Tripped – Kabanata 27

May 2, 2016 By In Tripped 29 Comments

Kabanata 27
Catch Up

Ilang minuto akong nanatili sa kwarto namin. Pinaglalaruan ko na lang ang corner ng throw pillow habang iniisip ang nangyari.

Bakit niya pa papaalisin? Kung importante iyong gagawin nila, e ‘di gawin nila! Mamaya ako pa ang masisi sa lahat ng mga nangyayari sa kaso nila.

Nang medyo nahimasmasan ako ay lumabas na ako ng kwarto. Tinawag na rin ako nina Inday at Geling para sa pagkain. Pababa ay inisip kong kailangan ko nga rin palang matutong magluto. Buti pa, iyon na lang ang pagkaabalahan ko.

Natuto akong magluto sa U.S. kaso halos wala akong alam sa Filipino food. Iyon ang pag-aaralan ko tuwing bored ako.

Sa dining area agad ako dumiretso. Laking gulat ko na naroon si Riguel sa hapag. Si Nana Sela ang naglalagay ng mga pagkain sa hapag.

Sumulyap ako kay Riguel. I think this is our first meal together simula noong dito na ako tumira.

“Kumakain ka na ba ng gulay ngayon, Lilienne?” panirang tanong ni Nana Sela.
“Ah. Oo naman po…” sabi ko sabay kura sa ginataan.
Tumango si Nana at tiningnan ang pinggan ni Riguel.
“Kumain na rin po kayo, Nana…” ani Riguel.
“Mamaya na pagkatapos n’yo. Sasabay ako kina Inday…” pagkatapos noon ay umalis na ang matanda.

Halos makarinig na ako ng crickets sa paligid dahil sa katahimikan namin ni Riguel.

Kinuha niya ang kanin at binigay sa akin. Kumuha ako ng sakto lang kaso natapon iyong iba. Ayaw ko namang ibalik kaya nawalan ako ng choice.

Napatingin ako sa kanya. Binaba niya ang kanin.

“May mga kliyente ako mamaya. Isang matandang mag-asawa at isang pamilya ang pupunta rito…”

Sino ba ang nagtatanong? Nagtaas lang ako ng kilay at nagpatuloy sa hihiwa sa kaning nasa aking pinggan.

“Sa Biyernes, bumisita tayo kina Lolo at Lola sa bahay,” aniya.
Napaangat ako ng tingin. “Pupwede bang sa Sabado na lang? Iyan kasi ang dating ni Suki.”

Akala ko magtatalo kami dahil doon. Gusto ko namang bumisita kina Lolo at Lola kaso naunang naka schedule si Suki kaya nahirapan ako.

“Sige…” ani Riguel.

Thank God he did not make it hard for me.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Bawat subo medyo pormal. Hindi rin naman ako gutom kaya ayos lang. Pati pagnguya dapat nakatikom ang bibig. Napaka uncomfortable naman kapag kasama si Riguel.

Habang kumakain ay naisip ko pa ang pagdadiet. Baka mamaya lumobo ako dahil wala akong ginagawa rito? Mamaya habang may kliyente si Riguel, magjajogging na lang kaya ako? ‘Tsaka bukas din tutal ay wala naman akong gagawin.

“Mag aantay ka rin ba ng kliyente bukas?” tanong ko.
“Hindi na muna. Sa Biyernes na ulit. Titingnan ko pa ang plantation bukas. I’ll check the fertilizers and pesticides.”

O e ‘di back to basic bukas. Parang mas gusto ko na lang ientertain niya si Vera Chio sa kaso niya para kahit paano ay narito naman siya sa bahay.

No… maling pag-iisip. Bahala nga si Riguel kung saan siya magsusuot. Ang importante may bago akong naiisip. Jogging plus mag-aaral akong magluto.

“If you’re so bored you can help me in my office.”
“I’m not bored. I have things to do this afternoon. I’ll jog and… maybe learn how to cook.”

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumuso siya, tila nagpipigil ng ngiti.

“Okay, then…” Uminom siya ng tubig.

Nagkibit ako ng balikat at kumain na lang. Naisip ko ulit ang nangyari kanina. Pinaalis niya talaga si Miss Vera Chio? Bahala na nga. Ang pangit naman kasi ng damit ng babaeng iyon. Hindi ko type. Mukhang cheap kaya ayos na rin iyong nangyari. Sa susunod na magpupunta siya rito ay magsuot siya ng longsleeve.

“Attorney…” tawag ni Geling sabay ngiti-ngiti sa amin. “Pasensya na po sa istorbo pero dumating na kasi sina Mr. Alejandro kasama ang asawa niya. Ipaghihintay ko po ba siya sa opisina n’yo?”
“Sige, Geling. Tatapusin ko lang itong pagkain.”

Tumango si Geling at umalis na. Sinubukan ko pang tingnan sa pintuan kung sino ang dumating. Nahagip ko ang dalawang matanda na sinasabi ni Riguel.

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko. Nilagay naman ni Riguel sa gitna ang kanyang mga kubyertos at uminom na siya ng tubig. Napatingin ako sa kanya.

“Pumunta ka na roon. Naghihintay ang kliyente mo…” sabi ko.
“Kapag natapos ka nang kumain,” aniya.

Napatingin ako sa pinggan ko. Kalahati pa lang ang nababawas. May rule bang ganyan? Nasa table manners ba na dapat antayin ang kasamang kumain? Hindi ko alam. Na pressure tuloy ako.

Ang lalaki ng subo ko sa mga kanin. Napapainom pa ako ng tubig. Naiirita pa ako dahil nakatingin si Riguel sa akin habang kumakain.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Umiling siya at bumaba ang mata sa kanyang cellphone.

Sinilip ko ang cellphone niya habang kumakain ako pero hindi sapat ang distansya namin para makita ng buo kung anong mayroon.

Pag-angat ng tingin niya ay binalik ko ang tingin ko sa aking pagkain. Patapos na ako, salamat naman.

“I added you on Facebook. Kailan ka gumawa nito?”
“Noong papunta ako rito. Sa bus…” sabi ko.

Tumango siya. Dumungaw ako sa cellphone ko at pinindot ang confirm. His profile picture was taken from our wedding. Mag-isa siya roon.

“Tapos na ako.”

Sabay na kaming tumayo. Kinuha ko ang plato niya para mailagay na sa sink.

“Nasa opisina lang ako. Kung may kailangan ka, umakyat ka lang. Hindi ako naglalock ng pinto.”
“Okay…” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

Nagligpit muna ako ng mga pinggan. Si Nana Sela ay nasa kusina pala sa mga panahong iyon at mukhang may nilulutong kung ano.

“Nana, magpapaturo po akong magluto kay Inday ngayon ng sinigang.”
Tumango si Nana. “Sasabihin ko sa kanya, Lilienne. Uutusan ko rin si Marya ngayon na mamili. May ipapabili ka ba?”

Now that she said it… marami nga palang kulang sa mga toiletries ko. Napkin, feminine wash, wet wipes, ‘tsaka magpapasama din ako ng ilan pang gamit sa bahay.

“Ililista ko po ngayon…” sabi ko.

Naubos ang oras ko sa paglilista ng bilihin. Kasya naman ang pera ko sa bibilhin. Dapat pa nga akong magdagdag ng lotion at body wash ngunit wala naman yata ang mga iyon dito sa Alegria. Panlalaking bodywash ang mayroon sa banyo ni Riguel kaya nag titiis ako sa sabon. May lotion pa ako pero konti lang ang dala ko kaya kailangan pagbalik ko ng Manila ay mamili ako.

“Heto na po, Nana…” sabay bigay ko ng listahan at isang libo.

She looked offended by the money I gave her.

“Lilienne! Ibigay mo iyan kay Riguel at nang mag-away ulit kayo. Nagbibigay naman ang asawa mo ng pera para sa bahay,” ani Nana.
“Alam ko naman po iyon pero iba ito. Mga kailangan ko ito. Hindi naman pwedeng iasa ko kay Riguel ang lahat.”
“Ay naku! Huwag mo akong pagbigyan niyan. Ibigay mo iyan kay Riguel. Marya!” tawag ni Nana. “Huwag mong tatanggapin ang pera nang Ma’am mo at baka masisante ka ng amo mo. Sus maryusep ‘tong si Lilienne, oo. Nga naman at bagong kasal…” bulong bulong ni Manang habang nagpupunas ng lamesa.

Binaba ko ang pera ko. Patuloy parin ang sermon niya pero tingin ko’y para na lang iyon sa kanyang sarili dahil puro bulong bulong naman iyon.

Nanood muna ako ng TV habang naghihintay na ayusin ni Inday ang kusina para sa pag-eensayo ko.

May kumatok sa pintuan na isang pamilya. Alam ko kaagad kung anong kailangan nila.

“Dito po muna kayo sa aming sala, Ma’am. May kliyente pa po kasi si Attorney Alleje…” sabay ngiti ko.

Umalis ako sa sofa para makaupo silang tatlo roon. Tinawag ko agad si Geling para sabihin kay Riguel na may kliyente ulit siya.

Ayaw ko nang umakyat doon at baka isipin niyang nag iispiya na naman ako.

Nang naihanda na ni Inday ang mga kakailanganin ay nagsimula na akong mag-ensayo.

“Ma’am naman! Hindi ganyan ang paghiwa…” ani Inday habang tinitingnan ako.
“Oo na! Huwag kang mag-alala matututo rin ako. Maiintindihan naman ‘yan ni Riguel…”
Humagikhik si Inday. “Naku, si Ma’am! Kaya nga tinuturuan ng tama para sa susunod marunong na…”

Naku Inday, huwag mo nga akong ma ganyan at baka ikaw ang hiwain ko. Binigay ko sa kanya ang kutsilyo at pinagmasdan kung paano niya hiniwa ang mga rekados ng sinigang.

Alas tres y media nang natapos kami sa kusina. I still suck at memorizing the ingredients but I guess it’s okay. Maisim iyon at masarap naman. At least ‘di pumalpak, ‘di ba?

Umakyat agad ako sa kwarto para magbihis ng damit para sa pagjo-jogging ko. Mamaya, pagkalubog ng araw ay magjo-jogging ako. Mali ito. Dapat nga pala umaga ako magjogging, ‘di ba? Sige, gigising ako ng maaga bukas.

Inayos ko ang sintas ng sapatos ko at kinuha ang lalagyanan ng cellphone sa braso. Makikinig ako ng music habang tumatakbo mamaya. Naka racerback at compression shorts ako.

Pababa ako ay kamuntikan na akong gumulong sa hagdanan. Tumigil ako para pigilan ang pagkakatalisod nang nakita ko kung anong mayroon.

You have a relationship request! Riguel Alleje Relationship Request! Confirm or Ignore!

Para akong lalagnatin sa nabasa!

“Confirm…”

Ngumiwi ako. Sobrang init ng pisngi ko. What the hell? Okay, Lilienne. Syempre, ‘no! Baka tingnan ‘to ni Judge, syempre!

Bumaba na ako, kinakalma ang sarili. Dahil mainit pa ay tumambay muna ako sa terrace. Umupo ako sa silyang rattan na naroon. Siguro si Riguel na ang bumili noon.

Sa kung nasaan ang duyan namin noon ni Yeshua ay may bagong duyan na nakalagay. Mukhang mas matibay at mas bumagay sa puting pintura ng bahay.

Tiningnan ko lang ang hammock. Gusto kong magduyan doon pero pakiramdam ko ay ‘di pa ako ready. Naaalala ko si Yeshua. Nasasaktan ako.

Tinanaw ko ang buong plantation. Wala na ang mga bulaklak na nakita ko noong una akong pumasok dito. Tapos na rin kasi ang harvest. May nakikita akong mga truck na papasok sa plantation. Siguro ay naroon ang mga itatanim at mga fertilizer.

Ilang truck na ang pumasok.

Naisip ko tuloy iyong si Daddy pa ang namamahala. I don’t remember that it was this busy everytime. Ganoon na ba talaga ka lago ito?

Gusto ko tuloy bisitahin ang green house.

Nang medyo hindi na mainit ay nagsimula na ako sa pagja-jogging. Pahinto hinto ako dahil sa dami ng notification sa Facebook. Gusto ko lang naman makinig ng music.

Pinagkaguluhan ang bagong relationship Status. Ibang ‘di ko kilala ang mga nagcomment. Siguro’y mga kaibigan ni Riguel. Nasa mga singkwenta na lahat at naisip kong ‘di ko naman sila kilala kaya ‘di ko na lang pinansin.

I jogged till it’s six. Inisip ko pang tumigil at maglakad lakad na lang dahil sa pagod.

Pagkabalik ko sa terrace ay naroon si Riguel. Nakapamulsa siya at nakatayo, tanaw ako.

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at pasimpleng inamoy ang sarili. Panigurado magyayaya itong kumain na kami. Hindi pwede, maliligo muna ako!

“Maghapunan na tayo…” ani Riguel.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Maliligo muna ako. Bababa rin ako,” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

Hinayaan niya naman ako sa gusto ko. Dumiretso na lang ako sa taas para makaligo at makapagbihis. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa bathroom para makapagbihis at laking gulat ko nang si Riguel ang tumambad sa akin.

“Holy fuck…” napabulong ako nang nakita siyang tamad na nanonood ng TV.

Nilipat niya ang mata niya sa akin. Nakatapis lamang ako. Nasanay ako na wala siya sa kwarto kaya ‘di na ako nag-ingat.

Lumipat agad ako sa walk in closet at padabog na sinarado ang pintuan. Pakiramdam ko aatakehin ako sa puso sa nangyari.

“Sana sa baba ka na lang nag antay!” sigaw ko habang tinatanggal ang tuwalya sa aking katawan.

Mabilis kong hinagilap ang aking mga damit at nagawa ko pang mag lotion sa buong katawan. Hindi naman ako sinagot ni Riguel.

Nagmadali na lang ako sa pagbibihis. Pagkatapos ay lumabas na ako. Pinatay niya ang TV at tumayo siya.

Sabay na kaming bumaba para kumain. Nang nasa hapag kami ay sinabayan naman kami ni Nana Sela kaya hindi awkward tulad noong kanina.

“Bukas, pwede mo namang iasa sa mga tauhan ang pagtatanim pagkatapos mong tingnan, Riguel,” ani Nana.
“Ayos lang, Nana. Para rin po matutukan kong mabuti. Mahirap na…”

Nag-usap sila tungkol sa plantation. Pagkatapos kumain ay nanood na ako ng TV sa sala. Pwede naman din sa kwarto kaso mag-isa ako kaya rito na lang kasama sina Nana Sela.

Si Riguel ay umakyat sa kanyang opisina dahil may babasahin daw siyang kaso. Hinayaan ko na lang siya.

Nang nag-alas nuebe ay umakyat na ako. Gagabihin pa siguro si Riguel sa pagbabasa kaya mauna na ako sa pagtulog. Laking gulat ko nang narinig ko iyong shower pagkapasok ko.

Uh-oh. He’s here?

Tumikhim ako para marinig niya namang pumasok ako sa aming kwarto. Binuksan ko ang TV at nilakasan ng konti para tumulong sa pagwarning sa kanya na narito nga ako.

Umupo na ako sa kama at tinabunan ng sarili ang comforter. Kabado ako. Pakiramdam ko ay ito ang unang gabi na magkikita kami ni Riguel sa kwarto. Madalas kasi ginagabi siya at maagang umaalis. Ngayon lang kami talagang magkikita rito.

Niyakap ko ang tuhod ko habang nanonood ng movie sa HBO. Lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya.

Kumunot ang noo ko nang nakatingin siya sa akin. Nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa TV.

He’s kind of dripping. Sa bawat hiwa ng kanyang muscles ay dumadaan ang tubig. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanyang dibdib pababa. Damn, the towel looks so happy hugging that pelvic muscle. Nag wowork out ba siya? Bakit ganito? And… he’s my husband!

Sumulyap siya sa akin. Nilipat ko kaagad ang mga mata ko sa HBO smoothly. I did not even feel guilty for staring.

Pumasok siya sa walk in closet at sinarado. Pumikit ako ng mariin at niyakap ng mahigpit ang aking mga tuhod.

Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas na siya. He’s wearing dark blue shorts and a white t-shirt. Umupo siya sa sofa at humarap na sa TV.

Nilingon ko ang malapad kong kama. Is it right to be like this? Dapat ko ba siyang tanungin kung bakit diyan siya natutulog o hindi? O ano ba dapat? Yayayain ko siyang dito matulog? But that would be so freaking awkward.

Hindi na lang ako nagsalita.

Humiga na ako ng maayos at tumingin na lang sa kisame. Nanonood pa si Riguel ng TV. Hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip kung ayos lang ba ito.

Tinabunan ko ang katawan ko ng comforter at nagulat ako nang nawala ang ingay sa TV.

Bahagya akong bumangon para tingnan kung tapos na siyang manood. Nilapag niya ang remote sa tabi ng TV at lumapit sa akin.

“Antok ka na?” tanong niya.

Hindi pa. Duh!

“Medyo…”
Tumango si Riguel at tinuro ang unan niya sa tabi ko. Apat ang unan dito. Sa akin ang tatlo at isa lamang ang kinukuha niya tuwing sa sofa siya natutulog. Wala pang kumot.
“Kunin ko lang…” aniya.
Tumango rin ako at hinayaan siya sa ginawa.

Lumapit siya sa katabing maliit na lamesa at pinatay na ang lamp sa tabi ko. Pinagmasdan ko siya sa kanyang mga ginawa. He smells so good. Like aftershave and his shower gel… it’s so manly.

“Kumot mo?” tanong ko. “Kung wala kang kumot, may nagregalo naman ng kumot sa atin noong kasal. Iyon na lang…”
Umiling siya. “Ayos lang. Hindi naman ako nilalamig.”

Tumango ako. Tumalikod siya at dumiretso na sa kanyang sofa. Ilang oras pa siguro akong dilat dahil sa nangyari. Patay na ang mga ilaw, buhay na buhay pa ang ulirat ko.

Sa sumunod na araw ay tulad ng dati. Abala siya sa plantation. Alas nuebe na ako nagising at nagsisi agad dahil napurnada ang jogging ko.

Humikab ako at kamuntik ko nang naihulog iyong tray sa maliit na lamesa sa gilid ko. Napabangon ako sa nakita roon.

May breakfast! May maliit na vase at isang pulang rosas pa roon!

Ang sweet naman ni… hmm… Inday!

Kinain ko na agad iyon. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Dating gawi ang nangyari. Hindi ko na naman nakita si Riguel at ayos lang naman iyon dahil abala ako sa pag eensayo sa pagluluto.

Nang naghapon ay nagjogging ulit ako. Ginabi si Riguel. Nasa kwarto lang ako nang alas siete at katawagan si Suki nang pumasok siya para maligo. Hinayaan ko siya habang nag-uusap kami ni Suki.

“Bukas… mga ala una, pupunta ako sa inyo…”
“Saan ka makikituloy? Dito ka na lang tumuloy sa amin. Hindi ka pwedeng matulog sa inyo dahil maalikabok at mag-isa ka!”
“Pwede ba? Baka magalit ang asawa mo?”

Ngumuso ako. Parang ‘di ako sanay na ganoon ang tawag. Humagalpak si Suki. Mukhang alam yata ang kinatahimik ko.

“Magpapaalam ako. Tumigil ka nga riyan!”
“O sige. Ikaw. Kung mapilit ka. Anyway, mga alas dos o alas tres, diretso na tayo kina Leon. Maghahanda raw sila ng pagkain. Doon na tayo magkita-kita…”
“Sige!” Parang nagustuhan ko ang ideya na pupunta kami kina Leon. “Sa wakas at makakawala ako rito!”
“Tapos inuman tayo ha! Magdadala naman ako ng sasakyan kaya ‘di na natin kailangang abalahin si Riguel kung busy siya.”
“Okay! Sige, sige!”

Tuwang tuwa ako sa usapan. Pagulong gulong na ako sa kama dahil sa excitement. Lumabas si Riguel sa walk in closet at bumangon agad ako. His jaw clenched.

“Riguel, ayos lang ba kung dito matulog si Suki bukas ng gabi? Ayaw ko kasi siyang sa kanila. Nakita mo naman ang kalagayan ng bahay niya.”
Tumango si Riguel.
“Thanks!”

Nilagay ko ulit ang cellphone sa tainga ko.

“Magbabasa lang ako ng kaso. Kung gusto mo nang matulog, mauna ka na…”

Tumango lang ako at kinausap muli si Suki. Iniisip ko na lahat ng pwedeng mangyari bukas. Panigurado aasarin ako nina Leon kay Riguel. Sigurado rin akong magtatanong ulit sila tungkol sa aking pamilya kahit na napaliwanag ko na sa kanila lahat sa Group Chat.

Kinaumagahan ay abala nga si Riguel sa kanyang mga kliyente. Ibang mga tao naman ang nagpunta. Napuno lamang ako ng excitement sa pagdating ni Suki.

Pagkatapos naming magtanghalian ay dumating na si Suki! Iniwan ko si Riguel sa hapag nang tinawag na ako ni Marya dahil sa pagdating niya!

Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit. May dala siyang maliit na bag. Naroon yata ang mga gamit niya.

“Tara! Hinanda na nila ang kwarto mo…” sabi ko.
“Suki…” si Riguel sa likod.
“Hi, Riguel!” ngumisi si Suki. “Long time no see! Nagulat ako na pinakasalan mo itong kaibigan ko…”

Nanlaki ang mga mata ko kay Suki. Nilinaw ko sa kanya na dapat ay huwag nilang ipahalata kay Riguel na alam niya ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin! Dapat ay umakto siyang naniniwala na nagmamahalan kami ni Riguel! Syempre dahil iyon ang tingin nina Leon, Julio, at Russel.

Ngumisi lamang si Riguel.

“Alagaan mo ito si Lili, ha? Gumawa kayo ng maraming baby!”

Kinurot ko na ang gilid ni Suki dahil sa mga sinabi niya. Tumawa si Riguel.

“Makakaasa ka, Suki.”

Fuck! Nilingon ko si Riguel at nginitian.

“Iaakyat namin ang gamit ni Suki, ha? Tapos magbibihis na ako.”
“Magbibihis?” kumunot ang noo ni Riguel.
“Pupunta kami kina Leon ngayon. Doon kami magpapalipas ng oras. Hanggang mamayang gabi. Catch up…” maligaya kong sinabi.

Tinagilid ni Riguel ang kanyang ulo. Tila ba hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

Hinila ko si Suki para makaakyat na kami.

“Hindi ba kayo rito magpapalipas?” tanong ni Riguel.

Siniko ako ni Suki at bumulong pa siya.

“Hindi ka ba nagpaalam? Hindi mo man lang niyaya.”

Kailangan ba iyon? ‘Tsaka akala niya gets niya na ang mangyayari kapag nandito si Suki?

“Uh… Hindi. Naghanda kasi si Leon. Uh…”

Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Riguel. Pakiramdam ko ay hindi niya ako papayagan. Not that he has power over my decision…

“Hmmm. Hindi na kita isasama kasi alam kong busy ka sa mga kaso…”
Umaliwalas ang mukha niya. “I can cancel them and reschedule them tomorrow. Sasama ako…”

What the hell? I did not even…

“But… Sayang naman ang oras. Dapat bukas, rest day ka na…”
“Sasama na ako,” mariing sinabi ni Riguel.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

29 Responses to Tripped – Kabanata 27

  1. Bat ang tagal dito mag update? Hindi na po kase ako makabasa sa wattpad please ! May UD na kayo dito Miss J. ???

  2. Oo Lili. Hindi niya kailangan nang kumot. Hindi siya nilalamig dahil sa presence mo haha