Tripped – Kabanata 33

May 12, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 33

Kabanata 33
Forgive

Binuksan ko ang pintuan ng kanyang unit para tanggapin ang dinner na inorder niya para sa amin.

Habang inaayos ko ang mga pagkain sa lamesa ay naisip ko bukas. Anong oras kaya nagigising si Riguel? Tanghali na ako nagigising sa mansyon kaya ‘di ko alam kung paano rito. How about our food for tomorrow?

I checked the fridge. Nakita kong walang pagkain doon. Inumin lang, at iilang pwedeng i microwave. Oh right, bago ako dumating ng Alegria, ilang linggo na kaya siyang naroon?

Mag gogrocery ako bukas habang wala siya. Magpapasama ako kay Suki, syempre. Pagkatapos ng grocery ay pupunta kami sa kanyang opisina para makita ko ang posibleng maging work station ko.

Habang kumakain ako ng ay biglang lumabas si Riguel sa kwarto. He’s now wearing a white sleeveless top and just his boxers once again! Kagigising niya lang at medyo magulo ang buhok niya.

Muntik ko nang mailuwa ang kaning kinakain ko.

“Dinner ka na…” I said.

Umupo siya sa upuang nasa harap ko at kumuha na rin ng pagkain.

“You don’t have food in your fridge. Mag gogrocery ako bukas para rito…” I said.
“I’ll go to work tomorrow. May aasikasuhin ako. Sumama ka na lang sa akin pagkatapos mag grocery tayo…”
Plastik akong ngumisi. “Anong gagawin ko sa pinagtatrabahuan mo? I have things to do, too. I need to buy our food. Tapos magkikita kami ni Suki para makita ko ang workplace ko.”
“I have received the address of her company. Pwedeng tayo na rin ang pumunta…”
“Riguel, naiintindihan ko naman ang schedule mo kaya hindi ko na pwedeng iasa sa’yo ang lahat. Admit it. You’re busy. I can do this alone. Bakit kailangang bumuntot ka sa akin oras-oras?”

Natahimik siya sa sinabi ko. Kulang na lang magmaktol siya habang kumakain.

“Kukunin ako ni Suki dito mga alas diez bukas para tulungan akong mag grocery. After that, we’ll eat lunch and go to her company. Babalitaan na lang kita kung maganda ba ang opisina.”
“I will send my secretary there. I need an unbiased opinion about it…”
Natigil ako sa pagkain. Just. What. The. Hell?

Imbes na may sasabihin pa ako ay umiling na lang ako. I cannot believe him.

“This is a high end condo. That means you probably have gym somewhere here, right?” iniba ko ang usapan.
Tumango siya at nagtaas ng kilay.
“Wala na akong pagjajoggingan na plantation kaya doon na lang ako…” sabi ko.
“I have a treadmill here. Dito ka na lang,” aniya.

Wow ha! O sige. Tutal ay tinatamad naman talaga akong umalis pa rito kung sakaling mag exercise. Hindi na ako nagsalita.

And just like what he taught me, hinintay ko siyang matapos kumain para lang sabay kami. Nang matapos siya ay kinuha ko agad ang plato niya. Tumayo ako at inayos ang mga pinggan. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang hawak ang basong iniinuman ng tubig.

“I’m gonna clean the mess. Bumalik ka na sa pagtulog mo. Alam kong pagod ka…” hindi ko na siya sinulyapan.

Dumiretso na ako sa kusina para makapag hugas na ng plato. That way, pagkatapos nito, maliligo ako, manonood ng TV. At least tulog na siya pagpunta ko ng kama, ‘di ba?

Nagsisimula na akong mag hugas nang nilapag niya ang baso sa sink. He even had the guts to hold my waist habang nilalapag iyon.

“Thank you…” he said.

Tumaas ang isang kilay ko habang tinitingnan ang kamay niyang nagpapahinga sa aking baywang.

“Just go to sleep, Riguel…”
“Yeah. Sumunod ka na…”

Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim na hininga nang binitiwan niya ang aking baywang at umalis.

Living with him alone is just so hard.

Pagkatapos ay naisip ko ulit ang mga sinabi ni Atty. Abella. The “girlfriend” he is talking about. Alli? Alli who? Maybe that’s what the girlfriend/kabit’s name is.

I’m torn between researching about it and giving Riguel the freedom to have her. Tangina, hindi ko malunok iyon. And we even share the same bed. We even have sex at malalaman ko na may ganyan siya?

Palipat lipat ang emosyon ko sa gabing iyon. Nagagalit ako sa kay Alli. Naiinis ako sa sarili ko. At naiinis ako kay Riguel. In the end, I slept beside him.

Alas syete y media nang nagising ako. Kinamot ko ang ulo ko pagkabangon. I need to cook right? But we have no food in the fridge! Is Riguel still here?

Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ay agad akong tumuwid sa pagkakaupo at inayos ang aking buhok. I saw a ghost of a smile from Riguel’s face before he turned his back on me for the closet.

“I… I ordered our breakfast. Nilagay ko riyan sa lamesa ang cards ko kung may kailangan kang bilhin.”

Nilingon ko agad ang tatlong cards na naroon. Fine. Ang hirap tanggapin pero bahay niya naman ito e ‘di siya ang gumastos!

“Buy some more clothes, too. Konti lang ang dinala mo.”

May tinitingnan siya sa drawer. Probably his necktie for today.

“You call or text me everytime. Give me your IDs too. We need to change your family name. Titingnan ko kung may magagawa ba ako…”

Kinusot ko ang mata ko. I’m still so sleepy but I know I need to wake up. May usapan pa kami ni Suki at paniguradong alas nuebe pa lang narito na iyon at sinusuri ang buong unit.

“May pupuntahan din akong hearing mamayang hapon. Kaya kung ‘di ako makasagot sa mga tawag mo, just text me. You can also call my office, may number diyan sa lamesa. Sekretarya ko ang sasagot sa’yo. Her name’s Zarah. She’s thirty seven years old.”

Dumilat ako at nakita kong nag-aayos siya ng necktie. Tinagilid ko ang ulo ko.

“Yeah, you’re so busy. Kahit pala rito. O mas grabe rito…” I said without thinking.

Bigla siyang tumigil sa pagtatali ng necktie at nilingon niya ako. So what if he’s busy, Lilienne? God! Dapat ‘di ko na iyon sinabi, ‘di ba?

Lumapit siya sa akin. Gumalaw ako sa kama para sana tumayo at umalis pero natigil ako nang umupo siya sa dadaanan ko.

“Tatapusin ko ang lahat para makapag bakasyon tayo…”
“You mean… the judge’s rest house thing?”
“Do you want to go to other places bukod doon?”
Kumunot ang noo ko. “No… I’m fine here…”
“I’m sorry, I need to do my work. Uuwi ako ng maaga.”
“Yeah. I know. And it’s okay kung matagalan ka, Riguel. That’s your work…” Nag-iwas ako ng tingin.

Nanatili ang mga mata niya sa akin. Bakit parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko dahil lang tinititigan niya ako ngayon? I don’t understand.

“Let’s go and eat breakfast…” he said.
“I still need to take a bath…” palusot ko.
“Mamaya na ‘yan. Mabango ka naman lagi, Lilienne…”

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. He’s hiding a smile. Dammit!

“Umalis ka nga riyan! Dadaan ako, kung ganoon.”

Tumayo siya at tumawa. Nakapamaywang na ngayon.

Nauna na akong lumabas sa kwarto namin. Sobrang init ng pisngi ko, pakiramdam ko lalagnatin ako. I need to focus, alright!

Kumain kami ng breakfast. Tahimik dahil text nang text si Suki sa akin na papunta na raw siya rito! Mali ako sa alas nuebe! Mukhang alas otso ang dating niya.

“Are you meeting up with Nicholas today?”
“No. He said he’s busy. Baka sa Biyernes na…”
“Saan naman tayo pupunta?”

Tayo? Anong tayo, Riguel? Isasama ka ba? What the hell?

“Baka… kami lang. I know you’re busy with work so…”

Uminom siya ng tubig. Nagkamot naman ako sa batok.

“Bar?” he asked.
“I’m not sure. Depende sa trip nilang dalawa ni Suki.”

Tumango si Riguel at tahimik na natapos kumain. Tumayo ako nang pareho kaming natapos na.

“Magliligpit ako. Aalis ka na?” tanong ko.
“Yes. I have to go…”

Inayos niya ang kanyang suit. Tumikhim ako. Ang gwapo niya, ha! I need to compliment. That’s an unbiased opinion!

“Take care here. Text me kung umalis ka na rito kasama si Suki.”
Tumango ako. “Bye!”
Tumango rin siya at umalis na.

I don’t know kung alin ang mas maganda. Dito o sa Alegria. Sa Alegria, nasa iisang bahay nga kami pero nasa opisina siya lagi. Dito naman, kaming dalawa lang, maliit na unit, pero magtatrabaho naman siya at aalis.

“Sino ang nag initiate?”

Napag iiwanan na si Suki sa mga tanong niya. Hindi parin siya maka get over sa nangyari sa amin ni Riguel kaya paulit ulit ang tanong niya.

“Ewan, Suki! Maiisip mo pa ba ‘yon? Basta nag-aaway kami!” sabi ko sabay irap.

Tapos na niyang libutin ang buong unit. Tapos na rin akong maligo at magbihis. Palabas na kami ng unit at iyon parin ang inaalala niya.

“Pwede tayong pumunta kay Doc muna bago mag grocery. Malapit lang naman iyon dito. Tapos, diretso na tayo sa amin…”
“O sige. Buti at nakakuha ka ng appointment ngayon?”
“Oo, e.”

Kaya iyon ang ginawa namin ni Suki. Medyo bata pa ang doktor na napili niya. We discussed my medical history at sinabi niyang kailangan kong mag medical exam. Hindi ko alam na medyo matatagalan pala kami rito.

Habang nag-uusap kami ni Doc tungkol sa Depo at inaayos na ng nurse ang shot ay nagtext si Riguel.

Riguel:
Where are you? You did not text.

Uh-oh! Should I tell him I’m here? Kung sasabihin ko, iisipin niya na iniisip kong uulit pa kami, ‘di ba?

Ako:
Maglulunch na kami ni Suki ngayon. Sorry.

After the shot, naglunch naman kami ni Suki kaya walang problema. Pagkatapos ng lunch ay dumiretso na lang kami kina Suki.

Riguel:
Update me everytime, please.

“Baka natatakot na bigla ko siyang puntahan sa opisina niya at mameet ko iyong kabit niyang si Alli!” sabi ko habang papunta kami sa kina Suki.
“Alli?”
“Oo! Narinig ko noong tumawag si Atty. Abella. Inaasar niya si Riguel about doon. Guiltyng guilty si Riguel, pinatay niya ang loud speaker kasi narinig ko!
“Wow! You sound like a jealous wife! Baka naman joke lang ‘yon!”
“Kay dami namang joke niyan! Wala bang seryoso? Syempre, hindi mag jojoke ‘yan kung wala, ‘di ba?”
“Asus! Alam mo naman ang mga lalaki, Lilienne…”
Umiling ako. “Hindi. May nasesense talaga ako, e. Baka iyon na talaga iyong kabit niya.”

Nasa 7th floor ng building ang kompanya nina Suki. Ang daming computers sa bawat cubicle at halos puro lalaki ang nakaharap doon.

“These are my I.T. personnel. Sila ang kailangan mong imanage. Na promote kasi iyong manager na pinalitan mo kaya ‘yan. When will you start?”
“Next week? Monday para start ng week.”
Tumango si Suki at kinuha ang atensyon ng mga naroon.

Most of them were young. Almost the same age as me. May isang babae pero duda ako roon. Her hair is short and her clothes are kind of baggy.

“Thirty five lang naman sila Lilienne. They have their own teams. You just have to look into their files, absences, leaves, and all that para matutukan sila.”

Ipinakilala ako ni Suki sa kanila. Sa mga cubicles nila may mga maliliit na figurine ng mukhang robot. I am not really a fan of anime and other related things so I need to get acquainted with that, too. Para naman kahit paano’y maintindihan ko.

“Hindi mo na kailangang malaman ‘yan! Sus! Lilienne. May ibang personnel para sa mga works nila kaya iyong sa’yo lang talaga is ihandle sila bilang employees dito…” paliwanag ni Suki sa kanyang opisina.

Biglang may kumatok sa kanyang opisina. Nagulat ako nang biglang pumasok si Sebastian.

I’ve seen him on our wedding day but I did not really thought about him much. Syempre, kasi malungkot ako sa araw na iyon. But right now, I can’t help but direct my attention towards him.

He’s not anymore wearing glasses. Siguro’y may contacts na. He’s tall and a bit masculine compared to my memory of him years ago. His hair is not anymore disheveled. More of clean cut na ngayon.

Tumikhim si Suki.

“Lilienne! Nandito ka pa…” ani Basty.
“Uh, yup. I’m… gonna work here so…” Nilingon ko si Suki.
“Anong kailangan mo?” tanong ng aking kaibigan.

I remember how Suki’s always disgusted with him. His “hawk-like” eyes she said disgusts her.

“I sent you my outputs on your email. Kailangan kong umalis dahil may kailangan din akong gawin sa ibang kompanya,” aniya.
“Thanks, then…” ani Suki at nag-iwas ng tingin.
“Review it properly. Ayaw kong pabalik balik dito tuwing sinasabi mong may mali akong nagawa kahit wala naman pala…”

Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Suki. Bago pa niya mabugahan si Basty ay lumabas na iyon sa kanyang opisina.

Agad na nag tapon si Suki ng mga papel sa sahig. Sa sobrang gulat ko ay napatayo na ako.

“He’s so arrogant! So full of himself! Akala niya ang galing niya!” sigaw ni Suki.

Pinulot ko ang mga papel na kanyang tinapon. Sorry, boss. Anong problema natin?

Pulang pula ang kanyang mukha. Halos umapoy siya sa galit!

“Alam mo ba, Lili? Nagtop lang ‘yan sa board, akala niya na ang galing niya! Nang nag Maynila ‘yan, parang lahat ng magagandang babae pwede niya lang saktan at itapon samantalang noong nasa Alegria tayo isa lang naman siyang nerd! Nerd!” sigaw ni Suki.

Inayos ko ang mga papel habang abala siya sa kanyang galit.

“Napasok lang sa isang magandang firm, akala niya na ang galing niya! Kahit correction ko, hindi tinatanggap! At anong ibig niyang sabihin sa pinapabalik ko siya rito? Aba, syempre! Naniniguro lang ako! Mas gusto niya kasi sa ibang kompanya kasi puro babae ang naroon! Marami siyang maloloko! Dito! Puro lalaki kaya wala siyang gana!”
“Saan ba galing ang hugot niyan, ha?” sabi ko habang inaayos ang mga papel.
“Ay naku! Umalis na tayo rito! Mag grocery ka na at nahahigh blood ako!”

Dinampot ni Suki ang kanyang jacket at hinigit na ako palabas ng kanyang opisina. Ilang minuto ata siyang nagmumura ng ganoon para kay Basty. Kahit sa sasakyan ay iyon ang topic namin.

“We even met on a bar, do you know that? Can you believe it? I was so drunk, he kissed me!”
“What the hell, Suki? Seryoso?” napasigaw ako roon!
“Yes, puta! Dinala niya ako sa condo niya, alam mo ‘yon! I lost my fucking virginity to him!”
“What? What the fuck? What the fucking?” Hindi ako makahinga sa mga sinabi ko.
“Shh! I was drunk! He did it on purpose! He’s a user! Buwiset siya!”
“Kailan ‘yon, kung ganoon? Ha? Kailan n’yo ginawa?”
“Just last week!” sigaw ni Suki sabay hampas sa manibela.

Inayos ko agad ang seatbelts ko. Baka mamaya sa galit niya anong mangyari.

Nag-uunahan ang iniisip ko. Hindi ko inakala iyon! And all the while I thought it’s going to be Nicholas. Basty is… Basty is just so impossible! She hated him to bits, right?

“Last week lang kayo nag ganoon?” sigaw ko.
“Ay!” Ngumiwi siya. “Last week ang huli naming ganoon, I mean…” mas bumaba ang boses.
“What the hell? That means you’ve been doing that with him for… oh my God! Ilang buwan? Taon? What the?”

Para akong mababaliw sa mga narinig ko sa kanya. Habang nag gogrocery kami ay wala akong ibang maisip kundi silang dalawa ni Basty. Seriously, though? You have to be kidding me!

Pagkatapos ng grocery ay napadpad kami sa mga damit. Natetempt akong bumili kaso lang ang mahal at nanghihinayang ako sa pera.

“Hindi ba binigyan ka naman ng cards ni Riguel? Iyon na ang ipambili mo…”
Umiling ako. “Pang grocery lang ‘yon.”

Nilingon ko ulit ang mga damit na nagustuhan ko. Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanila para hindi na ako mainggit. Funny how things change with time. Noon, kahit ano maaari kong bilhin. Ngayon simpleng mga damit lang, hindi ko mabili.

Tinuro ni Suki ang isang poster habang naglalakad kami.

“Your favorite band’s concert oh? Manood kayo ni Riguel…” sabi niya.
Ngumisi ako. “Naku! Hindi niya type ‘yan. Mga old songs type noon…”

Hindi ko matanggal ang tingin ko sa concert. Nakapaloob doon ang date. I actually want to go. Just have a good time. Kaso… mahal ang ticket. Pero… baka nga makabili na ako kung may pera na ako galing sa trabaho, ‘di ba?

“Titingnan ko kung makakapunta ba ako. By the way… sa Biyernes ba ang lakad natin with Nicholas?”
“Yes. He wants in a high end bar. Busy siya ngayon sa negosyo nila ni Kaius, e. Mukhang may dinaluhan yata na exhibit ng kapatid niya.”
“Tayong tatlo lang?” tanong ko.
“Most likely. Isama mo na si Riguel.”
“Naku! Huwag na! Ang boring noon. KJ pa…”
Tumawa si Suki. “Eh kasi lagi kayong nag-aaway, no… But… oo nga. Huwag mo nang isama at baka mag-away sila ni Nico.”

Pagkatapos ng mga ginawa namin ay hinatid na ako ni Suki sa condo. Alas singko pa lang ‘yon at wala pa si Riguel kaya may panahon pa akong magluto.

Nagluto ako ng sinigang. Para sa unang pagluluto kong mag-isa dito, iyon munang pinaka magaling ako.

Masaya ako sa nagawa ko. Nilagay ko sa lamesa ang sinigang at umupo na roon habang nag hihintay kay Riguel. It’s six thirty in the evening and he’s not yet here.

Ano kayang ibig sabihin ng maaga niya? Alas dose ba siya umuuwi at kung alas nuebe ay maaga iyon para sa kanya?

Nang nag alas syete ay medyo nawala na ang init ng sabaw. Kumalam ang sikmura ko sa gutom. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may text galing sa kanya.

Riguel:
I’m sorry natagalan ako sa trabaho. Mauna ka nang kumain. Uuwi din ako agad.

Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko habang kumakain doon.

Hindi naman maanghang pero lumuha ako. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata.

Maybe that’s the price I pay, huh? For every wrong thing I did in the past years.

Pagkatapos kong kumain ay nagligpit ako. Seven thirty and he’s not yet here.

Naligo ako at nagbihis ng pantulog at humiga na lang sa kama para makatulog agad. Damn! This sucks. Big time.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumikit ako ng mariin. I heard his footsteps. Papunta siya sa kama.

Umuga ang gilid ko at alam kong naroon na siya.

“Hey, I’m sorry. It’s my first time in the office since I left Manila. Medyo maraming trabaho…” aniya.

Kinusot ko ang mga mata ko. Kunwari tulog at nagising lang.

“I know you’re not asleep yet…”

First time mong ma meet ulit si Alli kaya ilang rounds siguro nagawa n’yo ‘no? What the hell am I thinking?

“Kumain ka na…” iyon lang ang nasabi ko habang nakapikit parin.

Ayaw kong makita niya ang paniguradong namumula kong mga mata.

Nagulat ako nang bigla kong naramdaman ang lambot ng kanyang labi sa akin. Napamulat ako roon.

“I’m sorry…” he said and he kissed me again. “Forgive me, Lienne…”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.