Tripped – Kabanata 36

May 12, 2016 By In Tripped 4 Comments

Kabanata 36
Meron

“Why do you always have to pick those kind of clothes?” humalukipkip si Riguel nang lumabas ako ng fitting room.

Marami na siyang binili para sa akin. Halos lahat pakiramdam ko para sa mga formal occassions at walang pang casual kaya ngayon ay pumili na talaga ako. Hindi niya yata nagugustuhan iyong mga nakukuha ko dahil busangot ang kanyang mukha.

“Are you going to wear that for work?” ani Riguel.

It’s a coachella type of shirt. Maganda naman siya at pwedeng ipangtrabaho kahit paano. I guess he didn’t like the idea of showing skin.

“Pwede. Sabi naman ni Suki ay pwedeng ganito…”

Tumigilid ang ulo niya at huminga ng malalim. I smiled at him. Alam kong pagbibigyan niya rin ako.

Binili niya naman. Actually, I’m not telling him to buy it. Siya na mismo ang nagsasabi sa saleslady na kukunin niya. Hindi ko alam kung anong batayan niya pero may ibang damit na naisukat ko na hindi niya naman pinapansin. Ayos lang at hindi ko rin naman gusto iyong mga iyon.

Papunta kami sa isang restuarant ng nadaanan ulit namin ang isang stand na may poster ng nalalapit na concert ng paborito kong banda. May ticket price na sa baba ng poster. Pinasadahan ko agad iyon ng tingin.

It’s worth 15 thousand pesos. Well, the VIP. Iyong pinakamababa naman ay nasa One thousand pesos. Gusto kong bumili ngunit nanghihinayang ako sa pera.

Inisip ko muna kung dapat bang bumili. I’ve never seen them live. I have never heard them live. But I’m sure this isn’t going to be the last time, right? Marami pang pagkakataon. Lalo na kapag nasa U.S. na ako.

“Your favorite band?” Riguel asked.
Nilingon ko agad siya. “Yeah. Kasali sila riyan.”
“Want to buy some tickets? Isama mo si Suki…”

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bumagsak ang damdamin ko sa sinabi niya.

“Hindi na. Marami pa naman ‘yan, e…”

Hindi ko na nilingon ulit ang poster dahil ayaw kong isipin niya na hindi iyon matanggal sa aking isipan.

Is he that busy to ask me to be with Suki in that concert?

Mahirap talagang magkaroon pa ng maraming memories kung hindi naman magtatagal. Iyon siguro ang iniiwasan niya.

Pormal na restuarant ang kinainan namin ng hapunan. Ito yata ang unang pagkain namin sa ganitong may apat na course talaga.

Ginala ko ang mga mata ko sa mga taong naroon. Halos lahat ay mga magkasintahan o ‘di kaya’y mag-asawa na nagdidate. Kami lang yata ang… well, technically, we’re married so we fit in here.

Naabutan ako ni Riguel na nakatitig sa mag-asawang kulang na lang ay maghalikan sa kanilang lamesa. The girl looked so in love with his man. Ganoon din ang lalaki sa kanya.

Sinarado ko agad ang menu at tumuwid sa pagkakaupo nang nilingon ni Riguel ang line of vision ko. Kumunot ang noo niya nang binalik sa akin ang tingin.

“What’s your order?” tanong niya.
“I can’t decide. I’m fine with what you want to order, Riguel. ‘Tsaka… ang mahal dito… Marami pa naman yatang mas murang restaurant sa labas…” sabi ko.

You can really see the chefs doing their thing. Ang lahat ng muwebles ay mukhang mamahalin. Pati tao, mamahalin din.

Nasanay ako sa karangyaan noon ngunit dahil nasa Alegria kami, hindi kami ganito mamuhay. Now, the tables have trully turned. Riguel can afford this with no sweat habang ako ay pinanghihinayangan pa ang gagastusing pera.

“We’ll have some Smoked Salmon, New England Clam Chowder…”

Patuloy na nag-order si Riguel. Hindi ko na masundan iyong mga sinabi niya dahil mukhang kabisado niya ang pagkain dito. Lagi kaya siyang pumupunta rito? At sino ang kasama niya?

Pagkaalis ng waiter ay may pumalit agad na nagsalin ng wine sa aming wine glass. Riguel’s eyes reflects the light from the candles in front of us. Parang may punyal na tumama sa aking puso.

“Lagi ka ba rito?” tanong ko.
“I meet with some clients here…” aniya.
“Wow! Your clients are high end, kung ganoon…”
“Some of them are politicians, Lilienne…”

Sumimsim ako ng konti sa wine na nasa harap.

“Nabisita n’yo na rin ‘to ni Alli? Iyong kliyente mo…”
Bahagyang tumagilid ang ulo niya at napanguso sa tanong ko. “Well, yes.”
“Is she a politician, then?”
“No… My other clients are…”

Oh! Well… Tumango-tango ako habang seryoso siyang nakatingin sa akin.

“So… tapos na iyong kaso niya? Naipanalo mo naman?”

This is not a trick question, alright? I’m just really curious. And anyway, there is nothing to talk about!

“Hindi ko natapos. Binigay ko sa iba.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Ito ba ang pinili mong pag-usapan natin, Lilienne?”
“Wow! Topnocher Attorney Riguel Alleje, hindi natapos ang isang kaso. Bakit mo binigay sa iba?”
“Lilienne, marami akong ibang kasong mas importante kaya iyon ang pagtutuonan ko ng pansin, okay? Please let’s not make this about Alli. She’s a past client. We don’t even see each other anymore.”
“Fine. If you say so…”

Natahimik na ako. Ngayon ay wala na akong masabi sa kanya.

“It’s almost two months, Lilienne, hindi pa ba nalalaman ng mga magulang mo ang nangyayari rito o sinabi mo sa kanila ang ginagawa nating dalawa?”

Muntikan na akong mabilaukan sa sarili kong laway sa tanong niya. Kung ito lang din naman ang pag-uusapan namin, sana ay bumalik na lang kami kay Alli, kung ganoon.

“Hindi nila alam,” simple kong sinabi.
“Pupwedeng ako ang kumausap sa ama mo kung sakaling mapag usapan n’yo ang bagay na ito. By now… they probably know what’s happening. Although, I told Nana Sela that she shouldn’t tell your father about this, alam kong ang mga kamag-anak mo o ‘di kaya’y kaibigan ng pamilya mo’y nambalita na sa inyo.”

Kailangan ko pa bang ipaalam kay Riguel ang nangyari sa amin? Kung pu-pwede lang naman akong umalis pagkatapos kong mabawi ang mansyon ay ayos na iyon. Hindi niya na kailangan akong kaawaan.

“Hindi na, Riguel. Kapag nalaman nila, malulusutan ko na iyon. Huwag kang mag-alala.”

I need another topic. This can’t go on. Hindi ko yata makakayanan kung itatanong niya sa akin si Yeshua.

“By the way, how’s your schedule? Hindi ba ay is-schedule mo na iyong alis natin, sabi mo? Kailan na? I want to unwind.”

Mariin ang tingin niya sa akin ngayon. Hindi siya nakasagot lalo na nang dumating ang waiter kasama ang cart para sa unang course ng pagkain. Dinungaw ko na lang ang pagkain ko para hindi maging awkward.

“We can book it by the end of the month, if you want.”

Hindi naman kaya ako papagalitan ni Suki? Kakastart ko lang sa trabaho ay magbabakasyon agad ako? At hindi ba pagkatapos noon ay aalis na rin agad ako?

“Do… Uhm… we separate after that trip?”

Pasulyap sulyap ako kay Riguel habang kumakain. Nanatili naman siyang nakatingin parin sa akin.

“No, we shouldn’t.”
Tumango ako. “Right! Baka maisip ng judge na dinadaya natin siya…”

Hindi ko alam pero nabunutan ako ng tinik doon.

Kumain na lang kami. Puro komento na lang tungkol sa pagkain ang nagawa ko. Mabuti na itong ganito at nag wala nang mapag-usapang mas seryoso. For some reason, I’m scared of serious conversations with Riguel now. Lalo na ngayong napagdesisyunan kong ‘tsaka na isipin ang lahat kung kailangan na. Habang hindi pa kailangan ay huwag na muna.

Noong Sunday ay nag-aral na lang ulit akong magluto sa bahay. Nanood siya ng TV habang nagluluto ako ng tanghalian at pagkahapon naman ay may binasa siyang kaso habang nagpalinis ako sa condo at nagpalaba na rin ng mga damit.

That was our set up. And it’s fine with me.

Hindi ko na masyadong inabala ang sarili ko sa pag-iisip tuwing natatagalan siyang umuwi sa trabaho. Hindi ko na rin siya kinulit sa kahit ano. We casually talk at dinner at dahil nagsisimula na ako sa trabaho, pagod ako gabi-gabi at nauuna nang matulog.

“Lilienne,” bulong ni Riguel.

Kinusot ko ang aking mga mata at agad na bumangon. Oo nga pala at may trabaho pa ako! Biyernes na ngayon. Pagkalipas ng dalawang linggong pagtatrabaho kina Suki ay hindi parin nasasanay ang katawan ko sa pag gising ng maaga.

“Oh my God! Am I late?” I asked.

Nakapambahay pa siya. Wait… is it Friday or Saturday? Baka naman Sabado na kaya hindi siya papasok?

“Nope… The breakfast is ready…” aniya sabay tuwid ng upo sa kama.

Tumayo ako at kinuha ang tuwalya para makaligo na.

“Why are you not yet ready for work?” sigaw ko at dumiretso na sa banyo.

Mabilis kong binuhay ang shower para makaligo na. Kinatok ni Riguel ang pintuan ng bathroom at napatalon ako. His body’s shadow can be seen standing right in front of the door. Frosted glass kasi ang gamit ng pintuan sa bathroom kaya ganoon.

“What, Riguel?” tanong ko.
“I’m… not going to work today. Bibisita ako sa opisina n’yo. Mamayang hapon may pupuntahan akong hearing. Doon lang ako papasok.”

Tinigil ko ang shower. Tama ba ang narinig ko? At bakit naman siya sasama sa akin?

“Bakit?” sigaw ko.

Humilig siya sa pintuan. Unti-unti kong binuksan ulit ang shower. Anong gagawin niya roon?

I only have a big cubicle, not an office. Baka naman ay iniisip niyang hayahay ako roon dahil magkaibigan kami ni Suki? Ang mga manager sa kanilang kumpanya ay lamesa lang ang pinagkaiba sa mga I.T. personnel. Mas malaki lang ang cubicle at lamesa ko.

Hindi ko maimagine na pumunta siya roon. I can only imagine his big office in that firm. Marami siyang sekretarya at may mga tauhan pa! Tapos pupunta siya sa akin at papaupuin ko lang sa isang monoblock chair sa tabi ng aking computer?

“I wanna see what you’re doing in your office, Lilienne!”

Hindi ako sumagot. Hindi kami magkakaintindihan nito kapag ganitong nasa loob ako ng shower.

Pagkatapos kong maligo ay naroon parin siya sa kwarto. Nasa kama siya at nakaupo. Nag-angat agad siya ng tingin sa akin. Hindi ko naman mapaalis kaya kumuha na lang ako ng damit at agad na bumalik sa CR.

“Riguel!” sigaw ko sa iritasyon.
“What?” inosenteng tanong niya.
“Hirap akong magbihis rito sa loob ng CR. Bakit ka ba nakatunganga riyan!? Sa dining table ka muna…”
“Ano? Papayagan mo ba akong sumama ngayon o hindi?”

Aba! Mukhang binigyan pa ako ng ultimatum sa sagot ko, ha? At nahimigan ko pa ang pagiging threat ng tanong niya. Para bang kailangan kong matakot doon.

“Bakit? Anong mangyayari kung ‘di ako pumayag?”

Pumikit ako ng mariin. Parusa? God, Lilienne! Tumigil ka, ha! Meron ka ngayon!

“Bakit ‘di ka papayag, kung ganoon? I’m your husband. It’s only right that I want to see the workplace of my wife. And Suki would understand that. Hindi ko alam kung anong rasong tatanggi ka sa gusto kong mangyari.”

Sinuot ko na iyong faded jeans at puting coachella top ko. Hindi na nga ako sasagot sa kanya. Pakiramdam ko’y gagawin niya ang lahat makasama lang sa akin ngayon.

I blowdried my hair. Nang medyo tuyo na ito ay lumabas ako ng CR at naabutan siyang nakatitig sa closet at naghahanap ng damit.

He’s now topless with his dark pants. Tuwing ganito talaga siya, hindi ko mapigilan ang pagpasada ng mga mata sa batak ng kanyang katawan. Lagi kong naiisip kung paano ako hindi nadudurog tuwing nag aano kami. My body is just so weak and fragile compared to his!

“What should I wear?” he asked me.
“May hearing ka mamaya, ‘di ba? Then suit…” sabi ko.

Kinuha ko sa closet ang isang magandang suit. Kumuha rin ako ng pang ilalim nitong long sleeves. Tiningnan ko naman sa drawer ang iba’t-ibang necktie na naroon. Kumuha ako ng babagay at binigay sa kanya.

“You don’t have to go to my workplace, Riguel. Hindi iyon tulad ng sa’yo na opisinang eksklusibo.”
“I already know that. I just want to see what you’re doing everyday.”
“Ikaw ang bahala riyan. Mapilit ka. Alam ko namang wala akong lusot sa’yo…”

Umiling ako at tinalikuran siya. Kumuha ako ng isang itim na pointed toe heels. Hindi niya lang ako ihahatid ngayon. Papasok pa siya!

“I’ll text Suki and see if it’s okay…” sabi ko at dumiretso na palabas para tingnan kung anong niluto niya.

Ako:
Suki, good morning! Pupunta si Riguel sa opisina ngayon. Ayos lang ba? Mapilit kasi siya.

Suki:
Siya lang ba? Baka naman may dala kayong ibang tao, ha. Ayaw ko pa naman sa surpresa, Lilienne. Kung malaman ko lang at may lihim kayong ginagawa sa likod ko, malilintikan ka sa akin. Spill it or F.O.

Wow! That escalated quickly? Ano kayang ibig sabihin nitong bruhang ito? May dalang taong iba? Sino naman? At anong surpresa?

Ako:
Baliw ka. Si Riguel lang. Sino ba ang tinutukoy mo? Si Basty?

Hindi na siya nagreply. Umiling na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko. Anong lihim na gagawin namin ni Riguel sa likod niya? Wow ha! Assuming din ang isang ito.

“Pumayag naman yata si Suki… Nasaan na ba si Basty?” sabi ko at nagsimula nang kumain.

Si Riguel ay kakaupo lang. Naglagay siya ng butter sa garling bread habang ako ay tinutusok ang ham.

Nilagay niya sa pinggan ko ang dalawang garlic bread. Susundan pa sana ng isa kaya lang pinigilan ko.

“Tama na…” sabi ko.
“Ang konti lagi ng kinakain mo…” aniya.
“Hindi naman ako gutom. ‘Tsaka… diet ako. Mahirap na…”
“Mahirap na?” kumunot ang noo niya.
“Teka nga… Huwag mong iniiba ang usapan. Nagtatanong ako kung nasaan na si Basty?”
“Nasa firm na pinapasukan niya, bakit?”
“Talagang ‘di na yata siya nagpapakita kay Suki, ah. Ano? May girlfriend na ba?”
“Hindi ko alam, Lilienne,” ani Riguel.
“Hindi mo alam so ibig sabihin pwedeng meron na nga siyang girlfriend?” pagalit kong sinabi.
“I did not say that, Lilienne. Stop putting words on my mouth, please. I don’t know what’s going on with Basty.”

Matalim ko siyang tiningnan. Talaga lang ha? In this battle between a friend and the wife, he chooses his friend. Of course! Do I need to throw a pity party for me and enumerate why he should choose his friend over me? Aside sa temporary ako sa buhay niya…

“Fine! I’ll call him right now and stop whatever you’re thinking, Lilienne!”

Dinampot ko ang garlic bread sa aking pinggan habang tinitingnan siyang nilalagay sa kanyang tainga ang cellphone.

“Morning, Sebastian… Yes, uhm… are you going to work today?”

Nakapikit si Riguel tila ba nandidiri sa kanyang ginagawang pagtawag. Napadilat siya bigla at napatuwid sa pagkakaupo.

“Oh! I’m sorry, I’m sorry… Sorry… I’ll call you later, then…”

Pinatay agad ni Riguel ang tawag. Hindi siya makatingin sa akin ngayon.

“Anong sabi?”
“Wala… Kakagising lang.”
“Oh? Eh bakit ‘di mo tinanong at bakit ka nagsorry?”
“Kakagising lang ni Basty, Lilienne. Nakakahiyang mang gising ng tao galing sa pagkakatulog.”

Pagkatapos naming kumain ay bumaba na kami ng condo. Pinipilit ko na siyang tawagan si Basty habang nasa elevator kami pero ayaw niya na talaga. I wonder what his call was really all about?

May kutob ako pero ‘di ako sigurado.

“Log book ka po muna, sir…” sabi ng attendant sa floor namin pagkarating ko.

Because Riguel’s considered as a visitor, he needs to put his name on that logbook.

Riguel Jameson C. Alleje, date, saan pupunta, pirma.

“Hindi ba ‘yan lalagyan ng Atty. ‘tsaka CPA?” tanong ko.
Masama lang ang sulyap niya sa akin at binalewala ang aking komento.

Binigyan siya ng visitor’s pass noong babae. Ang babaeng attendant pa talaga ang nagsuot ng pass sa kanya! Para lang may medalyang sinabit, huh?

Humalakhak pa ang babae at namula pagkatapos suotan si Riguel ng pass.

“Thanks…” ani Riguel.

Nanatili ang tingin ko sa babae. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng ulo ko. Inakbayan ako ni Riguel at hinatak patungo sa pintuan papasok ng opisina namin.

“Bruhang ‘yon. Landi, ha!” I murmurred.
“Tama na…” ani Riguel at hinawakan ang balikat ko.

“Good morning, Ma’am!” bati ni Uma, iyong natatanging babae sa grupo ng mga I.T.

Sunod-sunod na agad ang good morning ng mga boys.

“Good morning, Ma’am!” sabi noong lalaking dumaan na medyo magulo ang buhok.

Hindi ko pa masyadong kabisado ang mga pangalan nila. Panay ang tingin tingin ni Riguel sa mga tauhang naroon. Hinawakan niya ang kamay ko. Ayaw atang maiwan o masalisi sa akin. Hinila ko na lang siya patungo sa aking cubicle.

Binigay ko sa kanyang ang computer chair ko at kumuha ng monobloc chair para sa aking sarili.

“Oh, hayan! Dito ang aking lamesa…” sabay lahad ko sa malinis namang lamesa.

May isang maliit na flowerpot doon na may nakaspring na bulaklak kung saan nakaipit ang picture namin ni Suki. Hinawakan niya iyon.

“Eto ang mga gawain ko…” sabay pakita ko sa mga papel ng mga leave nila at kung anu-ano pa. “I swear you’re going to be really bored today.”

Lumabas si Suki. Mukha siyang antok nang binati kami ni Riguel.

“Mabuti ka pa, Riguel, at naisipan mong bumisita rito!” ani Suki.
“I just want to check if she’s fine here. I don’t like the idea that she’s working with boys…”
“Ay naku, Riguel. Respetado naman si Lilienne dito at mababait naman ang mga personnel ko… Aiden, Retz! Lapit kayo rito…” tawag ni Suki sa mga paborito niya.

Tumayo ang nasa ibang cubicle para makiusisa. Binaba ang kani kanilang mga headphones at nakinig.

“Eto nga pala si Attorney Riguel Alleje, ang asawa ng Ma’am Lilienne, n’yo. Dito muna siya sa araw na ito para bantayan si Ma’am…” ani Suki.
Natawa na lang ako. Tumango naman si Riguel sa mga empleyado.
“Gwapo ng asawa mo, Ma’am, ha? Dapat lang! Ang ganda mo, e. Idol talaga kita!” ani Uma habang nginunguya ang bubblegum.

Ngumiti ako kay Uma. Medyo tomboy siya. Noong mga unang araw ko rito ay binibigyan niya ako ng pagkain. Nang nalaman niyang may asawa na ako, tumigil siya.

“O tapos na! Back to work, guys! Aiden, iyong design na bago ipasa mo sa opisina ko ngayon, ha?”
“Okay, Suki…”

Nilingon ni Riguel ang nagsalitang head graphic designer ni Suki. Nagtaas ng kilay si Riguel bago tumingin sa akin.

Mabilis namang nagpatuloy sa trabaho ang mga empleyado. Iyon ang gusto ko sa kanila. Sobrang dedicated sa mga trabaho at wala masyadong reklamo. Nagpaalam na rin si Suki na may titingnan sa kanyang opisina sandali.

“Hanggang kailan ka rito? Hindi ko yata kayang tatagal ka rito, Lilienne…”
“Huh? Bakit naman? Maayos naman dito, ah?”
“Ma’am Lili, ikaw na po ba ang magpapasa ng design ko mamaya?” nahihiyang sinabi ni Retz sa akin. “Oo bah! Ayos na ‘yon. Dinagdagan mo naman kumpara roon sa nireject ni Suki noong Lunes, Retz…”

Namula si Retz at nagkamot sa ulo. Tinalikuran niya ako at nagmadaling umalis. Mahiyain kasi iyon.

Matalim akong tinitigan ni Riguel. Hinawakan niya ang backseat ng upuan ko. Ang kanyang isang kamay ay nasa aking lamesa.

“I know you. You’re so good at handling boys, Lilienne.”
Ngumisi ako. “Maybe that’s why this is a great job for me. I’m the best for the position, Riguel.”
“No, you’re not…” marahan niyang sinabi.

Yumuko siya ng konti at hinalikan niya ang aking collarbone.

“You’re exclusively mine now. No… you’re only ever owned by me. So you can’t handle boys.”
“Kung pumunta ka lang dito para sabihin sa akin ‘yan, Riguel, sa susunod pala ‘di na kita isasama.”

Tinagilid niya ang ulo niya habang tintitigan ako. It’sintimidating. He’s like one meter away or less and I can’t look at him. Not when his eyes are blazing with wild fires.

“Pumunta ako rito dahil tuwing tinitext kita at ‘di ka nagrereply, hindi pumapasok sa utak ko ang mga kaso. With thirty four boys under you, ano sa tingin mo ang iniisip ko? Huh?”
Umirap lamang ako at nanatili ang tingin sa mga papel.

My God! I’m trying so hard to keep my cool! Why is he like this? Fuck!

Hinalikan niya ang balikat ko at pinaglaruan ang dulo ng aking buhok.

“Is there a CR, here, Lienne?” malambing niyang tanong.

Matalim ko siyang tiningnan. What the hell, Riguel?

“Ano? Riguel, meron ako ngayon. Pwede ba…”

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Napanganga siya sa sinabi ko at mabilis na naging ngiti iyon.

Ano siya, hilo? Anong ibig niyang sabihin riyan, ha? Na sa CR kami mag gaganoon ngayong sobrang turned on siya? Kaya siya pahalik halik riyan dahil gustong gusto niyang gawin namin iyon ngayon, agad-agad?

“What?” nagtaas siya ng kilay.
“Anong CR ka riyan, ha? Meron ako ngayon!” ulit ko, pabulong.

Tumawa siya.

“Damn! Baby, I just want to pee.”

Napapikit ako at bahagyang tumigil ang mundo ko sa nangyari. Dumapo ang palad ko sa aking mukha at ramdam na ramdam ko ang unti unting pag-iinit nito.

He let out a laugh and then he kissed me on my collarbones again!

“You’re a perv, Lilienne! Damn!”

Tumawa ulit siya parang ‘di maka get over.

Dalawang kamay na ang nakatabon sa aking mukha ngayon. Fuck! Shit! Ilang kahihiyan ba ang dadanasin ko dapat? Ang tanga tanga ko! Shit!

“Akin na…” aniya habang tumatawa at kinukuha ang kamay ko.

Tumawa ulit siya kaya tinulak ko na. Sobrang init ng pisngi ko sa kahihiyan! Gusto kong magwalk out at magmura! Damn you, Alleje!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

4 Responses to Tripped – Kabanata 36