Tripped – Kabanata 37

May 12, 2016 By In Tripped 1 Comment

Kabanata 37
Protect

Mababaliw na yata ako kay Riguel. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos ngayong narito siya. Siya pa mismo ang nagtutulak sa akin na magtrabaho. Inaral niya pa kung paano iyong ginagawa ko.

Sa huli ay umalis din siya para sa hearing na sinasabi niya. Hindi matanggal ang ngiti ko kahit na wala na siya.

Inaayos ko ang mga papel sa aking lamesa nang may nakita akong dalawang itim na papel doon. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na ticket iyon sa concert ng paborito kong banda! Oh my God!

Napatili talaga ako sa opisina. Chineck pa ako ng mga empleyado para tingnan kung ano ang problema ko.

But then is he going to be with me? That’s a week from now!

Tatawagan ko sana siya para magpasalamat kaso lang, naisip ko na baka nasa hearing siya kaya busy.

“Mabuti ka pa at blooming na blooming ang lovelife mo, ha? Ako, heto, stressed. Umiyak ako buong gabi…” ani Suki.
“Ha? Bakit?”

Tinitingnan ko siya habang nagdadrive. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano. Minsan kasi nagbibiro lang siya. ‘Tsaka hindi naman kasi siya iyong nagseseryoso sa love life.

“Wala lang. Ewan ko.”
“Is this about Basty?”
“Hindi.”
Umirap ako. “E ‘di kanino?”
“Basta… ‘Di ko maintindihan. Kakalimutan ko na lang. Ewan ko, Lilienne…”
“If this is about Basty, I’ll ask Riguel to talk to him. Tinawagan niya kanina si Basty para makausap kaso kakagising lang daw kaya hindi niya nakausap ng maayos.”
“Ay naku! Hindi na dapat ako makialam sa isang iyon. Kung ayaw niya, e ‘di huwag. May gagawin ka ba later?” ani Suki.
Umismid ako. “Ipagluluto ko sana si Riguel at aantayin sa dinner para magpasalamat sa tickets na binili niya para sa akin. Bakit? Gusto mong lumabas?”
“Hindi naman. Kakausapin ko rin si Daddy mamaya kaya hindi ako pwedeng lumabas.”

Hinatid ako ni Suki sa bahay. May bibilhin daw kasi siya malapit doon.

Naisip ko siya habang papunta ako sa condo. Umiiyak si Suki? Hindi ko maimagine. I only see her as a funny, jolly, and a strong person. I can’t imagine her weak and crying.

Pinagluto ko si Riguel ng Kare-kare. Bago ko lang iyan natutunan at maayos naman ang luto ko kaya iyon ang ginawa ko para sa espesyal na gabi. I want to thank him for the tickets.

Nang dumating siya ay ngiti agad ang sinalubong niya nang nakita ako sa lamesa. May mga kandila akong hinanda. Candlelight dinner, ‘yong plano ko. Ang korni pero huli ko na narealize na korni pala siya.

Binagsak niya ang dalang case sa sahig at agad akong sinalubong ng yakap. He smells so nice. Tulad parin ng perfume niyang mamahalin. So manly.

“Thanks for the tickets…” I said.
“You’re welcome… You deserve it.”

Uminit ang pisngi ko nang nilingon niya ang lamesa. Kitang kita ko ang pagkakamangha niya sa ginawa ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin. Ngumiti lamang ako.

“Is this for…”
“For us, Riguel. Kasi naman… lagi na lang tayong nag-aaway. You made a move for our relationship to get better by giving me the tickets. This is my move… We’re even…”

Ngumiti siya at umupo sa tapat na silya sa akin. The candlelights illuminated the strong features of his jaw. Umupo na rin ako, hindi matanggal ang ngisi sa aking labi.

Sa samahang ito, hindi na rin masama na maramdaman ko kung paano talaga ang tunay na mag-asawa, hindi ba? Besides, even if we separate, this will be carved to my name, to my history.

“Marunong ka nang gumawa niyan?”
Tumawa ako. “Niluluto ko ‘yan tuwing tanghalian noon. Ngayon ko pa lang niluto ng gabi…”
Tumango siya. “Let me be the judge, then?”
“Sure!”

Nilagyan niya muna ang pinggan ko bago iyong kanya. Hindi muna ako kumain dahil gusto kong antayin ang kanyang reaksyon.

Tumango siya at dinilaan ang kanyang lowerlip.

“It’s good!” aniya.
Pumalakpak ako. “Thanks!”

We spent the rest of the night like that. Parang may ceasefire pagkatapos ng ilang linggong laging nag-aaway. Syempre, bilhan ba naman ako ng tickets.

“I’m sorry the tickets aren’t VIP, though. Naubusan na tayo. Last week pa sana ako bibili pero naghanap ako ng VIP. Sa huli, wala akong nahanap kaya iyan na lang. Malapit din naman iyan.”
“Ayos na ‘to! Kahit nga iyong pinakamalayo, ayos lang! Wait… You’re coming with me?”
Kumunot ang noo niya. “Why? You thought I’m letting you go alone? Or with someone else?”
“I thought you want me to bring Suki because you don’t like this band?”
“I never said I don’t like that band, Lilienne. Naimbitahan mo na ba si Suki?”
“Hindi. I… kind of… hoped that you’d…” Hindi ko matapos. Damn!
“Yes, I’ll be with you. The cons of having the VIP tickets is the possibility that you’d be able to meet them in person backstage. I don’t like that so I think that’s a better choice.”

Napanganga ako sa mga sinabi ni Riguel. Did he really dig that far before he got me the tickets?

“At bakit ayaw mo silang ma meet ko?” nagtaas ako ng kilay.

Pinagtaasan niya lang din ako ng kilay. His eyes were devilish. It almost made me tremble. Uminom siya ng tubig, never losing eye contact.

“Kainis k! Napaka seloso mo!” sabi ko sabay turo sa kanya gamit ang tinidor.
“It’s the duty of the husband to protect the wife from temptation. I just don’t want to try and test you…”

Humagalpak ako sa tawa. Parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. Nights like this feels very nostalgic… very light… something I have not felt for years…

Hindi ko alam na matatagpuan ko iyon dito sa Maynila. Hindi ko alam na pagbalik ko rito, ‘tsaka ko mararamdaman iyon. To feel home… even when I’m not really at home. To feel secured and safe.

Si Riguel ang naghugas ng pinggan habang nanood ako ng palabas sa TV. He then went to me after his chore. He sit beside me, with him some papers maybe for further reading.

“Ba’t ‘di ka sa office mo?” tanong ko.
Umiling lamang siya. “I trust that you won’t disturb me. Can I?”
“Anong akala mo sa akin, magulo? Oo na. Nanonood lang naman ako ng TV dito, ‘no!”

In the end, I fell asleep on his shoulders. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama the next day but I smelled like him. My shoulders, my neck, my hands… I smell like Riguel Alleje. Maybe he carried me to bed.

The next days went smoothly. Medyo naging abala si Riguel dahil sa mga kasong hinarap niya. Siguro na rin ay bilang paghahanda na rin iyon sa aming pag-alis dahil malapit na iyon. Para naman wala siyang maiwang trabaho kung sakaling aalis na kami.

Minsan ay tulog na ako pagkauwi niya. Inintindi ko naman iyon at inisip na para iyon sa pag-alis namin. Hindi ko pa alam kung kailan at kung saan pupunta pero sinabi niya sa aking ayaw niya raw na maistorbo habang nasa bakasyon kami.

Sa araw ng concert ay may naisip ako.

Gusto kong puntahan siya sa kanyang opisina. I’ve never been there. I guess it won’t hurt, right? And according to his schedule, nasa opisina lamang siya the whole time sa araw na iyon kaya mas ayos.

Ang sabi niya, maaga raw siya ngayon para makapaghanda pa kami sa concert. Tingin ko naman ay hindi pa siya makakauwi sa parehong oras ng pag-uwi ko kaya bibisitahin ko siya para sabay na kaming umuwi.

Paulit-ulit akong tiningnan ng babae sa hall ng floor nina Riguel. Pinasadahan ko ng tingin ang buong opisina. Maraming empleyado at medyo busy ang lahat. Maraming papel. Kumpara sa opisina namin, konti lang ang cubicles dito. May mga offices sa tapat, siguro ay para sa mga lawyer.

“I’ll call one of Atty. Alleje’s secretary so she can guide you where to wait…” sabi noong babae.

Where to wait? Why? Am I not allowed to go inside his office? Well, Lili, hindi ito bahay n’yo kaya maaaring may mga bigtime siyang kliyente na ayaw na may bigla-bigla na lang na pumapasok.

May lumabas sa salaming pintuan. Isang nasa mid thirties na babae, may katabaan pero mestiza at mukhang masiyahin.

“Hi, are you Mrs Lilienne Alleje?” naglahad na siya ng kamay sa akin.
“Yes.”
“I’m Zarah San Pedro, Attorney Alleje’s secretary…”

Nagkamayan kami. Malaki ang ngiti niya at parang sinusuri ako.

“Nice to meet you. Lagi ka niyang nababanggit sa akin, Ma’am…” sabi ko.
“Nice to meet you, too, Ma’am. I have always been curious with Attorney’s wife. Ang sabi ng mga kakilala niya, maganda raw. Hindi sila nagkamali…”

Tumawa lamang ako.

“Come with me, Ma’am…” sabi niya sabay bukas ng pintuan papasok sa loob.

Sumunod ako sa kanya ay may mga nakakasalubong akong mga lalaking naka suit.

“Sino ‘yan, Zarah? Kliyente ni Attorney Alleje?” tanong noong isang medyo gwapo at medyo kasing tanda ni Ma’am Zarah.
“Hindi po, Attorney. Asawa niya po ito…”
“Whoa!”

Naglahad agad ng kamay iyong lalaki. May mga lumapit pa at ganoon din ang ginawa.

“John Torres, po, Ma’am. Nice to meet you in person! Sa pictures ka lang namin nakikita sa Facebook!”

Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian.

“Wow! I hope those pictures looks good. Lilienne na lang po, Attorney. Nakakahiya naman…” sabi ko.
May isa pang naglahad ng kamay. “Joel Ocampo, Lilienne…” sabi noong mas bata.

Medyo natagalan ako roon dahil sa mga nakikipag-usap sa akin. Kung saan saan pa pumunta ang topic.

“Anong klaseng asawa ba si Attorney Alleje?” tumawa si Attorney Torres.
“Ayos lang…” Hindi ko alam kung paano sasagot.
“Ayos lang? Hindi sweet! Tss… Kaya naman pala mukhang laging mainit ulo. Hindi pala nakukuha ang loob ng misis niya!” tumawa siya.
“Lagot ka kay Riguel, John!” sabi noong isa.
“Hindi naman. Sweet naman siya minsan…” sabi ko.

Nilingon ko si Ma’am Zarah na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa pintuan papasok sa isang opisina. Marami pang sinasabi ang mga naroon kaya lang ay nahihiya ako sa sekretarya ni Riguel.

“Hey, I need to go, po. Ma’am Zarah is waiting…” sabi ko.
“O sige, Miss Lilienne. By the way, you don’t look married. You look so young. Sana ay nakapag explore ka ng mabuti bago ka nagpatali…”
Kumunot ang noo ko. Medyo hindi ko nagustuhan ang tono noon. “Nakapag explore naman ako. At gusto ko rin kasing kasama si Riguel sa mga ginagawa ko kaya ayos lang na maaga akong nagpakasal…”

I smiled at him. Tumango siya at tinalikuran ko na para makapaglakad na patungo kay Ma’am Zarah.

Pagkapasok ko sa munting opisina ni Ma’am Zarah ay nakakita ako ng isa pang pintuan. Tumango ako sa mga lawyer na nakikita ko sa labas dahil sa salaming dingding na naroon.

“Ma’am, dito ka na lang po muna sa sofa mag antay at may kinakausap pa si Attorney Alleje.”
“Sige po, Ma’am. I can wait…” sabi ko.

I took my phone out and tried to play some games. Fifteen minutes later, I got bored from playing. Sumakit din ang batok ko sa kakatitig sa cellphone kaya tumayo ako.

Nag-angat ng tingin si Ma’am Zarah sa akin.

“Uh, did you tell him I’m here?”

That did not sound right. Para bang nagdedemand ako.

“Uh… I want to, Ma’am, but I was told that I shouldn’t disturb them so… Anyway, baka iba nga rin ‘to dahil asawa ka niya. I’m sorry, Ma’am…” Tila siya’y nalilito. “I’ll… I’ll speak to him.”
“Wait lang…” sabi ko bago niya mapindot ang isang speaker. “It’s okay. I can wait. Who’s his client ba? Must be really important…”

Napatingin ako sa aking wristwatch. OA ba? Baka ma late kami sa concert.

Well, that’s only a concert, Lilienne! Trabaho ang pinag-uusapan dito!

“Si Miss Allicia Limcangco po…” aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. Who is it again? Allicia Limcangco?

“I can talk to Attorney right now, Ma’am. I can inform him right away that-”
“Ito ba ang kliyente niyang si Alli?” tanong ko ng natatawa.

Something deep inside me burned. Parang ang bilis nitong kumalat sa aking sistema na agad agad kong naramdaman ang hapdi sa mga karatig na parte ng aking puso.

“Opo. Do you know her, Ma’am?” Kumunot ang noo ni Ma’am Zarah.

Dinampot ko ang bag ko galing sa sofa. Mabilis ang hininga ko at medyo umiinit ang ulo ko.

Does Riguel usually have that rule? To never disturb him while he’s in session? Malamang hindi kasi lito si Ma’am Zarah kanina kung tatawagin niya ba si Riguel o hindi!

At anong ginagawa ng babaeng ‘yan gayong sinabi niya’y hindi na siya ang naghahandle ng kaso? Ano? Second opinion? What the hell.

“Uh…” Kitang kita ko ang pagkakalito ni Ma’am Zarah.
“You know what… sa bahay na lang ako mag-aantay. Huwag mo nang tawagin si Riguel, baka istorbo lang sa ginagawa niya, mapagalitan ka pa…”

Lumabas ako ng diretso sa opisina. Ni wala akong tiningnan sa kahit na sinong naroon kahit na may nagtatawag sa akin. My mind is just spinning with anger and disdain.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang aking I.D. sa hall. Pati sa pagpindot ng elevator ay nanginginig ako.

How dare Riguel do this to me! Sinungaling siya! Pati sa akin, nagsisinungaling siya!? Sa bagay, Lilienne, nagsinungaling nga siya sa kanyang Lolo at Lola, sa’yo pa kaya.

Allicia Limcangco, huh? Why is she there? Lagi ba iyong naroon? Samantalang sinabi niya na hindi na raw sila nagkikita? Hindi nagkikita? Are you fucking kidding me!?

Pumara ako ng taxi. Malapit lang ang condo rito kaya agad din akong nakarating. Sa elevator ay walang tigil ang luha ko. Pagalit ko na lang na pinupunasan ang mga nangangahas na tumulo.

Napakawalang hiya nito! At bakit ako umiiyak, huh? Ano ngayon kung may iba siya? Huh? Sa papel lang naman din kami kasal at hindi sa damdamin. Kaya bakit pa ako nagugulat?

I hate myself for crying. I hate myself for being so affected! I shouldn’t be. That only means I can go out with other men, too. At dapat niya akong payagan! Dapat niya akong pakawalan! Dahil ako? Pinapakawalan ko siya!

Mabilis akong nagbihis ng damit para sa concert. Ang hirap palang maglagay ng make up habang umiiyak. Nabubura at nagssmudge.

Iniisip kong ‘di na lang ako pupunta sa concert dahil sa nangyari pero naisip ko rin na iyon na lang ang paraan ko para makatakas. Wala akong pakealam kung sumama siya o hindi! Tingin ko rin naman ay ‘di na siya sasama dahil busy siya.

Kung nag-antay ako rito sa bahay baka na disappoint lang ako. Tapos ang ending ay papatawarin ko siya dahil trabaho iyon! Buti na lang at binisita ko siya at least hindi ako bulag na nagpapatawad na lang para lang intindihin siya.

Anong akala niya sa akin? The usual poor and submissive housewife? Kaya niya siguro ako gustong huwag na magtrabaho dahil dito? Baka ayaw niyang lumalabas ako ng bahay para ‘di ko siya mapuntahan!

The skimpiest blackdress hugged my body tightly. Tumunog ang aking cellphone sa tawag ni Riguel at agad ko iyong kinancel.

Kinuha ko ang isang ticket at ang isa ay nilagay sa basura. Mabilis kong kinuha ang bag ko at dumiretso sa kusina para hanapin ang mga inumin doon. Nagbukas ako ng isa at uminom ako ng mga limang baso bago ako umalis.

Dapat ay magdidinner pa pero dahil hindi ako gutom, dumiretso ako sa Arena para sa concert. Dahil sa traffic ay mahigit isang oras ang naging byahe. Sakto lang sa pagdating ko roon.

Maingay ang mga tao at may mga laser beams silang winawagayway. Habang nanonood akong mag-isa sa ibang banda ay naiiyak lamang ako.

Pakiramdam ko ako lang yata ang sobrang lungkot habang pinapanood ang concert na ito.

Pinatay ko ang cellphone ko dahil paulit ulit na tumawag si Riguel. Tumayo ako. Gusto kong makisabay sa kantahan. Naramdaman ko agad ang pag-alon ng aking tingin. I guess alcohol is now finally hitting my system.

Lilienne, anong sinabi ko sa’yo noon? Thinking about the future helps. It helps you to avoid heartaches like this. But then thinking about the future will rob me the happiness I should’ve felt.

Alin nga ba ang mas matimbang? Ang pigilan ang sariling maging masaya para hindi na umasa o ang hayaan na lang at pagbayaran na lang ang pag-asa sa huli?

Tumigil ako sa pagkanta dahil sa paghingal ko. Dahil sa paghikbi ko. Tinakpan ko ang aking bibig nang naalala kung bakit talaga ako nandito ngayon.

Yeshua, yes, I just do not learn. I’ve been hurt by the same man before. And right now, he’s hurting me again. I do not learn that I needed to experience it twice.

You’re probably the conscience that’s keeping me from being happy for the past weeks, reminding me of the pain it can cause me. At hindi na naman ako nakinig sa’yo. Tulad noon. Kaya heto na naman ako.

I’m sorry, my twin. I am so sorry. For failing you in your lifetime and in mine.

All you wanted was to protect me from harm, all I did was risk everything.

Pumikit ako at humikbi. Sa huli. Ako rin pala talaga ang iiyak.

Sa mukha ng tunay na sakit, may luha parin pala talaga ako. Pinunasan ko ang luha ko at dinilat ang mga mata. Umilaw ang stage at tinawag na ang paboritong banda ko.

Sa sobrang lungkot ko ay natulala na lang ako sa stage.

I shouldn’t stay like this. I can’t stay like this. That’s enough, Lilienne. Gaga ka. Hindi naman kayo, e. Kasal lang kayo pero wala siyang pananagutan sa’yo. Come on! You’re better than that! To all the boys you’ve been with years ago, you were not this clingy and jealous. Why now? You changed. And did that change made you a better person? You were even better that way.

Sumigaw ako ng “I love you!” para sa paborito kong banda at tumalon na nang nagsimula na silang kumanta!

Tumingala ako at dinama ang lahat ng iyon. Yeah right!

“Woooo!” sigaw ko.

I need to enjoy this! At least enjoy this!

Habang tumatalon ako ay may isang kamay na pumirmi sa aking baywang na tila hinihila ako sa tabi ko!

“Ano ba?!” pagalit kong sigaw sa kung sino man iyon.

Nagtatalunan ang mga nasa paligid ko. Ako lang yata at ang nasa tabi ko ngayon ang hindi. Kahit sa dilim at konting sayaw ng neon lights ay nakikita ko ang seryosong mukha ni Riguel.

He smells so good. He’s wearing a black v neck t shirt and his arms are all over me. Ang isang kamay niya ay hinila pa pababa ang saya ng aking dress.

What the hell is he doing here?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

One Response to Tripped – Kabanata 37