Tripped – Kabanata 26

April 30, 2016 By In Tripped 11 Comments

Kabanata 26
Selos

Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung saan siya nagtungo. Sa sofa siya humiga. Doon yata matutulog.

Dilat na dilat ako pagkatapos siyang makita na ganoon. Alam kong pareho kaming dalawang hindi masaya sa nangyari. He probably purposely got drunk because he didn’t like what’s happening.

Alas nuebe y media nang katukin ako sa kwarto.

“Ma’am Lili, tanghali na po. Mag almusal na kayo…” tawag ng kasambahay galing sa labas.
“Opo. Babangon na…” sabi ko.

Pikit pa ang isang mata ko nang nilingon ko ang kurtina ng terrace. Humikab ako at nilingon ulit ang sofa sa ‘di kalayuan. Wala na roon si Riguel. Siguro ay kanina pa siya bumangon.

Bumangon ako at nilingon ang maliit na lamesa sa gilid. Hinubad ko kagabi ang singsing ng wala sa sarili. Ngayon ay naroon parin ito at may nakapatong na note.

Pinulot ko ang singsing at kinuha na rin ang note. All caps na sulat kamay ni Riguel ang nabasa ko.

“Wear this at all times.”

Binaba ko ang note at sinuot na lamang ang singsing. Is this expensive? Why do I have to wear it even in my sleep?

Pagkatapak ko sa sahig ay nakita ko ang isang bagong pambahay na tsinelas sa gilid ng aking paa. Is this for me?

Nagkibit ako ng balikat at sinuot na lamang iyon. Tumayo ako at tinungo ang salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Hindi pala ako nakapag tanggal ng make up kagabi.

Hinalughog ko ang kwarto ni Riguel. May walk in closet at bathroom doon. Sa walk in closet niya, nakita kong kaonti lang ang damit niya. Higit sa kalahati ang wala pang laman. Then, I guess I can put my clothes here, huh?

Inuna ko muna ang pagligo at pagbibihis para sa araw na iyon. White spaghetti strap top and short shorts ang sinuot ko pagkatapos kong magbabad sa bath tub.

Alas diez y media nang lumabas ako ng kwarto. Dinungaw ko ang sala at nakita ko ang mga regalo sa lamesa roon. Hindi pa nagagalaw. Ako ba ang magbubukas ng mga iyan?

Hindi ko maitanggi ang excitement ko. I love presents. Though these aren’t entirely for me, I still like the thought of opening them.

Bumaba ako sa hagdanan. Pababa ay binilang ko ang mga naroon. May malalaking regalo at may maliliit din. Hindi ba naisipan ni Riguel na buksan na lang ito?

Lumiko ako sadining table at nakita ko roon ang almusal na hinanda ng mga kasambahay. Toasted bread, hotdog, egg, ham, garlic rice, at juice ang naroon. Umaligid agad sa akin ang isang kasambahay at inayos ang aking pinggan.

“Ayos lang. Kaya ko…” sabi ko kahit na nagsasalin na siya ng juice sa baso. “Anong pangalan mo?”
“Inday po, Ma’am…” sabi niya sabay ngiti.

Maiksi ang buhok ni Inday at tulad ng ibang kasambahay ay nakauniporme. Iyon ang ideya ni Nana Sela noon para malinis daw tingnan. Hindi iyon gaanong gusto ni Daddy at Mommy kaya hindi nasusunod. Ngayong si Riguel na ay baka hinayaan niya na lang si Nana Sela na mamuno.

“Asan ang ibang kasambahay?” tanong ko.
“Si Geling naglilinis ng guestroom, si Marya nasa labas nagwawalis.”
“Si Nana Sela?” tanong ko.
“Si Nana nasa kanyang kwarto. Umidlip lang saglit.”
Tumango ako at tinusok na ang hotdog sa aking pinggan.
“Kakapagod kasi kahapon, ma’am. Alas dos na natapos ang party. Ayaw pang umuwi ng mga bisita ni Attorney. Nga po pala, ma’am, ang aga n’yong natulog kagabi, ah? ‘Di n’yo na nahintay si Attorney.”

Nginuya kong mabuti ang pagkain ko pagkatapos ay uminom na lang ng juice na sinalin ni Inday kanina.

“Pagod ako kagabi. Nga pala… nasaan si Riguel?”

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Iniisip kong nasa Study siya at nagtatrabaho ng kung ano.

“Nasa plantation po siya. Inaalalayan ang harvest ng mga bulaklak. Kasama niya po si Mang Luis at iba pang mga tauhan.”

Nagngising-aso si Inday. Kumunot na lamang ang noo ko.

“Si ma’am… Miss agad si Attorney…”

Tumili pa siya.

Hindi ako makangiti. I find it so ridiculous. Napawi ang ngiti ni Inday nang nakita ang ekspresyon ko. Para bang sinisisi niya pa ako sa pagbabago rin ng mood niya.

“Si Ma’am naman… Gusto n’yo po tawagin ko si Attorney? Anong sasabihin ko ma’am?”
Umiling ako. “Huwag na at marami akong gagawin. Magbubukas pa ako ng mga regalo at titingnan ko pa…”

Natulala ako bigla. How weird… This is my family’s house but I feel like it’s not anymore my family’s house. And right now I need to feel that it is mine because I married Riguel.

“…kung… saan magagamit ang mga iyan.”
“O sige po… Sure po kayong ‘di ko na tatawagin si Attorney?”
“Oo, huwag na. Abala pa iyon…” sabi ko.

Mabuti naman at nilubayan na rin ako ni Inday nang kumain ako. Mag-isa lamang ako sa hapag at medyo natutulala paminsan minsan.

Naisip ko tuloy kung ilang araw ko itong gagawin. Ilang araw kaya ang harvest at magtatanim ba sila agad? Ibig sabihin busy si Riguel sa mga susunod na araw. Not that I want to see him. Mas maganda nga iyong abala siya at para ‘di kami madalas magkita.

“Nagpi-pills ka ba?” tanong ni Suki habang nagpupunit ako ng mga regalo.

Nasa trabaho siya ngayon at mukhang niloud speaker niya rin ako para makapagtrabaho siyang mabuti.

“Why?”

Natigilan ako sa tanong na iyon. Kahit na may sagot ako para riyan, hindi ko alam kung bakit sa lahat-lahat ay iyan pa ang itatanong ni Suki sa akin!

Humagikhik si Suki. The kind when she’s all giddy. Umirap na lamang ako. We’re bestfriends. I know what she’s thinking.

“Lagi, Suki. At hindi para sa bagay na iyan. It’s to maintain my period…”
“Can you turn your speakers off. I have a question,” ani Suki.

Tinigilan ko ang pagbabalat noong isang regalo na mukhang comforter ang laman. Pinatay ko ang loud speaker at nilagay sa aking tainga ang cellphone.

“I know you’ve been through a lot in the U.S. I don’t even know if you have a time for this but… are you still a V, Lilienne? Friends tayo. Concerned lang ako!” depensa niya.

Holy shit. I totally forgot that she didn’t know about this part.

“Uh… No…”
“Oh my God! Oh my God!” ang gulo-gulo niya sa kabilang linya halos ilayo ko ang cellphone sa aking tainga. “Who… Who? Ilan? At talagang nagkaroon ka pa ng oras?”

Umirap na lang ako at nagsimulang magbalat muli ng mga regalo. Pakiramdam ko ay mahihimatay si Suki kapag nalaman niya ang parteng ito. But then it’s inevitable… I have to tell her. She’s my bestfriend.

“Isang beses lang. Siya…” sabi ko.
“Siya? Sinong siya? Isang beses lang? Weh! Saan? Sa U.S.?”
“Hindi. Dito lang din sa Alegria. Noon.”
“Noon? Sinong siya? Noon? Matagal na? Noong… Nong High school? At…” Pataas ang boses niya tila ba pinapagalitan ako. “Sinong siya? Sinong siya, Lili? Si Riguel!!?”

Bumuntong hininga na lang ako. Nagtitili siya at nagkakagulo siya sa kanyang opisina. Para siyang ipinasok sa loob ng washing machine at pinaikot ikot ng ilang minuto.

“Calm down, please. I’m going to make it loud speaker now. Marami pa akong bubuksang regalo.”

Pinindot ko agad ang loud speaker at marahas na sinira ang gift wrapper noong isa pang regalo. Isa iyong water dispenser. Tumayo ako at nakapamaywang na tiningnan iyon. May ganito ba rito? Meron yata sa kusina. At kung mayroon, saan ito ilalagay? Sa Condo kaya ni Riguel? May condo ba siya?

“Oh my God! Oh my God, Lilienne!” para siyang nalulunod na hindi ko malaman. “Bakit hindi mo sinabi? At isang beses? Oh my God! May hang ups pa ‘yan sa’yo kaya ka siguro pinikot! Oh my God!”

Pakiramdam ko naghahyperventilate na si Suki sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pag ‘ahh’ niya mukhang napainom ng tubig.

“Kwento ka naman! Paano nangyari? Oh my God!”
“Tsaka na…” And it’s not worth telling. Ako ba naman ang nag initiate? It’s a big slap to my face!
“Daya mo! Daya daya mo! Siya lang talaga? Ever? Never sa U.S.?”
“Oh bakit ka nagtatanong kung nagpipills ba ako? Ha?”
“Aba, Lilienne! Baka mangyari ulit. E ‘di mabuntis ka at mahirapan kang makawala riyan.”
“Hindi mangyayari ‘yon. At tingin mo talaga may mangyayari sa amin? Wala… ‘no!”

Habang sinasabi ko iyon ay napaangat ako ng tingin sa isang anino sa hamba ng pintuan papasok ng kusina. Riguel is standing there, leaning on the wall.

Fuck. Halos matapon ang cellphone ko nang hinagilap ko iyon at pinindot ang cancel sa loud speaker.

“Sinong kausap mo sa cellphone?” malamig na tanong ni Riguel.

He’s wearing a faded maong jeans and a black v neck t shirt.

“Si Suki…”

Tinalikuran ko siya para kausapin ang naghuhuramentadong si Suki sa kabilang linya. Mukhang alam niyang narito si Riguel.

“Suki, I’ll call you later…”

Pinatay ko ang tawag at hinarap muli si Riguel. Naroon parin siya at nakatingin sa akin.

“Naghaharvest kami ngayon. Dito ka lang.”
“Uh… anong gagawin ko sa gifts? Gagamitin ba ang mga ito?” tanong ko sabay turo sa mga regalo.
“Ikaw ang bahala…”

Umamba siyang aalis kaya agad kong pinigilan. Ang dami kong tanong.

“Nga pala… kailan ka babalik ng Manila?” tanong ko.
“Ako? Hindi ba ay sasama ka dapat kung saan ako pupunta?” Nilingon niya ako.
“Tayo,” I corrected.
“Pagkatapos ng harvest, magtatanim. Babantayan ko. Pagkatapos noon ay babalik na tayo ng Manila.”
Marahan akong tumango. “May matitirhan ba tayo roon?”
“I have a condo in Makati.”
Marahan ulit akong tumango.
“If you’re bored, imbitahan mo ang mga kaibigan mo rito. Si Suki, imbitahan mo.”
“Okay…”

Pagkatapos ng maiksing usapan noon ay umalis na siya. Tiningnan ko pa siya habang lumalayo. Nang nawala siya sa aking paningin ay parang natunaw ang tuhod ko.

Sa susunod ay kailangan ko nang mag-ingat sa pakikipag-usap kay Suki. Kung naabutan niya kaming nag-uusap tungkol sa pills ay baka maisipan pa ni Riguel na may plano akong ganoon sa kanya. Excuse me!

I spent the whole day opening the gifts and transfering some of them to a guestroom. Binukod ko iyong magagamit na ngayon at mga bagay na magagamit sa susunod. Iyong mga kubyertos ay nilagay ko naman sa kitchen.

Habang nilalagay ko sa loob ng kitchen cabinet ay naabutan ako ni Nana Sela.

“Bakit hindi mo na lang inutos iyan kay Inday?” ani Nana Sela.

Nilingon ko siya. Nakaluhod ako ngayon sa cabinet habang inisa-isa ang mga kutsara at tinidor. Lagi kung iniisip na baka tanungin ni Nana kung kumusta na ang mga magulang ko. Hindi ko kayang mag sinungaling sa kanya. She deserves to know the truth. She’s been with us since the beginning. Kaya lang ayaw kong umiyak, ayaw kong balikan iyon, lalong lalo na sa bahay na ito.

“Ah. Kaya ko naman po itong gawin, Nana. Wala rin naman kasi akong ginagawa…” sabi ko.
“Si Riguel ay abala sa paghaharvest. Gusto mo bang panoorin ang ginagawa nila pagkatapos mo?”
Umiling ako. “Hindi na po. Wala rin naman akong maitutulong doon. Ayos na po itong ginagawa ko. Nalilibang naman ako.”
“Lilienne, kadarating mo lang ng Pilipinas. Maiintindihan ni Riguel kung gusto mo munang magliwaliw. Mamasyal sa Alegria o pumunta sa mga dati mong kaibigan.”
“Si Suki po ay nasa Maynila. I kokontak ko pa po ang ibang kaibigan namin at titingnan ko pa po kung nandito ba sila.”
“Sina Leon ay narito. Sa Puertonera lang ang kanilang bahay ni Freya. Baka gusto mong bisitahin,” Nana suggested.
Tumango lamang ako. “Sige po.”

Nang naghapon ay nakatulog ako sa pagod. Inisip ko pa si Leon na talagang nakamtan ang pangarap niyang si Freya. Well, I find that it’s easy to fall for people who are in love and faithful to you. Sa sobrang dalang ng unconditional love ngayon sa mundo, talagang mamamangha ka na lang kung may taong kayang kaya kang mahalin sa paraang iyon. So i think Freya got hooked with his love, too. Or maybe she really liked Leon from the very beginning.

Kinatok ako ng kasambahay nang gumabi na.

“Ma’am, kumain na po kayo…” tawag sa akin.

Sa sobrang pagod ko ay hindi ako kaagad bumangon. Ilang sandali pa bago ako bumangon at naligo muna para gumanda ang pakiramdam.

Pagkababa ko ay mag-isa ulit ako. Si Inday ulit ang nagsasalin ng juice sa aking baso ang aking naabutan.

“Si Nana Sela, Inday?” tanong ko.
“Tapos nang kumain si Nana, Ma’am, nanonood ng TV sa kanyang kwarto.”

Umupo ako roon at pinagmasdan ang mga pagkain. Sinigang at lumpia ang pagkaing nakahanda.

“Si Riguel?” baling ko kay Inday.
“Noong tinawag kita, Ma’am, kumakain siya noon. Umalis din agad para sumama sa truck ng mga bulaklak, e.”
“Ganoon ba…”

Kinuha ko ang aking kubyertos at tiningnan ang aking pinggan. Why do I feel like it’s going to be like this the whole time. Hindi naman sa gusto kong makasabay kumain si Riguel. I just thought he’d treat me better.

What the hell, Lilienne? Seryoso ka ba sa iniisip mo? Syempre ay huwag ka nang mag expect. This is normal. Anyway, you married for the benefits and not for love. So why do you think will he care for your reactions?

“Wala ka bang asawa, Inday?”

Sa sobrang boredom ay si Inday ang pinagdiskitahan ko. Nalaman kong sa murang edad ay nagkaanak na si Inday. Iniwan siya ng tatay ng anak niya para sa ibang babae. Ngayon ay may kasintahan siya na isa sa mga tauhan ni Riguel.

Her stories entertained me, at least. Tawanan at hagikhikan ang ginawa namin habang kumakain.

I realized how strong she is with her decisions. She loved the father of her child. At kayang kaya niya itong aminin sa akin ng walang pag-aalinlangan. Kaya niya ring sabihin na nasaktan siya at nagkamali sa pag-ibig na iyon. Na bumangon siya at inalagaang mag-isa ang kanyang anak at ngayon ay nagmahal siyang muli.

“Sino naman ang nag-aalaga sa anak mo habang nandito ka?” tanong ko.
“Ah! Si Nanay, Ma’am. Umuuwi naman ako tuwing Linggo kaya nagkikita na kami. Heto po siya…”

Ipinakita ni Inday ang picture ng kanyang anak na mukhang nasa mga apat na taong gulang na. I admire her character as a woman. I admire her strength.

Nanood ako ng TV kasama si Inday at Geling sa sala. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay umakyat na ako para tawagan si Suki.

“Sa unang gabi ay walang nangyari?”

Dapat ‘di ko na lang binanggit kay Suki iyong mga sinabi ko kanina. Ito tuloy ang bukambibig niya ngayon.

“Bakit naman may mangyayari e wala naman kami. Hay naku, Suki!”
“Nag file na ako ng leave. Siguro sa Biyernes ay nariyan na ako. I texted Julio and Russel, too. Sabi nila ‘di mo raw sila inaaccept sa Facebook mo. Mag open ka naman, oh!”
“Oo. Pagkatapos ng tawag na ito, ioopen ko iyon. Sorry.”
“Okay. Wala bang exact date ang pagbalik n’yo ng Maynila, Lili?”
“Wala, e. ‘Di bale tatawagan kita kapag sinabi na ni Riguel.”

Nakatulog na lang ako sa tawag ay hindi ko nakitang umuwi si Riguel.

Ganoon ang eksena lagi araw-araw. Gumigising ako ng tanghali dahilan kung bakit wala na si Riguel. Pagkatuloy ko naman ay wala pa siya kaya halos ‘di kami nagkikita.

“Si Riguel, Nana?” tanong ko nang si Nana ang nakasabay ko, isang araw, sa hapag.
“Maaga sa plantation at magsisimula nang magtanim ngayon.”
“Ah!”

Bumaling ako sa aking pagkain. Batid ko ang paninitig ni Nana sa akin. Hindi ko na lang sinuklian ang kanyang tingin.

“May problema ba, Lilienne?” tanong niya.

May problema? Ilang araw nang ganito lagi ang eksena! Mamamatay na ako sa boredom dito! Naaccept ko na lahat ng friend request ko at naikwento ko na sa groupchat namin na namatay si Yeshua, si Mommy, at Daddy at walang alam ang mga tao rito! Ganito parin ang eksena.

“Wala naman po…”
“Kung gusto mo tawagin natin si Riguel. Hindi na naman masyadong abala sa plantation ngayon.”
“Huwag na po. Kabuhayan niya ‘yan. Kailangang pagtuonan ng pansin.”
“Kung iyan ang gusto mo…” mataman niyang sinabi.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay narinig ko ang iilang yapak galing sa sala. Tumuwid ako sa pagkakaupo nang narinig ko ang boses ni Riguel.

“Geling, tanungin mo si Lilienne kung gusto niya bang ayusin ‘yan. Maghahanda muna ako at may aasikasuhin akong kliyente ngayon. Papasukin n’yo iyong taga San Gabriel kapag dumating. Maliligo muna ako,” si Riguel.

Napainom ako ng tubig. Narinig ko ang mga footsteps niya paakyat ng hagdanan. Nilingon ni Nana ang labas para siguro tingnan kung ano iyong inutos ni Riguel.

“Ma’am…” ani Geling nang dumating siya sa kusina.

May dala siyang isang basket ng bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko. Red roses, white roses, pink roses, mums, at mga daisy ang dala niya.

“Galing pa ito sa greenhouse. Sabi ni Attorney, ikaw na po ang bahala rito. Baka raw gusto mong ayusin ito.”
Tumango ako at ngumiti. “May mga vase ba kayo? Ilagay mo na lang iyan sa sala at pagkatapos kong kumain, pupunta na ako roon.”
“Sige po.”

Mabilis akong natapos kumain. Naunahan ko pa si Nana Sela sa pagkain. Pinapanood niya kasi ako.

“Nana, mauna na po ako sa inyo at mag aarrange lang ako ng mga bulaklak.”
“Sige…”

Iniwan ko na siya agad doon. Nagpipiyesta ang mga mata ko sa mga kulay. Nakita ko pa ang mga vase nina Riguel na mukhang puro mamahalin. Narito rin ang mga vase namin noon.

“Saan ba ang mga vase na ito galing, Geling?” tanong ko sa kasambahay sa harap ko.
“Ito ma’am para sa labas. Itong tatlo. Itong dalawa sa sala. Itong maliit sa dining table. Ito namang isa pwede sa kusina. Meron din sa terrace, ma’am at. May isa para sa kwarto n’yo at isa rin para sa Study ni Attorney.”

Tumango ako at nagsimula nang mag arrange. Hindi ako masyadong maalam sa pag-aarange kahit na may plantation kami. Iniisip ko kasi dapat ako iyong pagbibigyan noon, hindi ako ang nagbibigay. Ngayon, kailangan ko yatang matuto para sa bahay.

Pumalakpak ako nang natapos ang isa. Bente minutos ko yata iyong ginawa. Nilagay ko kaagad sa ‘di kalayuang coffee table sa amin. Nagsimula na ulit ako sa isa.

At least may pagkakaabalahan ako ngayon, ‘di ba? Maiba naman sa araw na ito.

May tiningnan si Marya sa pintuan. Nilingon ko iyon habang inaayos ang mga bulaklak.

“Pasok po kayo, Miss Vera. Si Attorney ay nasa kanyang opisina na…” sabi ni Marya sabay muwestra sa loob ng mansyon.
“Thank you…” malambing na sinabi ng babae.

Natigilan ako. Nanatili ang mga mata ko sa babaeng naka tube top at mini skirt. Mahaba at makapal ang kanyang straight na buhok. Kulay blonde ang kanyang buhok at medyo maputi ang kanyang balat. Naka five inches black pumps siya at ang kanyang Louis Vuitton bag ay nasa kanyang braso.

Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin. I was caught off guard kaya ‘di ako nakangiti pabalik.

“Sige, pupunta na ako.”

Napansin ko pang may dala siyang isang mukhang box ng cake habang paakyat siya sa aming engrandeng hagdanan.

“Sino ‘yon, Marya?” tanong ko nang tuluyan na siyang nakaakyat sa pangalawang palapag at nawaa na siya sa paningin.
“Si Miss Vera Chio po ‘yon, Ma’am. Kliyente ni Attorney. Taga San Gabriel po ‘yon. May kinasuhan yata.”
“Ah! Ganoon ba…”

Bumaling ulit ako sa mga rosas na inaayos ko. Inabala ko na lang ang sarili ko roon kahit na lumilipad ang utak ko sa kay Riguel at doon sa kliyente niya.

Naiimagine ko pa iyong malapad niyang lamesa. Pinilid ko ang ulo ko at tiningnan ang limang vase na natapos ko na.

“Uunahin ko muna iyong sa kwarto at sa opisina ni Riguel,” sabi ko kay Geling. “Ikaw na ang maglagay nito sa labas at sa kusina.”

Mabilisan ang pagdedesign ko ng para sa kwarto namin at para sa opisina ni Riguel. Atat na akong matapos, e. Atat na akong ilagay doon!

Pagkatapos kong gawin ang mga iyon ay binitbit ko na ang dalawang flowervase paakyat sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto. Pabigla ang pagbukas ko roon. Nang nakitang walang tao ay nilapag ko na lang sa lamesa ang mga vase.

Dumiretso ako sa bathroom para tingnan ang sarili ko. Medyo pinagpawisan ako sa pag-aayos sa mga bulaklak kaya nagpolbo ako at nilagyan ng konting lipstick ang aking labi.

Nakatitig ako sa sarili ko pagkatapos noon.

“What are you doing, Lilienne?” tanong ko sa sarili ko.

Umiling na lamang ako at iniwan ang bathroom. Kinuha ko ang isang flower vase na para sa opisina ni Riguel at lumabas na ako ng kwarto.

Papalapit sa opisina ni Riguel ay kabado ako. Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba. Tumigil ako nang nasa pintuan na.

May eyehole doon pero alam kong kapag titingnan galing sa labas ay ‘di rin naman kita kung sino ang nasa loob pero sinubukan ko parin.

Wala akong makita, as expected.

Sinubukan kong pakinggan kung ano ang nasa loob. Dinikit ko ang tainga ko sa pintuan pero wala parin akong marinig!

“Shit!” malutong kung mura sabay buntong hininga.

So what kung ilalagay ko sa loob itong vase? Pinag-arrange niya ako, e!

Mabilis kong inikot ang door handle at nagulat ako dahil bukas iyon!

Diretso ang tingin ko sa lamesa ni Riguel at naabutan kong naka yuko ang babaeng kliyente niya habang siya ay nasa likod, dinudungaw ang papel na binabasa.

Nilingon agad ako ni Riguel at kumunot ang noo niya.

“Ilalagay ko lang itong vase…” sabi ko at dumiretso sa rectuangular coffee table sa sofa niya.

Sinundan niya ako ng tingin. Hindi ko siya nilingon. Bahala siya.

Sa coffee table ay naroon ang box noong tingin ko’y cake na dala ng kliyente. Nagawa ko pang sulyapan ang note sa gilid.

Thank you, Attorney Alleje. I really appreciate it.

Nagtaas ako ng kilay at tumuwid ng tayo.

Nagtama ang tingin namin ni Riguel. May naisip ako. Lalagyan ko rin ng vase ang kanyang malaking mesa!

“Lilienne…” anI Riguel bago pa ako tumalikod.

Napalingon ang kliyente sa akin.

“Miss Vera, this is my wife, Lilienne Alleje,” sabay muwestra niya sa akin.

Pekeng ngisi ang dumapo sa aking mukha. Nagawa niya pa akong ipakilala, huh?

“Oh! Kasal ka na pala, Attorney! Ngayon ko lang nalaman ah?” parang nag-aalinlangan pang sabihin noong babae.

Tumayo siya at inayos ang kanyang short skirt. Dumiretso siya sa akin at naglahad ng kamay.

“It’s a pleasure to meet Attorney Alleje’s wife! Mrs. Alleje,” she confidently said.

Tinanggap ko ang kamay niya.

“Liliennne na lang, Miss Vera. Pasensya na sa istorbo. Nilapag ko lang ang mga bulaklak sa lamesa. Aalis na ako para matapos n’yo na ang ginagawa n’yo…”

Matalim ang tingin ni Riguel sa akin galing sa kanyang lamesa. Ngumiti ako sa kanya. Gustong gusto ko siyang irapan.

“Sige. Ang ganda ng mga bulaklak! Ikaw ba ang nag arrange nito!”
“Oo,” sabi ko.
“Ang galing!”

Liar! That’s my first time but whatever!

“Maiwan ko na kayo…” sabi ko at umalis na rin agad.

Pagkalabas ay humugot muli ako ng malalim na hininga. Dumiretso ako pababa para makagawa pa ng isa at mailagay iyon sa lamesa ni Riguel. He won’t expect this one, for sure!

Mabilisan muli ang pag gawa ko sa isa pang arrangement.

“Ilalagay ko lang ito sa lamesa ni Riguel sa taas,” paalam ko kay Geling.

Umakyat muli ako at dumiretso sa kanyang opisina. Nang nasa labas na ay sinubukan ko muling tingnan ang eyehole para makita kung ano ang ginagawa nila. Dahil wala naman akong makita, dinikit kong muli ang tainga ko.

May naririnig akong nagsasalita. Nagsasalita ba talaga ‘yan? Hmm… Ilang sandali ang lumipas ay tumigil ang pagsasalita.

Kinagat ko ang labi ko at mas lalong dinikit ang aking tainga.

Laking gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan! Tumuwid agad ako sa pagkakatayo!

Sinalubong ako ng simangot ni Riguel! Napaatras ako dahil humakbang siya palapit sa akin at sinarado ang pintuan. Sa sobrang gulat ko ay nabitiwan ko ang vase na dala at nabasag iyon sa gilid namin. Water spilled and the flowers were scattered on the floor.

Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin kay Riguel. Ang kamay niya ay nasa likod, siguro’y nakahawak sa door handle.

“What are you doing?” he asked.
“What? Ilalagay ko sana ito sa lamesa mo! Kung hindi ka lang biglang sumulpot at ginugulat ako! Tingnan mo anong nangyari!” sabay turo sa mga bulaklak.

Ni hindi niya iyon tiningnan. Nanatili ang nag-aalab niyang mga mata sa akin. It almost melted my knees!

“Really? Kasali ba iyong pagdikit ng tainga mo rito sa pintuan sa paglalagay mo ng bulaklak sa mesa ko?”

Fuck and he saw it!

“What are you talking about?” painosente kong sinabi.
Nanliit ang mga mata niya. “Sige, ideny mo!”
“Anong ibig mong sabihin, Riguel?” tumawa pa ako para effect. “Na nakikinig ako sa pinag-uusapan? I don’t even care what you two are talking about! Bakit ako makikinig!?”
“Kaya nga? Bakit kita maaabutang nakikinig dito, Lilienne. And my table doesn’t need a vase. Sapat na iyong sa coffee table. Are you going to put that vase there to-”
“To what? Ang kapal mo rin, e, ‘no! Anong tingin mo sa akin? Sa marami tayong vase at naisip ko lang! Kung ayaw mo, e ‘di huwag. Isa pa, sira na ang vase kaya wala na!” sabi ko sabay irap.
“Oh… fuck, Lilienne. Don’t use that on me now. Sabihin mo na lang na gusto mong makinig o manood sa loob at hindi naman kita pagbabawalan!”

Uminit ng husto ang mukha ko sa sinabi ni Riguel. Halos maiyak ako sa inis. Ang kapal kapal kapal talaga ng lalaking ito! Ang yabang yabang! Akala niya ba magbabantay ako?

“Makinig at manood kang mag-isa mo! Kahit na anong ginagawa n’yo riyan ay wala akong pakealam. Kahit na mahuli ko kayong nakahubad na dalawa, wala akong pake!”

Tinalikuran ko siya at bago pa siya makapagsalita ay sinigaw ko na ang pangalan ni Marya.

“Marya! Paki linis po iyong kalat sa may pintuan ni Riguel, please!” sabi ko at tumakbo na ako pababa ng hagdanan.

Shit! Shit talaga! Shit niya! Ang kapal niya!

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan galing sa kanyang opisina. Umakyat na si Marya na may dalang walis.

“Nabasag iyong vase. Magdala ka rin ng dust pan at mop…” sambit ko sabay padabog na upo sa sala.

Pagkaangat ko ng tingin sa taas ay nakita kong nagmamadali si Riguel pababa. He’s wearing a white long sleeve shirt and a dark slacks. Nakatingin siya sa akin habang pababa siya sa hagdanan at dumiretso siya sa harap ko.

“Mag-usap tayo…” aniya.

Napatingin ako kay Geling na nag-aarrange ng bulaklak sa harap ko. Kitang kita ko ang pagtataka niya sa sinabi ni Riguel.

“Nag-uusap tayo…” sabi ko.
“Sa kwarto. Tayong dalawa lang…” aniya.

Kitang kita ko ang marahas na paglunok ni Geling sa sinabi ni Riguel. Tumayo agad ako. Ano pa kayang dapat pag-usapan naming dalawa kung tapos na kaming mag-usap sa pintuan?

Nauna na akong umakyat sa kanya. Sumunod si Riguel sa akin. Iniwan niya si Miss Vera sa opisina niya?

Pagkapasok ko sa kwarto ay pumasok siya agad. Sinarado niya ang pintuan at hinarap ako. Umupo ako sa sofa na madalas niyang tinutulugan at niyakap ko ang throw pillow. Sa kama naman siya umupo at hinarap ako.

“Anong problema mo?”
“Wala akong problema.” hindi ko siya tiningnan.

I checked my nails. They’re ruined because of the flowers I arranged.

“Nagseselos ka?” tanong niya sa seryosong tono.
Napaangat ako ng tingin. “Bakit ako magseselos? Aba, Riguel! Hindi ba pwedeng tinitingnan ko lang kung may natitira pa ba sa dignidad ko. Alam ng lahat na mag-asawa tayo tapos kapag nalaman pa nilang may kabit ka pala nang ‘di ko alam, isang malaking sampal iyon sa akin!”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at ilang saglit pa siyang nanatiling nakatitig sa akin.

“Ayaw kong magmukha akong katawa tawa. Kakakasal lang natin. Malay ko ba. Malay ko kung totoong kliyente iyon kaya chineck ko lang. At bakit ang guilty mo, ha? May nagawa kang kasalanan? Guilty’ng guilty ka, ah?”
“Sumama ka sa akin sa opisina ko. Magpapahanda ako ng pagkain kay Inday. Doon ka na magmeryenda kasama ko…”
“Hindi na. Kayo na lang mag meryenda. Anong gusto n’yo? Sasabihin ko kay Inday. O… may cake naman ata siyang dala. Iyon na lang tapos juice, ayos na?” humalukipkip ako.

Tumayo siyang bigla. Nagulat ako roon.

“I’m gonna end our session right now.”
“You don’t have to, Riguel!” sabi ko ngunit huli na ang lahat.

Lumabas na siya sa pintuan. Ngumuso ako at humiga na lang sa sofa. Dammit!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

11 Responses to Tripped – Kabanata 26

  1. Dahil mabagal ang pagpost nang comment sa wattpad app, dito na lang ako haha.
    Seriously, natatakot ako para kay Lili, isang trahedya na lang feeling ko bibigay na yan. Kaya please lang Riguel, wag kang magkakamali.