Tripped – Kabanata 28

May 2, 2016 By In Tripped 2 Comments

Kabanata 28
Alcohol

Wala na akong nagawa. Kaya naman panay ang chat ko sa kanila na sana iwasan nilang iopen up iyong pamilya ko at nang ‘di kami mapadpad sa usapang iyon. Naintindihan naman nila.

“Oh. Asan na ang girlfriend niya na sinasabi mo?” tanong ni Suki.

Kanina pa ako tapos magbihis. Hinihintay ko na lang si Suki ngayon sa kanyang kwarto. Iniwan ko si Riguel sa kwarto namin dahil siya naman ang magbibihis.

“Hindi ko alam. Malay ko. Baka nasa Manila.”
“Sinabi mong si Isabella nagpunta sa wedding n’yo. Anong nangyari?”
“Wala naman. ‘Di kami nag-usap. Sila ni Riguel lang.”
“Hindi mo ba tinanong si Riguel tungkol doon?”
Umiling ako. “Bahala siya. Problema niya na iyon.”

Bigla siyang may ibinigay na regalo sa akin. Maliit lamang iyon kaya nagtataka kung ano ang laman.

“Para sa’yo lang ‘yan. Ang hirap mag-isip ng para kay Riguel. Pakiramdam ko nasa kanya na ang lahat ngayon… pati ikaw.”
“Tse! Tumigil ka nga Suki…”

Pinunit ko ang gift wrapper at nang nakita ko ang brand ay sinipat ko na agad si Suki.

“Anong gagawin ko rito?”

It is another lingerie with matching t-back panty.

“Suotin mo! Wala lang! Kung walang mangyayari, e ‘di wala. Kahit maghubad ka pa, ‘di ba?”

Hay naku! Kung anu-anong kalokohan talaga ang naiisip ni Suki. Bumili na nga kami ng maraming lingerie sa Japan noon, dinadagdagan niya pa ngayon.

Pagkatapos ng biruan at pagbibihis ay bumaba na agad kami. Si Riguel ay nasa sala na, nanonood ng TV habang nag-aantay sa amin.

Habang pinagmamasdan ko siyang nakakunot ang noo sa TV ay parang ang hirap nang iiwas ang tingin. Para bang gusto ko na lang siyang titigan maghapon. His thick eyebrows were so damn attractive. Nadedepina tuloy ang kanyang mga mata.

Pagkaangat ng tingin niya ay nag-iwas agad ako.

Tumayo siya at nagyaya nang lumabas. Gagamitin namin ang kanyang Ford. Pagkapark nito ay binuksan ko agad ang pintuan sa front seat pagkatapos ay kay Suki.

“Alam mo bang si Antonette ay nagpakasal na rin! Guess kanino?” ani Suki habang nasa byahe kami.
“Kanino?” tanong ko.
“Kay Lino!”
“Hindi nga?”

Nagtawanan pa kami sa kinahinatnan ng iilang mga kabatch namin noon. Iyon ang pinag-usapan namin habang bumabyahe. Natigil lamang nang natanaw na ang bahay nina Leon at Freya sa Puertonera!

Ang galing! Hindi ako makapaniwalang may sariling bahay na si Leon ngayon at may pamilya pa. I always imagined he’d be like his brother!

“Kailan daw uuwi si Nicholas?” tanong ni Suki.
“Hindi ko alam, e. Hindi naman siya nagsabi. Gusto nga noong sumama sa akin sa Japan.”

Tumigil ang sasakyan. Nilingon ako ni Riguel.

“Anong gagawin n’yo sa Japan?” tanong niya.
“Galing akong Japan bago ako pumunta rito sa Pinas para bisitahin si Suki…”

Tumango si Riguel at kinalas ang seatbelt ko. Hilaw ang ngising naibigay ko sa gulat. Nilingon ko si Suki na ngayon ay nagngi-ngising aso na.

Lumabas kami ng sasakyan. Pinasadahan ko agad ng tingin ang buong bahay. It looks traditional to me. Bagay na bagay sa nakapaligid na mga puno.

May dalawang tent sa labas ng bahay at may mga upuan at lamesa na roon. Napansin ko rin ang grill.

“Felisse!” may tumatakbong batang babae patungo sa mga upuan.

Hinahabol na ng naka scrub suit na siguro’y kasambahay nina Leon. Nanlaki ang mga mata ko nang natitigan ang bata.

Nasa mga apat ang edad ng batang babae at humahagikhik. Mukhang tuwang tuwa sa pagpapahirap sa yaya.

“Ma’am, Sir, narito na po ang bisita!” anang Yaya nang nakita kami.

Unang lumabas si Russel galing sa bahay nina Leon. Sunod ay si Julio. Pagkatapos ay ang mag-asawa.

Tumakbo agad ako sa kanila. For the first time since I got here in Alegria, I feel home! Hindi ko alam kung bakit!

Niyakap ko si Russel at Julio. I missed them! Nang lumapit si Leon ay niyakap ko rin siya.

“I missed you boys!” sabi ko.

Halos manggigil ako. Tumawa si Suki sa likod ko.

Si Russel at Leon ay parehong sa likod nakatingin.

“Wow, Lilienne! Tumangkad ka!” panunuya ni Julio.

Binitiwan ko sila. Si Freya ay ngumiti sa akin.

“Ang sama nila! Syempre, tatangkad ako kahit paano! Malapit na akong maging kasing tangkad ni Miss Universe!” sabay ngisi ko rin kay Freya.
“Matangkad parin magiging anak mo. Matangkad naman si Riguel,” si Freya.

Halos masamid ako sa sarili kong laway. Hindi nila alam na may ibang dahilan sa pagpapakasal namin ni Riguel kaya ‘di ko na lang pinansin ang sinabi niya.

“Dito tayo sa labas. Mag ba-barbecue tayo…” ani Leon.

Tumango ako at sabay na kaming pumunta sa tent. Si Riguel ay naroon na.

Hindi ko na naman siya kailangang ipakilala. Na awkward tuloy ako. Tingin ko ay wrong move na dinala ko si Riguel dito.

“Riguel…” ani Leon sabay tapik sa balikat. “Congrats!”
“Salamat, Leon. Pasensya na’t ‘di ka naimbita ni Lilienne. Medyo biglaan,” ani Riguel.
“Oo nga’t nagtatampo ako. Ako lang ang narito sa Alegria noong kinasal kayo. Si Russel at Julio parehong nasa Maynila kaya maiintindihan ko pa. Ako, hindi naimbita…” Nilingon ako ni Leon.

Isa ka pa, Leon, ha! Nagmana ka sa kuya mo!

“Biglaan nga, Leon, ‘di ba?”
“Kapag nagpakasal kami sa simbahan, imbitado na rin kayo… Hindi nga naimbita ang pamilya ni Lilienne dahil biglaan.”

Hindi ko alam kung alin ang una kong iisipin. But dammit he brought up that topic!

Tumikhim si Russel at umupo na sa isa sa mga upuan.

“Leon, ihahanda ko lang ang mga barbecue…” ani Freya.
Sumang-ayon naman si Leon.

Umupo na rin si Julio at Suki. Magkatabi naman kami ni Riguel. Pagkaupo ni Leon ay umupo sa kanyang hita ang batang naka pigtail ang buhok.

“Eto na ba, Leon? Ang bunga ng pagsisikap mo?” sabi ko sabay tawa.
“Oo. This is Felisse. Magmano ka kay Tita Lilienne mo…”

She confidently went up to me. Nagmano siya agad.

“Pati si Tito Riguel…” natatawang sabi ni Leon sabay turo kay Riguel.

Lumapit din si Felisse kay Riguel. Nilingon ko si Riguel. Binigay niya ang kamay niya kay Felisse para makapagmano.

“She looks like Freya, Leon.”
“Oo nga, e. Kapilyahan lang ang namana sa akin…” ani Leon at inangat ang kanyang anak para makaupo muli sa kanyang hita.
“O kayo, Lili. Kasal na kayo ni Riguel. Kailan?”

Tangina nito ni Suki, ha! Kanina pa siya! Sinimangutan ko siya agad.

“Mag enjoy muna dapat kayo sa buhay mag-asawa…” Russel suggested.
“Oo nga at… ilang taon din kayong ‘di nagkita, ah?” Tunog pagdududa ang ginamit ni Julio.

Kinabahan tuloy ako.

“Nagulat talaga ako na nagpakasal agad kayo. Kakauwi lang ni Lilienne sa Pilipinas…” ani Julio.
“Ganyan talaga ang mga nagmamahalan, Julio…” si Suki.
“Anyway, congrats sa inyo, Riguel, Lili!” ani Julio.
“Salamat! Pasensya’t agaran ang kasal. Hindi nakapag imbita ng marami…” ani Riguel.
“So you two were… in a long distance relationship all these years?” ani Russel.
“Yes, we were…” sagot ni Riguel.
“Hindi ka nagparamdam sa amin, Lili. Kung hindi nasabi ni Leon na nasa America ka ay hindi ko pa malalaman.”

And I feel like this topic is going down to Yeshua’s condition again. I need to stop it before it happens.

“Kailangan ko kasing mag concentrate sa pag-aaral kaya ganoon…”

Napatingin ako kay Riguel. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ako. Para bang may gusto siyang itanong pero nagpipigil siya.

“You could’ve called. We… I mean they would understand…” ani Riguel.

Kinalabit na ako ni Suki. Tingin ko’y naramdaman niya kung saan patungo ang pag-uusap na ito. I know, Suki…

“Akala ko kasi ‘di na kami babalik. Lalo na nang naging citizen ako. Kaya ‘di na ako nag-effort. Anyway, Suki… tulungan natin si Freya sa loob?” sabi ko.

Tumayo agad si Suki pagkasabi ko noon. Tumikhim naman si Leon.

“Nga pala, Riguel. Saan n’yo binibenta ang mga harvest n’yo ngayon? Mahal daw ang bili sa syudad, ah?” si Leon.

And here goes their business talks. At least mawawala sa usapang pag-alis ko iyon. Ngayon pa naisipan ni Riguel na iinterrogate ako roon. Siguro ay natrigger sa mga tanong ni Russel.

Pagkapasok namin sa bahay nina Leon ay nakita ko ang isa pang baby. He’s almost one, Freya said. He’s named after his father. Kaya imbes na tumulong kami ay natagalan kami kay baby Leon.

Alas singko nang lumabas kami sa bahay dala ang mga hinandang barbecue at pork belly. Si Suki ang may dala ng sauce. Nawala rin ang mga tent, siguro ay inalis ng mga boys.

“Kami na niyan, Suki… Lili…” ani Russel sabay kuha sa dala ko. “Hindi ka pa naman marunong magluto.”
“Hoy, Russel! Marunong na akong magluto ngayon, ‘no! Excuse me…”

Iniwas ko sa kanya ang mga dala-dala ko. Ang kay Suki naman ay sinuko niya na lang kay Russel at umupo na muli siya roon upang makipag chikahan kina Julio, Leon, at Riguel.

Kinuha ni Freya ang kanyang anak kay Leon at pumasok na sila sa bahay.

“Marunong na akong magluto. Marunong akong mag barbecue. Lagi kaming ganito nina Nicholas sa U.S.!”
“Sus! Sige nga! Pasikat ‘to!” ani Russel.

Sinindihan ko iyong mga uling. May handy fan kaya imbes na pamaypay ay iyon ang ginamit ko. Nang uminit at nagbaga na ay ‘tsaka ko nilagay ang mga pork belly.

Hinampas ko ang balikat ni Russel.

“See?” sabi ko sabay kindat sa kanya.
“Oy, ‘yang mag ex diyan! Tama na ang kulitan at baka masunog pa ‘yan!” ani Suki.

Napatingin ako kay Suki. Nginuso niya si Riguel dahilan kung bakit tiningnan ko rin si Riguel. Nakataas ang kilay niya habang pinagmamasdan kami.

Napakamot ako sa batok at binigay ko kay Russel ang ibang barbecue para siya na ang magluto.

“O? Sumusuko ka na? ‘Di ka pala marunong!” panunuya ni Russel.
Natetempt talaga ako sa mga hamon kaya ‘di ako umalis doon. “Titingnan ko lang kung marunong ka ba! Babantayan ko at baka masunog iyang pork belly ko!”

Nag-usap sila tungkol sa business. At sa mga kaibigan ni Riguel na kilala namin. Pati na rin sa naging successful na mga kabatch namin.

“Akala ko talaga si Isabella Thomas iyong girlfriend mo noon, Riguel…” si Julio.
“Hindi. Her mom offered me a scholarship I did not take. And I worked under their firm right after I graduated…”

Natahimik ako habang hinahawakan ang handy fan. Nakikinig ako sa sinasabi ni Riguel.

“Mabuti at kay Lilienne ka napunta. Hindi hamak na mas maganda si Lilienne doon!” si Suki.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay.

“Sus! Nagustuhan mo naman?” ani Russel.
Umirap ako sa kanya. “Tumigil ka…”
“Totoo naman ‘yon, Lilienne. Mas banyaga at angelic ang features mo sa Isabella’ng iyon. If I choose between you two, ikaw syempre.”
“Sinasabi mo lang ‘yan kasi magkaibigan tayo…” Kahit na totoong alam kong mas maganda ako roon.
“Hindi ha. Kahit looks lang ang basehan. You’re more beautiful,” ani Russel.

“So you worked for their firm while you’re studying Law?” ani Leon.
“Yup. Night classes sa Manila.”
“Whoa! Ang hirap noon, bro!” ani Julio.
“What do you expect? He’s the valedictorian…” ani Suki.
“You graduated Magna Cum Laude in Alegria, right?” si Freya.

Nilingon ko agad sila. Nagtama ang paningin namin ni Riguel. Hindi nga? Hindi nga…

“Uh, yes…”

Oh my God!?

“What’s your honor pagkagraduate mo ng Law, then?” si Freya parin. “You were topnotcher sa bar.”
Tumawa lang si Riguel.
“Wow. This is intimidating…” ani Julio.

“Hindi mo alam?” bulong ni Russel sa akin.

Siguro’y nakita niya sa aking mukha ang pagkagulat.

“Alam ko ‘no. Syempre…” sabi ko sabay ngisi.

“Kaya nabili talaga ang lupa,” ani Leon.
“Hindi ko iyon mabibili kung inasahan ko lang ang sweldo. Siguro mabibili pero aabutin pa ng ilang taon. Lilienne’s father leased the land so it was cheaper. Nagtanim ako. Pinag-aralan ko iyong flower farm. Doon ako kumita…”
“Genius!” ani Leon. “And in the end you bought it…”
“Yes. I never really thought her father would sell it.”
“We had to sell it because nobody’s watching over our properties, anymore, Riguel. Wala na kaming balak na umuwi… dapat…” sabi ko.
“Well, then. Good thing you returned…” malamig niyang sinabi.

Tumikhim si Suki at tinaas ang isang bote ng siguro’y rhum.

“It’s been a while!” ani Suki.
“It’s been a while ka riyan, Suki. E, lagi kang naglalasing sa Manila!” ani Julio.
“Shut up, Julio! Panira ka…”

Nawala ang usapan. Mabuti na rin at ganoon. Pagkaluto ng mga barbecue ay inayos na rin nila ang aming lamesa.

Umupo ako sa tabi ni Riguel. Sa tabi ko ay si Suki. Sa harap namin ay si Julio, Russel, at Leon.

Kumain na kami. Balik ulit sa mga batchmates namin ang usapan. Pagkatapos ay business ulit. Pagkatapos ay mga girlfriend naman ni Julio at Russel.

Pagkatapos kumain ay inuman na. May sisig na pulutan at iilang chichirya na nilapag si Freya sa aming lamesa.

Humilig ako sa aking upuan at nagulat ako nang naipit ko ang braso ni Riguel doon.

“Sorry…” sabi ko at tumuwid sa pagkakaupo para matanggal niya ang braso niya roon.
“It’s okay…” aniya at ‘di tinanggal ang braso.

Nagkibit ako ng balikat at nanatiling tuwid ang pagkakaupo ko.

Ilang shot na ang nainom namin nang medyo umalon na ang paningin ko. Tingin ko rin ay medyo tinatamaan na si Suki dahil nagkukulitan na sila ni Julio. Pinag-aagawan nila ang cellphone ni Suki dahil susi raw iyon ng kanyang mga sekreto lalo na sa lovelife.

Nakisali ako sa kanila. Tawang-tawa si Suki sa pangingiliti ko.

“May natitira pang ‘di naluluto…” ani Freya at nilapag ang iilang barbecue sa lamesa.

Tumayo agad ako. I feel like I need a break. Medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko tapos binuksan pa nila ang panibagong isang litro ng iniinom.

“Ako na nga!” sabi ko.
“Ako rin…” tumayo ulit si Russel para samahan ako sa grill.

Kinuha ko ang mga barbecue at dumiretso na roon. Nilagay ko angmga barbecue sa grill at pinikit saglit ang mga mata. Damn, alcohol. Hindi na kami bestfriends nito.

Medyo nagbabaga pa ang gril kaya tinutukan na lang ni Russel ng handy fan.

“Are you happy?” his tone is serious.

Natawa ako sa tanong. Bakit niya natanong? Alam naman nilang matagal ko nang gusto si Riguel. Dapat hindi na tanungin iyan kung iniisip nilang gusto ko parin si Riguel, ‘di ba?

“Syempre naman…” medyo napawi ang ngiti ko sa sinagot ko.

Am I happy?

When was the last time I felt happy?

Well… ngayon. Heto at kasama ko sila. Happiness in small things is still happiness after all. Hindi na kailangang maging engrande at bongga. Even just by sitting in our home makes me happy.

“Talaga?” si Russel ulit.
“Baka masunog ‘yan, Lilienne…” ani Riguel.

Napalingon kami nI Russel sa likod. Naroon siya. Nakapamulsa. Nilingon ko sina Leon at nakita kong nagtatawanan parin sila. Nakikisama pa si Freya.

“Hindi naman. Ayos naman ang nagawa ko kanina.”

Yumuko ako para icheck ang barbecue. Masyadong nagbaga kaya medyo umitim ang ilalim. Binaliktad ko agad. Bakit laging tama si Riguel?

“Kanina iyon noong ‘di ka pa nakakainom. Ako na…” ani Riguel at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa stick ng binabaliktad ko.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Nanatili ang mata niya sa barbecue na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

Nilingon ko rin si Russel na nakatayo sa likod namin at nanonood. Tipid akong ngumiti sa kanya. He smiled back fakely.

“Kami na rito, Russel…” ani Riguel nang ‘di tinitingnan ang kaibigan ko.

Tumango si Russel at dahan-dahan kaming tinalikuran. Binitiwan ko ang stick at kinalas ang kamay ni Riguel sa akin.

“You’re rude…” sabi ko.
“What?” Kumunot ang kanyang noo.
“We were talking.”
“Anong pag-uusapan n’yo na kayong dalawa lang, kung ganoon?”

Umirap na lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Ngayon pa siya iistorbo? Kanina, hindi naman ah? Not that I need his interruption!

“He’s my friend. Marami kaming topic.”
“He’s your ex, Lilienne…”
“Oh my God, Riguel. He’s my ex but we’re friends. And so what? Ganoon ako sa mga ex ko.”

Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha niya. Para bang may nasabi akong sobrang mali sa kanya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumikit siya at nawala ang iritasyon o kung ano mang galit.

“You’re drunk…”
“You haven’t seen me drunk. How do you know…”

Tahimik na siya nang nagpatuloy kami. Mabuti na lang at hindi ko kayang magtalo pa ulit kami.

Mga dalawang oras pa ang lumipas nang nagdesisyon kaming umuwi na. We need to go home because Suki passed out. Kinarga pa siya ni Julio patungo sa sasakyan namin. Mabuti na lang at nang nakarating sa sasakyan ay nagising siya.

“God damn, I’m so sleepy…” ani Suki.
“Huwag kang sumuka riyan, ha!” banta ko sabay tawa.

Nakapikit na rin ako sa front seat. I’m not sure if I’m sleepy or really tipsy… or maybe both.

Pagkauwi namin sa bahay ay hinatid ko talaga si Suki sa kanyang kwarto. Humilata lang siya sa kanyang kama at diretso ang tulog. Napahiga rin ako roon at tila ba kay hirap nang bumangon. Dito na nga lang ako matutulog sa tabi ni Suki.

Nakaidlip na ako nang naramdaman ang init ng braso sa aking tagiliran.

Dumilat ako at nakita kong si Riguel iyon. Nakapambahay na siya. Siguro ay nagbihis siya kanina sa kwarto at napansin na ‘di na ako bumalik.

“Dito na ako matutulog para sa kama ka naman…” I purred.

Hindi siya sumagot. Kinarga niya ako. The alcohol took over my body kaya ‘di na ako masyadong nakapalag.

I did not even try to save my life by hugging him or what. Kung mahulog ako rito, e ‘di ihulog niya.

“Kumapit ka, Lilienne…” ani Riguel pagkalabas namin ng kwarto ni Suki.
“Ayoko…” sabi ko at umidlip ulit.

Buti lasing ako. Kung hindi… naku!

“Dammit!” he muttered more curses until I smell the scent of our room.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Akala ko aalis siya agad para matulog sa sofa ngunit nanatili ang kanyang kamay sa aking likod at ang kanyang mukha sa aking harap.

Dumilat ako. His eyes are blazing with lust and desire. Hindi ako pwedeng magkamali. I’ve been with boys before. In my teens. And most teenager boys have this look when they want to fuck so bad.

Kumalabog ang puso ko. Even men, I’m sure. Even men can feel that of course, I know.

I hooked my arm on his neck so he can move closer to me. Pagkalapat ng labi ko sa kanyang labi ay pumikit na ako.

Just this once, right? That’s okay. I’m drunk anyway. Kung ano mang mangyari magkukunwari na lang ako bukas na hindi ko maalala.

I kissed him deeply and thoroughly. When he kissed back halos lumabas ang puso ko! He claimed every corner of my mouth, I can’t help but moan.

Tumigil siyang bigla at lumayo.

“Riguel…” tawag ko sabay hagilap sa kanya.

Hinila ko ang kanyang braso ngunit tila bakal itong ‘di natitinag.

“You’re drunk. Stop it…”
“Please, Riguel…” sabi ko sabay pwesto sa gitna ng kanyang mga hita.

I tried to reach for him but he got my hand. Binaba niya ito sa aking gilid.

“Stop it, Lilienne. You’re just drunk…”

Tumayo agad siya. Mabilis pa ang hininga ko nang tiningnan ko ang paglabas niya sa kwarto. The pain I felt can’t be numbed by alcohol. I probably need to drink more para ‘di ko na ito maramdaman.

Kinagat ko ang labi ko para lang mapigilan ang nagbabadyang luha.

I get it, alright. And just like before, I always get ruled by my instincts. Hindi ko man lang inisip na hindi tulad ko si Riguel. Kung ayaw niya sa tao, ayaw niya talaga. We married for a different reason. Not for desire, lust, or even love. So I should stick to what I should do. Dammit, Lilienne!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

2 Responses to Tripped – Kabanata 28