Tripped – Kabanata 25

April 29, 2016 By In Tripped Comments Off on Tripped – Kabanata 25

Kabanata 25
Home

Umalis si Riguel pagkatapos ng hapunan. Ang sinabi niya ay pupuntahan niya raw ang Lolo at Lola niya.

“Do you have a dress tomorrow?”
“Yup…” sagot ko.

Tumango lamang siya at nagpaalam na sa akin. Hindi ko makausap si Nana Sela dahil abala siya sa pagmamando sa mga kasambahay para bukas. Kaya imbes na manatili ako sa dining table ay umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Sa pintuan ay nilingon ko ang kwarto nina Mommy at Daddy, pagkatapos ay ang kay Yeshua. Tinitingnan ko pa lang ay nasasaktan na ako.

Inipon ko lahat ng tapang ko para lang buksan ang kwarto ni Mommy at Daddy. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto roon at ilang sandali akong tumitig sa kanilang kama.

We used to cuddle here. Naaalala ko pa ang habulan namin ni Yeshua noon. Pareho kaming nakapajama at nagpapaluan ng unan. Tuwing nasasaktan ako sa palo niya ay agad niya akong yayakapin at hahalikan. Pagkatapos ay pagsasabihan ako na bawasan ang pagiging pilya ko.

My parents really know who’s the better person between me and Yeshua. Kaya kahit na ako ang umiiyak ay pumapanig sila kay Yeshua. Dahil alam nila na simula sa larong iyon, ako ang nagpupumilit kay Yeshua.

I miss Mommy and her support to me. Ano kaya ang reaksyon niya kung nandito siya ngayon? Mommy, papakasal ako kay Riguel bukas.

I smiled at the thought. I wish everything’s that simple.

And Daddy… Si Daddy na hindi ako sinisi kahit kailan. Na tahimik na sumusuporta sa akin.

Tumulo ang luha ko habang inaalala sila. It’s been years since they left me but everytime I think about them, it gets to me.

Higit na isang oras akong nanatili roon at lumipat agad ako kay Yeshua. Pagkabukas ko sa kwarto niya, tulad ng akin at ng kina Mommy, wala ring ginalaw doon. Tila ba iniisip na babalik pa siya kahit na ang totoo ay hindi na.

Niyakap ko ang unan ni Yeshua. Inalala ko ang mga panahong siguro’y masakit ang ulo niya at nililihim niya sa amin. My twin who loves me unconditionally. Na kahit mapahamak ko siya, mamahalin niya parin ako ng walang pag-aalinlangan. How I long for that kind of love. The loves this world give are those that are shallow and with condition. Tila myth na lang ang unconditional love ngayon.

My family taught me so many things… pero ang pinaka ‘di ko makakalimutang tinuro nila sa akin ay ang pagiging matatag kahit na nag-iisa. And I hate how they taught me that. Na kinailangan pa nila akong iwan lahat para lang matuto noon.

Habang umiiyak sa kwarto ni Yeshua ay bigla kong naalala si Suki… sina Nicholas at Leon… sina Tito at Tita… ang aking mga kamag-anak.

They are not my direct family but I know they care for me. They care for me like I’m their direct family. I should be thankful for that.

Bumalik ako sa kwarto ko, nanlulumo at nanghihina. Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Suki.

“Bakit ngayon mo lang sinagot? Anong nangyayari? Nasa bahay ka ba?”
“I’m sorry, Suki. Nasa mansyon ako ngayon. Hindi ako tumuloy sa inyo dahil kagustuhan ni Nana Sela na rito ako matulog. Para bukas sa kasal ay-”
“Ikakasal ka talaga, Lilienne? Anong kahibangan ‘yan?”

Bumagsak ako sa kama. Isang oras ko yatang inexplain sa kanya ang nangyari dahil paulit-ulit ang mga tanong niya.

“Bakit bukas agad? Dadalo ako, Lilienne!”
“Huwag na. This is just for show, anyway. Before you know it, wala na kami…”
“Lili! Pakiusapan mo si Riguel na… fuck… is that why Basty’s out of town?”
“Huh? Basty is out of town? Nagkikita ba kayo?”
“He’s working in our company, Lilienne. At nakarecieve ako ng half day notice sa kanya kanina at ‘di niya pa natatapos ang audit. Dammit!”
“Oh?” Napangiti ako at niyakap ang unan. “So… they’re coming for our wedding?”
“Bakit ‘di ko naisipan! Dapat nariyan ako!” ani Suki.
“I’m sorry, Suki. It’s okay, though. This is nothing to me. At saka, maaga kami bukas. Masstress ka lang.”
“Nothing to you? Magpapakasal ka! Alam mo ang ibig sabihin noon? Wala kang kawala!”
“Siya ang walang kawala. I’m an American citizen. I can file my divorce abroad. I don’t know why he’s doing this for power. Ganoon pala talaga siya ka gago. At kahit na may girlfriend siya ay hahayaan niya.”
“May girlfriend siya?”
Umirap ako. Andito na naman tayo. “His lawyer friend said I don’t look like his girlfriend kaya malamang meron. Malay ko at palusot niya lang ang pagpunta ngayon sa kanyang Lolo at Lola. Ang totoo pala ay pumunta sa kanyang girlfriend. Maybe he assured her that in six months he’d marry her. And then what’s next? Kama.”
“Lilienne ha. Pwede ka nang mag writer sa mga sinasabi mo riyan! Tinanong mo ba siya tungkol sa girlfriend niya? Baka naman wala? Baka joke lang!”
“Ewan ko. Wala akong pakealam, Suki. Ang importante ay mabawi ko itong bahay na ito. Tapos!”
“Walang pakealam? Sure ka? Mamaya mahulog ka na naman riyan. Mahal na mahal mo pa naman ‘yan!”
“Are you kidding me? I’ve learned my lesson very well. At ngayong naprove ko na na talagang ganoong klaseng tao siya ay mas gumrabe ang pag-ayaw ko sa kanya.”
“But Lili, you’re marrying Riguel Alleje. My god, that’s something!”
“You make it sound so big. We’ll divorce soon. I’ll be free in the US soon and who knows… papakasalan ko na lang si Eric. I’d rather a fuckboy than this monster here.”
“Lilienne!” banta ni Suki.

Pumikit ako habang nasa tainga pa ang cellphone.

“By the way, tuloy ka ba sa trabaho rito?” tanong ni Suki.

Napadilat ako roon. Oo nga pala at nangako akong magtatrabaho sa kanila!

“I’m gonna ask Riguel kung kailan siya pupuntang Manila. Nandito lang naman yata siya ngayon dahil harvest. Kapag nasa Manila na siya, pupunta na rin ako at magsisimula na ako riyan. Pwede bang sa condo mo ako tumira?”
“Sa condo ko? E… mag asawa kayo ni Riguel ah? May condo ‘yan dito panigurado!”

Nagtiim bagang ako. Muntik ko nang nakalimutan ang parteng iyan. Oo nga pala at mag-asawa na kaming dalawa.

Mahaba pa ang naging usapan namin ni Suki. Sinabi pa niya kung ano ang dapat kong suotin at kung ano ang dapat make up.

Feeling niya pa ang galing galing niya dahil binili namin iyong cream colored dress na pwedeng suotin sa civil wedding bukas.

Habang nag-uusap kami ay sumagi ulit sa isipan ko ang ginagawa ni Riguel ngayon. It’s late… He’s not yet home, huh?

Maybe he’s with his girlfriend?

Pinaghalong pagod at sakit ang naramdaman ko dahilan ng pagkakatulog sa aking kwarto. Suki promised she’d visit Alegria again for me.

Hindi ko alam paano nagawa ni Riguel ang lahat ng iyon at bakit talagang kinaumagahan ang kasal naming dalawa. Ang alam ko mahabang proseso pa iyon. Pero kumpleto na rin kasi talaga ang Birth Certificate ko. Madaling makuha sa munisipyo ang ibang mga papeles lalo na’t lawyer siya.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Umaalon ang baba nito kaya nagmukhang may arte rin. Light make up lang ang ginawa ko. Kulay pink ang lipstick at natural brown ang eye shadow.

Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ng aking tukador ay may naalala ako. I checked the drawer and there I saw the Rolex my Mom and Dad bought me for Riguel’s graduation.

Ang sabi niya sa akin noon, ibibigay ko lang ito kapag successful na siya. Now he’s successful pero ‘di ko naman maibibigay sa kanya. Hindi ko kaya. At para saan pa? Para saan pang emosyon ang lahat ng ito.

Binalik ko iyon sa drawer. Pinuntahan ako ng kasambahay sa aking kwarto at pinaalahanan.

“Ma’am Lilienne, si Attorney nasa munisipyo na po. Kukuhanin ka ng isang sasakyan dito kasama si Manong Luis ngayon.”
Tumango ako. “Salamat. Bababa na rin ako ngayon.”

Tumunog ang cellphone ko pagkaalis niya. Si Suki iyon na tumatawag. Hanggang ngayon ay hindi niya parin kayang isipin na hindi siya makakadalo sa kasal ko. Paulit ulit kong pinaalala sa kanya na wala lang ang lahat ng ito at hindi niya kailangang dumalo.

Bumaba ako at nakita ko si Nana Sela at Manong Luis sa sala at naghihintay. Pareho silang bihis na bihis at malapad ang ngiti. Pilit akong ngumiti habang bumababa.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Naisip ko kung tatanungin ba ako ni Nana Sela tungkol sa pamilya ko sa byahe. Kapag nangyari iyon ay baka hindi ko na mapigilan. Baka masabi ko na sa kanya ang totoo.

“Kay ganda mo talaga, Lilienne…” ani Nana Sela sa akin.
“Maraming salamat po, Nana.”
“Noon pa man ay alam ko na na maganda ka. Pilya at madungis madalas pero maganda. Ngayon, nagbago kang talaga. Naging dalaga ka na.”

Tipid akong ngumiti at hinawakan si Nana para na rin alalayan.

Sa isang kotse kami sumakay. Si Manong Luis ang nagdrive doon.

Sa gitna ng byahe ay abala si Manang sa pagtatanong kay Manong Luis tungkol sa mga handa na nasa likod ng bahay. Ngumingiti lamang siya sa akin tuwing nadadaanan ng tingin.

Somehow, it kind of relieved me. I don’t want her to ask me about my family. I really just don’t know how to begin.

Nang dumating kami sa munisipyo ay napansin ko ang iilang sasakyan. Is it just me or mas dumami ang nakapark doon?

I expected Basty and Mateo to be here. They are Riguel’s friends after all. Sana nga pala inimbitahan ko si Leon at Freya, pati si Julio at Russel. I don’t even know if Julio and Russel are still here. Kung bakit ba kasi agaran ito at hindi ako nakapaghanda. Not that it matters to me. I just hate seeing a crowd without my friends.

Tama nga ang hinala ko.

Pagkapasok ko sa opisina ng mayor ay naroon halos lahat ng kaibigan ni Riguel ang naroon. I even saw a few girls. Nagulat ako nang naroon si Isabella Thomas. Naka ponytail ang mahaba niyang buhok. Nang nagtama ang paningin namin ay nag-iba agad ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Her mother’s there too. Basty, Mateo, Riguel’s high school and college friends. They’re all here.

Naglahad ng kamay si Lola sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Nag-alinlangan pa akong magmano.

Tinanggap ko at nag mano ako. Pati kay Lolo. Pagkatapos ay niyakap ako ng dalawang matanda. I felt their warmth… but then… as I watched the crowd parang naninikip ang dibdib ko.

This isn’t my family. I don’t even know them. I don’t know if they genuinely care for me. Nakangiti sila sa akin. Nakangiti ako pabalik. Ngunit parang pinipiga ang puso ko. I feel like I just don’t belong. Like I’m trying so hard to be part of them but I just can’t… because my family isn’t here.

Kahit si Suki na lang sana, Lilienne, sana inimbitahan mo rito. O kahit si Leon at si Freya. Tumingala ako dahil sa nag-aantabay na luha sa aking mga mata.

They are all so happy but I couldn’t even find the happiness in me.

Ayos lang. Pagkatapos nito, Lilienne, ayos na. Ayos na. Makuha mo lang ang mansyon, ayos na.

Tinabihan ako ni Riguel. Nakatingin siya sa akin at ayaw ko siyang tingnan pabalik. Pakiramdam ko kasi kapag titingnan ko siya ay mas lalo lamang akong masasaktan. Here is the man I loved… now he’s using me to get to his ambitions.

I have no family here. I have nothing. I have no one. I am alone. In the sea of people, I am still alone. In my hometown, I am still alone.

Tumulo ako luha ko. Nanatili ang mga mata ko kay Mayor na nagsimula na sa kanyang sasabihin.

Dumikit din ang mga mata ni Mayor sa akin. Siguro ay nagtataka sa aking pagtangis. Umiling ako at ngumiti to assure him that these are tears of joy.

“Lilienne…” ani Riguel sabay bigay sa akin ng puting panyo.
Umiling ako at ngumiti na lang din sa kanya. “Hindi na…”

Pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata pero walang prenong namumuo ang mga luha ko.

Malalagpasan ko rin ito. Tulungan mo naman ako o… My, Dy, Yesh…

Humugot ako ng malalim na hininga at nilingon si Riguel. Igting-panga niyang pinipirmahan ang marraige certificate. Nanatili ang mga mata ng Mayor sa akin.

“Tears of joy, Mayor…” I said in a playful tone.

Tumango si Mayor at binigay na rin sa akin ang certificate. Pumirma ako ng mabilisan. Ayaw ko nang mag-isip. Ayaw kong gumawa ng kumosyon doon.

Pagkatapos ng pirmahan ay dineklara ng kasal na kaming dalawa. The mayor asked us to share a kiss.

“Kiss na ‘yan!” sigaw ni Mateo galing sa mga nanonood.
“Kiss!” maligayang panunuya ng iba.

Hinarap ako ni Riguel. I can see nothing in his face but anger. I tried to smile to fake it. I need to fake it. These people wants to see us happy. At least give them that satisfaction.

“I’m going to kiss you…” he whispered.

Bahagya lamang akong tumango. Pumikit ako, anticipating his kiss. Mabilisan ang halik niya. Tila ba nilapat lang at binitiwan agad. Nakapikit parin ako nang natapos na ang halik niya.

Unti-unti akong dumilat. Nakaharap na siya sa mga tao. Hinawakan niya ang kamay ko habang pinapalakpakan kami ng mga tao.

Huminga ako ng malalim at nilingon ang mga taong naroon. Even Isabella Thomas is clapping. Pero nang tumama ulit ang tingin niya sa akin ay nakita ko ang iritasyon niya.

Is she the girlfriend Attorney Abella is talking about? I don’t know but she could be. Nandito pala siya sa Alegria, e. Baka siya ang pinuntahan ni Riguel kagabi, hindi ba?

Ilang picture ang nagawa namin kasama ang guests. Mayroon ding kami ni Riguel. Hawak hawak niya ang kamay ko at para lang itong patay sa pagkakahawak niya. I don’t even respond to his touch.

Nauna nang umalis ang mga bisita. May handaan para sa lunch sa mansyon at doon ang tungo ng lahat.

“Riguel!” tawag ni Isabella. “Sa mansyon ba o sa bahay n’yo?”
“Mansyon…” sagot ni Riguel.

Tumango si Isabella at sinulyapan ako bago tuluyang pumasok sa kanyang kotse. Pinatunog naman ni Riguel ang kanyang sasakyan kung saan doon daw ako sasakay kasama si Lola at Lolo.

Tinawag ni Riguel ang mga matatanda na kausap ni Nana Sela at ilan pang importanteng panauhin. I held the door open for them para mas madali silang sumakay.

Nagtama ang tingin namin ni Riguel habang inaalalayan niya ang kanyang Lola.

“Maraming salamat, Lilienne. Hindi mo pa naikukwento kung paano nagpropose ang apo ko. At kung paanong pagkauwi mo ay nagpakasal agad kayo…” ngumisi si Lola.

Shit.

“Oo nga po, Lola. Ikukwento ko po mamaya habang kumakain sa inyo…”

I need to find a story that seems natural. Na ano? Na Long Distance Relationship ang meron kami nI Riguel at pagkauwi ko rito ay nagpropose na siya?

Pumasok ako sa front seat. Si Riguel ang magdadrive. Hindi parin natatapos si Lola sa kanyang mga tanong.

“At hija, bakit wala ang mga magulang mo? Pupwede naman sana itong patagalin ni Riguel para lang makaabot sila-”
“Ayaw kong patagalin, la. Habang nandito siya, gusto kong magpakasal kami agad…” ani Riguel habang pinapaandar ang sasakyan.

Naitikom ko ang bibig ko. Ang galing din talagang magpalusot ng isang ito!

Tumawa si Lola. Mukhang tuwang tuwa sa sagot ni Riguel.

“Kailangan ay magpakasal din kayo sa simbahan, Hijo. At iyong kasama na ang pamilya ni Lilienne.”
“Pag iipunan ko po iyan. Paniguradong magastos iyan dahil mayaman ang mga kamag-anak ni Lilienne…” ani Riguel.

Napatingin ako sa kanya. Sumulyap lamang siya sa akin at kumunot ang noo.

“Naku! Anak… ang dami mo nang pera ngayon. Kung hindi dahil sa pagsisikap mo sa plantation ay paniguradong hindi mo kaya ang mga kaya mo na ngayon…”

Ngumiti si Lola sa akin. Sinuklian ko na lang din siya ng ngiti.

“Sige nga, hija. Magkwento ka at paano ka ba talaga niligawan nitong apo ko? Alam mo noon, itong Lolo ni Riguel ay araw-araw na nagbibigay ng pulang rosas sa akin noong nanliligaw pa lang siya…”

Ngumiti ako kay Lola habang nakikinig sa kwento niya. Iniisip ko rin ang aking mga karanasan.

“Walang tigil na nagbibigay.”

Tumawa ang Lolo ni Riguel.

“Ayaw ko sana sa kanya kaso mapilit at malambing kaya sinagot ko. Kayo ni Riguel, alam kong noong mga high school pa lang kayo ay nanliligaw na itong apo ko sa’yo. Ikwento mo naman kung paano.”

Nahilaw ang ngiti ko sa tanong ni Lola. Now that she’s asking me that question, I realized na wala nga pala akong maisasagot. Riguel did not court me. He never did. Ako iyong may gusto sa kanya. Ako iyong pumupunta sa classroom niya. Ako iyong pumupunta sa ACC. Ako iyong nagpumilit. He never really courted me at all. Kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Lola, ang tagal na po noon. Hindi ko na po masyadong maalala…” tipid ang ngiti ko.
Kumunot ang noo ni Lola. “Ganoon ba? Matagal na rin iyong amin ngunit naaalala ko pa naman! Matalas pala ang memorya ko?”

Nagtawanan ang dalawang matanda sa likod. Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan ang daanan. Nangilid ulit ang luha ko.

I forced myself into this situation. Simula’t sapul puro pagpupumilit lang ang ginawa ko. Simula pa noong ayaw ni Riguel sa akin, pinilit ko siya. Hanggang ngayon, heto ako at nagpupumilit parin.

“Lilienne, pass my phone. It’s on the dashboard…” ani Riguel.

Tumango ako at agad na binuksan ang drawer sa dashboard. Kinuha ko ang iPhone roon at nilahad sa kanya.

“Ilagay mo ang numero mo riyan…”

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang kanyang cellphone. His screen lock is plain black. I swiped it. Walang password.

Tinipa ko agad ang aking numero doon. I typed in “Lilienne” and saved it.

“Tapos na…” sabi ko.
“Hanapin mo rin ang numero ko. Ilagay mo sa cellphone mo…” ani Riguel.
“Okay…”

Para akong robot na sunodsunuran dahil sa nararamdaman ko ngayon. I feel so fucking down. I did not expect that I’m going to feel this on my wedding day.

Noon iniisip ko sobrang perfect ng mga kasal. Iyan iyong mga araw na lahat ay nagsisikap para gawing perpekto ang araw. Pero ngayong nararanasan ko na… bakit kay hirap maging masaya? Kahit hindi na lang perpekto.

I closed my eyes and think about why I’m doing this. I need to remember the only reason why I’m doing this. My family… the promise… those are my only motivation.

Hindi nagbago ang bigat ng loob ko pagkalabas namin ng sasakyan. Naroon ang lahat sa garden. May mga pagkain at inumin sa mahahabang mesa at may rounded tables para sa guests.

Hinawakan agad ni Riguel ang kamay ko at hinigit niya ako patungo sa mga naimbitahan niyang mga politiko, lawyer, judges, at kung sinu-sino pang malalaking tao sa Alegria. My duty is to smile at them and make them believe that it’s a happy day.

Mahusay akong artista kaya hindi na naging mahirap iyon.

“Enjoy the food…” sabi ko sa kanila.
“Enjoy din, Mrs. Alleje. Hindi ko alam na ganito pala ka ganda ang girlfriend ni Riguel…” sabi noong isang lawyer siguro na kaibigan ni Riguel.

Ngumiti ako sa lalaki. Hinigit agad ako ni Riguel palayo roon. Nagkatinginan kami.

“Pinapasok ko na ang mga gamit mo sa kwarto ko. Doon ka matutulog ngayong gabi…”

Hindi na ako nagsalita. This day is emotionally exhausting. Tanghali pa nga lang ay pagod na ako.

Pinaupo ako sa lamesang para sa amin ni Riguel. Nagserve na ng mga pagkain ang mga kasambahay. Si Riguel naman ay nakikipagbatian sa mga kaklase niya noong college. Nagtagal siya roon sa kanila at nakita ko kung paano siya pinagpipiyestahan ng mga babae. Nina Isabella.

Bumalik lamang siya sa tabi ko nang kailangan nang kumain.

“This is a toast to Riguel and his wife! Best wishes, Lilienne, Riguel. I hope you both find happiness in this journey. You’ve been together for years. You found each other again right now. I’m sure that means something. I’m sure that means destiny wants you together. So… again… to Mr. and Mrs. Riguel Alleje!” sabay pataas ni Basty sa kanyang inumin.

Destiny, huh? Destiny has nothing to do with all these. I was not destined here. Because if I was, I should feel that way, right?

Tumagal ang party ng ilang oras. Chikahan, inuman, kainan, kantahan, sayawan. Iyon ang mga ginawa ng lahat. Nanatili naman ako sa aking lamesa. Naroon na sina Lola at Lolo kasama ang iilang matatandang panauhin.

Paulit ulit nilang kinwento sa harapan ko kung paano nanligaw ang kani kanilang mga asawa. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti at makinig dahil wala naman akong masabi.

Hanggang sa gumabi ay nagpatuloy ang party. Tumawag na lang si Suki para mangumusta kaya iniwan ko sila para sagutin iyon.

It’s funny because I felt relieved because of her call. I feel like finally, makakawala na rin ako sa kanila. Para bang isang pasakit ang sumama roon. And it’s rude. It’s not their fault.

“Ano na?”
“Hindi pa tapos ang party. Kasalukuyan parin sa labas. Sinabi ko na kay Nana Sela na aakyat na muna ako para magbihis dahil masakit na ang paa ko.”
“Si Riguel?”
“He partied with his friends.”
“He didn’t care about you?”

Halos matawa ako sa tanong na iyon. Nakalimutan ba ni Suki ang lahat ng sinabi ko.

“I told you, Suki. How can he care about me when all these aren’t real?”

Binisita ko ang aking kwarto. Nakita kong wala na nga ang gamit ko roon. Lumabas ako at dumiretso sa kwarto ni Riguel.

Binuksan ko iyon at nagulat ko na kasing laki iyon ng aming master’s bedroom. Complete with sofa, flatscreen, a little study, speakers, and a king size bed! May terrace pang bukas na bukas.

Hinipan ng hangin galing sa plantation ang kurtina. Sinarado ko iyon para hindi na pumasok ang lamig.

I put the phone on speaker mode as I removed my shoes.

“But… he must care for you still. You’ve been together before.”
“You probably forgot. We weren’t even an item. Pinagpilitan ko lang ang sarili ko noon.”
“Oh, Liliennne! Alam mo ba kung kailan ang balik n’yong Maynila?”
“Hindi pa…”
“Sige. Bibisitahin kita riyan soon. I can feel your depression in your voice.”
“Ayos lang ako, Suki. Ngayon lang ito. I kind of hated this day. I’m not usually like this.”
“I’ve seen you depressed in L.A., New York, and almost everywhere in the U.S. I know how you sound like when you are. You definitely sound like this.”
“That was different. I lost my family, Suki. Syempre, magiging depressed ako. Ngayon, I’m just probably homesick.”

Naghubad ako at mabilisang nagbihis ng pangtulog. Kinuha ko iyong mga pinamiling pantulog ni Suki sa akin. I wore the silky lavender shorts and it’s lingerie. I hope Riguel party’s all night. The bed is big. We won’t even touch, I’m sure.

Humiga na ako at nilagay ang cellphone sa tainga pagkatapos pinatay ang loud speaker.

“To be homesick in your own home. That’s ridiculous.”
Ngumiti ako. “Ngayon ko lang napagtanto… It’s the people you love… that’s your home. Wala na sila, Suki. Kaya wala na rin dito ang home ko.”
“Lili…”

Sa sobrang pagod yata ay nakatulog na lang ako. Ni hindi ko man lang napatay ang tawag ni Suki. Hindi ako nakapagpaalam.

Nalaman ko iyon nang napadilat ako dahil sa isang kaluskos.

It’s dark in our room and I can see Riguel’s reflection. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi.

I can smell him from here. His scent is mixed with mint and alcohol. Nagtatanggal yata siya ng sapatos. Nakaupo siya sa kama at nakatalikod sa akin.

He’s topless now. Pagkatapos magtanggal ay tumayo siya at nagtanggal na rin ng pantalon. Pumikit ako ng bahagya hanggang sa naramdaman ko ang pagkawala ng unan sa gilid ng kamay ko.

Dumilat ako at nakita siyang umalis.

He’s not sleeping here. I don’t know why but it made my heart heavy.

Bakit nga ba ulit ako pumayag sa kasunduang ito? Kailangan kong maalala. Fuck…

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tags :

Comments are closed.