Tripped – Kabanata 29

May 2, 2016 By In Tripped 3 Comments

Kabanata 29
Hindi

Kinaumagahan ay ayaw ko nang bumangon. Ang akala ko kagabi makakalimutan ko iyong nangyari pero ngayon parang sariwa pa sa aking labi at memorya ang lahat!

Kung wala lang si Suki ay baka ‘di na ako bumangon. Kaya lang ay kailangan ko pa iyong ientertain. Lalo na’t mukhang ngayon din agad ang uwi niya.

Wala si Riguel sa sofa. Siguro ay ‘di siya natulog dito sa kwarto. Naligo muna ako at nagbihis. Habang ginagawa ko iyon ay naaalala ko na naman ang nangyari. The way Riguel walked out of our room. He pushed me after the kiss. Like he was so disgusted of me.

Kahit na may history kami, talaga palang ayaw niya na. Nanuot ang sakit sa aking sistema. Kahit gusto kong balewalain ay lagi kong naiisip.

He rejected me. He didn’t want me.

It’s normal. Ano ba dapat ang iisipin ko? Na gusto niya parin ako? Na may nararamdaman parin siya sa akin? This is all just for show.

Mabuti pa tanungin ko siya tungkol sa judge. Tatanungin ko siya kung kailan iyon at nang maisip ko na kung ano ang gagawin ko. Matatantya ko na kung kailan ko makukuha ang mansyon.

Matamlay akong lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kwarto ni Suki para tingnan siya roon. Nakita kong katatapos niya lang din maligo at ngumisi siya sa akin pagkapasok.

“Oh? Parang… matamlay ka? Hang over? May nangyari kagabi?”

Interesadong umupo si Suki sa tabi ko. Bagsak ang balikat ko at kahit anong pilit kong pagngisi ay hindi ko nagagawa. Halatang peke ang mga ngiti ko.

“Wala. Anong oras ang uwi mo?” tanong ko.
“Aalis na rin agad ako pagkatapos ng almusal. May kailangan kasi akong tapusin mamayang gabi.”
“Aalis ka agad?” malungkot kong sinabi.
“Hay! Next time, magbabakasyon ako, Lilienne. May kailangan lang talaga akong tapusin ngayon. Bakit? Sobrang bored ka ba rito?”

Hindi ako sumagot. I’m not entirely bored. I’m just probably lonely.

“Sabihin mo kay Riguel ng Manila na kayo agad pagkatapos ng taniman. O ‘di kaya ay magbakasyon…”

She sounds as if she thinks Riguel really cares for me that way. Ilang araw nga akong bored, ‘di naman nakealam si Riguel.

“Baka next week. Kung ayaw niya pang mag Maynila, ako na lang.”
“Papayag ba iyon?”
“Kailangan ba ng permiso?”
“Mag-asawa na kayo…”
“Sa papel lang. Sa puso at isip, hindi…”

Kumunot ang noo ni Suki sa akin. Tila ba may napagtanto siya sa asal ko. Ngumisi agad ako para matigil ang kung anong iniisip niya.

“Bumaba na tayo nang makapag breakfast ka na…”
Tumango si Suki at sumunod naman.

Papunta kaming kusina nang nakita ko si Riguel sa hapag. May binabasa siyang mga papel habang inaayos ng mga kasambahay ang mga pagkain.

May kung ano naman sa tingin ni Nana Sela sa akin. Tila ba tinitimbang niya ang reaksyon ko. Nilipat ko na lang ang tingin ko sa pagkain.

Tingin ko rin ay naramdaman naman ni Suki ay tensyon. She awkwardly sit on the seat in front of me.

“Anong oras ang uwi mo, Suki?” tanong ni Riguel.

Tiningnan ko na lang ang tasa ng kape sa gilid ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang magsalita ngayon.

“Ngayon din agad pagkatapos ng almusal, Riguel. Pasensya na sa istorbo rito, ha?”
“Walang anuman. Masaya naman si Lilienne na nandito ka… Marami namang kwarto…”

Kumuha na ako ng toasted bread at naglagay na ng butter doon. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong nakatingin si Riguel sa akin.

“Bukas na lang tayo bumisita kina Lolo at Lola. May imemeet akong mga kliyente ngayon, iyong pinostpone ko kahapon…”

Tumango lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

“Uh, kailan ang balik n’yo ng Maynila, Riguel?” si Suki.
“Hmm. Baka next week. Sa Lunes ay baka tapos na ang pagtatanim. Babalik na kami pag maayos na ang lahat.”
“You have a condo somewhere?” tanong ni Suki.
“I have a condo in Makati.”
“Oh! Lili, ayos lang iyon. Nasa BGC ang kompanya namin. Pahatid ka na lang kay Riguel kung sakali…”
“Company?” si Riguel.

Uminom ako ng kape. Medyo mainit pa kaya napaso ang dila ko. Binaba ko kaagad ang kape.

“Dahan-dahan, Lilienne…” Riguel said in a very concerned tone.

Hinawakan niya ang baba ko tila gustong iharap ang mukha ko sa kanya. Hinawi ko ang kamay niya.

“I’m fine…”

Nagkatinginan kami ni Suki. Nagpipigil ng ngiti ang kaibigan ko. It’s not funny, Suki.

“Magtatrabaho ako kina Suki pagbalik natin ng Manila.”
“Bakit?” si Riguel.

Pagod kong napatingin sa kanya. Kailangan pa ba talagang itanong iyan? Syempre at mag-iipon ako ng pera! Kung wala lang si Suki rito ay baka kanina ko pa pinamukha sa’yo na balak kong bawiin iyang plantation!

“Kailangan ko ng pera. Mag-iipon ako. By the way, when are we going to the Judge?”

Napainom ng tubig si Suki. I need to know. At kailangan ngayon na agad. Nang makapagmuni-muni na ako sa mga gagawin.

“I will check my schedule. He’s on vacation. Pupunta tayo sa kanilang rest house sa isang resort.”
“Okay. Kapag naayos mo na ang schedule mo, sabihin mo kaagad sa akin.”

Nagpatuloy ako sa pagkain. Ganoon din si Suki.

“Sa pinagtatrabahuan ba ni Basty, Suki?” tanong nI Riguel.
“Oo… Uhm, I’ll hire her as the manager. Para sa mga I.T. namin. She’ll look after them…”
Tumango si Riguel. “What’s the exact address? Can I go there? I’ll check the environment…”

Sinipat ko agad si Riguel. Ano bang pakealam niya kung saan ito at bakit kailangan niya pang icheck ang environment? Bakit? Kapag polluted ba, hindi pwede? At paano maging polluted iyon, e, nasa isang enclosed space naman. Paeffect lang ito. Para sabihing may pakealam kahit ang totoo…

Binigay ni Suki ang address pagkatapos naming kumain. Umakyat agad kaming dalawa para kunin na ang mga gamit niya.

“Nag-away ba kayong dalawa?” ani Suki.
“Hindi…” I denied.
“Asus! Halata kayo, uy! Grabe ka! Sino kaya ang may kasalanan? Tingin ko ikaw…”

Umismid ako. How judgemental can she be?

“Ikaw lang naman laging ganoon, e. Mag sorry ka na lang…” Tumawa siya.

Magsorry? Magsorry dahil sinubukan ko ulit si Riguel? Hindi na kailangan. Wala namang nangyari. Kung may nangyari, dapat doon ako mag sorry. Pero nireject niya naman ako kaya wala akong naging kasalanan!

“Whatever, Suki. Hindi nga kami nag-away.”

Pilit niya akong pinapaamin pero wala siyang makukuha sa akin. Hindi ako aamin.

Bumaba na kami nI Suki ‘tsaka siya tumigil sa pangungulit. Si Riguel ay nasa sala na sa sandaling iyon.

“Riguel, aalis na ako. Thank you sa inyo ni Lilienne…”
“No problem. Tatawagin ko lang si Mang Luis para ihanda ang sasakyan mo…”

Dumiretso si Riguel sa labas. Nagkatinginan kami ni Suki. Her ghost smile is there again.

Pagkalabas namin ay naroon na ang sasakyan ni Suki. Pumasok na siya. Si Riguel ay nasa likod ko lang.

“Bye, Suki!” sabi ko.
“Bye! Thank you, ha! Kita na lang tayo sa Manila!”

Kumaway si Suki. Kumaway na rin ako at hinintay na makalayo ang kanyang sasakyan bago binaba ang kamay.

“What are you going to do today?” tanong ni Riguel.

Pareho kaming nasa hagdanan pa.

“Wala. Siguro mag jo-jogging mamayang hapon. Ngayon manonood ng TV at matutulog…”

Tumalikod ako at nilagpasan na siya para makapasok na sa bahay. Umakyat na agad ako patungo sa kwarto.

Nanatili ako sa likod ng pintuan ng ilang sandali, nakatulala. Iniisip ko ulit ang nangyari. Nakakahiya.

Sobrang nakakahiya.

I kissed him. I said, “Please.” and got rejected. That means something. That means even in his wildest dreams, he just wouldn’t.

I need to learn. I need to really put it in me. Na hindi talaga. Ayaw ko na naman, e. I was just drunk!

Pumikit ako ng mariin. Nagkakabuhol buhol na ang utak ko. Dumiretso na lang ako sa kama para umidlip sandali. Madaling araw na kami nakabalik dito kahapon at medyo antok pa ako dahil sa agad ng pag gising.

Tinulog ko na lang lahat ng iniisip ko. Si Riguel ay malamang nasa kanyang opisina lamang. Nagising ako ng mga tanghali nang kinatok ako ni Geling.

“Susunod na ako…” sabi ko.

Kaya lang ay nakaidlip ulit ako. Nagising lamang ako nang nag-ala una na at nakaramdam ng gutom. I texted Suki and checked if she’s fine then bumaba na ako.

Pagkababa ko ay wala nang tao sa kusina. Syempre ala una na. Malamang tapos nang kumain si Riguel.

Kumain akong mag-isa. Dinaluhan lamang ni Inday para maayos ang hapag.

“Ma’am, ba’t ‘di kayo nagsabay ni Attorney?” tanong ni Inday.

Tinusok ko ang pork chop sa aking pinggan at sinubo ang maliit na bahagi nito.

“Inantok ako kaya natulog na muna ako. May… kliyente ba siya?”
“Opo, ma’am. Si Miss Hermano iyong una kaninang umaga. Tapos sinundan ni Mrs. Valderama.”

Miss Hermano? I wonder… well, whatever. Kahit na pumasok man ulit iyong si Miss Vera Chio ay hindi ko na papansinin.

Napagtanto kong napakababaw ko palang talaga. Kahit iyon ay pinapakealaman ko pa. Ano kayang iniisip nI Riguel nang nagalit ako sa pagpasok ni Miss Vera? Siguro ay naiirita siya sa akin. May damage kaya siya sa nangyaring iyon? Nagbayad kaya si Miss Vera sa session kahit natapos nang ‘di tama?

Hihilahin ko lang siya sa putikan kung paiiralin ko ang aking isipan.

“Ano dawng mga kaso iyon?” tanong ko kay Inday.
“Hindi ko po alam, e. Hindi naman sinasabi ni Attorney. Baka si Marya, alam. Tatawagin ko na ba, Ma’am?”
Umiling agad ako. “Hindi na. Curious lang ako kung anong mga hinahawakang kaso ni Riguel.”
“Hindi mo ba tinatanong, ma’am? Hmm. Ang alam ko itong nasa opisina niya ngayon ay sikat doon sa amin. Kinasuhan kasi ito noong asawa ng may-ari ng farm kasi kabit yata? Hindi ako sigurado…”

Napainom ako ng tubig sa sinabi ni Inday.

Iniimagine ko ang mukha ng kabit. Just like Miss Vera Chio’s outfit? Tube top and mini skirt.

“Pero kung titingnan mo siya, Ma’am, parang ‘di niya magagawang maging kabit. Kasi medyo sosyalin ang pananamit, makinis, at mukhang mabait…”

Tumikhim ako. Now she’s giving me the worst ideas! Ibig sabihin mas maganda pa ito kay Miss Vera Chio?

Nararamdaman ko ang pag-iinit ng braso ko pataas sa aking ulo. Ramdam ko rin ang pagbigat ng aking puso.

The hell I care, right? I shouldn’t!

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa sala para manood ng TV. Mamaya kapag natapos ang session nila ng babaeng nasa taas ay makikita ko siya ngayon.

Dinadalaw ako ng antok habang tumitingin sa TV nang bigla kong narinig na bumukas ang pintuan sa opisina nI Riguel.

“Thank you so much, Attorney. I had a good time…” Humagikhik ang babae.
“You’re welcome…” mababang boses na sinabi ni Riguel.

Umayos agad ako sa pagkakaupo. Nang nakita ko sa corridor ang babae ay nakumpirma ko ang sinabi ni Inday. Sosyalin!

She’s weaing a black dress showing a little of her cleavage. She’s got long legs and fair skin. Naka black heels din siya at ang kanyang pulang bag ay nakasabit sa kanyang braso.

Ngumiti lamang ang babae sa akin at diretso ang lakad sa double doors.

Nagtaas ako ng kilay at pilit na huwag tumingin sa kanya kaya lang ay may narinig akong boses.

“Oops!” tumawa ang pamilyar na boses.

Nilingon ko ulit ang pintuan. Muntikan na silang magbanggaan ni Isabella Thomas. Agad na dumalo si Marya sa dalawang naroon sa pintuan.

“Ma’am Isabella, ikaw po pala iyan…” ani Marya. “Kanina pa po nag-aantay si Attorney sa inyo.”
“I know… Sorry kasi nag-usap pa kami ni Mommy bago siya umalis.”

Anong kaso nitong si Isabella at bakit siya narito? Tumikhim ako. Nilingon ako ni Isabella. Kitang-kita ko ang pagkakairita noong babae kanina sa kanya.

“Excuse me. You’re blocking my way…” anito.
“Oh! I’m sorry…” Tumabi si Isabella at umirap. “Diretso na ako, Marya, ha? Nahihiya akong pinag-antay ko pa si Riguel…”
“Sige po…” sabi ni Marya at pinagbuksan na ng pintuan ang babaeng palabas.

Iritadong lumabas iyong babae. Si Isabella naman ay dire diretso sa taas. Her buddy hugging skin tone dress suited her. And I can’t believe I gave her a compliment!

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay tinawag ko agad si Marya.

“Marya! Anong kaso ni Isabella Thomas?” I asked.
Umiling si Marya. “Wala po, e. Madalas talaga iyong pumupunta rito, Ma’am.”

Hindi ako nakapagsalita. Bitterness filled me. Different ideas flooded my mind. Para bang inaangkin nito bawat sulok ng aking utak.

Nanlamig ang aking tiyan.

Sa loob ng walong taon, hindi ako naniniwalang ako hindi nagmahal si Riguel. He’s only human. He can still feel attraction towards pretty girls.

I accept that he probably had a number of fuck buddies or even girlfriends. Nang may nangyari sa amin noon, pakiramdam ko ako lang. Pakiramdam ko ako ang naging una niya. But right now… the way he rejected me… I know for sure he got girls after me. And maybe, while I’m here, he still got his other girls.

Sa kontratang sinabi niya, dapat walang pakealaman. Dapat ay hindi ako makealam kung may affair man siya sa iba. Kahit na sabihin nating magmumukha akong tanga. Newly wed, kabit agad? Hindi man lang pinaabot ng sampung taon? Iyong nagkasawaan na? Talagang ilang linggo lang, nagsawa na?

Bakit pa kami nagpakasal kung ganoon? Well, that’s probably what they’re thinking. Dahil alam namin ni Riguel kung bakit kami nagpakasal.

Umakyat ako hindi para makinig sa usapan nila ni Isabella sa kanyang opisina. Halos ‘di ko nga tiningnan iyong pintuan nila. Dumiretso na lang ako sa kwarto para magbihis ng compression shorts at racerback.

Kahit sa pagsintas ng sapatos ay naiisip ko ang lahat.

And I can’t believe it really gets me. Even without the alcohol, the tears wants to flow. Parang punyal ang tumatama sa dibdib ko habang naiisip ang lahat.

Dapat pala pinag-isipan kong mabuti ito. Pero kahit anong balik ng pag-iisip ko, magiging ganito parin ang desisyon ko. This is for my family, after all.

I went out for a run. Una ay naglakad lamang ako para tingnan ang lupain.

One day, I’ll take this back.

Inisip ko ang mangyayari.

Pagkatapos nitong ginagawa namin ni Riguel, maghihiwalay kami. Mapapasakin ang bahay. Pagkatapos ko kina Suki, uuwi na ako ng Amerika. Doon ako magtatrabaho para mabili ko ang plantation. Kahit magkano. Hopefully Riguel would let me. I think he would, though. Kapag nakamtan niya na ang mga pangarap niya, wala nang halaga ang plantation. It would only slow him down.

I jogged my way to the green house. Nakita ko ang iilang mga tanim doon. Flowers that were not even planted by my Dad. Pinaghirapan talaga ito ni Riguel ng husto.

Umupo ako sa isang bato at nagpalipas ng ilang minuto roon habang iniisip ang lahat.

If only I can turn back time.

Kulay kahel na ang langit dahil sa papalubog na araw. Pumasok ako sa greenhouse at hinawakan ang mga bulaklak na naroon.

Yeshua, you think it’s a good idea to get the plantation back? It’s in good hands. Riguel seems good at this.

Will you forgive me if I stop and be contented of the mansion?

Nangilid ang luha ko.

Naisip ko si Piper. Wala pa akong balita sa kanya. Hindi ko rin naitatanong si Suki. Inisip ko kung may asawa na kaya iyon ngayon. At may hinanakit kaya siya kay Yeshua? Sana wala. Pero maiintindihan ko kung meron.

Alas syete y media na nang bumalik ako sa bahay. Si Riguel ay nakaabang ulit sa terrace. Sa malayo ay kitang kita ko ang pabalik balik niyang lakad, tila ‘di mapakali.

“Where have you been, Lilienne?” iritado niyang tanong nang umakyat na ako sa terrace.
“I went out for a jog. ‘Di ba sinabi ni Marya sa’yo?”
“Anong oras na? At anong oras kang umalis? You did not even bring your phone!”

Nagtaas ako ng kamay at nilagpasan na siya.

“I know… I’m sorry. I spaced out. ‘Di ko namalayan ang oras.”
“Kumain na tayo!” ani Riguel.
“Mauna ka na… Maliligo pa ako.”
“Hihintayin kita!”

Sumunod siya sa akin. Nilingon ko siya. I don’t want to eat with him. I don’t want that awkward silence or even this fight in front of the food!

“Mauna ka na, Riguel! Pwede ba? Stop doing that! It’s not like hindi ka pa nakakakain ng wala ako! You’ve been doing that all your life so you can do that right now! Maliligo ako. Matatagalan ako kaya mauna ka na!” iritado kong sinabi.
“I waited for you so we can eat dinner together, Lilienne!” katwiran niya.
“Then, I’m sorry, okay? Kung ayaw mong mag antay, e ‘di kumain ka na ngayon! Matatagalan pa nga ako! Alas nuebe pa! Malilipasan ka pa ng gutom kapag hinintay mo ako! I don’t want to eat with you, anyway…” ang huling pangungusap ay binulong ko na lang.
“Anong sinabi mo?”

Umiling ako.

“Lilienne!” mariin niyang sinabi.

Tinakbo ko na ang hagdanan pataas. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Wala akong pakealam. Bahala siya.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub. Iyon ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong mag relax dahil sobra sobra akong nasstress dito. Baka hindi ko kayanin.

Alas nuebe y media nang natapos akong maligo. Hindi ako nagugutom pero bumaba parin ako para man lang kumain ng konti.

Walang tao sa dining area. Lumapit si Inday sa akin at binuksan ang mga pagkaing tinabunan nila sa lamesa.

“Ma’am, magdidinner ka pa ba?”
Tumango ako at umupo.
“Tapos na pong mag dinner si Attorney, medyo galit…”

Hindi ako sumagot. Naramdaman din siguro ni Inday na wala ako sa mood kaya tumahimik siya. Nagsalin siya ng juice sa aking baso at kumuha na lang ako ng gulay. Hindi na ako magkakanin. Hindi naman ako gutom.

Siguro ay nasa opisina si Riguel. Nagbababad sa kanyang mga kaso para ‘di ako makaharap. He probably got so pissed. Well, I don’t care. I’m pissed too, anyway.

Sa bagal kong kumain ay inabot pa ako ng alas diez y media.

Umakyat na ako para makatulog na. Inisip ko pa nga kung tama bang sa kwarto namin ako matulog o pwedeng sa kwarto ko na lang noon.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong bukas ang TV. Mahina lang ang volume nito. Patay ang mga ilaw at tanging ang lamp lang sa gilid ng kama ang bukas.

And Riguel’s on the bed beside my space. He’s sleeping peacefully.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Even in his sleep he looks so serious and even angry. And yes, he looks so hot. Kahit natutulog, ha! Kaya hindi ko masisisi kung may magnasa man sa kanya. I’m even surprised na wala pang pumipikot sa kanya. Sa bagay, matalino siya. Kung may pipikot man ay malulusan niya iyon.

Now that he’s on our bed, maybe it means I need to do my part too. Kumuha ako ng isang unan at pinatay ang lamp sa gilid ng kama.

Bumalik ako sa TV at pinatay na rin ito. Nilagay ko ang unan sa sofa at dumiretso na ako sa walk in closet kung nasaan ang mga kumot na binigay sa amin. Kumuha ako ng isang kulay dark red at dinala ko na sa sofa.

Tinulak tulak ko ang unan para maging flat iyon sa sofa bago ako humiga. Tinabunan ko ang katawan ko at sinubukan nang umidlip.

“What are you doing, Lilienne?”

Napabuntong hininga ako sa narinig. He’s awake. Dumilat ako at nakita ko siyang nakatayo sa tabi lamang ng sofa.

“I’m trying to sleep…” sabi ko sabay talikod sa kanya.
“Hindi ka riyan matutulog…” aniya.
“It’s your turn with the bed now. I’m fine here…” pagkasabi ko noon ay agad akong naiangat!

Muntik na akong tumili sa biglang ginawa ni Riguel.

“What the hell?” sabi ko sabay hampas sa kanya.

Iniwas niya lang ang mukha niya sa aking sapak. Ramdam ko ang mainit niyang palad na naka hawak sa aking hita at ang isa naman ay nasa aking braso.

He smells so manly. Like aftershave, mint, and… if there’s a smell of cold, that’s him. But then his palms were hot. Umigting ang braso niya sa ginawa. Ramdam ko ito sa braso ko.

Marahan niya akong binaba sa kama. Because of the moves, my stomack got exposed and the whole of my thighs.

“Ayos na ako roon!” sigaw ko. “Nakatulog na ako, Riguel!”
“I was waiting for you. Nakatulog lang ako ng ilang sandali nasa sofa ka na…” aniya.

Bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. Inayos ko ang strap ng lingerie na suot ko. Yumuko siya at inayos ang lingerie. Tinabunan niya ang aking tiyan. Ganoon din ang ginawa niya sa aking hita.

Napaawang ang bibig ko nang naramdaman ko ang daliri niya sa aking balat.

This is just ridiculous.

“Ako na dapat sa sofa. Bahay mo na ito ngayon. Kama mo ito! Dapat dito ka!” sabi ko.

Humalukipkip siya. His eyebrows met. I can’t fully see his expression because it’s dark.

“Kama natin…” he corrected me.

Hindi ako nakapagsalita kahit na may idudugtong pa sana ako.

“If it’s okay with you, tatabi ako…” he said calmly.

Nagtiim bagang ako. Bakit ganito? Pilit kong inalala ang lahat. Ayaw kong malusaw na lang sa mga sinasabi niya. Isabella Thomas was with him today for an unknown reason. Instead of bringing that up, I didn’t.

“Bahala ka…” sabi ko at tinalikuran ang side niya sa kama.
“Thank you…” he said politely.

Umalis siya sa harapan ko. Pilit akong pumikit. Siguro’y kinuha niya ang unan sa sofa.

Ilang saglit ay umuga ang kama. Nasa tabi na siya! Huminga ako ng malalim. Oh my! I should stop breathing like that. Para bang kinakabahan pa ako sa nangyari.

Hindi na siya ulit gumalaw pagkatapos ng ilang sandali. He probably slept. Samantalang ako ay dilat na dilat pa!

Inisip ko kung tulog na ba talaga kaya siya?

Tumikhim ako at tumihaya para masilip siya ng konti. Nang ‘di nakaya ay hinarap ko na siya. Laking gulat ko nang nakitang nakaharap at nakatingin siya sa akin.

Shit! Shit!

Pumikit ako at nagkunwaring nagising lang ng konti. Pilit akong pumikit. Pinatagal ko. Siguro’y pinalipas ko ang limang minuto bago unti unting dumilat para makita kung tulog na ba siya.

Nang dumilat ako at nakitang gising pa siya ay ramdam ko na ang kalabog ng puso ko. For every beat, I feel like my body’s also moving. Ganoon ka tindi ang kalabog. Sa katahimikan ay ikinakahiya ko ang bawat pintig. I feel like he can even hear it!

“Hindi mo ba naisip na kumustahin man lang ako sa loob ng walong taon?”

Parang pinipiga ang puso ko sa tanong niya. Pumikit ako para itago ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Lately, natuto ulit akong umiyak. Ang akala ko ay naubos na ang luha ko sa lahat ng nangyari. Nagkamali ata ako. Maraming marami pa akong luha. At si Riguel yata ang makakapagpalabas ng mga iyon.

Umiling ako.

“Hindi.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

3 Responses to Tripped – Kabanata 29

  1. Hindi porket nagcheck nang environment Lili, pollution ang problema. Pwede namang yung mga taong polusyon sa love life niyo. Haha

  2. Kayo na ang bagong kasal na pulos away.
    Kaloka ang love story niyo, isang chapter tawang-tawa ako, sunod galit, sunod malungkot, ngayon paiyak na ako dahil sa lintik na title nang chapter na ‘to. It sucks. Big time.