Tripped – Kabanata 38

May 12, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 38

Kabanata 38
Hanggang Ngayon

He’s looking at me intently. Hindi makapagsalita dahil alam siguro niyang matatabunan lamang ang boses niya sa ingay ng kumakanta.

Hinawi ko ang kamay niya sa aking baywang at bumaling ulit sa kumakanta. Kumanta ako kasama sila. Wala na akong pakealam sa kay Riguel na nandito sa gilid ko.

I have been so careless. I let myself fall into that trap again! At ano na naman ang sasabihin niya ngayon?

Panay ang baba niya sa saya kong tumataas sa bawat talon ko. Binalewala ko siya. Bahala siya sa kung anong gawin niya. Ang importante ay mag enjoy ako ngayon. I don’t deserve to be unhappy. After years of sorrow, I need to be happy, too.

Nang natapos ang concert ay halos mapaos ako. Pagod na pagod din ako. Dire diretso lang ang lakad ko palabs habang sinusundan naman niya ako.

Wala siyang ginawa buong concert kundi ayusin ang damit ko. At anong gusto niyang maging reaksyon ko? Gawin ko siyang hero dahil sa ginawa niya? Kakalimutan ko iyong nangyari?

But when I think of it, wala naman talaga siyang kasalanan, e. Kung may babae siya, hindi ba malinaw na dapat walang pakealamanan. Ang problema lang sa kanya ay pinapakealaman niya naman ako. Kaya dapat palayain namin ang isa’t-isa para patas ang lahat ng ito.

“Lilienne… I’m sorry…” aniya sabay hawak sa kamay ko.

I don’t know how to react. Aawayin ko ba siya? It’s all useless, though. Bakit pa? Tapos na.

Parang pinipiga ang puso ko. Nagbabadya na naman ang mga luha.

This is probably a reminder for me. A reminder that I’m here because of the land. And not because I want to be with Riguel. Riguel’s here for his ambitions, not because he wants to be with me.

Nasasaktan ako.

Ayaw ko mang aminin, pero nasasaktan talaga ako. Ang sakit. I don’t blame anyone. I blame myself for being so stupid… for being so vulnerable… no matter how hard I try to be strong, I would always go weak in the eyes of the only man I probably ever fell in love with.

Binawi ko ang kamay niya at nilingon ko siya. I tried to act calmly. I’m too tired to get angry.

“Asan ang sasakyan mo? Gusto ko nang umuwi…” sabi ko.

Nagulat siya sa tanong ko. Tumango siya at hinawakan muli ang kamay ko.

“Dito…” aniya sabay hila sa akin patungo sa kung saan nakapark ang sasakyan niya.
“I can follow…” sabi ko at binawi na rin ang kamay ko.

Hinayaan niya iyon. Nang natagpuan namin ang sasakyan niya ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Pumasok ako nang ‘di siya tinitingnan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong titig na titig siya sa akin.

Nag seatbelts ako. Nakakapagod ang concert. I’m mentally, emotionally, and physically drained today. Gusto ko na lamang matulog at makalimot.

Pumasok si Riguel ngunit ‘di niya pa pinaandar ang sasakyan. Hinawakan niya ang manibela at nilingon ako.

“Zarah told me you went to my office. Dapat ay pumasok ka na ng diretso…” sabi niya.

Nanatili ang mga mata ko sa parking lot. Mag-uusap ba kami tungkol sa nangyari? Ano na naman ba ang excuse na? Is this going to be my fault again?

“Ayos lang. May kliyente ka. ‘Di ka pwedeng ma istorbo…” sabi ko sa isang kalmanteng tono.
“Sa Alegria, hindi ko nilalock ang pintuan para kung sakaling gusto mong pumasok, pwede kang pumasok. Walang pinagkaiba iyon dito, Lilienne.”

Your secretary told me not to disturb you. Iyon sana ang sasabihin ko kaso ayaw ko namang ipahamak si Ma’am Zarah.

“I told Zarah that I won’t accept visitors but of course hindi ka kasali roon. Asawa kita…” ani Riguel.

Nalaman niya na siguro na hindi nga ako pinapasok ni Ma’am Zarah. Pinag antay ako. Pero hindi naman iyon kasalanan ni Ma’am Zarah. Those were his protocols. So she can’t really break it kahit na ako pa iyong naroon.

“Sige na, Riguel. Gusto ko nang umuwi…” sabi ko.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinaandar ang sasakyan. Nangilid ang luha sa aking mga mata sa galit at inis para sa sarili.

“I want us to talk, Lilienne. This can’t go on like this…”
“I just want to go home, Riguel. Kung hindi ka aalis dito, lalabas ako at maghahanap ng taxi para makauwi na…” sabi ko.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan palabas doon.

“Okay. But we’ll talk at home…”

Tahimik ako buong byahe. Tahimik din siya ngunit mabibigat ang kanyang hininga. Kapag natatraffic kami ay hinahanap niya ang kamay ko at hinahawakan. Akala niya lilingunin ko siya pero hindi ko ginawa. Nanatiling pirmi ang mga mata ko sa kalsada.

“I’m sorry… She wasn’t scheduled that day. She shouldn’t be there actually. Nagulat lang ako nang naroon siya. Nagpatulong sa kaso. I told her to go to her lawyer but she wants me to check it first.”

Nanatili parin ang mga mata ko sa kalsada. He almost forgot that it’s the green light dahil sa pag eexplain niya.

Binitiwan niya ang kamay ko at pinaandar ulit ang sasakyan na muntik nang mahuli. Tahimik ulit habang nagdadrive siya. Paulit ulit na nangingilid ang luha ko kahit na ayaw ko namang umiyak. Bumabalik din ito sa mga mata ko dahil sa pagsisikap kong ibalik sila roon.

Lumabas ako ng sasakyan pagkapark noon sa basement. Normal akong naglakad patungo sa elevator. May mga pumasok ding tatlong babae na tatawa tawa at mukhang galing sa party.

Sumunod si Riguel sa akin.

Pagkapasok namin sa elevator ay tahimik kaming dalawa. Ang tatlong babae ay nanatili sa tawanan.

“Handsome…” sabi noong isa.

Hindi ko na sila nilingon. I was sure that Riguel got their attention.

“Get his number, I dare you…” bulong noong isa.

Hinawakan ulit ni Riguel ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.

“Oh! Damn!” anang isa sa mga babae.

Lumabas kami ni Riguel nang nasa tamang floor na. Binitiwan ko agad ang kamay niya at naglakad ng mas mabilis.

“Lilienne, please… Hear my explanations…” ani Riguel.

I opened the door of the unit. Dumiretso ako sa ref para makainom ng isang basong tubig. Sumunod si Riguel sa akin.

“Hindi ko alam na pupunta siya sa araw na iyon, Lilienne. I asked her to leave but she needs my help. Tinulungan ko lang na iinterpret iyong isang kontrata and then I asked her to leave again because I know we have to go to the concert. Pagkalabas ko sinabi lamang ni Zarah sa akin na galing ka roon at umalis ka na.”

Padabog kong nilagay ang baso sa sink at naglakad na patungo sa kwarto namin. Maliligo ako ng napakatagal hanggang sa matulog na si Riguel. Madaling araw na. Panigurado ay madali siyang aantukin.

“Lilienne, please say something…”

Sumunod si Riguel sa kwarto. Agad kong hinubad ang stilletos ko. I feel like he wouldn’t stop talking unless I speak.

Nilapag ko ang bag ko sa tukador at hinarap siya. Madilim ang kanyang ekspresyon at tila punong puno ng pagsusumamo ang mga mata.

“It’s okay, Riguel. Naiintindihan ko. Sorry, hindi kita inantay sa concert dahil ayaw kong mahuli…” sabi ko at dumiretso na sa banyo para maligo.
“But-”

Padabog kong sinarado ang pintuan para matigil siya sa pagsasalita. Pinaandar ko ang shower ng malakas.

“Matulog ka na! Alam kong pagod ka…” sabi ko.

Tulala ako habang nagsha-shower. I don’t know what to feel right now. I want to hear his explanations but I am so tired. I’m so tired of getting hurt.

Bakit niya kaya pinasa sa iba ang kaso ni Alli? Baka may past sila? At ano ba dapat ang pake ko sa past nila? Hindi ba dapat ay wala? Kaya tama lang itong asta ko ngayon. Kesa sa sumbatan ko siya at kwestyunin sa nangyari, hindi na lang ako magrereact. Dahil ganoon dapat. Tanggapin ko na lang dapat.

I spent almost an hour in the shower. Lumabas ako ng nakatuwalya lang. Si Riguel ay nasa kama at nanonood ng TV. Nilipat niya ang tingin niya sa akin.

Naghanap ako ng pajama sa closet. Hindi pa yata nalalabhan iyong mga naisuot ko. Gusto kong magmura nang nakitang iyong seda na lang ang mga naiwan at iyong mga may lace. I picked up the most wholesome one at bumalik ulit ako sa banyo para magbihis na.

I don’t want to seduce him. I don’t want him to think that I am seducing him through my clothes. I just have no choice right now.

Pagkalabas ko sa banyo ay nanonood parin siya ng TV. And all this time I thought he’d fell asleep after my 1 hour shower.

Tumabi ako sa kanya at tinabunan agad ang aking katawan. Humiga ako at pumikit. He turned the TV off. He then faced my side of the bed.

“Hey…” he whispered in a husky voice. “I’m really sorry…”

Nanatili akong nakapikit. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking tiyan. Hinahaplos ng hinlalaki niya ang aking palad. It sent shivers down my spine. I want to stop him from doing that!

“Before you came here, Lilienne. Kliyente ko na si Allicia Limcangco. I accepted her like how I accepted my clients but she kept on visiting the office kahit na hindi naman niya schedule. And sometimes, she would find an excuse just to visit or so we can meet.”

Kaya kayo nagdidate doon sa kinainan natin, ganoon? I want so bad to show my fangs but I tried not to. Pagod na ako. Pagod na akong awayin na naman siya. Tutal ay kung iyon talaga, wala na rin naman akong magagawa.

“That’s why I asked her to find another lawyer cause I don’t think I can handle her anymore. It’s been months since we last saw each other. Ngayon lang ulit siya nagpakita. Apparently, she’s heard about our marraige. Then she used her case as an excuse. At first, I helped her because she seems so genuine about it. Pero kalaunan ay nagtatanong na siya tungkol sa atin kaya pinaalis ko na siya. Nang lumabas ako binalita lamang ni Zarah na wala ka na.”

So… the girl is probably in love with him. Or maybe obsessed with him? Ginagawa niya lamang na excuse ang kaso para makita si Riguel! What the hell?

But should I believe him?

Years ago, binabalewala ko ang lahat ng masasakit na sabi-sabi kay Riguel. Syempre, dahil mahal na mahal ko siya. Hindi ko sila papaniwalaan. O… baka sa sobrang pagod ko, mas pinili ko na lang na maging bulag. Kahit na nakikita na namin siya na kasama si Isabella… kahit na mismong ang Mommy ni Isabella ay sinasabi nang mag on ang dalawa… Naging bulag at bingi ako sa lahat ng iyon.

And right now, I am not sure if I can accept his explanations. I don’t want to be that kind of girl anymore. Siguro nga ay gusto ko pa siya ngayon pero hindi ko siya kasing gusto noon na kaya kong magpakadesperada! Kung ayaw niya sa akin, e ‘di huwag. Kung may iba siya, magpakasaya siya. Magpapatawad ako pero hindi ako makakalimot.

“Hey…”

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko.

“I did not lie to you, Lilienne. Iyon talaga ang totoong nangyari,” aniya.

Inalis ko ang kamay ko sa aking tiyan para mabitiwan niya. Nilagay ko iyon sa tagiliran ko.

“Please, talk to me. Lienne, hindi ka nagsasalita. Come on, shout at me…” punong puno ng pagsusumamo ang kanyang boses.

Parang may humahawak sa puso ko dahilan ng pagbabadya ng aking mga luha. Please, don’t cry, Lilienne.

“It’s okay, Riguel. You don’t have to explain it to me. We’re not really married. I’m not really your wife…” sabi ko at tinalikuran siya para makatulog na ng maayos.

“No…” aniya sabay haplos sa aking baywang.

Halos mapunit ang labi ko sa kakakagat. Lilienne, please don’t fall again. Please, don’t let your self fall for him again. It’s stupid.

“Lienne…” bulong niya sabay lapit at yakap sa akin galing sa likod.

Shit…

Para akong nanghina sa higpit ng yakap niya.

“This isn’t just papers to me. If it is to you, then fine… But to me, it isn’t…” bulong niya.

Nanatili ang mukha niya sa aking batok. Ang hininga niya ay nangingiliti sa aking leeg. Ang balahibo ng kanyang binti ay nararamdaman ko sa aking mga binti. Our feet touched. His iron clad chest touched my back.

“You’re my wife. I am married to you. Only you, baby…” bulong niya. “I’m sorry.”

What is he talking about? What the hell is this?

Nanginig ang aking balikat dahil sa pagpipigil ko ng luha. Hindi na yata kinaya ng aking sistema at napaiyak na ako.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. He made his way to my shoulders. His jaw stayed there.

“I’m sorry. I don’t want you jealous…” bulong niya.

Pinunasan ko ang luha ko. Tangina, Lilienne! Bumibigay ka agad, e!

“Sa halos dalawang buwan na nagsama tayo, nakalimutan ko ang galit na binitbit ko ng walong taon. Nakalimutan ko kung paano mo ako iniwan noon pagkatapos kong ipahayag sa’yo ang tunay kong nararamdaman.”

Lumipat ang kamay ko sa aking mga pisngi para mapunasan ang aking mga luha. He reached for them and he held both my hands.

“Mahal parin kita hanggang ngayon,” bulong niya.

I don’t want to be gullible. I’ve been that kind of girl years ago. At ano ang ginawa nito sa akin? Sa huli, nasaktan lamang ako.

“Please look at me. Please face me, Lienne…” bulong niya. “I’m sorry…”

Parang may punyal na tumatama sa aking puso dahil sa mga sinasabi niya. Punong puno na ng luha ang aking pisngi.

Sobrang pagod na ako. Sa sakit. Sa lahat. I don’t want to quickly judge him. I don’t want to decide right now. I just want to shield myself for whatever’s coming. I want to give myself some time. Dahil sa loob ng ilang taon, ngayon ko lang talaga ulit naisip ang sarili ko. Ngayon ko lang ulit minahal ang sarili ko. Ngayon ko lang ulit pinrotektahan ang sarili ko.

Marahan niya akong hinila para maharap ko siya. Mapupungay ang mga mata ni Riguel habang pinupunasan ang luha ko.

He kissed my right eye. As if it’d stop my tears. He kissed my left eye, too. Natigil ang luha ko pero hindi iyong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Then he kissed my lips. Mababaw ang mga halik niya. Like he wants to concentrate only on my lips.

Pumikit ako. His lips are soft and tender. I’d like to taste him but I know that doing that right now would mean I did not give myself some time to process all of these.

Unti unting naging mapupusok ang kanyang mga halik. Bolta boltahe ng elektrisidad ang naglakbay sa aking batok patungo sa kasulok sulukang parte ng aking katawan. Hinawakan niya ang aking panga para mas magkaroon pa ng access papasok sa aking bibig.

Then he stopped kissing me. Napaawang ang bibig ko nang nakita siyang tinitingnan akong mabuti.

The comforter’s already down. My chest is almost already exposed. At nasa kanyang dibdib na ang aking kamay nang ‘di ko namamalayan. My body is already so willing to give him more.

He smiled weakly. Kinuha niya ang comforter at tinabunan ang aking katawan. Hinila niya ako palapit pa sa kanyang katawan at tinabunan niya ako ng kanyang braso at binti. His nose is almost touching my ear. His breath is caressing my neck. Mabilis ang kanyang hininga. Tulad ng hininga ko. At unti-unti itong pumirmi saglit ang lumipas.

“Forgive me, Lilienne. Forgive me for making you feel jealous today. Forgive me for luring you into marraige kahit na ‘di ko alam kung mahal mo pa ba ako. I’m selfish. I only think about myself. That I can make you happy. That I can be happy as long as I’m with you…” bulong niya.

I licked my lower lip. Dilat na dilat pa ako habang nakikinig sa kanya.

“Nagkamali ako. I can’t be happy seeing you sad with me. I feel like I’m in hell everytime I see you cry in my arms…”

Humugot ako ng malalim na hininga.

“After eight years, I’m still in love with you…” bulong niya. “So much…”

Parang may dumaang sakit sa aking puso. Hindi ako makahinga. Pinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang mabilis at malakas na pintig ng aking puso.

Iyon ang huling sinabi niya sa gabing iyon. Nakatulog din ako ng payapa pagkatapos.

Kinabukasan ay nagising ako ng naroon parin si Riguel sa aking tabi. Nakayakap parin siya sa akin at mahimbing ang tulog.

Noong una akala ko may pasok ako pero napagtanto kong Sabado nga pala ngayon.

Inisip ko lahat ng sinabi ni Riguel kagabi. Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa ako ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako.

I am not ready to do this with him. I am not ready to believe again. I am not ready to be in that kind of relationship with him. I am not longer that kind of girl years ago.

I may have given him the right to me. I may have invested feelings for him. But I am not yet emotionally stable to accept it fully right now. Iyon ang totoo. At hindi ko iyon pwedeng baliwalain dahil lang sa sinabi niya.

The key to building a good relationship with a partner is to build a good relationship with yourself. If I cannot fully understand my self, then that’s a red flag for me. Ibig sabihin noon, masasaktan ko lang ang sarili ko… masasaktan ko lang si Riguel. Magkakasakitan lang kaming dalawa.

I want time. I want space. I want to think about it. Ayaw kong magpadalos dalos.

Dahan-dahan kong inalis ang kanyang braso sa aking dibdib para makawala. Nang tuluyan akong nakabangon ay kinusot ni Riguel ang kanyang mga mata. Nang dumilat siya at nakita akong nakatayo na ay bumangon agad siya.

“Where are you going?” tanong niya.
“I’ll just… cook our breakfast,” sabi ko.

Medyo magulo ang buhok niya at pagod pa ang mga mata. Agad siyang tumayo at hinarap ako.

“Ako na. Matulog ka muna…” aniya.
“No… You seem so tired. I can cook now. Ngayon lang naman… Gusto ko ring magluto ng breakfast.”

Napaupo ulit siya sa kama at hinilamos ang kanyang palad bago tumingin ulit sa akin.

“If that’s what you want then…” aniya.

Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Sinundan niya lamang ako ng tingin.

Dire diretso ang tungo ko sa kitchen. Iniisip kong hindi kailanman magiging mali ang humingi ng oras para sa sarili. Hindi rin naman siguro nagmamadali si Riguel. We still have six months to decide what’s best for us. I still have six months to finally fix my life and my mind.

Kumuha ako ng kawali pagkalabas ng mga hotdog at itlog. I brewed the coffee while cooking the scrambled eggs.

Pumasok bigla si Riguel sa kusina at kinuha ang kapeng pinapainit ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His eyes looked defensive and curious at the same time.

“Kunin ko lang ‘to…” aniya sabay stretch ng kanyang braso patungo sa kape.

Lumayo ako ng bahagya sa induction para makuha niya ang kape. Nang nakuha niya na ito ay nanatili pa siyang nakatayo roon.

Tiningnan ko ang scrambled eggs. Malapit na iyong maluto.

“Ako na ang mag to-toast ng tinapay natin…” aniya at dumaan siya ulit para makalapit sa ref.
“Okay…” sagot ko.

Kinuha niya ang loaf bread sa ref at dumaan na sa likod ko para makadiretso sa lamesa.

“Paubos na pala ang mga pagkain. Mag grocery tayo mamaya?” anyaya niya.
Tumango lamang ako at nanatili ang mga mata sa niluluto.

Lumabas siya ng kitchen. Sumulyap ako sa kanya at nakitang nilalapag ang mga kinuha sa lamesa.

Niluto ko na rin ang hotdog. Nakatingin parin ako sa niluluto ko nang bigla ulit pumasok si Riguel sa kusina.

Nilingon ko siya. Medyo magulo parin ang buhok at mukhang antok na antok pa. Bakit hindi na lang siya matulog tutal ay nagluluto pa naman ako? Hindi ko na siya pinagsabihan. Iyan ang desisyon niya, bahala siya.

“Kunin ko lang ang freshmilk at tubig…” he explained.
Tumango ako at binalik ulit ang mga mata sa niluluto.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.