Tripped – Kabanata 32

May 12, 2016 By In Tripped 1 Comment

Kabanata 32
Manila

Tahimik kami sa hapag habang kumakain. Parehong ‘di nagsasalita. Natatakot ako na mag-away ulit kami at kung ano pang masumbat ko sa kanya kaya pinili kong manahimik.

Pagkatapos ng pagkain ay nagpaalam ulit siyang magbabasa sa opisina.

Mabuti na rin at aalis na kami rito. May opisina kaya siya sa condo niya? Siguro. At iyon na naman siguro ang gagawin niya magdamag.

Alas diez nang pinili kong umakyat na pagkatapos ng ilang palabas sa TV. Pumasok na ako sa kwarto at pinatay ang lahat ng ilaw, maging ang sa lampshade para makatulog na.

Pero kahit anong gawin kong pagbibilang ng hanggang one thousand ay ‘di ako nakatulog. Palipat lipat ako ng posisyon at talagang marami ang pumapasok sa utak ko.

Naisip ko si Yeshua. Inisip ko ang mga gusto niyang ipangako ko sa kanya. Secure the house and the plantation… then talk to Piper.

Hindi ko pa alam kung nandito ba si Piper o wala. Magtatanong pa nga pala ako kay Suki kaso aalis na kami ni Riguel bukas. Kung sakaling nasa Alegria pa si Piper, matatagalan pa siguro ulit bago kami magkita. Siguro ang sunod naming balik ni Riguel dito ay kapag akin na ang mansyon.

Inisip ko ang parents ko. I imagined them still here. Iyon ang paborito kong daydream, e. Iyong mag imagine na nandyan parin sila. Ano kayang magiging reaksyon ni Mommy kapag nalaman niyang pinakasalan ko si Riguel? Magagalit kaya si Daddy? E, si Yeshua? Mommy would be very happy. She supports me in that.

But then I wouldn’t marry Riguel if they were here. Kung nandito sila, amin parin ang plantation at mansyon. Si Riguel ay mananatiling lawyer at baka kinasal na rin sa babaeng mahal niya.

Hindi mo talaga malaman ang panahon. Noon, kami ang angat. Ngayon, lugmok na lugmok ako. Nasanay ako sa marangyang pamumuhay ngunit kinaya ko rin naman ang paghihirap. At least now I know that I can handle the worst, right?

I checked my phone to see what time is it. Nakita kong ala una na ng madaling araw at heto ako, iniisip ang pamilya ko.

I wonder if maagapan pa si Yeshua kung sinabi ko iyon ng mas maaga? Malamang. O ‘di kaya pinilit ko si Mommy na ipagamot ang kapatid ko kahit noong December na lang? Kaso mas inatupag ko pa ang ibang bagay noon. I thought Yeshua would survive. Because I never really imagined he’d be gone.

Sana noong nandito pa sila, mas pinahalagahan ko sila. Sana imbes na magbulakbol ako o maghabol ng lalaki, nanatili na lang ako sa bahay at tiningnan sila magdamag.

Pumikit ako. Kailangan ko nang matulog.

Ilang sandali pa ang lumipas bago pumasok si Riguel. Mariin akong pumikit at ‘di na gumalaw.

Sinasadya niya kayang gabihing pumasok para ‘di kami magharap? Nakatalikod ako sa side ng kama niya at nanatiling nakapikit.

Umuga ang kama nang humiga siya at medyo gumalaw ang comforter na nakabalot sa akin.

Dumilat ako at natulala na lang.

Bakit kaya hindi na lang si Isabella ang inofferan niya ng ganito? Kung magkakasawaan sila, hindi makakapag divorce?

Hindi ko matandaan kung anong oras na akong nakatulog. Pagkagising ko ay wala na si Riguel at nakita ko ang isang maleta sa gilid ng kama.

He packed. I should, too. Anong oras kaya ang alis namin?

Sinunod ko ang sinabi niya. Iyong maliit na bag lang ang dala ko, hindi ang maleta. Iniwan ko ang ibang ‘di importante sa closet kaya lang pakiramdam ko kakailanganin ko ang lahat. Isa pa, may mga damit akong siguro’y nilalabhan pa ng mga kasambahay.

Pagkatapos kong mag-impake ay naligo na ako bilang paghahanda sa pag-alis namin ni Riguel.

Pagkalabas ko ng bathroom ay napatalon ako nang nakita si Riguel malapit sa kama. He’s topless! Nakapamaywang siya at chinicheck ang cellphone niya. With only his dark maong as his shield, I almost choked.

Nilingon niya ako. Dire-diretso ang pasok ko sa closet. What the hell? Why is this giving me a heart attack all the time?

Nagmadali ako sa aking pagbibihis. Lotion, pabango, damit, suklay, pati make up ay sa closet ko na ginawa. Nagulat na lang ako nang may biglang kumatok doon.

“Can you hand me a shirt, please?” he said from the outside of the closet.
“Saan dito?” tanong ko.

Inislide ko ang pintuan ng parte niya sa closet. It revealed most of his clothes. Halos lahat ng naroon plane colors. It’s either whites, dark blues, royal blues, blacks, greys, dark greens, dark reds… that’s all. No neon colors and the likes.

“Riguel, alin dito…”
“Pick one…”

Kumunot ang noo ko at kumuha ng isang puting polo shirt. I haven’t seen him wear one now.

“Kahit ano? Ikaw na lang mamili. Lalabas na ako…”
“No… You pick one. Kahit ano…”

Kinuha ko iyon at binuksan na ang pintuan para makita siya. My eyes immediately drifted to his chest. I handed him the shirt. Pagkatanggap niya noon ay nagkamot agad ako sa aking batok.

“Is that fine?” I asked.
“Yup…”

Tinalikuran niya ako at sinuot iyon. Halos umiwas ako ng tingin dahil sa nakikitang muscles sa kanyang likod. Oh my God, does he lift?

Pinilig ko ang ulo ko. What the hell, Lilienne?

“Anong oras tayong aalis?”
“Ngayon.”
“I’m done packing. Maliit na bag lang ito…” sabi ko. “I’ll put this on the car…”
“Ilagay mo na lang sa taas ng maleta ko. Ako na ang bahalang magbaba niyan…”

He sprayed some expensive perfume. Halos tumirik ang mga mata ko nang naamoy ko iyon.

“Fine…”

Nilapag ko ang aking bag sa taas ng kanyang itim na maleta. Tinuro ko agad ang pintuan.

“Sa sala na ako mag-aantay.”

Iyon ang ginawa ko. Ngunit ilang sandali pa lang akong nakaupo ay bumaba na agad siya kasama ang maleta at bag ko ng walang kahirap-hirap.

Dumiretso siya sa pintuan para makalabas na. Tumayo ako sa aktong paglabas ng tatlong kasambahay galing sa kusina. Huli si Nana Sela.

“Mang Luis, kayo na pong bahala muna sa farm…” ani Riguel galing sa labas.
“Ma’am, uwi kayo agad, ha? Mami miss ka namin!” ani Inday nang lumabas ako.

Sa sasakyan ay inaayos ni Manong Tasyo, ang aming hardinero, ang mga bag at nag-uusap naman si Manong Luis at Riguel.

“Mamimiss ko rin kayo. Uuwi rin siguro kami pagkatapos ng ilang linggo.”

Kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong plano ni Riguel tungkol sa pag-uwi. But I can probably ask him to go home if I want to.

“Lilienne, Riguel…” si Nana. “Mag-ingat kayong dalawa sa byahe. Sana ay habang nasa Maynila kayo, huwag kayong mag-aaway.”
“Opo, Nana…” sagot ni Riguel.

Nilipat ni Nana Sela ang tingin niya sa akin. Tipid akong ngumiti ngunit hindi niya ako sinuklian. Para bang may paratang agad siya sa akin kahit wala naman.

“Ikaw, Lilienne. Habaan mo ang pasensya mo’t abala ang asawa mo sa trabaho.”
Tumango lamang ako. Tumango rin si Nana.

Binuksan ni Riguel ang pintuan ng sasakyan niya para sa akin. Nagkatinginan muna kami bago ako tuluyang pumasok. Pagkasarado noon ay binaba ko agad ang salamin.

“Paalam po. Ingat din po kayo rito!” sabi ko.

Kumakaway na sila sa amin hanggang sa pinaandar na ni Riguel ang sasakyan at tuluyan na kaming umalis.

“Pwede kang magpatugtog rito, kung gusto mo…” ani Riguel.

Mahabang byahe pa ang mangyayari kaya kailangan nga namin ng tugtog. Ayaw ko namang puro katahimikan lang ang mangyayari sa byahe.

Tinuro niya ang iPod touch para matingnan ko ang playlist niya. May Spotify siya at kung anu-ano pa. Tiningnan ko ang mga tugtugin niya sa iPod Touch, karamihan doon ay mga lumang kanta na.

Kumunot ang noo ko sa paghahanap ng bago. Konti lang ang bago at halos puro slow pa. Hindi man lang Pop Music.

Hirap na hirap ako sa paghahanap. May isang napabilang na Pop Music pero hindi ko naman masyadong gusto.

“You can try my Spotify…” aniya.

Good idea. Dahil maaga akong aantukin kapag itong mga music mo ang ipapatugtog ko. They were mostly classic. Ilang taon na nga ulit si Riguel?

Umiling ako at nagsearch ng paboritong kong banda sa Spotify. Nang tumunog iyon ay naalala ko agad ang mga karanasan ko sa America. The way I used to walk from home to school. Though, I’m abroad, I’m living a simple life compared to my life in Alegria.

Nang tumugtog na iyon ay nilingon ko na ang bintana. Alam kong ‘di iyan alam ni Riguel. But he made me choose my music so he needs to deal with that. Anyway, kapag inantok ako at nakatulog, he can choose his own right away.

Naglaro na lang ako sa aking cellphone sa loob ng mga isang oras hanggang sa napagod ang aking mga mata. Ngayon ay nagdadrums naman ako sa hita ko habang paulit ulit na tinutugtog ang favorite song ko sa bandang pinakikinggan namin.

“British band?” he suddenly asked.
“How did you know?” tanong ko.
“Naririnig ko sa lyrics. They sound european.”

Tumango ako at nagpatuloy sa pakikinig. Biglang tumunog ang cellphone ni Riguel. Nilingon ko siya at agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone. Nakita kong linoudspeaker niya iyon.

Binabaan ko agad ang volume ng stereo.

“Yes…”
“Hi Attorney Alleje!” lalaking boses iyon.

Tiningnan ko ang cellphone niya. Nakita kong “Atty. Abella” ang tumatawag. That’s the Attorney in Alegria, right?

“May ipapabasa sana akong kaso sa’yo ngayon. Nasa inyo ka ba?”
“Pauwi kaming Manila. I’m sorry, Ed. Next time.”
“Ayy! Ganoon? Bilis ah? Miss mo na si Alli?”
“Fuck!”

Mabilis na dinampot ni Riguel ang kanyang cellphone. Bumaling agad ako sa kalsada at pumikit. Hinilig ko ang ulo ko sa backrest ng upuan.

Who the hell is Alli? Makatulog na nga lang.

Pinatay niya na ang loudspeaker kaya ngayon ay nasa tainga niya na ang cellphone. I shouldn’t care.

“Anong kaso ba iyan?” pagalit na tanong ni Riguel.

Mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko.

“Hindi nakakatawa. I’m driving. I’ll put this down. Send me the details if you can through email. Bye…”

Narinig ko ang paglapag ni Riguel ng kanyang cellphone sa baba. Nanatili akong nakapikit.

“Lilienne… hindi ka ba nagugutom? O nauuhaw? May pagkain sa likod.”
“Matutulog muna ako.”

Maingay siyang humugot ng malalim na hininga at ‘di na muli nagsalita.

Sino kaya ang Alli na tinutukoy ni Atty. Abella? Kliyente? Puro babae ang kliyente ni Riguel! O baka naman sa firm nila? Nagtatrabaho? Whatever.

Nagkatotoo ang kagustuhan kong matulog. Inantok nga ako at natuluyan sa pagtulog.

“Hey…”

I felt the hot breath on my neck.

“Lilienne… Wake up. We need to eat lunch…”

Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon si Riguel. He’s almost leaning on me. Lumayo siya nang nakitang nagising ako.

Nasa labas kami ng isang simpleng restaurant sa karatig probinsya. Tinanggal ko ang unan sa aking leeg at nilagay sa likod.

“Okay…”

Wala pa ako sa sarili pagkaupo sa kawayang upuan doon sa restaurant. Tulala pa ako dahil kakagising ko pa lang.

Binigay kay Riguel ang menu. Sa akin ay nilapag lang sa tabi ko. Sinilip ko iyon.

“Anong gusto mo?”
“Kahit ano…”

Pagkasabi ko noon ay pumili agad siya ng tatlong putahe. Tahimik kami habang kumakain. Bitin ako sa pagtulog kaya pakiramdam ko ay matutulog pa ako ng matagal pagkabalik namin sa sasakyan.

Pagkabalik naman namin ay may kausap ulit siya sa cellphone. Mukhang tungkol sa trabaho ulit dahil medyo seryoso ang kanyang boses.

“Bukas dadalaw ako kaya huwag mo nang icancel iyon. Ako na ang bahala. Napag-aralan ko…”

Binaba ko ang upuan para mas mahiga ng mabuti at pumikit na. Bahala ka, Riguel. Matutulog ako sa byahe.

Iyon ang nangyari. Gising ako kapag gutom at kakain ako ng kung anu-anong pagkain sa likod ng sasakyan. Nagawa ko pang gumawa ng sandwich since nakita kong may loaf doon at may cheese sandwich spread. Sarap!

Nilingon ko si Riguel na seryosong nakatingin sa kalsada. Is he hungry or thirsty? Tahimik lang naman siya.

“Are you hungry?” I asked a dumb question.

Sumulyap siya sa akin.

“Pakagat na lang ng sandwich mo…” he said.

Nagkibit ako ng balikat at nilapit iton sa kanya. He took a bite and I felt his lips on my index finger. Napalunok ako sa nangyari at inalis agad sa kanyang harap ang sandwich.

“Uhm… Ayos lang ‘yan sa’yo? I can make you one.”
Umiling siya. “I’m fine…”
“Okay…”

Hinaplos ko ang gilid ng aking index finger gamit ang thumb. Ngumuso ako at kinagatan na lang din kung saan kumagat si Riguel.

“Water?” tanong ko pagkatapos kong buksan ang panibagong bote ng tubig.

Tumango siya. Nilapit ko agad ang tubig sa kanya at uminom siya ng konti. Bakit ganito? Pwede naman kaming tumigil kung gutom talaga siya, ‘di ba?

Pagkatapos niyang uminom doon ay ininuman ko na lang din ang parehong bote. Well… sayang naman kung mag open pa ako ng bago.

Pagkatapos ng ilang sandali ay natulog muli ako.

Nagising na lang ako sa tunog at vibration ng aking cellphone. Wala sa sarili kong kinuha iyon sa aking tagiliran at sinagot ang isang unknown number.

“Is that account just your poser or did you really marry Riguel Alleje?” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Dumilat ako at tumuwid sa pagkakaupo. Inayos ko ang upuan ko. Nagulat si Riguel sa reaksyon ko.

“What? Who’s this?”

Tumawa siya at nakumpirma ko kaagad na si Nicholas Revamonte iyon! He’s calling from a local number. And he doesn’t have that in the U.S. Either bumili siya… o nasa Pinas siya!

“Where are you?”
“I’m in Manila, Lili. Unfortunately, I’m not coming home just yet. I have things to do!”
“Nicholas! Pa Manila rin ako! Oh my God!” pahisterya kong sinabi.

Hindi ko alam kung bakit parang mas napaaga ang pasko nang narinig ko siya. I feel like he’s family.

Hindi mo pala talaga malalaman. Minsan, iyong mga kaibigan mong sobrang close sa’yo, hindi mo na mamamalayang pamilya na ang turing mo sa kanila.

“Really? But did you really marry Riguel Alleje?” aniya.
“Yes… Uhm…” but it’s a long story. “Well catch up when you’re free, okay? Did you contact Suki?”
“Yes. Sa kanya ko nakuha ang numero mo. Kita tayo kapag free ako, ha?”
“Sige ba! Nasa byahe pa lang ako. Malapit na akong dumating ng Maynila!”
“That’s great! So shall I say… see you?”
“See you!”
“Okay. I have to go for now… Bye…”

Binabaan ako ng tawag pero parang gusto kong magtatalon! Nicholas is here!

“Nicholas Revamonte? He’s in Manila?”
“Yes!” hindi ko maitago ang excitement.

Kumunot ang noo ni Riguel nang sumulyap siya sa akin. Nang bumaling ulit sa kalsada ay galit na ang kanyang ekspresyon.

“Kaya mo ba gustong pumunta ng Maynila dahil alam mong uuwi siya?” pabulong na sinabi ni Riguel.
Napawi ang ngiti ko roon. “What?”
Hindi niya inulit.
“Ni hindi ko nga alam na uuwi siya. Nagulat na nga lang ako at may numero siya sa akin. How will I know that he’s coming home. It’s coincidence, Riguel.”
Tumango siya at mukhang naniwala naman. But I can’t believe he thinks I’m that kind of girl.

Nakahalukipkip at simangot ako pagkapasok namin ng Maynila. Hindi maalis sa utak ko iyong tanong ni Riguel. At bakit siya makikialam na ‘di naman ako nakialam sa sinabi ni Atty. Abella tungkol sa siguro’y girlfriend niya. Correction, whoever that girl is… she’s not anymore a girlfriend. She’s kabit! That’s the right term. He’s married to me. And whoever gets in the way is called kabit!

He pulled over at the basement of an expensive looking condominium in Rockwell. Lumabas agad siya. Lumabas na rin ako roon.

Kinuha niya sa back seat ang aming mga gamit. Inayos ko naman ang damit ko at sumunod na sa kanya patungo sa elevator ng condo.

Tahimik kami sa loob. Ano? Galit siya? Galit din ako.

Tumigil kami sa 22nd floor. Dire diretso ang lakad niya hanggang sa makarating sa kanyang unit.

Una siyang pumasok. Dahan dahan pa ako pagkapasok at tiningnan agad ang paligid doon. Wow. This looks a bit expensive.

Una kong nakita ang living room at dining table. May flatscreen at speakers sa tapat ng itim na square type sofa.

Dumiretso yata siya sa kwarto pagkatapos sinarado ang pintuan. Ako naman ay dumiretso sa isang pintuan malapit sa living room para tingnan ang balkonahe.

The view is breathtaking. I can’t help but smile.

Umalis ako roon at tiningnan ang kitchen. Sa room na iyon may bodega pa o utility room at may bathroom!

Lumabas ako ng kitchen at nakita ang unang kwarto. It looks like a study to me. Big rectangular table, book shelves, computer, sofas, and etc. and with it’s own bathroom!

Lumabas ako at tiningnan ang isa pang bedroom. Bedroom. With it’s own bathroom too! White sheets, white everything. Who’s sleeping here?

And the last… and it looks like the biggest among the them… The master’s bedroom. Kung saan naroon si Riguel.

Sofa. Check. King size bed with dark sheets and pillows. Check. Lampshade. Check. Television set. Check. Balcony. Check. Closet. Check. Big bathroom with bathtub. Check.

Nakapamaywang ako at tiningnan si Riguel na ngayon ay topless na naman.

“Are you living alone?”
“Before. You’re here now…”

Nagkibit siya ng balikat.

“Wala kang kasambahay?”
“There’s always room service anyway.”
“Who cooks for you, then?”
“Nakalimutan mo yata, Lilienne. Marunong ako sa gawaing bahay. If I can clean my own unit, then I’ll do it. Minsan, wala lang akong oras kaya nagpapa room service. That means, I can cook my own meal too.”
“Okay… I’m just asking. What’s the other two bedroom for? I know the other one is probably your study. But who sleeps on the other one?”
Nagtaas siya ng kilay. “You think I have someone with me, is that it?”
Humalukipkip ako. “Riguel, alam kong kung may babae kaman. Dito mo sa kama natin ikakama kaya hindi ako nagtatanong kung may girlfriend ka bang dito pinapatulog. I’m just asking what’s it for?”
“That’s for future purposes, Lilienne. And no… if you think I let girls in here, I’m sorry you’re wrong.”

Binaba niya ang kanyang maong. I almost shouted a curse! Dammit! Iniwas ko kaagad ang aking tingin.

“I’m gonna sleep now. I’m tired.”
“Riguel, paano ang-”
“Don’t go out just yet. Kadarating lang natin ng Maynila. Tell Suki and Nicholas to have a date instead, Lilienne,” aniya.
“I’m not going out. Ang sinasabi ko ay paano ang ating dinner? Matutulog ka na lang ba ng ‘di kumakain?”
“I ordered our food. Idedeliver iyon ngayon. I’m tired. Gigising na lang ako mamaya kung mayroon na.

With just his boxers, humiga agad siya sa king size bed at pinikit ang mga mata. Alright, I understand. He’s probably so tired of that trip. Ilang oras din naman siyang walang pahingang nagdadrive, e.

Dahil walang walk in closet, I am forced to strip in front of him. Thank God he’s asleep.

“Wear your pajamas. Not the lingerie…” he murmured.
“Oo na! Alam ko ‘yon!” iritado kong sinabi. “Maaakit ka lang kasi…” bulong ko.
“Haharap ka sa room boy para kunin ang pagkain ngayon. Hindi ako makakapayag na humarap kang naka lingerie, Lilienne. Stop overthinking and let me sleep in peace.”

Nilingon ko siya at matalim na tiningnan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

One Response to Tripped – Kabanata 32

  1. jusko kinikilig ako kay riguel kahit ang cold cold nya. etong si lili pakipot pa e. HAHAHAHAH