!” giit ko nang umamba ulit siyang aalis.

Nilingon niya ako. Tila naliwanagan sa sinabi ko. Ang kani kaninang medyo galit na ekspresyon ay umamo ngayon.

“Fine. Tomorrow evening. I’ll give you the details… here…” Binigay niya sa akin ang kanyang calling card. “Text me…”

Tinanggap ko iyon. Medyo nawala ang takot ko sa kanyang galit pagkatapos noon. Iniwan niya rin ako. Bumaba ako ng building para makabili ng pagkain. Natagalan ako dahil sa pagkakatulala.

Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang usapan naming dalawa. I can’t even tell Riguel about it, kay Piper pa kaya?

Piper needs to know. She has the right to know. Yeshua loved her so much. Yeshua treasured her. And that was my promise to him… to shield her from whatever pain… to take care of her for him.

Pagkabalik ko sa opisina ni Riguel ay nanatili muna ako sa labas habang dala ang pagkain para sa aming dalawa.

“Zarah, wala pa ba si Lili?” tanong ni Riguel galing sa speakers.

Napatalon ako roon. He’s looking for me. I need to get inside.

“Attorney, nandito na po siya. Papasok na…”

Pumasok ako at laking gulat nang nadatnan si Piper at Riguel. May mga papel na binibigay si Piper kay Riguel. Tinatanggap niya naman iyon.

“Natagalan ka yata…” ani Riguel.

Nanatili ang mga mata ko kay Piper. Riguel never told me that Piper’s working here. But then why would he tell me anyway?

“Nahirapan ako sa pagpili ng kakainin…” sabi ko.
“By the way, Riguel, sinabi ba ni Zarah sa’yo ang schedule mo bukas?” tanong ni Piper.
“Yup. Uh… kaya lang iyon ng mga hanggang alas otso…” ani Riguel.
“Paano kung hindi?”
“We’ll see about that…”
“What about your hearings next week. I heard you can’t come.”
“Yes, may out of town kami ni Lilienne…” ani Riguel kay Piper.

Sinipat ako ni Piper. Galit lamang ang nakita ko sa kanyang mga mata. I tried to smile at her but I was sure that she’d only feel anger for me. For not telling her the truth.

“Okay, then. Bahala ka nga. Desisyon mo naman iyan…” ani Piper sabay tawa kay Riguel.

Tumunog ulit ang speaker.

“Attorney Alleje, Mr. Bello and company are here…”
“Papasukin mo sila…” ani Riguel.
“Bye, Guel…” ani Piper at nilagpasan ako.

Nagkasalubong si Piper at iyong kliyente. Pinauna niya itong makapasok bago siya umalis nang ‘di man lang ako tiningnan.

I’m sorry, Yeshua. She’s angry… she’s mad at you, twin.

Umupo ako sa sofa at nilapag na lang ang pagkain. Natutulala ako. Hindi ko talaga inasahan na magkikita kami ni Piper ngayon.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

5 Responses to Tripped – Kabanata 39

  1. Thanks for the update queen. I hope it will not dugay ang next chaps.?