Tripped – Kabanata 34

May 12, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 34

Kabanata 34
Mine

Nanatili akong ganoon habang nagbibihis siya. Agad siyang humiga sa kama habang nagkukunwari akong natutulog.

“Lilienne…” tawag niya.
“Riguel, kumain ka na roon. Tapos na akong kumain. Inaantok na ako…” sabi ko.
“Hmm… Okay. Kakain lang ako tapos matutulog na.”

Hindi ko alam kung bakit kahit ganoon ay naging panatag ang loob ko kahit paano. Sa pag-uwi ni Riguel, parang nabunutan ako ng tinik. Na ayos na ang lahat, ang importante nakauwi siya.

Kinaumagahan ay siya ang nagluto. Maaga naman akong nagising. Nasa mga alas sais y media pero naroon na si Riguel sa kusina. Wearing my pajama and a white racerback, umupo ako sa isang silya habang pinapanood siyang nag piprito ng sunny side up.

“Good morning!” malambing niyang bati.
“Ako na sana ang nagluto. Ayos lang naman. Wala akong ginagawa. May trabaho ka pa…” sabi ko.
“Ako na ang magluluto sa umaga para makatulog ka pa ng mas mahaba. Sa gabi, ikaw naman.”
Tumango ako at tumayo na lang. “Maliligo na lang muna ako…”
“Uh, okay…”

Sa sumunod na araw, ganoon parin naman ang nangyayari. Nasa gitna ng alas syete hanggang alas otso umuwi si Riguel. Pinaka maaga iyong alas sais niyang uwi.

Ang ginagawa ko naman sa condo ay iba-iba araw-araw. Nag te-treadmill ako, syempre. Kaharap ang kalakhan ng Maynila. Pagkatapos nanonood ako ng TV. Tapos nag-aaral ng kahit anong lulutuin. Tinitingnan ko sa Youtube.

Minsan nauubusan ako ng mga ingredients mabuti na lang at nadiskubre kong may malapit palang grocery kaya nilalakad ko lang. Minsan naman bumibisita ako sa swimming pool at umuupo sa lounge habang nagbabasa ng libro.

Tuwing tanghali madalas si Suki ay bumibisita sa condo at doon na kumain. Kaya naiinspire akong magluto ng tanghalian dahil may kakain parin naman.

Pabalik balik ako sa opisina ni Riguel para humagilap ng librong pwedeng basahin.

“You can buy new books if you want. My cards are with you. Pagkatapos mong magbasa, ilagay mo na lang sa opisina…” iyon ang sinabi niya tungkol sa ginagawa ko.

Hindi ko naman gagawin iyon. Nakakahiya, ha. Pati pa ang damit ay gusto niyang bumili na ako.

“Kung gusto mo sumama ka sa opisina ngayon?” anyaya ni Riguel.

Umiling ako sa kagustuhan niya. No way in hell I’d go with him. Alam ko na ang mangyayari. Busy siya. Pag-uusapan lang ako roon. Ang napakaclingy na wife ni Attorney Alleje! And that’s me!

“My secretary went to your office. She told me most of the employees are boys. Can I see your job description? Do you have a contract?” ani Riguel.
“Yes. Nakay Suki. Ipapakita ko sa’yo pag naibigay niya na.”
“Lilienne, you don’t have to do this. I can buy whatever you need. Ano pang silbi ng pagtatrabaho ko, hindi ba?”
“Riguel, hindi naman ganoon. This is in preparation for our divorce. I need to go abroad. May pera ako pero hindi sobra-sobra. Isa pa, mag-iipon ako para sa plantation.”

Natahimik siya sa sinabi ko. Pagalit niyang tiningnan ang pagkain at uminom na lamang ng tubig. Hindi niya inubos ang natitirang pagkain sa pinggan.

“By the way, anong oras kang uuwi mamaya?” tanong ko.
“Depende pa. Siguro’y mga alas syete,” malamig niyang sinabi.

Ngayon lang yata ako matutuwa kung matatagalan siya sa pag-uwi. Because of course… today is Friday!

“Kung ganoon, baka kasi sunduin ako ni Suki rito ng mga alas syete dahil mamaya kami aalis nina Nicholas…”
Naging mas seryoso ang tingin niya sa akin ngayon. “Saan kayo pupunta?”
“Sa BGC lang daw. Gusto kasi nilang mag bar, e.”
“Anong oras ang uwi n’yo?” tanong nI Riguel.
“Hindi ko pa alam, e. Siguro mga alas dose or higit pa…”

His jaw clenched. Hindi siya umoo, hindi rin naman siya umayaw. Basta’t iyon lang ang sinabi niya bago siya umalis.

Tumawag sina Nana Sela, Lola Aura, at Lolo Selmo sa araw na iyon. Nasa mansyon yata sila at sinadya talaga nilang pumunta para tumawag ngayon.

“Nagtatrabaho po kasi si Riguel ngayon…” paliwanag ko.
“Ayos lang, Lilienne. Ikaw naman ang sadya namin… Kumusta na, hija? May apo na ba ako sa tuhod?” humagikhik si Lola Aura.

Napangiti ako sa sinabi ng matanda. I can imagine her expression. Kaya lang nakakalungkot isiping tila niloloko ko siya ngayon. Paano makakabuo gayong nagpa-inject ako ng Depo? At isa pa… bakit kami bubuo, e, puro kasinungalingan naman ang lahat ng ito?

“Wala pa po, e. Hindi bale’t babalitaan ko agad kayo kung sakali…” sabi ko.
“Pasensya ka na, hija… Nananabik lang talaga kami…” ani Lola.

Nang si Nana Sela naman ang nasa linya ay puro pangaral ang mga sinabi niya sa akin.

“Nagpapalaba ba kayo riyan?”
“Opo…”
“Mabuti. Alam mo naman ‘yang asawa mo’t puro trabaho.”
“Oo nga po. Uh, magtatrabaho na rin po ako next week kaya magiging abala na rin ako.”
“Ganoon ba? Pumayag ba si Riguel diyan?”
“Oo naman po, Nana.”
“O siya… Basta ba nagpaalam ka sa kanya…”

Pagkatapos ng tawag ay bumalik ulit ako sa mga dating gawain. Habang nagluluto ako ay tumaag si Riguel sa aking cellphone.

“Hello?”
“Hello, where are you?”
Umirap ako. “Narito lang sa condo, nagluluto ng pritong isda…”
“Who’s with you?”
“I’m alone. Bakit?”
“Wala lang…” huminga siya ng malalim.

Naririnig ko sa kanyang boses ang pagkapagod. Sobrang stressed siguro siya sa kanyang trabaho at si Alli ay pampawala ng stress. Sige, ha!

“What are you wearing?” tanong niya.
Napatingin ako sa aking damit. “Well, I’m wearing an apron.”
“Huh? Iyan lang, Lilienne?” pagalit niyang sinabi.
“Well, white shorts and spaghetti top. Why?”
“I hope you don’t wear just your underwear there. Hindi ibig sabihin na mag-isa ka, pwede ka nang gumala riyan ng naka ganoon.”
“Why am I going to do that, anyway? I’m not like you. Boxers lang kapag nandito sa condo, Riguel.”
Tumawa siya. “That’s a different story.”
“Whatever. Baba ko na ‘to at masusunog na itong niluluto ko…”
“Okay… Good bye, Lilienne…”
“Bye…”

Hinintay kong ibaba niya ngunit hindi niya ginawa. Tahimik lang pareho ang linya namin. Kaya binaba ko na lang.

Napangiti ako habang binabaliktad ang isda sa kawali. Mababaliw na yata ako rito.

Naiisip ko kung pwede bang ‘wag na lang tumuloy sa lakad namin mamaya. Mukhang gusto kong matulog na lang sa kama. Pero papatayin ako ni Suki at ni Nicholas kung ginawa ko iyon!

“Hello!” sigaw ni Suki nang pumasok siya sa condo namin.

Nag-aayos pa ako. As usual, ang aga na naman niya!

“Sa labas na raw tayo kumain at nagpareserve si Nicholas sa isang restaurant!” ani Suki nang nakita akong inaasikaso ang dinner.
“Ganoon? Nagluto naman ako para kay Riguel… Uuwi na ‘yon ngayon.”
“Ay naku! Wife duties… Anong pakiramdam na natupad ang pangarap ng bata mong puso?” Nilapit niya sa akin ang kanyang kamao tila ginagawang microphone.

Hinawi ko agad ang kamay niya.

“At least ako, minsan kong pinangarap itong nangyayari sa amin ni Riguel. E, ikaw? Kailan mo pinangarap si Basty?”
“Namemersonal ka naman, e…” Umismid siya.
“Sinasabi ko lang. Ay naku, Suki! Tumigil ka riyan!”
“Syempre, lust lang ‘yon. Have you seen him right now? He looks like a freaking greek god. Gone are the days with his thick Harry Potter glasses!”
“Kailan ba kayo nagsimula, ha?”
“Ay! Basta! Noong unang uwi ko rito galing Japan! Matagal na, Lilienne!”
“Bakit ‘di mo sinabi sa akin? Jusko, Suki. Kung hindi pa natin siya nakita noong isang araw ay ‘di mo na naikwento sa akin.”
“Syempre, busy ka sa kaganapan sa buhay mo.”

Tama nga naman. I wonder how Suki felt when she saw me so low years ago. Sa sobrang baba ko, hindi ko na alam na nasasaktan ko ang sarili kong mga kaibigan. Sa sobrang lungkot ko noon, hindi ko namamalayang nagiging pabigat ako sa ibang tao.

I remember how we traveled just for me to forget what happened. Little did I know that some things are going on with her life too. Nag focus lang ako sa buhay ko noon na ‘di ko na alam iyong kanya.

“Magandang gabi, Attorney Alleje!” bati ni Suki.

Napatingin ako kay Riguel na pumasok sa pintuan ng condo.

Inaayos ko ang kanyang pagkain sa lamesa. Naka dark gray ako na tight dress. Hindi naman sexy ang sa dibdib pero aware ako na masyadong revealing ang likod at ang skirt ay masyadong maiksi.

Humarap ako sa kanya para maaprubahan niya ang damit ko. I know he won’t care anyway but I don’t want to give him ideas. May short sleeves pa nga ito kaya ayos lang ‘yan!

“Magandang gabi, Suki…”

Maaga ka ngayon, ha?

Nanatili ang mga mata ni Riguel sa akin. He loosened up his necktie. Bumaling si Suki sa akin at nakapangalumbaba na ngayon.

Nakaupo siya sa isang silya sa aming hapag.

“Is that dress new?” ani Riguel.
“Nope. Dala ko ‘to galing Japan. Binili namin ni Suki…” sabi ko.
“Well, that’s too short.” Tinuro niya ang aking mga hita. “You have other dresses?”
“Nope, Riguel. Konti lang dala ko.”
“You still did not shop for anything?”

Umiling na lamang ako. Umigting ang panga niya. Mukhang disappointed sa sinabi ko.

“Uh, by the way. Hindi kami rito kakain ni Suki dahil may reservation na sa restaurant. Uhm… Pero pinagluto kita kaya… Heto…” sabi ko sabay turo sa pagkain.
Tumango siya. “Saan naman kayo kakain? At saang bar kayo pupunta?”
“Hindi ko pa alam, e…” Nilingon ko si Suki para matulungan niya ako.
“Si Nicholas ang bahala, Riguel. Siya manlilibre kaya…” nagkibit balikat si Suki.

Talaga itong si Suki, e. She mentioned Nicholas’ name! Wrong move!

“I don’t like that dress,” he said bluntly.
“Uy, Riguel… Sige, pahiramin ko na lang si Lilienne ng ibang damit?” ani Suki.
“Huwag na, Suki. Riguel, anong gusto mong gawin ko? Wala akong ibang damit na pwede sa ganoon. Oo na at mamimili na ako!”

Baka mamaya ay ‘di naman ako palabasin nito. Mukha pa naman siyang galit at badtrip. Ayaw kong ganoon. Na set na ang mind ko na lalabas, e.

“Mamimili ako bukas, promise! Sige na… Ayos lang ‘to. Si Suki nga, o!” sabay turo ko kay Suki na may revealing dede.
Inirapan lamang ako ni Riguel. “Fine. Ihahatid ko kayo…”

Tumayo si Suki at halos magdiwang dahil pinayagan kami.

“Attorney, huwag na. Dala ko ang sasakyan ko. Ihahatid ko si Lilienne dito mamaya ng safe and sound,” sabay ngisi ni Suki.
“Sige. Siguraduhin n’yo lang. Lilienne, give me the details. Kung saan kayo at anong ginagawa n’yo mamaya…”
“Okay…”
“Ang bait na asawa ni Attorney!” tili ni Suki.

Umiling lamang si Riguel sa amin. Nagmamadali na akong mag-ayos. May light make up ako at binaba ko lang ang buhok ko. Ayos na ito!

Nang tinalikuran ko si Riguel ay halos magmura siya.

“Lilienne! Are you fucking wearing a bra!?”

Shit!

“Uh-oh…” humalakhak si Suki at binuksan na ang pintuan.
“Yes, I am. Silicone bra, Riguel. Para ‘di kita sa likod…”

Nagkakasalubong na ang kilay niya sa galit sa akin. I need to get through this anger para makaalis na kami.

“Fine! Whatever. Text me when you get there! And don’t you drink! Or dance with anyone!”

Iniwan na namin si Riguel. Seriously, though? Where’s the fun in that? Kung hindi iinom ay para saan pa ang lakad namin? Kung hindi sasayaw, para saan pa ang party?

Sa isang mamahaling restaurant kami dinala ni Nicholas. Naroon na siya at naghihintay sa amin para sa fine dining.

May nagkanda lakihang mga chandelier sa taas at pati ang mga wines na siniserve ay iyong mga pinakamamahalin.

As usual, Nicholas looks the same. Macho, gwapo, at mukhang manloloko. Pakiramdam ko magkapatid kaming tatlo. Hindi ko nga lang alam kung sino dapat ang eldest sa amin.

“Why did you marry him?”

Silang dalawa ni Suki ang nakakaalam sa mga bagay tungkol sa akin simula pa lang. Kaya malaya ko silang mapagsasabihan ng kahit ano. Isa pa, subok na si Nicholas. He can protect secrets like it’s his own. Noon pa man, kaya niya nang gawin iyon para sa akin.

“Because I want the mansion back to me.”

I explained to him our contract. Riguel needs me for a promotion. To please an adviser. To impress someone. While I need the mansion so… may benefit kaming dalawa rito.

“Sigurado ka bang iyon? Hindi ba ay kapag ikinasal siya rito, hindi na siya makakapagpakasal pa ulit? Ikaw, maari pa sa ibang bansa, ‘di ba?”
“Hindi ko alam, Nicholas. He’s a lawyer. Siguro naman ay na forsee niya na ang mga bagay na iyan, ‘di ba? Bago pa lang niya ako inofferan ng ganoon?”
“Kung sa bagay. But… If I were in his shoes and I don’t want you, Lili, hindi kita aalukin ng ganoon. Hell, kahit ganito ako, gusto ko paring makasal balang araw,” si Nicholas.
“Slow clap!” sabay tawa ni Suki.
Sarap pag untugin ng dalawa.
“Baka naman kasi magagawan niya ng paraan. Magaling siyang lawyer…” sabi ko.

Sumang-ayon na lang si Nicholas at nagpatuloy kami sa pagkain at pag inom ng wine.

I also texted Riguel that we’re done dining and we’re going to this exclusive and expensive bar.

Hindi siya nagreply. Siguro ay nakatulog na kaya hindi ko na pinilit.

Pumasok kami sa isang bar. Umupo sa isang square sofa kasama ang tatlong babae ni Nicholas. Ang galing, ‘di ba? Pero ayos lang basta’t libre ng mamahaling inumin!

The crowd’s dancing. Hindi kasing wild ng mga naaalala ko sa U.S. but what do we expect? It’s a high end bar with high end people around. May iilang artista akong nakikita, may mga modelo rin, may mga expats, at kung anu-ano pa.

Habang gumagala ang mga mata ko kung saan saan ay lagok ng lagok naman si Suki sa harap ko.

“Hinay hinay lang, Suki. Ano bang pinoproblema mo nitong mga nakaraang araw? Basty? Or Nicholas?” tinuro ko si Nicholas na punong puno ng mga babae.
“What? Wala akong problema, ‘no! I just want to have fun. Sayaw tayo mamaya!” sabi niya.
“Oo ba!”

Uminom na rin ako. Tumayo si Suki nang may nakilalang mga kaibigan. Medyo mga gwapo at mukhang may dugong banyaga.

“This is Lilienne… That’s our friend Nicholas out there with his girl friends…”

Tumayo ako at nakipagkamayan na sa tatlong lalaking kaibigan niya. Isa roon ay siguro’y bading. Nararamdaman ko sa pananalita.

Pinaupo sila roon ni Suki at nag-usap sila tungkol sa negosyo. Iyong isa ay pasulyap sulyap sa akin.

“Are you… here… Manila?”

Ah! His english sucks and his tone feels different. Siguro’y italyano o ano.

“Yup… I’m from here…” sabi ko sa kanya.
“I’m from Italy…” aniya sabay tipid na ngiti.
“You’re here for a vacation?” I asked.
“Yes! Yes! In Boracay! We’re planning to build… restaurant… Italian restaurant in Station one. Have you been there?”
“In Boracay? Nope… I haven’t been to Boracay. I spent the last eight years in the U.S. so I did not have time to travel here in the Philippines…”
“America? Where in America?”
“New York.” Ngumiti ako.

Biglang may kumalabit sa akin. Nakita ko si Nicholas na medyo pula na ang mukha.

“Oh gee. Ang gwapo naman ni Revamonte, darling!” anang bading na kaibigan ni Suki.
“Sayaw tayo. It’s boring here! Come on!” ani Nico.

Tumango ako at tumayo.

“Wanna dance?” tanong ko sa italyano.

Kaya tumayo kaming lahat para sumayaw na. Lumalalim na ang gabi at nang tiningnan ko ang aking wrist watch ay nakita kong alas onse na.

Una ay kaming lahat pa ang sumasayaw. Naramdaman kong medyo nalalasing na ako dahil umaalon na ang paningin ko.

Nawala sa paningin ko sina Suki at Nicholas. Maging iyong bading na kaibigan ni Suki. Nakita ko ang babaeng kausap ni Nico kanina na may kasayaw na expat.

Sumasayaw sa harap ko ang italyano kaya lang hindi ko masyadong feel ang moves niya kaya medyo lumipat ako at naghanap ng sariling mundo.

May sumayaw ulit sa akin. He seems familiar. Like I’ve seen him on magazines or something. Maybe he’s a model. Sa gilid ko ay sumasayaw siya pero hindi ko parin nagustuhan.

I mean, his moves are alright but it just doesn’t feel right. Something is off. I’m not usually like this.

Kahit hindi naman talaga ako madalas sa bar noong nasa U.S. ako ay naaalala ko pa naman paano pumarty. At hindi iyon ganito. Kailangang sumabay. Ngayon yata, hindi na ako nakakasabay. Signs of aging?

May sumayaw ulit sa akin. This time it’s an actor! For God’s sake, he’s popular! Some of the girls on the dancefloor were looking at us. He’s big and tall… But then, I’m just not comfortable!

Umalis ulit ako bago pa umabot ng minuto ang pagsasayaw namin. I better dance alone. I just want to feel good, alright!

Ilang sandali ang nakalipas ay may nararamdaman na naman akong sumasayaw sa aking likod. Hawak niya ang baywang ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga palad sa nipis na tela ng aking damit.

At sa likod ko, mas lalo kong naramdaman ang gaspang ng kanyang kamay. Pinipirmi niya ako sa posisyon.

Nagpatuloy ako sa pagsasayaw. Lumipas ang isang minuto at magkasayaw parin kami. Tumindig ang balahibo sa batok ko nang hinaplos niya ang aking baywang pababa.

Wait… what the hell?

Nilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg. His hot breath made me feel so dizzy.

“Hey beautiful…” bulong niya sa matigas na ingles.

Shit. That voice sound so husky. I love it! Magkakasala pa yata ako nito!

I want to stop dancing. Nagulat ako nang naramdaman ko ulit ang hilig ko sa party dahil sa lalaki sa likod ko! I just want to stop dancing because I know this is wrong! It’s wrong to feel this way!

Saglit lang ito! Aalis agad ako!

I grinded my booty at him. He moaned at my ear.

“Oh…”

And then I felt him. His musculinity is already ready. Naramdaman ko iyon na nakapatong sa aking puwitan. And he’s big!

Tangina, Lilienne! This is bad!

Aalis na sana ako ngunit pinirmi niya ako sa kinatatayuan. Patuloy siya sa pagsasayaw sa akin. Naglalaban na ang utak at puso ko sa kung ano ang dapat kong gawin.

I’m already at the verge of thinking that Riguel is not in love with me so I can do this with someone else! Besides, he’s already doing that with other girls anyway!

Pero hindi. Hindi ko magagawa iyon. Hindi ako tulad ni Riguel.

“Wanna go somewhere? Iyong tayong dalawa lang?”
“No…” napapaos kong sinabi. “I’m sorry, I can’t…”
“Hmmm. May I ask why? You’re so hot…”

Kinagat ko ang labi ko at tumigil sa pagsasayaw.

“I’m married. I can’t do this…” sabi ko.
Humalakhak ang lalaki sa isang mababang boses. “If you’re married, then why are you here?”

Nagulat ako sa tanong na iyon. Is he saying that I’m lying?

“I’m with some friends. We went out.”
“Where is your husband, then? He let you out alone? Hindi mo kasama?”
“My husband understands… Now,” Medyo nairita ako roon. “If you just remove your hands on me, please?”
“Why? You’re mine,” he whispered.
“I’m not yours. My husband owns me, not you!” iritado kong sinabi.
“Kaya nga, Lilienne…” bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at hinarap ko kung sino ang lalaking kanina ko pa kasayaw at kausap! And to my fucking horror!

It was Riguel!

Namumungay ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Kumalabog ang puso ko at bahagyang lumayo sa kanya. I cannot believe it! Even when I didn’t know it was him, I felt so attracted! Dammit! Fuck!

“What the hell are you doing here?” pagalit kong sinabi.
“Iuuwi na kita…” aniya sabay hagilap sa aking braso.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.