Tripped – Kabanata 31

May 3, 2016 By In Tripped 50 Comments

Kabanata 31
Wife

Sa sobrang pagod ko ay tanghali na ako nagising. Nanatili pa akong tulala ng ilang sandali bago napagtanto ang nangyari kagabi!

I quickly checked if I had clothes on. Suot ko ang puting longsleeve ni Riguel!

It… It really did happen, right? Oh my God! It happened?

Gumalaw ako ng konti. The soreness I’m feeling is the evidence that it really did!

Bumangon agad ako at umupo. Nakita ko ang isang tray ng breakfast sa gilid ng aking kama. May isang maliit na vase na may rose ulit.

Kahit na nakakaramdam na ako ng gutom ay binalewala ko iyon. Hinanap ko ang cellphone ko at nang nakita ay agad kong kinontak si Suki.

Nagmamadali ako patungo sa banyo para hanapin ang isang bote ng pills sa medicine kit. Nagkanda hulog-hulog ang mga betadine at bulak na naroon sa pagkakamali ko.

“Shit!”
“Good morning, Mrs Alleje!” panirang bati ni Suki.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa paghahagilap ko sa mga betadine at bulak.

“Hello, Lilienne? Joke lang ‘yon. Galit agad…”
“Suki!”

Pinasadahan ko ng tingin ang mga shampoo. Tapos hinawi ko ang kurtina ng bathtub. Wala talaga roon! Tiningnan ko rin sa basurahan…

“What?”
“Suki, I can’t find my pills. The whole bottle of it!”
“Hmm? Bakit? Is there a need for it, Lilienne?” tamad niyang sinabi. “Oh my God! You need it, Lilienne!?”

Her voice now feels like she’s inside of a tunnel. Pahisterya ang tawa niya at hindi na ako makapagsalita dahil kinakain ng boses niya ang mga sasabihin ko.

Umupo ako sa inodoro habang hinihilot ang ulo. Where the hell is that?

I need it! At kung wala iyon dito ay bibili ako agad sa malapit na pharmacy!

What happened last night is wrong! Purely about lust!

“You need it? May nangyari? May nangyari? Oh my God!”
“Please don’t laugh, Suki. Namomroblema ako rito-”
“Hindi mo dinideny so ibig sabihin mayroon nga! Haha! There you go! Lumabas din ang tunay!”
“Pwede ba? I was only… tempted, Suki!”

I’m sure Riguel was, too. Lalaki lang siya. Ganyan talaga ang kahinaan. Kahit sa mga naging boyfriend ko noon. Alam ko na alipin sila ng kanilang makamundong pagnanasa. Kaya normal lang ang ginawa ni Riguel. The first time he was still able to stop us. Now, he couldn’t because I was wearing Suki’s stupid lingerie! I should stop wearing that!

“Why were you… Burning desire, Lilienne? Bakit? Gustong gusto mo si Attorney?”
“Pwede ba, Suki! Nakakainis ka, ha! Sabi ko naman sa’yo na hindi ko nga gusto si Riguel! Hindi ko siya mahal! Hindi ito ang first time kong magnasa sa lalaki, pwede? Ang dami kong pinagnasaan at syempre kung sila siguro ang kaharap ko kagabi, e ‘di nagawa na rin namin! Simple! Just… oh my God!”

Where the hell is the bottle?

Huminga ng malalim si Suki. Parang nawalan siya ng gana sa sinabi ko. Buti at marunong naman pala siyang tumigil sa pang-aasar sa akin.

“This is the twenty first century. I can even have sex with men kahit na ‘di kami kasal. What more na kasal kami ni Riguel. We’re married. Might as well enjoy the benefits of marraige!”
“Oo na! Sige na! Anong gusto mong gawin ko? Ipa LBC ko sa’yo ang pills ko?”

Kumunot ang noo ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos!

Alam ko na!

Bago ko pa maayos ang aking plano ay narinig ko ang padabog na pagsarado ng pintuan sa kwarto. Napatayo ako. Riguel’s here!?

“Call you later. Maliligo lang ako at may bibilhin sa bayan…”

That’s it. I’m going to buy one there. Asan ba kasi iyon? I can’t remember where I last put it. Ang alam ko ay narito lang iyon sa medicine box. Dapat sa sunod ay sa closet ko ilagay para ‘di ko makalimutan!

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo para tingnan kung naroon ba si Riguel. Nang nakitang clear naman ang kwarto ay lumabas na ako para hanapin naman sa closet iyong bote ng pills.

Wala rin doon. I give up. So I decided to take a shower instead. Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako. And because there’s breakfast beside the bed, doon na rin ako kumain.

Bawat pagkurap ko ay naaalala ko ang lahat ng nangyari. Kung pwede lang dumilat na lang buong araw, e.

Riguel’s heated body above mine. His chiseled muscles, his strong biceps, his movements… Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw tuwing naiisip ko iyong nangyari! Pinagtabi ko ang aking mga hita. I still feel sore right now. What the heck?

Pagkatapos kong kumain ay dinala ko na ang tray pababa. Inisip ko kung may naglinis kaya sa kwarto at naitapon ang pills ko. Magtatanong na sana ako kay Geling kaso napagtanto kong useless na kung naitapon na nga ito.

“Ako na po niyan, Ma’am…” ani Inday nang naabutan akong naghuhugas ng pinggan.

Nilingon ko siya. Pinalitan niya ako sa paghuhugas kaya nagpunas ako ng kamay.

“Si Riguel?” I asked.
“Nasa opisina niya po, Ma’am. Mukhang may kliyente…”
“Sige, pupuntahan ko muna…”

Kailangan kong magpaalam sa kanya na may bibilhin ako sa bayan. At kung pwede ay manghiram din ako ng sasakyan. Kung tatanungin niya ako kung anong bibilhin, sasabihin kong mga ingredients ng susunod kong lulutuin.

Palapit sa kanyang opisina ay parang nanghihina ako. The last time we had sex, I did not see him the morning after. Right now, we’ll see each other. I don’t know what to do, really!

Lilienne, baliw ka ba? Syempre ay mag aact normal ka, ‘di ba? Kasi bakit ka magpapaapekto? That’s just sex. Plain sex and nothing more. Tao ka lang din naman, nakakaramdam ng makamundong pagnanasa kaya ayos lang iyon.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Riguel. Taas noo akong pumasok para magpaalam.

Tawanan at biruan ang nadatnan ko pagkatulak ng pintuan. Talagang ‘di pala siya nag la-lock.

Nakatayo si Riguel sa gilid ng kanyang swivel chair at nakangiti sa babaeng nakaupo naman sa silya sa harap ng kanyang lamesa.

The girl looked classic. Her hair was pretty made up. Umaalon sa baba ngunit hindi tulad ng natural na alon sa akin. Talagang pinakulot. Her eyebrows are perfect, her lips are thin and red, and her nose narrow like that of a doll. She’s also slender and tall. Naka pumps pa siya! Alam kong matangkad siya kahit nakaupo.

Natahimik silang dalawa. Napawi ang ngiti ni Riguel at tinuko niya ang kamay niya sa kanyang lamesa.

“Uhm…”

What the hell? I can’t say it!

Napatingin-tingin ako sa mga bagay sa loob ng opisina bago nakahugot ng lakas loob na magsalita.

“Miss Madriaga, this is my wife… Lilienne Alleje…”

Hindi tulad ni Chio, tumango lamang si Miss Elizabeth Madriaga. If I remember her name correctly!

Tumango lang din ako sa kanya at bumaling agad kay Riguel.

“May mga kailangan akong bilhin para sa susunod na lulutuin ko. Kailangan kong mamalengke…”
“Ilista mo na lang at ibigay kay Nana…” si Riguel.
“Kailangang ako yung bumili.”

Ilang saglit na nanatili ang tingin ni Riguel sa akin pagkatapos ay tumango.

“Matatagalan ka ba?”
“Hindi. Mga isang oras lang siguro. Depende kung mahanap ko agad lahat.”
“Ipatawag mo si Mang Luis.”
“Pwedeng ako na ang magdrive, Riguel…” sabi ko.
Umiling siya. “Si Mang Luis na…”

Hindi na ako nakipagtalo. Gusto ko nang umalis doon. Lalo na’t nasusulyapan ko si Miss Madriaga na patingin tingin sa aking suot. I’m wearing a ripped shorts and white t shirt. So what? Do I need to wear a long gown to be suited as the Attorney’s wife?

Sa iritasyon ko ay umirap ako bago ako tumalikod sa kanila.

“So… where are we?” I heard Riguel said.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang sinarado ang pintuan.

Nakita kong bumalik ang ngisi noong babae kay Riguel.

Natulala ako ng ilang saglit sa harap ng pintuan.

So… I thought the scenes after sex would feel better. Just like what’s in the movies, right? Or in the books? Mas malinaw ang lahat pagkatapos ng pangyayari.

Ay, oo. Mas malinaw parin naman. Malinaw na sex lang iyong nangyari at wala na dapat akong iniisip kundi ang tapos na ito.

If you ask me if I’d do it again? Maybe not. Ayaw kong ganito ka gulo ang utak ko. Ayaw kong buhol-buhol ang pakiramdam ko pagkatapos. At mas lalong ayaw kong kabahan na baka may mabuo.

Sinunod ko ang sinabi ni Riguel. Tinawag ko si Manong Luis at nagpasama ako sa bayan.

Bumili nga ako ng mga ingredients ng ginataan kahit na alam ko namang mayroon na rin nito sa mansyon. Bumili na lang din ako ng kung anu-ano. Nang napadpad ako sa isang pharmacy ay namili na ako ng pills.

Napangiti ako nang may nakitang mag-asawa. The girl looks young while the man looks a bit older than me. I find it cute. Mukhang jolly ang pagkatao ng babae samantalang medyo seryoso naman ang lalaki.

Nang nakapagbayad na sila ay naabutan ako ng babaeng nakatingin sa kanila. She gave me a pretty smile. Tumango ako sa kanya.

Nakakainggit.

“Pwedeng patingin ng brands n’yo sa pills?”

Ilang sandali ako roon dahil tinawagan ko pa si Suki.

“Alam mo, Lilienne, pwede kang pumunta sa OB at magpaturok na lang doon para hindi ka na mawalan. Malay mo binasura ni Riguel ‘yong isang bote ng pills mo!” ani Suki.
“Ba’t niya naman gagawin iyon? May kilala ka bang magaling na OB?”
“Mayroon. Isusuggest kita sa kanya. Ayos lang ba sa’yo kung lalaki? Pero magaling talaga siya!”
“O sige. Basta suggested mo. Pagkauwi namin ng Maynila, pupuntahan ko rin agad.”
“Sige!”

Nakabili na ako ng medyo magandang brand. Pagkatapos ng isang oras ay umuwi na rin kami.

Ala una na iyon kaya tingin ko’y tapos na ring kumain si Riguel. Kaya heto’t mag-isa ulit akong kumain.

“Sinong client ni Riguel ngayon?” tanong ko kay Inday habang kumakain ako.
“Si… Miss Madriaga parin yata, Ma’am. Dito nga iyon kumain. Mukhang may problema sa kaso niya…”

Natigil ako sa pagnguya. You mean she’s been here the whole time? Umalis ako. Umuwi ako. Kumain ako. Nandito parin siya?

Just. Wow. Riguel.

Yayain ko kaya ulit siya sa kanyang Lola at Lolo nang mapangaralan siya?

Nanghina ako. Tinitigan ko na lang ang pagkain sa aking harap. Ramdam ko ang parang hangin na dumaan sa aking puso. It literally hurt.

“Inday, turuan mo akong magluto ng ginataan ngayon… Pagkatapos kong kumain…”

Tumango si Inday pero seryoso ang tingin niya sa akin. Hindi ko na binalik ang mata ko sa kanya.

Hindi ko makuha kung paano gawin ang ulam na ginataan. Hindi pumapasok sa utak ko ang lahat ng mga sinabi ni Inday.

“Ma’am, wala ka yata sa sarili. Ako na po ang magbubuhos ng gata…”

Pinalitan ako ni Inday doon. Humilig na lang ako sa counter habang tinitingnan siya.

“Pagkatapos, Ma’am, hihintayin na kumulo…” ani Inday.

Tumango ako kahit hindi naman talaga nakuha ang mga sinabi niya.

Pagkatapos ng pagluluto ay umakyat na ako sa kwarto para makapagbihis para sa pagja-jogging ko.

Nilingon ko ang opisina ni Riguel bago ako tuluyang umalis.

Maaga akong nagsimulang mag jogging. Dumaan na lang ako sa gilid kung nasaan ang mga puno para may shade kahit paano.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo ay tumigil ako at tiningnan ang mansyon sa malayo. Napangiti ako nang napagtantong marami ngang nagbago. Riguel tried to preserve it but he ended up putting his own style in it.

I wonder what will happen after six months? I wonder if I’ll be in the U.S. by that time?

Sinipa ko ang bato at nilagay ko ang aking kamay sa loob ng bulsa ng hoodie ko.

Kung akin na ang mansyon at babalik ako ng U.S., sino ang mag-aalaga rito? Ibig sabihin uuwian ko rin agad dapat, ‘di ba?

Hmm. After one month sa U.S., umuwi kaya ako? Pero paano naman ang trabaho ko? Maybe I should think about other businesses? I can’t leave the mansion.

Sa mga inisip ko ay mabilis na lumipas ang panahon. Tumigil ang music sa aking cellphone ng ilang sandali, hudyat na may mensahe. Tiningnan ko agad iyon at nakita kong si Riguel ang nagtext.

Riguel:
Huwag kang magpagabi. Sabay tayong mag dinner.

I wonder what he’s like if he’s with his true wife? Iyong pinakasalan niya talaga kasi mahal niya?

He probably won’t spend much of his time inside his office. Siguro ay maya’t maya ang paglabas niya. And the wife would probably go to his office too. Serve drinks, food, and many more.

I typed in…

Ako:
Ok.

Paano kaya siya? Dahil kasal na kami, hindi siya makakapagpakasal na ulit, hindi ba? Dahil wala namang divorce rito. Oh maybe he’ll find a way. He’s a lawyer after all.

Papalubog na ang araw noon. Sabi niya huwag magpagabi. Kaya lang masyadong nakakaakit ang kulay ng langit tuwing papalubog na ang araw. I don’t want to miss it. I would never get tired of sunsets.

Tumakbo na lang ako nang tuluyan nang nanalo ang dilim sa langit. Palapit ako sa bahay nang nakita si Riguel na nakaupo sa terrace.

Tumayo agad siya nang nakita akong paakyat na.

“Ginabi ka…” he said.

Please don’t start, Riguel. I’m exhausted.

“Hindi pa naman late…” sabi ko. “Riguel…”

Nakapamulsa siya ngayon. Ayaw kong lumapit. Nahihiya ako dahil medyo pawis pa ako. His attention is all on me now.

“Ayos na ba ang schedule mo? Kailan iyong pupunta tayo kay Judge nang makakuha na ako ng ticket pauwi ng New York.”

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Hindi siya agad nakasagot. I feel like he’s waiting for me to say more.

“’Tsaka, manghihingi rin ako ng original copy ng marraige certificate natin.”
“Nasa closet mo, nilagay ko.”
Tumango ako ng marahan.
“Pagkabalik nating Manila, ichicheck ko sa mga sekretarya ko ang schedule para malaman na kung kailan. Maybe it’s two months or three months from now.”
“Ibig sabihin pwedeng ‘di na tayo tumagal ng anim na buwan?”

Mag iisang buwan na yata akong kasal sa kanya ngayon. Kung sa loob ng tatlong buwan, ibig sabihin apat na buwan lang?

Pero hindi ba iyon ichicheck ng Judge? Na baka magulat siya after one year ng pagiging adviser niya kay Riguel malaman niyang wala na ako?

“May inayos kami kanina sa kaso ni Miss Madriaga. May kinasuhan kasi siyang Oral Defamation at may dala siyang mga panibagong ebidensya…” he explained.
Umiling ako. “Yeah. Well, trabaho mo ‘yan…”

Pinasok ko ulit sa bulsa ng hoodie ang aking mga kamay at lalagpasan na sana siya para makaligo nang bigla siyang nagsalita.

“Let’s talk about what happened last night…”

Nilingon ko siya. He looks so serious. What I feel right now is indifference.

“Don’t worry about it…” I said.
“What if you get pregnant?” binaliwala niya ang sinabi ko.

Hinarap ko siya. Hindi ako mabubuntis. Sisiguraduhin ko iyon!

Kung iyon lang pala ang inaalala niya, huwag na siyang mag-alala. We can fuck each other all night every night and I’ll make sure I won’t get pregnant!

“I won’t…”
“What if, Lilienne? I don’t want my child to grow up without a father…”
“Wait wait… Advance mo yatang mag-isip. Wala pa naman, Riguel. ‘Tsaka ‘di mangyayari ‘yon. Based on experience natin, ‘di ba? Magaling ka naman. Kayang ‘di makabuo…”
“I’m serious, Lilienne. Please, don’t make this a joke!”
“Don’t worry about it. At kapag talagang makabuo tayo, huwag kang mag-alala at hindi naman ako madamot. I’ll give you some time with our child, Riguel.”
“What about you? If you get pregnant within the six months, uuwi ka parin ng New York? Who’d take care of you then?”
“I’ve been taking care of my self my whole life so I’ll be fine. And don’t worry. Hindi ako makakapayag na may mabuo, Riguel.”

A baby is made through love. In our case, there’s no love. At ayaw ko ng ganoon.

“So… when are we going back to Manila? I need to work…”

Tumango siya at humugot ng malalim na hininga.

“Kailan mo gusto?”
“Kung pwedeng bukas, e ‘di bukas…”
“Tomorrow then…”

Nagulat ako sa bilis ng desisyon niya! Really? We’re going back to Manila tomorrow? Bakit hindi ko sinabi noong nakaraan na gusto ko nang mag Manila! Sana mas napaaga!

“Pack lightly. You can shop for your clothes there…”
“Nag-iipon ako ng pera, Riguel. Do you want me to go bankcrupt just before I can buy my tickets to the U.S.?”
Umiling siya. “Ako na ang bahala. I’ll give you my cards.”

Hindi ako makahanap ng salita sa sinabi niya. Of course I won’t do that! Just because we’re married doesn’t mean I’ll enjoy your privileges!

“No, thanks. Kaya ko naman-”
“Lilienne! Ibaba mo na ang pride mo, please. While you’re with me, I’ll take care of you whether you like it or not. You’re an Alleje now. You’re my wife. So drop your ego, even just for now… Magbihis ka na. Hihintayin kita sa lamesa. Sabay na tayong kumain,” malamig niyang sinabi at tinalikuran na ako.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

50 Responses to Tripped – Kabanata 31

  1. Im so exited with the revelation na mlalaman ni riguel n wla ng parents c lili ???

  2. Bakit Hanggang ngayon wala pang UD! Buti pa yung mga nakakabasa sa wattpad sulit na sila patapos na sila ehh. Tayo tungangers! Parin sa UD kahit wala namang balak mag UD dito. Walang samaan ng loob ahh. Komento ko lang naman to!

    • Can’t wait? Ikaw na din nag sabi na ptapos na sa wattpad.. Edi dun ka magbasa.. Nakiki basa LNG nman tayo so no need for us to demand..hahaha, walang samaan ng loob, just sayin’.. ?

  3. Sa twitter may kab39 na.whereas im stuck at kab 31.
    . Where is kab 32???? :(

  4. Thank you missJ. Sa mga story mo na ibinahahi sa amin ng lebre, sana wag po kau mag sawa na mag pakilig, mag pa inis ,mag patawa at mag pa iyak sa mga mangbabasa mo at higit sa lahat mag inspire. God bless po sa nyo.